Hinahanap-hanap Kita ☑️

By Yaoistorywriter

30.2K 2.2K 157

Jeff's dream is no ordinary dream. It has three doors -- the Door of Losts, the Outside Door, and the Door of... More

Pre
1 - Punching Bag
2 - Chismoso
3 - Special
4 - Resbak
5 - Draft
6 - Butones
7 - Boso
8 - Standards
9 - Pamilyar
10 - Ashes
11 - Lost
12 - Crossover
13 - Sorry
14 - Something
15 - Condition
16 - Gago
17 - Pintuan
18 - Pain
19 - Gift
20 - Espirito
21 - Hindi
22 - Sugat
23 - Pagkatao
25 - Estranghero
26 - Regain
27 - Heart
28 - Same
Post
Side story

24 - Liwanag

560 52 2
By Yaoistorywriter

-KYLE-

LAND OF DREAMS

Kailangan kong mapigilan. Kailangan ko silang pigilan sa kung ano mang binabalak nila. I can't just stand still here.

Dapat may gawin ako.

"Nakikiusap ako, Dream Dragon. Maaari nyo po ba akong tulungang iligtas ang mahal ko?" Tanong ko sa harap ng malaking estatwa ng Alhuego of the Dream Dragon.

Alam kong sa mga pagkakataong ito, kakailanganin ko ang tulong niya. Kahit alam kong hindi nya ako naririnig, matutulungan at matutulungan nya ako sa kahit anong paraan.

"Kailangan ko pong mapigilan ang supremo. Hindi sya pwedeng magwagi sa binabalak nya. Hindi siya pwedeng maging alhuego. Mapapahamak ang buong dimensyon ng kapanaginipan," sabi ko pa.

Nakita kong nagliwanag ang buong imahe ng Dream Dragon. Tila naririnig at naiintindihan nito ang hinihiling ko. Sana, ito na ang kanyang tugon para matulungan niya ako.

Nagdududa ako sa sarili ko. Baka hindi ko kayanin. Masyadong malakas ang kapangyarihan ng supremo para harapin ko siya mag-isa.

"Hindi pwede ang ganyang mindset, pri." Rinig kong sabi ng isang bata at lumapit ito sa akin.

Si Jacob. Siya ang batang tagabantay rito sa teritoryo ng Dream Dragon.

"Magtiwala ka sa sarili mo. Dahil ikaw mismo..." Sabi niya, at unti-unti siyang lumapit sa akin.

"...ikaw mismo ang Dream Dragon. Ang ginagawa mo ngayon ay humihingi ka ng tulong sa sarili mo. Maniwala ka man sa akin o hindi, ikaw si Farjusan. At tanging ikaw lamang ang makakapagligtas sa kabiyak mo." Sabi pa niya.

Ako. Ako nga talaga. I knew it. I knew it.

Matagal ko nang alam.

"A-alam kong ako. Pero bakit ganito? Paano kung hindi ko kayanin?" Tanong ko.

"Kakayanin mo. Habang nananaig ang pagmamahal mo sa kanya, at malaman niya na ikaw ang kanyang kabiyak -- babalik ka sa tunay mong anyo at lalakas ang iyong kapangyarihan. Babalik ka dito, Farjusan. Ikaw na ang mamumuno dito sa Land of Dreams." Sabi pa niya.

"A-ako? Babalik ako rito? Anong ibig mong sabihin, mawawala ba ako sa reyalidad?" I asked.

"Mawawala ang espirito mo sa katawan ng taong 'yan at babalik ka sa tunay mong anyo, Farjusan. Mananatili sa reyalidad ang katawan ni Kyle, at babalik sa kanya ang kaluluwang tinanggal mo noon."

Napapikit ako. Ito na nga pinakakinatatakutan ko. Isa sa pinakapinagsisisihan ko -- ang nagnakaw ako ng pisikal na katawan sa reyalidad.

Ngunit mas nangingibabaw ang kagustuhan kong mailigtas si Jeff. Kailangan ko siyang mailigtas hangga't maaari.

"A-ano bang una kong dapat gawin?" Tanong ko kay Jacob.

Tumingin siya sa akin, "Bumalik ka sa panaginip mo. Ipaalam mo kay Jeff na ikaw ang kanyang soulmate. Kapag nalaman na niya, babalik ang lahat ng kapangyarihan meron ka at magagawa mo na ring kontrahin ang lahat ng binabalak ng supremo." Sabi niya.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay wala na akong sinayang na oras pa. Pumunta ako sa aking panaginip at hinanap ang tatlong pintuan. When I saw the Door of Soulmates, hindi na ako nagdalawang-isip pa na pumasok dito.

Matagal ko nang gustong pumasok sa pintuang ito. Ngunit dahil sa paghihintay kong may bibisita sa akin dito sa panaginip ko ay hindi ko magawa. Hindi ako basta-basta pwedeng pumasok lalo na't baka magkamali ako ng taong mapili.

I am expecting to see Jeff inside my Door of Soulmates. Pero hindi siya ang nakita ko. Kundi isang babae.

A completely strange woman.

Sino 'to?

"Sa wakas, dumating ka na rin!" Sabi ng babae at niyakap ako.

"Sabihin mo lang sa akin kung nasaan ka sa reyalidad, hahanapin kita. Soulmate tayo, 'diba?" Sabi pa nya.

Hindi ako makapagsalita. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ibang tao ang aking nakita sa Door of Soulmates.

"S-sino ka?" I asked her.

Ngumiti naman siya, "Ano ka ba? Ako 'to! Soulmate mo! 'Diba? Palagi kaya kitang nakikita sa Door of Soulmates ko kaya lang hindi ka naman nagsasalita. Ngayon, sa wakas, ikaw naman ang bumisita sa akin. Masaya ako na isang gwapong katulad mo ang naging soulmate ko!" Sabi pa niya.

Napahakbang ako pabalik. Hindi maaari. Hindi siya ang aking kabiyak.

Kundi si Jeff.

"Si Jeff dapat ang nandito, hindi ikaw." Sabi ko sa babae at lumabas na ako.

Kailangan ko nang gumising. I have to see Jeff. I have to tell him everything.

~*~

-JEFF-

REALITY

"Huy guys ha. Salamat talaga sa lahat," sabi ko kina Spencer at nginitian ko sila.

Inirapan ako ni Erika, "Hay nako Jeff! Huwag ka ngang ganyan! Para kang namamaalam, as in. May mangyayari bang masama? Ha? Mamamatay ka na ba bukas?" Sabi.

"Grabe naman sa mamamatay," sabi ni Lyca.

"Eh kasi eh, naiinis kasi ako ganyan. Wag kang magsalita ng ganyan Jeff, please. Ang nega ng vibes. Masyadong nakakalungkot para isipin." Dagdag pa ni Erika.

I just chuckled, "Well, alam nyo 'yun. Naghahanda lang ako. Hindi naman natin alam kung anong mangyayari sa future, 'diba? Malay mo nga bigla na lang akong mawala o mamatay bukas." Sabi ko pa.

Inakbayan ako ni Spencer, "Jeff, that will never, ever happen. Ilang sem na tayong magkakasama, ngayon ka lang nagdrama ng ganito." Sabi nya.

"Hindi ka pa mamamatay bukas, ok? Wag kang oa mag-isip. Ililibre mo pa nga kami eh," sabi naman ni Ian.

"Ahh basta, kahit anong mangyari, wag nyo akong kakalimutan, ha? Kahit anong mangyari, guys. Just tell me." Sabi ko sa kanila.

Napabuntong hininga si Erika.

"Ok, fine. Jeff, kahit anong mangyari, hindi ka namin makakalimutan. Kahit mabagok ako, magkasakit, magka-amnesia -- hinding hindi ko makakalimutan ang chaka mong pagmumukha." Sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Oo nga. Sa sobrang chaka mo paano ka mawawala sa utak namin? Nakaukit na 'yan sa braincells namin, Jeff." Sabi naman ni Lyca at nagtawanan sila.

I looked at Gab. Nakaakbay sa kanya si Ian. Well, I'm glad na somehow nagkakaroon na ng deep connection sa pagitan nilang dalawa. Napatingin naman ako kay Erika at Lyca. Sila talaga ang unang-una kong naging kaibigan simula nang tumuntong ako ng kolehiyo. Si Spencer naman, ayan single pa rin hanggang ngayon. Alam ko bet niya si Lyca eh. Ewan ko kung duma-damoves na sya.

I looked at them. They are so happy. At masaya ako na nakikita ko silang masaya. Paano kaya kapag may nangyari sa akin? Magiging masaya pa rin kaya sila?

"Thank you for being happy with me, guys." Sabi ko sa kanila at ngumiti ako.

Erika looked at me, her eyebrows raised in confusion. "Thank you? Sino ka?" Sabi niya.

I chuckled. "Ano ba kayo? Ganda-ganda ng pasasalamat ko. Hindi naman ako namamaalam talaga. I'm just thanking you for being happy with me." Sabi ko sa kanila.

Nagkatinginan silang lima. Confusion is written in their faces. Napairap ako. Ang lalakas ng trip nila, promise.

"I'm really sorry but, anong institution ka, kuya? I think you got the wrong company" sabi ni Lyca.

"Baka akala nya tropapits nya tayo, haha!" Sabi naman ni Ian at tumawa sya.

"Wag ka ngang bastos, Ian! Baka may reason sya," sabi ni Erika at ibinalik niya ang tingin nya sa akin.

"Pasensya na pero baka nagkakamali ka lang ng nasamahan?" Sabi nya.

"Hay nako, tigilan nyo ako guys! Hindi na ako natutuwa sa joke nyo. Ako si Jeff, ok? Ako ang bokalista ng Everblue!" Sigaw ko sa kanila.

Narinig kong tumawa sina Spencer at Ian. They are laughing hard.

"Bokalista? Ang taas ng pangarap mo bata. Tunay na lalaki ang bokalista ng Everblue, hindi bakla! HAHAHA!" Sabi ni Spencer.

Parang bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Sa sinasabi nila, parang nakalimutan na talaga nila ako. Parang kanina lang.

Tawagin nyo na akong immature pero hindi na ako natutuwa sa biro nila. Parang gusto kong magtampo.

I heaved a sigh. "Hindi na kayo nakakatuwa, guys." Sabi ko in a mere disappointed tune.

"Hindi rin kami natutuwa sa'yo. Tara na guys. Baka taga ibang school siya at napadayo lang dito." Sabi ni Ian at tumayo na sila. Niligpit na nila ang mga gamit nila at iniwanan na nila akong mag-isa dito.

Wow ha, ang lalakas nilang mang-asar. Grabe. Ngayon lang nila 'to ginawa sa akin. Pag sila lumapit-lapit sa akin hindi ko talaga sila papansinin. Nakakatampo sila. Gusto kong maiyak. Nakakainis.

Lalo na dun sa sinabi ni Spencer. Ang taas daw ng pangarap kong maging myembro ng Everblue.

Hayyst. Nakakainis, naiiyak ako.

"Huwag kang maiyak, soulmate. Walang Jeff na nage-exist sa memory nila." Sabi ng isang lalaki.

Napatingin ako sa lalaking tumabi sa akin. Si Van. A smirk is written on his face.

"Tapos na ang isang araw. At hindi ka sumunod sa usapan. Ngayon, kailangan mong magbayad." Sabi pa niya.

No, hindi pwede. Hindi 'to maaari.

"A-anong ginawa mo sa mga kaibigan ko?" Tanong ko sa kanya.

He sigh. "Well, wala naman akong masyadong ginawa. Kinuha ko lang ang unconscious body nila. Dinala ko sa Laaaand of Dreaaams." Sabi niya.

Hindi ako makapagsalita. I closed my fist. Hindi ko makontrol ang sarili ko. Gusto kong manakit at manapak.

"Oh, susuntukin mo ako? Go ahead, soulmate. Mahal naman kita," sabi nya at kinindatan niya ako.

"Ibalik mo sila. Ibalik mo ang mga kaibigan ko!" Sabi ko sa kanya.

A tear fell from my eye. Sobrang nasasaktan ako. Hindi ko kayang mawala ang mga kaibigan ko nang dahil sa akin.

"Kung gusto mo silang iligtas, sumama ka sa akin. I'll give you not one, not two, but three options to decide. Oh 'diba, ang daming choices. Ang swerte mo nga eh." Sabi niya at bigla na lang siyang naglaho sa paningin ko.

Naramdaman kong parang umiikot at nagbabago ang paligid. Everything is fading -- nagkakapira-piraso, nadudurog, natutunaw.

Hanggang sa tuluyan nang magbago ang lugar kung nasaan ako.

LAND OF DREAMS


Nandito ako ngayon sa loob ng isang kweba na tila nag-aapoy ang paligid.

At hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Sa harapan ko ay may mga nakalutang na malalaking bola ng apoy. Sa isang bola ng apoy ay nakita kong magkakasama sina Spencer, Ian, Gab, Erika at Lyca sa loob. Nakalutang sila at walang kamalay-malay. At sa isa pang bola ng apoy na nakalutang ay nakita ko si mama at papa na wala ring malay.

No. No. Hindi pwede. Kailangan nilang makaalis dito.

Kailangan ko silang mailigtas!

"Ang buong mundo ng kapanaginipan ay isang malaking dimensyon ng misteryo. Maraming tao ang naliligaw, maraming kaluluwa ang namamatay, maraming buhay ang nakikitil dahil sa bangungot, at maraming mortal ang napaparusahan dahil sa paglabag sa utos ng alhuego. Walang ibang hari ang dimensyong ito kundi ako. Dahil ako ang Alhuego ng Kapanaginipan." Sabi ng tila boses ng isang demonyo.

Nakita ko ang isang napakalaking anino ng demonyo. Napakalaki nito to the point na kaya nitong balutin ang buong lugar.

"At ikaw na bata ka, ako na mismo ang nagbibigay sa'yo ng kabiyak, ayaw mo pa? Anong tingin mo sa sarili mo, espesyal? Sino ka sa tingin mo para lumabag sa utos ko?" Sabi nong malaking anino.

Napapikit ako.

"I-ibalik mo sila sa reyalidad, nakikiusap ako. Huwag mo nang idamay ang mga magulang at kaibigan ko. Pakiusap," sabi ko at unti-unti ay lumuhod ako.

Hindi ko kinakaya ang nakikita ko. Gusto kong gawin ang lahat para lang maligtas sila.

"Napakadali lang naman, bata. Para mailigtas sila, kailangan mo lang sumama sa amin. Ganon lang kadali," sabi nong demonyong anino at inalok nito ang kanyang kamay sa akin.

"H-hindi pwede. Bigyan nyo ako ng ibang kundisyon. Huwag lang ang pagsama sa inyo." Matigas kong sabi.

"Madali naman akong kausap. Ikalawang kundisyon, ialay mo ang kaluluwa mo sa akin. Gagawin kitang alipin. Madali lang naman ang mga iuutos ko. Hindi kita pahihirapan," sabi nito.

Napailing ako. Hindi ko kaya. Mas gugustuhin ko na lang ipalit ang sarili kong buhay para maligtas ang mga kaibigan at magulang ko. Hindi ko kakayaning umilalim sa kamay nila.

"H-hindi ba pwedeng patayin nyo na lang ako? Buhay ko na lang ang kapalit! Huwag nyo na akong pahirapan, nakikiusap ako!" Sigaw ko.

"Maaari naman. Ikukulong na lang kita sa iba pang dimensyon. Para hindi ka na ngumawa diyan." Sabi ng demonyo at unti-unti ay lumutang ako sa ere.

"JEFF! NOOO!" sigaw ng isang lalaki. Hinanap ko kung saan ito nanggagaling at nakita ko si Van na nakakulong sa isang kulungang tila gawa sa asul na apoy.

"Huwag kang sasama, hintayin mo ako!" Sigaw niya.

Iniiwas ko na ang tingin sa kanya at binalik ko ang tingin ko sa mga magulang at kaibigan ko. Wala silang kamalay-malay sa mga nangyayari. Gusto ko silang iligtas. Hindi ko kinakaya na nakikita silang nagdurusa.

"Upang tuluyan nang mawalan ng kabiyak si Farjusan, ikinukulong kita sa dimenyong aking nilikha gamit ang aking kapangyarihan!" Sigaw ng demonyo.

"S-siguraduhin mong ililigtas mo sila kapag nagawa mo na ang gusto mo sa akin! Pakawalan mo na sila!" Sigaw ko.

Nakita kong unti-unti nang nawala ang bola ng apoy kung nasaan ang mga magulang at kaibigan ko. Hanggang sa bumagsak na sa lupa ang mga katawan nila. Napapikit ako. Ang sakit sakit sa puso na makita ang nangyayari sa kanila.

"Kagaya nga ng sinabi ko, madali akong kausap." Sabi ng demonyo at unti-unti, nagliwanag ang buong paligid.

Nakasisilaw ito, hanggang sa hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari.

---

Continue Reading

You'll Also Like

8.3K 461 75
DISCLAIMER: This novel is not related to I'm in Love with Mr. Kimchi in anyway. It has been more than a year since Xean and Lucas ended their seven...
Rain.Boys By Adamant

Teen Fiction

399K 13.6K 56
[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sa...
758 56 44
Kcin was a photo journalist ng kanilang school publication called Pluma. He was assign on the field to capture anything na interested para mailagay s...
11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...