Hinahanap-hanap Kita ☑️

By Yaoistorywriter

30.2K 2.2K 157

Jeff's dream is no ordinary dream. It has three doors -- the Door of Losts, the Outside Door, and the Door of... More

Pre
1 - Punching Bag
2 - Chismoso
3 - Special
4 - Resbak
5 - Draft
6 - Butones
7 - Boso
8 - Standards
9 - Pamilyar
10 - Ashes
11 - Lost
12 - Crossover
13 - Sorry
14 - Something
15 - Condition
16 - Gago
17 - Pintuan
19 - Gift
20 - Espirito
21 - Hindi
22 - Sugat
23 - Pagkatao
24 - Liwanag
25 - Estranghero
26 - Regain
27 - Heart
28 - Same
Post
Side story

18 - Pain

659 63 5
By Yaoistorywriter


-GAB-

Ilang araw na rin ang nakalipas at ngayon nga ay final day na ng laban nina Jeff. They will be competing for the Best Band title later tonight. They will be performing 4 songs and Jeff, the vocalist, couldn't hold his excitement. Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya sa ginagawa niya. Sana lahat.

Ilang linggo na rin ako iwas ng iwas sa kanya. Kay Ian. Wala lang, tingin ko lang dapat akong umiwas. Kapag kasi hindi ko ginawa, baka mahalata niya ako. Edi patay na.

"Gab!" Tawag sa akin ni Jeff at nilapitan nya ako. Nakasuot na siya ng uniform nila as Everblue.

"Oh?" I asked.

"Lagot ka kay Ian, nagsumbong sa amin haha!" Sabi niya at tumawa siya.

"Anong nagsumbong?"

"Hindi mo daw siya pinapansin. Nagtatampo. Aluin mo uy! Krass mo 'yun eh, yiiieee!" Sabi niya.

Napaiwas ako ng tingin. Lintik na 'yan. Nahalata na nga amputa.

"Anong gagawin ko, Jeff?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Suddenly, his eyes turned serious as well at inakbayan niya ako.

"Apologize. Sabihin mo sa kanya na hindi mo alam na hindi mo na pala siya napapansin."

"Not that, Jeff. I mean, dito sa nararamdaman ko. Ano bang dapat kong gawin? At isa pa, kapag sinabi ko sa kanya 'yang sinabi mo, baka hindi siya maniwala. Tsaka parang ang lame naman na dahilan nun." Sabi ko sa kanya.

"Alam mo Gab, kung gusto mo siya edi sabihin mo. Napakadali lang e,"

"Jeff, hindi madaling umamin ng nararamdaman."

"Sabi ko nga, hehe" sabi niya then he laughed awkwardly, "Joke lang. Pero kung gusto mo talaga siya pero ayaw mong umamin, aba eh nasasa'yo kung anong dapat mong gawin. Kung iiwasan mo siya dahil natatakot kang magtake ng risk, edi ikaw. Ganyan talaga sa love, Gab. Napakakorni, 'diba? But I will tell you this. Confession is the key. Kung mahirap umamin, mas mahirap magbura ng nararamdaman. Depende sa'yo kung anong mas gusto mo or mas madaling gawin para sa'yo."

Sabi ni Jeff. Binigyan niya ako ng isang tapik sa balikat.

"Una na ako. Nood ka na, dami nang tao oh," sabi niya at umalis na siya.

Napatingin ako sa likuran ko. Naka-set na ang stage at sobrang dami na rin ng tao. Napabalik ang tingin ko sa ganda ng dagat.

Confession is the key.

Should I just confess? Or forget about this damn feeling for him?

Tanginang 'yan. Bat pa kasi ako nahulog puta. Bakit kasi sa kanya pa? Ang dami naman diyan. Pwede naman kay Erika o Lyca. Tangina, kay Ian. Nakakagago. Nakakabakla.

Parang ang sarap umamin na lang.

"Kung gusto mo ako, dapat sinasabi mo 'di yung iiwas ka." Biglang sabi ng isang lalaki na ikinagulat ko.

Mas lalo akong nagulat nang makita ko si Ian na nandito na sa tabi ko. Hayop.

"Tingnan mo, nakatingin ka pa rin sa akin hanggang ngayon. I'm just kidding, Gab. Hindi ko lang talaga malaman kung bakit parang ang ilap mo sa akin this past few days. Sinasabi ko sa'yo, ang pag-iwas, gawain lang 'yan ng mga babae." Sabi niya.

Napahinga ako ng maluwag. Akala ko sinabi na ni Jeff. Makukutusan ko talaga 'yung batang 'yon.

"I-iwas? Hindi naman ako umiiwas. Akala mo lang 'yon pri." Sabi ko sa kanya habang pilit na iniiwas ang tingin ko sa kanya.

"Wow Gab ha, ako pa talaga. Eh kung makangiti ka nga kay Jeff wagas. Bakit hindi mo magawa sa akin? O baka hindi ka talaga umiiwas, kasi...naiilang ka? Kasi may gusto ka sakin? Teka lang, bakla ka ba pre? Gusto mo ako?" Pang-iinis niya.

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang mang-asar. Gustuhin ko mang mainis o maoffend sa sinasabi niya, wala. Kasi parang ganun na rin naman. Alangang itanggi ko pa. Straight man akong lalaki kung nagkagusto naman ako sa kanya, ano pang matatawag sa akin? Bisexual?

Hindi ba parang bakla na rin yun? Hindi eh. Magkaiba 'yon, alam ko. Kaya lang, kung sasabihin ko naman na bisexual ako, sasabihin lang ng mga 'yan bakla ako. Self defense lang na bisexual para 'di mahalata. Ganyan 'yang mga 'yan eh.

"Naku pre masama 'yan. We're besprends, ok? Besprends," sabi niya at inakbayan niya ako. Bukod pa doon ay ginulo rin niya ang buhok ko.

Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin at hindi pa rin ako nagsalita. Bahala siya kung mang-aasar siya ng mang-aasar. Mas mabuti 'yon, magkakaroon ako ng dahilan para mas lalong umiwas sa kanya.

"Kung ayon talaga ang rason kung bakit umiiwas ka sakin, dapat pala hindi ko na sinabi kina Jeff. 'Yun lang naman pala," sabi niya.

Gusto ko sana siyang tingnan kaso parang may pumipigil sa akin. Sa sinabi niya parang ok lang sa kanya 'yung idea na gusto ko siya. Tangina, nakakaasa.

"Sina Jeff na tutugtog. Hindi ka ba manonood?" Tanong niya.

Hindi ako sumagot. Bahala siya diyan. Hindi na rin siya nagsalita pa at umalis na sya.

I sigh.

Naku pre, masama 'yan. We're besprends, ok? Besprends.

Oo na, oo na. Paulit-ulit? Sirang cd? Sirang cd? Tanginang 'yan. Kung ayaw niya sa idea na 'yun pwede namang sabihin na lang niyang 'di nya ako type kasi parehas kaming lalaki at may lawit. 'Di 'yung sasabihin pa niyang we're besprends. Mas lalong nakakasakit eh.

For the nth time, I took a deep sigh. Hay naku. Batman, ikaw na bahala sa lablayp ko. Just make sure na ibibigay mo ako sa tamang tao.

Pumunta na ako sa napakaraming crowd at nakinood. Saktong turn na nina Jeff. Nang makita ko sina Lyca ay lumapit ako sa kanila.

"Sila na?" I asked.

Erika nodded, "Yep! Ang pogi ni Ark, grabe!" Sabi niya.

Naghiyawan ang mga tao nang pumasok na sina Jeff. Ang bilis nilang magprepare. Wala talaga silang sinasayang na oras sa pagse-set up. Ang galing nila.

Nang matapos na sila sa pagse-set up ay sakto namang lights on.

"Wazzup guys! Buhay pa ba kayo?" Crowd sourcing ni Jeff. Napangiti ako. He's being jolly as always.

"Good. I just wanna tell you that no matter how many or how high your dreams are, you can achieve all those when you believe in yourself. Because the root of all success is self trust. Trust yourself, love what you are doing and do not focus on so much negativity! Live life to the fullest because we only live once! Presenting to you, Justin our pianist," kumaway 'yung pianist nila na si Justin, "Huxley our bassist, Jasmine our girl guitarist, yeah girl! Kala nyo sya bokalista no?" Sabi niya at tinuro niya si Jasmine at kumaway naman ito.

"Then we also have Luigi, our lead guitarist and of course, the hottest in our group, Ark Tolentino, our drummer!" Sabi nya. Nagtilian naman ang mga babae. Lalo na si Erika. Parang gusto ko tuloy takpan ang tenga ko. Sakit sa eardrums ng tili nila eh.

"Pero siyempre, kakalimutan ko ba sarili ko? Jeff Santos nga pala, the vocalist of this band. Everblue, everyone! Bituin for the first track!"

Sabi niya at saktong start naman nilang tumugtog. Lalong lumakas ang sigawan.

---
"Sa layo ng kalawakan, ako'y nagdududa
Sa lawak nito ako'y nalulula
Mahahanap pa kaya kita?
Ikaw ba'y magpapakita?

Ang sabi mo sa akin
Ika'y aking hanapin
Ngunit magagawa ko ba
Sa layo ng agwat natin?

Nakatingin sa langit
Pinagmamasdan mga bituin --
Na tila diamante sa paningin,
At hindi kayang abutin

Sa milyun-milyon nitong bilang
Aking hinahanap, ang para sa akin
Nagbabakasakaling makikita
Iyong kinang, aking ibig."
---

The crowd is in full energy while listening to their opening country song. Maganda ang beat. Hindi loud, hindi rin pabebe. 'Yung tipong mapapasabay ka talaga kung alam mo 'yung kanta.

If Jeff himself  really composed that song, I salute him. He's a good lyricist.

Basic na basic lang sa kanya ang magperform sa unahan. Parang sanay na sanay na siya. Siguro kasi hasang-hasa na siya sa mga singing contest kaya naman he's oozing with confidence. Sama mo pa 'yung magagaling niyang bandmates. Magaling talaga ang drummer nila at guitarist. Ang cool din dahil may babae silang guitarist. Tapos may pianist din sila na wala sa ibang banda.

Ang galing nila. Puro original na kanta ang kinakanta nila. Kung makipag-usap rin si Jeff sa mga audience parang wala lang. Tropa ganon. Casual. Walang halong kaba. Nalaman na niya ang galawan dahil sa dami ng napanood niya nung elimination round. He surely did learned a lot. And that's an advantage.

Hanggang sa matapos silang magperform, confident pa rin siya. Tangina, sana all.

Sana all confident.

~*~

-JEFF-


"Ok guys, listen up. We will now announce the second runner up! They will receive a P50,000.00 cash and giveaways from our sponsors." Sabi nung emcee kaya mas lalo akong kinabahan.

Nandito kami sa stage at kasalukuyan nang ina-award ang mga nanalo. Nasa likuran ko ang mga kaibigan ko para i-cheer kami.

"The second runner up is," sabi nung emcee then pabitin onti. May pa-drum rolls pa.

"The Walkers!" Sigaw nung emcee.

Napatingin ako sa members ng The Walkers and they are jumping in happiness. Sila 'yung may babaeng mataas ang boses. Yung pinapanood ko last time na nagalingan talaga ako.

Napatingin ako sa bandmates ko.

"May two slots pa. Remember, hangga't hindi tayo natatawag, may possibility na tayo pa rin ang Best Band. Pero kung hindi talaga tayo matawag, edi waley. At least, we all did a great job. Ok?" Sabi ni manager sa amin.

Ngumiti kami. "Yes boss!" Sabay-sabay naming sabi.

"Kayo uli champs dyan! Gooo Everblue!" Sigaw ni Erika mula sa likuran ko. Tumingin ako sa kanya at nginitian ko siya.

"It's now time to announce the first runner up. They will receive a P60,000.00 cash and giveaways from our sponsors as well."

Napapikit ako. Kahit ito lang, ok na ako. Sana...sana.

"The first runner up is," pabitin nung emcee.

"Shet, eto na." Sabi ni Huxley.

"Silent Frauds!" Sigaw nung emcee.

Nagkatinginan kami ng mga bandmates ko.

"Nostalgic," sabi ni Justin.

"Oo nga. Sila rin last year," sabi naman ni Luigi.

Silent Frauds -- isa rin sa napakagaling na bandang nakalaban namin. Ang galing kumanta nung bokalista nila. Ang suwabe ng boses, lalaking lalaki. Ang gaganda rin ng kanta nila. Ang catchy ng tono at original rin ang mga pinerform nila. Walang cover song.

"Ok guys, eto na. Walang magbibigti kapag hindi tayo ang natawag ha," sabi ni Huxley. Medyo napatawa naman kami.

Umakbay kaming lahat sa isa't isa at tumungo. Wishing for our band name to be called. Kinakabahan ako. Shet na malupet. Nanginginig kamay ko, huhu.

"No breaks! We will now announce the champions! Sino sa tingin nyo ang Best Band this year?" Sigaw nung emcee to the crowd.

"Everbluueeee!"

"Creative Mind for the win!!!"

"The Dust! The Dust!" Sigaw naman ng mga tao mula sa crowd.

A lot of them are calling out for our band name. Ang sarap mag-assume pero ayokong makampante. Marami kaming magaling na nakalaban and I can't be so sure hangga't hindi sinasabi ang nanalo.

"Ok, great! The champions will be entitled as this year's Best Band for the 2020 National Intercollegiate Battle of the Bands held here in Dagupan City, Pangasinan. They will receive giveaways from our sponsors, a P90,000.00 cash, and lastly, a recording contract from Moon Music Label group! Interesting, right?" Sabi nung emcee.

Recording contract. Shet. I need that one. I need that one!

Please, please. Our band name, please.

"And that's it. The 2020 National Intercollegiate Battle of the Bands champion is..."

I held my breath. Our band name, please. Please. Please!!!

"They are unstoppable! The EVERBLUE!!!"

And that's it. Hindi ko na nagawang tumayo at magsaya. Napatungo na lang ako habang patuloy na bumabagsak ang luha mula sa mga mata ko.

Ang oa na iniyakan ko ang moment na 'to. But this, this winning moment -- will always have a special place in my heart. Sabihin nyo nang ang OA ko pero guys, pangarap kong maging singer at ang magkaroon ng kontrata sa isang music label ay dream came true para sa akin.

"Jeff, congrats sa atin!" Sabi ni Ark.

Wala na rin akong nagawa kundi tumayo. Tumalikod ako habang pinupunasan ko ang mga luha ko. Pagmulat ko ng mga mata ko ay unang bumungad sa akin ang mukha ni Kyle.

"Kyle, I made it.. We made it!" Sabi ko at napayakap ako sa kanya.

Hindi ko na napigilan, nayakap ko na siya. I just can't contain the happiness I'm feeling right now.

"J-jeff--" sabi ni Kyle pero hindi ko siya pinansin. Instead, I hugged him tighter.

"This is the best winning moment I have ever experienced." Sabi ko sa kanya.

Humiwalay na ako sa pagkakayakap ko sa kanya and...surprisingly to see, may luha ring tumutulo mula sa mga mata niya.

"K-kyle..." Sabi ko at pinunasan ko ang mga luha niya.

"W-wala to, Jeff. Don't mind me."

~*~

-VAN KEVIN-

Tingnan mo nga naman 'tong dalawang 'to kung magyakapan oh. Napaka-OA. Seeing them hugging each other makes me feel cringy. It's so gay.

Iniiwas ko na ang tingin ko sa kanila. Mabuti pang huwag ko na silang isipin.

"Kasi ako, alam mo? Oo. Palagi. Pabalik-balik ka nga eh. Paulit-ulit mo ring sinasabi sa akin sa panaginip ko na ikaw ang soulmate ko at kailangan kitang hanapin sa reality. Marahil napakashunga ko nga dahil pinaniniwalaan ko 'yon. Alam mo ba kung bakit ako nagkakaganito? Kasi hindi pa kita nakikilala sa reyalidad, nakita na agad kita sa panaginip ko. At iyon ang ipinagtataka ko hanggang ngayon. I want to tell you in my dream kung gaano kasama ang ugali mo sa reality. But I can't. Hindi ko kayang kontrolin ang panaginip ko."

"Iyon naman pala eh. Ok. Totoo pala talaga sila na nagpapakatanga lang ako all these time. Sorry ha. Nadamay ka pa sa kabaliwan ko. Akala ko kasi totoo eh. Masyado akong nadala ng panaginip ko. Ngayon ko lang din napagtanto na oo nga pala, panaginip ko lang 'yon at hindi 'yon totoo. Sorry talaga."

No, no. Hindi pwede. We are not soulmates. We can't be soulmates.

Pero kung hindi talaga kami soulmates, why this feeling? I don't care much about that damn Jeff but why this? This feeling?

This pain?

---

Continue Reading

You'll Also Like

49.3K 2K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
1M 30.1K 77
[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction...
6.1K 230 16
Belial Simons is known for being a rebel. Mahilig syang mag-cutting classes, mag-prank ng teachers and students, sometimes, naninira din sya ng schoo...
390K 11.6K 35
Their first encounter was the worst, until the second came. || Drunk Kisses (boyxboy) [Completed] Copyright © All Rights Reserved.