NO ORDINARY LOVE

Da fedejik

1.1M 20.1K 935

Dati ng crush ni Corine si Liam, isang sikat na football star player sa school nila. Pero hindi niya iyon ip... Altro

Synopsis
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11 - Part 1 of 2
Chapter 11 - Part 2 of 2
Chapter 12 - Part 1 of 2
Chapter 12 - Part 2 of 2
Chapter 13 - Part 1 of 2
Chapter 13 - Part 2 of 2
Chapter 14 - Part 1 of 2
Chapter 14 - Part 2 of 2
Chapter 15 - Part 1 of 2
Chapter 15 - Part 2 of 2
Chapter 16 - Part 1 of 2
Chapter 16 - Part 2 of 2
Chapter 17
Chapter 18 - Part 1 of 2
Chapter 18 - Part 2 of 2
Chapter 19 - Part 1 of 3
Chapter 19 - Part 2 of 3
Chapter 19 - Part 3 of 3
Chapter 20 - Part 1 of 2
Chapter 20 - Part 2 of 2
Chapter 21 - Part 1 of 4
Chapter 21 - Part 2 of 4
Chapter 21 - Part 3 of 4
Chapter 21 - Part 4 of 4
Chapter 22 - Part 1 of 2
Chapter 22 - Part 2 of 2
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26 - Part 1 of 3
Chapter 26 - Part 2 of 3
Chapter 26 - Part 3 of 3
Chapter 27 - Part 1 of 3
Chapter 27 - Part 2 of 3
Chapter 27 - Part 3 of 3
Chapter 28 - Part 1 of 3
Chapter 28 - Part 2 of 3
Chapter 28 - Part 3 of 3
Chapter 29 - Part 1 of 2
Chapter 29 - Part 2 of 2
Chapter 30
Chapter 31 - ( No Ordinary Finale )

Chapter 1

53.2K 700 21
Da fedejik

CHAPTER 1      

Hindi magkamayaw ang mga magkakaibigang Corine, Lorena at Janine papunta sa football stadium ng kanilang school para panoorin ang  laro ng kanilang mga boyfriend na mga football players.  Pero sa kanilang tatlo, si Corine lang ang wala pang boyfriend.  At hindi man niya aminin ay kakikitaan siya nang pagka-inggit sa mga kaibigan.

            “Bakit kasi wala ka pang boyfriend?”  Nakakunot pang sabi ni Lorena kay Corine.

            “Ewan ko ba, walang magkamali.”  May bahid pait pang sagot lang niya sa kaibigan.  Hindi rin niya maintindihan kung bakit walang manligaw sa kanya gayong maganda naman siya.  At kung tutuusin pa nga, siya pa ang pinakamaganda sa kanilang magkakaibigan.

            “Patirin mo na kaya si Liam.”  Si Janine na ang tinutukoy ay ang star player sa team ng kanilang mga boyfriends.

            “Okay ka lang?!”  Sinimangutan pa niya ito.  “Kung ang mga nagse-seksihang artista diyan na naghahabol sa kanya, hindi niya pinapansin, ako pa kaya?!”  Inikutan pa niya ito ng mata.

            “Well, it's just a suggestion.”  Kibit-balikat pa si Janine.  “Gusto ko lang naman magmadali ka hangga’t wala pang girlfriend si Liam.”

            “Hmp!”  Ngayon pa lang ay hopeless na siya.  Si Liam pa kaya?  Na bukod sa gwapo, ay talaga namang sikat na sikat pang football player.  At alam niyang baka panghinayangan lang ng lalaki ang reputasyon nito kung sa kanya lang pala mapupunta!  Gayon pa man, hindi niya maikakaila na may pagka-desperada na rin siya.

            “Mamaya, ipapakila kay raw ni Spike kay Liam.”  Si Lorena na ang tinutukoy ay ang nobyo nito.

            Lihim namang na-excite si Corine sa narinig. Siyempre pa, kahit alam niyang impossible ay  nandoroon pa rin ang pagkagusto niyang makilala si Liam.  Ang kanyang secret crush.  Hindi nga lang niya ipinapaalam iyon sa mga kaibigan sa takot na pagtutuksuhin siya ng mga ito lalo pa nga’t kasamahan ng mga boyfriends nito si Liam. 

            “Excited na si Corine!”  Tukso naman ni Janine nang mahalata ang pamumula ng kaibigan.

            “Puwede ba?!”  in denial lang siya.  Ayaw lang din talaga niyang ipinagsusubsuban na siya ng mga kaibigan kung kani-kanino para lang magka-boyfriend na siya.

            “Hay nako, Corine. Tigilan mo na ang pagde-deny na may gusto ka kay Liam!”  Nakasimangot pang sabi ni Janine na agad ring tumayo para salubungin ang papalapit na nobyo.

            Hindi na lamang din kumibo si Corine dahil may katotohanan naman ang sinabi nito.  Ibinaling na lang din ang paningin niya sa mga papalapit na mga nobyo ng mga kaibigan.  Muli na naman siyang nakaramdam nang pangingilag sa sobrang paglalambingan ng mga ito sa harapan niya.

            “Janky, honey…”  Nakipaghalikan pa talaga si Janine sa pawisang nobyo nito.

            “Hello, sexy…”  Ngiting-ngiti  naman si Janky sa nobya nito.

            Si Lorena naman ay ganoon din ang ginawa sa nobyo nito.  Tila sinasadya ang pagiging malapit sa nobyo para talaga inggitin siya.

            “Spike, darling. Nasaan na si Liam?”  Pasimple pang bulong nito sa nobyo na napagawi rin ang tingin kay Corine.

            “Darling, kasi…”  Alanganin ito.  “Wala raw kasing panahon si Liam e…”  Napakamot pa ito ng batok.

            “Ha?”  Alala pa siyang napatingin sa kaibigang si Corine.  Pinaasa pa naman nila ito.  “Bading yata ‘yang kaibigan mo!”  Sinimangutan pa niya ang nobyo.

            “Hindi naman,”  Pagtatanggol pa nito.  “Suplado at pihikan lang talaga.” 

            “Hay nako!  Ewan!” Lumayo pa ito sa nobyo at agad na nilapitan si Corine.

            Hindi pa man ay parang alam na ni Corine ang sasabihin ng kaibigan.

            “Um, Corine…”  Hirap si Lorena na sabihin ang sinabi ng nobyo.

            “Alam ko na,”  Pinilit namang ngumiti ni Corine kahit na nga sa totoo lang ay parang gusto niyang umiyak.  Sa pakiwari niya’y wala talagang magkakagusto sa kanya.  “Ano?  mauuna na ako sa inyo. May pupuntahan pa kayo diba?”  Pilit pa siyang nagpakaswal.

            “Sumama ka na sa amin.”  Si Janine na pilit ding bumabawi sa kaibigan.

            “Hindi na!”  Iwas naman din niya.  Sa halip ay nagkukumahog pa siyang tumayo at nagpaalam.  “Mauna na ako. May bibilhin pa kasi ako sa bookstore.”  Alanganin pa siyang ngumiti sa mga ito bago tuluyang lumayo.  Dinig na dinig niya ang panenermon ng mga kaibigan sa mga nobyo nito.  Mas gugustuhin na lamang niyang mamasyal mag-isa kaysa ang sumama sa mga kaibigan.  Ayaw rin naman niyang ma-out of place. Istorbo lang siya…

            Agad pa niyang kinuha ang kanyang bisikleta at agad na nagpidal palayo sa field.  Lutang ang utak niya sa sobrang pagka-desperada.  Gusto na rin kasi niya 'yung pakiramdam na nagmamahal at may nagmamahal.  Gusto na rin niyang maranasan ang mabigyan ng mga bulaklak at mahalikan. Ayaw na niyang magmukhang kaawa-awa pero iyon ang isang bagay na hindi mawawala sa kanya. Mukhang habang buhay siya mag-iisa dahil wala namang magkagusto sa kanya.  Gusto na niyang maniwala na siya ang may depirensya at hindi ang mga mata ng mga lalaki.

            At dahil sa panandaliang pagkawala sa sarili ay halos hindi niya napansin ang kotseng pagawi sa direksyon niya.  Huli na para mag-preno pa!

            “Aray!”  Napahiyaw pa siya nang matumba ang kanyang bisikleta!  Nahaging pa rin siya ng kotse kahit na nga nagpreno na ito.
  Sa pakiwari ata niya’y nabalian siya ng balakang!

            “Naku, miss!”  Saklolo naman kaagad ng may-ari ng kotse.  “Are you okay?  Anong nasaktan sa’yo?!”  Alala pang tanong ng lalaki na agad naman ding umalalay para tulungan siyang makatayo.

            “M-medyo…”  Napangiwi naman siya.  Ni hindi man lang niya nasusulyapan pa ang mukha ng lalaking nakabundol sa kanya.

            “I’m sorry, hindi kita napansin…”  Apologetic rin naman ang lalaki.

            “N-no… it’s my fault…”  Pag-amin din naman niya sa kasalanan niya at noon na nag-angat ng kanyang mukha para tingnan ang lalaki.  At ganoon na lang ang gulat niya nang makilala ang lalaki… si Liam!  Panandali siyang nabatu-balani sa pagkakatitig dito.

            “I’ll take you to the doctor.”  Worried pa din ito.

            “N-no…”  Natauhan rin naman siya kaagad.  Ang bilis nang pintig ng kanyang puso!  “I’ll be fine…”  Napangiwi pa siya.

            “Are you sure?”  Alaganin siya lalo pa nga’t nakita naman niyang hindi maganda ang naging bagsak ng babae.

            “Yeah…”  May kasama pang tango na sagot niya.  Hindi porke desperada siya, gagamitin na niya ang pagkakataon na iyon.  Dalagang pilipina pa rin siya!

            Noon na kumilos si Liam.  Pagkunwa’y kinuha ang bike na gamit nito.  Bahagya pa niyang sinipat ang bisikleta kung may nasira ba siya doon.  Mabuti na lang at gasgas lang din ang inabot ng bike nito at pati na rin ng kanyang kotse.

            “Gusto mo ihatid na lang kita?”  Boluntaryo pa ni Liam.

            “Hindi na!”  Mabilis namang tanggi ni Corine.  Sa halip ay agad ding kinuha ang kanyang bike sa lalaki.

            “Pero baka--”  Alanganin pa rin si Liam lalo pa nga’t tila iika-ika ang babae.

            “Okay lang ako…”  Pinilit pa niyang ngumiti kahit na nga nananakit ang kanyang balakang.  “Sorry, nagasgasan ko rin ang kotse mo. Hulug-hulugan na lang kita para sa damage.”  Nahihiya pang napatingin siya sa nagasgasang sasakyan nito.

            “It’s okay.”  Bahagya pa siyang umiling.  “Kotse lang ‘yan.  Are you sure kaya mo?”  Worried pa din siya.

            “Oo…”  Tumango siya.  Sinubukan pa niyang umakyat sa kanyang bike subalit hindi pa man ay agad na napadaing siya sa sakit ng  kanyang balakang!

            Sumaklolo naman din kaagad si Liam para alalayan siya.

            “Come on, I’ll take you home.”  Mabilis pa nitong kinuha ang bike ng babae at inilagay iyon sa compartment ng kanyang kotse.

            “Nakakahiya,”  Agad din naman siyang namula lalo pa nga’t nang-abala pa talaga siya dahil sa kanyang kapabayaan.

            “Come on,”  Inilalayan pa niya itong makapasok sa loob ng kanyang kotse. 

            At si Corine, talaga namang halos magkulay mansanas lalo pa nga’t kakaiba talaga ang dating ng lalaki sa kanya.

            Pareho lamang silang walang kibo habang nakasakay sa kotse.

            “Turn right,”  Pagbibigay pa ng direksyon ni Corine sa tahimik na lalaki.

            Subalit hindi iyon sinunod ni Liam.

            “Where are we going?”  Taka pang tanong niya sa lalaki.

            “I’ll take you to the doctor.  I want to make sure you’re fine.”  Sumulyap lang siya sa babae.

            “P-pero…”  Alanganin siya lalo pa nga’t wala naman siyang pera pampa-doctor.

            “'Wag na makulit…”  Iiling-iling lamang na sagot nito. 

           

            Hindi naman din nagtagal ay narating na nila ang pinakamalapit na hospital.  Agad rin namang may umasikasong doctor sa kanila na kakilala pa pala ni Liam.

            “Don’t worry, Liam. She’ll be fine.  Ligtas na ang girlfriend mo sa kahit na anong bali sa katawan.”  Nakangiting sabi pa ng doctor. 

            Agad namang namula si Corine lalo pa nga’t hindi naman agad na pinabulaanan ni Liam ang sinabing iyon ng doctor.

            “Thanks, ninong.”  Nahihiya pang sabi nito sa doctor.

            “Walang anuman, Liam.”  Ngiting-ngiti pa ito.  “Basta huwag mo akong kakalimutang imbitahan sa kasal ninyo ha.”  Kinindatan pa nito ang inaanak sa binyag.

            “Ang ninong talaga,”  Napakamot pa siya ng batok.  “Hindi naman kami magkakilala pa.”

            Napakunot-noo naman ang doctor.

            “Hindi mo ba girlfriend ang magandang dilag na ito?”  Nahihiya pang naitanong nito.

            “Hindi po…”  Namumula pang naisagot lang niya.  “Naaksidente ko lang po siya…”  Umiling pa siya.

            Napakamot naman ng ulo ang nakakalbo na ring doctor.

            “Akala ko’y--”  Napapailing pang tumingin ito sa nakayukong babae.  “Ano bang name mo hija?”  Usisa pa nito sa babae.

            “Corine po. Corine Villegas po.”  Nahihiya pa siyang ngumiti sa doctor.

            “Nice name, bagay sa’yo.”  Puri din naman nito.  “I’m sorry, I really thought girlfriend ka nitong si Liam.”

            Tipid lamang siyang napangiti sa sinabing iyon ng doctor at umiling din.

            “Sa susunod Liam, mag-iingat ka sa pagmamaneho ha!”  May himig panenermon pang sabi ng doctor sa inaanak.

            “Opo.”  Napayuko rin naman si Liam.

            Bahagya lamang silang natigilan nang may tumawag na nurse sa doctor.

            “Doc Manigo, needed po kayo sa ER…”  Sabi pa ng nurse.

            “I’ll be right there.”  Maikling sagot naman nito at wari ay binalingan ang dalawa.  “I have to go now.  Take care Liam, okay?  Ingat na next time ha?”  Mahigpit pang bilin nito. 

            “Opo, ninong. Thank you.”  Tinanguan pa niya ang doctor.

            “Ms. Corine, magpagaling ka okay?  Inumin mo lang 'yang mga gamot na ibinigay ko sa'yo for your fast recovery.”  Baling pa nito sa babae.

            “Opo, thank you po.”  Nahihiya namang sagot lang niya.

            “Sige, needed na ako sa ER!  Liam, ingat ha!”  Muli ay bilin nito bago nagmamadaling umalis na nga papunta sa Emergency Room.

            At napag-iwanan na ngang nagsosolo ang dalawa.

            “Uwi na tayo.”  Kayag pa ni Corine sa lalaki.

            “Sige…”  Tumango rin naman siya dito at agad naman ding inalalayan ang babae na maglakad papunta sa parking area.

            “Salamat ha.”  Sabi pa ni Corine bago pa man paandarin nito ang kotse nito.

            “Okay lang,”  Tipid namang sagot lang ni Liam. 

            Hindi rin naman nagtagal ay narating din nila ang bahay nila Corine.  Hindi rin naman iyon kalayuan sa school.  At as usual, inalalayan niya ang babae na makalabas ng kanyang sasakyan.  Agad din niyang inilabas sa kanyang compartment ang bike nito.

            “Mag-merienda ka muna.”  Imbita pa ni Corine sa lalaki.

            “Hindi na,”  Matabang namang tanggi ni Liam dito.  “Medyo pagod din ako and I really want to go home.” 

            “Ah…”  Agad naman din siyang nakaramdam nang hiya dito lalo pa nga’t naabala ito nang husto dahil sa katangahan niya.  “Pasensya ka na at thank you ulit.”  Alanganin pang nasabi na lang niya.

            “Okay lang,”  At agad na rin itong pumasok sa sasakyan nito.  “Magpagaling ka… bye!” 

            “Bye…”  Inihatid na nga niya nang tingin ang lalaki.

            Alam niyang hanggang doon lang ang pag-uusap nila ng lalaki lalo pa nga’t hindi naman nag-abala pa itong tanungin ang pangalan niya at ipakilala ang sarili nito.

********

I HOPE MAGUSTUHAN NYO PO TALAGA ITO... :) PALAWAKIN NA IMAGINATION GUYS HAHA GWAPO NAMAN KASI NI WILLIAM SA NEW SOAP NYA... KATAON BUMAGAY 'TO SA KANYA HEHE 

Continua a leggere

Ti piacerà anche

15.1M 110K 64
Eugenio Carlos or Gin is perfect. He is tall, handsome and he has money. He is the only son of Governor De Villa. And not to add he will inherit th...
303K 21.1K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
408K 7.4K 106
This is a compilation of the best love stories that I wrote for the past two years of my life. Hope you guys enjoy reading my stories. ^^
98.3K 3.4K 41
“Sabi nila, ang kalayaan daw ay katumbas ng kasiyahan. Ngunit paano kung matagpuan mo ang kasiyahan sa isang sitwasyong hindi ka malaya? Pipiliin mo...