SCANDAL MAKERS

By maricardizonwrites

479K 16.5K 677

Dalawang dekada na sa show business si Alice De Dios. Hindi man halata sa kaniyang pisikal na hitsura ay mala... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52

Part 46

7.9K 322 35
By maricardizonwrites


NAGISING si Alice kinabukasan sa malakas na tunog ng nag-ri-ring na telepono. Napabangon siya dahil nang luminaw ang isip niya ay maalala niya na nangako si Aki na tatawagan siya nito kapag nasa New York na ang binata. Bumangon siya at nagtungo sa living room kung nasaan ang telepono na hindi tumitigil sa pagtunog. Huminga siya ng malalim at tumikhim bago sinagot ang phone. Kabado pa siya na marinig ang boses ni Aki. Subalit hindi tinig ng binata ang nasa kabilang linya.

"Miss Alice De Dios, I am a reporter from Pep.ph, may we have an interview with you?" tanong ng babae sa kabilang linya.

Parang napaso na nailayo ni Alice ang awditibo sa tainga niya bago nahamig ang sarili at naipaalala sa sarili na hindi siya puwedeng maging bastos sa isang reporter. "I'm sorry I can't. Bye," aniya at maingat na ibinaba ang telepono.

Ilang segundo pa lang ay tumunog na iyon uli. Napabungong hininga siya at sa pagkakataong iyon ay prepared na siya nang sagutin iyon. "Miss Alice De Dios? I am from Spot.ph, may we have –"

"I'm sorry," putol ni Alice sa sasabihin pa ng lalaki sa kabilang linya at ibinaba ang telepono. Tumunog na naman iyon at tumiim ang mga bagang niya bago hinatak ang linya ng telepono upang mamatay iyon. Tumahimik sa unit niya. Nang isang minuto lang. Dahil ang sumunod naman na tumunog ay ang cellphone niya.

Mariin siyang napapikit bago naglakad pabalik sa kaniyang silid upang tingnan kung sino ang tumatawag. Si Tita Bebs. Napasalampak ng upo sa gilid ng kama si Alice bago iyon kabadong sinagot. "Tita Bebs," nanghihinang bati niya.

Ilang segundong tahimik sa kabilang linya bago niya narinig ang marahas na buntong hininga ng may-edad na babae. "Hay naku, sige na nga hindi na muna kita sesermunan. Alam ko na masakit para sa iyo ang nangyayari ngayon. Huwag ka muna lalabas sa unit mo at parang mga pirana na nakakita ng lalapain ang media ngayon. Kung gusto mong malaman kung gaano katinding gulo ang ginawa ng lalaking iyon sa career mo, subukan mong manood ng telebisyon at magbasa ng mga artikulo sa showbiz news websites."

Napayuko si Alice. "Sa totoo lang tita, hindi ang career ko ang mas nasasaktan sa nangyayari ngayon," usal niya. Mas matindi ang sakit na parang may dumudurog sa puso niya kaysa sa eskandalong kinasasangkutan niya ngayon.

Pumalatak si Tita Bebs. "Alam ko. Naririnig ko sa boses mo. Anyway, tungkol sa launching ng photo collection mo, pagkatapos ng mga nangyari nagdesisyon ang FHM na hindi na iyon gawing charity event. Katunayan ay tumawag sila sa akin para sabihing postponed ang launching."

Nakagat niya ang ibabang labi at tumango kahit hindi siya nakikita ng manager niya. "Naiintindihan ko."

"Pero ang press conference sa katapusan ng buwan para sa teleserye mo ay hindi puwedeng i-postphone. Kailangan mo dumalo roon kaya ihanda mo na ang sarili mo sa mga tanong ng media. Pero sa ngayon ay magpahinga ka lang diyan at iwasan lumabas ng bahay. Dadalawin kita kapag nagka-oras ako," patuloy ni Tita Bebs.

"Okay," tanging nausal ni Alice dahil para na naman siyang nahihilo at nasusuka. Napahawak siya sa bibig niya at huminga ng malalim. "Bye, Tita Bebs," halos bulong lamang na paalam niya bago niya pinutol ang tawag at patagilid na humiga sa kama. Hindi pa siya nakaramdam ng ganoong klase ng stress sa buong buhay niya at mukhang hindi iyon kinakaya ng sikmura niya.

"No, I'm stronger than this," usal niya at dahan-dahang bumangon. Huminga siya ng malalim at tumayo. Nagtungo siya sa banyo at mabilis na nag-shower upang pawiin ang pag-uulap ng utak niya. Nang makapagbihis ay nagdesisyon siyang maglinis at mag-ayos ng buong bahay upang umayos ang mood niya. Dahil siya si Alice De Dios. Hindi siya basta malulugmok sa depression dahil lang sa eksandalo at lalong dahil sa isang lalaki. Kahit pa mahal na mahal niya ang lalaking iyon.

Kaya matapos isuot ang working clothes niya na maluwag na t-shirt at shorts ay nagsimula siyang mag vacuum ng sahig at magpunas at maglipat ng puwesto ng mga muwebles. Noong una ay magpapatugtog sana si Alice ng mga paborito niyang awitin. Subalit nang maalala kung sino ang gumawa ng mga kantang iyon ay nagbago ang isip niya. Ngayon ay gagawin niya ang kaniyang therapy na tahimik. Pagkatapos ng living room ay ang master's bedroom naman ang nilinis niya. Maging ang dressing room niya na maayos naman ay kinutingting niya at binago ang mga puwesto ng laman niyon. Hindi pa rin siya nakuntento pagkatapos niyon kaya nag-scrub naman siya ng bathtub, toilet at buong banyo. Walang pagitan ng tiles ang hindi niya sinigurong maputi.

Nagkukuskos na siya ng mga kaldero na hindi naman talaga marumi sa kusina nang mapagtanto niya na kalmado na siya. Napabuntong hininga siya sa relief. "See? I'm okay," usal niya sa sarili.

At para patunayan sa sarili na okay na siya, na hindi na siya depressed at matalas na ang isip niya, na bumalik na siya sa dating confident na si Alice De Dios, ay malakas na ang loob niyang nagbukas siya ng telebisyon pagkatapos niyang maglinis sa kusina. Pero dahil tanghali na ay wala ng news report sa kahit anong local channel. Papatayin na sana niya iyon uli nang mailipat niya sa isang cable channel ang telebisyon. Napunta sa isang Hollywood entertainment news. At tungkol kay Veronica ang binabalita ng host.

"There has been rumour going around that the singer Veronica is suffering from depression when she suddenly cancelled all her guestings and concerts since her boyfriend Aki Kennedy, the Grammy Award Hallfamer composer and songwriter, vanished from the spotlight. There has been speculation that the two ended their years of relationship and it was the reason why Kennedy fled New York. Until people saw them together again in a restaurant in Manhattan just a few hours ago. Looks like the young couple is still together and sweeter to each other than before."

Nanginginig ang kamay na pinatay ni Alice ang telebisyon. Nanghihina ang mga tuhod na napasalampak siya ng upo sa sofa at binitawan ang remote control. Pinagsalikop niya ang mga kamay dahil nanginginig pa rin ang mga iyon. Naramdaman niya ang pagkadurog ng kaniyang puso. Kahit sa Amerika tungkol kina Veronica at Aki ang balita. At sa mundo ng Hollywood, ang isang Alice De Dios ay hindi kasing importante ng dalawa. Worst, kung siya nga napanood ang palabas na iyon malamang maging ang mga reporter na naghahabol sa kaniya. Ngayon ay iisipin ng lahat na isa lamang siyang vacation fling para kay Aki Kennedy. Na nakipagrelasyon si Alice De Dios sa isang lalaking committed na sa iba at mas bata pa sa kaniya ng pitong taon. Dahil sa totoo lang unti-unti niyang naiisip na baka ganoon nga lang siya para sa binata.

"Urgh, na-de-depress na naman ako. Anong gagawin ko wala na akong lilinisin," frustrated na bulalas ni Alice.

Napaigtad siya sa pagkabigla nang tumunog ang doorbell niya. Kumunot ang noo niya. Nakarating na ba hanggang sa tapat ng unit niya ang makukulit na reporter? Dapat na ba siyang tumawag ng security?

"Alice!"

Umawang ang mga labi niya at napatayo nang marinig ang boses ni Coleen mula sa labas ng pinto. Oo nga pala. Sabi nga pala ng babae kagabi ay pupuntahan siya nito. Agad na lumapit si Alice sa pinto at binuksan iyon. Nagulat siya nang makitang hindi lang si Coleen ang naroon. Maging si Larry ay nasa labas ng pinto niya at may bitbit na dalawang plastic bag ng tila take-out food at mga beer in can.

"Nandito kami para samahan ka," sabi ni Larry.

Si Coleen naman ay himbis na magsalita ay bigla siyang niyakap. "Are you okay?" usal nito.

Nag-init ang mga mata niya at gumanti ng yakap. Nabagbag ang damdamin niya sa pag-aalala sa tinig ni Coleen. Masarap sa pakiramdam na may kaibigan siyang susugod kaagad sa kaniya sa tuwing may problema siya. "Salamat Coleen.Mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon." Pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin at nginitian din si Larry na nakamasid sa kanilang dalawa. "Salamat sa pagpunta Larry."

Tumango si Larry at bumuntong hininga. "Kararating ko lang galing Singapore actually. Ang una kong napanood sa telebisyon ang ginawang pang-iiwan ng lalaking iyon sa iyo. Bilib na bilib siya sa sarili niya noong huli kaming nagkita pero iyon pala sasaktan ka lang niya. What a bastard."

Kumalas sa kaniya si Coleen at nakapamaywang na hinarap ang lalaki. "Tama ka diyan. Akala ko rin mabait siya. Looks like he's a worst boyfriend for Alice than you were, Larry."

Namula ang mukha ni Larry at lumambot ang ekspresyon. "Coleen naman, ang tagal na 'non. Ngayon at magpakailanman ay ikaw na lang talaga sa buhay ko," tarantang bulalas ng lalaki.

Sa kabila ng lahat ay hindi naiwasan ni Alice na matawa sa hitsura ng dalawa. Mukhang lumalambot talaga si Larry pagdating kay Coleen. At kahit malaki ang agwat sa edad ng dalawa ay bagay na bagay ang mga ito. Marahil iyon ang sinasabi ni Coleen na chemistry na mayroon daw sila ni Aki.

Nang maisip uli ang binata ay nawala na naman ang ngiti ni Alice. Huminga siya ng malalim. "Dalhin na natin sa kusina iyang mga dala ninyo," sabi na lang niya.

Noon lang tila nawala sa sariling mundo sina Larry at Coleen at kumilos upang tuluyang pumasok sa bahay niya. Nagitla ang babae. "Woah. Mukhang nag-ayos ka na naman ng unit ah," bulalas nito.

"Oo. Kakatapos ko lang maglinis sa kusina actually," sagot na lang ni Alice.

Inilapag ni Larry ang take-out food sa lamesa niya at binuksan ang mga iyon. Umalingasaw ang amoy ng pagkaing dala ng magkasintahan. Nalukot ang mukha ni Alice at tinakpan ang ilong. Sumama ang sikmura niya. "Ano iyang binili niyo?" sita niya.

Takang napatingin sa kaniya sina Coleen at Larry. "Tapsilog with garlic rice. Paborito mo ang garlic rice hindi ba?" sabi ni Coleen.

Lalong sumama ang pakiramdam niya. "God, nasusukaako," usal niya sabay takbo sa pinakamalapit na banyo.

Continue Reading

You'll Also Like

373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.7M 79.1K 56
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...