SLY {Fall for a Detective} [...

By throbbingheart

91K 2.4K 665

I'm an actress who have everything a normal person could wish for. The dresses, jewelries, shoes, all those m... More

SLY {Fall for a Detective} Prologue
Case 1.1 - The Detective Wanna Be
Case 1.2 - The Detective Wanna Be
Case 2 - Angel's Tear
Case 3 - Locked Room Murder
Case 4 - Endured Temptations
Case 5 - Regret and Fear
Case 6 - Shivers
Case 7 - Wedding Ring
Case 8 - Magical
Case 9.1 - Sacrifice
Case 9.2 - Sacrifice
Case 10 - Prince and Knight
Case 11 - That Star
Case 12 - The Leaving Part
Case 13 - To Smile
Case 14 - Inside Someones' Arms
Case 15.1 - Too Late
Case 15.2 - Too Late
Case 16 - Stare
Case 17 - Unheard Feelings
Case 18 - The Rise of the DEATH
*Spare Case* - SLY Guide
Case 19 - The Kidnap
Case 20.1 - Dating the Detective
Case 20.2 - Dating the Detective
Case 21 - Trustful Girl
Case 22 - Coldness
Case 23.1 - He's Finally Here
Case 23.2 - He's Finally Here
Case 24 - Secret Lust
Case 25 - Nostalgic Rain
Case 26 - Entwined Fingers
Case 27 - Broken Line
Case 28 - Severe Fall
Case 29.1 - Glittery Goodbye
Case 29.2 - Glittery Goodbye
Case 29.3 - Glittery Goodbye
Case 30 - The Proposal
Case 31 - Unusual Tears
Case 32 - His Pledge
Case 33 - Hide and Seek
Case 34- Secret Relationship
Case 36 - Last Kiss
Case 37 - Her Real Side
Special Case 1 - Knight's Tale
Case 38 - Detective's Confession
Case 39 - Infinity, Eternity and Forever
Case 40 - The Unnoticed
Case 41 - Holding On
Case 42 - Right Person
Case 43 - The Quitter
Case 44 - Under the Rain
Case 45 - The Serenade
Case 46 - Unexpected Visitor
Case 47 - Destiny Came
Special Case 2 - The Light's Tale
Case 48 - Withering Friendship
Case 49 - Forgotten Memory
Case 50 - Different Light
Case 51 - The Chess Player
Case 52 - Reckless Pretend
Case 53 - Deep Fall
Case 54 - Never Leave
Special Case 3 - The Princess Tale
Case 55 - Beautiful
Case 56 - Goodbye

Case 35 - His One Dream

912 35 19
By throbbingheart

SLY {Fall for a Detective}

 

 

Copyright © 2013 throbbingheart

throbbingheart says: Dedicated to Janna, dahil pinapatawa daw siya ng SLY. Siya ang chatmate ko sa libreng facebook ng phone XD Thanks to Lei I had known her :D

 

Ang tagal kong nakangiti nang matapos ko ang Case na ito. Nakakabaliw! (>//< )

 

Yeey, indulge.

Case 35

His One Dream

Justin's POV

The moment I opened my eyes, I saw Inspector sleeping at my side.

I observed the whole room and there's no doubt that this place is a hospital. And by the curtains, I can tell it's already night.

Nakaramdam ako ng sakit sa ulo, kaya nagsalubong ang mga kilay ko.

Si Harland, siya ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay.

Poison. He injected me a poison but I'm still alive.

Napahawak ako sa tagiliran ko. Naramdaman kong may bandage iyon.

Napangiti ako.

Alam kong kasama sa plano nila ang buhayin pa rin ako. Pero ipakikita ko sa kanilang mali ang naging desisyon nila.

"Kaizen.. you'll lose your own game this time."

Napatingin ako uli kay Inspector na nakaupong natutulog sa monoblock chair, habang nakahalukipkip.

Siya na ang tumayong ama ko mula pa noong araw na nakilala ko siya. Siya ang matiyagang nagturo sa akin ng lahat ng tungkol sa paglutas ng mga kaso. Madalas niya akong mapagalitan kapag nasasangkot ako sa mga gulo. Pero kahit pa ganoon, hindi siya nawawala sa tabi ko.

I looked at the ceiling.

Si Inspector ang isa sa dahilan kung bakit hindi ko na hinangad na makilala pa ang tunay kong ama.

Ipinikit ko na uli ang mga mata ko. Kakailanganin ko ng lakas para bukas.

ö~ö~ö~ö

"Wag nyo nang hintaying dagdagan ko ang mga kaso ninyo. Ilabas mo na ang apat na iyan, Miguel!"

Nagising ako sa boses ni Inspector.

"Justin, salamat sa Diyos at nagising ka na."

"M-Mom.." Nakita ko si Mommy na nakatayo sa gilid ko habang hawak ang kamay ko.

"How are you? May sumasakit ba? A-Ano na bang nararamdaman mo, nak?" Mom's voice broke at her last line and tears started to roll down her eyes.

I hold back her hand. "I'm fine, Mom."

She smiled and hugged me out of a sudden and I can hear her sobs.

I tapped her back with my dextrosed hand.

"You had us very worried kaya, Hon! D'you know that?" I saw Bee on my other side crying as well. "You're so tagal pa sa operating room yesterday. What happened ba kasi talaga?"

Lumayo si Mommy para rin siguro pakinggan ang isasagot ko.

"I'm not sure." sa halip ay sagot ko.

"Nasabi sa amin ni Beatriz na ang sugat mo sa tagiliran ay noon pang Basketball Game. Totoo bang ikaw ang gumawa noon sa sarili mo?" tanong ni Inspector.

Hindi ako sumagot.

"Justin, she said you stabbed yourself." tuloy pa ni Mommy.

"Alam kong importante sa iyo ang paglalaro, pero ang sa akin lang wag mong paratingin sa puntong pwede mong ikamatay." dagdag pa ni Inspector. Sa ganitong pananalita niya, malinaw nang pinagagalitan na naman niya ako.

"Hon, I thought ipinagamot mo na ang wound mo. Nagulat ako noong sabihin ng Doctor na lumala daw ang opening ng wound at kailangan na nilang i-stitched." Bee touches my cheek. "Does your wound still hurt, Honey?"

I shook my head for an answer.

"Someone poisoned you." tumayo si Sem mula sa couch. "Humingi ako ng sample chemical sa mga Nurse. At dahil sa forensic license ko, binigyan nila ako ngayon." ipinakita niya ang halos ga-tuldok na likido sa boteng maliit. Ang kulay noon ay mapusyaw na pula. "Ayon sa tests nila, naipasok ito sa katawan mo sa pamamagitan ng injection. I'll do some examination to know what is the name of this poison."

"Nakita mo ba kung sino ang taong lumason sa iyo?" tanong naman ni Migs habang hawak sina Reyjan.

Once a human interfere, they'll be forever in the organization's sphere.

"I don't know what happened." sagot ko. Hindi ko na dadagdagan ang mga taong pwedeng mapahamak.

"But who could it be? Sa pagiging aloof mo, sino naman kaya ang taong magagalit sa iyo?" komento ni Sem.

Everyone see me as a mysterious person who always want to be alone with his books.

But aloof?

I smiled.

I never thought of myself that way.

"Yo!" bati ni Steffan nang mapatingin ako sa kanilang tatlo nila Reyjan.

"Justin pre!" natatawang bati ni Reyjan.

"Bro.." maiiyak na lumuhod naman si Ricks. ".. bro pakiusapan mo naman itong bigotilyong tatay mo na ibalik na ang drumsticks ko."

Kapansin-pansin ang mga pasa at galos nila sa mukha at braso.

Nakatulog lang ako pero parang marami nang nangyaring hindi ko alam.

Hinila ni Steffan patayo si Ricks. "Justin bro, nagiging emosyonal talaga itong kaibigan ko kasi iyong drumsticks na niya ang tumayong magulang niya." niyakap niya pa si Ricks.

"Timmy boy, gising na si Justin. Pumasok ka na dito." tawag ni Reyjan habang nakatingin sa labas.

Nakita kong pumasok si Tim na hawak ang bag ko.

S-Sila ba ang kumuha ng mga gamit sa kwarto ko sa Ship? Sa pagkakatanda ko, nakakalat pa sa couch ang pinagbihisan ni Suralvo, nasa lapag naman ang credit card at relo niya. At ang cellphone niya ay naiwan sa kama.

"Justin anak, wag ka munang kumilos." pinigilan ako ni Mommy noong sinubukan kong bumangon.

"Tim.."

"Hon.. makinig ka kay Mommy mo. Why mo ba kasi kailangan bumangon?"

Ignoring them I still tried to get up.

"Wag nyo nang pigilan at matigas ang ulo ng batang iyan." lumapit si Inspector para ibangon ako.

Humapdi ang tagiliran ko noong makaupo ako.

"Tim.. tungkol sa--"

"Tungkol sa mga gamit mo?" putol niya sa sasabihin ko. "Wala kaming iniwan ni Reyjan sa kwarto mo, nandyan lahat."

Iba ang tingin niya. Matalim at madilim ang mga iyon. Alam kong hindi na ang SC President ang dahilan nito ngayon. Malamang galit siya dahil itinago ko si Suralvo, dahil isa siya sa walong kaibigan ni Suralvo sa school.

"Sige, Miguel. Ilabas mo nang tuluyan ang apat na iyan. Sa police station na kami maghaharap." utos ni Inspector.

"Hindi mo na ako kailangang palabasin. Lalabas talaga ako." itinulak ni Tim si Migs saka lumabas.

"Migs, anong nagawa nila? Bakit kailangan mo silang isama sa station?"

"Nanggulo kasi sa Ship ang apat na ito. Nanira sila ng maraming cameras, at napakaraming tao ang nagreklamo sa kanila. May tatlo ring lalaking na-confine dahil sa pambubugbog nila." paliwanag ni Migs.

Sa ginawa nilang iyon, isa lang na dahilan ang naiisip ko. Si Suralvo. Ayaw ng mga ito na kumalat ang issue niya.

Tama ako. Tama akong marami ang magliligtas sa kanya kung wala ako.

"Inspector, hindi sila masasamang tao. Kung tutuusin matatawag itong depensa."

"Ano bang ipinupunto mo?" naguguluhang tanong ni Inspector.

"Isa itong bagay na hindi maiintindihan ng batas. Ang pagkakaibigan." sagot ko.

"Hindi dahil magkakaibigan sila, pwede na silang umagrabyado ng ibang tao, Justin. Sa mata ng batas, nagkasala sila." pagsalungat ni Inspector.

"Pero sa batas ng pagkakaibigan, ginawa po nila ang tama. Ginawa nila ito para sa artistang kaibigan nila. Sigurado akong hindi nila madadaan sa pakiusap ang mga tao sa oras na iyon kaya nila naisip ang bagay na iyon." I smiled like how I used to when solving cases. "Kung nandoon lang ako baka ganoon rin ang gawin ko."

"Justin--"

"Inspector, kilala nyo ako. Alam nyong lagi kong pinipiling kasama ang mga libro kaysa sa mga tao." I looked down and smile. "Kaya nga hindi ko po maintindihan ang inaasal nila tuwing magkakasama."

Naalala ko noong minsang maging roommates ko sina Tim at Reyjan sa Tagaytay. Sina Pete at Jun rin ay laging nandoon at wala silang ginawa kundi pagtawanan ang isa't-isa.

"Akala ko po ginagamit lang nila ang isa't-isa para magpalipas ng oras."

Naalala ko noong makiusap sa akin si Steffan para isama si Ricks sa kaso.

"Pero higit pa pala iyon doon, Inspector." inangat ko ang mukha ko para tingnan sina Reyjan. "Mas malalim pa pala iyon doon."

"Pero Justin, hindi sila maililigtas ng sinasabi mo. Ang malinaw lang ngayon ay nakagawa sila ng mali." pagsalungat ni Migs.

"Nakagawa rin sila ng tama."

"If it was about their friendship again, it was senseless Justin." pagtanggi rin ni Sem. "Quit defensing these good for nothing troublemakers."

"Yeaaah! Hon, she's right. Pabayaan mo na lang silang mag-suffer sa jail. Why naman kasi kailangan nilang manira ng cameras? Dahil lang kaibigan nila iyong girl na iyon? Honestly, pinalala lang nila ang issue." Bee rolled her eyes. "Inire-relate tuloy silang apat sa girl na iyon."

Kay Suralvo?

"And nasaan na siya now? Siya, itinuturing ninyong friend eh ganoon din kaya siya sa inyo? No, right? Actually, she really don't care."

"Beatriz, magdahan-dahan ka sa pagsasalita. Hindi mo kilala si Din." seryosong pakiusap ni Reyjan.

"Haa! I know her kaya!" namaywang si Bee. "I know na user siya, she used the four of you. At stealer siya!"

"Bee, please stop." I said to her.

"Totoo naman a? Stealer kaya siya, Hon! Remember iyong binorrow mong dress ko? Nakita ko siya wearing that!" she crossed her arms. "Or don't tell me na nag-lie ka sa akin at ikaw mismo ang nagbigay noon sa kanya?"

Hindi ako nakasagot.

"Hindi magagawang magnakaw ni Din. Hindi siya ganoong klase ng tao. Ayokong magalit sa iyo kaya tama na." naikuyom ni Reyjan ang kanang kamay.

Ibinaba ni Bee ang mga kamay. "So nag-lie ka nga kaya hindi ka makasagot?" sa halip ay tanong niya sa akin. "Kaya ba wala kang time sa akin sa Ship kasi it was that girl na pinagkakaabalahan mo? You mean all throughout KAYO ang magkasama?" isa-isang pumatak ang luha niya.

"Justin?" patanong na tawag ni Inspector na nanghihingi rin ng paliwanag.

"I don't understand. Kahapon natatawa pa ako dahil nire-relate ka ng mga reporters sa kanya, pero ano ba talagang relasyon ninyo ng artistang si Dinelle?" tanong pa ni Sem.

"Maybe, siya ang lumason sa iyo. At nagla-lie ka na naman na wala kang matandaan."

"I already warned you, Beatriz!" susugod sana si Reyjan nang pigilan siya nina Steffan at Ricks.

"Bro, forgotten the rule?" tanong ni Steffan sa kanya.

I have no idea about the rule but Reyjan contained himself after hearing those.

"Hindi iyon impossible mangyari dahil siya naman ang kasama mo!" Bee angrily added.

Nakita ko na lang na hawak ni Reyjan ang collar ng hospital dress na suot ko. "Bakit Justin?! BAKIT?!" sigaw niya.

I didn't show any emotion. Dahil kasama siya ni Tim na kumuha ng gamit ko, alam kong alam na niyang kasama ko nga si Suralvo.

"BAKIT HINDI MO IPAGTANGGOL SI DIN SA KANYA?!"

"Hindi kita maintindihan." I plainly answered.

"Ano?" he tighten his grip on me.

"Let go of him!" itinutulak siya ni Bee.

Agad na inilayo naman ni Inspector si Reyjan.

"Pagkatapos ng lahat, ito pa? Anong klaseng tao ka?!" galit na sabi pa ni Reyjan bago sila tuluyang ihatid ni Migs sa labas.

"I need to go too. I got piles of works at station." rinig kong sabi ni Sem bago isara ang pinto.

Nahiga na uli ako.

"Hon, care to explain?"

"Beatriz, let my son rest. Let's just leaved him."

Mommy knows me well and I don't want to talk about anything anymore.

They both get outside after.

"Inspector.."

"May kailangan ka ba?"

"I didn't mean to make Bee cry and I'm sorry."

Bee is her daughter. At ako ang pinagkatiwalaan ni Inspector para palagi siyang samahan.

"Alam ko. Sige, magpahinga ka na."

Nilingon ko si Inspector. "Bumalik na po kayo sa station, kaya ko naman pong mag-isa."

"Babalik ako doon kung kailan ko gusto." binuklat niya ang dyaryong binabasa.

Napatingin ako sa puting kisame.

Hindi ko intensyong ikaila na kilala ko si Suralvo at na totoong magkasama kami. Ayoko lang makialam muna, dahil maaaring mapalala ko ang sitwasyon. At kapag nangyari iyon, sa aming dalawa siya ang mas maaapektuhan dahil kilala siya ng buong bansa.

"May paninira dito tungkol sa iyo at sa apat na lalaking iyon. Kahit hindi mo sabihin ay alam kong kilala mo siya, makabubuti siguro kung layuan mo na siya dahil hindi maganda ang naidudulot niya sa iyo." narinig ko ang ilang paglipat ni Inspector ng pahina ng dyaryo. Si Suralvo ang tinutukoy niya.

"Sa tingin mo ba'y may magtitiwala pa sa iyo sa paglutas mo ng mga kaso kung ganito ang mababasa nila? Iniisip ko lang ang kapakanan mo." paliwanag pa ni Inspector.

Kung may mga taong nanghuhusga sa akin, walang dudang higit pang panghuhusga ang ibinabato nila kay Suralvo. Sana hindi siya umiiyak sa mga oras na ito.

"Magmula nang araw na may mangyaring krimen sa library. Magmula noong makita mo siya, napansin ko ang pagbabago mo. Hindi mo man sabihin alam kong importante siya sa iyo."

Ibinaling ko ang tingin kay Inspector at isinara niya naman ang dyaryong binabasa.

"Pero hindi maganda ang epekto ninyo sa isa't-isa at itong mga balita dito ang ebidensya. Pareho kayong nasisira." dagdag niya pa.

"Kaya nga po nakapagdesisyon na akong bitawan ang pagiging detective."

"Ano bang pinagsasasabi mo? Ito ang pangarap mo. Ito ang daan para makilala mo ang Papa mo."

I sadly smiled at him. My real father is a Detective according to my mother.

"Hindi ako naging Detective para makilala siya, Inspector. Pero tama kayong ito ang pangarap ko."

"Kung ganoon ay anong sinasabi mong bibitawan mo na ang pangarap--"

"Si Suralvo, Inspector. Siya ang dahilan ng pagiging Detective ko. Siya ang batang babaeng nagpalabas sa akin sa madilim kong kwarto. Siya lang ang naglakas-loob na kausapin ako. Ipinakilala niya sa akin ang mundong malayo sa mga librong laging hawak ko."

I looked at the ceiling again.

"Noong mamatay ang Mama niya, doon ko nagsimulang pangaraping maging Detective. Nagpapasalamat akong nagkita uli kami at wala akong balak bitawan siya, Inspector."

Wala akong narinig na sagot.

"Binibitawan ko na ang pagiging Detective, Inspector. Pero itutuloy ko ang paglutas sa kaso ni Diccy Llernes. That will be my last case."

ö~ö~ö~ö

Miguel's POV

"B-Bakit nyo po pinaalis iyong apat, Inspector?" tanong ko pagpasok ng opisina niya.

Kalalabas lang kasi ng apat na lalaking nanggulo sa Ship.

"Mga bro, bakla yata ako! Noong kinuha ang drumsticks ko naiyak ako at ngayong binalik na ito, naiiyak pa rin ako. Stef, bro! Hug mo nga uli ako!" narinig ko pang sabi noong isa habang papalayo.

Kasalukuyang hinihilot ni Inspector ang noo. "Naghanap ako ng mga dokumento ng apat at napatunayan kong tama nga si Justin. Mga menor de edad pa lang sila at hindi sila maaaring ikulong. Ipo-proseso ko na lang ang mga igagawad na penalty sa kanila."

Napangiti ako.

"Alam mo bang binigyan niya pa ako ng Section sa batas na kailangan kong basahin kung ayaw ko raw maniwala sa kanya? May mga sinabi pa siyang requisites at exception to the rule ng pagiging minor."

Natawa na ako. "Detective na, Lawyer pa. Ibang klase talaga siya!"

"Wala naman kasi sa hitsura ng apat.. na minor pa lang sila. Mabuti na lang at nasabi ni Justin iyon kaya na-check ko kaagad."

"Malaking tulong po talaga si Justin dito sa police station, Inspector. Hangga't nandyan po siya, hindi tayo magkukulang ng tauhan kung sakaling may magresign." natatawang biro ko pero napansin ko ang pagbabago ng mukha ni Inspector.

"Ah Miguel mabuti pa'y bumalik ka na sa trabaho mo."

"O-Opo." tumalikod na ako at naglakad palapit sa pinto.

"Sandali pala."

"Po?" lumingon ako agad.

"Si Apple. Nasaan na ang batang iyon? Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw."

Kahapon ay walang tigil ng iyak si Apple habang nasa loob ng operating room si Justin. Dumating pa nga sa puntong sinigawan siya ni Beatriz.

"Noong umalis po ako sa bahay, ginising ko siya pero sabi po niya hindi siya sasama dahil hindi niya kayang makita si Justin sa ganoong kundisyon."

Kasalukuyang sa dorm ko nakikitulog si Apple. Double-deck naman ang kama kaya walang problema.

Nakayuko si Inspector at sa mga papeles nakatuon ang mata. "Hindi pa alam ni Justin na narito siya, mamaya ay magdala ka ng pagkain sa ospital at sabihin mo sa kanya."

Mula pa man noon ay parang tunay na anak na ang turing ni Inspector kay Justin.

"Opo, Inspector." sagot ko bago tuluyang lumabas ng pinto.

ö~ö~ö~ö

Author's POV

"Kiel, hindi mo kinain iyang pagkain mo?" tanong ni A.M. nang makalapit sa kausap.

Ngunit hindi man lang siya tinapunan ng tingin nito. Abala ang lalaking iyon sa nakabukas na laptop sa harapan.

"Pero.." dinampot niya ang mga papel na nagkalat sa carpet. ".. pero kahapon ka pa walang kinakain magmula nang dumating ka."

Sa halip na sagutin siya ay hinawakan nito ang cellphone at may idinial na numero.

Kinuha na ni A.M. ang tray ng pagkain para dalhin sa kusina.

"Magluluto ako ng soup para mainitan ang sikmura mo." ngumiti siya at nagtungo na sa kusina.

Nag-aalala siya sa ikinikilos ng lalaking iyon. Magmula kasi nang dumating ito mula sa Cruise ay nakababad na ito sa cellphone at laptop. Mayroon rin itong ipini-print pero ang lahat ng iyon ay nagkalat lang sa sahig.

"Aray." dahil sa sobrang pag-iisip ay hindi namalayan ni A.M. na naidikit niya na pala ang braso sa kalan.

Hinugasan niya agad ang napasong parte sa katabing gripo.

Matapos makapagluto ay nagtungo uli siya sa sala habang dala ang sopas.

"Kiel, kain ka muna. Dali, baka lumamig ito. Iiwan ko na naman ba ito dito? Eh baka pagbalik ko hindi na naman nagalaw?" inilapag niya sa center table ang dala saka siya naupo malapit sa kausap.

"Alam ko na!" napapitik pa sa daliri si A.M. "Kaya ba ayaw mong kumain kasi gusto mo sabayan kita? Grabe! Ang sweet-sweet m--"

"Shut up! I'm talking to someone!!" madiing sabi nito nang hindi man lang siya tinitingnan. "Di'ba sabi ko pigilan nyo ang paglabas ng mga articles?!!" sigaw nito sa kausap sa phone. "What's the use of explaining if it already happened?! Just admit that you and your crappy collegues were all useless!" binabaan nito ang kausap at may idinial na namang numero.

"Kiel, gusto mo subuan kita ng soup?" muling tanong ni A.M.

Sa unang pagkakataon ay tumingin ito. "Turn the TV on." utos nito at agad namang tumalima si A.M.

"Hello, this is Kiel Navarro speaking, the representative of Zephyr Company.-- May you direct me to Mr. Brent's phone?--Appointment? The heck will I need that? He's my friend! It's urgent so do what I told you!" inis na sabi nito sa kausap sa cellphone.

"Haissh! What is taking this damn secretary long?" halatang nauubusan na ito ng pasensiya. "A.M.!"

"Kiel!" nakangiti namang sagot nito. "Sasabihin mo na bang na-miss mo ako? Nakakakilig naman. Na-miss mo akong tawagin? Hala, grabe--"

"Dumating na ba iyong dyaryo ngayon? Ibigay mo sa akin."

Kagaya nang nauna, mabilis na sumunod si A.M.

Paglayo ng inutusan ay napatingin si Kiel sa TV habang hinihintay ang kausap sa kabilang linya. Nakita niya doon si Ayen, ang babaeng kilala ng lahat bilang kasintahan niya. "What the?! She's there without my permission!? Oh great! Now, this is worst!---Wow finally, hello Brent? I've been waiting for ages!!--DAMN! WHAT ARE THOSE SOUNDS? ARE YOU KISSING SOMEONE RIGHT NOW?! The hell, Brent!!"

Inilapag ni A.M. ang dyaryo sa tabi ni Kiel at muli siyang naupo malapit dito.

"Yeah it was about her issue, so have you taken care of articles which will tell the public that her presence on the Ship was just a-- pinapakinggan mo ba akong t*r*nt*do ka? Pwede bang mamaya mo na pakinabangan iyang bayarang kahalikan mo?--Anong bakit mo ako tutulungan? Pinsan mo akong, g*go ka! At isa pa babayaran kita!!"

Napayuko na lang si A.M. sa mga hita niya. Tahimik niyang hiniling noong mga oras na iyon, na sana ay matapos na ang isyung kinasasangkutan ni Dinelle, nang sa ganoon ay hindi na mapabayaan pa ni Kiel ang sarili.

Lumilipas ang mga araw at nalalapit na ang pagpapaalam niya rito pero paano niya nga ba magagawa iyon kung alam niyang mapababayaan nitong lalo ang sarili kung mawawala siya?

ö~ö~ö~ö

Justin's POV

Binuksan ko ang zipper ng bag na dala ni Tim.

Napangiti ako nang makita ang summer dress ni Suralvo. Naalala kong nadatnan ko siyang magsha-shower sana habang tinatanggal ang damit na ito.

Inilabas ko rin sa bag ang magkapares na tootbrush.

Napangiti ko siya dito. Sinong mag-aakalang kikiligin siya sa palaka?

Sunod na hinawakan ko ang phone niyang dead battery.

Hindi pa rin niya dini-delete ang shirtless picture ko dahil napag-alaman kong abs-addicted pala siya.

It makes me laugh.

I remember she covers her face with her hands when she saw my body, but she definitely took the chance of hugging me all night.

Nawala ang mga ngiti ko nang makita ko ang singsing.

Wala siyang binanggit pero sigurado akong sa Director niya ito galing. Dahil bukod sa tuwalya ay ito lang ang nakita kong suot niya pagbalik ko.

Binuklat ko na lang ang librong nasa loob rin ng bag para panandalian kong malimutan ang galit na nararamdaman ko.

Napalingon ako sa bintana nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin.

I saw someone in black using binoculars looking at my direction.

Agad ko ring ibinalik ang atensyon ko sa libro.

Could it be Harland? No. Not again.

Nasagi nang mata ko ang hour glass na nasa loob ng bag ko. Imbes na buhangin ay dugo ang tumutulo sa loob noon.

Kaizen's patience as described by Harland. The last thing I saw before everything went black.

P-Paanong pati ito napunta dito? Kailangan kong alamin ang lahat ng nangyari matapos kong mawalan ng malay. Kagaya nang sino ba ang nakakita sa akin at nagdala sa akin dito. Pati na rin kung sino ang nagsabi kina Tim na ligpitin ang gamit ko. May ibang tao pa kayang pumasok sa kwarto ko para ilagay ito?

But..

.. for now, I'll get myself busy of knowing who's that person.

"Twelve meters.." paga-approximate ko sa distansyang pagitan namin.

Inabot ko ang bottled water sa mesa at ininom iyon.

I should act like I don't know that I'm being watched.

Ang bagay lang na ipinagtataka ko, bakit masyadong halata ang kilos ng isang ito?

But who knows, maybe it was planned as well.

Agad na hinugot ko ang dextrose sa kamay ko. I grabbed some clothes and quickly get inside the toilet room.

Matapos kong makapagbihis ay lumabas ako nang pinto. At dahil hindi na ako nakasuot ng pampasyenteng damit, naging madali sa akin ang makalabas ng ospital nang walang nakapapansin.

ö~ö~ö~ö

Dinelle's POV

Mamaya na ang live interview ko sa The Recess.

Ipinikit ko sandali ang mga mata ko.

To be an actress is never my dream. Isa lang ang pinangarap ko, ang mabuhay kagaya ng simpleng tao. Mabuhay kasama si Mama at si Papa.

Sweet, simple and innocent wish. But impossible.

I opened my eyes.

Nakaupo ako sa harap ng salamin. Nakikita kong malapit na namang tumulo ang mga luha ko.

Hindi ko ito pinangarap, pero natutunan kong mahalin ito. Ang pagtayo habang nakangiti sa harap ng maraming tao.

I used liquid eyeliners in my eyes.

Dahil sa industriyang ito, hindi ko man nakuha ang atensyon ni Papa.. nakuha ko naman ang loob ng mga tao. Mga taong hindi ko kaano-ano pero nagawa akong hangaan at mahalin.

I put some mascara and used eye curlers.

Mga taong nag-aaksaya ng oras para panoorin ako sa telebisyon. Mga taong handang maghintay sa labas ng taping area. Mga taong maglalaan ng malakas na boses tuwing makikita ako. Mga taong buong tiyagang gagawa ng banner na may malaking pangalan ko. Mga taong dahilan kung bakit nakatayo ako sa entablado.

I put pink lipstick on and used a gloss.

Hindi ako nararapat para sa atensyong natanggap ko kaya siguro ay panahon na para tapusin ito.

I apply light blush on my cheeks.

Masakit palang bitawan ang bagay na hindi mo akalaing importante sa iyo. Lalo pa kung isa itong bagay na hindi mo napahalagahan noong hawak mo pa.

I wear my small diamond earrings.

I smiled to myself. I deserved it after all. I deserved a smile because I'm brave enough to do the right thing.

And finally my gold winged-star necklace.

The Angelic Star. Isang bituin na may pakpak. Simbolong ibinigay sa akin ng mga tao.

I rarely wear this, but it was my favorite. I hope this won't be the last time I'm going to use this necklace.

I stood up and grab my white coat, purse, and dark shades.

I'm wearing a white off-shoulder dress and black backsling heels.

I breathed deeply before opening the door.

"Are you ready?" tanong ni Crisostomo paglabas ko ng kwarto.

He's wearing long-sleeved button-up shirt and dark brown pants.

"Obviously." I coldly answered.

Alam kong tutol siya sa gagawin ko. Pero kilala niya ako at kapag nakapagdesisyon na ako, wala nang makapagpapabago noon.

"Din, is it really what you want?" tanong niya uli.

Kapag iyan ang tawag niya sa akin, boses lalaki ang gamit niya.

What does he mean what I want? To lose everything?

"Yes." I plainly said.

Yes, as long as I know it's the right thing.

I put on my shades and Crisostomo offered me his arms.

Ipinatong ko ang coat sa balikat ko saka ko inabot ang braso ni Crisostomo.

Pagbukas niya ng pinto ng condo unit ko ay saktong pag-flash ng maraming cameras mula sa mga reporters na nag-aabang sa labas.

"Miss Din ano pong masasabi ninyo tungkol sa pagkaka-ospital ng sikat na detective?"

"Ano ba talagang ugnayan mo sa kanya?"

Sunud-sunod at sabay-sabay kung magtanong sila.

"Any statement, tungkol sa apat na taong nanggulo sa Ship?"

"And what can you tell Ayen who worried a lot on you?"

I face palm on my mind. Pasalamat sila may anim na guwardiyang pumipigil sa kanila para lapitan ako, dahil hindi talaga sila uubra kapag binanatan ko sila isa-isa. Mga letseng ipis ito, iuntog ko sila sa dibdib ni Ayen eh! Peste!

Crisostomo pressed the elevator button.

ö~ö~ö~ö

"Good morning everyone! Woah, I was very very shocked! First time that 'The Recess' had lots and lots of audiences." mula sa backstage ay naririnig ko ang boses ni Mitz dahil on air na ang show niya.

"There were people outside who didn't got lucky to get in your sits right now. To audiences here, be very very very grateful because you'll get to see the Angelic Star in person."

Nakakabinging sigawan ang narinig ko pagkatapos. May mga isinisigaw silang salita pero malabo ang mga iyon dahil sabay-sabay sila.

"OH MY! YOU'RE GETTING SO WILD HUH?" maging ang boses ni Mitz ay pasigaw na rin sa sobrang ingay ng mga nanonood.

"IS THAT YOUR LOUDEST VOICE?!" tukso pa ni Mitz sa audience.

"~Haneun pal jima neuga mworaedo neokko neokko~"

Tumunog ang cellphone ni Crisostomo at rumehistro ang pangalang 'Kiel Baby' doon.

"Dindin, pang-forty fifth call niya na itetch. Baka naman humanap na siya ng ibang magpapaligaya sa kanya kapag ni-reject ko na naman ito for the forty fifth time."

"Malaya kang magdesisyon, Crisostomo. Buhay mo iyan at sa iyo cellphone iyan. Sagutin mo!"

"Gosh! May natitira pa palang awa't habag sa puso mo. Kay busilak ng iyong kalooban upang--"

"Sagutin mo kung hindi mo na mahal ang buhay mo at gusto mo nang maranasang huminga sa huling pagkakataon. Hindi lang ikaw ang papatayin ko, papatayin ko rin sa pinaka-malagim na paraan lahat ng taong may ugnayan sa iyo!!"

He turned off his phone. "So harsh! Nakaka-degrade!"

"ALRIGHT, switch onto your highest volume because I'll finally call on our very own angelic star!"

Tinanggal ko ang shades na suot ko at tumayo na ako para pumuwesto sa malaking pintuan.

"LET'S ALL GIVE IT UP FOR THE ONE AND ONLY, DINELLE SURALVO!"

I smiled genuinely as the door opens.

"Ohh.. really stunning and beautiful in white." komento ni Mitz sa akin.

Lumakad na ako para maupo sa couch kaharap ng napakaraming camera.

I don't know but my heart is racing right now. Ang tagal ko na sa industriyang ito, at ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Natatakot ako.

"Good morning, Din!" bati sa akin ni Mitz bago maupo rin.

"Good morning din." sagot ko na ikinatawa naming pareho.

"So.." tumingin siya sa hawak na papel kung saan nakalista ang mga tanong niya sa akin. "So.. how are you?" tiningnan niya uli ako.

Nagsigawan ang nanonood sa studio.

"WOOO! SABIHIN MO MAGANDA KA PA RIN!!" nangingibabaw na sigaw noong isa.

"Bukod sa maganda ka pa rin, kamusta ka na?" natatawang tanong ni Mitz.

"I'm well. I watched news about me and I've also read articles about me. And I understand people so I'm fine with it."

Tumango ng dalawang beses si Mitz. "You're very professional. I mean, mahirap unawain ang mga tao at mahirap tanggapin ang mga hindi magagandang komento nila, yet you still managed to deal with it."

"Yes, people are people. They judged, and as a person I judged as well. One of the things that we just need to accept." I replied.

"Certainly!" tumingin si Mitz sa malaking flat screen TV na katabi namin. "These four guys, do you know them?"

Sina Reyjan, Tim at ang dalawang kaibigan ni Wanna Be na sa pagkakatanda ko ay Steffan at Ricks ang pangalan. Kasalukuyang pinapakita ang malalabong pictures ng panggugulo nila sa Ship.

"I know them." diretsong sagot ko, dahilan para magbulungan ang mga tao. "They were my friends." dagdag ko pa.

"Totoo palang related ka sa kanila?" tanong ni Mitz. "Would you mind telling us if you've anything to do with them causing a lot of trouble? Ikaw ba ang dahilan ng gulong ginawa nila?"

"Yeah." agad na sagot ko. Wala akong balak magpaliwanag. I will took all the blame and I know it's the right thing.

"Are you aware that they will do that?" sunod na tanong ni Mitz. "You know, there were issues that you use those four to break a lot of videos and pictures of you. Forgive this question, but do you have any relationship with one of them or with them? The more than friend thing."

"I--" sasagot na ako nang tawagin ng mahina si Mitz ng direktor ng The Recess.

May isinulat ang isang staff sa malaking papel.

It reads 'surprise guest.'

"Wow. This day was really something! We had an unexpected guest right now."

The crowd was silent.

(O_O) Napatulala na lang ako nang mabasa ang pangalang isinunod na isulat ng staff.

"I can't believe this. Hold on to your sits because we have on stage right now the Popular High School Detective!" napatayo si Mitz at nagsigawan ang audience.

Marami silang isinigaw, pero hindi ko na naiintindihan dahil nasa papalapit na Detective ang mga mata ko.

He's not wearing his usual high school uniform or his tees. It's my first time to see him wearing formal suit. He can make every jaw drop!

P-Pero anong ginagawa niya dito?

Naglaan siya ng maliit na distansya nang maupo sa tabi ko.

 

(O........O)

"Can I answer the last question you asked her?" natahimik ang mga tao nang magsalita si Wanna Be.

"Yes, of course." nakangiting sagot ni Mitz bago maupo uli.

"She doesn't have any realationship with anyone except me."

What the what!! Sira ba ulo niya?!

The audience went more wild.

Sinamantala ko ang ingay at mahina akong nagsalita. "Why on Earth are you here?!"

He looked and smiled at me. "Because the Earth told me I missed you and I really do."

( >__<)\ Pinaka-peste naman sa lahat ng peste! Na-miss niya ako? At pambihira!! Sa lahat naman ng lugar, dito niya pa ako napiling puntahan!?!

"Does that mean she is your--"

He holds my hand. "My destiny? Yes."

 

(>////<) Kaipis-ipisang destiny iyan!!

-will be continued

throbbingheart says: So Justin believes in destiny. Wow. HAHAHAHA. This is epic.

 

Greetings to Enchanting Four – iamGIGS, MatrixAeCha, k3uweird and AngelOfMine1726.  Solid na solid na mga SLYers ever since.

 

Thank you for reading everyone and Advance Merry Christmas. :)

 

May isa akong reader, sabi niya 'Ate Aleah kahit matagal ang update, wag mo lang tapusin agad ang SLY.' Nakakangiti ng sobra. Natutuwa naman ako kapag may demands ng update, pero mas nakaka-touch na may mga handang maghintay. Kaya sa sobrang pagmamahal at pasasalamat ko, nakakaya ko ang every week update ngayon. Achievement ito! Haha.

 

Sa mga naku-curious kung malapit na itong matapos.. matagal pa kayong mag-eenjoy dahil nasa kalahati pa lang tayo. :D And I'll try as hard as I can to update as soon as possible.

 

HAPPY 25K READS. JusDin fever!

Continue Reading

You'll Also Like

29.7M 988K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
13.9M 389K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...
EMPIRE HIGH By sai

Mystery / Thriller

5.8M 176K 63
Empire High was built for the Empire Society: Reapers, Gangsters, Assassins and Mafias. And as the classes starts, a nerd girl named Fuschia will enr...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!