DOLLHOUSE

By -SHEENA-

7.4M 375K 957K

Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all so... More

DOLLHOUSE
The Trailer
Warning
Warning Part 2
The News
The Dolls
The Invitation
The Application
The Start
Dollhouse 001
Dollhouse 002
Dollhouse 003
Dollhouse 004
Dollhouse 005
Dollhouse 006
Dollhouse 007
Dollhouse 008
Dollhouse 009
Dollhouse 010
Dollhouse 011
Dollhouse 012
Dollhouse 013
Dollhouse 014
Dollhouse 015
Dollhouse 016
Dollhouse 017
Dollhouse 018
Dollhouse 019
Dollhouse 020
Dollhouse 021
Dollhouse 022
Dollhouse 023
Dollhouse 024
Dollhouse 025
Dollhouse 026
Dollhouse 027
Dollhouse 028
Dollhouse 029
Dollhouse 030
Dollhouse 031
Dollhouse 032
Dollhouse 033
Dollhouse 034
Dollhouse 035
Dollhouse 036
Dollhouse 037
Dollhouse 038
Dollhouse 039
Dollhouse 040
Dollhouse 041
Dollhouse 042
Dollhouse 043
Dollhouse 044
Dollhouse 045
Dollhouse 046
Dollhouse 047
Dollhouse 048
Dollhouse 049
Dollhouse 050
Dollhouse 051
Dollhouse 052
Dollhouse 053
Dollhouse 054
Dollhouse 055
Dollhouse 056
Dollhouse 057
Dollhouse 058
Dollhouse 059
Dollhouse 060
Dollhouse 061
Dollhouse 062
Dollhouse 064
Dollhouse 065
Dollhouse 066
Dollhouse 067
Dollhouse 068
Dollhouse 069
Dollhouse 070
Dollhouse 071
Dollhouse 072
Dollhouse 073
Dollhouse 074
Dollhouse 075
Dollhouse 076
Dollhouse 077
Dollhouse 078
Author's Note | Story Feedback Section
The Published Book

Dollhouse 063

66K 4.3K 22.6K
By -SHEENA-

LIVE COMMENTS

- hanggang kailan kayo magbubulag-bulagan?

- ooofff nagtatago na ang iba HAHAHAHA

- takte flame u don't deserve everything ajdhwifhskcjd

- SABI KO NA NGA BA SIYA 'YON

- ganito mangyayari diyan eh, ngayon na nalaman na natin na HINDI INOSENTE SI BABE AT NAGTANGKA SIYANG PUMATAY, ipagtatanggol siya ng mga alagad niya tapos sasabihin mamatay na silang lahat

- oo damay damay na lang kasi laglag na pinagtatanggol nila

- luh. Hindi pa nga natin alam buong story. Huwag muna husgahan.

- kitang-kita na natin ang video na inaasinta niya ng baril si flame. anong story pa ba kailangan mo para maintindihan mo na mali siya? Dollhouse part 2?!!

- w8 wut? hahahahaha

- babe is innocent ♡

- WAKE UP!!!! (╬゚•̀皿•́)ノ゙┴─┴́

- si alpha hindi na bulag, kayo na lang natitira oops

- hindi natin alam ang nangyari. huwag magsalita ng tapos. pwede???????

- she was alone. natural na nagselos siya!

- EXCUSE BA 'YON?!

- hiyang-hiya naman ang mga taong mag-isa pero patuloy nalaban

- wtf

- you're invalidating her pain like it doesn't matter. put your herself in her shoes.

- I did and no, I still won't kill a friend because I'm jealous.

- conclude kayo nang conclude ahgshdxjjdcjc

- no. sadyang bulag kayo hanggang dulo. that's it. that's the tea.

- ur tea taste like shit tho

- eww. trash talk na lang kasi napahiya?

- girl, you're not dorothy. don't roast them.

✦ ◉ •

WELCOME BACK TO
DOLLHOUSE

▬▬▬▬▬▬▬

Dollhouse - Day 06
GAME UPDATES
Time: 20 minutes
Seekers - 18/18
Player Hiding - Doll 01
Status: Found

── ♡├o THIRD

"Nahanap agad kalaban niyo?" nagtatakang tanong ng king sa grupo ni Java kay Gunner. Si Gunner naman ay seryosong nakatingin sa screen. Nahanap na si Alpha ng mga bata. Ang bilis. Ilang oras ang record ni Java, si Alpha ay hindi man lang umabot ng kalahating oras.

"Seryoso talaga si Alpha," bulong niya saka tiningnan si Java na nilalamig.

"Pabalik na mga 'yon. Ikaw na susunod na magtatago. Ilang oras naman record ng queen, huwag ka magtago ng mahirap. Ubos na bata sa kalaban," reklamo ng Ace sa grupo ni Java.

"Puro kayo reklamo. Ako lang naman ang nakilos kanina pa." inis na sabat ng queen sa grupo ni Gunner.

"Penelope, huwag ka na magtampo. Mamaya ikaw naman ang hahabulin ko."

"Habulin mo 'ko tapos ikaw naman ang babarilin mo, Steel." sagot ng babae saka tinutok ang baril niya. Natatawang napailing ang king sa grupo ni Java.

Bumukas ang pinto ng dining hall at pumasok si Alpha. Bakas sa mukha ni Alpha ang galit. Tahimik siyang lumapit kay Gunner at Java.

"Hindi ka nagsinungaling..." halos pabulong na sabi ni Alpha kay Gunner.

"Huh?"

"I saw it."

"Ang daming commercial. Ano nakita mo?"

"Si Babe..."

"Madami kang hindi pa nakikita. Alin nga ang nakita mo ngayon?"

"She tried to.... kill Flame, Gunner. I'm sorry."

Muling nagbago ang aura ni Gunner nang marinig ang pangalan na 'yon. Umiwas siya ng tingin kay Alpha. Napabuga siya ng hangin dahil sa matinding galit at poot. No. He shouldn't let his emotions eat him again.

"Buti naman naniniwala ka na sa'kin," sabi na lang niya.

"Ako na sunod na maglalaro. Pakibantay si Java." dagdag ni Gunner saka ipinaubaya si Java kay Alpha. Scenes yesterday are now playing in his head again. A part of him blames himself for losing Flame. Maybe... maybe if he stopped chasing Babe, there's a high chance that Flame is still with him.

Bumukas ang pinto at pumasok si Babe na umiiyak.

"Alpha, I'm sorry..." iyak niya.

Napakuyom ang kamao ni Gunner.

Si Alpha naman ay hawak-hawak na ngayon si Java sa bisig niya. Napagalaw si Java kaya sa kanya na lang itinuon ni Alpha ang atensyon.

He called her name.

Alpha was silently begging she'll wake soon because she's the last human that can keep him sane in that room.

 
 
── ♡├o JAVA
 
 
"Java..."

Nararamdaman ko pa rin ang lamig pero mas namumutawi ang mainit na yakap na bumabalot sa'kin. Kanina ko pa naririnig ang pangalan ko mula sa labi niya. Kanina pa niya 'ko tinatawag gamit ang boses na puno ng pag-aalala. It's been a while since he called me like this.

It's about to end.

Maybe... maybe we shouldn't hide anymore.

"Java, stay with me. Please."

I can feel his wounded hands caressing my face, his nervous breaths warming my cold skin, and his arms supporting my back from falling. He called my name again and I silently hugged him back, making him aware that I'm already conscious at the same time. Dumilat ako at isang pamilyar na pares ng mata kaagad ang nakaabang sa'kin. Mas humigpit ang kapit ng braso niya na nakasuporta sa katawan ko.

"Damn..." bulong ni Alpha nang magtama ang aming mata saka ako niyakap nang mas mahigpit.

"Elsa is alive!" sigaw ni Steel.

Minura na naman siya ni Gunner. Nakita ko rin si Babe malapit sa pwesto ko at napansin ko na tila nagtataka at naguguluhan. Basa ang mukha niya, tila galing sa luha nang magtama ang mata namin. Namumula ang mata niyang tila hindi pa rin naiintindihan kung ano ang nasasaksihan niya ngayon.

"Stop hugging me. She's watching," bulong ko kay Alpha.

"Everyone's watching and I don't care anymore."

Napakurap ako.

Alpha is back.

I nodded my head.

Right....

"Alright, little couple. The queen is awake. Show's over. Let's continue the game." sigaw bigla ng isang joker na lumapit sa pwesto namin. "King of Spades is next."

"Tsk."

"Alpha.." tawag ulit ni Babe.

"Please let me explain," aniya.

Nagkatinginan kami ni Gunner. Nararamdaman ko ang galit at sakit sa mata niya habang pinapanood si Babe na halos lumuhod sa harap namin.

"I was just mad," sabi ni Babe.

"Ano sinasabi niya?" naguguluhan kong tanong.

Humigpit ang yakap ni Alpha. "I saw a video. It was her. She tried to kill Flame yesterday."

"Oh, God." bulong ko saka tiningnan si Babe. Bigla kong naalala si Flame na halos patayin na lahat kahapon maipagtanggol lang kami.

Shit.

Everything was a mistake.

"We were fooled, Java. I'm sorry," bulong ni Alpha ulit sa'kin.

Napalunok ako.

Hindi ko matanggap...

"I was mad. Flame was behind about the viral video. Siya ang nagkalat no'n kaya matindi ang galit ko. I'm sorry. I was frustrated how everyone cares about her and Java. Nainis ako na wala man lang nag-aalala sa'kin. Ang sabi niyo walang iwanan, eh. Ang sabi niyo tayong sampu hanggang dulo. I was alone yesterday, even now!"

I can no longer take it.

Hindi ko na gusto lahat ng naririnig ko.

Umalis ako sa pagkakahawak ni Alpha.

"Java..." he called.

Pati si Babe ay nanlaki ang mata nang makita kong susugurin siya. Napaatras siya but Babe, it's too late.

Everyone knows now.

"Java---" naputol ang sinasabi niya nang tumama sa pisngi niya ang sampal na kanina ko pa pinipigilan.

"I trusted you," inis kong sabi.

Kulang....

Sinampal ko siya ulit.

Cry, Babe.

Diyan ka magaling.

Diyan mo kami nadala.

Sa pag-iyak mo kami naloko lahat.

Sinu-sino pa ba naloko mo?

Bagsak ang luha ko habang tinitingnan siya. Malakas akong nahikbi pero hindi ako titigil. Gusto ko malaman lahat ng kasinungalingan niya sa 'kin... sa 'min... sa mga nawala naming kaibigan.....

No one dared to stop me. Alpha and Gunner decided to let me do everything I want again just like what happened that night.

"Java, listen to me----"

Tinaas ko ang kamay ko at pinigilan siya.

"No, you listen to me."

Napalunok si Babe. Kita ko sa peripheral vision ko na pinalabas ng mga jokers ang mga bata na nanonood.

"I fucking hated myself of what I thought happened to you, Babe. Ilang gabi akong binabagabag ng konsensya na sana ako na lang ang nagpaiwan bawat hapon kasama si Azazel. Ilang beses kong sinisi ang sarili ko dahil sa mga akala kong nangyari sa'yo!" puno ng poot kong sabi.

"Hindi ko mapatawad ang sarili ko kung bakit kita niyaya sa gusto ni Prof. Azazel. Ilang beses kong pinagsisihan na binigay ko numero niya sa'yo para makapag-usap kayo. Ilang beses akong kinakain ng konsensya na sana maayos ang lahat kung hindi kita hinayaang mag-isa!"

"Pero bakit...."

Malakas na umiyak si Babe.

"I'm sorry," iyak niya, patunay na alam na niya kung ano ang gusto kong puntuhin.

"Babe, bakit ka naman nagsinungaling?" nagbabagsakan ang luha ko sa galit.

Ang sakit ng puso ko sa nangyayari at sa ginagawa ko sa kanya. Hindi ko gusto ang ginagawa ko pero kasi hindi talaga tama ang nangyari.

Ang tanga namin.

Ang tanga-tanga!

"Babe, bakit mo kami niloko?"

"Java..."

"Ilang beses niyo ginawa? Ilang beses ka natuwa?"

Hindi na siya makasagot.

"Masarap ba siya kaya nagawa mong magsinungaling sa 'min bawat hapon?"

Tinuro ko si Gunner.

"Ilang beses siyang napuyat kakaantay sa'yo at nagmukhang tanga tapos malalaman namin naungol ka lang pala kasama ang iba kahit may karelasyon ka?!"

Mas lumapit ako kay Babe.

"Tell me, Babe. How did you brainwash Dorothy? Ginamit mo rin ba ang kabaitan niya sa'yo? Paano mo siya niloko? Kasing galing ba ng panloloko mo sa 'ming lahat?"

"Flame and Hera fucking knows the truth about your video. Kaya ba ganoon na lang kalaki galit mo sa kanila kasi sila ang may kakayahan ipagkalat ang totoong baho mo?"

She remained silent and cried more.

"I think I already know what Ichiro accidentally captured that night..." sabi ko na sa wakas ay napagkone-konekta na rin ang nangyari.

Babe cried, as usual.

I was fooled.....

Damn. I was fooled by those tears.

Napapikit ako. "Siguro.... siguro kaya mo gusto mo protektahan si Alpha hanggang dulo kasi akala mo siya ang nag-iisang pumatay. Siguro kaya mo siya gustong iligtas kasi siya ang pinaka-kaya mong kontrolin at nasunod niya ang gusto mo hanggang dulo." natatawa at napipikon kong sabi.

Napatingin siya kay Alpha. Mabilis kong hinarangan ang tingin niya. Seryoso ko siyang kinausap.

"Keep your eyes on me, Babe. Stare into my soul and remember the wrath on my eyes."

Napalunok siya.

"This is the same wrath I felt when we murdered Prof. Azazel that night, Babe."

Namutla siya.

Nagtataka.

Gulong-gulo.

"I'm the mastermind of his death."

Akala niya si Alpha na lang ang natitira kaya siguro todo kampi siya. She's wrong. So fucking wrong. Halos mawala na ang dugo sa mukha niya nang ibinulong ko ang sunod na mga salita.

"And Babe, I have a bad news for you."

"W-what?"

"You are the last innocent."

 
TO BE CONTINUED.
── ♡├o sheena's note.
#NoSpoilersPlease

Continue Reading

You'll Also Like

157K 941 43
Malasiqui National High School School Year 2018-2019 Project sa Filipino Ipinasa ng: Grupo ng 10 - Kingfisher Ipinasa kay: Bernadette M. Pedral P.S...
98.4K 5.1K 161
This is a story of a student who transmigrated into the book that she makes fun of it and reborn as a baby in the world of fantasy? Royalties? Histor...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
56M 988K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...