DOLLHOUSE

Da -SHEENA-

7.4M 376K 958K

Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all so... Altro

DOLLHOUSE
The Trailer
Warning
Warning Part 2
The News
The Dolls
The Invitation
The Application
The Start
Dollhouse 001
Dollhouse 002
Dollhouse 003
Dollhouse 004
Dollhouse 005
Dollhouse 006
Dollhouse 007
Dollhouse 008
Dollhouse 009
Dollhouse 010
Dollhouse 011
Dollhouse 012
Dollhouse 013
Dollhouse 014
Dollhouse 015
Dollhouse 016
Dollhouse 017
Dollhouse 018
Dollhouse 019
Dollhouse 020
Dollhouse 021
Dollhouse 022
Dollhouse 023
Dollhouse 024
Dollhouse 025
Dollhouse 026
Dollhouse 027
Dollhouse 028
Dollhouse 029
Dollhouse 030
Dollhouse 031
Dollhouse 032
Dollhouse 033
Dollhouse 034
Dollhouse 035
Dollhouse 036
Dollhouse 037
Dollhouse 038
Dollhouse 039
Dollhouse 040
Dollhouse 041
Dollhouse 042
Dollhouse 043
Dollhouse 044
Dollhouse 045
Dollhouse 046
Dollhouse 047
Dollhouse 048
Dollhouse 049
Dollhouse 050
Dollhouse 051
Dollhouse 052
Dollhouse 053
Dollhouse 054
Dollhouse 055
Dollhouse 056
Dollhouse 057
Dollhouse 058
Dollhouse 059
Dollhouse 060
Dollhouse 061
Dollhouse 063
Dollhouse 064
Dollhouse 065
Dollhouse 066
Dollhouse 067
Dollhouse 068
Dollhouse 069
Dollhouse 070
Dollhouse 071
Dollhouse 072
Dollhouse 073
Dollhouse 074
Dollhouse 075
Dollhouse 076
Dollhouse 077
Dollhouse 078
Author's Note | Story Feedback Section
The Published Book

Dollhouse 062

59.8K 3.8K 6.7K
Da -SHEENA-

✦ ◉ •

WELCOME BACK TO
DOLLHOUSE

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o THIRD

"The last kid who found Queen of Clubs is from Team Diamonds. King of Diamonds, Alpha, is the next player. Get ready."

Napatingala sila nang magbago na naman ang nasa screen. Napalitan ito ng timer na limang minuto para makapagtago si Alpha. Gaya ng kay Java, magsisimula ito kapag lumabas siya ng pinto.

"Ako bahala sa kanya," pagputol ni Gunner sa pananahimik ni Alpha saka pasimpleng tinuro si Java na buhat-buhat ni Alpha. "Susundin ko ang huling bilin ni Ichiro."

Tahimik silang nagkatinginan hanggang sa napatango na lang si Alpha at pumayag kay Gunner.

"Babalik ako," seryosong sabi ni Alpha.

"Magtago ka. Huwag mo galingan. Ipapanalo mo pa kami," ani Gunner saka kinuha si Java na unti-unti na nagigising.

Napakagat ng labi si Babe nang marinig ang sinabi ni Gunner. Kanina pa niya iniisip ang plano ng tatlo. What if they are just faking? What if Alpha is just planning to save me? What if Alpha are just fooling Java and Gunner so that we can win the game instead? Madaming tanong ang kanina pa umiikot sa isip niya.

"Your friend over there almost died. Wala ka man lang bang paki?" the King of Hearts asked her.

Sandali siyang tiningnan ni Babe. Nalipat ang tingin ni Babe kay Java na buhat-buhat ngayon ni Gunner at inaasikaso rin ng mga nasa clubs. Hindi siya sumagot at uminom na lang ng tubig.

Napailing na lang ang king sa grupo niya.

Napansin ni Babe na naghahanda na ng mga baril ang mga nasa grupo niya. Inis niya itong pinanood. Alpha already went out of the room. The five minute timer for him to hide is now running. After five minutes, team from diamond and hearts will eliminate the kids too──  and she will witness it with her own eyes.

"Please don't hurt the kids," desperada na niyang sabi.

"It's part of the game," king replied with a bored tone. He gave her a gun but she threw it away.

"Bata pa sila! Akala ko ba may pakielam ka sa mga bata?"

"Queen, you don't know me. You don't even know my name. Now shut up and prepare your gun if you want Alpha to win."

"Win? Pinagtutulungan nila kong tatlo. Hindi kami mananalo ni Alph---"

"Tsk. Listen. It's fucking easy. You just need to beat the record. Whichever pair that has the longest record wins the game. The longest record so far is three hours and forty-five minutes from Clubs. If you break that record, you will win together with Alpha just like what you wanted."

Natahimik si Babe. Muli sa kanyang inabot ang baril.

"Play the game."

   
 
── ♡├o BABE
 
 
Tumigil na ang limang minutong oras para magtago si Alpha. Nagtayuan na lahat ng kagrupo niya pati na rin ang mga kagrupo ko. Ang mga bata sa grupo nina Java at Gunner ay excited na maglaro. I can't. I can't kill the kids!

Pinalabas na ang mga bata para hanapin si Alpha.

"Hindi ko kaya," bulong ko.

Napairap ang queen sa grupo ni Alpha dahil sa sinabi ko. Paano nila naaatim ang ganitong laro?! "They are just kids. We shouldn't hurt them!"

Walang pumansin sa 'kin.

Nagtama na naman ang mata namin ni Gunner. Tahimik niya 'kong pinapanood habang inaasikaso nila si Java. Seryoso at galit ang mga mata niyang nakatitig. Iniwas niya ang kanyang mata nang mahuli ko ito.

Gunner hates me so much and I know it. Sigurado akong siya ang nasa likod ng biglang pagbabago nila Alpha at Java sa'kin. Kung anu-ano na naman siguro ang pinagsasabi niya gaya nila Flame at Hera. Lagi nila kong pinagtutulungan. Hindi ko akalain na pati si Alpha ay mai-impluwensyahan na niyang magbago ang pakikitungo sa'kin.

"Kids, you can now hunt the King of Diamonds. Go!" masayang nagsitakbuhan ang mga bata palabas ng dining hall.

"Let's make them run for a bit before we chase them," sabi ng queen sa grupo ni Alpha na kumakain na ngayon ng bubble gum. Pinalobo niya ito at pinaputok nang makita akong pinapanood siya. How can they say it like it's nothing?

Inirapan niya 'ko. May binulong sa kanya ang kagrupo niyang may salamin saka siya napairap ulit. May isa silang kagrupo na hikab lang nang hikab. Aksidente nitong naiputok ang hawak na baril sa lupa kaya nagulat lahat ng nasa hall.

So its a real gun?!

"Sorry," bored na sabi ng Ace nila saka napakamot ng ulo. Napangiwi ako nang mahawakan niya ang buhok niya. Pati ang lalaking 'yon ay napangiwi sa nahawakan. "Fuck. Why do I have spaghetti strands on my hair?"

Nagtawanan ang mga nasa clubs nang marinig siya. Ang queen sa spades ay napailing sa mga kakamping grupo.

"Tikman mo, Oz. Lasang kuto!" natatawang sigaw ng king sa grupo ni Java.

"Steel, you asshole. Alam kong pumapapak ka ng kuto kaya mo alam." sagot ng ace saka natatawang napailing at hinawakan nang maayos ang baril niya.

"Hey! Don't say names," saway ng queen sa spades.

"Penelope, relax. No one will know your name," sagot ng king sa grupo ni Java saka napatakip ng bibig.

"Oh no."

"Did he just---"

At nagtalo sila.

"Alright. You can now hunt the kids and save the king!" anunsyo ng jokers saka muling binuksan ang pinto para sa 'min.

I can't kill the kids.

I'll just... I'll just distract them to save Alpha.

✦ ◉ •

Dollhouse - Day 06
GAME UPDATES
Time: 20 minutes
Seekers - 18/18
Player Hiding - Doll 01
Status: Found

. . . . . . . . .

Kanina pa kami nag-aabang at naghahanap.

Nasaan ang mga bata at bakit pati sila nawawala? Ano na ba status ng laro? Nahanap na ba si Alpha?

Tahimik kong kinakabisado ang lugar habang naglalakad at naghanap na rin ng pwedeng pagtaguan. Three hours and forty-five minutes. I will beat that. If Alpha is planning to let them win, I will still find ways to save him from losing. I want him to win despite of his sudden change. I will stick with my words.

Gusto ko siya ang manalo.

Naghiwa-hiwalay ang grupo namin para maghanap. Seryoso kong nilakad ang nakakatakot na hallway. Pulang pula ang carpet. Ang gintong dingding na nadaanan ko ay may bakas ng dugo. What happened? Where did the kids go?

Habang naglalakad ako ay may narinig akong maliit na tawa.

Napatigil ako agad.

Sinundan ko ang tunog ng maliliit na boses ng bata na nag-uusap.

"Is that a movie?"

"What is he watching?"

"I don't know. Library?"

"Is this the movie, King? Can we watch Nemo po?"

"Hey. I think he's mad..."

"King, why are you mad--- oh who is that girl?"

"That's queen!"

"She's carrying a gun?"

"Who is that other girl?"

"I don't know. Let's just watch."

"Oh. She's trying to shoot someone."

Huh?

Hindi ko na kinaya. Binuksan ko ang pinto kung saan ko naririnig ang mga boses ng bata na nag-uusap. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin ang isang kakaibang kwarto.

The room is filled with LED screens and they're all playing the same video.

"King, the queen of hearts is here. I think she wanna join." sabi ng isang bata na nakaupo sa sahig.

"Are we going to let her watch with us?"

"No. She's bad."

Halos lahat ata ng bata ay nandito. Nakaupo silang lahat sa sahig at tila nag-aabang ng magandang palabas. Nanlamig ako nang makita ko si Alpha na nakatayo lang sa gitna ng kwarto at tahimik na pinapanood ang nasa video.

Why?

Why are they showing this to him?

This is....

This is unfair.

"Babe," tawag ni Alpha.

Napalunok ako dahil sa lamig ng boses niya.

"Bakit?" tanong niya saka ako nilingon. Pagod na ang mga mata ni Alpha na nakatingin sa'kin. Ramdam kong sinukuan na talaga niya 'ko.

Napaatras ako nang lumapit si Alpha.

Paulit-ulit ang nasa video. Ako na nakatutok ang baril, si Flame na hindi natamaan, at si Gunner na nagalit at hinabol ako.

"Bakit mo pinagtangkaan barilin si Flame?"

TO BE CONTINUED.

Continua a leggere

Ti piacerΓ  anche

82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book οΌƒ1 || Not your ordinary detective story.
157K 941 43
Malasiqui National High School School Year 2018-2019 Project sa Filipino Ipinasa ng: Grupo ng 10 - Kingfisher Ipinasa kay: Bernadette M. Pedral P.S...
56M 988K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...