Flademian Monarchy 9: Sienna...

By LadyHawthornewall

3.4K 65 2

Her innocence, naivety and pure heart that led her to a very delusional, deceitful thing called love. More

Prologue
I
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX-(Final Chapter)

II

270 7 0
By LadyHawthornewall

Napapikit si Sienna. Wala siyang magawa nang halos akayin siya pabalik sa barko ng lalaking antipatikong nagpakilalang kapitan kanyang pinagpuslitang sakyan.

Hindi naman kasi niya akalaing mahuhuli siya nito, sa dinami-dami ng tao roon, ang lalaking pang iyon na kapitan pa ng barko. Pakiramdam niya, talagang labis ang kanyang kamalasan ngayon. Nasa ibaba na siya, maglalakad nalang papaalis ngunit ano pa ang nangyari? Ito pa ang nakabunggo niya.

"Can you just not touch me? I'm not gonna run away. I promise." Sabi niya sa lalaki. Hindi niya tiyak ngunit tila saglit niya itong nakitaan ng paglambot ng ekspresyon na mabilis naman ding nagbalik sa pagkunot ng noo nito.

Agad namang binitawan ng lalaki ang brasong niyang hawak-hawak nito. Marahil ay namamalik-mata lamang siya. Malabo ang kanyang nakita. Ang basa niya sa lalaki ay masyado itong istriktong, hindi marunong ngumiti. Palaging seryoso.

"Sino ka at bakit ka pumuslit dito sa barko ko?" Maastang tanong nito. Talagang akala mo ay hari ito kung magsalita.

"Someone is looking for me back in Flademia. I need to get away, fast. Wala akong ibang choice. Sa dami ng tao, wala nang nagpapasakay sa mga roro."

"Then why are you running away? Siguro may nagawan ka ng atraso kaya ka tumatakas, 'no? Tapos, pinaghahahanap kana ngayon kaya dito ka sa barko ko napunta, gano'n ba?" Muli, halos mapanganga siya sa mga ideyang iyon ng lalaking ito na hindi niya alam kung saan nito nakukuha. Masyado itong mapanghusga gayung wala naman itong alam. Ni hindi naman siya nito kilala.

"I have my reasons. Reasons that I've no plans on sharing with people who didn't even know my name but has the guts to judge me like I'm some sort of criminal." Sabi niya rito. Mababa man ang kanyang tinig, hindi maganda tingin naman ang ipinukol niya rito dahil sa mga sinabi nitong iyon sa kanya. Anong karapatan nito husgahan siya nang ganoon?

Tila saglit niya muling nakita ang paglambot ng ekspresyon nito. But he looked away so quickly that she didn't had the chance to confirm it herself. Napabuga ito at kinuha ang radio transmitter at tinawagan ang dalawang lalaking wala siyang ideya kung sino. Pinapunta nito ang mga tinawagan nito sa kinaroroonan nila at mayamaya ay dumating narin roon ang dalawang lalaking kausap nito sa radyo.

Ilang beses siyang napalunok ngunit ginawa niya ang lahat upang hindi mag-react sa harapan ng kapitan. Ang mga tinawagan pala nito sa radyo ay ang pahenanteng tumulong sa kanya at ang kasamahan nito. Ilang beses siyang napapikit. Iniisip niyang baka mawalan pa ang mga ito ng trabaho nang dahil sa kanya.

"Sila ba ang tumulong sayo pagpuslit dito sa barko?"

"I don't even know them." Labas sa ilong na agad niyang tugon dito. Hindi niya ugaling magsinungaling kaya't hindi niya sigurado kung nawiwila sa kanya ngayon ang kapitan. Hindi niya akalaing tatawa ng pagak ang kapitan na tila isang kalokohan ang kanyang sinabi. Ni katiting, malinaw na hindi ito naniwala sa kanya.

"Why are you protecting them? You don't even know them!" Sabi pa ng kapitan, tila pinagagalitan siya.

"Well, more than I know you!" Hindi na niya napigilan, bahagya naring tumaas ang kanyang tinig. Paano ba naman kasi, kung itrato siya nito ay parang utang na loob niya rito ang ginaganoon siya nito ngayon. Na para bang tauhan rin siya nito. Sino ba ito?

"Listen, if you admit to me now that they are the ones who let you inside this vessel, I'm not gonna terminate their contracts. I'm just gonna punish them according to the rules of this ship. Confess now before I even change my mind." Sabi ng kapitan, tila mas naging seryoso. Mukhang hindi na ito nagbibiro.

Sa kabila ng pagiging antipatiko nito at mapanghusga, pakiramdam niya ay kaya niyang panghawakan ang mga salita nito. Tumango siya rito at inamin narin na ang pahinante at ang kasamahan nito ang tumulong sa kanya upang makasakay roon. Iyon lang naman ang gusto niya, ang masiguradong hindi mawawalan ng trabaho ang mga ito dahil sa kagagawan niya.

Tumango ang kapitan at hindi nagtagal ay i-di-ni-smissed narin nito ang pahinante at ang kasama nito na agad ring umalis upang bumalik sa kani-kanilang mga istasyon ng mga ito. Paalis narin sana siya nang muling magsalit ang aroganteng kapitan.

"Where do you think you're going?"

"Far away. From you?" It was really uncomfortable for her to be that sarcastic but she couldn't help it. Sumosobra na ang kapitan sa kanya

"You're not going anywhere." He said to her, as if he was commanding her.

"Excuse me?"

"You heard me." Sabi nito, tila ito ang may hawak sa buhay niya ngayon. Napapikit siya, inipon ang lahat ng pasensiyang natitira sa kanya.

"Wala kang karapatang pigilan ako kung saan ko gustong pumunta. I'm leaving now." Sabi niya rito, pilit na pilit ang pagiging mahinahon.

"Okay. I'm just call the Taiwanese authority. Ewan ko nalang kung anong gagawin nila sayo pagkatapos." Nagkibit-balikat ito, akmang may tatawagan sa telepono na kinuha nito mula sa bulsa nito.

"I'm not a criminal!" Giit niya rito. Talagang pinipilit nitong may nagawan siya ng atraso kaya siya naroroon ngayon.

"Well, you made yourself one when you got yourself inside my ship without me knowing. You made me smuggle you here from Flademia! Kung isusuko kita sa mga pulis, sa tingin mo, anong gagawin niya sayo? You know what they say about what happens to the pretty girls behind bars." Muli, napalunok si Sienna. Hindi iyon ang unang beses na nasindak siya nang dahil sa lalaking ito.

Napayuko siya. She felt hopeless, specially that very moment. Sa kagustuhan niyang magpakalayo, maging magpag-isa ay iyon ngayon ang kanyang kinahinatna. It was if she just escaped a prison cell just to get caught and locked up into another one.

"What do you want?"

"For you to behave until we get back to Flademia." Mariing sinabi nito at iniwan na siya roon. Gumuho na ang plano niyang mag-travel mag-isa. Bakit ba nangyayari iyon sa kanya?

APPARENTLY, the name of the captain was Vittorio Philippe. His name was utterly familiar but she couldn't remember where she heard it before. Basta, ang alam lamang niya ay walang balak na sabihin sa kanya ng lalaki ang pangalan nito kahit pa ilang araw na silang magkasama roon sa barko.

She was grateful to him though. Even though sometimes he acted like a prick and arrogant, she could say that he was not that bad at all. Kung hindi lamang nito ibubuka ang bibig nito, masasabi niyang may kabaitan rin naman ang lalaki. Bagay na maging siya ay nasusurpresang malaman ngayon.

The guy 'upgraded' her room by making her stay in a more comfortable crew cabin together with one of the kitchen staff there, Tasha. Her new roommate seemed to be so nice, to the point that Sienna already felt comfortable around her. She found herself a new friend there.

Kahit sa mga kasamahan niya noon sa kanyang trabaho ay hindi naman siya ganoong naging komportable kapag kasama niya. Para siyang laging aloof noon at tila may pader sa pagitan nila ng kanyang mga colleague.

But Tasha was different from them. She was very jolly and her radiant personality was contagious. Pakiramdam niya ay nahawaan na siya nito niyon kahit papaano. Madalas kasi siyang nakatawa o kaya naman ay nakangiti kapag kasama niya at kausap ito.

Halos makalimutan na niya ang dahilan kung bakit siya umalis ng kanyang bansa dahil dito. And Tasha seemed to be comfortable around her, too. Katunayan, sa sobrang palagay nito sa kanya ay hindi na ito nahiyang ikwento ang buhay nito sa kanya kahit pa kakakilala palang nilang dalawa. Instantly, they became so close.

Ang sabi nito, dati raw itong nagmo-modelo sa Flademia kaso lang ay hindi naman sapat ang kinikita nito roon pagkat kakarampot lang iyon kumpara sa kung ano ang sinusweldo nito ngayon. Kaya nga't dito ito ngayon nagtatrabaho sa barko. Kailangan dahil may tatlo pa itong mga kapatid na pinag-aaral.

Nakaramdam siya ng panghihinayang para dito. The girl was tall, has a beautiful big curly hair with a gorgeous brown skin. Tasha was just stunning, as to put it simple. Bagay nga talaga rito ang maging modelo kung tutuusin. Sayang lang at kailangan nitong isangtabi ang pangarap nitong iyon para sa mas malaking sahod.

"Sien, do you wanna come with me in the kitchen today?" Tanong ni Tasha sa kanya kanina at ganoon nalang ang kanyang naging pagtango.

Dalawang araw na siyang nasa kabina lamang. Sabik na sabik na siyang makita ang iba pang bahagi ng malaking barko na iyon, hindi lamang ang maliit at apat na sulok ng silid na kanyang tinutuluyan. Sa totoo lang, pakiramdam niya ay matutuyuan na ang kanyang utak kung magtagal pa siya roon nang hindi man lang lumalabas o pumupunta kahit saan.

Walang espesipikong sinabi sa kanya ang kapitan sa kung anong balak nitong gawin sa kanya. Ang sabi lamang nito, sa tuwing dadaong ang kanilang barko ay kailangan niyang magtago nang mabuti dahil sa bawat port na dadaungan nila ay mga taong nag-i-inspeksiyon sa buong vessel at hindi dapat siya makita ng mga ito, depende sa kung saang bansa sila hihinto.

Their next stop was going to be Hong Kong and Macau. Kapag huminto na ang barko nila roon, kailangan niyang manatili lamang sa kanyang kabina pagkat mayroon man siyang dalang passport, wala naman siyang visa maipapakita kung sa mga awtoridad kung sakali. Tiyak, malaking gulo kapag nahuli siya ng mga inspektor.

Ngayon lubos na niyang nauunawaan ang bigat ng kanyang ginawang illegal na pagsakay sa barkong iyon. Hindi lang sarili niya ang inilagay niya sa alanganin, maging ang lahat ng crew at staff sa barkong iyon at madadamay rin kapag nagkataon. She shook her. Mai-stress lamang siya kung patuloy niyang iisipin ang bagay na iyon. Instead, she finally went to the kitchen with Tasha.

Sienna really enjoyed her time helping Tasha cooking different dishes. Mainit man roon at talagang hindi mauubusan ng gagawin, masaya siya na naroroon siya at nakikihalubulo sa marami.

Hindi pala biro ang magtrabaho roon. May halos dalawang-daang mga crew silang kailangan busugin ngayon tanghalian at mamayang gabi Pinagpapawisan man si Sienna, talagang masaya siyang magtrabaho roon. In fact, she thought that she could do that until she could finally get out of that ship.

Madali naman kasing kagaangan ng loob ang mga tao roon, hindi mahirap pakisamahan. Almost everyone was friendly to her apart from one. The arrogant captain of the ship.

Dumating ang tanghalian at umakyat na sila ni Tasha sa mess deck kasama ng iba pang trabahador sa kusina, dala-dala ang mga pagkaing kanilang mga iniluto para sa lahat. Nagsimula nasilang pumwesro at ihanda ang mga iyon. Nagsimulang naring pumila ang mga crew at staff sa dala-dala ang kani-kanyang mga tray ng mga ito. Siya ang nakaatas na magbigay ng soup sa lahat.

Ganoon nalang ang ngiti ni Sienna nang puro papuri ang marinig niya na masarap daw ang soup na kanyang ibinibigay. Of course she was proud. Siya kasi ang nagtimpla noon at sa unang pagkakaton, parang nakaramdam rin siya ng kaunting hiya. Kahit kailan kas ay hindi pa niya nagagawang maipagluto ang ibang tao. Si Dalton lang.

Halos mabura ang ngiti niya nang maalala niya ang lalaki. Kamusta na kaya ito? Kumakain kaya ito sa oras? She wanted to shake her head that moment. Sa ginawa nito sa kanya, ni katiting ay dapat hindi na ito sumagi pa sa kanyang isip. Para sa kanya, dapat ay kinakalimutan na talaga ito.

"Don't tell me you're daydreaming about someone right now?" Said the familiar arrogant voice.

"Ha?" Ilang beses na napapikit si Sienna at pagkatapos ay tumikhim nang hindi niya napansing naroroon na pala sa harapan niya ang kapitan ng barko, inaantay na salinan niya ang tray na dala nito ng soup na kanyang ipinapamahagi.

"Nothing, just give me my soup please." Sabi nito. Madali naman niyang sinalinan ng sabaw ang bowl nito. Hindi niya namalayang ito na pala ang huling se-serve-an niya ng pagkain. Tumalikod na ito at bumalik na sa lamesa kasama ng apat pa nitong mga kasamahan na doon lang niya muling nakita simula nang makabunggo niya ang kapitan noon sa pier ng Flademia.

"Alam mo, ngayon ko lang nakitang ganyan 'yang si Captain Vito. Kahit mabait 'yan, hindi naman 'yan madalas makisalamuha samin. Lalo na dito sa deck. Sa totoo lang, ngayon lang ulit kumain 'yan dito. Madalas lang kasi 'yan sa istasyon niya o kaya naman, sa kabina niya." Sabi sa kanya ni Tasha nang saluhan niya ito sa lamesa kasama ng ilang pang kitchen staff na kasabay niyang kakain roon. Napakunot ang noong hinarap niya si Tasha. Para kasing may ipinupunto ito .

"Mabait? Kung mabait 'yan e 'di sana wala nang giyera sa mundo, sana hindi nagkakagulo ang mga tao. Siguro, sadyang napakayabang lang talaga niyan at napaka-arogante kaya't ayaw makisalamuha sa iba dahil pakiramdam niya, mas mataas siya sa lahat." Sabi niya kay Tasha, hindi na nag-alala kung may makakarinig na iba. Bakit siya mahihiya? Pinapahayag lang naman niya ang opinyon niya tungkol sa lalaki. Nakatawa lang na naiiling sa sinabi niya si Tasha.

"This is maybe why he likes you. Despite the fact that you were like a damsel in distress to him, you're a very bold woman when it comes to your opinion." Sabi pa ni Tasha.

"Believe me, Tash, he doesn't like me. He despises me, that I'm sure of. And what do you mean I'm like a damsel to him?"

"Girl, para lang sa kaalaman mo, lagi ka niyang kinakamusta sa 'kin. At ngayon, kumain pa dito sa deck para lang makita ka. The captain was never like that, not to anyone. Sayo lang."

"No. Maybe, he's just checking if I'm behaving 'accordingly' as he would like to say. Siguro gusto lang niyang malaman kung may balak pa ba akong tumakas pababa ng barko. As if I could that right now." Hindi alam ni Sienna kung sino ba ang mas kinukumbinsi niya sa sinabi niyang iyon. Si Tasha o ang sarili niya.

"Whatever you say, Girl. All I can say is, we're in the middle of the ocean right now. You have nowhere else to go and yet, he's still here. All eyes on you." Sabi pa ng babae, tila siguradong sigurado ito sa pinupunto nito.

Napalingon siya sa gawi ng kinauupuan ng kapitan. Hindi niya akalaing sa paglingon niyang iyon ay magtatama ang paningin nila sa isa't-isa.

Napalunok si Sienna. May kung ano sa tingin nitong iyon na tila nais na niyang maniwala na totoo nga ang sinasabi sa kanya ni Tasha kanina. Siya ang unang nag-iwas ng tingin. Doon niya napagtantong hindi niya kayang makipagsabayan ng pakikipagtitigan kay Vito.

Continue Reading

You'll Also Like

8.4K 445 23
Completed | Under Edit "Your blood will be your payment" -Iva Escondido
1.5K 95 25
'I KNOW HIS HEART DOESN'T BELONG TO ME ANYMORE.' -Elijah
354K 5.4K 23
Dice and Madisson
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...