Flademian Monarchy 9: Sienna...

By LadyHawthornewall

3.4K 65 2

Her innocence, naivety and pure heart that led her to a very delusional, deceitful thing called love. More

Prologue
I
II
III
V
VI
VII
VIII
IX-(Final Chapter)

IV

226 3 0
By LadyHawthornewall

Sienna woke up feeling very light the next morning. She was not sure if it was because she had a long, goodnight sleep or maybe it, was because of the fact that she haven't felt that joyous in awhile.

"You're smiling." Sabi sa kanya ni Tasha nang ilapag nito sa kanyang harapan ang tray nito na naglalaman ng pagkain at maupo ito sa kanyang tabi. Nasa mess deck sila ngayon, kakatapos lang nilang mag-serve ng pagkain at ngayon ay sila naman ang mag-aagahan.

Sa pagkaabala niya ng kanyang utak kakaisip sa kung anong nangyari kinagabihan, hindi niya namalayang naroroon na pala si ang kanyang kaibigan sa kanyang tabi. Hindi tuloy niya malaman kung anong magiging reaksyon ngayon dito. Hindi parin kasi nila napag-uusapan ang tungkol sa nasaksihan niyang ginagawa nito kasama ng chief officer ng nagdaang gabi.

"I'm not smiling." Depensa niya sa kaibigan ngunit tila hindi naman nito binigyan-pansin iyon bagkos, hinawakan nito ang kanyang braso, pawang desperado at nagmamakaawa ang ekpresyon.

"Listen, what you saw last night, everything was just a big misunderstanding."

"I told you, I didn't see a thing."

"Alam kong nakita mo kami at gusto kong magpaliwanag sayo ngayon kung ano talaga ang nangyari. That guy, he bewitched me!" Ipinaliwanag nitong nag-uusap lamang ito at si Pierre nang bigla siyang paulanan ng lalaki ng matatamis na mga salita. Natural ay naniwala lang si Tasha.

Ang sabi pa nito ay babaeng lamang ito naging marupok, bumigay sa mga papuring salita ni Pierre para dito. Nakaramdam siya ng awa para sa kaibigan, naiintidihan niya ang nararamdaman nito ngayon.

Instead of talking, she held Tasha's hand ang slightly squeezed it. Seemed like Tasha needed that more than anything. Hindi naman nito kailangang magpaliwanag sa kanya ngunit ginagawa parin nito. Patunay lang na importante rito ang kanyang opinyon. Tasha was really her friend now.

Sa totoo lang malungkot siya dahil sa mga isinalaysay na iyon ng kaibigan. She remembered Dalton and how he was to her. He was exactly like that to her. He was sweet, very gentle and seemingly perfect guy that absolutely has no flaws. But it turned out, it was all lie, part of his show, his plan.

Naisip niyang halos katulad lang rin ng nangyari sa kanya noon ang nangyayari ngayon kay Tasha. Na parehas lang silang babae at nadala lang sa matatamis na mga salita ni Dalton at Pierre.

"Okay, okay. I believe you." Sabi niya kay Tasha, sinusubukan itong kalmahin. Mukhang kumalma naman si Tasha at pagkatapos ay mahigpit siya nitong niyakap.

"Can I join you guys?" Sabay silang napaangat ng tingin ni Tasha at agad itong kumawala ito sa kanya nang makitanv naroon si Vito, nakangiti sa kanula. Parang may biglang namuo sa kanyang lalamunan, hindi agad siya nakapagsalita.

"I think I should go now and look for Dino. May sasabihin daw siya sa akin eh. Sige, mauna na 'ko." Makabuluhang ngiti lang ang ibinigay sa kanya ni Tasha. Dala ang tray ng pagkain nito ah tuluyan na nga siya nitong iniwan roon mag-isa kasama ang kapitan. Pagkaalis ni Tasha ay agad na naupo sa kanyang tabi si Vito.

"How's your head?" Tanong nito, nakangiti parin sa kanya. Nagsimula na itong kainin ang dala nitong almusal.

"What about it?"

"You were drunk last night. That's why I have to walk you to your cabin." Sabi pa nito, patuloy lang sa pagkain. Siya naman ay namula ang pisngi sa kanyang kinauupuan.

Bigla niyang naalala ang nangyari kinagabihan. Habang nagsasayaw silang dalawa ay sandali siyang humilig sa dibdib nito ngunit nang matapos ang tugtog at babalik na sana sila sa kanilang pwesto ay saka naman siya nakaramdam ng matinding pagkahilo. Tuloy naputol ang kanilang kasiyahan.

Mag-uusap pa nga sana sila ni Vito dahil aminin man niya sa hindi, natuklasan niyang masarap palang kakwentuhan ang lalaki. He was a gentleman too. Nagboluntaryo pa itong ihatid siya sa kanyang kabina.

"I'm not drunk. Just a little bit tipsy, maybe." Nagkibit-balikat siya, umarteng tila wala lang ang kinukwento nitong iyon sa kanya kahit sa totoo lang, nakakaramdam na siya ng bahagyag pagpakaphiya dahil sa nangyari. Ayaw niyang bigyan ng impresyon ang lalaki na mahilig siyang uminom at palaging ginagawa iyon.

Ang nangyari ng nagdaang gabi lang kasi ang naging pagkakataon niya upang mag-enjoy nang labis na walang sino man ang maaaring pumigil sa kanya kung sakali. Hindi naman niya akalaing ang kapitan pala ang magiging companion niya ng gabi iyon.

When her secret relationship with Dalton started, she had the freedom she always thought wanted ever since. Noong una ay masaya siya pagkat may mga bagay na nagagawa na siya na hindi naman niya nagagawa noon.

But there were limitations to all that. Hindi man siya pigilan ni Dalton ay panay naman ang paalala nito sa kanya kung ano ang mga bilin ng kanyang ina. Parang nais niyang ismiran ang mga alaalang iyon. She shook her head, smiling bitterly. Kung nalalaman lang ni Dalton kung anong utos ng kanyang ina ang kanyang pinakasinuway sa lahat, marahil ay mahihiya ito sa mga pinaggagagawa nito sa kanya.

She was sure, the least Dalton would get from her mother if she found out what he did her was broken bones. Alam niyang hindi ito sasantuhin ng kanyang ina. Masama man ang loob niya sa lalaki, hindi niya gugustuhing malaman pa ng kanyang ina ang tungkol sa nangyari sa kanila. Kaya nga siguro siya lumayo, upang paghilumin muna ang kanyang sarili nang hindi nagkakagulo ang mga tao sa kanyang paligid.

"You're quiet. May nasabi ba 'kong masama?" Pukaw ni Vito sa kanya mayamaya. Hindi niya napansing kanina pa pala siya tahimik. Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya dito.

"No, I think you're right. I'm so drunk last night and now, I'm having a hangover." Pagdadahilan niya rito.

Pagkasabi niya noon ay sukat bumaliktad ang kanyang sikmura dahilan upang magmadali siya papunta sa pinakamalapit na CR doon sa mess. Doon niya inilabas ang lahat ng kanyang kinain ngayong umaga. At marahil maging ang kanyang inihapunan kinagabihan. Hilong-hilo siya, nangsisimula narinh manghina.

Hindi niya namalayang naroroon pala si Vito at sinundan siya sa CR, hinihimas ang kanyang likod. Inalalayan siya nito hanggang sa makabalik sila sa kanilang pwesto.

"You're pale. I'll call the doctor." Sabi nito, tinutukoy ang naval doctor ng barko.

"Hindi na. Sa tingin ko, pahinga lang 'to. Mukhang hindi pa sapat ang naging pahinga ko kagabi kaya't nahihilo pa 'ko ngayon."

"I'll walk you to your cabin then." Tumango siya rito at iyon ng nga ang ginawa nito. Ang akala niya ay agad rin itong aalis pagkahatid nito sa kanya roon ngunit inayos pa nito ang kanyang hinihigaan at pinatawag pa si Tasha upang bilinan ito na tignan-tignan siya at ang lagay niya habang nagpapahinga siya.

As much as she wanted to object, she didn't wanna argue with him anymore. Alam niyang hahaba pa ang usapan kung nagkataon. Ang besides, it really felt nice seeing Vittorio like that, as if he really cared for her. Mabilis siyang nakatulog pagkainom niya ng paracetamol.

NAPANGITI SI Sienna nang makita ang laman ng kahong galing kay Vito na ipinadala nito sa staff nito para sa kanya. Naglalaman iyon ng mga gloves, coats at earmops at kung anu-ano pang mga gamit na maaari niyang suotin panlaban sa lamig. Nagsisimula na kasing lumamig pagkat ilang araw nalang ay dadaong na sila sa Port ng Tokyo. Ang alam niya, winter ngayon sa Japan.

Araw-araw nalang, may iba't-ibang ginagawa si Vito na sadyang nakakapagpangiti sa kanya. Nang magkasakit siya ay dalawang beses ito kada araw kung dumalaw sa kanya sa kanilang kabina para tignan ang lagay niya.

Nang gumaling naman ay ganoon parin ito, lagi kung kumustahin siya. At kapag abala naman ito at hindi na siya mapuntahan, sinisigurado nitong mapapadalan siya nito ng iba't-ibang masusustansiyang pagkain, katulad na lamang ng basket ng mga prutas at mga bitamina upang hindi raw siya madaling magkasakit.

She sighed dreamily. She was very lucky, she realized. Who knew that Vito could be that sweet and thoughtful? Kahit kailan, hindi niya inaasahang magiging ganoon ito kabait sa kanya.

Ang maging kaibigan nga lang nito ay parin kapani-paniwala para sa kanya, masyado paring surreal ang dating. Ngunit ang maging ganoon si Vito sa kanya ngayon, tila pinapahiwatig nito sa kanya ngayon na puwede niya itong mapagkatiwalaan nang lubos.

"So.. are you ready for Japan? We'll get there in less than fifty-eight hours.." Pag-iiba ni Vito ng paksa mayamaya. Parang may excitement sa itsura ng binata na hindi niya maunawan kung para saan.

"Don't ask me that. Alam mo namang hindi ako pwedeng bumaba ng barko, 'di ba? Ni hindi nga ako pwedeng lumabas ng kabina, baka mahuli ako." Pawang nawala ang pagkasabik na iyon sa mata ng lalaki at napalitan ng lungkot.

Marahil para sa kanya ang lungkot na iyon pagkat nakalimutan lang nitong hindi siya dapat makita roon ng mga taong mag-i-inspeksiyon sa kanilang barko pagdaong nila sa Tokyo.

Hinawakan nito ang kanyang kamay at tinignan siya nang diretso sa kanyang mga mata. Naguguluhan siya. Kailan pa naging ganoon ang epekto sa kanya ng tinging iyon ni Vito? Parang tumatagos iyon sa kaibuturan ng kanyang pagkatao.

"Do you trust me?" She didn't know why he was asking her that all of a sudden but she answered anyway.

"I do." She said honestly and he smiled at her. She didn't know what exactly was that for but, it felt really comforting.

SIENNA'S HANDS were trembling. She wasn't sure if it because of the sudden cold temperature of Japan or it was because she was just scared that she might end up getting caught today.

Nakadaong na ang kanilang barko sa Port of Tokyo at kasalukuyang iniispekyon ng mga tao roon ang buong vessel. She stayed at their cabin as she was supposed to do. Ganoon pa man, hindi parin mapanatag ang loob niya. Pakiramdam niya ay doble ang bilis ng pintig ng kanyang puso ngayon.

Sa totoong lang ay malaki ang kanyang pangamba, hindi niya alam kung anong mangyayari sakali mang mahuli nga siya. Hindi rin nakatulong sa kanya ang mag-isa lang siya roon ngayon. Ang lahat kasi ang nasa ibaba ng barko at ang iba naman ay sinasamahan ang mga inspektor sa pag-i-inspeksiyon.

Lalo siyang kinakabahan sa isiping iyon. Naisin man niyang sumilip sa labas at tignan saglit kung ano na ang nangyayari, hindi niya magawang suwayin ang mahigpit na bilin sa kanya ni Tasha bago siya nito iwan kanina.

Ilang beses na niyang naitanong sa kabigan noon at kinumpirma nga nito kung gaano kahigpit ang pag-i-inspeksiyon ng mga Hapon. Napapikit siya, nagdaral na sana'y hindi talaga siya mahuli.

Bigla siyang napamulat nang may kumatok sa pintuan ng kanilang kabina nang limang beses. She was sure it was Tasha. Iyon kasi mismo ang sinabi nitong gagawin nito sakali mang may aberyang mangyari. Lalong nadagdagan ang takot niya dahil doon. Ganoon pa man, agad niyang binuksan ang pintuan. Si Tasha nga iyon, hihingal-hingal at pawang hinahabol ng kung sino.

"We have to go." Tasha said, holding her arm, almost dragging her out of the cabin.

"What?"

"I'll explain to you later. Just follow me." Sabi nito at iyon naman ang ginawa niya.

Maingat ang kanilang bawat kilos ngunit may pagmamadali iyon. Sa hallway, nakita nilang umakyat ang ilang kalalakihang hapon na hula niya ay mga opisyal ng port. Patungo ang mga ito sa cabina nila. Muli siyang napapikit, mabuti na lamang at dumating roon si Tasha roon at sinundo siya.

Umakyat sila, isang palapag mula sa kanilang kabina at pinapasok siya ni Tasha sa isa sa mga silid roon na pakiwari niya ay inuukopa ng isa mga deck officers. Tasha was about to leave again when she held her arm.

"'Wag mo 'kong iwan dito."

"Hindi pwede. Kailangan kong tignan kung tapos na silang mag-check. Don't worry, you'll be safe here. Alam ko, hindi nila in-inspect ang kwarto ng kapitan." Sabi pa nito bago siya tuluyang iwan roon.

Nanlaki ang mga mata ni Sienna nang mapantanto kung kaninong kabina iyon. Para siyang nakaramdam ng hiya, nag-aalangang maupo nalang basta sa kamang naroroon. Ngunit marahil sa tensyong meron siya, naupo narin siya mayamaya.

Parang nanginginig ang kanyang mga kalamnan nang hindi niya maunawaan. Ganoon nalang ang nerbyos niya. Naiyuko niya ang ulo sa kanyang mga palad. What did she get herself into? She was anxious but she was not aware of that. Iniisip niyang kapag nahuli siya, paano nalang ang mga taong nagtatrabaho roon sa barko?..

Napaangat siya ng tingin nang may tumunog, nanggagaling iyon sa pintuan ng banyo sa kabina. Mayamaya ay bumukas na iyon, iniluwa si Vito na siyang nabigla ring makita siya na naroroon.

Hindi agad siya naka-react, bagkos ay napalingon na naman siya sa pintuan papalabas ng kabina. Narinig niya ang ilang kalalakihan roong nagsasalita ng hapon, maging ang tinig ni Tasha na pawang pumipigil sa mga ito ay naroroon rin. Nalilito na si Sienna sa kung anong unang niyang dapat gawin. Bahala na. Ginawa na lamang niya ang unang pumasok sa kanyang isip.

She quickly grabbed Vito in his arm that almost drag him inside the cabin bathroom and closed the door right away. Hindi kalakihan ang banyo, katunayan sa tingin ay pang-isang tao lamang iyon. Mas maliit pa hata iyon kesa sa banyo ni meron sila ni Tasha sa kanilang kabina. Marahil ay sa kabina mismo ni Vito napuntan ang sobrang espasyo na dapat sana ay sa banyo nito.

Dikit na dikit ang kanilang mga katawan at kahit malamig roon ngayon, walang silbi pagkat init na init ang pakiramdam niya ngayon. They were standing so close thay he could she smelled his musk and it smeled so good.

Napapikit siya nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng kabina ni Vito mula sa labas. Wala na, mahuhuli na sila. Nginig na nginig siya. Katunay ay hindi pa siya nakaramdam ng ganoong takot buong buhay niya.

But her trembling slowly melt away when she felt a warm hand on her cheek. She slowly opened her eyes to see that Vito was there, looking back at her, straight into her eyes. Ang mga tingin nitong iyon, sapat na upang kahit papaano ay makaramdam siya ng kapanatagan.

Ngunit ang kapanatagan na iyon ay hindi rin nagtagal nang marinig niyang naroroon na ang hapon sa loob ng kabina. She felt them very to them near so for the second time, she did what her instinct told her to do.

She closed her eye and muster all the strength she had and grab Vito in his neck and kissed him on the lips. Mahuli man sila ng mga hapon sa ganoon posisyon, may maidadahilan siya sa mga ito. She would pretend that she was the Captain's harlot or some sort. Bahala na.

Sasabihin niya sa mga Hapon na nakarating siya roon dahil pumuslit siya sa ibang bangka at doon na nagtrabaho sa port. Iyon lang ang naisip niyang dahilan para hindi madamay ang buong vessel sakali mang may malaking kaparusahan iyon mula sa Japanese government.. Bahala na kung paniwalaan siya ng mga Hapon.

The bathroom door opened before she could even anticipated it. Gaya ng kanyang inaasahan ay may ilang mga tao roon. Lamang ay wala ni isa sa mga ito ang hapon. Bagkos ay naroon sina Tasha, si Pier at ilang mga staff ng barko na nakatingin sa kanilang dalawa ni Vito sa napakakompromisong posisyon. Marahil, hindi na nila narinig pang napaalis na ng mga ito ang mga hapon roon dahil sa kanilang pagkaabala.

Napapikit siya  at gadyang bumitaw kay Vito at mabilis lumabas ng banyo. Sa hiya niya ay ni hindi niya magawang tingnan ang mga kasamahan niya naroon at halos patakbong lumabas na siya ng kabina at agad tumungo sa kanilang silid. Iyon ang unang beses sa buhay niya hiniling niyang sana ay lunukin siya ng dagat. Sobrang nakakahiya ang ginawa niya.

Agad siyang nahiga sa kanyang kama, nagtaklob ng kumot kahit pa batid niyang sinundan siya roon ni Tasha. Ano nalang ang iisipin ng mga ito sa kanya? Pakiramdam niya ay maiiyak siya nang mg oras na iyon. Halos ilang oras rin siyang sa ganoong posisyon, umaasang hindi totoo ang mga nangyari.

"Sien, it's dinner time. Gusto mo ba, ipag-akyat nalang kita rito ng makakain?" Sabi ni Tasha sa kanya, mababa ang tinig. Iyon ang unang beses na tinanggal niya ang pagkakataklob ng kumot sa kanya.

"H-Hindi na. Ako nalang ang pupunta ng mess." Sabi niya rito, pinilit niya ang kanyang sarili pagkat naisip niyang ayaw niyang isipin ng mga tao roon na nag-iinarte siya gayung siya naman ang may kagagawan kung bakit siya nahihiya ngayon.

Tumayo siya at tumungo sa banyo. She looked at herself in the mirror and goodness, she looked horrible. Mugtong-mugto ang kanyang mga mata ang at pula-pula narin ang kanyang labi na pawang namamaga na ito. She didn't realize that she was crying underneath the blanket for a couple of hours.

Agad niyang pinunasan ang bakas ng naging kanyang luha at naghilamos narin upang kahit papaano ay maginhawaan ang pakiramdam. Paglabas niya ng banyo ay naroroon parin si Tasha, pawang inaantay siya. Sabay silang nagtungo sa mess..

She silently thanked God when no one gave her the odd looks when they arrived at the mess. Mukhang abala ang lahat sa kani-kanilang hapunan kaya't tila hindi nga napansin ng mga ito ang kanyang pagdating. Nakahinga siya nang maluwag.

"Kamusta ang pakiramdam mo, okay ka na ba?" Sukat tumalon ang kanyang puso nang marinig ang tinig na iyon ni Vito. Bago pa man siya makaalma ay naupo na ito sa kanyang tabi. Si Tasha ay sinenyasan siya na iiwan muna siya nito roon.

"How can you talk so casually after what happened?" Naiinis na tanong niya rito pagkat nagagawa pa nitong ngumiti nang ganoon sa kanya. Para itong nakakaloko.

"Well, I'm not the one who barged in to someone else's cabin and kissed the captain." He pointed out, still smiling Sa inis niya ay sinuntok niya ito sa braso ngunit pawang wala lang dito iyon sa laki ng bulto nito. Nagawa pa nitong tumawa habang siya ay pulang-pula ang mukha roon, hiyang-hiya. Bakit kailangan pa nitong ipaalala sa kanya ang kahihiyang ginawa niya kanina?

"Kung wala ka nang ibang sasabihin, babalik na ako sa kabina namin." Sabi niya rito, ni hindi masalubong ang mata nito pagkat talagang nahihiya siya rito at sa lahat.

Paalis na sana siya nang hawakan nito ang kanyang magkabilang pisngi. Natatawa parin ito pero hindi dahil sa inaasar siya nito, ngunit dahil tila naa-amuse ito sa kanya ngayon.

"There's nothing to be shy about it." He said, kissing her forehead afterwards. His gesture was enough to soothe away all her embarrassments. "I've something to give you. Here" He said to her, handing her a large brown envelope. Nanlaki ang mga mata niya nang buksan niya iyon.

"W-What's this?"

"It's your passport, a visa and some other things you needed if you wanna tour around the country. Don't worry, I paid a hefty price for that. Hindi ka mahuhuli. It's legit, seemingly." Vito explained to her.

"Why for?" She couldn't say anything else but that.

"Well I thought it would be a waste if we don't visit some popular places here in Japan while we're here. Maigi nang mamasyal hangga't nandito pa tayo, 'di ba? Everyone already has their visas. Ikaw nalang ang wala. Sayang naman kung ikaw lang ang hindi makakalibot."

Parang mamumugto na naman ang kanyang mga mata dahil dito. He made her feel so overwhelmed, again. Hindi niya akalaing maiisip nito ang bagay na iyon.

"I-I don't know what to say."

"How 'bout 'thank you'?" He said, giving her his boyish smile.

"Thank you."

"And you're- " Natigil ang pagsasalita nito nang akapin niya ito nang mahigpit. "-welcome." Sabit nito sa kanya, tatawa-tawa.

Sobrang saya niya ngayon. Matagal na talaga niyang nais magpunta ng Japan nang mag-isa at libutin ang iba't-ibang bahagi niyon. Hindi niya akalaing ngayon ay matutupad na iyon, kasa-kasama si Vito.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 545 50
(Maldita The Series #2) "Huwag kayong mainis sa aming mga kontrabida, kung wala kami ay mawawalan ng thrill ang isang love story. Naaasar kayo sa...
118K 2.5K 52
"The blackhole is not scary as what you think. His kind of blackhole is I want to fell for." Elly an ordinary girl who has a dark past meets the king...
42.1K 977 26
Three stars and the Sun. In a parallel universe, it's called Flademia.
487 77 23
Lahat ng tao ay naghahangad ng magandang kapalaran. Lahat ay nais na makamtan ang kaniyang pinakalayunin sa buhay. Ang lahat ay tumitingala sa bugha...