THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔

By GarnetSiren

307K 16K 1.4K

7BB シ " SEVEN BAD BOYS " More

SYNOPSIS
DISCLAIMER
CHAPTER 1 - The Bad Boys
CHAPTER 2 - First Encounter
CHAPTER 3 - Seatmates
CHAPTER 4 - Bully vs. Nerd
CHAPTER 5 - First Kiss
CHAPTER 6 - SuperSaiyan
CHAPTER 7 - Worried Bully
CHAPTER 8 - SaiRid Moment
CHAPTER 9 - Sweet Revenge
CHAPTER 10 - His Smile
CHAPTER 11 - Sigrid's New Hero
CHAPTER 12 - His Nanny
CHAPTER 13 - You're Safe
CHAPTER 14 - Pretending
CHAPTER 15 - Sigrid vs. Sugar
CHAPTER 16 - Danger zone
CHAPTER 17 - Rivalry
CHAPTER 18 - The Vizcondes
CHAPTER 19 - Trouble
CHAPTER 20 - Jealousy
CHAPTER 21 - Saiyan's Confession
CHAPTER 22 - Mad Shokoy
CHAPTER 23 - Nanny No More
CHAPTER 24 - Dancing Señorita
CHAPTER 25 - The Twins
CHAPTER 26 - New Job
CHAPTER 27 - Reminiscing the Past
CHAPTER 28 - Beginning
CHAPTER 29 - Accusation
CHAPTER 30 - Prank Gone Wrong
CHAPTER 31 - Shokoy's Love
CHAPTER 32 - The Truth
CHAPTER 33 - Preparations
CHAPTER 34 - Acquaintance Party
CHAPTER 35 - Moves like Saiyan
CHAPTER 36 - Unexpected Kiss
CHAPTER 37 - Necklace
CHAPTER 38 - Hidden keys
CHAPTER 39 - Never Give Up
CHAPTER 40 - Mission
CHAPTER 41 - Explosion of Hidden Secret
CHAPTER 42 - Mother 'n Son
CHAPTER 43 - DNA Result
CHAPTER 44 - Happy Family
CHAPTER 45 - The Bet
CHAPTER 46 - Pain of Yesterday
CHAPTER 47 - Starting Over Again
CHAPTER 48 - Emptiness
CHAPTER 49 - His Anger
CHAPTER 50 - Chocolate Cake
CHAPTER 51 - New Look
CHAPTER 52 - Enchanting Beauty
CHAPTER 53 - Magic Spell
CHAPTER 54 - Stolen Kiss
CHAPTER 55 - Magical Moment
CHAPTER 56 - The Almontes
CHAPTER 57 - Friends
CHAPTER 58 - First LQ
CHAPTER 59 - In Public
CHAPTER 60 - Kenshi's Heartbreak
CHAPTER 61 - Worried
CHAPTER 62 - Gummy Bear
CHAPTER 63 - Happiness to Disappointment
CHAPTER 64 - Tatay
CHAPTER 65 - Softhearted Shokoy
CHAPTER 67 - Camping
CHAPTER 68 - Fight Together
CHAPTER 69 - Trial
CHAPTER 70 - Wicked Plan
CHAPTER 71 - Wrong Move
CHAPTER 72 - Crying Shoulder
CHAPTER 73 - Family Bonding
CHAPTER 74 - Back To Reality
CHAPTER 75 - Time Flies So Fast
CHAPTER 76 - Daddy's Princess
CHAPTER 77 - Triumph
CHAPTER 78 - Bitter Prince
CHAPTER 79 - Letting Go
CHAPTER 80 - Betrayal
CHAPTER 81 - Goodbye
CHAPTER 82 - Alone Together
CHAPTER 83 - Just A Mistake
CHAPTER 84 - Good Bye
ANNOUNCEMENT!!

CHAPTER 66 - New Year ; New Battle

2.1K 135 20
By GarnetSiren

SAIYAN'S POV :

NATAPOS ang pasko at ang bagong taon na hindi ko man lang nakasama ang Girlfriend ko but I understand it somehow. First time niyang nag-celebrate ng holidays na kumpleto ang family niya, e.

"Kuya," kumakatok sa pintuan ko si Vegetta. "Kuya?"

"Ano?!" pasinghal kong sagot.

"Nasa office ni Mommy sa ibaba ang Lolo Benedicto. He wants to talk to you. Ngayon na."

Damn. Ano na naman bang kailangan ng Lolo namin sa akin ngayon?

"Susunod na ako." Sabi ko nalang kasabay ng aking malalim na buntong-hininga.

Every time na nagpupunta si Grandpa rito ay wala kaming naging maayos na pag-uusap at kung may natatandaan man akong nagkatuwaan kaming dalawa, Iyon ay noong bata pa ako at madaling hanapin ang kiliti. Unlike now.

"Bilisan mo na!"

PAGPASOK ko sa office ni Mommy ay si Lolo Ben ang nadatnan kong nakapande-kuwatro sa single sofa.

"Gusto niyo raw akong makausap?" Diretsahang tanong ko.

Tumango siya at naglabas ng kaniyang pipa at sinindihan.

"Ano bang gusto niyong ipakipag-usap sa akin ngayon, 'lo?"

"Hanggang kailan mo balak magmatigas sa akin, Saiyan?"

"I knew it! Babalik na naman tayo sa parati nating pinagtatalunan. 'Lo, can't you see? Para na tayong sirang plaka rito. Just give up! Hindi ako ang apo ninyo na susunod sa lahat ng gusto ninyo!"

He sighed, "Do you love the Vizconde Princess?"

I frowned, "Huwag niyong isali ang Girlfriend ko rito, Lolo."

"Just for your awareness, Apo, kayang-kaya kong pabagsakin ang business nila."

"Are you using your dirty techniques — "

"I'm only stating a fact here, My Grandson. Kapag napabagsak ko ang kabuhayan nila, Hihingi sila ng tulong at dahil ikaw ang nobyo ng nag-iisang babae ng mga Vizconde, Sa 'yo sila lalapit."

"Dammit, 'Lo!"

"Ngayon mo sabihin sa akin na kaya mo silang tulungan, Saiyan." Naghahamong wika ni Lolo. "Kaya mo bang isalba — "

"Tigilan mo na 'to, Lolo. Gamitin mo na ang lahat ng pamba-blackmail sa akin at mananatiling hindi pa rin ang isasagot ko sa inyo." pagmamatigas ko. "You cannot manipulate all the people around you, Grandpa. Keep that in mind."

"Buweno," humithit siya sa kaniyang pipa at bumuga, "kung sadyang iyan na talaga ang desisyon mo at hindi na mababago pa, pasensiyahan nalang tayo, Apo. Sana'y magawa mong tulungan sila gamit lamang ang kakarampot mong pera plus ang sinasabi mong pag-ibig at ng ambisyon mo sa potograpya."

"Binabalaan na kita, Lolo, 'wag na 'wag mong idadamay ang mga Vizconde rito. They are out of this fucking bullshit so spare them, Old man!"

"No one can stop me, Saiyan." He gave me lopsided smile, "Binabalaan na rin kita, Apo, huwag na huwag kang lalapit sa akin kapag kakailanganin mo na ng tulong ko dahil sisiguraduhin ko na sa 'yong mapapahiya ka lang kaya bago pa magkanda-letse-letse ang mga buhay natin, sumuko ka na. Sumunod ka na." He said with a warn.

"Why the eagerness, Grandpa? Hindi pa nga ako tumutuntong ng College hindi ba? Bakit ngayon atat na atat kayong ipasa sa akin ang puwesto ninyo sa kompanya ninyo?"

"I want a positive answer, Saiyan. Assurance lamang na ikaw ang hahalili sa akin oras na bumaba na ako sa puwesto ko. Matanda na ako, Saiyan, at hindi ko rin naman gugustuhing mapunta lamang sa wala ang mga pinaghirapan ko ng maraming taon." aniya sa malumanay na pananalita.

"Nariyan naman si Vegetta na handang sumalo sa puwesto ninyo kapag dumating ang panahon na 'yon kaya wala kayong dapat alalahanin."

"Mas mahusay at mas matalino ka kumpara sa kapatid mo, Saiyan, kaya mas kampante akong ikaw ang kapalit ko. Naiintindihan mo ba ang pinupunto ko rito?"

Huminga ako ng malalim. "My answer remains the same." Sabi ko bago siya tinalikuran but was stopped by his voice.

"Hindi ako nagbibiro, Saiyan. I’m only giving you twenty-four hours to think. Puntahan mo nalang ako sa Office ko kapag may matino ka ng desisyon at kung hindi, Alam mo na kung anong susunod na mangyayari."

Lumabas ako at pabagsak na isinara ang pintuan sa likuran ko. Hindi na nag-iisip ng mabuti si Lolo Ben. Sino ba namang may matinong pag-iisip na Lolo ang gagawin ‘yon sa kanilang apo? Tsk, tsk.

“What's wrong? Bakit ganiyan ‘yang mukha mo?” tanong ni Vegetta. “Ano na namang pinag-awayan niyo ni Tanda?”

Sumusobra na siya, Vege! I don't know what to do with that old man anymore.” iritadong sabi ko. “Give me your car key.”

“What? bakit hindi mo gamitin yung sa ‘yo?”

Nagloloko. Mamaya pa pupunta yung mekaniko. Bilis na, Vege. I need to talk to AM.”

Bumuntong-hininga siya bago kinuha ang susi niya sa silid niya.

Here.” initsa niya sa ‘kin ang susi na mabilis ko namang sinalo.

“Thanks, Bro.”

Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang paglabas ni Lolo Ben mula sa office ng Mommy kaya minadali ko na ang paglabas ng bahay dahil baka World War III na ang abutin namin kapag nagpang-abot pa kami.

Pabukas ng gate, Manang.” Utos ko sa maid naming naabutan ko rito sa labas na kaagad namang tumalima.

Mabilis kong inilabas ang phone ko mula sa bulsa ng suot kong Jacket at nag-message kay AM.

Babe, magkita tayo sa park ng Village ninyo. I'm on my way there.

SUMAKAY ako sa kotse ni Vegetta at mabilis na binuhay ang makina at humarurot paalis.

◆◆◇◆◆

SIGRID’S POV :

*Beep Beep*

Galing kay Saiyan ang text na nareceive ko and he wants me to go to the park. Biglaan naman ‘ata. Bakit kaya?

“Dad, lalabas muna ako.” Paalam ko kay Daddy na kasalukuyang nanonood ng basketball sa sports channel.

“Ha? Saan ka na naman pupunta, hija?”

“Uhm, diyan lang sa park ng village natin, Dad.”

Magsama ka ng isa sa mga Kuya mo.”

“Dad!” I groaned, “Bini-baby niyo na naman ako, e.”

“Gusto lang kitang protektahan, hija. Ikaw ang kaisa-isa naming anak na babae ng Mommy ninyo kaya ayaw kong magalusan ka ng kahit kaunti.”

“Hay! I get it na, Dad,” natatawang nagtaas ako ng dalawang kamay, pero hindi niyo naman ako kailangang alalahanin O protektahan all the time kasi malaki na ako at baka nakakalimutan niyong lumaki akong mahirap?”

“You win, Young lady.”

I giggled, “Thanks, Dad. Aalis na po ako.”

“O, sige.”

SINCE umaga palang naman at hindi naman kalayuan mula sa bahay namin ang Village's park, maglalakad nalang ako papunta ro’n.

Nakarating ako ng park pero wala pa rin ang boyfriend ko. Naupo nalang ako sa isang swing at naghintay sa pagdating niya.

MAKALIPAS ang tila napakahabang paghihintay ko ay dumating din si Saiyan.

“Babe,” He gently brushed his lips against mine, “I'm sorry. Traffic kanina kaya napahaba ang oras ko sa daan. Kanina ka pa ba rito?”

Tumango ako at ngumuso, “Yeah. Naiinip na nga ako, e.”

He chuckled. “I’m sorry, Sweetheart.”

“You're forgiven.” Bumalik ako sa pagkakaupo sa swing at siya man din ay naupo rin sa katabi kong isa pang swing. “So, bakit mo ako pinapunta rito?” I asked.

Bumuntong hininga siya.

Bina-blackmail ako ng Lolo ko. He’s using my weakness against me at ikaw ‘yon, AM. Gagamitin ka niya laban sa ‘kin para mapasunod ako sa gusto niya.” magkahalong inis at lungkot ang nasa tinig niya.

Ano bang gusto niyang mangyari o gawin mo?”

Muli na naman siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

“Gusto niyang ako ang humalili sa kaniya kapag nagbitaw na siya sa puwesto niya sa kompanya niya and God knows how much I hated running a company, AM. That will never be my forte, babe.” He firmly said. “But the oldman was too persistent. Hindi na siya tumigil sa pamemeste sa ‘kin at ngayon ay umabot na siya sa sukdulan na pati ang company niyo ay balak niyang sirain para mapahinuhod niya ako.”

Bakit hindi mo siya pagbigyan?”

Blangko ang tingin niya nang balingan niya ako. Natatakot ka ba sa banta niya? Natatakot ka bang sirain niya ang kabuhayan ninyo?” May himig ng inis sa tono ng pananalita niya.

Saiyan, laking mahirap ako. Wala sa akin totohanin man ng Lolo mo ang banta niya pero, Sai, hindi naman ako makakapayag na basta nalang niyang gawin iyon. Pamilya ko ang maaagrabyado kapag nagkataon at hindi ko iyon hahayaang mangyari.”

Anong gusto mong gawin ko, AM?”

Sundin mo siya, Sai. Kahit para nalang sa akin at saka puwede mo pa rin namang i-pursue ang pagpo-photography kahit nasa mundo ka na ng business di ba?”

“Hindi madali ang gusto mong gawin ko, AM. Hindi rin magiging madali ang trabahong yon para sa ‘kin dahil labag sa loob kong gawin. Sana maintindihan mo.”

“Oo naman. Naiintindihan kita, Babe, pero tama na siguro ang pagmamatigas mo sa Lolo mo. Hindi mo naman ikakasama kung sakaling pagbigyan mo siya di ba?”

“Great! Nagpunta ako rito dahil alam kong ikaw ang kakampi ko but turns out — ”

Saiyan,” I cut him off. Lumapit ako sa kaniya at lumuhod sa harap niya. Kakampi mo ako, okay? Pero, babe, hindi naman kasi parating ikaw ang tama. Intindihin mo ang Lolo mo paminsan-minsan ha? Matanda na siya kaya hindi na dapat pinapasama ang loob niya.”

Nagpakawala siya ng hangin. “I’m sorry but I can’t do that, AM. Call me selfish but my answer will still, and remains the same. It's still a no pero ‘wag kang mag-alala, sisiguraduhin kong hindi kayo mapeperwisyo ng Lolo ko. Pangako yan.” He said then he kissed my temple.

I smiled before pulling him for a hug. “I trust you, Babe.” Bulong ko sa tainga niya. “I love you.”

“Thank you, and I love you, too, Sweetheart.” He whispered back. Halika na, Ihahatid na kita sa inyo.”

Nah, hindi na kailangan. Gusto kong maglakad, e.”

“Then I will walk you home.”

I giggled. Huwag na, okay? Kaya ko namang umuwing mag-isa, e.”

“You sure?”

Mabilis akong tumango at umayos ng tayo, “Yes, boss. Hundred percent sure.”

“Hmm, okay. Sige na, lumakad ka na bago ako uuwi.”

Mag-ingat sa pagmamaneho, okay?”

He smiled and said, “Of course, My love.”

Tinapik ko siya ng bahagya sa balikat bago ko siya tinalikuran. I felt sad for him dahil hindi niya magawa ng malaya ang anumang nais niyang gawin. Dahil hinahadlangan ng kaniyang Lolo ang pangarap niyang gusto niyang tuparin in the future.

I need to help him.. I need to talk to his Grandfather.

PAGDATING ko ng bahay kanina ay agad kong tinawagan si Nathalie asking her to fetch me kaya ngayon ay magkasama na kaming dalawa sa kotse niya at binabaybay ang daang patungo sa kompanya ng Lolo ni Saiyan.

“Are you sure about this, AM?” Basag ni Nathalie sa katahimikan.

“Yes, Nat.”

“Hindi naman kaya dahil sa gagawin mong pakikipag-usap sa matandang yon ay mas lalong mapasama si Saiyan?”

“This is the right thing to do, Nat. Ayaw kong saka nalang ako kikilos kapag tinotoo na niya ang pagbabanta niya dahil hindi nalang ang apo niya ang masasaktan kundi pati ang pamilya ko and I won't let that to happen, Nat.”

She sighed, Grabe. Hindi ko rin talaga maintindihan ang Lolo ng boyfriend mo. Maiintindihan ko pa sana kung istrikto lang siya pero sa ginagawa niya ngayon? Nah, kahit sino ay mahihirapang intindihin siya at nalulungkot ako ng sobra para kay Saiyan.”

“Yeah. Mabuti nalang at hindi gano’n ang ugali ng Lolo Gaudencio ko kahit si Lola Maurita.” Nakangiting sabi ko.

Matanda na pero hindi pa rin matino ang kaniyang pag-iisip.”

Alam mo, Nat, let's just pray nalang na sana kaya kong baguhin ang isip ng Grandfather ni Saiyan.”

Bumuntong-hininga siya kasabay ng pagliko niya sa isang kanto.

Bagong taon at panibagong laban na uli para sa inyo ni Saiyan ang dumating. Grabe.”

Napailing nalang din ako at hindi na nagsalita pa.

HINDI naman ako nahirapang makausap ang matandang Almonte dahil kaagad akong pinapasok sa office niya nang malamang ako ang gustong kumausap sa kaniya. Lamang ay hindi ko na maaring isama si Nathalie sa loob kaya nagpaiwan na siya sa lobby.

“Ano namang mahalagang dahilan ng ipinagparito mo ngayon, Miss Vizconde?” pormal na tanong nito habang nakaupo sa kaniyang executive chair. Alam kong mahalaga dahil hindi mo naman siguro ako sasadyain dito para makipagkuwentuhan lamang sa ‘kin. Am i right?”

Napalunok ako bago dahan-dahang tumango. Sinikap kong alisin ang bara sa lalamunan ko at taas-noong humarap ng maayos kay Lolo—este Sir Ben.

“Yes, Sir. I came here to talk to you about your issue with your Grandson, Saiyan, which is pati ang pamilya ko ay balak pa ninyong idamay ngayon.”

“I appreciate your braveness, hija, but the truth is, wala akong pakialam sa kahit anong manggagaling diyan sa bibig mo.”

“But, that's unfair, Sir!” Sinikap ko namang kontrolin ang emosyon ko pero nag-fail ako kaya napataas ang tono ng boses ko. “Hindi naman po ata tamang idamay ninyo ang ibang tao sa problema ng pamilya — ”

Magmula nang ipakilala ka ng aking apo bilang kaniyang kasintahan ay hindi ka na naging ibang tao, Miss Vizconde, at kung ikaw at ang pamilya mo lang ang maari kong gamitin upang mapasunod ko sa aking mithiin ang aking unang apo ay gagawin ko ng walang sinasanto.”

Bathala, bigyan mo pa po ako ng mahabang-mahabang pasensiya, please ..

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Wala ka bang pakialam sa mararamdaman ni Saiyan, Sir? Apo niyo po siya.”

Nginitian niya ako. Isang mapang-uyam na ngiti. Wala na akong panahon para pag-usapan ang isang walang-kuwentang bagay, hija, kaya makakaalis ka na.”

At dahil madali lang naman akong kausap, tumayo ako kaagad.

Pahirapan niyo na kami’t lahat ni Saiyan dahil nasisiguro kong kakayanin naming dalawa iyon pero huwag na huwag niyo ho sanang idadamay ang pamilya ko rito, Sir.”

He gave me a lopsided smile. “Hindi madadamay ang pamilya mo kung iiwan mo ang aking apo.”

“There! Lumabas din ang tunay niyong reason kung bakit ninyo bina-blackmail si Saiyan. Gusto niyo kaming paghiwalaying dalawa.”

“Hindi ka nababagay sa aking apo, Miss Vizconde, dahil bihisan ka man ng mamahaling damit at sabitan ng mga makikinang na alahas, Hindi pa rin mawawala sa iyong katauhan ang isang mababang uri ng tao.”

Nagpanting ang tainga ko sa harap-harapang pang-iinsulto sa akin ng Lolo ng lalaking mahal ko pero mas pinili ko pa ring manahimik at huwag hayaang bumaba sa level ng matandang ‘to na mapanghamak at may baluktot na pag-iisip.

“I’m sorry but I can't grant your wish, Sir. I love your Grandson so much kaya hindi ako makikipaghiwalay sa kaniya. Thank you and have a good day, Sir.”

Pigil ang hikbi ko habang palabas ako ng opisina ni Sir Benedicto at kahit nang nasa Elevator na ako. Paanong nagkaroon ng gano’ng grandfather si Saiyan? Napakabait nilang lahat maliban sa matandang ‘yon, e.

Hays, bathala, Ikaw na ang bahala kay Sir Ben.

◆◆◇◆◆

TO BE CONTINUED ..

January 5th. Birthday ko ngayon kaya himalang sinipag pa rin akong magsulat. HAHA😂 Anyways, Happy 10K reads TC7BB! Such a wonderful birthday gift.😍 Maraming salamat po sa inyo! 💕

Continue Reading

You'll Also Like

17K 434 71
LYRICS from 𝗕𝗟𝗔𝗖𝗞𝗣𝗜𝗡𝗞's SONGS. 「 NEW UPDATE: PINK VENOM 」 Blackpink is a South Korean girl group formed by YG Entertainment, consisting of m...
32K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
44.2K 3.3K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
1.1M 51.7K 66
[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.