That Girl Pristine Madrigal

By hwannyssik

17.9K 835 151

That Girl Pristine Madrigal is the sequel of That Gangster Trake Corpuz. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue

Chapter 5

930 37 16
By hwannyssik


Trake

The gang seems to know what I already want them to do. Walang sabi-sabing sinipa ni Chase ang kahoy na pinto ng lungga ng gang na pilit kaming binabangga.

Ang Red Arrow na gang na pagmamay-ari ng huwad na si Arthur Panopyo, ang walanghiyang duwag na iyon. Kapag naaalala ko ang ginawa ng gang nila saakin sa bakanteng lote lalong umiinit ang ulo ko. Kung hindi lang sana ako inatake ng sakit ko nung mga ora na iyon ay baka hindi sila nakaporma saakin.

Their gang loves to play dirty with their enemy kahit ang Black Jaguars na gang ni Gino ay kinakanti ng mga h*yop na iyon but I've already had enough of their bulshits. Mapapalagpas ko pa ang ginawa nila saakin noon pero ang pagdamay kay Pristine? It's a different story.

Sinenyasan ko sila na pumasok na sa loob, alam na naman nila ang gagawin pero dahil nasa teritoryo kami ng kaaway kailangan pa rin naming mag-ingat. Alam kong maingat ang naging preperasyon naming para rito kaya naman ayokong magkaroon ng kahit na kaunting pagkakamali.

Pumasok sina Chase, Ace, Patrick at Timothy sa loob samantalang ako naman ay nakasunod sa kanilang apat. We bring some tools incase na magkagipitan. Knowing those jerks, I know they will going to play dirty again.

This gang keeps messing us 7TD.

Dahan-dahan ang ginawa naming pagpasok, wala akong naririnig na kahit anong ingay mula sa loob ng hide-out. Bigla akong kinutuban, parang may mali. Nagtataka kaming nagkatingin nina Chase. And then we heard the door close.

Humarap ako sa likod ko kung nasaan nakapwesto ang pinto. Doon ay nakatayo si Arthur Panopio na may hawak-hawak na dos-pordos. Nakangisi ito saamin dahil naisahan niya kami.

"Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga natuto ha? Trake Corpuz?!"

Pristine

Dinalhan kami ni Manang Josie ng maiinom, nagulat ako kasi nakasunod kaagad siya saamin pero kalaunan ay pinasalamatan na rin. Kakaibang ngiti ang ipinakita ni Jessica kay manang. Mukhang matagal na silang magkakilala base sa nakikita ko.

Nanginginig ang kamay na inabot ko ang baso ng juice atsaka uminom roon. Hindi ko alam kung papaano magumpisa ng usapan kaya naman I will try to compose myself first. Being with Jessica makes me feel little. Kahit anong gawin ko, hindi ako kailanman aabot sa kalingkinggan niya.

"Did I make you feel uneasy? Sorry ha,"

Umiling ako at uminom ulit ng juice "Hindi naman ok lang. Ano bang gusto mong sabihin?"

She was taken aback with my straightforwardness. Napalunok ako kasi hindi ko naman gusto na ganun ang kalalabasan ng tono ng pagsasalita ko pero ayoko na kasing makipagplastikan pa. I'm no longer that Pristine. Siguro kaya ako nauuto kasi masyado akong malambot. I'm naïve kaya naman natetetake-advantage ako ng hindi ko nalalaman.

"You're being feisty huh? I like it. Kaunti na lang iisipin kong galit ka nga talaga saakin." Natatawa niyang pahayag. Naoffend ako sa sinabi niya. Bakit ganun, parang lahat na lang ata ng tao minamaliit ako? Ganoon na ba ako kadaling insultuhin?

Natigil sa pagtawa si Jessica. Huminga ako ng malalim at kinuha ang juice na nasa lamesa. Parang mas lalo atang nadagdagan nag pagkairita ko sa kanya ngayong araw dahil sa sinabi niya.

"Sorry, I didn't mean to offend you. It's just a joke. Anyway, I came here because I want to clear some things. Masyadong maraming nangyari nitong mga nakaraang araw and you know that I value the friendship that we build together."

Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Jessica, hindi ko inaasahan na makikita siya sa ganitong eksena. I saw her cried before because of what happened to Trake pero itong ipinakikita niya ngayon? Alam kong wala ng halong biro ang mga lumalabas sa bibig niya, nararamdaman ko na nagsasabi siya ng totoo pero bakit pa?

Hindi naman ganoon kahaba ang naging samahan namin para malungkot siya ng ganito.

"Alam mo k-kasi..." bago niya pa masabi ang gusting sabihin ay may humaklit ng braso ko dahilan para mapatayo ako sa pagkakaupo.

Nagulantang ako ng makitang si Gino iyon habang nakasaklay. The look in his face scares the hell out of me, parang biglang gusto ko na lang magtago at tumakbo. Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Gino.

"Anong ginagawa mo rito ha? Last time I checked you're not invited in my house."

Nanlalaki ang mga mata ni Jessica, she looks shocked at bahagya pa itong nakabawi sa pagkakagulat. Hinawakan ko ang kamay ni Gino na nakahawak sa braso ko. Gusto ko siyang pakalmahin pero nanginginig naman ang kamay ko kaya naman hindi ko na rin nagawa.

"Ang sabi ko anong ginagawa mo rito Jessica?" malakas na sigaw ni Gino. Hindi lang si Jessica ang nagulat sa malakas na pagsigaw ni Gino pati rin ako ay nagitla. Mas dumoble ang kabang nararamdaman ko.

Hindi ko inaasahan na ganito pala magalit si Gino. Masyadong malayo sa normal na Gino, oo nga't masungit siya gaya ni Trake pero nagalit na siya noon saakin pero hindi naman ganito kalala. Halatang-halata sa mga mata niya ang halo-halong emosyon.

Galit, at labis na pagkalungkot ang mga emosyon na nakikita ko sa mga mata niya. Nakikita ko rin ang panunubig ng mga mata niya.

Nadudurog ang puso ko sa nakikita. Ang bait na tao ni Gino, mukha man siyang masama sa paraan ng pagtrato niya sa mga tao at sa pagpapakita ng magaspang niyang ugali, sa likod naman noon nagtatago ang totoong Gino. Ang mabait na Gino na nagligtas sakin.

Hindi ko magawang sisihin si Gino dahil gaya ko... nasaktan rin siya.

Suddenly all the memories from what happened that day, ang mga masasakit na salita ni Trake ay isa-isang bumabalik sa alaala ko. Bawat salita, at bawat sakit na katumbas ng mga iyon, unti-unting bumabalik saakin na parang nagpapahiwatig ang iyon na kahit anong takas ang gawin ko, doon pa rin ang bagsak ko.

Why does the person who only wants to give love always ended up being hurt in the end? Why is life unfair?

Nanunubig ang mga mata ni Jessica. Hindi ko gusting Makita ang ganitong eksena kaya naman akmang aalisin ko ang kamay ni Gino sa braso ko para makapagusap sila ng masinsinan ni Jessica ay mas lalong humigpit ang kapit niya.

I look at him, nangungusap pero ikinabigla ko ang lungkot sa mga mata niya ng tumingin saakin. It looks like he's pleading, ayaw niya akong umalis sa tabi niya habang kinukompronta si Jessica. How could I say no? Nung mga panahong nasa ganito rin akong sitwasyon wala naman akong natakbuhan, ayokong maranasan ni Gino ang ganoon.

Masyadong masakit.

"L-look Gino I-I'm sorry to barge in your house. I-I just want to say something. Ngayong narito ka na rin naman gusto kong humingi ng sorry to all the pain that I've caused you. Sorry Gino, I never meant to hurt you, you're my best friend at ayokong masira ang pagkakaibigan nating iyon dahil sa nararamdaman mo. Please understand me, I can't teach my heart to return your feelings for me kaya naman umalis ako. I choose to hide because I thought that it's the only way to protect you." Patuloy ang pagbuhos ng mga luha sa mga pisngi ni Jessica.

"I came back because I want to fix everything. Ayokong masira tayong tatlo nina Trake that's why. Kayo na lang ang kaibigan ko." Nung sinabi niya ang salitang kaibigan ay tumingin rin siya sa direksyon ko. Para bang kasama ako sa sinasabi niyang kaibigan niya.

Nag-iwas ako ng tingin. Gusto ko rin siyang maging kaibigan pero hindi ko naman ata kakayanin na makita silang dalawa ni Trake na magkasama. Kung pupwede nga lang utusan ang puso ay nagawa ko na. I want to say it out loud but I don't have the courage to do so kaya naman kinagat ko na lang ang labi ko.

"Umalis ka na Jessica, the damage has been done. Wala ka ng kaibigang babalikan iyan dapat ang itinatak mo sa kukote mo. Sana sinabi mo na lang hindi iyong nagmukha akong tanga. I'm not dumb to not understand. Sa tingin mo gusto kong sirain ang pagkakaibigan natin? Kaya kong tanggapin ang sagot mo dahil una pa lang alam ko ng talo na ako pero ang hindi ko matanggap bakit si Trake pa? P*uta kaibigan ko rin iyon! Sa tingin mo kaya ko kayong tignan na naglalandian sa harapan ko? You turned me into a beast Jessica so don't expect me to welcome you in my house, wide arms open." Nanggagalaiting sabi ni Gino.

Nag-iwas ng tingin si Jessica, ako naman ay nananatili lang na tahimik. Parehas lang pala kami ni Gino.

Humagulgol ng iyak si Jessica, nakatakip ang dalawang palad niya sa mukha.

"Do me a favor Jessica, get out of my life. We're not friends anymore kaya wala ka ng dahilan para pumunta pa rito." Bawat salita ay may diin habang binabanggit ni Gino.

Ayaw pang umalis si Jessica dahil hindi pa rin ito makapaniwal na nasabi iyon ni Gino pero wala na rin siyang nagawa kundi ang umalis ng umiiyak.

Pagkaalis na pagkaalis ni Jessica ay siya namang pagkatumba ni Gino sa pagkakatayo. Dahil hawak niya ang braso ko ay napasama ako sa pagkakabagsak. Hindi pa ako nakakarecover sa pagkakaupo naming ng hilahin ako ni Gino palapit sa kanya at yakapin ako ng mahigpit.

"G-gino, a-anong ginagawa mo?" pilit kong tinatanggal ang pagkakayakap sakin ni Gino pero mas malakas siya saakin kaya malabong mangyari ang gusto ko. Mas lalo niya rin hinigpitan ang pagkakayakap.

"Huwag. Huwag mo muna akong itaboy."

Nanlambot ako sa sinabi niya, ang kanina ay tumutulak kong mga kamay ay nanatili na lang sa likod niya at marahan iyong hinihimas. 

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 354 50
"The seal made me do it." A mystery from the past begins to haunt the present. *** Set in the Philippines where the...
172K 1.6K 7
"Could there be a love so selfish, one can grow mad?" Jovanne Rey was a secret racer who stopped racing because of an unknown stalker who'd always cl...
4.3K 343 16
BTS Series #1 eu·pho·ri·a /yo͞oˈfôrēə/ noun a feeling or state of intense excitement and happiness. Sheia Lyell Priva, did everything she could do pa...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.