DOLLHOUSE

By -SHEENA-

7.4M 376K 958K

Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all so... More

DOLLHOUSE
The Trailer
Warning
Warning Part 2
The News
The Dolls
The Invitation
The Application
The Start
Dollhouse 001
Dollhouse 002
Dollhouse 003
Dollhouse 004
Dollhouse 005
Dollhouse 006
Dollhouse 007
Dollhouse 008
Dollhouse 009
Dollhouse 010
Dollhouse 011
Dollhouse 012
Dollhouse 013
Dollhouse 014
Dollhouse 015
Dollhouse 016
Dollhouse 017
Dollhouse 018
Dollhouse 019
Dollhouse 020
Dollhouse 021
Dollhouse 022
Dollhouse 023
Dollhouse 024
Dollhouse 025
Dollhouse 026
Dollhouse 027
Dollhouse 028
Dollhouse 029
Dollhouse 030
Dollhouse 031
Dollhouse 032
Dollhouse 033
Dollhouse 034
Dollhouse 035
Dollhouse 036
Dollhouse 037
Dollhouse 038
Dollhouse 039
Dollhouse 040
Dollhouse 041
Dollhouse 042
Dollhouse 043
Dollhouse 044
Dollhouse 045
Dollhouse 046
Dollhouse 047
Dollhouse 048
Dollhouse 049
Dollhouse 050
Dollhouse 051
Dollhouse 053
Dollhouse 054
Dollhouse 055
Dollhouse 056
Dollhouse 057
Dollhouse 058
Dollhouse 059
Dollhouse 060
Dollhouse 061
Dollhouse 062
Dollhouse 063
Dollhouse 064
Dollhouse 065
Dollhouse 066
Dollhouse 067
Dollhouse 068
Dollhouse 069
Dollhouse 070
Dollhouse 071
Dollhouse 072
Dollhouse 073
Dollhouse 074
Dollhouse 075
Dollhouse 076
Dollhouse 077
Dollhouse 078
Author's Note | Story Feedback Section
The Published Book

Dollhouse 052

66.6K 4K 13K
By -SHEENA-

sheena's note:
wazzup. i hope you enjoyed ur holidays :D eto na po ang
ud hehe. quick flashback sa mga nakalimot ng nangyari from the prev update. idk how to flashback so ganito na lang (sabog ako sa lahat ng bagay, sorry haha) ehem okay eto na:

▬▬ FLASHBACK (⚆‿⚆)(ʘ✖ʘ ) ▬▬

- DAY 05 started (labyrinth library)

- goal: survive from killers, find the exit

- babe saw flame and java kaso
hindi siya nakasunod sa dalawa.

- nagtagpo si java and flame.

- tapos nagkita na rin silang lima
(flame, java, gunner, ichiro, alpha)

- medyo nagtalo si gunner at java

- napagdesisyunan ni gunner na
manahimik na lang.

- meanwhile, babe is still missing

- she decided to wear a killer outfit
as a disguise since she's still alone

- she crossed path with a granny
carrying multiple weapons

- binigyan siya ng baril at
pinayagan pumatay ng kahit sino.

- "only peter will know", the granny said.

- muntik mabaril sa flame

- nagalit si gunner. sumugod.

- sumunod ung apat (01, 06, 09, 10)

- may nakita sila java, ichi at alpha na
matandang nagtutulak ng cart na puro
weapon. namimigay daw siya ng baril.
napatigil ung tatlo dahil kay lola haha

- si flame, ayon, nawala na ulit.
hindi niya alam na wala na ung
tatlo sa likod niya kakasunod kay
gunner.

- si gunner naghahabol pa rin.
(sana ol naghahabol)

- ung tatlo (01, 09, 10) may weapon na.
si flame ay ayon, water gun pa rin lol

- at eto na ang continuation. enjoy! :D
(ganito ako magflashback. thanks.)
 

✦   ◉   • 

WELCOME BACK TO
DOLLHOUSE

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o FLAME
 
 
Una sa lahat, mabilis tumakbo si Gunner. Kaya noong nakita ko siyang tumakbo pagkatapos akong muntik barilin, alam kong masamang balita 'yon lalo na kay Alpha na walang nakikita.

"Hoy, hintay!"

Pangalawa, si Gunner, wala siyang paki sa mundo. Kapag galit siya, susugurin niya agad. 'Yon nga ang nangyari. Para siyang papatay ngayon habang nakatutok ang baril niya doon sa natanaw niyang muntik bumaril sa'kin.

Lumingon ako sa likod ko. Nakasunod sina Java, Ichi, at Alpha. Shit. Ang bagal nila tumakbo!

"Huwag mo na habulin!" sigaw ko doon sa isa saka mas binilisan ang aking pagtakbo. Hinihingal na 'ko. Kanina pa 'ko natakbo at lakad nang lakad. Nauuhaw na rin ako!

Pangatlo, si Gunner, wala siyang pakialam sa mundo, pero ako may pakielam sa kanya kaya sinundan ko ang kumag.

"Gunner, teka sabi!"

Napalingon ako sa likod ko. Wala na ang tatlo. Hala. Nasaan na sina Alpha, Java at Ichiro? Ah shit! Naghiwa-hiwalay na naman! Bigla akong hindi makagalaw sa pwesto ko. Should I chase Gunner or should I go back? Walang armas 'yong tatlo! Paano na sila?

"Bakit ba kasi niya sinusundan pa?!" inis kong sigaw sa hangin. Sana hinayaan niya na lang tumakbo 'yong bumaril. Hindi lang naman 'yon ang kalaban. Napapadyak ako. I need to go back. Kailangan ako ng tatlo.

"Kaso si Gunner..." bulong ko.

Damn it. I can no longer see him!

Argh! Paano ba 'to? Kaya naman niya siguro kami hanapin, ano? Kailangan ko bumalik, kailangan nila 'ko. Walang laban sila Alpha, Java at Ichiro kapag may sumugod sa kanila. Bakit ba kasi bigla silang nawala sa likod ko? Akala ko nakasunod sila, bakit biglang nawala? Tsk.

Nakatayo ako at hinihingal. Malamig sa library na 'to pero tagaktak ang pawis ko sa noo, leeg, at lalo na sa likod.

I'm sorry, Gunner.

I really need to go back.

Please, find us again.

Tumalikod ako para balikan ang tatlo pero nagulat ako nang tumama ako sa isang matigas na bagay... or should I say tao. Napaatras ako agad at tiningnan kung saan ako tumama. Nakaitim na hood, may puting maskara. Napansin kong dalawa pala sila. May dalang chainsaw ang isa, 'yong isa naman ay may dalang kawit.

What the hell?

Itinaas ko ang baril ko.

Inis kong tinutok iyon sa kanila.

Kaso bakit gano'n? Parang.... may mali. Gumalaw ang balikat nila na parang natatawa sa'kin. Napapailing pa sila.

What's funny?

Naiinis ako.

Ayokong pinagtatawanan ako. Let's see if they could still laugh once they face Death.

I pointed my gun to one of the killer's head and pulled the trigger without hesitation--- but no bullet came out. Wait. Fuck. What? I pulled it again but I was greeted by the same result. Nanlamig ako nang makitang tubig na kulay pula ang lumalabas sa baril na hawak ko. T-Tubig? Bakit tubig? Anong kalokohan 'to? Bakit? Bakit water gun 'to?!

Mas natawa 'yong dalawa na nasa harap ko.

"No way." mabagal kong bulong.

Nalaglag ang laruang baril na hawak ko. Bigla akong nanlambot nang marealize ko ang nangyari. The old woman I killed earlier.... Damn. Hindi ko alam!

Hindi lang 'yon ang problema ngayon. Wala akong armas na dala panlaban sa dalawang 'to. Pinagana ng isang lalaking nakaitim ang chainsaw niya. Itinaas pa niya sa ere para siguro sindakin ako. Palapit na sila sa'kin. Their weapons are too dangerous and by the looks of it, it could definitely kill me in less than a minute Should I risk it?

Natawa ako.

Bitch, no.

"Okay.It's time to run." sabi ko--- saka mabilis na kumaripas ng takbo palayo sa dalawa!

KANINA

PA

AKO

NATAKBO!

Hindi ko alam kung sinusundan nila 'ko kasi hindi ko naman naririnig mga yabag ng paa nila. I tried to look back while running and nakita kong nasunod nga sila! Oh boy. They're fast too! Now I feel like I'm in a thriller movie. I'm planning to grab books then fucking throw it to their direction but it will just eat a lot of time. Mahuhuli lang ako kapag ginawa ko 'yon.

Mas tumulin 'yong takbo ng lalaking may chainsaw.

Buti hindi ko naririnig tunog ng chainsaw niya kasi baka mas lalo ako natakot!

"Texas chainsaw massacre? YOU FREAKING LEATHERFACE WANNA BE!" sigaw ko habang natakbo.

Hindi ko na alam kung saan ako nagsisitakbo. Sana huwag ko madaan 'yong blocked path. Napamura ako sa nangyayari. Mas napalayo ako sa kanila. Imbis na mabalikan ko sina Alpha, Java at Ichiro ay mas napalayo ako. Mas lumayo rin ako kay Gunner. Yari na talaga! I noticed that the place getting darker too. Bakit parang nawawalan ng ilaw sa bahaging pinupuntahan ko?

This is unfair!

PETER, SHUTA KA!

Halos magkanda-dulas dulas na ko kakatakbo. Pakiramdam ko hinahabol ako ni kamatayan.

Nakakainis pa 'yong bigla kang may pagpipilian. Dalawa option na pwedeng daanan ngayon sa harap ko. Kanan o kaliwa. The fck. This is not easy.

Mabagal akong gumawa ng desisyon. Left or right?!

In connected labyrinths, I always use the right hand rule. It's simply touching the right wall next to you with your right hand freaking all the time. Basically, maglalakad ka habang nakataas ang kanang kamay mo na nakahawak sa kanang pader para maiwasan mong maulit sa iisang daan. Ilang beses ko na 'yon na try, sobrang time consuming, pero madalas nagana.

Kaso, ang problema, kung titignan ang library as a labyrinth, hindi connected ang mga shelves or walls na nandito. Sobrang kalat kalat. I tried the same shit rule that I was using but I'm still getting lost.

Left or right?

Argh. Fuck it. I still chose the right hand rule. Nagstick ako sa right side.

Napalingon ako sa likod ko.

They're getting closer!

I don't want to feel any fear but---- tsk. Ang bilis nila!

Lumiko ako sa right.

Tapos right ulit. Nakakairita. Bakit dumidilim? Nasaan ang ilaw?! Ang layo ko na talaga. Decagon, paano niyo ko hahanapin neto?!

Peter is shutting the lights in my location. Bakit, Peter? Nasa tama ba 'kong daan at napapahiya na kita?

I reached for the shelves on my right when darkness took over. Sinusundan pa din ba nila ko? Lumingon ako. Grabe ang dilim. Pero oo, I can see their silhouette, nakabuntot pa din sila!

I did not change my desired path.

I chose right hand rule until the end.

Napamura ako nang malutong nang wala na kong makitang dadaanan. It's over. It's fucking blocked!

Not everything goes right for me, I guess.

Sobrang dilim ng paligid nang biglang nagkailaw na pula sa pwesto ko. Napatingala ako, tiningnan ang nasa taas, at nakita ko ang nakasulat sa red neon lights na nakadikit sa dingding.

E X I T.

Napakurap ako.

Punyeta. Decagon, I found the way out!

Napalunok ako nang makita ko ang dalawang nakaitim na papalapit sa'kin.

Now, I just need to escape from these two killers.
   
 
   
── ♡├o JAVA
 
 
"Nasaan na ba sila?"

Kanina pa kaming tatlo naghahanap. Si Babe na lang dapat ang hahanapin, ngayon tatlo na ulit. Nakakapagtaka. Hindi na namin marinig ang tatlo. Kanina ay naririnig pa namin ang hingal sa pagtakbo ni Flame at Gunner, ngayon wala na talaga. Si Babe naman ay kanina pa talaga hindi nagsasalita. Anong nangyari sa kanilang tatlo?

"Java, akin na ang libro. Sasagutan ko na habang wala sila." Sabi ni Ichiro habang naglalakad kami.

"Paano mo sasagutan 'to? Kailangan hindi tayo aalis sa isang pwesto para mabuo mo ang map. Pipilasin mo lahat ng pahina, Ichiro." Sagot ko saka pinakita sa kanya ang libro.

"Kaya ko 'yan." Sagot niya. "Kaso kailangan muna natin tanggalin ang kadena para makuha ko."

Napatango ako.

Paano niya sisirain?

"Barilin mo ang kadena, Ichiro." Sabi ko pagkatapos ang katahimikan.

"Delikado." Sabi agad ni Alpha. "Mayroon bang lagayan man lang ng susi?"

"Meron. Kaso saan tayo maghahanap?" Tanong ni Ichiro. Agad siyang napakapa sa uniform niya at sa mga bulsa. Napasimangot siya. Walang susi sa mga suot niya ngayon.

Hindi ako makapag-focus. Kinakabahan ako at baka biglang may sumulpot at atakihin kami!

Nasaan na ba ang tatlo?

Seryoso, ilang oras na silang nawawala!

"Nauubos ang oras natin. We need to solve this and help them at the same time." desperada kong sabi. "Sirain na natin ang kadena, Ichiro."

Tumango siya.

Pasimple kong sinenyasan si Ichiro sa plano namin para hindi mapansin ni Alpha. Nakokonsensya ako na nagawa kami ng desisyon na hindi namin pinapaalam sa kanya pero wala na talaga kaming choice. We need to end this. Seryoso ako, pinapabaril ko ang kadena kay Ichiro. Wala na 'ko paki kung masugatan ako ulit or ako ang aksidenteng mabaril. The pain I felt these past few days is making me numb now. I just want to end everything.

Nakaasinta na si Ichiro sa kadena nang may mga narinig kaming boses na kanina pa namin hinahanap.

"Oh. Ayan pala sila. Maghanap ka na ng kakampi mo."

"H-Huwag mo 'ko itulak, Gunner."

"Hindi kita tinulak. Huwag ka maarte, Babe."
 
"Gunner? Babe?" tawag ni Alpha.

Kumunot ang noo ni Gunner nang makita kami ni Ichiro. "Ano ginagawa niyong dalawa? Bakit nakatutok baril mo kay Java?"

At siya pa ang may gana magsungit na akala niya ay hindi niya kami iniwan?!!

Ibinaba ni Ichiro ang baril niya. Ako naman ay tumayo mula sa pagkakaupo at sumugod kay Gunner.

"H-hoy, Java." ani Gunner.

Inis ko siyang pinektusan.

"Pinag-aalala niyo kami!" sigaw ko.

"Kanina pa kami naghahanap sa inyo at akala namin kung ano na nangyari! Akala niyo ba hindi namin kayo hahanapin? Huh?!" sigaw ko.

"Java...." nakayukong sabi ni Babe. "I'm sorry. Kanina pa kita nakita noong may nahabol sa'yo kaso hindi kita nasundan. Sorry. Sorry. Sorry."

Natigil ang galit ko kay Gunner nang makita ko si Babe. Parehas na kami ng suot ngayon. May hawak siyang baril gaya naming lahat.

"Babe, nag-alala kami sa'yo." sabi ko at agad siyang niyakap.

Noong una ay tahimik lang siya, nagulat ako nang maramdaman kong nagalaw ang balikat. Babe is crying. Hinigpitan ko ang yakap ko. Tahimik kong hinagod ang likod niya.

"Java, t-thank you." naiiyak niyang sabi.

Si Ichiro ay lumapit at ginulo ang buhok ni Babe.

"Pinag-alala mo kami. Buti na lang... buti na lang..." sabi ni Alpha. Agad siyang niyakap din ni Babe. Tahimik niyang pinatahan ito.

She was alone for a long time. Buti nakita siya ni Gunner.

"Saan mo siya nakita?" tanong ko.

Si Gunner biglang mukhang nagalit na naman ang mukha. Umiwas siya ng tingin.

"Gunner, saan?"

"Siya ang nahuli ko, Java...." bulong niya.

Ano daw?

"Hindi ko narinig. Huwag ka bumulong." sabi ko tuloy.

"Basta! Nahanap ko! Nagkita kami!" inis niyang sagot.

Tss. Sungit.

"Nasaan si Flame?" tanong naman ni Gunner habang tinitingnan kaming lahat.

Huh?

"Magkasama kayo, 'di ba?" tanong ni Ichiro.

"Magkakasama kayong apat, 'di ba? Tapos bigla kayong nawala?" nagtatakang tanong ni Gunner pabalik sa'min.

Teka. Ang gulo!

"Gunner, oo, magkakasama kami pero nahiwalay kaming tatlo. Nakasunod sa'yo si Flame. Magkasama dapat kayo." sagot ko.

"Hindi siya sumunod sa'kin...." naguguluhang sagot niya habang nag-iisip.

Nasaan naman si Flame?!

Naalerto kami bigla nang marinig namin ang pamilyar na tunog ng metal cart na tinutulak. Agad na nagtago si Babe sa likod ni Gunner. Si Ichiro naman ay humarang sa'kin. Si Gunner ay inihanda ang baril niya at humarang sa'ming lahat. Pinaatras niya kami at pinaready na tumakbo in case na may mangyari.

Nakita ulit namin ang matanda.

Pero ibang matanda ito kumpara kanina.

Naka-itim siya.

May dala-dala siyang metal cart ulit na nakatalukbong.

Tumigil siya nang makita kami at ngumiti.

"Hello, children. Peter has a surprise." bati niya. Aakalain mong amerikana siya dahil sa accent.

Her smile scares me, to be honest.

Nanlamig ako nang mapansin kong may natulong dugo mula sa cart. Mayroong hugis kahon sa cart niya na natatakpan ng itim na tela. Hindi ko alam pero bigla akong hindi makahinga. I hate this feeling.
 
 
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
 
 
"He said he found your friend. Here. Here."
 
 
Itinaas ng matandang babae ang telang nagtatakip sa kahon at....
 
 
N-No....
 
 
May narinig kaming putok ng baril.
 
 
Napaluhod si Gunner.
 

Sumabog ang mukha ng matanda sa ginawa ni Gunner. Nagtalsikan ang dugo nito sa'min.
 
 
Tuluyang bumagsak ang itim na tela sa lupa.
   
   
   
Isang kahon na gawa sa glass ang makikita. Sa loob no'n....
 
 
 
Sa loob no'n nakalagay ang putol na ulo ni Flame.
 
   

"Hindi. Hindi. Hindi!!!" sigaw ni Gunner.

Bumalot sa katahimikan ang sigaw niya.

"Hindi pwede... Flame... bakit? Bakit?" ni hindi siya makabangon.

"Flame, bakit ka nandyan? Anong... Bakit... Bakit mo 'ko iniwan?" sigaw ni Gunner.

Hindi ko makilala si Gunner. Ang kaninang tapang niya ay nabaliko. Bumabaha ang luha niya. Ni hindi siya makalapit sa cart na dinala ng matanda. Si Ichiro na kasagutan niya ay inalalayan na siya. Tulo ang luha sa mata naming lahat.

Hindi ko na din makita si Gunner dahil sa panlalabo ng paningin ko. Flame, kasama pa kita tumakbo kanina? Bakit naman ganito ka babalik sa'min?

"Flame...." hindi ko matapos ang sasabihin ang ko.

Ang sakit.

Kumikirot ang puso ko.

"Flame, ang sabi ko... hintayin mo 'ko." hagulgol ni Gunner.

Tumayo siya, lumapit sa cart, kinuha ang glass at naiiyak na na niyakap ito.

"Flame, bakit?"

Hindi magkamayaw si Gunner.

"She already found the exit. Too bad, she likes her friends so much, she still decided to go back." sabi ng lalaki sa speaker.

Mas lalong gumuho ang mundo namin, lalo na ni Gunner. Mahigpit niyang niyakap ang lalagyan. Muli ay bumalot ang hinagpis na sigaw niya sa katahimikan.

  

TO BE CONTINUED.
── ♡├o sheena's note:
no spoilers please :D

kaya pa?

Continue Reading

You'll Also Like

503 140 14
A series of poems that tells a single story. A person whom you treated as a friend, but then suddenly, a sudden breeze hits your face, and you reali...
7.4M 376K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
14.1K 860 25
Ichinose Harumi is having a hard time on her new environment- Japan. She admits that she's not accustomed to live there because if she had a choice...