THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔

By GarnetSiren

306K 16K 1.4K

7BB シ " SEVEN BAD BOYS " More

SYNOPSIS
DISCLAIMER
CHAPTER 1 - The Bad Boys
CHAPTER 2 - First Encounter
CHAPTER 3 - Seatmates
CHAPTER 4 - Bully vs. Nerd
CHAPTER 5 - First Kiss
CHAPTER 6 - SuperSaiyan
CHAPTER 7 - Worried Bully
CHAPTER 8 - SaiRid Moment
CHAPTER 9 - Sweet Revenge
CHAPTER 10 - His Smile
CHAPTER 11 - Sigrid's New Hero
CHAPTER 12 - His Nanny
CHAPTER 13 - You're Safe
CHAPTER 14 - Pretending
CHAPTER 15 - Sigrid vs. Sugar
CHAPTER 16 - Danger zone
CHAPTER 17 - Rivalry
CHAPTER 18 - The Vizcondes
CHAPTER 19 - Trouble
CHAPTER 20 - Jealousy
CHAPTER 21 - Saiyan's Confession
CHAPTER 22 - Mad Shokoy
CHAPTER 23 - Nanny No More
CHAPTER 24 - Dancing Señorita
CHAPTER 25 - The Twins
CHAPTER 26 - New Job
CHAPTER 27 - Reminiscing the Past
CHAPTER 28 - Beginning
CHAPTER 29 - Accusation
CHAPTER 30 - Prank Gone Wrong
CHAPTER 31 - Shokoy's Love
CHAPTER 32 - The Truth
CHAPTER 33 - Preparations
CHAPTER 34 - Acquaintance Party
CHAPTER 35 - Moves like Saiyan
CHAPTER 36 - Unexpected Kiss
CHAPTER 37 - Necklace
CHAPTER 38 - Hidden keys
CHAPTER 39 - Never Give Up
CHAPTER 40 - Mission
CHAPTER 41 - Explosion of Hidden Secret
CHAPTER 42 - Mother 'n Son
CHAPTER 43 - DNA Result
CHAPTER 44 - Happy Family
CHAPTER 45 - The Bet
CHAPTER 46 - Pain of Yesterday
CHAPTER 47 - Starting Over Again
CHAPTER 48 - Emptiness
CHAPTER 49 - His Anger
CHAPTER 50 - Chocolate Cake
CHAPTER 51 - New Look
CHAPTER 52 - Enchanting Beauty
CHAPTER 53 - Magic Spell
CHAPTER 54 - Stolen Kiss
CHAPTER 55 - Magical Moment
CHAPTER 56 - The Almontes
CHAPTER 57 - Friends
CHAPTER 58 - First LQ
CHAPTER 59 - In Public
CHAPTER 60 - Kenshi's Heartbreak
CHAPTER 61 - Worried
CHAPTER 62 - Gummy Bear
CHAPTER 63 - Happiness to Disappointment
CHAPTER 65 - Softhearted Shokoy
CHAPTER 66 - New Year ; New Battle
CHAPTER 67 - Camping
CHAPTER 68 - Fight Together
CHAPTER 69 - Trial
CHAPTER 70 - Wicked Plan
CHAPTER 71 - Wrong Move
CHAPTER 72 - Crying Shoulder
CHAPTER 73 - Family Bonding
CHAPTER 74 - Back To Reality
CHAPTER 75 - Time Flies So Fast
CHAPTER 76 - Daddy's Princess
CHAPTER 77 - Triumph
CHAPTER 78 - Bitter Prince
CHAPTER 79 - Letting Go
CHAPTER 80 - Betrayal
CHAPTER 81 - Goodbye
CHAPTER 82 - Alone Together
CHAPTER 83 - Just A Mistake
CHAPTER 84 - Good Bye
ANNOUNCEMENT!!

CHAPTER 64 - Tatay

2.1K 135 16
By GarnetSiren

SIGRID’S POV :

PAKIRAMDAM ko kailangan kong puntahan si Kenshi dahil sa nangyari kanina. I need to apologize to him in behalf of my boyfriend. Yeah, Doon na ako didiretso sa kanila.

“Kuya, Ihatid mo ako sa bahay nila Kenshi.” Determinadong utos ko kay Kuya Grover.

“What? Why?”

“Gusto kong mag-sorry sa kaniya dahil sa nangyari kanina.” Tugon ko. “Also, He needs a friend right now, Kuya. Kung kayong mga best friends niya ay hindi siya madamayan, p’wes ako, gagawin ko.”

“You’re insane, AM. Nagkakagano’n si Saiyan dahil nakikita niyang nagiging malapit kayo ni Kenshi tapos ngayon mas ipu-provoke mo pa?”

“Pati ba naman ikaw, Kuya, mag-iisip ng ganiyan? E, kung sana, Imbes na patulan mo ang pagseselos ni Saiyan, Bakit hindi mo sila pagbatiin na dalawa? Kuya, ayaw kong masira sila dahil sa ‘kin.”

“I still don't get your point, AM.” sambit niya na sinundan ng kaniyang buntong-hininga. “Kapag hinatid kita ngayon sa mga Guttierez, Mas lalala lang ang alitan ng dalawa.”

“Ako na ang bahala kay Saiyan pero nakikiusap ako, Kuya, Kahit ngayon lang.. Ihatid mo ako sa kanila. After this, Iiwas na ako kay Kenshi.”

He sighed, “I'll surely be damned after this, Bunso.” Umiiling niyang wika. Ayusin mo nga ‘yang sarili mo.”

Natawa ako nang makita ko ang reflection ko sa rearview mirror. “Sorry naman. Nagmamadali akong magbihis kanina, e.”

“Hindi pa rin talaga nawawala sa ‘yo ang pagiging Sigrid ‘no?”

Sigrid na Manang.

Napangiti nalang ako at hinayaan nalang si Kuya Grover na magmaneho.

*****

PAGDATING namin sa bahay ng mga Guttierez ay agad sumalubong sa ‘min ang isang lalaking siguro ay nasa mid-forties na. Ito siguro ang bagong hardinero ng mga Guttierez.

“Manong, nandiyan ba si Kenshi?” Tanong ni Kuya Grover.

“Oo, Sir. Kausap ang kaniyang ina.”

“P’wede po bang pumasok? Kakausapin ko lang din po sana si Kenshi.” sabad ko sa usapan ng dalawa.

“Oo naman, Ma’am. Halina kayong dalawa.”

“Uhm, Kuya,” Humarap ako sa kapatid kong kaagad nagsalubong ang mga kilay. “Huwag ka ng sumama. Bumalik ka nalang kila Nathalie.”

“No. Sasamahan kita sa loob sa ayaw mo’t gusto.”

“Maiilang lalo si Kenshi kapag nakita ka, Kuya.”

“Sige na. Pumasok ka na.” aniya. “Hihintayin kita rito.”

Tumango ako saka siya tinalikuran at sundan ‘yung lalaking sumalubong sa ‘min.

“Sandali lang, Ma’am, at tatawagin ko lang si Sir Kenshi. Maupo nalang muna kayo.”

“Salamat, Manong, pero sabi mo nag-uusap sila ng Mommy niya kaya h’wag niyo nalang pong tawagin. Siguro naman ay bababa rin siya mamaya rito.” Sabi ko.

“Pero — ”

“Sige na, Manong. Bumalik ka nalang sa trabaho mo. Maghihintay nalang po ako rito.”

“Sige pero baka may gusto kang kainin, Ma’am? Magpapahanda nalang ako.”

Mabilis akong umiling. “Salamat nalang po.” nakangiting sabi ko.

“E, sige. Maiwan na muna kita kung gano’n, Ma’am.”

Tinanguan ko lang siya at pinanood nalang nang muli siyang lumabas ng bahay.

SAMPUNG minuto na akong nakaupo sa mahabang sofa. Maya’t-maya rin ang pagdaan ng mga kasambahay nila na laging nagyuyuko ng ulo sa ‘kin na akala mo isa akong royalty.

Pero bakit wala pa rin kahit anino ng mag-ina?

“Ma’am, gusto mo bang tawagin ko na si Sir?” Tanong ni Lita na lumapit pa sa ‘kin. Kilala ko siya kasi ‘di ba, naging Yaya kuno ako ni Kenshi noon?

“Ako nalang, Ate. Nasaan ba siya?”

“Doon sa office ni Sir Conrad, Ma’am. Naroon ang mag-ina. Alam mo naman siguro kung nasaan ‘yon, Ma’am.”

Nginitian ko siya saka tumayo. “Alam ko, Ate.” sabi ko saka siya tinalikuran.

Tinahak ko ang isang pasilyo kung saan ang dulo nito ay ang opisina ni Tito Conrad. Tatlo lang naman sila pero napakalaki ng kanilang bahay. Hindi ba sila nalulula?

ITINAAS ko ang kamay ko para katukin sana ang pintuan pero natigilan ako nang marinig ko ang malakas na kalabog sa loob followed by a man’s yells.

“I want to know the truth, Mom! My biological parents! Sino sila?!” sigaw niya sa namamaos na boses.

Sumagot si Tita Vera pero dahil sadyang mahina ang boses ay hindi ko na narinig ng maayos.

“Speak up, Mom!” Sigaw na naman ni Kenshi. “Speak the truth, please!”

Hindi ko na naman narinig ang isinagot ni Tita Vera at inasahan ko ng susunod na naman ang sigaw ni Kenshi pero hindi ‘yon nangyari dahil isang malakas na kalabog nalang ang sumunod kong narinig.

Mabuti nalang at nasa dulong pasilyo ang silid na ito kaya hindi naririnig O napapansin ng mga tauhan ng bahay ang nangyayaring ito sa mag-ina.

“Kenshi, Don’t leave, Son!” Unang beses mula kanina na narinig kong klaro ang boses ni Tita. “Kenshi!”

Napaigtad ako sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan at patakbong lumabas si Kenshi na hindi rin ‘ata ako nakita dahil nagtuluy-tuloy na siya sa pag-alis.

“Miracle? Kanina ka pa ba riyan, hija?”

Nagyuko ako ng ulo kasabay ng pagtango ko. “I'm sorry, Tita. Hindi ko po sinasadyang marinig ang — ”

“It’s okay, hija.” putol niya sa ‘kin. “Halika. Pumasok ka.”

“P-pero si Kenshi, Tita. H-Hindi ba natin hahabulin?”

“He needs some space right now, hija. Hayaan nalang muna natin siya.”

Tumango nalang ako at humakbang papasok ng office ni Tito Conrad. Ako na rin ang nagsara ng pinto at pinanood ang bawat galaw ni Tita Vera.

“Tita .. ”

Naupo siya sa single sofa at nagsimula ng humagulgol kaya hinayaan ko lang siya para kahit papaano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman niya at this moment.

“I thought that was over, Miracle.” pahikbing wika ni Tita Vera. Ang akala ko ayaw na niyang ungkatin iyon. Ang akala ko’y sapat na kami ni Conrad bilang mga magulang sa kaniya but I was wrong.. so so wrong.”

Tita,” I used my thumb fingers to wipe off her tears. “Hindi naman po sa pangingialam pero mas mabuti sigurong malaman ni Kenshi ang katotohanan. Hindi naman po lingid sa inyo ang mga pinagdaanan ko di ba?”

“Yeah, at natatakot akong mapalapit siya sa mga totoo niyang magulang, Miracle.”

Tita, napalapit ako sa tunay kong pamilya pero hanggang ngayon naman ay kasama ko pa rin naman sina Lolo at Lola.” Mahinahong sabi ko. “May magbabago po siguro pero sapat lang po para magbigay kay Kenshi ng peace of mind.”

“Hindi ko alam kung kaya kong maging matatag kagaya ng grandparents na nakagisnan mo, hija, dahil sa ngayon ay kinakain ako ng matinding pangamba at takot.”

Naiintindihan kita, Tita.” mapang-unawang sabi ko saka siya niyakap para aluin.

Alam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon ng pamilya Guttierez ngayon dahil napagdaanan na rin namin ng pamilya ko ito.

Naiintindihan ko rin si Kenshi ngayon na pilit hinahanap ang tunay na siya kaya hindi ko alam kung iiwasan ko siya dahil pakiramdam ko, Kailangan niya ako dahil sa lahat ng tao ay ako ang higit na makakaunawa sa kaniya ngayon.

◆◆◇◆◆

KENSHI’S POV :

“Tama na, Ken.”

“Huwag mo akong tawagin ng ganiyan, Freya.” I snapped at her. “Just leave me alone.”

“Hindi kita iiwan — ”

“Bakit ba ang kulit mo?!”

Nagyuko siya ng ulo at hindi na umimik pero hindi pa rin umaalis sa tabi ko.

Muli kong pinulot ang kopitang nasa harapan ko at tinungga ang laman.

“Dahil pa rin ba kay AM?” muling basag ni Freya sa pananahimik ko. “Nagkakaganiyan ka ba dahil nasasaktan ka — ”

“None of your goddamn business, Freya.”

“Bakit ba kasi ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa taong hindi naman ikaw ang gusto?”

Marahas akong nagbaling ng ulo sa kaniya at kunot-noong pinakatitigan siya. “Hindi ba’t gusto mong ipaglaban ko ang pagmamahal kong ‘to para kay AM? So, ano na naman ngayon ang gusto mong palabasin, Freya?”

“Your love for her can also destroy you, Kenshi, so better stop it when you still can. Stop before it's too late.”

“Shut up.” I hissed.

Tumigil ka na sa kahibangan mo.”

Marahas akong tumayo kaya pati ang stool ay natumba at ang bote ng whiskey sa counter ay tumilapon.

Unang una, We are not close.” Tiim-bagang kong sabi. “So I want you to stop meddling with my life and act as if you know everything about me, Freya. Huwag na huwag mo akong pakikialaman dahil wala kang alam.”

Nagmamalasakit lang ako sa ‘yo, Kenshi.”

“In that case, I'm sorry but I don't need your concern.” Malamig na saad ko saka siya tinalikuran.

Lumabas ako sa bar na ‘yon na hindi naman alam kung saan ang susunod na destinasyon dahil wala pa akong balak bumalik sa bahay.

Kuya! Kuya!”

Huminto ako sa paglalakad dahil feeling ko ako ang tinatawag ng dalawang bata sa likuran ko.

“What?!” Wala ako sa mood ngayon kaya naman lahat nalang ay napagtataasan ko ng boses.

“Merry Christmas po.” Nakangiting bati sa ‘kin ng batang babae.

Kuya, sandali!” Pigil ng batang lalaki sa ‘kin nang akmang tatalikod ako sa kanila. Pahingi pong barya.”

Napailing ako at saka sumandal sa kotse ko. Anong oras na nandito pa kayo sa labas. Hindi ba kayo hinahanap ng mga magulang ninyo?”

“Hindi po.” Tugon ng batang babae.

“Hindi?” ulit ko. Bakit?”

“E, kasi po,” parang matandang namewang ang batang babae sa harapan ko habang ang lalake ay blangkong nakatitig sa ‘kin. Wala na po kaming mga magulang.”

Wala?” Ulit ko na naman.

Kuya, inuulit mo ang mga sinasabi ko, e.” Reklamo ng bata.  Iniwan po nila kami sa kalye kasi hindi na raw nila kami kayang buhayin.”

Damn those irresponsible parents!

Magkapatid kayo?” Tanong ko.

“Opo. Mica po ang pangalan ko tapos siya naman ay Rafael.” turo niya sa batang lalake. “Ate po niya ako.”

Saan kayo tumutuloy kapag umuulan?” Muling pag-uusisa ko. “May mga nakakasama ba kayong matatanda sa mga bangketa?”

Ay, wala po.”

Napakamot ako sa batok ko. Nakikita ko sa kanila ang sarili ko at tanging kaibahan lang ay sa mayamang mag-asawa ako napunta.

“Mica,” namulsa ako at muling tiningnan ang mga bata. Ilang taon ka na?”

“Six po.”

“Ako po, five.” segunda ni Rafael.

Halos bagong panganak lang kung tutuusin pero nagawang iwan ng kanilang mga magulang sa ganito kadelikadong lugar? Maari bang pumatay ng mga ganoong klaseng mga magulang?

Kumain na ba kayo?”

Sabay na umiling ang magkapatid. Wala pa kaming pambili, Kuya.”

Tiningnan ko ang oras sa phone ko. 11:14pm. Sakto! May alam naman akong malapit na Mini-restaurant dito na bukas 24/7.

“Tara. Hindi pa rin naman ako nakakakain kaya sabayan niyo nalang ako.” Nakangiting sabi ko.

Totoo po?!” sabay na sabay nilang tanong.

“Yup. Totoong-totoo.” natatawang sagot ko bago binuksan ang pinto sa likod. “Get in, kiddos.” Sabi ko sa kanila at agad naman silang tumalima.

“Kuya, Alam mo ang guwapo mo tapos ang bait-bait mo pa.” Nakangiting wika ni Mica habang ikinakabit ko sa kaniya ang seatbelt. Napangiti nalang ako.

Matapos kong ikabit ang seatbelt ni Rafael ay ako naman ang pumuwesto sa Driver seat at ini-start ang ignition.

After this, saan ko uli ibababa ang mga bata? Sa DSWD kaya? Bahala na.

*****

Kuya, Nasaan po tayo?” Tanong ni Mica sa ‘kin habang nakanguso sa bahay namin.

Dumiretso na kami rito pagkagaling sa restaurant na pinuntahan namin.

“Sa bahay na ‘yan ako nakatira, Mica.” sagot ko bago ni-locked ang kotse ko.

“Nakatira ka pala sa palasyo, Kuya.” inosenteng sambit ng bata na ikinatawa ko.

I held her small hand and said,  “Halika.”

“Uuwi na po kami, Kuya. Ibaba mo na po si Raprap.” Turo niya sa kapatid niyang karga-karga ko’t kasalukuyang natutulog.

“Mica, hindi. Konsensiya ko pa kapag hinayaan ko kayong sa lansangan na naman magpagalagala. Halika na sa loob.” Hinila ko uli siya at hindi naman na siya tumutol.

Palingun-lingon naman ako para masigurong tulog na ang lahat ng tao sa kabahayan.

“Kuya — ”

“Sshh .. Dahan-dahan lang ang galaw, Mica.”

NAKAHINGA lang ako nang maluwag nang makapasok kami sa silid ko nang walang kahit sinong taong nagambala.

“Malaki naman ang bed ko so, Tabi-tabi nalang muna tayong matulog, okay?”

“Oo naman po.” masayang tugon ni Mica. “Maraming salamat po.”

“Wait,” Dahan-dahan kong ihiniga si Rafael sa kama. “Dito lang kayo, okay? Maghahanap ako ng pamalit ninyo.”

Lumabas uli ako ng silid ko at saka tinahak ang daan papunta sa storage room kung saan alam kong nakaimbak ang mga damit ko no’ng bata ako. Ayaw itapon ni Mommy, e.

PAGBALIK ko sa kuwarto ay himbing na himbing pa rin sa pagtulog si Rafael habang si Mica ay parang matandang nag-iisip. Palibhasa panganay.

“Mica, pumasok ka sa banyo at maglinis ng katawan para makatulog na tayo. ‘eto muna pansamantala ang suotin mo, okay ba?” Tanong ko habang inaabot ang pares ng damit pantulog sa kaniya. “Bukas, bibili tayo ng mga gamit niyo pero bawal kayong lumabas ng silid na ‘to nang hindi nagpapaalam sa ‘kin, okay?”

“Opo, Kuya.”

“Good.”

Kumuha ako ng hand towel sa drawer at pumasok sa banyo, kasunod si Mica.

Binasa ko muna ang bimpo na ipapamunas ko sa batang lalake bago binuksan ang shower.

“There. Magsabon ka ng katawan mo.” Sabi ko kay Mica bago lumabas ng banyo.

Ang batang kasalukuyan namang natutulog ang sinimulan kong punasan ng basang bimpo.

Hell!

Ni minsan ay hindi ko naisip na gagawin ko ang bagay na ‘to. Never in my wildest dreams.

“Tatay ..”

Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan nang sambitin iyon ni Rafael sa kalagitnaan ng mahimbing niyang tulog.

Hindi ko alam pero parang may kung anong tumama sa puso ko na hindi ko maintindihan kung ano ‘yon pero sadyang nagdala ‘yon ng ngiti sa labi ko kahit papa’no.

◆◆◇◆◆

2 hours to go before “25th”
ADVANCE MERRY CHRISTMAS EVERYONE ! !
Sana merry ang pasko ninyo. 😊

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
4.8K 118 4
(ON-GOING) BAD BOY SERIES #2 Dulot ng pagkamatay ng mga magulang ni Shiyoon, namulat siya sa marahas at madilim na katotohanang nagtatago sa mundo. N...
1.4K 62 11
Na fall ka na ba sa isang Sakristan? Kaso di mo alam yung name nya kaya di mo siya makita sa FB dba? Paano kung ikaw yung crush nya pero di rin nya...
16.2K 370 29
Eyho Spring Winner 2019. Uncontrolled series #1. A teenage girl that has a rare type of disorder called CCHS. CCHS means Conginetal Central Hypovent...