SCANDAL MAKERS

By maricardizonwrites

479K 16.5K 677

Dalawang dekada na sa show business si Alice De Dios. Hindi man halata sa kaniyang pisikal na hitsura ay mala... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52

Part 38

8.2K 304 9
By maricardizonwrites


SA mga sumunod na araw ay naging laman ng tabloids at showbiz reports sina Alice at Aki. Noong una ay puro negatibong opinyon ang nababasa ni Alice sa internet tungkol sa kanila lalo na tungkol sa binata. Katulad ng kapatid niyang si Helen ay iniisip ng mga tao na ginagamit lang daw siya ni Aki at pineperahan. Subalit nagbago iyon nang lumabas sa mga pahayagan, telebisyon at news website ang tunay na pagkatao ni Aki Kennedy. Nawala ang mga negatibong komento.

Iyon lang lalo tuloy silang napunta sa spotlight. Isang beses nang sunduin siya uli ni Aki pagkatapos ng taping ay may nakakita sa kanilang reporter. Kinabukasan ay nasa balita na agad ang larawan nilang dalawa. Mabuti nga at wala pang nakakadiskubre na sa iisang building at magkatabi lamang ang mga unit nila. Hindi na lamang nila pinapansin ni Aki ang mga artikulong lumalabas tungkol sa kanilang dalawa.

Ang kaso, ang pamilya ni Alice ay mas dumalas rin ang tawag sa kaniya upang tanungin kung kailan sila bibisita ng binata sa bahay ng mga magulang niya. Kaya naman sa sumunod niyang off ay nagdesisyon na siyang pagbigyan na ang pamilya niya.

"Sigurado ka na okay lang talaga sa iyo ha?" tanong ni Alice kay Aki habang nasa kotse sila at bumibiyahe patungo sa bahay ng mga magulang niya.

Saglit lang siya sinulyapan ni Aki na siyang nagmamaneho. "Oo nga. Ikaw yata ang ayaw ako ipakilala sa kanila."

"Of course not," sagot niya.

Ngumiti si Aki. "Kung ganoon wala naman palang problema."

Ilang sandaling napatitig lang si Alice sa mukha ng binata. Actually, ako may pinoproblema. Mula kasi noong araw na na-ambush interview siya hindi pa rin naaalis sa isip niya ang mga katanungan sa isip niya na hindi naman niya masabi kay Aki.

"Anong problema?" nakaangat ang mga kilay na tanong ni Aki nang muling sumulyap sa kaniya.

Kumurap si Alice at pilit na ngumiti. "Wala lang. Don't mind me."

Sandaling kumislap ang pagtataka sa mga mata ng binata pero hindi naman na nagkomento.

SA isang middle class subdivision sa may Antipolo nakatira ang pamilya ni Alice. Sa totoo lang ay afford niyang bigyan ng malaking bahay sa high class subdivision ang mga magulang niya pero ayaw ng mga ito. Laki silang lahat sa hirap kaya hindi kumportable ang mama at papa niya na makihalubilo sa mga sobrang yamang tao. Bukod doon ay nasa subdivision ding iyon kasi nakatira ang dalawang kapatid niya kasama ang kani-kanilang pamilya ng mga ito.

Nasa labas pa lamang ng gate ng bahay ng mga magulang niya ang kotse nila ay bumukas na ang front door at sumulpot si Helen at ang bunso niyang kapatid na si Gary na siyang tumakbo patungo sa gate upang buksan iyon.

"Sila ba ang mga kapatid mo? Kahawig mo sila," nakangiting puna ni Aki nang ihinto nito ang kotse sa garahe.

Umangat ang kilay ni Alice. "Talaga? Sabi ng mga kamag-anak namin iba daw ang hitsura ko sa kanila. Niloloko pa nga nila ako noon na ampon daw ako."

Umiling si Aki at sumulyap sa kaniya. "Hindi kayo magkakamukha pero may something sa facial features ninyo na magkakahawig."

May isasagot pa sana si Alice pero kinatok na ni Gary ang bintana sa passenger's seat kaya bumaba na sila ni Aki. Napangiti siya dahil nakabuka na ang mga braso ng kapatid niya at nakangisi na para bang hinihintay na yakapin niya. Napangiti na rin tuloy siya at niyakap ang bunsong kapatid. "Ate kong maganda! Long time no see," halakhak ni Gary.

Humigpit ang yakap niya rito. "Oo nga. Na-miss ko kayo."

"Ate!" biglang bulalas naman ng boses ni Helen.

Kumalas siya kay Gary at ang kapatid naman niyang babae ang niyakap niya. Nang makitang lumampas ang tingin ng dalawa sa kaniya ay nilingon din niya si Aki na nakapamulsa at bahagyang nakangiti habang nakamasid sa kanilang magkakapatid. Tumikhim si Alice at lumapit sa binata bago humarap sa mga kapatid niya. "This is Aki. Aki, sila ang mga kapatid ko, si Helen ang sumunod sa akin at si Gary ang bunso namin," pakilala niya sa tatlo.

"Masaya akong makilala kayo," nakangiting sabi ni Aki at nakipagkamay sa mga kapatid ni Alice. Hindi nakaligtas sa atensiyon niya ang pagkatulala ni Helen at ang matamang pag-oobserba ni Gary kay Aki.

Tumikhim siya at hinawakan sa braso ang binata. "Pumasok na tayo sa loob bago pa may makapansing kapitbahay na nandito kami," sabi ni Alice.

"Ay, oo nga pala. Pasok kayo, nagluto kami ni mama," aya ni Helen na mukhang nakabawi na. Nagpatiuna ang mga kapatid niyang maglakad at sumunod sila ni Aki.

"So, that's how siblings interact with each other," mahinang usal ng binata.

Natigilan si Alice at napatingin sa mukha nito habang nakasunod ang tingin sa mga kapatid niya. Bigla niyang naalala na wala nga palang kinalakhang tunay na pamilya si Aki. Ginagap niya ang kamay nito at pinisil dahilan kaya sa kaniya nabaling ang tingin ng binata. "Wala bang anak ang itinuturing mong ama na puwede mong maging kapatid?" mahinang tanong niya.

"Wala. Isang taon bago niya ako ampunin namatay ang asawa niyang isang haponesa. Iyon ang dahilan kung bakit tinawag niya akong Aki nang ampunin niya ako. Iyon daw ang gusto ng asawa niya kung nagkaanak sila. I am his only family," sagot ni Aki.

"I see," tanging nasabi ni Alice dahil nakapasok na sila sa bahay at sinalubong sila ng mama niya. Mabilis na pinakilala niya si Aki sa kaniyang ina na kumikislap sa labis na tuwa ang mga mata.

"Sa wakas, may ipinakilala ring lalaki sa akin si Alice. Ikinagagalak kitang makilala, Aki. Alagaan mo ang anak ko ha?"

"Ma!" saway niya rito.

"I will, ma'am," sagot naman ni Aki na nakangiti pang sumulyap sa kaniya.

Kuntentong ngumiti ang nanay niya. "Halikayo sa kusina. Naroon na ang papa mo, Alice. Magmano ka rin sa kaniya at makipagkuwentuhan sa kaniya ha? Ayaw niyang ipasabi sa iyo pero sinusundan niya lahat ng mga palabas at commercial mo sa telebisyon. Na-mi-miss ka 'non," bulong pa nito sa kaniya.

Napakurap si Alice at hindi alam kung ano ang magiging reaksiyon sa sinabing iyon ng kaniyang ina. Halos anim na buwan na mula nang huli siyang magpakita sa pamilya niya at sa totoo lang sa kanilang magkakapatid siya ang hindi malapit sa ama nila. Marahil dahil noong mga panahon na lasenggo at iresponsable ang tatay nila ay siya lang ang nasa hustong gulang at nakakaunawa na sa mga nangyayari. Sina Helen at Gary kasi noon ay masyado pang mga bata.

Mukhang napansin ng mama niya ang tumatakbo sa isip niya dahil may gumuhit na malungkot na ngiti sa mga labi nito at pinisil ang braso niya. "Maraming taon na ang lumipas anak. Matagal na siyang nagbago, maniwala ka sa akin. Bigyan mo siya ng pagkakataong mapalapit sa iyo kahit matanda ka na," mahinang usal nito na para bang ayaw iparinig sa mga kapatid niya.

Subalit dahil nasa tabi lang ni Alice si Aki ay sigurado siyang narinig nito lahat ng sinabi ng kaniyang ina. Ni hindi niya tinangkang lingunin ang mukha ng binata dahil hindi pa siya handang salubungin ang mga mata nito ngayon.

"Bigyan mo siya ng pagkakataon. Sige na, puntahan na ninyo siya sa kusina," susog pa rin ng mama niya.

Huminga siya ng malalim at tumango. "Fine. Let's go, Aki," hindi tinitingnan ang lalaki na aya niya. Hinatak niya ito sa kusina kung saan may naririnig siyang tunog ng telebisyon. Oo nga pala, may flat screen tv nga rin pala sa kusina dahil mas gusto ng mga magulang niya tumambay doon kaysa sa living room. Pasimpleng huminga siya ng malalim.

"Bakit ka kabado?" biglang bulong ni Aki sa may tainga niya.

Napaigtad si Alice at napilitan sulyapan ang binata. Nagtama ang mga mata nila. May pagtataka sa kislap ng mga mata ni Aki. Nakagat niya ang ibabang labi at nag-iwas ng tingin. "Hindi ako kinakabahan." At para patunayan iyon ay tuluyan na siyang pumasok sa kusina.

Nakita niya ang papa niya na nakaupo sa kabisera ng dining room na kaharap sa telebisyon. Agad na napatingin ito sa kanila. Si Alice ay hindi agad nakahuma dahil nabigla siyang makita na sa loob ng anim na buwan mula nang huli silang nagkita ay naging kapansin-pansin ang biglang pagtanda ng hitsura ng kaniyang ama. Mas marami na itong puting buhok at mas kulubot na ang mukha. Pero ang mga mata ng tatay niya ganoon pa rin, matiim at tila palaging galit. Ang mga panga nito ay palaging tila nakatiim. Noong bata pa si Alice, makita lang niya ang ekspresyong iyon ng tatay niya ay natatakot na siya at itinatago sa tulugan ang mga kapatid niya.

"Naisip mo rin umuwi," seryosong sabi ng kaniyang ama bago sumulyap kay Aki. "Ipakilala mo sa akin ang kasama mo."

Hinamig ni Alice ang sarili at lumapit sa tatay niya. Alanganing inabot niya ang kamay nito para magmano. Pagkatapos ay ipinakilala niya si Aki at ang kaniyang ama sa isa't isa. Sa pagkabigla ni Alice at mukhang maging ng tatay niya ay nagmano rin si Aki bago nakangiting sinalubong ang tingin ng papa niya. "Ikinagagalak ko ho kayong makilala."

Tumikhim ang kaniyang ama na mukhang nakabawi na. "Kung ganoon ikaw ang kasintahan ni Alice. Dederetsahin na kita, ang sabi sa balita ay higit na mas bata ka sa kaniya, bakit ang anak ko ang napili mo kung marami namang mas batang dalaga diyan? Sigurado ako na sa hitsura mo hindi ka mahihirapan humanap ng babae hindi ba?"

Namilog ang mga mata ni Alice. "Papa!" hilakbot na saway niya rito.

Pero ni hindi siya tinapunan ng tingin ng ama niya at nanatiling nakatitig kay Aki. "Huwag mong isipin na basta ko ipagkakatiwala sa kung sino ang anak ko. Hindi dahil lampas na siya ng kalendaryo papayag ako na kahit sino na lang ang makatuluyan niya."

Nag-init ang mukha ni Alice dahil habang nagsasalita ang tatay niya ay lalo siyang napapahiya. Lumingon siya sa direksiyon ng entrada ng kusina para sana tawagin ang nanay niya upang pigilan ang tatay niya sa pagsasalita ng kung anu-ano kay Aki. Pero nagulat siya nang makita na nakasilip doon ang mama niya at sina Helen at Gary. Na para bang hinihintay talaga ng mga ito ang sagot ni Aki. Lalo lang tuloy tumindi ang pag-iinit ng mukha niya.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.8K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
138K 4.9K 18
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...