SCANDAL MAKERS

By maricardizonwrites

484K 16.6K 678

Dalawang dekada na sa show business si Alice De Dios. Hindi man halata sa kaniyang pisikal na hitsura ay mala... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52

Part 37

6.9K 256 4
By maricardizonwrites


PAGDATING pa lamang ni Alice sa building kung saan gaganapin ang interview at photo shoot niya para sa araw na iyon ay napansin na kaagad niya ang ilang press people na pakalat-kalat sa lobby.

"Hala, bakit alam nila na may schedule ka rito ngayong umaga?" nag-aalalang tanong ni Nikki na kaagapay niyang naglalakad.

"Wala akong ideya," nasabi na lamang ni Alice. "Sa iba tayo dumaan." Pabaling pa lang sana siya sa kabilang direksiyon nang mapatingin na sa kanila ang mga reporter. Lihim siyang napangiwi nang sandaling makita niya na nagkislapan ang mga mata ng mga taong iyon at nagsimulang magtakbuhan palapit sa kanila.

"Tatawag ako ng staff para tulungan ka Miss Alice," bulong ni Nikki bago tumakbo patungo sa kung saan.

"Alice De Dios! Puwede mo bang sagutin ang kaunting tanong namin kahit sandali lang?" humahangos na sabi ng isang reporter at inilapit sa mukha niya ang recorder.

Wala na siyang napagpilian kaya tuluyan na siyang humarap sa mga ito at propesyunal na ngumiti. "Sandali lang ha? May appointment ako in a few minutes."

"After so many years ngayon ka lang na-link sa kahit na sino. Once and for all, totoo ba na may karelasyon ka ngayon?" tanong ng isang reporter.

Bahagyang naging tunay ang ngiti niya. "Yes. I am currently seeing someone," amin niya. Nagkaingay ang mga reporter at nagkislapan ang mga camera.

"Nalaman namin kani-kanina lang after a thorough research na ang lalaking karelasyon mo ngayon ay walang iba kung hindi ang international and award winning song writer and composer na si Aki Kennedy."

Hindi agad nakahuma si Alice dahil nagulat siyang nalaman kaagad ng mga reporter ang tunay na pagkatao ni Aki. Malapit na rin naman nilang malaman. Iyon ang sinabi ng binata sa kaniya noong nasa opisina sila ni Tita Bebs. Nang mga sandaling iyon ay hindi niya alam ang tinutukoy nito pero ngayon alam na niya. Alam ni Aki na malalaman din agad ng press ang tungkol sa tunay nitong pagkatao.

"Puwede mo bang sabihin sa amin kung paano kayo nagkakilala at kung bakit siya nasa Pilipinas?" tanong naman ng isang reporter.

Mabilis niyang pinagana ang isip. Wala siyang balak sabihin kahit kanino ang tunay na dahilan kung bakit umalis ng New York si Aki. It was his business and not hers. Kaya ang ginawa na lamang niya ay matamis na ngumiti bago sumagot, "Ang masasabi ko lang ay nasa Pilipinas siya para magbakasyon. Aksidente lang ang naging una naming pagkikita. Ang mga sumunod naming pagkikita ay series of coincidences. Compatible kami. Hanggang lumalim ang nararamdaman namin para sa isa't isa."

"Can you tell us more? Gaano katagal nang nasa pilipinas si Aki Kennedy at gaano na kayo katagal magkarelasyon? Alam mo ba kung sino siya noong una kayong nagkakilala?"

Ngiti lang ang isinagot ni Alice dahil wala siyang balak idetalye ang tungkol doon na walang permiso ni Aki. Kaya nang makita niya na palapit na sa kanila si Nikki na may kasamang mga lalaking staff ng Men's Magazine ay lihim siyang nakahinga ng maluwag. "Well, time's up," malambing na sabi niya at nagsimulang kumilos upang maglakad.

Nataranta ang mga reporter. "Importanteng tao sa US si Aki Kennedy hindi ba? Nagbabakasyon lang siya sa pilipinas. Kapag oras na para bumalik siya sa amerika, paano na ang relasyon ninyong dalawa, Alice? Sasama ka ba sa kaniya sa amerika? Magiging long distance relationship ba ang namamagitan sa inyo? Handa ka bang iwan ang career mo para sa iyong lovelife since you are already in your mid-thirties?" sunod-sunod na tanong ng isang reporter.

Kumabog ang dibdib niya dahil para siyang pinana sa puso ng mga katanungan na iyon. Napahinto siya sa paglalakad. Ilang segundo ang lumipas bago niya nagawang kontrolin ang facial expression niya para hindi makita sa mukha niya ang tunay niyang nararamdaman. Nang muli siyang humarap sa reporters ay bahagya siyang nakangiti. "Saka na namin pag-uusapan kapag nasa ganoong sitwasyon na kami. Excuse me," paalam na niya at tuluyan nang tumalikod at naglakad pasalubong kina Nikki.

Hanggang makarating na sila sa opisina ng magazine kung saan gaganapin ang interview ay nakangiti pa rin si Alice. Kahit sa isip niya ay paikot-ikot pa rin ang mga katanungang ibinato sa kaniya ng mga reporter. Alam niya na nasa edad na siya para seryosong pag-isipan ang tungkol sa relasyon niya sa isang lalaki. Sa mga nakaraang linggo ay iniwasan niya isipin ang hinaharap dahil masyado siyang masaya at kumportable sa kasalukuyan nilang relasyon ni Aki.

Pero ngayon, dahil sa mga katanungan na ibinato sa kaniya ay napilitan na siyang pag-isipan ang hinaharap. Sigurado si Alice na hindi na siya magmamahal uli na katulad ng pagmamahal niya para kay Aki ngayon. Maraming taon ang lumipas bago siya nakakilala ng lalaking katulad nito. Kung sa kung anong rason ay hindi sila ang magkatuluyan, kapag pinili ni Aki na bumalik sa US at iwan siya, sigurado si Alice na talagang tatanda siyang mag-isa.

Sa kabilang banda ay bata pa si Aki. Ni wala pa ngang trenta ang binata. Posibleng marami pa itong makilalang babae kapag nagdesisyon itong bumalik ng Amerika. Paano pala kung rite of passage lang siya sa buhay nito? Isang cross road na dadaanan lang nito? Paano kung ngayon siya ang sentro ng atensiyon ng binata pero sa susunod ay hindi na?

Ang masakit na katotohanan ay alam ni Alice na kung sakaling sabihin sa kaniya ni Aki na ayaw na nito sa kaniya ay hindi niya ito pipigilan. Dahil bata pa ito at ayaw niyang maging dahilan para maputol ang magandang kinabukasan nito dahil sa isang middle-aged woman na katulad niya. Habang iniisip niya ang mga iyon ay lalo lamang siyang nade-depress.

"Miss Alice?" untag ni Nikki.

Napakurap siya at napalingon sa assistant niya. Nagtatakang nakatingin sa kaniya ang babae. "Yes?" tanong niya.

"Magsisimula na daw ang interview. Okay lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Nikki.

Huminga ng malalim si Alice at ngumiti. "Of course." Pilit niya munang pinalis ang mga negatibong isipin sa utak niya. Saka na iyon, trabaho muna. Gusto niyang magawa ng perpekto ang photo shoot at interview na iyon. Para walang negatibong masabi sa kaniya ang mga tao at hindi madamay si Aki.

Continue Reading

You'll Also Like

358K 17.5K 53
[ Iskwala Series #1 ]
258K 8.8K 24
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
209K 3.1K 17
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
19K 2K 11
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...