DOLLHOUSE

Por -SHEENA-

7.4M 376K 958K

Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all so... Mais

DOLLHOUSE
The Trailer
Warning
Warning Part 2
The News
The Dolls
The Invitation
The Application
The Start
Dollhouse 001
Dollhouse 002
Dollhouse 003
Dollhouse 004
Dollhouse 005
Dollhouse 006
Dollhouse 007
Dollhouse 008
Dollhouse 009
Dollhouse 010
Dollhouse 011
Dollhouse 012
Dollhouse 013
Dollhouse 014
Dollhouse 015
Dollhouse 016
Dollhouse 017
Dollhouse 018
Dollhouse 019
Dollhouse 020
Dollhouse 021
Dollhouse 022
Dollhouse 023
Dollhouse 024
Dollhouse 025
Dollhouse 026
Dollhouse 027
Dollhouse 028
Dollhouse 029
Dollhouse 030
Dollhouse 031
Dollhouse 032
Dollhouse 033
Dollhouse 034
Dollhouse 035
Dollhouse 036
Dollhouse 037
Dollhouse 038
Dollhouse 039
Dollhouse 040
Dollhouse 041
Dollhouse 042
Dollhouse 043
Dollhouse 044
Dollhouse 045
Dollhouse 046
Dollhouse 047
Dollhouse 048
Dollhouse 050
Dollhouse 051
Dollhouse 052
Dollhouse 053
Dollhouse 054
Dollhouse 055
Dollhouse 056
Dollhouse 057
Dollhouse 058
Dollhouse 059
Dollhouse 060
Dollhouse 061
Dollhouse 062
Dollhouse 063
Dollhouse 064
Dollhouse 065
Dollhouse 066
Dollhouse 067
Dollhouse 068
Dollhouse 069
Dollhouse 070
Dollhouse 071
Dollhouse 072
Dollhouse 073
Dollhouse 074
Dollhouse 075
Dollhouse 076
Dollhouse 077
Dollhouse 078
Author's Note | Story Feedback Section
The Published Book

Dollhouse 049

64.8K 4K 9.3K
Por -SHEENA-

sheena' s note : ლ(╹◡╹ლ)

Glitches, chill lang tayo. Haha! Huwag kayo mag-away sa comment section. Nakakaloka! This is only fictional. All your opinions are valid but still, let's be aware of the words we are using. One day, Dollhouse will end too. Tatawanan niyo lang mga comments niyo kapag nagreread. The theories will be filtered day by day in Dollhouse because of the eliminations. Meaning, laging magbabago ang theories at opinions. 'Yong bias nias niyo ngayon, baka bukas killer suspect niyo na.

Enjoyin lang natin ang updates ng Dollhouse until epilogue. I intentionally made internet fights in the story and I already expected this to happen in the real wattpad comment section since magkakaroon kayo ng sari-sariling manok na character. Sadyang hindi ko lang inexpect na magtatalo anf iba nang bongga HAHAHA. We are a family and just like the viewers in the story Dollhouse, we are here to solve the mystery and what really happened. Hindi dapat kayo ang nagtatalo, okie ba 'yon?  Let's spread friendly solutions, not hate ♡

✦ ◉ •

WELCOME BACK TO
DOLLHOUSE

── ♡├o UPDATE:
Task: Find the Exit
Dolls Remaining:
Alpha, Babe, Flame
Gunner, Ichiro, Java

▬▬▬▬▬▬▬

"Java, how was your weekend?"

"Okay lang po, Sir."

"I saw your posts. Seems like you went hiking last weekend with your friends."

"Ah. Yes po. Nag-celebrate po kami kasi birthday ni Echo."

"Did you guys also celebrate your failing grades?"

"P-po?"

"Your group is failing in my subject. Puro late ang pagpasa ng reports, assignments, at bagsak na exams. I already advised your friends, Hera and Alpha, to encourage you all to study but nothing is working. Pati iyo ay bumababa na din. What's your plan?"

"My scores are not failing---"

"It is, Ms. Lucifani. Your previous record was above average but now...... tsk. Don't worry. It's not just you. Ichiro, Gunner, Babe, Echo, and Claude's grades are the same."

"....."

"Your group needs to do something, Java. I want an improvement. I don't want to fail students in my class, everyone knows that. If your group is interested, I have after school lessons for students who is willing to catch up. Let them know."

"Okay po, Sir."
 
     
  

 
"Claude..."

"Self-review na lang ako. May date ako mamaya."

"Flame..."

"Ugh. Katamad. Isang subject lang naman 'yon. Pasang awa ako sa lahat."

"Gunner..."

"Sorry. May training ako madalas sa underground."

"Ichiro..."

"Ikaw bahala. Kung sasama ka, sasama ako."

"Aww. 'Yon lang. Ayoko din eh. Two hours kasi. Ikaw Babe, payag ka? After school lesson?"

"Sino munang prof?"

"Kay Professor Azazel, Babe. 'Yong paboritong prof ni Hera."

"Ahh. Hapon?"

"Oo."

"Hmm. Okay lang naman."

"Kaso ikaw lang ata sa Decagon pupunta."

"Nyeh. Si Gunner ayaw din?"

"Alam mo naman 'yon laging nasa underground."

"Ay. Oo nga. Hmm.... Sige. Try ko padin. Ako na lang magturo kay Gunner kapag magkasama kami.

"Oyan. Text mo na si Prof. Azazel, Java. Sabihin mo willing si Babe."

"Sige, sabihan ko na. Yari tayo. Gusto niya lahat eh."

"Keri 'yan. At least, may representative ang Decagon."

"Tss. Dapat lahat daw pumasa. Eto pala number ni Prof. Azazel, Babe. In case na need mo."

"Salamat. Ako bahala sa inyo, guys! Magpapaka-Alpha at Hera ako. Kunyari brainy!"

"Narinig ko pangalan ko..."

"Oy, Alpha."

"Ano meron?"

"Nag-rerecommend ng after school lesson si Prof. Azazel sa'min na bumabagsak daw."

"Wait. Nabagsak ka pa rin, Java?"

"Daw. Pasado naman lahat ng scores ko tsaka nagpapasa ako on time ng project sa kanya kaya nagtataka ako. Mamaya ay ico-compile ko results ng exam ko para maipakita ko sa kanya."

"Sino ang pupunta kay Prof. after school?"

"Mukhang si Babe lang ata."

"Sasama ka?"

"Hindi ata. Mas effective sa'kin self review. Mas napasok sa isip ko. Ikaw?"

"Wala bantay kapatid ko sa bahay, eh. Pero baka dumaan ako tuwing hapon incase na wala pa si Gunner para ihatid si Babe."

"Sige. Ikaw bahala. Babe, nasend ko na pala number ni Prof."

"Got it. Thanks, Java."

▬▬▬▬▬▬▬
 

── ♡├o JAVA
 
 
"Oy, Java. Natutulala ka diyan. Tara na! Hanapin na natin silang lahat!"

Naputol ang iniisip ko dahil sa sinabi ni Flame. Napakurap ako habang nakatingin sa kanya. Tahimik akong tumango.

Kasalanan ko ba talaga ang lahat?

"Java, magkasama na kayo?"

Naputol na naman ang nasa isip ko. Bigla ko kasing narinig ang boses ni Ichiro.

"Naririnig niyo na ba 'ko?" tanong ko habang naglalakad. Pinapanood lang ako ni Flame na nagsasalita. Nagtataka itsura niya, akala niya ata siya kausap ko.

"Ako ba kausap mo?" tanong na ni Flame. Sabi na eh.

Umiling ako saka nagsalita ulit. "Hindi ata nagana microphone na para sa'kin. Nawawala-wala. Tinatawag ko kayo kanina pero hindi niyo ko naririnig. Magkasama na kami ni Flame kaya naririnig niyo na 'ko, Ichiro."

Bigla kong narinig si Alpha. "Java, anong nangyari? Sinaktan ka ba nila?"

Si Flame ay nawi-weirduhan na ang tingin sa'kin.

"Hinahabol nila 'ko kanina. Nahila nila 'ko kaya napasigaw ako. Sorry kung nag-alala kayo." sagot ko.

"'Yong sigaw mo kasi para kang kakatayin. Tsk." masungit na sabi ni Gunner. "Hahanapin namin kayo. Huwag kayo maghihiwalay."

"Sino kausap mo?" tanong na naman ni Flame, nagtataka na talaga, saka tumingala. Napatingala din tuloy ako. Bakit kami natingala?

Aish! Umiling na lang ako ulit sa kanya. All this time, she's clueless that the team can communicate anywhere. Nagtataka ko siyang tiningnan habang naglalakad siya sa unahan ko. Puro dugo ang uniform niya, mukhang totoo ang sinabi ni Babe. Flame just murdered someone.

Speaking....

"Babe?" tawag ko.

Walang sumagot.

Where's Babe?

"Kasama niyo na ba si Babe?" tanong ko sa tatlong lalaki.

"Hindi pa. Hinahanap din namin." sagot ni Alpha.

"Nakita na niya kayong dalawa kaso hindi pa sumama." sabi ni Gunner, mukhang mainit na naman ang dugo base sa tono.

I heard it too. Narinig ko kanina na nakita daw ako ni Babe habang hinahabol. Ang problema, pagkabalik ko sa part na 'yon kung saan nagtagpo kami nang hindi ko namamalayan, wala na siya. Mukhang lumipat na siya ng pwesto ulit.

"Binalikan ko siya kaso wala na. Babe?" tawag ko ulit.

Mas lalo akong nakokonsensya.

Kinakabahan ako. Bakit hindi siya nasagot?

Babe....

Kasalanan ko ba ang lahat?

Ako ba ang puno't dulo ng nangyari?

Dapat pala sumama na lang ako after school sa kanya. Sana hindi na lang ako tinamad. Sana kinulit ko ang lahat para samahan ka. Kung may kasama siya, hindi nangyari lahat ng 'yon. Baka wala kami dito. Baka nasa Lancaster kami ngayon imbis na dito sa Dollhouse.

"Babe?" tawag ko ulit.

"Huwag mo kasi awayin, Gunner." rinig kong sita ni Alpha.

"Inaaway ko ba? Totoo naman na dapat sumama na siya kay Flame kanina. Magkakasama na dapat silang tatlo ngayon at hindi na siya mag-isa kung 'yon ang ginawa niya." sagot naman ni Gunner. Pasaway talaga 'to eh. Alam niyang naririnig pa rin siya ni Babe kahit hindi nasagot.

"Ako din medyo naiinis sa nangyari at ginawa niya pero iba kasi 'yong tono mo---- Aw. Aray, Alpha! Huwag mo ko diyan hawakan." biglang daing ni Ichiro na pinagsasabihan na din si Gunner.

"S-sorry." sabi na lang ni Alpha.

Ang gulo nilang tatlo!

"Gumagana ba baril mo?" tanong ni Flame saka tiningnan ang baril na nakadikit sa'kin.

'Hindi ko alam kung bakit ito pinasuot sa'kin. Itim na itim ang suot ko. Medyo makapal. Nakablack jacket ako tapos black pants at black shoes. Yong baril ay nakakadena mismo sa braso at kamay ko na natatakpan ng jacket. May lock pa. Ang problema hindi agad kita 'yon hanggat hindi malapitan. Mukha akong isa sa mga killers at 'yon ata ang plano nila para mapatay ako ng Decagon.

Mayroon din akong suot na metal gloves sa kaliwang kamay at may nakadikit naman doon na libro. Nasilip ko na kanina. The pages looks like a map for a this library. Kaso mukhang kailangan namin pilasin lahat ng pahina saka ayusin sa lapag para makita ang kabuuan. It's hard especially if you are being haunted by killers.

Kinalabit ni Flame ang gantilyo ng baril na nakakadena sa kanang braso ko. Pumutok ang baril. Tumama ang bala sa libro. Malakas ang impact kaya nagbagsakan ang mga 'yon papunta sa sahig.

Ipinahawak ni Flame nang maigi sa'kin ang baril.

"Gamitin mo. Huwag mo idisplay." seryosong sabi niya. Napatango na lang ako. She's serious about this. Papatayin niya ang hindi Decagon na nasa kwartong 'to. Muntik na niya ko mabaril kanina, buti na lang ay lumapit siya at nakilala ako.

Flame's eyes are tired and full of sadness. We lost Hera yesterday. Alpha was right earlier, Flame is definitely mad right now. She's trying to stay calm with me but I can feel her eagerness to kill anyone right now.

"Java?" tawag ni Gunner.

"Oh?"

"Nasugatan ka ba nila?"

"Huh? Hindi."

"Kanino 'tong dugo?" rinig kong bulong ni Ichiro.

Bigla tuloy ako kinabahan.

"Ano nangyayari?"

"May bakas ng dugo kaming nadaanan." sagot ni Gunner. "Kasama mo si Flame, diba? May bakas ba ng dugo ang babaeng 'yan?"

Nilingon ko si Flame. Bagsak buhok niya. Puro dugo ang kamay niya pati braso. Mayroon din sa pisngi.

"Madami kay Flame, pero hindi kanya ang dugo." sagot ko. Sandali silang natahimik. Mukhang naintindihan nila ang pinupunto ko.

"Baka ito 'yong sa mga pinatay ni Flame?" sabi ni Ichi.

"Si Babe. Hanapin na si Babe." agad na sabi ni Alpha.

Napalunok tuloy ako.

Bakit hindi nasagot si Babe?
 

 
 

▬▬▬▬▬▬▬
 


 

── ♡├o THIRD

  
"Gunner, umayos ka nga muna. Hindi natin mahanap si Babe dahil sa mga inaasta mo eh." saway ni Alpha.

Si Gunner naman ay galit pa rin ang mukha.

Hindi na lang siya sinita ni Ichiro.

May nakita silang maraming bakas ng dugo kanina sa sahig. Hindi nila mawari kung galing ba ito sa pinatay ni Flame.... o kay Babe.

"Babe?" tawag na naman ni Alpha.

Kaso walang sumagot.

Naglalakad silang tatlo nang may marinig silang kakaibang tunog. Napatigil agad sila. Si Gunner ay pumunta agad sa unahan. Pinaatras at tinago niya ang dalawa. Si Ichiro ay pumuwesto sa likod. Pinagitnaan nila si Alpha na hindi nakakakita. Bantay sarado ni Ichiro ang likod at ang harap kung saan nanggagaling ang tunog.

May naririnig silang tunog ng cart na tinutulak papunta sa direksyon nila.

Palapit nang palapit ang tunog na 'yon...

Hindi maintindihan ni Gunner bakit may ganoong tunog sa library. Pasimple siyang sumilip at nagulat sa nakita. Nanlaki ang mata niya at halos hindi siya makakurap.

May matandang babae.

Nakasuot ito ng light blue na damit na tila pang amerikana. May suot itong kakaibang sumbrero na magarbo ang disenyo. Tulak-tulak ng matanda ang isang cart na tila gawa sa silver dahil sa kintab. Nakita ni Gunner na puro pagkain iyon. May bote pa ng alak, wine glass, at pitsel para sa tubig at gatas.

Napamura siya sa nakita.

Gusto magtanong ni Alpha kung bakit pero nanahimik muna siya.

"Boys, here's your breakfast." tawag ng matanda sa kanila na parang normal ang lahat. Nagsalubong ang kilay ni Ichiro nang marinig ang matanda. Nagtataka silang nagkatinginan ni Gunner.

Nagpatunog pa ito ng bell kaya mas lalo silang nalito sa gagawin. Bakit may matanda sa library?!

Walang makapagsalita sa kanila. Hindi rin sila nakagalaw para magtago pa. Tuluyan silang nadaanan ng matanda at ipinakita ang pagkain.

"There you are. Here's your breakfast, boys. Peter said he doesn't want his dolls to be hungry. Now, sit down and I will feed you." sabi ng matandang babae.

"Let's leave her alone." sabi ni Alpha, seryoso ang boses. Pilit niyang tinulak si Ichiro. Si Ichiro naman ay hinihintay si Gunner na tila nagtataka parin bakit may matanda.

"Boys cannot leave without breakfast." nakangiting sabi ng matanda... saka naglabas ng baril at itinutok sa ulo ni Gunner na pinakamalapit sa kanya.

"Shit." bulong ni Ichiro.

Hindi makita ni Alpha ang nangyayari pero narinig may kumasa ng baril.

"Now, eat." sabi ng matanda.

"Gunner..." kabadong tawag ni Ichiro.

"Ichiro, Alpha, takbo." mahinang pero seryosong utos ni Gunner sa kanila.

"If you let them run, I will shoot your brain, little boy." nakangiting sabi ng matanda.

"Takbo, Ichiro!" galit na sigaw ni Gunner.

"Shit! Alpha, tara----"

Umalingawngaw ang putok ng isang baril.

Naramdaman niyang hihilain na dapat siya ni Ichiro kaso biglang may pumutok na baril siyang narinig sa unahan niya na nagpatigil sa kanila. Nanlambot si Alpha. Pagkatapos kasi ng tunog ay may naramdaman niyang may tumalsik na mainit sa mukha niya.

"G-Gunner..." tawag niya tuloy bigla.

Walang sumagot.

Pati si Ichiro na hihilahin na si Alpha ay namutla sa narinig. May tumalsik din sa kanyang mainit. Nanginig siya nang makitang puro talsik din ng dugo si Alpha ngayon. Nanginginig ang mata niya nang nilingon ang nangyari.

May bumagsak na katawan sa lapag.

Hindi alam ni Alpha ang dapat maramdaman sa kalabog. Nanlalambot siya. Hindi na rin niya marinig si Gunner.

"B-bakit...." nagkandautal-utal si Ichiro sa nasaksihan.

"Anong... nangyari... Ichi?" tanong ni Alpha.

Hindi makapagsalita si Gunner.

Halos hindi siya makakurap habang tinitingnang ang nausok pa na baril ni Flame na nakatutok sa direksyon nila at ang katawan ng matanda na bumagsak sa lupa.

Sa likod ni Flame makikita si Java na gulat na gulat sa nangyayari. Nagkatinginan silang apat. Lumakad si Flame papunta sa tatlong lalaki na parang hindi niya pinatay ang papatay na dapat kay Gunner.

Si Gunner naman ay punong puno din ng dugo ang mukha maski damit niya. Binaril sa ulo ni Flame ang babaril dapat sa kanya.

"Paano kung nahuli ako, edi patay na kayong tatlo?" iritang sabi ni Flame.

Nagkita na silang lima.

Isa lang umiikot sa isip ng apat nang magkatagpo-tagpo sila.

Flame has gone mad.

  
TO BE CONTINUED.
── ♡├o sheena's note:
See you next ud, glitches :>

Continuar a ler

Também vai Gostar

82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
Project LOKI ① Por akosiibarra

Mistério / Suspense

56M 988K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
14.1K 860 25
Ichinose Harumi is having a hard time on her new environment- Japan. She admits that she's not accustomed to live there because if she had a choice...
7.4M 376K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...