"Alpha, what happened? Bakit namumula mata ni Babe? Tsaka saan sila pupunta ni Dorothy?"
"I'm... not sure. I just saw her crying. Ayaw niya sabihin kung bakit siya naiyak, sakto dumating si Dorothy, papunta ata dito, kaya pinakausap ko na lang muna sa kanya."
"Ah. Magrereview dapat kami ni Dorothy. Anyway, saan ka pupunta? Bakit ka nagmamadali?"
"Uh. Library. Hey, you smell like cigarettes again. Isusumbong kita kay Gunner kapag hindi ka tumigil."
"Huwag. Last na 'yon. Nastress lang ako sa case study. Pepektusan na naman ako ni Gunner kapag nalaman niya!"
"Tsk. Then stop smoking. By the way, where's Gunner, Flame?"
"It's almost 6pm so baka nasa underground 'yon. Bakit?"
"Huh? Nothing. Wala ka kasing kasama---"
"Alpha, you okay?"
"Java, buti dumating ka! Samahan mo muna si Flame. I just need to go somewhere really quick. I'll text you guys later."
"Saan ka--- okay? Ano problema no'n? Bakit parang nagmamadali?"
"I don't know. Nakita ko siya kanina kasama si Babe na naiyak. Si Dorothy kasama ko dapat magreview kaso pinakausap ni Alpha si Babe kay Dotdot. Tapos 'yan hinahanap na si Gunner. Java, gusto mo fries?"
"Ayoko. Diet ako. Pero wait, nasaan na sila Babe at Dorothy?"
"Ba malay ko. Yaan mo sila. Tara, kain! Diet diet ka pang nalalalaman nagmi-midnight snack ka din naman ng junk foods---"
"Oy penge naman pagkain!"
"Ako din!"
"Anak ka ng--- Ichiro! Echo! Hoy! Akin 'yan! Ibalik niyo!"
"Habol bansot. Flame, madamot ka ha. Isang bucket ng fries 'to! Sabi ni Gunner share tayong Decagon."
"Anong... akin lang daw 'yan sabi ni Gunner! Huwag niyo na itakbo! Punyeta--- Uy. Anong nangyari?"
"Babe? Dorothy? What happened?"
"Hala. Bakit naiyak ang bunso namin?"
"Sino umaway? Susugurin namin ni Ichi."
"Babe, you okay?"
"Dorothy, anong nangyari?"
"Wala. May nakaaway lang. Nasaan si Alpha?"
"Library daw. Hinahanap niya sa'kin si Gunner. Nasa UG na ata 'yon ganitong oras eh. Ayos ka lang, Babe? Echo, bigyan mo ng fries!"
"Sino nakaaway mo? Susugurin ko. Dali. Sumbong."
✦ ◉ •
"Shhh. Java stop crying."
"G-Gunner..."
"Tsk. Pasok ka sa cabinet. Bilis. Ako bahala."
"Huwag ka gagawa ng gulo. Gunner, please."
"Alright. Alright. Stop crying. Parating na siya. Tago na, Java."
"Gunner..."
"Promise, I won't make a mess. Hide. Now."
"Mr. Gunner Vignaux, why are you still here?"
"...."
"Mr. Vignaux?"
"Ako po inchare maglinis ng laboratory kapalit ng detention. Bakit, Sir?"
"Just asking. Turn the lights off later, okay?"
"Yes, Sir."
"Alright. I'll go ahead."
"Magtago ka lang. Huwag ka muna lalabas...... Okay..... He's gone.... Wait.... I'll check again.... Okay. Malayo na siya. Java, let's go. Iuuwi na kit---"
"....."
"Shhh. H-Hey. Java, I'm here. Huwag ka na umiyak. Java? Hey, hey, look at me. Don't be scared. I'm here now."
. . . . . . . . .
✦ ◉ •
𝙒𝙚𝙡𝙘𝙤𝙢𝙚 𝘽𝙖𝙘𝙠 𝙩𝙤
𝘿𝙤𝙡𝙡𝙝𝙤𝙪𝙨𝙚
── ♡├o Update:
Here's the list for the
upcoming elimination:
Nominated Dolls:
● DOLL06 - FLAME
● DOLL07 - GUNNER
● DOLL08 - HERA
Who will you save and why?
Send your answers here:
welcometodollhouse.com/decagon/day04
▬▬▬▬▬▬▬
LIVE COMMENTS
- Bakit silang tatlo?!!!! (ノಥőಥ)ノ゙
- flame, sweetie, you don't deserve to be there.
- kasama na si Flame sa nominated? Wala pa siya dare sa pagsisinungaling niya ah?
- she intentionally lied eh. meaning gusto niya talaga mapasama na sa nominees for elimination
- awit. flame :(((
- #SaveDecagon
- paubos na sila nang paubos
- akala ko si babe magiging third nominee
- #BabeIsInnocent
- she's not and it's already obvious (ノಠ益ಠ)ノ
- what if she is just being framed up? 凸ಠ︿ಠ凸
- paano kung pinagmumukhang siya para isipin natin na hindi siya pero siya talaga?!
- sumasakit lalo ulo ko sa inyo ./.
- mas masakit walang ulo!
- wala bang magliligtas sa decagon?!
- ni hindi nga nila matrace sino nagla-live broadcast eh
- trending pero walang naaksyon kahit 4th day na?
- girl, nasa pinas tayo. what do you expect?
- ilang beses na nabalita sa tv parol at 25 oras pero same shit bro
- ganoon naman lagi, ibabalita na lang kapag natagpuan ng walang buhay 'yong mga nawala.
- they're trying. huwag muna natin sila husgahan?
- yup. hindi naman madali trabaho nila.
- excuses.
- ano ba naitulong mo? ano ba naiambag mo para sisihin sila? may nagawa ka ba para iligtas ang sampu? nanonood ka din lang naman, di ba? -.-
- ang fucked up pa kasi ung iba nasunod sa request ng dh like dares o kaya naboto for nomination. mas lalo tuloy nagiging delikado ung mga bata sa loob ng bahay.
- bakit ba kayo nag-aaway? Tingin niyo nakakatulong ang pag-away niyo online?!
- this broadcast has been airing for 4 days straight already and no one can shut it down. i'm sorry. the teens inside are hopeless.
- mamaya may isa na namang maeeliminate.
- what if this is just a social experiment?
- or a prank? (;ಠ⌓ಠ)
- boy, 4 days straight. live natin nakikita na nagsasakitan na sila sa loob? where's your brain? lost it?
- how can we be so sure that this is live? what if recorded na lang tong napapanood natin?
- hindi ko naisip yon ah o.o
- another weird thing is they are turning off cameras. Paano kung nagpprepare pala decagon habang nakapatay camera tapos aarte nalang ulit sila kapag ready na?
- its a live broadcast. sabay sabay silang nawala diba? edi sana matagal na nareport ung pagkawala nila at kung recorded nga 'to.
- gosh. bumalik na naman ang mga nagcocomment na prank lng daw -.-
- ikr. nakakainis na.
- si alpha at java poisoned diba?
- decagon, innocent man or hindi, sana makaligtas kayo. i'm sorry this happened to you guys. super bata niyo pa.
- my heart is breaking. alaga nga lang mamatay sa'kin, grabe na iyak ko eh. kaibigan pa kaya.
- sino may highest points?
- nawala screenshot ko ng list ng points sa huling round. sorry.
- alpha ata highest? Sunod si Ichi?
- no. si babe ata second?
- team a: nagtatalo ng theories at kung sino killer
team b: review review kunyari... tapos mangongopya din sa team a. kunyari naisip din nila kahit hindi lmao
team c: nanonood sa DH at dalawang team sa comment section w/ popcorn
▬▬▬▬▬▬▬
── ♡├o HERA
Nakaflash sa screen ang mukha naming tatlo ni Gunner at Flame. I knew it. Uunahin kami. Nakakainis. Hindi dapat kasama si Flame eh. Kapag kasama si Flame, may tendency na magsaluhan sila ni Gunner.
"What about the points? Ang sabi pwede 'yon gamitin pang ligtas or pang eliminate, di ba?" tanong bigla ni Ichiro habang tinitingnan kami. May punto siya. Kaso ang pinagtataka ko, paanong ligtas? Ligtas from nomination? Ganoon ba?
Nagbago na naman ang nasa screen. Mukhang narinig ng may ari ng bahay si Ichiro dahil ngayon ay pinapakita na ang aming mga puntos...
── ♡├o LAST ROUND RESULTS:
Alpha - 30 points (3 Truths)
Babe -25 points (2 Truths, 1 Dare)
Flame - Failed Dare - NOMINATED
Gunner - Failed Dare - NOMINATED
Hera - Failed Dare - NOMINATED
Ichiro - 20 points (2 Truths)
Java - 15 points (1 Truth, 1 Dare)
Si Alpha pinakamataas, sunod si Babe at Ichiro.
Kung tama ang naaalala ko, highest ang sinabi. Kung sino may highest point, siya ang may choice na magligtas or mageliminate ng member na gusto niya.
Si Alpha ang may highest point.
Lugi sina Ichiro at Java na pwede pa sanang madagdagan ang point. Kung hindi nagvolunteer si Flame for elimination, pwede pa sana dumami points nila.
"Alpha won the game with a total of 30 points. You're honesty makes you a winner. Congratulations!" anunsyo ng chipmunks na ikinairita namin dahil halatang nang-aasar lang.
"Since you're honest and you win the game, you will have an option to save or to eliminate. When I say save, it's either you choose one from the 3 nominated players to be removed from the list---- or you can choose the save option to get the two antidotes for you and for that girl on your left. Yup. You two are poisoned. Sorry if I didn't let you know earlier."
Ang daya talaga!
"The poison will kill you both within the same day if not cured immediately." dagdag ng chipmunks.
"The other option is to eliminate. You can choose whoever you like for an instant elimination. Choose, Alpha. Are you going to save or eliminate?"
Walang nakapagsalita sa'min at pinanood na lang si Alpha.
"Ginagago tayo. Tsk." bulong ni Gunner.
Si Flame ay binabasa nalang sa screen ang sinabi ng chipmunks kay Alpha.
"Save piliin mo, Alpha." sabi ni Flame pagkatapos niya basahin ang nasa screen. "Tapos antidote. Dalawang buhay kapalit ng antidote. Kapag sa'min, isa lang."
"Just save one from them, Alpha." sagot ni Java.
"Java. Tsk." kinakabahan na din si Ichiro.
"Mamamatay kayong dalawa kung sa'min siya pipili." reklamo ni Gunner kay Java. "Tatlo mawawala kung sa'min ka pipili, Alpha. May maeeliminate padin kung sa isa sa'ming tatlo, tapos kayong dalawa ay mawawala din ngayong araw na 'to. Tatlo mamamatay o isa?"
"Alpha, pumili ka na lang sa tatlo." pumiyok na sabi ni Java.
Hindi ko alam. Wala akong masabing opinyon. I don't want to die, but I don't want them to die too!
"Shit." bulong ni Alpha.
Tumawa ang nasa speaker. Hindi na boses chipmunks. Boses lalaki na. "10 seconds, Alpha. Choose. Save or eliminate?"
"Java already fainted. Alpha, pumili ka na kasi!" galit na sigaw ni Gunner.
Pinanood ko si Ichiro na pilit ginigising si Java na nakayuko na lang. Blood is dripping from her lips and from her wounds. May namumuong mga pantal sa balat niya. She looks like a mess.
"Choose antidote." sabi ko na.
Napabaling ang ulo ni Alpha sa'kin.
"We'll be okay, Alpha. Tama si Gunner. Tatlo mawawala ngayong araw kung pipili ka ng isa sa'min, dalawa maliligtas mo kung antidote. It's okay. We'll be alright. Don't worry. No matter what happens, it's not your fault."
"I'm sorry..." Alpha's voice is shaking.
I smiled even though he couldn't see me.
"It's okay. We... understand you."
Tinakpan ko agad ang bibig ko para hindi niya marinig na naiyak na din ako. Si Flame ay napatakip na lang din ng mukha nang makita si Alpha na nahihirapan na sa pagpili.
"Save or eliminate?" tanong ulit ng boses.
I'm scared.
The voice sounds like him.
He's already dead.
Why are they using his voice?
"I'll choose.... save." sagot ni Alpha.
"Antidote or one of the three?"
Hindi ulit nakasagot si Alpha.
"We'll be okay, Alpha." udyok ko.
"... Antidote." pagtuloy na niya.
Tila natuwa ang nasa speaker dahil pumalakpak ito bigla. I hate them. I hate that they are using his voice. I hate how they are manipulating us. Whoever is behind this, I hate them. We don't deserve this. No one deserves this.
"The two will be cured from poison in a bit. Sleep tight, dolls. Enjoy your fourth nightmare."
Dumilim ang kwarto.
Hindi ko alam kung paano nila nagagawa... pero ilang segundo lang ay bumagsak na muli ang mata ko.
. . . . . . . .
✦ ◉ •
𝘿𝙤𝙡𝙡𝙝𝙤𝙪𝙨𝙚
── ♡├o Update:
Here's the confirmed list for
the upcoming elimination:
Nominated Dolls:
● DOLL06 - FLAME
● DOLL07 - GUNNER
● DOLL08 - HERA
Who will you save and why?
Send your answers here:
welcometodollhouse.com/decagon/day04
TO BE CONTINUED.
── ♡├o sheena's note:
it's killing timeeeee ٩(⊙Д⚆)۶!!!
see you next update. hehe
not sure kung meron bukas
pero susubukan ko hahaha
grabe. this is the 50th update.
not sure if aabot ng 100 lmao