LIVE COMMENTS
- si hera wkrjsjefjeijxdjd
- guys i think na solve ko na killers ₍•́_•́₎
- ako din
- pm ng sagot pls
- nalilito ako sino tlga mga inosente argh
- i think nasa decagon ung kasama ni java :O
- baka si prof. niya
- or baka si ichiro tlga yon
- no. si ichi ung stalker na nagpicture.
- wala na ko pang stream. Penge load!
- happy bday yuna (∩˃o˂∩)♡
- sino si yuna?
- PERO ANO MUNA SINAGOT NI GUNNER?!
- secret ͡⚆ ͜ʖ ͡⚆
- guys may na install na app sa phone ko!
- ako din
- dusk.apk din ba yan? ๑'͡o_'͡o๑
- HALA AKO DIN
- maya na dusk, nasa dollhouse pa tayo -.-
- #promotepromotepromote
- ang laki ng karayom ni hera wkjsudju
- call 911
- grabe na pagdudugo ni ichi :<
- si gunner na next na mamamatay
- petition to kill gunner
- bakit ang daming galit kay gunner? (T∧T)
- siya pinakatotoo para sakin ewan ko ba haha
- pinaka vocal sa mga iniisip tsaka si flame!
- sila pinakabet ko mabuhay!
- babe na pinaka suspicious sa'kin
- ako si alpha kasi siya lang kumakampi kay babe!
- hindi nakampi sina java at ichi kay babe
- ay oo nga noh? ._.
- ang nagkakampihan: gunner, flame, hera. tapos alpha and babe ung isa.
- soooo that makes java and ichiro - clueless????
- nahhh walang clueless sa natitia
- si gunner at java ata ung nasa natakbong pic eh
- baka java + ichi
- sa nangyayari ngayon, i think, alpha + babe ata ._.
- HAHAHAHAHAHAH AYOKO NA ('•﹏•)
- feeling ko connected lahat ng kwento!
- MAS LALO AKO NALILITO SA THEORY KAPAG PINAGHAHALO HALO NA ಥ⌓ಥ
- shit may naalala ako bigla sa simula! Omg! Omg!
- anoooooo?!
- ah shems. Gets!
- ANO NGA NAALALA NIYO?! (╬゚•̀皿•́)ノ゙┴─┴́
▬▬▬▬▬▬▬
── ♡├o FLAME
"Hera!" tawag ko.
Shit. Inaayos niya 'yong sinulid at karayom. Parang hindi nga ata sinulid hawak niya eh. Mukhang alambre!
Nagwawala si Ichiro sa upuan niya. Si Alpha naman ay may sinasabi din kaso hindi ko marinig! Si Babe ay napatakip ng mata. Si Gunner... tahimik lang.
"Dapat kasi binali mo na lang eh." sabi ko bigla. 'Yong buto ko 'yong tinutukoy ko.
Umiling lang siya sa'kin.
Bopols. It's just a bone. Elimination ang usapan dito. Elimination is equal to death. Gunner is stupid. I can still live with a broken bone! Aish!
Naiinis ako! Ayokong mamatay si Gunner!
Masyadong unfair ang dare na 'yon. Alam ng nagc-control na hindi 'yon gagawin ni Gunner sa'min. I think they're planning to kill him next.
"Hoy, Hera!" tawag ko ulit. Teka nga. Ano na nangyari sa babaeng 'yon? Bakit ganon ayos niya? "Hera, bangon!"
Si Hera, ayon, nag-iiyak na lang sa lap ni Java habang hawak ang karayom. Tumayo si Alpha. Medyo muntik pa siya madapa kasi walang makita. Lumapit siya sa dalawa. Mas lalong naiyak si Hera nang makita niya si Alpha malapit sa kanya. Yumuko si Alpha, nagulat kami nang biglang niyakap ni Hera si Alpha. Hagulgol siya eh. May sinasabi si Hera habang naiyak. Si Alpha naman ay hinahagod likod niya.
Nag-uusap sila doon. Si Ichiro at Java ay nanonood lang. Medyo nakikinig din ata.
Napabuga ako ng hangin. Gusto ko marinig. Pero mukhang alam ko naman na ang topic nila...?
Si Babe at Gunner ay nakatingin sa pwesto ng tatlo. Mukhang hindi nila alam ang topic. Si Ichiro mukhang alam na din. Si Java, base sa mukha niya, ay naguguluhan din gaya ni Babe at Gunner. Ako naman ay naguguluhan kung tama ba nasa isip ko na gumugulo sa kanila.
Iyak nang iyak lang si Hera habang may sinasabi doon sa pwesto nila Java at Ichi. Si Alpha naman ay nagsasalita din. Ganoon eksena nila doon.
--- Hanggang sa naubos ang oras.
Hera. Tsk.
That means...
✦ ◉ •
Dare - Failed
Hera is now automatically
nominated for elimination.
. . . . . . . . .
Inis akong napapadyak. 'Yong mga pinaka-pinagkakatiwalaan ko pa na-nominate.
"Nominate niyo na rin ako. Punyeta!" sigaw ko tuloy.
Ang sama na naman ng tingin ni Gunner sa'kin na parang sinasabi niya ─ "nagsakripisyo ako tapos magpapanominate ka lang din, Flame?" ─ then insert malutong mura here and there.
Ganoon mukha ni Gunner ngayon.
Tss.
It's just a bone--- argh!
Hindi siya sana nominated ngayon.
Next na si Ichiro.
Nagbago ulit ang screen para sa tanong niya...
✦ ◉ •
Truth or Dare
DOLL 09 - ICHIRO
Question:
Is it true that you filmed
Java & her ex partner's
intimate sessions?
. . . . . . . . .
'Yong mukha ni Java ay hindi na naman maipinta.
Si Ichiro ay napayuko na lang.
Intimate sessions?
Lampungan moments?
Napailing si Gunner. Si Babe ay naguguluhan. Si Java ay parang binagsakan ng mundo. Sino ba kasi 'yong kasama ni Java sa pictures?
"Nasa inyo bang dalawa ba ang lakaking kasama ni Java?!" tanong ko kay Alpha at Gunner. Imposibleng si Ichiro, ekis agad.
Hindi sumagot si Gunner at Alpha. Hindi sila umimik. Hala. So wala sa kanila? Tama ba ang naiisip ko na kasama ni Java?!
Nabasa ko sinabi ni Ichiro.
He freaking said YES.
Oh gosh, Ichiro. What have you done?
Akala ko eme eme lang ni Gunner 'yong sinasabi niya sa'min na obsess na si Ichi kay Java. Akala ko exaggeration niya lang 'yon! Kaya pala kapag naglolokohan sila ay 'yon ang panakot niya kay Ichiro, panakot na isusumbong niya kay Java ang alam niya.
The screen turned GREEN.
Another points for Ichiro, another revelation for us.
Grabe. Ang messed up na!
Now it's Java's turn. She looks so fucking pissed. Mukhang aawayin niya si Ichiro ano mang oras! Si Hera ay umupo na sa upuan niya pati si Alpha. Si Alpha ay mukhang babagsak na. Siya pinakamukhang tortured sa'min. Duguang mata, sinaksak na kamay, bugbog sarado. Tapos mukha siyang----
Ayan na sinasabi ko!
Nasuka si Alpha bigla sa sahig. Si Babe ay mabilis na napabangon para alalayan siya. Kanina ko pa napapansin na hindi masyado nagsasalita si Alpha at hawak niya ang tiyan niya eh. Nagsasalita lang siya kapag kakausapin siya ni Babe or kapag tatanungin.
May dugo na sa suka niya. Maski si Gunner ay napatayo bigla at tumulong.
What's happening?!
Si Java ay akmang lalapit din nang biglang napahawak din siya sa tiyan niya at napaluhod. Doon ko naalala na kung anu-ano nga pala pinakain sa kanila kanina bago kami maglaro!
Kahit nagkakagulo na kami ay nagbago pa din ang screen para sa tanong ni Java...
✦ ◉ •
Truth or Dare
DOLL 10 - JAVA
Question:
Is it true that you were the one
who recommended Babe to
have after school lessons with
Prof. Azazel to save her and
Gunner's grades?
. . . . . . . . .
Ano?!
Napailing na lang si Java at natawa na parang naaasar. Masama siyang tumingin sa screen saka sumagot. YES ang sagot niya. The screen turned green again.
Tangna. I don't know anymore.
All I know is, I know which side I would pick.
And that side is slowly dying.
▬▬▬▬▬▬▬
── ♡├o HERA
Round 2 is done.
Pinakita na sa'min ang updated points per player.
── ♡├o SECOND ROUND
Alpha - 20 points (2 Truths)
Babe -20 points (2 Truths)
Flame - 15 points (1 Truth, 1 Dare)
Gunner - Failed Dare - NOMINATED
Hera - Failed Dare - NOMINATED
Ichiro - 20 points (2 Truths)
Java - 15 points (1 Truth, 1 Dare)
** Gunner and Hera is out of the game since they are already nominated.
I'm out of the game.
Nangunguna sa points si Alpha, Babe, at Ichiro.
Ichiro will surely save Java incase something happens. Si Babe naman ay may chance na iligtas si Gunner. Si Alpha naman... I'm not sure if he will save me after what he discovered about the video.
"So disappointing." he said earlier.
Mapait akong natawa. Nanliliit tuloy ako sa sarili ko. If they only knew.
Java and Alpha are now aching in pain. Gumana na ata ang lason na sinabi sa'ming lima kanina. I can see the urgency in Ichiro's eyes to save Java. Kanina pa siya umaamin sa lahat ng tanong kahit nasisira na siya kay Java mismo. I knew it. Si Ichiro ang pinaka lalaban sa kanilang natitira.
His arm is terribly bleeding.
I hate him but I want him to survive at the same time.
Napakagat ako ng labi sa narealize. We both filmed and took photos of something that can solve this murder.
I think kilala ko na kung sino ang kasama ni Java.
The screen changed again and its now for Alpha. Tinulungan siya ni Babe at Gunner kanina. Nakaupo na siya ngayon ulit sa upuan at nauubo na lang. Though I can still see the stain of blood from his lips. Fight, Alpha. Please, survive the game until the end.
Nagkatinginan kami ni Gunner. We both smiled bitterly. Alam namin sa sarili namin na kami na ang pinupuntirya. Malapit na kami...
✦ ◉ •
Truth or Dare
DOLL 01 - ALPHA
Question:
Is it true that you also witnessed
Babe getting assaulted and
you helped her without
telling anyone?
. . . . . . . . .
Nagsalubong ang noo ko sa tanong ng chipmunks sa speaker.
I'm sorry, what?
Alpha answered YES and the screen turned green.
Kaya ba sa kanya sumbong nang sumbong si Babe?
Si Babe naman ang tatanungin ngayon. Nagbago na ulit ang screen...
✦ ◉ •
Truth or Dare
DOLL 02 - BABE
Question:
Is it true that you
blackmailed your sister
to carry all the blame of
your videos or else you
will end your life?
. . . . . . . . .
Napalunok si Babe ngayon.
Tell them, Babe.
Tell them that your sister almost ended her life because of your lies.
Tell them that you are the real killer in this group
TO BE CONTINUED.
── ♡├o sheena's note.
i'm planning to end
Dollhouse this December
if possible kaya sunod
sunod na ang updates
Haha! Sana kayanin!
HAPPY BIRTHDAY, YUNA ♡
Sana makita ko na kayo
balang araw waaaaaah