Hiding The Mafia's Son

By prezsss

322K 7.1K 936

Being a rape victim is a calamitous experience anyone can endure. Rape is a barbaric crime. Neither becoming... More

Synopsis
CHAPTER 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
CHAPTER 47

Chapter 12

6.2K 170 9
By prezsss

HINDI ako lumingon man lang. Naghalo-halo na ang mga nararamdaman ko na parang hindi ko na matukoy kung alin doon ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito at kung alin ang dapat kong pairalin. Hindi ko din naman alam kung paano ko pakikitunguhan ang mommy niya. Hindi pa nga malinaw sa amin ang lahat ay nagdala na siya ng karagdagang bagahe. Nakakabiwisit! Pamamahay ko 'to pero pakiramdam ko ako ang bwisita!

"Yeah. She's about to rest."

"Oh! Is that so? Go on then, iha."

Tumabi ng bahagya si Zykiel dahil pumunta sa harap ko ang mommy niya. Hinawakan ako nito sa magkabilaang balikat na may mainit na ngiti. I must admit, maganda ang mommy niya. Siguro nasa mid thirties or maybe late?

"I know you had a long day. Let's catch up tomorrow, okay?" Ngiting ngiti pa rin siya at parang nangungusap ang mga mata.

Here's the weird feeling again. Para bang may humaplos sa puso ko habang tinititigan siyang mainit na ngumingiti sa akin but at the same time it feels like there is a hole in my chest. Naalala ko na naman ang sinabi ni Zykiel noon kung kailan ko ito unang naramdaman.

There's nothing behind it right?

Hindi ko maibuka ang bibig. Nakatitig lang ako sa kanya. Gusto kong magsalita pero hindi ko din naman alam kung ano ang dapat kong sasabihin. My mind is blank.

"You should rest too mom. Thanks for looking over Aki."

Ramdam ko ang titig ni Zykiel sa akin jabang nagsasalita kaya nilingon ko siya. His serious gazes makes me feel so small but I don't let him see that. Never.

Tumikhim ako at kinolekta ang lahat ng natitirang tapang na meron ako bago hinarap ang mommy niya.

"Y-you can stay near Zykiel's room m-ma'am."

Nakitaan ko ng emosyon ang mga mata nito pero hindi ko iyon matukoy kung ano kaya't hindi ko na lang din pinansin. Isa pa, pagod ako at gustong gusto ko nang magpahinga. Ngunit hangga't hindi ko nakikita ang anak ko ay hindi ako mapapanatag.

"Darling, can I stay in Aki's room? Please?" she said.

Napatingin ako kay Zykiel. What would I say? Should I say 'yes' like how a daughter in law should when her mother in law is asking for a favor? Or should I said 'no' because we are not even related in law? We are not even connected to each other normally. Our relationship is also not normal at all.

Bumuntong hininga siya at hinarap ang ina. "You can play with him tomorrow mom. After school."

Ngumiti ang mommy niya pero bakas naman sa mukha ang lungkot. Parang naguilty tuloy ako. Am I that inconsiderate? Hindi naman siya ang nanakit sa akin diba? Hindi ko rin alam kung ano ang kwentong inilahad ni Zykiel sa kanya kung bakit ganito na lang siya kung makitungo sa akin. Pero sigurado naman akong labas siya sa kasalanan ng anak niya. Though I can question the way she raised him.

"Okay. You two should rest too." Bakas pa rin ang lungkot sa boses. Hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang pinisil. Like how a mother will do to her daughter.

Binura ko iyon sa isipan. Yes, masasabi kong mother figure siya kahit ngayon lang kami nagkakilala. Iyon ang nararamdaman ko sa kanya. Besides, isa lang ang mommy ko. Wala man siya dito ngayon, hinding hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na sinong ina. My mom will always be the best mother in the world for me.

"Good night iha."

Binitiwan niya na ang kamay ko saka tumalikod na. Maybe, just maybe, humanity will always prevail. Mabilis kong hinawakan ang braso niya upang pigilan siya sa pagtangkang pag-alis. Napalingon naman siya agad at halatang nagulat sa ginawa ko. Agad akong napabitaw. Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa batok ko at gumapang papunta sa pisngi ko and I know para na akong kamatis sa pagkapula.

"Y-you can stay in Aki's r-room. It's okay" nakayuko kong sabi at pinaglalaruan ang mga daliri.

Takot din akong tingnan si Zykiel sa mga sandaling iyon dahil baka makita ko na naman ang mga nanunuya niyang mga ngiti at tingin. Hindi ko alam kung para saan. Pero sa lahat ng interactions namin kanina at kung ganun na lang siya kung makareact, masasabi kong ang babaw naman ng kaligayahan niya. O baka naman ganun lang talaga ako para sa kanya. Patawa.

"You sure?" He suddenly asked while looking at me sideways.

Tinitimbang ang ekspresyon ko. Okay lang naman talaga sa akin. Isa pa, ang mommy niya ang nagbantay kay Aki kanina habang wala kaming dalawa. Bilang psasalamat ko na rin iyon dahil tila natutuwa ito sa anak ko.

Tumango ako at binigyang daan ang mommy niya. Napaangat ako ng tingin at muli kong nakita ang mainit na ngiti nito sa akin. Ngayon ko lang naalala na hindi ko pa nga pala alam ang pangalan niya.

"I am Ella. You can call me Tita Ella" tila nabasa naman nito ang nasa isip ko.

"I'm El--"

"Elaina Stephanie Villariguez. I know darling"

Napakunot ang noo ko at napatingin kay Zykiel na kanina pa ako hindi nilulubayan ng malalamig niyang mga titig. Mahigpit na pinag-aaralan ang tagpo namin ng kanyang ina.

Sinabi niya sa mommy niya ang pangalan ko? Ano ang mga pinag-uusapan nila tungkol sa akin?

"Good night, son," nabalik ang tingin ko sa babae.

Hinalikan nito si Zykiel sa pisngi kaya napayuko ako. I miss my mom. Kung sana nandito lang siya. Sana may kakampi ako maliban kay Manang Tess. I was halted from my stupid self-pitying when she also kissed me on my right cheek.

"Good night, iha" hindi ako nakakibo.

Muli niyang tinapunan ng huling tingin si Zykiel saka kami iniwang dalawa. Bumalik na sa kwarto ni Aki. Bumalot ang katahimikan sa aming dalawa ni Zykiel habang nananatiling nakatayo sa hallway. Siya ay nanatili pa ring malamig na nakatitig sa akin. Ako naman ay hindi pa rin maproseso ang mga nangyayari.

Nakakalito. Ang gulo!

"If you want to check on Aki, go on now so you can rest"

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang dami dami niyang dapat na ipaliwanag sa akin bukas. Hinding hindi ko siya titigilan hangga't hindi nasasagot ang bawat tanong na tumatakbo sa utak ko.

"What?" he probed.

Iniripan ko siya at tinalikuran.

"Kausapin mo ako kung tagalog ka na. Amerikanong hilaw."

Nagmamartsa akong pumasok ng kwarto ko. Bago ko pa maisara ng tuluyan ang pinto ay rinig na rinig ko pa ang mahinang pagtawa niya. Siraulo talaga.

Sa sobrang pagod ay hindi na ako nakapaglinis ng katawan. Dumiretso na ako sa kama at humilata. Agad naman akong dinalaw ng antok. Bukas ko na lang bibisitahin si Aki dahil sigurado naman ako na ayos lang siya. Ayaw ko na rin siyang gisingin pa kung sakaling tulog na. Besides, ayaw kong maiwan mag-isa kasama ang mommy niya sa iisang lugar.



KANINA pa ako pagulong gulong pero hindi pa rin ako muling makatulog. Nagising ako dahil na naman sa isang panaginip. Panaginip na si Stephan ang laman. Panaginip na noo'y magandang alaala ngunit ngayo'y isa nang bangungot para sa akin. Dahil gising na gising ang diwa ko ay hindi mapigilang maglilikot ang isipan ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa iisang bubong kaming apat. Come to think of it again. The rapist, the rape victim, the offspring, and the rapist's mom under the same roof. Pinagsama kaming apat pero ang kalmado ng buong bahay. Nananatili sa iba't ibang sulok. Ang mas nakakatawa, magkasama si Aki at ang lola niya sa iisang kwarto. At isa pa, ayaw ng anak ko ang nagshe-share ng kwarto.

Napatawa ako sa sarili dahil sa naisip.

So ironic right?

Baliw na nga siguro ako. Bumuntong hininga ako at hinigpitan ang yakap sa unan at nanatiling nakadilat kahit na alauna na ng madaling araw. Masasagot na ang mga tanong ko mamaya. Siguro naman malilinawan na ako. Siguro makukuha ko na ang kasagutan sa mga tanong ko.

Bakit nandito na naman si Zykiel?

Sino ang kumopya sa mukha ni Stephan?

Sino ang best friend ko? Ang kopya o ang original?

Sino ang nanggugulo sa amin gaya ng sinasabi ni Zykiel?

Sino ang nagtatangka sa buhay namin at bakit?

Bakit kailangan naming magtago lalo na si Aki?

Ano ang mga sinasabi ni Zykiel? Bakit parang may laman? Kahit pa ang mga kilos ng mom niya?

Ano tong butas sa dibdib na nararamdaman ko?

Bakit kahit papaano nakakaramdam ako ng safety sa piling ni Zykiel?

Bakit ang bait niya?

At marami pang mga tanong na tila hindi na matatapos.

Napabalikwas ako nang maramdamang bumukas ang sliding door mula sa lanai ng kwarto ko. Unti-unti na ring binabalot ng kaba at takot ang dibdib ko. Ilang sandali muna akong nakiramdam sa paligid. Nang wala akong marinig na ingay ay mas lalo akong kinabahan.

"S-sino yan?"

Hindi ako gumagalaw. Nanatili akong naninigas sa kinauupuan. Patuloy na pinapakiramdaman ang paligid lalo na't wala akong makitang mabuti dahil dim lang ang light ng kwarto ko. Tumindi ang grabeng kabog ng dibdib ko dahil may nakikita akong pigura hindi kalayuan.

"S-sino yan?" I whispered.

I am so scared that it feels like my strength is depleting. I have been in too much of this life. I can't bare another torturous near death experience.

Zykiel!

Piping tawag ko sa kanya. Hindi ko alam pero siya lang ang naiisip kong makakatulong sa'kin ngayon. 

Sinusundan ko ang bawat kilos ng anino habang hindi pa rin makakilos sa sobrang takot. Tahimik itong lumapit sa akin at halos lumabas sa bibig ko ang puso ko nang sumampa ito sa kama. Lumundo ang parte sa gilid ko kung saan siya pumwesto. Naiiyak na ako sa sobrang takot. Pakiramdam ko magpapalpitate na ako sa sobrang takot.

Zykiel. Please.

"I'm here."

Umurong ang dila at luha ko. Napigil ko rin ng tuluyan ang paghinga. What? Pareho ang boses ng intruder at ni Zykiel!

"You called me?" he asked.

"What?"

"You called me. You said, Zykiel please."

Confirmed. Siya nga!

Mas lalo siyang lumapit sa'kin pero dahil hindi pa rin ako nakakamove on sa kabang naramdaman kanina ay hindi ako nakagalaw. Nang makuntento siya sa agwat naming dalawa ay ramdam ko ang hininga niyang marahang humahampas sa mukha ko.

"You called me"

Gusto kong lamunin ng kamang kinauupuan. Shit. Did I say it out loud?

"Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?!" Naiirita kong tanong para pagtakpan ang kahihiyan.

Bakit ko nga ba siya tinawag kanina? Hindi ko naman alam na naisatinig ko pala iyon.

"You called me" hindi niya talaga ako tinantanan.

So what? Is it a big deal? Lahat na lang ba big deal sa kanya?

"I-ikaw lang naman ang lalaki dito ngayon. Alam mo n-naman ang nangyari sa'kin kanina tapos nanakot ka pa ng ganun. Ano ba kasi ang k-kailangan mo? Saka bakit hindi ka sa pinto dumaan?"

"Locked"

Oo nga naman. May punto siya. Pero wala ba siyang kamay para kumatok?

"And if it is open, you'll let me in?"

Geez. Kakapusin na talaga ako ng hininga. His voice is husky na para bang inaantok. Or is he seducing me?

No. You are just simply attracted to him.

I mentally scowled to that girly voice in my head. Nonsense!

"N-no" he didn't answer.

Napahiyaw ako nang bigla niya akong binuhat at ibinagsak muli sa kama. Sa right side kung saan niya ako gustong pumwesto. Inayos niya rin ang pagkakahiga ko.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!?"

"Getting you back in bed properly."

Akma na sana akong babangon ngunit pinigilan niya ako at tumabi sakin.

"Let's sleep."

I grunted in protest. I continued resisting but later on I stopped struggling when I realized that it has no use against his manly strength. "Edi bumalik ka na sa kwarto mo!"

"I want to sleep beside you. I will do nothing Elaina. I just need your smell to calm myself down so I could fall asleep."

I was silenced. I sensed the pleading and tiredness in his husky voice. Nakaramdam naman ako ng awa. What is happening to him? What is going on? Seems like he's been in a long run of frustrating problem. Para bang hindi na siya nakakapagpahinga. And what he said 3 minutes ago is like he's pleading me to give him some rest. Like only I could recharge him.

Kinagat ko ang pang ibabang labi. We are now both lying in bed while his left arm is draped around my waist. Nagpoprotesta ang utak ko pero ang puso ko naman ay malakas lang ang kabog. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman.

Nalilito ako. Nalilito ako sa mga nangyayari. Nalilito ako sa sarili ko at lalo na sa nararamdaman ko. What I am feeling is toxic. It is like a cycle of push and pull. My heart and mind is in chaos because they are contradicting each other. My mind can't understand my heart and the latter is trying to control my mind. Like there is something missing which is the reason why they are both fighting each other. It is like a pain and– that something missing. Like there is a piece missing in the puzzle. It is too consuming. Too frustrating.

It is so hard to fight yourself– your own mind and heart. It's like killing yourself slowly. Gradually but surely. A torturous pain in that. A self-destruction just because of something you cannot label. Something you can't point out.

"Zy-"

"Shhh. Sleep. I'll answer you tomorrow"

Ngumuso ako. Pinakaayaw ko talaga sa lahat ang hindi ako pinapatapos sa pagsasalita. Pero hinayaan ko na lang din. Kung kanina hindi ako madalaw dalaw ng antok, ngayon naman ay parang dinuduyan ako. Namimigat ang mga talukap ko dahil sa amoy niya.

"Diba sabi ko kausapin mo lang ako kapag tagalog ka na? Amerikanong hilaw, tss."

He just chuckle and pulled me closer. I can feel his breath fanning my right ear while I snuggled deeper onto his chest. Tatanggalin ko sana ang kamay niyang nakadantay sa bewang ko dahil sobra na ang pagkakalapit naming dalawa. Being this close is enough. Further touch is not needed. Pero hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin kaya't wala na akong nagawa. Ipinatong ko na lang ang kamay sa braso niya.

Maya-maya lang ay naramdaman ko ang banayad niyang paghinga. He's asleep.

That fast? Maybe he is too tired.

Gumalaw ako para muling ayusin ang posisyon dahil halos nakadagan na siya sa akin sa paraan ng pagkakayakap niya. Nangangalay ako at masyado siyang mabigat. Ngunit kahit anong galaw ko ay hindi siya nagising. Ganun kalalim ang tulog niya. That's good. Mabuti at makakapagpahinga siya.

Ilang minuto akong binalot ng katahimikan. Magaan din ang dibdib ko pero ang dami namang tumatakbo sa isipan ko. Everything is confusing. Ang labo. Ang gulo. Imbes na ipakulong siya ay nandito pa kami ngayon sa iisang kama. Magkatabi na animo'y mag-asawa. Nakakatanga. Nakakatawa.

Bumuntong hininga ako at dahan-dahan siyang hinarap ng maayos at muling isiniksik ang sarili sa kanya.

For now, I will go with the flow.

*****

–Pres

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 47.4K 73
Si Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa...