Hinahanap-hanap Kita ☑️

By Yaoistorywriter

30.2K 2.2K 157

Jeff's dream is no ordinary dream. It has three doors -- the Door of Losts, the Outside Door, and the Door of... More

Pre
1 - Punching Bag
2 - Chismoso
3 - Special
4 - Resbak
5 - Draft
6 - Butones
8 - Standards
9 - Pamilyar
10 - Ashes
11 - Lost
12 - Crossover
13 - Sorry
14 - Something
15 - Condition
16 - Gago
17 - Pintuan
18 - Pain
19 - Gift
20 - Espirito
21 - Hindi
22 - Sugat
23 - Pagkatao
24 - Liwanag
25 - Estranghero
26 - Regain
27 - Heart
28 - Same
Post
Side story

7 - Boso

1.1K 86 9
By Yaoistorywriter

-JEFF-

Nakatitig lang ako sa napakagwapong likod ni Kyle habang nakasunod ako sa kanyang naglalakad papunta sa locker area. At oo, I can sense na ang daming mga matang nakatingin sa amin slash sa kanya lang pala dahil wala siyang suot na uniform at topless lang siyang naglalakad.

Hay nako. 'Tong mga baklang 'to! Ang haharot! Tusukin ko mata nyo eh!

Kung hindi talaga dahil kay soulmate hindi mangyayari ang bagay na 'to. Kahit pilitin kong hindi mainis sa kanya naiinis pa rin ako. Ewan ko ba kung bakit pinipigilan ko pa ang sarili ko. Eh ang totoo inis na inis na rin ako sa kanya.

It's just that, you know. Alam kong talo ako kapag nilabanan ko siya. Hindi ko rin naman ma-contain ang sarili kong hindi siya kulitin. Lalo ngayon at nagkakaroon ako ng interes sa kanya kahit sabihin nating ganoon ang ugali niya.

Maya-maya ay nakita kong nakabihis na pala si Kyle ng white t-shirt. Ni-hindi ko namalayang nandito na pala kami sa locker area at nakapagpalit na rin siya. Mukhang ang bilis niya naman.

"Let's go," sabi niya at nauna na uli siyang maglakad. Sinundan ko uli siya na parang siraulo.

Nang bigla akong may ma-realize. Hanggang ngayon, hawak ko pa rin 'tong tray at pinggan na pinaglagyan nung spaghetti. Ay wow. Ano, balak ko pang iuwe? Haha.

"Kyle, mauna ka na. Ibabalik ko lang 'to sa cafeteria." Sabi ko kay Kyle.

Napatigil siya sa paglalakad at nilingon niya ako. Napangiti siya ng bahagya at nagulat ako nang bigla niyang kunin sa akin 'yung tray na hawak ko.

"Wait, Kyle. Ako na," sabi ko pero ayaw na niya itong ibigay sa akin. Maya-maya rin ay biglang may dumaang isang Engineering student at nagulat uli ako nang utusan niya itong dalhin sa caf yung tray.

"Teka, wag na ako na! Nakakahiya naman," sabi ko.

Ngumiti 'yung engineering student, "It's ok, dun na rin naman kami papunta." sabi nito.

Wala na rin akong nagawa kundi pumayag. Nakakahiya man ay gusto ko rin naman dahil first of all, nakakatamad nang bumaba. Ang sama ng ugali ko. Haha.

Nagpatuloy na kami ni Kyle sa paglalakad papuntang room. Napatingin ako sa wrist watch ko. Fifteen minutes na kaming late sa susunod namin subject. Ang bilis naman ng oras. Parang kakain pa lang ako kanina, ngayon late na agad kami. Hay nako, soulmate. Sukat ibuhos mo pa kasi sa akin 'yung spaghetti.

Bigla naman ulit pumasok sa isip ko 'yung nangyari kanina. Until now, confuse na confuse pa rin ako kung bakit alam ni soulmate 'yung original lyrics nung kantang isinulat ko. I am very confident na sarili kong gawa iyon at lalong hindi ko pa iyon isinasapubliko. Hangtaray naman, famous, 'te? Haha. Ayun nga, hindi ko pa iyon kinakanta sa kahit na sino, promise.

Maybe because...soulmate talaga kami?Nakakainis naman, dahil sa nangyari parang ayoko na ring paniwalaan yang soulmate soulmate na 'yan pero si tadhana bigay pa rin nang bigay ng dahilan para kumapit ako. Buti sana kung ako lang ang naaapektuhan. Kaso hindi eh, pati mga kaibigan ko nadadamay.

Nakakaguilty na nadamay pa si Kyle sa katangahan kong taglay.

"Kyle, sorry." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya habang naglalakad kami.

Hindi siya nagsalita. Hindi na rin naman ako nag-expect na magsasalita siya dahil sanay na ako sa ugali niya.

Nang makarating na kami sa room namin, napansin namin ni Kyle na parang walang tao sa loob.

"Asan sila?" I asked out of nowhere. Nagkibit-balikat lang si Kyle.

"Pumunta na lang tayo sa blue house. Baka nandoon sila." Sabi nya.

I nodded. Sumunod na ako sa kanya at bumaba na kami. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana ako na lang talaga yung nagdala sa caf nung tray.

Pagkarating namin sa bluehouse, nandun nga ang mga bruha. And wait, bakit pati si Ark nandun din?

"Jeff!" Nag-aalalang lumapit si Ark sa akin at sinuri niya ang mukha ko.

"Ayos ka lang?" Tanong niya. Mukhang concern na concern siya. Teka, alam niya kaya yung nangyari? How come? Ang dami naman niyang nalalaman.

"O-oo ayos lang ako." Sabi ko at ngumiti ako.

"Ano 'to? May sauce ka pa sa may leeg mo." Lumapit si Lyca sa akin at pinunasan niya ang leeg kong, eew, may sauce pa nga. Shet, nakakahiya.

"Ako na humihingi ng tawad sa ginawa ni Van. May saltik sa ulo 'yun eh. Nalaman ko yung ginawa niya. Sinabi niya kasi sa akin. Wag kang mag-alala, hindi ka na malalapitan nun. Babakuran na kita," sabi ni Ark.

Teka, ano ba yan! Ang dami kong naiimagine sa sinabi niyang babakuran. Napatingin ako kay Kyle at mukhang bored na siya. Tumingin rin ako kina Spencer, Ian at Gab. They are giving me meaningful looks. Gusto ko silang sapakin.

"B-babakuran?" Utal kong tanong.

Bahagya namang napatawa si Ark, "Haha, oo. Sumosobra na kasi 'yung gagong 'yon eh. And by the way, the reason why I'm here ay may gusto sana akong i-suggest para ma-boost mo ang confidence mo. Dahil believe me or not, the song that you wrote was pretty impressive. I want our band to perform that song." Sabi niya.

Napangiti naman ako, "T-talaga? Naku salamat po."

"Wag ka munang magpasalamat, hindi pa naman natin nape-perform. Para mangyari 'yon, we have to set for tommorow. Magpe-perform tayo sa quadrangle. Wala lang, freedom naman nating tumugtog. Nasa mga estudyante na lang kung makikinig sila or what. That will be our first time performing with you. Kanta mo pa ang ipeperform natin." Sabi niya.

Natuwa naman ako sa suggestion niya. Kaya lang, sa kondisyon ko ngayon, parang nakakapang dalawang isip.

"Huwag mong isipin 'yung mga maba-bash sa'yo. Hindi ka nila mapapatanggal sa banda. At isa pa, ako ang nakakaalam ng capabilities mo, hindi sila." Sabi pa niya. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nawala na ang pagdadalawang isip ko. Natumbok niya kasi eh.

"Talaga? Sure, let's do that!" Sabi ko.

Ark grinned widely, "Yown, thank you! Again, sorry sa ginawa ni Van. Siraulo kasi talaga yung gagong 'yon. Dito na ako," sabi niya at umalis na siya.

Bakit ba hingi siya ng hingi ng sorry sa ginawa ni soulmate? Anong meron? Hindi kaya, magkapatid sila? O mag-ama? Nakakaloka naman.

"Kumusta naman ang paliligo ng spaghetti? Masarap ba?" Pang-aasar ni Gab.

Sinamaan ko siya ng tingin. Pero ang loko tinawanan lang ako. Sige lang, Gab. Ipagpatuloy mo 'yan kung ayaw mong mapahiya sa harap ng crush mong walang iba kundi si Ian.

"So ayuuun, masasaksihan na natin si Jeff bukas magperform kasama ang bago niyang banda! Wooo cheers!" Sabi ni Erika at nagsasayaw pa siyang parang baliw.

"Hay nako, finals na next week! Kung ayun kaya muna ang inaatupag natin, diba?" Sabi ko sa kanila.

Sabay-sabay naman kaming napatingin kay Kyle. Balak kasi naming sa kanila mag-review dahil hindi kami nagugutom pag nasa kanila kami. Laging may paburger si mayor eh.

"Kelan ba?" Sabi ni Kyle.

Finally, nagsalita na siya.

"Sa saturday. Ano, go?" Sabi ni Spencer. Syempre nag-go kaming lahat. Tagal na naming plano yun eh.

Soulmate, tanggalin muna kita sa imagination ko ha? Masyado kang epal eh. Intindihin ko muna ang finals. I have to defend my scholarship.

•~x~•

-GAB-

"Pres, may schedule ba ng training bukas sa gym?" Tanong ko kay pres.

Dito ko ngayon sa CSC hq. Meeting. Lapit na finals eh. Nakakapagod man at puro meeting at tasks kami ngayon pero kailangan ko itong panindigan. Bakit pa ba kasi ako nanominate dito.

"Meron. Bakit, ano na namang kalokohan gagawin mo?" Biglang singit naman ng pabidang vice president na si Julius. Gusto ko siyang batukan. Siga siga kasi eh. Kala mong ka-gwapuhan mukha namang shokoy. Wala dapat siya dito sa lupa.

I heaved a small sigh, "Wala." Sabi ko.

Iniligpit ko na ang gamit ko since tapos na rin naman ang meeting. Kanina ayos ayos pa pakiramdam ko eh. Ngayon biglang bumigat dahil sa gagong Julius na 'to. Kapag naiinis pa naman ako hindi ko talaga sila pinapansin.

"That's all for today. Basta sa monday need na nating ma-accomplish yung documentations at reports. Para makagawa na tayo ng final report." Final verdict ni presidente kaya naman lumabas na ako sa impyerno naming hq.

Nataon pang may training bukas. Tutugtog pa naman sina Jeff. Excited na akong makita sila pero tingin ko, hindi matutuloy dahil sa training ng mga atleta na 'yan. Siguro, I should suggest na sa labas na lang sila tumugtog? Sana lang hindi sila mapagalitan. At isa pa, para saan pa ba ang pagiging CSC ko? Diba? Haha.

Di kalayuan habang naglalakad ako, naaninag ko si Ian. May kasama siyang babae. Hindi man sila magkahawak kamay o magka-cling, halata mo pa ring naglalandian sila. Napakagaling mong bata, Gab. Saktong sakto pa talaga sa tingin mo.

Nakakagagong isipin na nahulog ako sa gagong 'yon. Ewan ko ba, gago ko rin eh. Pano gago siya. Palagi kong nararamdaman na parang concern siya, na parang pinapahalagahan niya ako at parang iba ang trato niya sa akin sa kung paano niya tratuhin si Kyle at Spencer. Di ko rin naman masasabing bakla ako. Naa-attract pa rin naman ako sa mga babae no. Actually last last month may niligawan ako. Kaso busted dahil mas gusto niya daw si Spencer. Edi pinakawalan ko na. Mature naman ako mag-isip, di katulad nung iba diyan na ipagpipilitan pa ang sarili nila.

Tapos ang ending ko, eto. Ewan, napakarupok ko kasing tao eh. Kalalaki kong tao ang rupok rupok ko.

Maya-maya ay nakita kong umalis na si Ian at yung kasama niyang babae at parang may pupuntahan sila. At dahil napakasalbahe kong nilalang, binalak kong sundan sila.

Nang bigla namang may tumawag sa akin.

"Gab!" Lumingon ako doon sa tumawag at nakita ko ang pagmumukha ni Jeff suot suot ang uniform ni Kyle na maluwag sa kanya.

Nakangiti siya at patakbong lalapit sa akin.

"San ka pupunta?" Tanong niya.

"Wala, dun ka na!"

"San nga? May sasabihin pa naman sana ako." Sabi nya.

"Ano yun? Sabihin mo na. Nagmamadali ako."

"Nakita ko si Ian may kasamang babae kanina. Pero--"

"Alam ko. Kaya nga..."

Lumingon uli ako sa pwesto nina Ian kanina pero wala na sila. Huli ko silang nadatnan ay papunta sila sa cr. Wait, anong gagawin nila sa cr?

"Wait lang Jeff, may titingnan lang ako" sabi ko at umalis na ako para sundan sina Ian.

Wala naman akong balak sumunod papasok sa cr, but I'm curious as hell kung anong binabalak nilang gawin sa loob.

"Wait, Gab! Sama!"

At sinundan nga ako nitong makulit na si Jeff. Wala na akong nagawa kundi hayaan siya. Ok lang rin naman dahil alam naman niya na gusto ko si Ian.

"Anong ginagawa natin dito sa cr?" Tanong ni Jeff.

"Shhh," I told him then I queued for silence.

Natahimik siya.

"Pakinggan mo kung anong nangyayari sa loob," bulong ko kay Jeff. Alam ko kasing matalas ang pandinig niya.

"Ok." Sabi niya at itinapat na niya ang kanyang tenga sa may pinto.

"Teka, may maririnig ba tayo dito? Pasok kaya tayo sa loob?" Sabi niya.

"Wag na, mahahalata tayo. Pag wala kang narinig edi wala. Basta sabihin mo pag meron." Sabi ko sa kanya at muli na niyang itinapat ang tenga niya sa may pinto.

After 30 seconds, Jeff gasped.

"Gab, may umuungol sa loob," sabi niya.

"Ano?! Ungol?" I asked him.

Tumango siya, "Oo. Lalaki ang umuungol."

Natigilan ako. I knew it. Siguro sa mga pagkakataong ito sarap na sarap na si Ian sa mga pinaggagagawa niya sa buhay niya. Alam ko naman eh. Hopeless talaga ako. Kaya gusto ko na talaga siyang burahin sa damdamin ko. Kaso dahil nga sobrang rupok kong tao, hindi ko magawa. Nakakagago.

"Anong umuungol?" Tanong ng isang lalaki mula sa likuran namin.

Nilingon namin ito ni Jeff. Halos malaglag ang panga ko sa sahig nang makita namin si Ian sa harapan namin.

"Anong ginagawa niyo diyan? Namboboso?" Tanong pa niya.

Halos hindi kami makapagsalita ni Jeff.

Teka, akala ko ba pumasok siya sa loob? Parang kanina lang may kasama pa siyang babae? Hindi kaya, nagkamali lang ako ng hinala? Sino kaya yung nasa loob?

"A-ahh, akala siguro ni Gab pumasok ka sa loob ng cr. Nakita ka kasi niya na may kasama kang babae kanina." Sabi ni Jeff.

Napatingin naman ako sa kanya. Nginitian lang niya ako.

"What? Oo may kasama ako kanina pero hindi kami pumasok sa cr. Anong gagawin nyo, sisilipin nyo sana kung anong gagawin namin sa loob?" Tanong ni Ian.

"Parang ganon na nga." Sabi naman ni Jeff. Ian chuckled.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Maya-maya ay may lumabas na dalawang lalaki mula sa cr. Parehas itong pawis na pawis at nag-aayos ng uniform.

Nagkatinginan kami ni Jeff. Confusion and amazement was written on his face, and so do I.

What the hell?

---

Continue Reading

You'll Also Like

587K 3.5K 9
HOOD Series Book 1: Synopsis 'Paano pa ako kakapit sa kamay mo-kung mismong realidad na ang humihila sa akin pabalik sa mundo ko' That's the exact...
559K 24.8K 29
BROMANCE BOYXBOY YAOI Pagkatapos ng mga samu't-saring pinagdaanan nila Eiji at Buknoy noong high school, sila'y nagbabalik para sa isa na namang adve...
1.6M 62.9K 74
Highest Achievement: #1HUMOR category (August 14, 2016. 07:19PM) WARNING: Kung hindi open minded, wag basahin. Kung open minded naman basahin niyo...
37.3K 1.2K 12
Dapat pa bang bigyan ng second chance ang taong sobra mong minahal? Dapat pa ba ulit bigyan ng halaga ang bawat ginagawa niya sa muli niyang pagbalik...