SIGRID'S POV :
NASA gate na kami ng bahay nang mapansin ko ang isang Ducati na nasa likod ng kotse ni Kuya Hopper. Nandito na ba sila?
"Babe, nandito na 'ata ang Kuya Hopper." Baling ko kay Saiyan na nagsasalubong na naman ang makakapal na kilay.
"Yeah, at sure akong nandiyan din sa loob ng bahay si Kenshi." Matabang niyang sabi.
"How sure are you?"
"Babe, Sa kaniya 'yang motorsiklong nakaparada diyan sa likod ng kotse ng kapatid mo." He said dryly. "And I wonder why he's here."
I laughed mockingly. "Nagseselos ka ba, Saiyan Almonte?"
"Of course not, Sweetheart." Sarkastiko niyang sabi.
"No need to be sarcastic, Sai. Halika. Pumasok ka muna sa bahay." aya ko sa kaniya at binuksan na ang pinto sa tabi ko.
"Are you sure?"
"Uh-huh." Tatangu-tangong sabi ko. "Friends na naman kayo uli ni Kenshi hindi ba?"
"Oo, pero siyempre ibang usapan kapag pinormahan ka niya."
"Possessive much, eh?" Nangiti ako at tuluyang lumabas ng kotse.
Si Ate Minerva na palabas ng bahay ay agad tumakbo sa gate nang makita ako.
“Halika na.” aya ko muli sa boyfriend kong hindi kumikilos para bumaba ng kotse. “Ate, nandiyan na ba ang Lolo at Lola?” Baling ko kay Ate Minerva.
“Oo. Halos magkakasunod lang kayong dumating, Ma’am.”
Napangiwi ako. “Ate, naman. Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa inyong ‘wag niyo akong tawagin ng ganiyan? masiyado pong pormal, e.” nagtatampong sabi ko.
“Pasensiya ka na. Alam mo naman na nakasanayan na namin ang pormalidad sa pamilyang ito, AM. Pero sige, kung talagang ayaw mo ng gano'n, sige, hindi na. ” Nangingiting saad ni Ate Minerva na ikinangiti ko rin.
“Oh, Fuck!”
Sabay kaming nagbaling ng tingin kay Saiyan sa bigla niyang pagmumura at nakatuon ang mga mata sa screen ng phone niya.
“Saiyan? May problema ba?”
“Babe, I’m sorry. Gusto kong pumasok sa bahay ninyo pero kakatanggap ko lang ng Text message ni Vegetta. Inatake raw ng altapresyon ang Lolo Benedicto.”
Napasinghap ako sa pagkagulat. “Sai, kasalanan — ”
“Hey,” Mabilis na humakbang palapit sa akin si Saiyan at hinawakan ako sa baba. “Walang may kasalanan, okay? Sige na, Babe, pumasok ka na. Tatawagan nalang kita mamaya.”
“Promise? I want an update from time to time, Sai.”
“I promise, Darling. Now be a good girl and get inside your house.” aniya na yumakap pa sa akin kasabay ng pagbulong ng: “I love you, My love.”
“I love you, too.” I whispered back.
Humalik pa siya sa noo ko bago niya ako tuluyang pinakawalan. Pinanood ko lang din siya nang maglakad siya pabalik sa kaniyang kotse at hanggang sa makaalis ay nakatanaw pa rin ako sa kaniya.
“Ehem.”
“A-Ate Minerva? A-akala ko pumasok ka na?”
Nangingiti siyang umiling. “Alam mo, bagay na bagay talaga kayo ng binatang ‘yon.” komento niyang ikinamula ko. “At sa lahat ng mga kaibigan ng mga Kuya mo, Siya at si Oswald lang ang pinakamay matinong pag-iisip.” Dagdag pa niya.
Natawa nalang ako. “Tara na sa loob, Ate.” Sabi ko at nauna nang naglakad.
“AM .. ”
kunot-noo kong muling nilingon si Ate Minerva and, lord, She's smiling ..mockingly? Ayst!
“Why, Ate?”
“Huwag kang mag-alala. Ititikom ko muna ang bibig ko at hihintayin ko nalang na umamim kayo ni Saiyan.”
Namula ako. Nanunukso ang mga mata niya. Jeez! Bakit ba nakalimutan kong kasama pala namin si Ate Minerva kanina? Agh!
“Kumalma ka, AM.” natatawa niyang sabi. “Halika na. Nandiyan sa loob ang mga kaibigan ng kambal.”
At siyempre kasama na nila si Kenshi.
“Sige po.”
PAGPASOK namin sa loob ng bahay ay agad natuon ang paningin ko sa tatlong kakuwentuhan ng Kuya Hopper ko.
Nakaupo lang naman sina Kenshi, Harvy, at Hiro sa sofa at nagtatawanan pero nagseryoso ang mga mukha nang makita ko.
“Princess!” Si Kuya Hopper ang unang nakabawi. “Nandiyan ka na pala. Halika.”
“Sige. Maiwan na kita, AM. Tutulungan ko nalang muna sina Nana Rita at Tata Dencio.” Tukoy ni Ate Minerva sa Lolo at Lola ko.
Tumango ako at sinundan pa siya ng tingin bago ako naglakad palapit sa mga shokoy ng kapatagan.
“Hi ..” Bati ko sa kanila. Ngumiti at Tumango lang sina Harvy at Hiro.
“Hey.” Si Kenshi.
Nailang ako bigla sa intensidad ng pagkakatitig ni Kenshi sa akin kaya naupo nalang ako sa tabi ng Kuya Hopper.
“Ehem.” Tikhim ni Kuya Hopper. “Sabi ni Maya umalis kayo si Saiyan. Saan kayo nagpunta?” Usisa niya.
“Sa bahay nila.” simpleng tugon ko na nagkibit pa ng balikat. “Iniwan niyo kaya ako dito lahat. Pati ang Lolo’t Lola umalis.” Nakangusong sabi ko. “Aray naman!” Reklamo ko nang bahagya niyang pitikin ang nguso ko.
“Princess of pout.” usal niya. “Siyempre hindi ka naman namin puwedeng isama doon kasi sure namang wala roon ang interes mo.”
“Ang boring ng buhay niyo.” puna ko. “E, kayo,” Baling ko sa tatlo pero sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ni Kenshi ay agad akong umiiwas. “A-Anong ginagawa niyo rito?” Tanong ko.
“Gusto ka naming makausap.” Tugon ni Harvy sa seryosong tinig. “Kung.. kung papayag ka.”
“Tungkol saan?”
“About the bet.” Si Hiro. “Hindi pa kasi kami pormal na nakakapag-sorry sa ‘yo.”
“Guys, Alam niyo, Kung ginagawa niyo lang ito dahil isa akong Vizconde O dahil kapatid ako ng kambal niyong tropa ay ‘wag niyo ng ituloy — ”
“Hihingi kami ng sorry dahil alam namin at kinikilala namin ang naging pagkakamali namin, Sigrid.” Putol ni Harvy sa ‘kin. “Hindi dahil sa ibang dahilan.”
“I'm sorry, AM.” Si Hiro. “Mga gago nga talaga kami pero sana mapatawad mo pa rin kami.”
“Okay. Wala naman na sa akin ang nangyaring ‘yon.” Nakangiting sabi ko dahil iyon naman ang totoo. “So, Apology accepted.”
“Woah!” Biglang tumayo si Harvy at pumalakpak. “Thank you! Damn!”
Humalakhak bigla si Hiro. “And for the record, sa ‘yo palang namin ginawa ‘yon — I mean, ‘yung paghingi ng sorry.” aniya na sinundan ng malutong na halakhakan ng mga gago maliban kay Kenshi na hindi umiimik.
“Yeah. Bad boys don't do such thing.” Sabi kong sadyang hinaluan ng sarcasm. “Pero dahil sa ginawa niyo, Hindi pa rin naman kayo matatawag na Good boys.” I mocked.
“Can we talk?” Natigilan kaming apat nang magsalita si Kenshi at sa akin siya nakatitig. “Alone.”
“Ano pang kailangan ninyong pag-usapan ng kapatid ko nang kayong dalawa lang, Kenshi?” Si Kuya Hopper. “Napatawad na niya kayong tatlo hindi ba?”
“Please?” Sa akin pa rin nakikiusap si Kenshi at hindi rin niya pinansin si Kuya Hopper na sinalakay ng pagiging Overprotective Brother niya sa akin.
“I'm talking to you, asshole!”
“Do i care, Hopper?”
“Ano ba!” singhal ko sa kanilang dalawa. “Tara. Doon tayo mag-usap sa study room.” aya ko kay Kenshi na walang balak bawiin ang pakiusap niya.
“Princess — ”
“Ayos lang ako, Kuya Hop. Mag-uusap lang naman kami and don't try to eavesdrop, Big Bro.” Babala ko sa kaniya.
Naiiling siyang nagtaas ng kamay sa ere. “Fine.” aniya at sinamaan pa ng tingin si Kenshi na nagkibit lang din ng balikat.
∽∽🍇🍇∽∽
KENSHI’S POV :
TAHIMIK kaming pumasok ni AM sa study room. Nagpapakiramdaman. Hindi ko rin alam kung paano ako magsisimula dahil matapos ipaalam ng mga Vizconde ang tungkol sa kaniya noong mismong birthday ni Uncle Melandro ay hindi ko pa siya nakakausap.
“Kenshi?” Pukaw ni AM sa ‘kin. “Natahimik ka na diyan. Anong pag-uusapan natin?”
“I'm sorry ...” ang una kong nasambit.
“Napatawad ko na nga kayo — ”
“For loving you.” Putol ko sa kaniyang ikinaiwas niya ng tingin. “Alam ko kasing naba-bother ka sa presensiya ko at alam kong ayaw mong lumalapit ako sa ‘yo but kill me now because i still can't stop loving you and knowing na magkasama lang kayo ni Saiyan kanina, nasasaktan na ako.” pag-amin ko.
“Kenshi — ”
“Pero gusto kong malaman mong hindi pa rin ako sumusuko. I can still fight for you and bear the pain because of loving you, you know.”
“Ayaw na kitang paasahin kasi — ”
“Kung ano man ang dahilan, please, ‘wag mo ng ituloy, AM. Kaya kitang tingnan mula sa malayo habang masayang kausap si Saiyan pero hindi ko kayang marinig mula diyan sa bibig mong wala akong dapat asahan sa ‘yo.”
“Napaka-shokoy mo talaga.” sambit niyang nagpangiti sa ‘kin ng totoo.
Somehow, i missed her being a tease.
“I'm glad my little bully is finally back.” Nakangiti pero seryosong sabi ko. “Hindi ako mapalagay kapag pareho tayong seryoso, e.”
“Hmp.” She rolled her eyes at me. “Kumusta ka na, Kenshi?”
I shrugged my shoulders. “Ayos lang.. siguro.” Walang buhay akong natawa sa sarili kong sagot. “Hindi ako sigurado, e.”
“May problema ka ba?” pag-uusisa niya. “Hindi tayo magkaibigan pero good listener ako. Puwede mong sabihin sa akin lahat at ‘wag kang mag-alala, Hindi naman ako madaldal.”
I chuckled. Napatitig ako sa mukha niya. Hindi ko akalaing ang babaeng kinaiinisan ko unang araw palang ng klase sa Heuron ay ang crush na crush ko noong bata pa ako.
“Nagsimula na nga sa malungkot ang pag-uusap nating ito tapos gusto mo pang ilahad ko sa ‘yo ngayon ang mga problema ko? Nah-ah. Next time nalang.” Nakangiting sabi ko.
“Well, if you say so. Basta nandito lang ako at ang mga kuya ko. Pakikinggan ka namin, Ken.”
Napapikit ako at ngumiti. Kauna-unahang pagkakataon na may tumawag sa akin ng Ken na hindi ako nairita.
“So,” Nagmulat ako ng mga mata at inilahad ang right hand ko sa kaniya. “Friends?”
Kahit pa higit sa pagiging kaibigan ang tingin ko sa ‘yo.
“Friends.” Nakangiting aniya at tinanggap ang pakikipag-kamay ko.
“Papaalalahanan lang kita,” Sabi ko. “Hindi dahil magkaibigan na tayo ay igi-give up ko na rin ang feelings ko para sa ‘yo, No. Hindi ako hihinto at hinding hindi susuko, April.” Determinadong sabi ko.
“Kenshi — ”
“April, please. Tama na ang kakaprotesta mo kasi kahit anong pagtutol ang gawin mo, You can't stop me. Not even your brothers.” pagmamatigas ko. “Now come on. Lumabas na tayo bago umalingawngaw ang boses ng kapatid mo’t baka mabasag lahat ng mga iniingatan ng Mommy mong mga antiques.” Pagbibiro kong marahan niyang ikinatawa.
“Hmp.”
“Hindi na nagbago ‘yang kasungitan mo ano?”
Nginisihan niya ako saka umiling. “Nunca!”
Humalakhak ako at wala sa sariling inakbayan siya. “Tara na.” Napangiti ako nang hindi niya tinangkang alisin ang braso ko sa balikat niya.
KUNG anong itsura ng tatlong iniwan namin sa sofa kanina ay iyon pa rin ang itsura nilang nadatnan namin maliban sa mga mata ni Hopper na halos maglabas na ng apoy.
“Ang tagal niyo naman ‘atang nag-usap?” Sarkastikong tanong ng gago. “Alisin mo nga ‘yang braso mo diyan sa balikat ng kapatid ko. Nananantsing ka na, e.”
“Kuya!” Si AM na sindak na sindak sa pinagsasabi ng kaniyang kapatid. “Magkaibigan lang kami kaya ‘wag kang basta-basta nalang nagbibigay malisya — ”
“Hindi ko babahiran ng malisya ang akbay na ‘yan kung alam kong kaibigan lang ang turing sa ‘yo ng gagong ‘yan, Princess.”
“Kuya.” May himig babala pa rin ang tinig ni AM para kay Hopper.
“Nasosobrahan ka naman ‘ata sa pagiging protective mo sa kapatid mo, Hop.” Sarkastiko ring sabi ko. “Gago lang ako pero hindi ako babaero at mahilig mag-take advantage sa babae.” patutsada ko at alam kong tatamaan siya dahil mula't sapol ay ganoon na ang loko at nito lamang huling taon namin sa High School nagtino dahil kay Nathalie.
“Just make sure na hindi ang kapatid ko ang una sa listahan ng mga magiging biktima mo, Kenshi, baka tuluyan kong makalimutang tropa kita, pare.”
“Tama na nga puwede? Nakakahiya ‘yang mga sinasabi mo, Kuya Hop.”
Sinamaan ni Hopper ng tingin si AM pero duda akong kaya niyang tapatan ang iritasyon ng nakababatang kapatid. Tiklop talaga ang gago.
NAGPATULOY ang araw namin na nag-aasaran at minsan ay kaming dalawa ni Hopper ang nagbabangayan. Hindi ko naman maialis ang paningin ko kay AM more especially when she's laughing. She was too beautiful that i wanted to stare at her the whole time.
Hell! I'm in deep trouble.
🍇🍇
Please VOTE! Thank you!