✦ ◉ •
𝙔𝙊𝙐 𝘼𝙍𝙀 𝙉𝙊𝙒 𝙎𝙏𝙍𝙀𝘼𝙈𝙄𝙉𝙂
𝘿𝙊𝙇𝙇𝙃𝙊𝙐𝙎𝙀
. . . . . . . .
"There's something about a woman with a loud mind that sits in silence, smiling knowing she can crush you with the truth."
▬▬▬▬▬▬▬
── ♡├o DOROTHY
Paano kung alam mo ang lahat ng tinatago nila?
Hanggang kailan mo kayang manahimik?
Natagpuan ko ang sarili ko na nakahiga sa isang metal na higaan. Nakatali ang aking kamay at paa. Sa ibabaw ko ay makikita ang isang malaking ilaw na nakakasilaw. Ano 'tong lugar na 'to? Bakit ang daming mga nakamaskarang nakapaligid? Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang Decagon na walang malay at nakahiga din sa kanya-kanyang higaan gaya ng akin. Anong nangyayari?!
Everyone's unconscious. Gunner is also bleeding. Nakita kong hinihiwa nila ang balikat niya! I tried to scream but I couldn't. What's this? Bakit hindi ko maibuka ang bibig ko?!
"Dorothy, good morning. How was your sleep?" tanong ng isang nakamaskarang lalaki. May suot siyang gas mask. Nakakatakot.
Gusto ko sumigaw pero hindi ko magawa!
Ang isa sa kanila na may suot na pusang maskara ay kumuha ng salamin at itinapat sa'kin.
"Look at that beautiful lips, Dorothy. We stitched it real good. Do you like it?" then he laughed like an evil while my shaking eyes stare at my face.
Anong ginawa nila?!
Bakit ganito?!
Bakit hindi na ko makapagsalita?!
"Tell me, what's the last thing that you can remember?" tanong naman ng isang nakamaskara ng ulo ng teddy bear. Why are they wearing scary masks?!
What' the last thing that I can remember?
It was... uh.... right. It was.... Gunner's birthday.
Friday the 13th.
We were in Andromeda. Buo kaming Decagon. Invited din lahat ng Lancaster students. Pinag-ipunan namin ang celebration na 'yon. Then... then... what happened next? We were still wearing uniforms. Someone handed us drinks. Naalala kong nakatulog agad sina Babe at Gunner. Sinalo ni Java si Ichiro na bigla ding nahimatay. Sina Alpha, Hera, Claude at Flame na nagtitipon tipon ay nakatulog din sa table. May sinasabi sa'kin si Echo at pilit akong ginigising nang mawalan din ako ng malay.
What happened to us?
The silence is getting creepy. Nasa sampung nakamaskara ang nasa loob ng kwartong ito. Inaabangan nilang lahat kung maaalala ko ang nangyari.
"Do you know why you are here?" tanong ng isang nakamaskara ng clown.
Umiling ako.
"Because you made a mistake, Dorothy."
Kumunot ang noo ko.
Ano?
"Someone was murdered because of Decagon's stupidity. You see, we're not gonna let it pass easily."
Nagsitanguan silang lahat ng nakamaskara.
Natigilan ako.
What are they trying to say? Ano ba alam nila?
"We'll play lots of games, Dorothy. We'll play it in our playground that we call Dollhouse. You will be the seer of the game. Do you know what's a seer?"
Umiling ako.
"If you know the telegram game Werewolf, then that would be your role. You are the seer of the game. You know everyone's secret. You know who are the real killers and real innocent in the house. But the tricky part is, whose side will you choose? Will you side with the innocent.... or the killers like you?"
Napalunok ako.
Alam nga ata nila.....
"We know you fucked up and murdered an innocent."
Umiwas ako ng tingin. Paano nila nalaman?!
"---- And we know that someone like you is also within your group."
No way.
Napatingin nang kusa ang mata ko sa kanya na wala pang malay. Alam din nila ang ginawa niya. Pero paano nila nalaman qng lahat?!
"Can you save your real innocent friends in the house, Dorothy?"
Malakas akong nagpupumiglas sa tali. Anong kalokohan ba tong pinaplano nila?!
"Prepare the 5 keys..." sabi ng isa sa kanila.
"Dorothy, we will pair your friends tonight and I want you to tell them the location of the keys." kung anu-ano sinabi nila sa'kin pero hindi ako makapagfocus. Totoo bang nangyayari 'to? Papatayin ba nila kami?! Bakit ganito mga itsura namin?!
"Protect this locket because this has the face of the killer. Alpha will wear it, Dorothy." sabi ng nakamask na parang scarecrow.
Locket? What?
"Wanna see it?" he asked before showing me the inside of the locket. They really know who's the killer.
"Protect it because we will take away his eyes, too." the guy with the scarecrow mask whispered. "He will be defenseless and the weakest guy in the group. Who knows what might happen if someone else discovered what's in the locket?"
So I did my best to hide the locket...
I saw the pain in Alpha's eyes when he saw it too.
Pasimple kaming nagkatinginan sa bedroom habang naiyak ako kay Echo dahil sa nangyari sa labi ko. I knew it. He won't say it too. Alpha know who's the killer. Napapatingin ang ibang decagon sa kanya kaya sinensyasan ko siyang huwag magpahalata.
Nahuli kong nakatingin sa kanya sina Java, Hera, Babe, Gunner at Ichiro. Baka kutuban sila na mayroong kakaiba sa locket na 'yon.
Our days in Dollhouse were short but it feels like forever. On the first day, Claude died and was burned in front of us. On the second day, the guy I loved sacrificed his life for me and followed Claude in the after life. Who would have thought that I will follow Echo the next day too?
I can feel my heart slowly beating while I watch my friends cry for me.
Kitang kita ko kung paano sila nag-iyakan. Umiiyak din ang isa sa kanila─ at hindi ko alam kung bakit. Bakit siya naiyak? Kasalanan niya 'to. Ayaw niya aminin ang totoong nangyari. Huwag niya 'ko iyakan. Napapikit ako sa galit.
Bigla kong naalala si Echo habang nakahiga ako at tuluyang nalalason. I'm sorry, Echo. I'm sorry you wasted your precious life for a killer like me. I'm sorry. I'm sorry.
I think I'm already dying.
Hindi ko na kaya dumilat.
Bigla ko tuloy naalala ang lahat....
"Dorothy, h-help me." she whispered. Nanlaki ang mata ko nang marinig kong nabulong si Babe sa akin sa kalagitnaan ng gabi dito sa loob ng aking kwarto. Agad kong binuksan ang lampshade sa tabi ng kama ko. Halos mapasigaw ako nang makita ko ang itsura ni Babe na punong puno ng pasa at hickeys sa leeg. Puro luha ang mata niya, may pasa din siya sa labi. "Dorothy, please, I don't know what to do anymore. Si Professor Azazel..."
Agad ko siyang niyakap.
"Anong nangyari?" tanong ko habang yakap siya. Her whole body is shaking. Kumukulo dugo ko. Ano nangyari kay Babe?!
"Dorothy, si Prof. Azazel... pinaiwan niya ko sa room... tapos... tapos..." hindi na niya maituloy.
"Let's tell Gunner." sabi ko agad. Kukunin ko na dapat ang phone ko nang pinigilan niya ko bigla.
"No. No. D-don't tell him. Nag-away kami kanina. Pinaalis ko siya kasi gusto niya magpa-iwan para samahan ako. He will be more furious. I love him but please don't tell him yet." naiiyak na sabi ni Babe habang nakadaop ang palad. Kulang nalang ay luhuran niya ako para makiusap. Ang gulo gulo ng buhok niya. Naiinis talaga ko. Alagang alaga namin 'to tapos ginanito lang ng Prof. na 'yon!
Ilang araw lang ang lumipas ay kumalat bigla ang video ni Babe. Someone even filmed it!
Hindi pa alam ni Gunner ang nangyari kaya mas lalo siyang nagalit noong sumugod siya sa dormitory namin.
"Where's Babe?!" sigaw niya pagkatapos itulak nang malakas ang pinto.
"Hoy, Gunmer! Teritoryo namin 'to. Umayos ka nga!" sigaw tuloy ni Flame sa kanya.
"Nasaan si Babe?!"
"Gunner, she's the victim here. Huwag ka na dumagdag." inis na sabi ni Java saka sinara ang laptop.
"Babe!"
Gunner smells like alcohol again.
"Tsk. Tinawagan ko na si Alpha at Claude. Mukhang lasing 'yan si Gunner." bulong sa'kin ni Hera.
"Where's Babe? We need to talk!" inis na sabi ni Gunner saka umakyat sa hagdan. Babe is upstairs. Yari. Mukhang hindi na namin siya mapipigilan.
Bumaba si Gunner pagkatapos ng ilang segundo.
"Bakit niyo siya tinatago sa'kin?!" sigaw na naman niya.
"Babe left this morning." sabi ni Java saka umirap. "Alam niya kasing susugod ka ng ganyan. Stop being insensitive, Gunner. Your girlfriend was harassed by her Prof. Ngayon ay pinagkakaguluhan siya ng mga lalaki sa university dahil sa video. Imbis na samahan mo siya, dumadagdag ka pa."
Pagkatapos non ay nagwalk out sa galit ai Java.
"Gunner, punyeta, usap tayo." seryosong sabi naman ni Flame.
"Tanginang buhay 'to." inis na sabi ni Gunner saka sila lumabas ni Flame.
Si Hera naman ay tahimik na pinanood ang dalawa na lumabas ng dorm.
Ilang araw lang ang lumipas ay nabalitaan namin na nagtangka si Babe at muntik ng mawala sa'min. Dumagdag pa na umuwi din si Java na umiiyak kasama si Gunner. Muntik din siyang galawin ni Prof. Azazel.
"Don't tell the others.." pakiusap ni Java pagkatapos siya abutan ni Gunner ng tubig. Nanginginig ang kamay niya. Suot niya ang coat ni Gunner. "Dorothy, Gunner, please don't tell them. Sa'tin sa'tin na lang 'to. Please."
"Tangina. Ang sarap pumatay." inis na bulong ni Gunner.
"Shhh. Gunner, huwag ka magpapadala sa emosyon mo." naiiyak na sabi ni Java. "I'm okay. I'm okay. Don't worry about me."
Tahimik namin siyang pinakalma ni Gunner.
May araw din ang Prof. Azazel na 'yan....
Muntik nang mawala si Babe sa'min sa pangalawang beses niyang pagtatangka matapos malaman na nakabalik na ulit ng trabaho si Prof. Azazel at nabubuhay na ng normal na parang walang nangyari.
Where is the justice for my friends?
Pinagmamalaki pa ni Professor Azazel ang bagong bili niyang bahay sa cafeteria nang madaaanan ko ang table nila ng mga prof.
New house, huh?
Too bad. I'll burn it.
I made sure that no one's in the house when I burn it. Aksidente ko pang nakasalubong si Claude noong gabing 'yon.....
"Claude, bakit ang aga mo umuwi?"
"What is that? Bakit amoy gas?"
"Oh. Ah. This is for project."
"Bakit ang dami?"
"Ewan ko ba sa mga Prof. sa Lancaster. By the way, mukhang aalis ka ulit. Saan ka na naman pupunta?"
"I just have a quick date with someone. Medyo nagtalo kami noong isang araw kahit hindi dapat. Aayusin ko lang din. Nasang ang ibang boys at girls?"
"Pauwi palang sila. Puro nasa Lancaster pa. By the way, good luck sa date. Mga anong oras ka uuwi?"
"Thanks. Before 11pm nandito na ko. Ihahatid ko pa kasi siya sa kanila."
"Okay. I'll just inform Decagon that you have a date."
"Thanks. And hey, be careful with that gasoline. Baka may masunog ka."
"No worries, Claude."
....... Pero bakit?
Akala ko ba umalis sila?
Bakit noong nasusunog na ang bahay ay may naririnig din akong sumisigaw sa loob?
Agad akong tumawag ng ambulansya.
Nadurog ako nang makita ko si Claude sa labas ng bahay na may dalang bulaklak at regalong teddy bear. N-no. Kakarating niya lang! Nalaglag ang mga hawak niya sa sahig nang makita niyang nagliliyab na ang buong bahay.
Napatakip ako ng bibig. Bagsakan ang aking luha habang natakbo ako palayo sa lugar.
Akala ko...
Akala ko....
"CARAAAAAAAAA!!!!!!!"
Sa huling tibok ng puso ko ay nagsisisi ako sa nangyari. Hindi ko ginustong mawala si Cara. Matindi ang galit ng puso ko at nagsisisi ako na maling tao ang napagbuntungan nito. Pati kaibigan ko ay mga nadamay pa.
Nagawa kong tingnan nang huling beses ang Decagon bago ako tuluyang nilamon ng kadiliman.
"DOROTHYYYYY!" sigaw nila.
"I'm sorry."
. . . . . . . . .
TO BE CONTINUED.
── ♡├o sheena's note:
three down, seven to go.
otw na tayo sa day 04 >:D
handa na ba kayo sa susunod
na mamamatayyyy? ♡