THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔

By GarnetSiren

325K 16.3K 1.4K

7BB シ " SEVEN BAD BOYS " More

SYNOPSIS
DISCLAIMER
CHAPTER 1 - The Bad Boys
CHAPTER 2 - First Encounter
CHAPTER 3 - Seatmates
CHAPTER 4 - Bully vs. Nerd
CHAPTER 5 - First Kiss
CHAPTER 6 - SuperSaiyan
CHAPTER 7 - Worried Bully
CHAPTER 8 - SaiRid Moment
CHAPTER 9 - Sweet Revenge
CHAPTER 10 - His Smile
CHAPTER 11 - Sigrid's New Hero
CHAPTER 12 - His Nanny
CHAPTER 13 - You're Safe
CHAPTER 14 - Pretending
CHAPTER 15 - Sigrid vs. Sugar
CHAPTER 16 - Danger zone
CHAPTER 17 - Rivalry
CHAPTER 18 - The Vizcondes
CHAPTER 19 - Trouble
CHAPTER 20 - Jealousy
CHAPTER 21 - Saiyan's Confession
CHAPTER 22 - Mad Shokoy
CHAPTER 23 - Nanny No More
CHAPTER 24 - Dancing Señorita
CHAPTER 25 - The Twins
CHAPTER 26 - New Job
CHAPTER 27 - Reminiscing the Past
CHAPTER 28 - Beginning
CHAPTER 29 - Accusation
CHAPTER 30 - Prank Gone Wrong
CHAPTER 31 - Shokoy's Love
CHAPTER 32 - The Truth
CHAPTER 33 - Preparations
CHAPTER 34 - Acquaintance Party
CHAPTER 35 - Moves like Saiyan
CHAPTER 36 - Unexpected Kiss
CHAPTER 37 - Necklace
CHAPTER 38 - Hidden keys
CHAPTER 39 - Never Give Up
CHAPTER 40 - Mission
CHAPTER 41 - Explosion of Hidden Secret
CHAPTER 42 - Mother 'n Son
CHAPTER 43 - DNA Result
CHAPTER 44 - Happy Family
CHAPTER 45 - The Bet
CHAPTER 46 - Pain of Yesterday
CHAPTER 47 - Starting Over Again
CHAPTER 48 - Emptiness
CHAPTER 49 - His Anger
CHAPTER 50 - Chocolate Cake
CHAPTER 51 - New Look
CHAPTER 52 - Enchanting Beauty
CHAPTER 53 - Magic Spell
CHAPTER 54 - Stolen Kiss
CHAPTER 55 - Magical Moment
CHAPTER 57 - Friends
CHAPTER 58 - First LQ
CHAPTER 59 - In Public
CHAPTER 60 - Kenshi's Heartbreak
CHAPTER 61 - Worried
CHAPTER 62 - Gummy Bear
CHAPTER 63 - Happiness to Disappointment
CHAPTER 64 - Tatay
CHAPTER 65 - Softhearted Shokoy
CHAPTER 66 - New Year ; New Battle
CHAPTER 67 - Camping
CHAPTER 68 - Fight Together
CHAPTER 69 - Trial
CHAPTER 70 - Wicked Plan
CHAPTER 71 - Wrong Move
CHAPTER 72 - Crying Shoulder
CHAPTER 73 - Family Bonding
CHAPTER 74 - Back To Reality
CHAPTER 75 - Time Flies So Fast
CHAPTER 76 - Daddy's Princess
CHAPTER 77 - Triumph
CHAPTER 78 - Bitter Prince
CHAPTER 79 - Letting Go
CHAPTER 80 - Betrayal
CHAPTER 81 - Goodbye
CHAPTER 82 - Alone Together
CHAPTER 83 - Just A Mistake
CHAPTER 84 - Good Bye
ANNOUNCEMENT!!

CHAPTER 56 - The Almontes

2.8K 155 20
By GarnetSiren

SAIYAN’S POV :

Jesus Christ! Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari but heaven, Hindi ko rin kayang bigyan-pangalan ang nararamdaman ko ngayon. Nakakabakla.

“Are you okay?” May pag-aalalang tanong ni AM nang hindi na ako kumibo. “I’m sorry for kissing you ..” She murmured making my eyes wide open.

“Hey, Sweetheart,” napangiti ako at ipinailalim sa baba niya ang Thumb at Forefinger ko, lifting it a bit. “Adik ako sa halik mo, baka akala mo.” She blushed making me chuckle.

“E, bakit hindi mo ako kinikibo?” She asked then formed a sullen pout. “Hindi ka ba masaya?”

“April Miracle, Kaya nga hindi ko magawang makapagsalita dahil sa sobrang kasiyahan. Sweetheart, you just made me the happiest man alive right now and I love you so much. Always remember that, hmm?” Seryosong sabi ko bago dinampian ng halik ang kaniyang noo. “At dahil Girlfriend na kita, Akin ka lang. Ayaw kong guluhin ka uli ni Kenshi.”

“Very possessive, Saiyan Almonte.” Humahagikhik niyang sabi.

Napangiti nalang din ako bago siya hinapit palapit lalo sa ‘kin at muli siyang niyakap. “Stay with me until we both become successful, Okay?” nangungusap kong wika. “I love you a lot more than you believe, April Miracle.”

“Alam mo,” nag-angat siya ng tingin sa ‘kin na parang inaaral ang mukha ko. “Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit ka ganito sa ‘kin. Kung bakit mo ako minahal samantalang ako si Signerd.

Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya. “Remind me again to give that bastard Kenshi a good blow, Sweetheart.” Iritadong saad ko. “Now, where's the Sigrid i know? ‘yung AM na nakilala ko sa pangalang Sigrid na walang pakialam sa paligid niya, nasaan na siya? Nasaan na ‘yung matapang at mataray na babaeng ‘yon?” Hindi siya nagsalita. Nanatili lang siyang nakatitig sa ‘kin. “Mahal kita dahil mahal kita. Iyon lang ‘yon, AM.”

“I love you, too.”

I smiled and gently caressed her cheeks. “Halika na.” Yakag ko sa kaniya. “Kung alam ko lang na dito mo ako mismo sasagutin sa amin, Noon pa sana kita inayang pumunta dito.” Biro ko habang naglalakad.

Hmp,” She rolled her eyes at me but that didn't even wipe my smile. Sai, kinakabahan ako. Baka kapag nalaman ng mga kapatid ko ang tungkol sa atin ay bawalan akong lumapit sa yo.”

I squeezed her hand gently as i stopped from walking just to face her. “Babe, Hindi mo kailangan isipin ang bagay na yon. No one can stop me from loving and approaching you. No one, Babe. At nasisiguro kong kahit pagbawalan ka nila ay gagawa ka pa rin ng paraan just to be with me.” I winked at her.

Pinaningkitan niya ako ng mata. “How sure are you, Mr. Almonte?” She asked, raising both of her brows.

“Because you love me and i believe you can't resist my charm, My love.” I said and grinned from ear to ear.

“Oh! Aren't we being conceited here?” Nanlalaki ang mga mata niya na umaaktong hindi makapaniwala.

Iyon ang totoo, Sweetheart.” I said, still grinning. “But don't worry, ganoon din naman ako so we're even, Babe. I love you, I love you, I love you.”

She pouted her lips. Saiyan?”

Nawala ang ngiti ko. Kung tawagin ba naman ako sa pangalan ko ay parang hindi niya ako boyfriend.

Saiyan.”

Nagkunwari akong walang naririnig.

“What's with you now, Mr. Almonte?!” paasik niyang tanong. Naiinis na. “I swear, kapag hindi ka pa nagsalita, Aalis na ako!”

Biglang dumaan ang isa sa mga maid at nagdududang pinasadahan kami ng tingin ni AM. Kinindatan ko nalang siya at nagmamadaling umalis.

“Saiyan.”

“Babe, alam mo,” niyuko ko siya para magpantay ang mga mukha namin. “Ang sweet mo sa ‘kin at sigurado akong malapit na akong magka-diabetes.”

Nagsalubong ang kilay ko nang bigla siyang humagikhik.

“Huwag mo akong pagtawanan.”

“Seriously, Sai? Gusto mo ba ng Girlfriend na mala-Sugar?” She asked. Her eyes filled with silent laughter.

“Hell, No!”

Tumitig siya sa ‘kin at biglang nagseryoso. Kinabahan naman ako bigla.

“I don't want to spoil this moment for us, Sai, kaso hindi ako mapakali hanggat hindi ko ito natatanong sa ‘yo,” She said. “Si Kenshi, Nagagalit ka pa rin ba sa kaniya?”

Bumuntong hininga ako saka umiling. “Nagkaayos na kami sa mismong party ng Daddy mo. Ang mga Kuya mo ay napatawad na rin siya.” Sabi kong mas nagpaaliwalas ng kaniyang mukha. “Pero hindi ko alam kung bakit bigla din siyang umalis sa kalagitnaan ng party.”

“Napagod O inaantok na siguro.” marahan niyang tugon.

Tumango ako. “Let's not talk about him for now, Babe.” Sabi kong mabilis niyang ikinatango at ngumiti.

“Don't smile like that.” angil niya.

“Why?”

“Your simple smile is making me crazy.”

Humalakhak ako saka ikinulong sa mga palad ko ang cute niyang mukha.

“I can't promise things won't be hard for us, Babe, but I'll keep trying even if it gets difficult.” seryosong sabi ko na dinampian pa ng halik ang tungki ng ilong niya. “In this world where everything seems to be just temporary, Where promises are just words and meant to be broken, All i can say is, I'll keep trying for you, fighting for you, and I'll do my best for you.” Her lips stretched for a loving smile. “I love you so much and I don't want anybody else but you, My love.” Sinserong sabi ko at saka siya kinabig at niyakap.

“Those were the sweetest words I've ever heard and I have to admit that,” Nag-angat ako ng kilay nang nagsumiksik siya sa kilikili ko at gusto ko na ring matawa pero nagpigil ako. “Kinikilig ako ..” She said. Her voice was barely a whisper.

Hindi ko na napigilan ang tawa ko. “God, Babe. You're too honest for your own good.” I said, Chuckling.

“Agh! Don't laugh at me!”

“Alright, Captain. Halika na — ”

“Brother!” Sabay kaming napatingin ni AM sa dumating. Si Vegetta and he's eyeing both AM and I, suspiciously. “Am i .. interrupting something?”

Kumapit sa braso ko si AM na palagay ko ay nahihiya pa sa kapatid kong panira ng sandali.

“Kuya?”

Ngumisi ako at hinawakan ang kamay ni AM at itinaas. “Kami na.” I announced. “Sinagot na ako ni AM.”

“Lucky you, Big Bro.” He said, chuckling. Bumaling siya kay AM na namumula ang pisngi. “Hello, Beautiful. Gusto sana kitang i-congratulate kaso, Ang malas mo naman dahil ang kapatid ko ang pinatulan mo — ”

“Vegetta.” I warned him.

“Hey! I'm just kidding, Dear brother.” Tatawa-tawang depensa ng gago bago naglakad palapit sa amin at walang sabi-sabing niyakap si AM. “Welcome to the family, Beautiful.”

“Thank you, Vege.” Si AM sa mahinang tinig.

“That's enough.” Hinila ko pabalik sa akin si AM.

Tiningnan naman ako ng kapatid ko saka ngumisi. “Very possessive.”

“Saan ka ba galing?” Nagdududang tanong ko.

Nagkibit siya ng balikat. “Ipinatawag ako ng Lolo sa Office niya, e.”

“What is it that he wants this time?”

“Subukan daw kitang kumbinsihin at baka sakaling mapapayag kita sa gusto niyang mangyari.”

“And?”

“Sinabi kong susubukan ko but the truth is, Wala naman talaga akong pakialam at wala akong balak magmakaawa sa ‘yo.” He said in between chuckles. “Parating siya dito. Kasama ang Mommy at Daddy at sa palagay ko ay may kinalaman ‘yon sa pag-uusap namin ng Lolo kanina, Kuya.”

Bigla akong nakadama ng bahagyang iritasyon. Kung kailan narito si AM at kakasagot lang sa akin ay saka naman biglang eeksena ang pamilya ko lalo na ang Lolo. Hindi ko rin maipapangakong magiging mabait ako pero susubukan ko dahil nandito si AM.

∽∽∽■■∽∽∽

SIGRID’S POV :

KITANG-KITA ko ang pagtatagis ng bagang ni Saiyan nang banggitin ng kapatid niyang paparating ang mga magulang nila kasama ang Lolo nila.

Nakilala ko na ang mga magulang niya nu'ng birthday ni Daddy pero hindi ang Lolo niya dahil hindi naman siya dumalo. Ang Lolo niya na ayon sa mga Kuya ko ay masiyadong masungit at hindi nakakasundo ni Saiyan.

“B-Babe,” medyo naiilang pa akong gamitan siya ng endearment. “B-Baka hindi magustuhan ng parents mong nandito ako lalo na ang Lolo mo.” Nag-aalalang sabi ko. “U-Uuwi nalang ako.”

Mula sa pagkakatayo ay naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. “No, Darling. I want you to stay here. Huwag mong intindihin ang Lolo at isa pa, Kasama mo naman ako. Relax lang, okay?”

Bumuntong hininga at napatango nalang ako. “Sabi ni Kuya Grover istrikto at masungit ang Lolo mo kaya hindi kayo magkasundo.” Muli akong bumuntong hininga. “Nakita ko rin sa mga mata mo kanina na hindi mo gusto ang pagpunta niya ngayon dito.” Nag-iwas siya ng tingin sa akin pero hinawakan ko ang baba niya para pabalingin uli sa ‘kin. Sai, Ano man ang dahilan O hindi ninyo pinagkakasunduan ng Lolo mo ngayon, Gusto kong maging kalmante ka lang mamaya, Okay? After all, He's still your grandfather. You should respect him no matter what the circumstances are.”

Bumuntong hininga siya. Sobrang lalim na buntong hininga pero nakahinga din ako ng maluwag nang ngumiti siya at tumango.

“I'll keep that in mind, Captain.” He said, Squeezing my hand gently.

Nasa ganoon kaming ayos nang makarinig kami nang sunud-sunod na busina ng kotse sa labas. kasunod nang langitngit ng gate na bakal. Siguro'y pinagbuksan na ng hardinero ng gate ang mga dumating. Maya-maya lang din ay nagtatakbo na ang isang maid nila Saiyan at binuksan ang malaking pintuan. Inihanda ko na rin ang sarili ko dahil inaasahan kong ang pamilya na ni Saiyan ang nasa labas.

“Sila na ‘yan.” Boses ni Vegetta na nanggaling sa kaniyang silid. “Masisiyahan ang Mommy na makita ka dito, Beautiful.” aniya na kinindatan pa ako.

Kung hindi lang sinabi sa akin ni Saiyan na normal na kay Vegetta ang pagiging clingy ay iisipin ko talagang pini-flirt ako nito.

“We're home!” Si Tita Rochelle kasunod si Tito Alfred at maya-maya lang ay pumasok na rin ang isang matandang sa pustura palang ay kakabahan ka na. “Oh, The Vizcondes’ Princess is here.” Nakangiting aniya. “What a pleasant surprise.”

“Hi Tita, Tito,” Bati ko sa kanilang mag-asawa at bumeso. “Hello po.” Baling ko sa matandang pinailalim ako sa mapanuri niyang mga mata.

“Hello, Hija.” Si Tito Alfred. “Mabuti naman at nakadalaw ka. Kumusta naman ang mga magulang mo?”

“Ayos lang po sila at kasalukuyang busy na naman sa kani-kanilang mga gawain, Tito.” Tugon ko. Hindi ako naiilang sa kanila ni Tita pero nababalisa ako dahil nasa akin pa rin nakatuon ang paningin ng matandang Almonte.

Nakaramdam ako ng relief nang ipalibot ni Saiyan ang braso niya sa baywang ko like he's protecting me.

“Saiyan?” Nagtaas ng kilay ang kaniyang Mommy Rochelle at pinaglipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. “May dapat ba kaming malaman, anak?”

Biglang humalakhak si Vegetta na nasa likuran kaya hindi ko na naman napigilan ang pag-iinit ng mukha ko. Jeez!

“Mom, Dad,” Taas-Noo niyang binalingan ang kaniyang Lolo. “Grandpa,” Muli niyang itinuon ang mga mata sa kaniyang mga magulang kasabay nang bahagya niyang pagpisil sa tagiliran ko. “Aware naman po kayo sa naging panliligaw ko sa prinsesa ng mga Vizconde and,” Marahan siyang natawa nang pinaningkitan siya ng mata ni Tita Rochelle. “Sinagot na po niya ako ..Girlfriend ko na siya.”

Bathala! Agh! Ito na ba ‘yung moment na dapat na akong mag-wish na sana’y bumuka ang lupa at lamunin nalang ako?

“Oh, Sweetheart!” Nagulantang ang pag-iisip ko nang bigla akong yakapin ni Tita Rochelle. “Masaya akong marinig na sinagot mo na ang pasaway kong anak. Hindi mo alam kung paano ka iyakan — ”

“Oh, mom, please.” Napapahiyang awat ni Saiyan kay Tita Rochelle na tumawa lang at pinakawalan ako.

“So, What can i say?” Si Tito Alfred naman ang yumakap sa ‘kin na hindi ko inasahang gagawin niya. “Welcome to the family, hija.” He said before he pulled back.

“Thank you po.” Nakahinga rin ako nang maluwag.

Ang Lolo nalang ni Saiyan.

“Inuna mo ang ligawan na iyan kaysa sa mga mas mahahalagang bagay, Saiyan?”

Nagulat ako sa kauna-unahang pagsasalita ng matanda at ganoon ang sinabi. Sinulyapan ko si Saiyan na nagtagis ang bagang.

“Walang ibang mas mahalaga kaysa sa babaeng mahal ko, Grandpa.” Kalmanteng tugon ni Saiyan.

Hinawakan ko ang kamay niya para mas pakalmahin siya. Iniisip ko palang kasi na magsasabong sa harapan ko ang mag-Lolo ay kinakabahan na ako.

“And that's a sign of immaturity, Saiyan.” Muling patutsada ng matanda.

“Immaturity.” Ulit ni Saiyan sa sinabi ng Lolo niya. “I'm sorry to say this, Lolo, pero tumatanda ho yata kayo ng paurong?”

Oh, god!

“How dare — ”

“Alam mo bang pinayuhan ako ng Girlfriend kong respetuhin ko kayo dahil bali-baliktarin man ang mundo ay kayo pa rin ang Lolo ko? I agree with her pero ibang usapan kapag ang nararamdaman ko para sa kaniya ang pupunahin ninyo, Lolo.” His voice was rough. Alam kong mas sasabog siya sa harapan ng pamilya niya kung wala ako dito. “Insultuhin niyo na po ako’t lahat huwag lang ‘yon, Grandpa.”

“Hijo de Puta!” Bulyaw ng matanda na ipinanlaki ng mata ko. “Anong klaseng pagpapalaki ang ginawa ninyo sa anak ninyong ito, Rochelle, Alfred?”

“Dad, Hayaan niyo na ang bata.” Si Tito Alfred. “Calm down. Paganahin mo ang utak mo, Dad, hindi ang emosyon mo.”

“Ihahatid ko na si AM sa kanila. Nakakahiya dahil ganito ang nasaksihan niya sa pamilyang ito. Sinira niyo ang araw namin.” Magaspang na saad ni Saiyan. “Let's go, Babe.” Hinila niya ako at wala na akong nagawa kundi kawayan nalang ang pamilya niyang nakasunod din ang tingin sa aming dalawa.

NASA kotse na niya kami at binabaybay ang daan pauwi sa amin. Hindi siya nagsasalita kaya hindi na rin ako umimik. Alam kong bad mood siya at kailangan niya ng sandaling katahimikan.

Bumuntong hininga siya at inabot ang kaliwa kong kamay. “I'm sorry that you had to witness that, Sweetheart.” Hingi niya ng paumanhin sa akin na madilim pa rin ang mukha.

“Hey, Cheer up, Babe.” I smiled at him. “Aaminin kong natakot ako sa Lolo mo and i have this feeling na hindi ako welcome sa kaniya pati ang relasyon natin pero pinapanghawakan ko naman ang sinabi mong you'll fight for me kaya nabawasan ‘yung takot ko.”

“Of course, Darling. I will risk everything just to fight for you. Wala akong sasantuhin kahit miyembro ng pamilya ko pa ang makakabangga ko. Pero ayaw kong isipin mong bastos ako, Babe. Dinidepensahan ko lang kung anong alam kong tama.”

“I know, Sai. Sapat-sapat na ang ginawa mong tulong sa akin noon at sa Lolo't Lola ko para hindi ka pag-isipan ng gano'n pero gusto kong pag-aralan mo ang Self-control, Babe, para mabawasan ang tensiyon between you and your Lolo.” Marahang sabi ko in a way na maiintindihan niya ang point ko.

“I will ..try.” He said, chuckling. Abnormal talaga. “One hour and Thirty-four mins. of being sweethearts, May pangyayaring ganoon na kaagad.” May bahid disappointment sa tinig niya. “Hayaan mo, Babawi ako sa ‘yo one of these days. Kailangan nating mag-celebrate, e.” Sa isang iglap ay kaagad umaliwalas ang mukha niya.

Napangiti nalang din ako. “Kailangan mo pa ring magpaalam sa mga magulang ko at sa dalawa kong Kuya, Mr. Almonte.” I said, Still smiling.

He chuckled. “I will, Captain.”

“Gusto rin kitang ipakilala sa kanila ngayon as my official boyfriend kaso wala sila sa bahay kaya sa susunod na araw nalang, Yeah?”

“It's okay and that's fine with me, My love. I can wait, you know.”

“I love you, Saiyan Almonte.” Nakangiting sabi ko.

“Oh, and I love you, too, April Miracle Vizconde.”

Napapikit ako at hindi na mapalis-palis ang ngiti sa labi ko.

Ngayon, Alam ko na kung anong nararamdaman ni Nathalie nang sagutin niya ang Kuya Hopper ko. Alam ko na kung anong pakiramdam ng taong in love. It feels like i am floating in the air and it is indeed a heavenly feeling.

∽∽■■∽∽

Continue Reading

You'll Also Like

70.5K 433 125
Try to read the list of my favorite stories.
3.8K 109 13
Walong taon makalipas ang laban sa paggitan ni Arcanus at ng Arcana Princess na si Anise, ay nagsimula ang kanyag panibagong buhay. Ngunit kung inaa...
4K 164 8
Everything changed when something came up in the city of Merielle. Ang dating mapayapa at masayang syudad ay napalitan ng katakot takot at kagimbal g...
8.3K 437 49
Happy birthday este, happy death day!