THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔

By GarnetSiren

307K 16K 1.4K

7BB シ " SEVEN BAD BOYS " More

SYNOPSIS
DISCLAIMER
CHAPTER 1 - The Bad Boys
CHAPTER 2 - First Encounter
CHAPTER 3 - Seatmates
CHAPTER 4 - Bully vs. Nerd
CHAPTER 5 - First Kiss
CHAPTER 6 - SuperSaiyan
CHAPTER 7 - Worried Bully
CHAPTER 8 - SaiRid Moment
CHAPTER 9 - Sweet Revenge
CHAPTER 10 - His Smile
CHAPTER 11 - Sigrid's New Hero
CHAPTER 12 - His Nanny
CHAPTER 13 - You're Safe
CHAPTER 14 - Pretending
CHAPTER 15 - Sigrid vs. Sugar
CHAPTER 16 - Danger zone
CHAPTER 17 - Rivalry
CHAPTER 18 - The Vizcondes
CHAPTER 19 - Trouble
CHAPTER 20 - Jealousy
CHAPTER 21 - Saiyan's Confession
CHAPTER 22 - Mad Shokoy
CHAPTER 23 - Nanny No More
CHAPTER 24 - Dancing Señorita
CHAPTER 25 - The Twins
CHAPTER 26 - New Job
CHAPTER 27 - Reminiscing the Past
CHAPTER 28 - Beginning
CHAPTER 29 - Accusation
CHAPTER 30 - Prank Gone Wrong
CHAPTER 31 - Shokoy's Love
CHAPTER 32 - The Truth
CHAPTER 33 - Preparations
CHAPTER 34 - Acquaintance Party
CHAPTER 35 - Moves like Saiyan
CHAPTER 36 - Unexpected Kiss
CHAPTER 37 - Necklace
CHAPTER 38 - Hidden keys
CHAPTER 39 - Never Give Up
CHAPTER 40 - Mission
CHAPTER 41 - Explosion of Hidden Secret
CHAPTER 42 - Mother 'n Son
CHAPTER 43 - DNA Result
CHAPTER 44 - Happy Family
CHAPTER 45 - The Bet
CHAPTER 46 - Pain of Yesterday
CHAPTER 47 - Starting Over Again
CHAPTER 48 - Emptiness
CHAPTER 49 - His Anger
CHAPTER 50 - Chocolate Cake
CHAPTER 51 - New Look
CHAPTER 52 - Enchanting Beauty
CHAPTER 53 - Magic Spell
CHAPTER 54 - Stolen Kiss
CHAPTER 56 - The Almontes
CHAPTER 57 - Friends
CHAPTER 58 - First LQ
CHAPTER 59 - In Public
CHAPTER 60 - Kenshi's Heartbreak
CHAPTER 61 - Worried
CHAPTER 62 - Gummy Bear
CHAPTER 63 - Happiness to Disappointment
CHAPTER 64 - Tatay
CHAPTER 65 - Softhearted Shokoy
CHAPTER 66 - New Year ; New Battle
CHAPTER 67 - Camping
CHAPTER 68 - Fight Together
CHAPTER 69 - Trial
CHAPTER 70 - Wicked Plan
CHAPTER 71 - Wrong Move
CHAPTER 72 - Crying Shoulder
CHAPTER 73 - Family Bonding
CHAPTER 74 - Back To Reality
CHAPTER 75 - Time Flies So Fast
CHAPTER 76 - Daddy's Princess
CHAPTER 77 - Triumph
CHAPTER 78 - Bitter Prince
CHAPTER 79 - Letting Go
CHAPTER 80 - Betrayal
CHAPTER 81 - Goodbye
CHAPTER 82 - Alone Together
CHAPTER 83 - Just A Mistake
CHAPTER 84 - Good Bye
ANNOUNCEMENT!!

CHAPTER 55 - Magical Moment

2.8K 161 27
By GarnetSiren

SIGRID’S POV :

“Ate Lora?” naglakad ako sa pasilyo kung saan madalas tumambay ang mga katulong namin. “Ate — ”

“Ma’am, Bakit po?” Salubong ni Maya sa ‘kin.

“Ah, itatanong ko lang sana kung nasaan ang Lolo at Lola ko? Wala sila sa kuwarto nila, e. Nakita mo ba sila?”

“Umalis sila, Ma’am. Kasama nila sina Mang Orlando at Ate Lora. Magbabalot na daw ng mga gamit para tuluyan nang makalipat dito.”

“Really?” napag-usapan na namin nila Lolo at Lola ‘to at sa awa ni Lord ay napapayag ko din naman sila pero hindi ko inasahang ngayong araw din sila lilipat. “Thank you. ‘yung mga asungot kong mga Kuya nasaan? Hindi sila nakakalat ngayon sa buong kabahayan, e.”

“Sabado po ngayon kaya nasa opisina po sila kasama ang Daddy ninyo. Noon pa man ay madalas silang isama ni Sir Melandro sa kadahilanang upang matuto daw sila sa pamamalakad sa kompanya dahil paglaon ay sila naman ang hahalili sa kaniya.” Nakangiting paliwanag ni Maya na ikinatango ko nalang.

“Dapat sinama nalang din ako ni Mommy sa office niya para hindi ako naiinip dito.” nakangusong sabi ko. “Sige, Maya, papanhik na uli ako sa silid ko. Kapag may dumating sa mga kaibigan ko, Padiretsuhin mo nalang sa silid ko ha?”

“Sige po.”

Tinanguan ko siya saka bagot na bagot na naglakad sa pasilyo at pumanhik sa hagdanan diretso sa aking silid. Wala na naman ba akong gagawin maghapon? ‘buti sana kung nandito na sina Lolo at Lola.

PINULOT ko ang cellphone ko sa ibabaw ng nightstand at dinayal ang number ni Nathalie, My soon to be  sister-in-law dahil Girlfriend na siya ng Kuya Hopper ko.. real quick.

“Hello ..?”

“Hi, Nat.” masayang bati ko sa kaniya. Kumusta ang hipag ko?” nanunuksong tanong ko.

I heard her sweet giggles on the other line. God, In love na talaga ang kaibigan ko.

“I’m good, AM. Still can't believe that i am in a relationship now with your brother, friend. Gosh! I felt like i'm in a cloud nine!” Bulalas niya na halata namang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa malambot na kama bago muling nagsalita. “Do you really love him, Nat? Mahal mo ba ang Kuya ko?”

“I do love your brother, AM.”

Nangunot ang noo ko nang marinig ko ang malalim niyang buntong hininga sa kabilang linya.

Pero hindi ko pa iyon nasasabi sa kaniya.” This time ay may lungkot sa tinig niya. “Hindi ko kasi alam kung pareho kami ng antas ng nararamdaman sa isa’t-isa. Nag-aalala ako. Ang sabi niya sa ‘kin, Gusto niya ako. Iba naman ‘yun sa Mahal di ba?”

Tumango ako na para bang nakikita niya ako. “Nat, listen, Kilala mo naman ang Kuya ko ‘di ba?” Tanong ko pero hindi ko na inantay pang sagutin niya ako nang muli akong magsalita. “He’s a flirt. Sabi ng Kuya Grover ay marami ng naka-fling ang boyfriend mo pero ‘wag kang mag-isip ng negative dahil do’n. Mahal ka niya at iba ka sa mga babaeng dumaan sa buhay niya at siguro, Hindi niya pa nasasabi ang three magic words na yon sa ‘yo kasi alam mo na, Ma-pride din siya. Nahihiya pa siguro.”

“I know, AM. Maghihintay nalang ako.” She sighed. “E, kayo naman ni Saiyan, Ano ng ganap sa inyong dalawa ha?” Pag-iiba niya ng usapan.

Wala sa sariling napatingin ako sa Teddy bear na katabi ko sa higaan. Ito ang bigay sa ‘kin ni Saiyan noong nasa amusement park kami. Napangiti ako at niyakap ito.

Magkaibigan kami ni Saiyan, Nat.”

“Oh, please. Tama na nga ‘yang pagiging in denial mo, Friend. Alam ko namang may pagtingin ka kay Saiyan, e. Saka alam mo, kahit sinong babae, kapag ginawa ni Saiyan yung ginagawa sa ‘yo, talagang mahuhulog ang loob nila sa kaniya.”

Nathalie.” I warned her. Dinadagdagan lang niya ang pagkalito ko, e.

“O, baka naman kasi si Kenshi na binansagan mong Shokoy ang type mo? hmm?”

Natawa ako. “You're crazy, Nat. Sige na, Bye na.”

Iniiwasan mong pag-usapan ang dalawang yun, ah.” Panunukso ni Nathalie. Sige na nga. Bye na. May gagawin din ako.” Paalam din niya.

“See you on monday, Nat.”

Yeah.”

I Disconnected the line. Ipinatong ko uli sa nightstand ang cellphone at sumandal sa headboard ng kama.

Binuhat ko si Baby Saiyan at hinaplos sa pisngi nito.

“Baby, Ang gulo ‘no?” Pagkausap ko dito na parang naiintindihan ako. Attracted ako kay Saiyan mula pa nu’ng ipagtanggol niya ako sa canteen laban kay Butter.” Teka. Nasaan na nga ba ‘yung babaeng ‘yun? Pinsan din siya ni Sugar pero bakit si Honey nalang ang kasakasama ng babaeng ‘yun? weird. “So, you see, Baby Saiyan, Attracted lang talaga ako sa Daddy mo. Hindi naman ‘yun love ‘di ba? Crush lang talaga. Hays! Masisiraan ako ng ulo nito. Bakit ba ikaw ang kinakausap ko? Jeez!”

You're insane, April Miracle.

“Talking to our Baby Saiyan?”

“Ay pusang kalabaw!” Gulat na gulat na bulalas ko. “S-Saiyan?!!” Waahh! Bathala!

“Yes, Sweetheart?” Nakahawak siya sa hamba ng pinto at diretsong nakatingin sa akin. Nangingislap ang kaniyang mga matang nanunukso. “Hindi marunong magsalita si Baby Saiyan kaya kay Daddy Saiyan ka nalang makipag-usap.” He said mockingly.

“Oh, crap!” Mabilis kong dinampot ang unan ko at ipinantakip sa mukha kong nag-iinit sa pagkapahiya.

Damn it! I wish for a hole to open and just swallow me alive!

Pinuno ng halakhak ni Saiyan ang buong silid ko pero teka, Bakit ba kasi nandito siya? Ah, ah. Lagot ka sa ‘kin ngayon.

Ibinaba ko ang unan at matapang na tumitig sa kaniyang tawang tawa pa rin.

“Bakit ka nandito? May balak kang masama sa akin ‘no?” Namimintang kong tanong.

Bakit ba? Wala na akong maisip na salitang puwedeng ipandigma sa lalaking ‘to, e.

“Mahal na prinsesa,” Ipinasok niya sa bulsa ng shorts niyang maong ang dalawa niyang kamay at saka isinara ang pintuan gamit ang paa niya. Kinindatan niya ako na ikinalunok ko. “Kausap ko kanina si Grover at sinabi niyang naiwan ka ditong mag-isa at sa tantiya niya’y inip na inip ka na kaya naman,” nagtaas-baba ang dibdib ko nang naupo siya sa tabi ko at kunin sa akin si Baby Saiyan. “—naisip kong puntahan ka dito tutal wala din naman akong ginagawa sa bahay.”

“Umuwi ka na. Pupunta din naman si Madison dito mamaya.” Pagsisinungaling ko para lang mapaalis ko siya.

“Liar. Sweetheart, nasa Tagaytay sila ng family niya ngayon. Nakita ko kanina sa IG niya.” aniya na bahagya pang umangat ang sulok ng labi niya. “Does my presence really bothers you that much kaya mo ako pinapalayas na?”

“N-No ..”

“No?” ulit niya at tumango lang ako. “Good. Now, get changed and meet me outside your house.”

“H-Ha? Saan tayo pupunta?”

“It's a surprise, Darling. Sige na, hihintayin kita sa ibaba.”

“A-Anong isusuot ko?”

He chuckled. “Magsuot ka ng damit kung saan kumportable ka.”

“O-Okay ..”

The hell! Bakit ba ako nag-i-stammer? Sheyt! Kasi naman, e.

Hindi pa ako tuluyang nakaka-recover sa pagkapahiya ko kay Saiyan. Narinig kaya niya lahat ng mga idinaldal ko kay Baby Saiyan kanina? Ayst! Nakakainis naman.

∽∽∽■■■∽∽∽

SAIYAN’S POV :

She blushed. She Stammered. She's cute.. really really cute. Gusto kong panggigilan ang pisngi niya kanina mabuti nalang at nakapagpigil pa ako.

Napangiti ako nang sa huli ay bumukas na rin ang malaking pintuan at tumambad sa paningin ko si AM.

“H-Hi ..” Bati niya sa ‘kin.

Nginitian ko siya bago binuksan ang pinto ng passenger seat. “Get in, Darling.”

Inirapan niya ako. “Napipikon ako sa mga endearment na ginagamit mo sa ‘kin.” pagmamaldita niya bago tuluyang sumakay.

Marahan akong natawa sabay sara ng pinto at umikot sa driverseat.

Ipinasok ko sa ignition hole ang susi at binuhay ang makina at nagsimula nang magmaniobra.

“April Miracle ..?”

“Yeah?”

“Bakit napakaganda mo?”

“Nako, Saiyan. Tigilan mo ako, ah.”

I chuckled. “Crush mo nga ako?”

“Saiyan Almonte!”

“Yeah? Crush mo ako?”

“H-Hindi..” nauutal na naman niyang tugon.

“Liar.”

“N-Narinig mo, Ehem,” Gusto kong matawa sa itsura ni AM. “N-Narinig mo ba lahat ng mga sinabi ko k-kanina?”

“Lahat-lahat.” napapangiting sagot ko. “Attracted ka sa ‘kin since first day of school dahil ipinagtanggol kita kay Butter na pinsan ni Sugar.” Patuloy ko saka sandaling sumulyap sa kaniya. “Crush mo ako pero ayaw mong aminin sa akin ‘yun ng harapan? That's unfair, Darling.”

“Crush is paghanga, right? Sige, aamin na ako. Crush kita. Hinahangaan kita.”

I burst out laughing. “All right, Sweetheart. Crush is Paghanga.” I said in between my laughs. “Pero kahit humahanga ka lang sa ‘kin, Mahal pa rin kita.”

“Hmm.”

I chuckled. “You're pretty when you're blushing.”

“Tigilan mo nga ako. Saan ba tayo talaga pupunta?” usisa niyang palinga-linga sa kalsadang dinaraanan namin.

“Sa amin.”

“What? S-sa inyo?”

I nodded. “Yup.”

Hindi na siya umimik pa kaya hindi na rin ako kumibo. Malamang kinakabahan siya.

MAYA-MAYA lang ay natanaw ko na ang papasok sa amin.

Sumulyap pa muna ako kay AM bago iniliko ang kotse papasok sa malaking gate.

“Nandito na tayo sa loob ng subdivision namin.” Basag ko sa katahimikan.

“Bathala!” Bulalas niya. “Sai, Bumalik na tayo sa amin. Nahihiya ako sa ..sa pamilya mo.”

I shook my head. “Don’t be shy, Sweetheart. Ang mga maids lang ang kasama ko ngayon sa bahay kaya wala kang dapat ipag-alala at kung naroon man ang pamilya ko, Hindi mo kailangang makaramdam ni katiting na hiya. Magkakaibigan ang mga magulang natin at kilalang kilala ka nila. Tuwang tuwa nga ang Mommy nang malamang buhay ka, e.”

P-Pero sabi ng mga Kuya ko masungit ang Lolo mo?”

Tumikhim ako. Sa pagkakabanggit niya sa Lolo ko’y nakaramdam ako ng pagbara sa lalamunan.

Masungit na kung masungit pero habang kasama mo ako, Hindi ka niya magagalaw, AM.” seryosong sabi ko. “I will protect you from that old man.”

Mas nadagdagan na ang kaba ko dahil diyan sa sinabi mo.”

Umiling ako. “Hindi ka niya kakainin. Nandito ako.” Sabi ko saka tumigil sa harap ng bahay namin at bumusina. Maya-maya lang ay binubuksan na ng isang maid ang gate. “Relax, Sweetheart.” I smiled at her warmly.

Tinanguan lang ako habang pinagkikiskis ang dalawa niyang palad. Kinakabahan nga naman talaga.

Muli akong nag-drive para ipasok sa bakuran ang sasakyan.

“We're here, Sweetheart.” Sambit ko. “Be still.” Lumabas ako ng kotse at umikot sa side niya and opened the door for her. “Halika na.”

Dahan-dahan siyang bumaba mula sa kotse at inikot ang mata sa paligid. Tumigil sa bahay at muling tumingin sa ‘kin.

“M-Mas malaki ang bahay ninyo sa bahay namin.” Komento niya.

I laughed. “Mas malaki ang bahay nila Kenshi, Darling.”

Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang isingit ang pangalan ng kaibigan ko sa usapan namin ni AM kaso iyon naman ang totoo.

“Wala akong pakialam kung mas malaki ang sa kaniya.”

Humalakhak ako. “Of course not. Di hamak namang mas malaki ang sa akin.” I said, emphasizing the last two words in seductive way.

Nang masakyan niya ang ibig kong sabihin ay pinamulhan siya ng mukha na mas ikinahalakhak ko.

“Damn you, Saiyan.”

Marahan akong natawa at saka siya inakbayan papasok sa kabahayan.

“Halika. Pumasok ka.” aya ko sa kaniya.

“Nalulula ako sa bahay ninyo.” reklamo niya. “Bahay ba talaga ‘to? Parang mas angkop tawaging mansion.”

I chuckled. “Ang dami mong napapansin, Sweetheart.” Natatawang sabi ko. “Anong gusto mong kainin? Ipapahanda ko.”

Umiling siya habang pinapagala pa rin ang mga mata sa loob ng bahay. “Huwag na. Hindi ako nagugutom, Sai.”

“Okay. Halika, may ipapakita ako sa ‘yo.” Sabi ko.

Nagdududa siyang tumitig sa ‘kin pero nginitian ko lang siya na sinisigurong wala akong gagawing hindi maganda sa kaniya.

∽∽∽■■■∽∽∽

SIGRID’S POV :

Hindi na ako tumanggi nang hawakan ni Saiyan ang kamay ko at maglakad sa isang pasilyo patungo sa kung saan. Sa una nakaramdam ako ng pagkailang pero naisip ko naman kung gaano kabuting tao si Saiyan kaya nagpatangay na ako sa hila niya.

“Nasaan ang family mo?” Tanong ko.

“Katulad ng family mo, busy din sila sa trabaho. Ang kaisa-isang kapatid ko naman ay hindi ko tiyak kung nasaan na naman.” Tugon niya saka bumuntong hininga.

“Bakit hindi ka sumama sa Daddy mo katulad ng mga kapatid ko?”

Nginitian niya ako saka umiling. “I'm not into business, Sweetheart. May share ako sa company ng Lolo pero wala akong interes sa pagpapatakbo katulad nila Hopper at Grover.”

“Oh.”

“Yeah.”

Tumalikod siya sa ‘kin at humarap sa pintuan. He inserted the key into the keyhole and turned to open the door.

“Halika.”

Nauna na siyang pumasok, kasunod ako. It must be a darkroom dahil sa maraming larawang nakasabit.

“This is my darkroom.” Wika ni Saiyan na parang nahulaan na ang pag-iisip ko.

“Kuha mo ang lahat ng ‘to?” Tanong ko habang pinaglalandas ang daliri ko sa mga nakasabit.

“Yeah. Kuha ko ‘yang iba diyan since grade school.” tugon niyang nangingislap pa ang mga mata. “Pero may isang picture dito na hindi ako ang kumuha pero sobra kong pinahalagahan at iningatan.” Then he smiled at me again, flashing his perfect set of white teeth.

“It must be something very special.” i said in a low tone of voice dahil parang may bumara sa lalamunan ko.

“Someone very special.” seryosong saad niya na sa mata ko nakatitig. “Someone very close to my heart.”

Pilit akong ngumiti at tumango at naglakad palayo ng kaunti sa kaniya at muling binalingan ang iba pang mga nakasabit doon.

“You'll be a good photographer someday, Sai.” Sambit kong titig na titig sa dalawang magkatabing pictures ng isang batang babae at isang batang lalaki. Sa first picture ay mag-isa lang ang batang babae at sa second picture ay magkasama na sila.  “No. Scratch that. The word good is an understatement for your skill. Alam ko at sigurado akong mapapabilang ka sa mga pinakamahuhusay sa larangang iyon balang araw, Sai.” may pagmamalaking sabi ko habang titig na titig sa dalawang larawan.

Halos mapugto ang hininga ko nang mula sa likod ay yumakap sa ‘kin si Saiyan. Hindi ko alam kung paano ako kikilos nang ipatong niya ang kaniyang baba sa kanang balikat ko. Oh, god. Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaniya? Am i already in love with this man behind me?

“Thank you for boosting my confidence, Sweetheart. Alam mo bang ikaw ang bukod tanging nagsabi sa akin ng mga katagang iyon? Your words encouraged and overwhelmed me once again, April Miracle.” Naramdaman kong lumamig ng bahagya ang balikat ko na parang basa na. Umiiyak ba siya? “Mga salitang never kong narinig mula sa bibig ng pamilya ko.”

Huminga ako ng malalim at marahang humarap sa kaniya bagama't nasa baywang ko pa rin ang mga kamay niya.

And, God. He's really crying.

I tilted my head a bit. “You're crying.” sambit ko saka wala sa sariling itinaas ang dalawang kamay ko and using my thumb, i wiped off his tears.

“I'm sorry. Masiyado lang akong nadala ng emosyon ko saka masiyado akong komportable sa presence mo na kahit ang mga pinakatatago-tago kong emosyon ay wala na akong pakialam kung masaksihan mo.” aniya saka bumitaw sa ‘kin.

“Anything is possible if you have got enough nerve, Sai.”

He looked at me and nods his head. “Yeah, Halika na. Magbi-bake tayong dalawa ng favorite mong chocolate cake.”

“Marunong ka ba?” May pagdududang tanong ko.

“Hindi pa naman ako nakakasunog so i guess, Yes.” natatawang tugon niya saka nagsimulang lumakad.

“Saiyan Almonte.” Tawag ko sa kaniya na kaagad namang huminto at salubong ang kilay na tumingin sa ‘kin.

“Yes, Darling? Nag-aalala ka ba?” marahan siyang tumawa. “Marunong akong — ”

“Mahal mo ba talaga ako?”

seryoso ang tanong ko kaya sumeryoso na rin ang mukha niya.

“Yes.”

“Say it, Saiyan.”

“Hindi ko alam kung anong nangyayari O kung anong tumatakbo diyan sa isip mo ngayon, But, Sweetheart,” Humakbang sila pabalik sa ‘kin at hinapit ako sa baywang bago nagpatuloy sa pagsasalita. “I love you.”

Ngumiti ako at unti-unting yumakap sa kaniya at nagsumisik sa dibdib niya na pati ang mabilis na pagtibok ng puso niya ay naririnig ko na.

“Saiyan Almonte?”

“Yes again, Sweetheart?”

I giggled. “I love you, too.”

Tumingala ako sa kaniya para tingnan ang reaksiyon ng mukha niya pero nakaawang lang ang labi niya habang mariing nakatitig din sa ‘kin.

“H-Hindi ka nagbibiro?”

Umiling ako at hindi rin nagsalita instead, I tiptoed and kissed him on the lips and i could feel his warm breath now. Sweet Heaven!

∽∽∽∽

A/N : Natagalan ang update kaya pasensiya na. Na-busy lang ako nitong mga nakaraang araw.

Continue Reading

You'll Also Like

41.7K 3K 66
BOOK 2 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Teen Fic, RomCom, School "Ako si Leighra Hivary Aragon ang presidente ng Valdez International School...
4.8K 129 5
(ON-GOING) BAD BOY SERIES #2 Dulot ng pagkamatay ng mga magulang ni Shiyoon, namulat siya sa marahas at madilim na katotohanang nagtatago sa mundo. N...
1.1M 51.7K 66
[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.
878K 9K 57
Si Cassie ay isang NBSB. No Boyfriend Since Birth. So pano niya ipo-portray ang isang role na kung saan maiinlove siya sa kanyang bestfriend kung hin...