DOLLHOUSE

By -SHEENA-

7.4M 376K 958K

Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all so... More

DOLLHOUSE
The Trailer
Warning
Warning Part 2
The News
The Dolls
The Invitation
The Application
The Start
Dollhouse 001
Dollhouse 002
Dollhouse 003
Dollhouse 004
Dollhouse 005
Dollhouse 006
Dollhouse 007
Dollhouse 008
Dollhouse 009
Dollhouse 010
Dollhouse 011
Dollhouse 012
Dollhouse 013
Dollhouse 014
Dollhouse 015
Dollhouse 016
Dollhouse 017
Dollhouse 018
Dollhouse 019
Dollhouse 020
Dollhouse 021
Dollhouse 022
Dollhouse 023
Dollhouse 024
Dollhouse 025
Dollhouse 026
Dollhouse 027
Dollhouse 028
Dollhouse 029
Dollhouse 031
Dollhouse 032
Dollhouse 033
Dollhouse 034
Dollhouse 035
Dollhouse 036
Dollhouse 037
Dollhouse 038
Dollhouse 039
Dollhouse 040
Dollhouse 041
Dollhouse 042
Dollhouse 043
Dollhouse 044
Dollhouse 045
Dollhouse 046
Dollhouse 047
Dollhouse 048
Dollhouse 049
Dollhouse 050
Dollhouse 051
Dollhouse 052
Dollhouse 053
Dollhouse 054
Dollhouse 055
Dollhouse 056
Dollhouse 057
Dollhouse 058
Dollhouse 059
Dollhouse 060
Dollhouse 061
Dollhouse 062
Dollhouse 063
Dollhouse 064
Dollhouse 065
Dollhouse 066
Dollhouse 067
Dollhouse 068
Dollhouse 069
Dollhouse 070
Dollhouse 071
Dollhouse 072
Dollhouse 073
Dollhouse 074
Dollhouse 075
Dollhouse 076
Dollhouse 077
Dollhouse 078
Author's Note | Story Feedback Section
The Published Book

Dollhouse 030

64.8K 3.6K 7.2K
By -SHEENA-


"Flame, what's wrong?"

"N-nothing. Bakit?"

"You look strange. Para kang may nakitang patay."

"Huh? Ah. Hahaha. Hindi. May nakita lang akong... kakaiba kanina."

"What is it?"

"It's nothing, Alpha. Don't mind me. By the way, nandito ba sa dorm niyo si Gunner? May importante akong kailangan sabihin."

"Oh. Sayang hindi mo naabutan. Nagkasalisi kayo. He's with Babe. Dumaan sila dito pero umalis din agad. Nakita ko silang umalis gamit ang motor niya kani-kanina lang."

"Ah. Okay.... Uhhm.... Sige. Una na ko, Alpha. Pakisabi na lang na dumaan ako."

"Aalis ka kaagad? Kakarating mo lang. Dito ka muna---"

"Nagmamadali din kasi ako eh. Una na 'ko."

"Wait for me. Hatid na kita. Magsoot lang ako ng sapatos."

"H-huwag na! Kaya ko na."

"Pero gabi na. Delikado sa daan."

"Tss. Ako pa. Sila nga dapat matakot sa'kin. Ako ang delikadong makasalubong sa daan. Hahaha!"

"Alpha, sinong nandiyan?"

"Teka. Si Java ba 'yon? Aba siya nga! Hoy, Java! Bakit ka nandito sa boys dormitory?"

"Flame? Bakit ka din nandito---"

"Istorbo naman, Flame."

"At magkasama pa kayo ni Ichiro! Hoy, Ichiro! Bakit kayo magkasama ni Java?"

"Bakit? Bakit? Masama?!"

"Oo. Kayo ba?!"

"Oo---- aray. Huwag mo ko hampasin, Java. Grabe. Sadista. Nagbibiro lang eh."

"Hindi kami, Flame. Tara. Uwi na tayo. Sabay na ko."

"Hatid na namin kayo ni Ichiro."

"Oo, sama kami ni Alpha!"

"Pero ano muna ginagawa mo dito sa dorm nila, Java?! Baka kung ano isipin ng ibang tao kapag nakita ka dito. Maissue ka na naman sa Lancaster. Dami na nga issue ni Babe, baka pati ikaw magkaroon din."

"Aish. Hayaan mo sila. Sanay naman na tayong Decagon sa mga ganon."

"Pero ano nga ginagawa mo dito?"

"Pinapunta ako ni Ichiro."

"At bakit mo pinapapunta dito si Java, Ichiro?"

"Sa'min na lang 'yon, Flame. Our relationship needs privacy, you know?"

"Awit. Sana ol magaling mag-ilusyon."

"Anong ilusyon ka diyan? Kami nga sabi! Matagal na!"

"Utut."

"Kung ano-ano na namang words tinuturo sa'yo ni Gunner!"

"... At nagtalo na nga sila."

"Tara na nga!"

"Bakit ka nandito, Flame?"

"May sasabihin sana akong importante kay Gunner."

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o JAVA
  
 
Nanlalambot ang aking tuhod.

Sabi na nga ba at papalpak ang bato ko.

Bakit naman sa 5 pa talaga tumigil?

Bakit naman sa may ahas agad?

"Seryoso ba na papasok ako sa 05, guys?" tanong ni Flame. Natatawa siya. 'Yong tawa niya ay halatang kinakabahan na. Dapat kasi siya na lang ang tagabato ng die para ligtas siya eh. Bakit ba kasi naging ako bigla? Tsk. Lagot. "H-hoy, sagot. Ako ba talaga papasok sa 05?"

Nagkatinginan kaming walo.

Nagpapakiramdaman.

Paano 'to? Paano si Flame?

"Ako nalang papasok." sabi ko bigla. "Si Flame naman talaga dapat ang tagabato ng die namin eh. Ako nalang."

"Java, tumigil ka nga!" saway ni Ichiro.

"So ako nga?" ulit ni Flame.

Si Gunner ay mura na nang mura habang nakatingin sa cubicle 5. Mayroong ahas don. Malaki. Kulay itim. Sa ngayon ay nasa loob pa ng isang cage ang ahas na nasa loob. Bubukas kaya ang cage kapag bumukas na ang glass cubicle no. 05?

"Ako na lang." sabi naman ni Alpha.

Ugh! Paano ba 'to?

"Ano ba. Tumigil nga kayo!" sigaw ni Hera.

"Let's fucking end this dollhouse game. Umamin na kasi kung sino ang killer!" dagdag niya.

Bigla kaming nagkatinginan lahat.

May isang napalunok.

"What the hell is happening? Ano na ba pinaguusapan niyo?" tanong ni Flame na nalilito na. Napansin niya sigurong nagsisigawan na.

"Dorothy, ituro mo na kasi kung sino ang pumatay!" inis na sigaw ni Hera, desperada na. Nakatingin siya kay Dorothy na nasa loob ng cubicle no. 1. "Mauubos tayong lahat kung walang aamin. Nakikita mo ba ang ahas na 'yon? Mamamatay si Flame sa cubicle na 'yon!"

"Dorothy, please. Ituro mo na." dagdag ni Babe na naiyak.

Napalingon lahat sa kanya.

Nakaabang kaming lahat kay Dorothy.

Umiiyak siya sa loob ng glass cubicle.

Tapos umiling lang siya.

Napabuga ako ng hangin at napapikit na lang. I knew it. She's not gonna tell anything. Hangga't walang naamin sa'min, hindi matatapos ang larong 'to.

"Gunner, umamin ka na kasi." biglang sabi ni Ichiro. Naiinis ang boses. What the hell?

Tumalim ang mata ni Gunner at inis na sumugod. Inawat agad siya ni Flame. Hindi nagpaawat si Gunner, dumiretso parin siya. Kuyom na kuyom na ang kamao niya, handa na siyang suntukin si Ichiro.

"Gunner, ano ba, bakit ka nasugod?!" sigaw ni Flame.

"Ichiro, tangina, bakit ako na naman?!" sigaw ni Gunner.

Inis na lumapit din si Ichiro kay Gunner. Si Gunner naman ay pulang pula na sa galit. Pinapanood namin ang dalawa. Ang gulo gulo na.

"I saw you that night, Gunner. Duguan ang kamay mo. Pati damit mo puro dugo. Ikaw ang pumatay kay Prof. Azazel, di ba?"

Biglang hindi makasagot si Gunner, mukhang natigilan.

"Ichiro, bakit ba laging si Gunner?!" inis kong sabi tuloy.

"Huwag mo na siya pagtakpan, Java. Please naman. Nakita mo din siya noong gabing 'yon di ba?!" desperadong sabi ni Ichiro.

The spotlight is now on me.

Tsk.

Bakit ba kasi ang daming sinasabi ni Ichiro?!

"Wala namang pruweba na si Gunner 'yon, Ichiro!" inis kong sabi.

"No. I saw it. Same fucking night. Nandoon si Gunner! Duguan ang kamay niya at damit. Tumatakbo siya palayo. Nagmamadali. Natakas. Gunner, bakit nananahimik ka? Nasaan na ang mga mura mo? Murahin mo ko! Galit ka na, di ba?"

"Kaya ba si Gunner ang binoto mo din dati noong na nominate sila ni Claude?" tanong ni Hera at tumango si Ichiro.

Napasabunot si Gunner ng buhok. Naguguluhan na din siya. "Hindi mo naiintindihan!"

Pang-asar na tumawa si Ichiro. "Pero duguan ka noong gabing 'yon. Paano mo 'yon ipapaliwanag----"

"Okay. Okay. Aamin na 'ko!" sigaw ni Gunner.

What the hell?

Nanlalaki ang mata namin kay Gunner.

Nahuli ng mata kong napalayo si Hera kay Gunner bigla. Si Flame naman ay naguguluhan pero hindi na nagsalita. Si Dorothy ay naiyak sa cubicle 01. Lahat kami ay nakaabang kay Gunner.

"Oo na. Nandoon ako noong gabing 'yon. Galit ako. Galit na galit ako." panimula ni Gunner.

"Oo. Sinugod ko si Prof. Azazel. Galit ako sa kanya. Gustong gusto ko siya patayin. Sumugod ako noong gabing 'yon dahil sa matinding galit ko. Napuno na 'ko. Una ay dahil nawala si Cara. Siya dapat ang nasunog sa bahay na 'yon hindi ang kababatang kaibigan ko. Pangalawa dahil ginalaw niya ang mahal ko. Kumalat pa ang pang-gagago sa'kin ng lalaking 'yon. At pangatlo dahil muntik na rin niya galawin si Java."

"A-ano?" namutlang tanong ni Ichiro saka napalingon sa'kin.

Umiwas ako ng tingin.

Pati si Babe ay nanlalaki ang mata ngayon sa'kin.

"Oo, Ichiro. Muntik na si Java. Kaya ako napuno kasi tatlong babaeng importante sa'kin ang atraso ng lalaking 'yon. Oo na, Ichiro. Oo, sumugod ako. Oo, hinataw ko ang ulo ni Prof. Azazel. Totoo din na naging pangit ako lumaban maski sa underground. Oo, ginamit ko ang mga natutunan ko sa laban sa tarantadong professor na 'yon. Oo sa kanya ang dugo na nakita mo! Oo na!" inis na sigaw ni Gunner.

"Ako na! Sige na! Ako na pumatay!"

Binalot kami ng katahimikan.

Biglang tumawa ang pusa sa screen.

Tapos pumalakpak siya nang dahan-dahan.

"Let's continue the game before I get mad and kill everyone at the same time." natatawang sabi ng pusa.

Ano?!

"Ako na ang pumatay! Itigil mo na ang laro! Itigil mo na ang kahibangan na 'to!" sigaw na naman ni Gunner.

Napapikit ako.

Ang bilis ng puso ko.

Naiiyak ako.

No. Naiiyak na kaming lahat.

We don't want to lose a friend anymore.

"AKO ANG PUMATAY! TUMIGIL KA NA!" galit na sigaw ni Gunner sa screen. Pulang pula siya sa galit.

"Gunner, ano ba sinisigaw mo?" naiiyak na sabi ni Flame saka pilit pinapakalma si Gunner.

"Shhh. I still want to play. We're not even warming up my game." masungit na sabi ng pusa.

"Doll 06, Flame, please go to cubicle no. 05." sabi ng pusa.

Biglang lumabas sa screen ang sinabi niya.

Nabasa iyon ni Flame at naintindihan na na siya talaga ang papasok sa ikalimang glass cubicle.

Naiiyak siyang tumango pero agad siyang hinila ni Gunner!

"Hindi ka papasok sa loob, Flame." inis na sabi ni Gunner. "Walang maglalaro sa grupo natin. Walang Decagon ang maglalaro."

Sunod sunod kaming napapalunok sa kaba sa nangyayari. Gunner is so furious, you can sense his madness. Pulang pula ang kanyang leeg. Matalim ang titig ng kanyang mata.

"Gunner, don't make me mad." sabi ng pusa.

"Dorothy, lumabas ka diyan." sabi ni Gunner. Si Dorothy ay nasa loob ng cubicle no. 01.

"Gunner..." sabi ng pusa ulit.

"Dorothy, labas!"

Sinubukan buksan ni Dorothy ang cubicle, kaso hindi gumana. Shit. Nalock ata siya sa loob.

"Gunner, this is my last warning." sabi ng pusa.

Nagtilt muli ang ulo ng pusa.

Wait.

That's what the cat did before he----

"No. We're not going to play your game anymore, asshole!" sigaw na naman niya. "Ako sabi ang pumatay! Bakit hindi mo na itigil?!"

"Gunner, tama na----" naputol ang sinasabi ko nang biglang may sumigaw sa'min.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Naputol ang paghinga ko sa pagsigaw na 'yon. Nagbabagsakan ang aking luha nang nilingon ko siya.

"A-Alpha, no....." naiiyak na sabi ni Hera at nanlalaki ang mata.

Agad na hinila ni Ichiro si Hera na akmang lalapit kay Alpha na napaluhod sa sahig. Kislap nang kislap ang bakal na suot niya.

"Tama na!" naiiyak na sigaw namin.

"I told you, one wrong move, he's dead." natatawang sabi ng pusa.

Malakas na pinaghahampas ni Dorothy ang glass cubicle na nagkukulong sa kanya. Si Ichiro ay hinihila si Hera palayo. Si Gunner ay namutla at narealize ang warning ng pusa sa kanya kanina. Si Flame ay napaluhod na lang. Si Babe ay humahagulgol na.

"You saw everything, Alpha. You were with the killer that night. Why are you so silent? Has the cat got your tongue?" said the cheshire.

Malakas na daing ni Alpha ang bumalot sa malaking lugar.

He doesn't deserve this.

"Alpha..." tawag ko saka lumapit sa kanya.

"Java, huwag!" sigaw ni Ichiro.

"AHHHHHHHHHHH!"

Matapos ang matinding sigaw ni Alpha ay may kumislap nang malakas na nagpasilaw sa'kin..... at may narinig kaming pagsabog.

  
 
 
TO BE CONTINUED.

── ♡├o sheena's note:
waahhahahahahahaa!
bukas next update XD
monday na naman bukas.
katamad  (╯°Д°)╯︵ ┸┸

Continue Reading

You'll Also Like

14.1K 860 25
Ichinose Harumi is having a hard time on her new environment- Japan. She admits that she's not accustomed to live there because if she had a choice...
500 140 14
A series of poems that tells a single story. A person whom you treated as a friend, but then suddenly, a sudden breeze hits your face, and you reali...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
7.4M 376K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...