Perfect Imperfections : Jazz

By lazulislapiz

485K 16.7K 1.2K

In contrast of his name, he was the son that never rest. He was the one whom you can't be tame. The rebel. Th... More

Synopsis
Lone
Amazon
Memory
Malice
Meeting
Ward
Growing (mild spg)
Decision
Tactics
Unexpected
Spark
Give
Vivid
Toss
Absence
Brewing
Rage (mild spg)
Awareness (mild spg)
Excitement
Snatch
Business
Irrational
Insists
New
Chain
Work
Snippet
Event
Traces
Plan
Insists (Mild Spg)
Feral(mild spg)
Pause (Mild spg)
Give in (SPG part 1)
Sharing (SPG part 2)
Lay out
Move (mild spg)
Prepare (spg)

Choices

8.5K 362 33
By lazulislapiz


Chapter 13:

Layana's POV:

Nanlaki ang mga mat niya sa sinabi ng mag ina sa harapan niya.

Tama ba siya ng dinig?

"Teka lang ho ah, mawalang galang na po, pero ang lupang ito ay sa mga magulang ko at dahil nawala na sila ay ako ang tumatayong--"

Napatigil siya sa pagsasalita nung biglang may inilabas itong papel sa harap niya.

Kumunot ang noo niya.

"Ayan, nandiyan ang katibayan na naisangla sa akin ng mga magulang mo ang lupang ito bago sila namatay...ayan, tingnan mo ang pirma" sabi nito at agad niyang kinuha iyon.

Nakasaad sa kasulatan na naka sangla nga ang lupa at nakapirma doon ang pangalan ng tatay niya.

Agad niyang tiniklop ang sulat at iniabot sa mga ito.

"Pasensya na po pero hindi po ako naniniwala diyan...makakaalis na kayo" malamig pa sa yelong sabi niya, tinignan niya ng masama ang mga ito.

Kung ginagawa ng mga iyon para mapakasalan niya ang kababata ay nagkakamali ang mga ito.

"Hoy! Hindi ka naniniwala? Aba at bastos ka huwag mo akong mapa alis alis dito--" natigil ito sa pagduro sa kanya nung bigla niyang hinawakan iyon at ibinaliko.

"Gumagalang po ako sa mga nakakatanda sa akin, at hindi po ako naniniwala sa kasulatan na 'yan lalo at alam kong ang anak ninyo ay may 'pakay' sa akin" malamig niyang turan.

Kailangan niyang maging marahas dahil kahit hindi siya sigurado kung nagsisinungaling ito ay wala pa rin itong karapatan na duruin siya at bastusin.

At hindi din siya pamilyar sa pirma ng tatay niya at kung totoong pirma nito iyon, kailangan na muna niyang pag aralan ang lahat ng bagay.

At hindi siya papayag na maargabyado at maloko ng mg taong nakapaligid sa kanya.

"Akala mo ba ikaw lang ang maganda dito--"

"Nay siya po talaga ang pinakamaganda dito" basag ng katahimikan ng kababata niya.

Tinignan niya ng masama ang mag ina.

Noon pa man ay ayaw na sa kanya ng nanay ng kababata niya, hindi lang niya pinapansin ito dahil hindi naman naituro ng magulang niya ang pumatol at maging bastos sa nakakatanda sa kanya.

"Tumahimik ka diyan!" sikmat nito sa anak.

"Umalis na po kayo, bago ko pa po makalimutan na tao kayong tinanggap sa bahay ko" malamig niyang turan at humigpit ang hawak niya sa armas.

At kita niyang namutla ang nanay ng kababata niya at lumunok ito.

"Isa" bilang niya.

"H-huwag mo akong bilangan!" at napansin niyang nautal na ito.

"Nay umalis na muna tayo" sabi ng kababata niya.

"Dalawa!" matigas niyang patuloy.

"Hindi pa tayo tapos, kukunin ko ang lupang ito--"

Itinaas niya ang hawak at agad na umalis ang mga ito sa bahay niya.

Halos manginig naman siya sa galit at agad niyang isinara ang pinto ng bahay at agad na uminom ng tubig para makalma niya sarili at para makapag isip.

Agad siyang pumasok sa kwarto at agad na hinanap ang mga dokumentong may pirma ng tatay niya.

At agad niyang tinignan kung may kopya ba ang tatay niya sa ipinakitang papeles ng nanay ng kababata.

At agad siyang nakakita ng may pirma ng tatay niya at inaalala ang itsura ng pirma ng nandoon kanina.

Oo, naalala niyang may pagkaka pareho pero hindi siya sigurado, at wala siyang makitang kung anong kopya ng anumang kasunduang naganap sa pagitan ng mga ito.

Nasapo niya ang ulo.

Agad siyang nag isip.

Tama.

Kung may mga ganitong bagay, dapat ay may saksi kung legal ang transaksyon.

Pero hindi niya agad nakita kanina kung may nakalagay na pirma ng kung sinong saksi, dahil biglang ibinalik na niya dahil hindi siya naniniwala.

Napatigil siya.

Alam kaya ng kapitan nila kung may naganap na ganito?

Agad siyang pumunta sa kapitan, pero nandoon na nung naalala niyang kasama ng kapitan si Jazz.

Nasapo niya ang ulo.

Sino ba ang pwedeng tanungin niya?

Alangan namang babalikan niya ang mag nanay at tanungin ang mga ito? Baka bigla kasing dumilim ang paningin niya at iba ang magawa niya.

Bumalik siya sa bahay at saka lang niya naalala na may trabaho pa pala siyang gagawin.

Pero buong araw na ang tungkol sa lupa ang nasa isip niya at kung ano ang gagawin niya.

Bumuntong hininga siya.

At ngayon ramdam na ramdam niya na kailangan niya ng kausap at kadamay sa mga ganitong sitwasyon.

Kumusta na kaya si Jazz? Wala kaya siyang anumang sakit sa loob ng ulo niya?

Bumuntong hininga siya.

At ngayon niya aaminin...namimiss na niya ito.

--

Ang isang gabing hindi pag uwi ni Jazz ay nauwi sa dalawa...ikatlo...hanggang sa umabot na sa isang linggo.

Nung hindi pa umuuwi si Jazz ay agad niyang pinuntahan ang kapitan para tanungin kung bakit hindi ito umuwi pero ang tangin naisagot lang ng kapitan ay hindi nito alam.

Hindi na niya agad naiisip ang kasalukuyan niyang problema dahil nag aalala siya dito.

Naitutop niya ang kamay sa noo dahil ang kasulatan na hawak ng mag nanay ay totoo.

At totoong nakasangla talaga ang lupang kinatatayuan ng bahay niya.

Pero kumusta na kaya si Jazz?

Ang dating pagka miss niya dito ay nauwi sa pag aalala...at nauwi sa inis.

Hindi niya alam kung ano na ang nangyari dito.

At kung ano ang lagay nito.

Hindi iilang beses na gusto niyang pumunta sa kabilang isla pero nananaig ang takot niya at pangamba.

"Layana!" isang sigaw ang pumutol sa pag iisip niya.

Agad siyang sumilip at nakita niyang ang kapitan ang humahangos.

"Ano po 'yon?" tanong niya dito.

"May sulat ka, galing kay Jazz" sabi nito at siya lang ba o parang malapit ito kay Jazz?

Simula kasi nung unang humingi ng tulong si Jazz dito tungkol sa mga damit ay laging ang mga ito magkasama at sa kung saan ang mga ito pumupunta?

Pero bakit naman magiging malapit ang mga ito?

Agad niyang binasa ang laman ng sulat.

Napakurap siya sa pagpapasalamat nito at ayos lang ito...iyon lang ang tanging laman ng sulat.

At hindi nito sinabi sa sulat na kung kelan ito babalik.

O kung babalik pa ito.

Sa palagay niya ay nakabalik na ang memorya nito.

At hindi sinasadya ay napahikbi siya sa hindi malamang dahilan nung nabasa niya ang huling bahagi ng sulat.

"Till we meet again..."

Para kasing sa bahaging iyon ay hindi na niya ito talaga makikita.

At parang gusto niyang umiyak?

Nung huling magkita sila ay parang gusto pa nitong magpasama sa kanya, siya lang itong maarteng hindi sumama.

At hindi na niya napansin na sunod sunod na palang pumatak ang luha niya sa mga mata.

At impit siyang napapahikbi sa loob ng bahay niya.

Hindi niya alam kung ilang sandali siyang umiiyak lang ng umiiyak dahil sa pagsisisi.

Hindi niya agad napaghandaan na sinasasabi niyang huwag siyang umasa dahil magkaibigan sila pero umasa pa rin pala talaga siya.

Natigil siya sa pag iiyak.

At doon lang niya napagtanto na gustong gusto niya si Jazz.

Pero wala na ito at mukhang hindi na babalik pa.

Pero hindi naman niya ito pwedeng bawalan na tumagal dito, may sarili itong buhay.

Habang siya...dito na lang.

Lalo siyang napaiyak.

Ngayon na nga lang siya magka gusto sa lalaki....sawi pa siya.

Ano na ngayon ang gagawin niya?

Iginala niya ang tingin sa buong bahay.

Hindi na nga babalik si Jazz...mawawalan pa siya ng tirahan?

Saan siya pupunta?

Naisip niyang lumuwas na pero natatakot siya...at nandito ang buhay niya...at ang naiwan ng mga ito.

Ang bahay nila...at siya.

---

Kinabukasan ay bisita na naman niya ang kababata.

Araw araw pumupunta ito sa bahay niya.

Para kulitin siya.

Pero ngayon iba na, siya na mismo ang tumawag dito.

"Payag ka na?" hindi makapaniwalang tanong nito.

Mabigat sa loob na tumango siya.

At doon ito nagsisisigaw na parang nanalo sa lotto.

"Salamat! Salamat!Hindi ka magsisisi!" akmang hahalikan siya nito pero agad siyang umiwas.

Parang buong pagkatao niya at kaluluwa ang umiwas na mapadikit dito.

"Kahit na pumayag ako, hindi ibig sabihin niyon na papayag na akong mahalin ka" malamig niyang sabi.

Isang plano kasi ang nabuo sa kanya.

Unti unti ay babayaran niya ito.

Basta ang mahalaga ngayon ay hindi mawala sa kanya ang bahay nila.

"Papaibigin kita, Layana...pangako 'yan" sabi nito.

"Hindi mangyayari yan" matigas niyang sabi.

Kahit na pumayag siya ay hinding hindi iyon mangyayari.

Malungkot itong umalis sa kanila, bumuntong hininga siya, minsan ay naawa na din siya dito, pero hindi niya pwedeng mahalin ito.

Hindi niya pwedeng lokohin ang sarili.

Bumuntong hininga siya at agad na pumunta trabaho niya sa eskwelahan.

Pero pagkauwi niya ng hapon ay isang pamilyar na bulto ang nakita niya.

--

(A:N)

goodnight!

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 61.1K 178
In which Ran keeps receiving text messages from a guy named Nix, who is obviously head over heels and courting a girl named Bea. *** will she choose...
57.3K 3.9K 11
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
137K 83 48
R18