Intricate

By NnahJanexz

57.6K 1.3K 160

HIGHEST RANK: #12 in Teen Fiction CURRENTLY EDITING EVERY CHAPTERS Isang simpleng babae lamang si Chriscely D... More

NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chaper 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 37

607 18 3
By NnahJanexz

Heartbeat

Unang dating namin sa siyudad ang unang napansin ko ay ang mga pananamit ng mga babaeng katulad ko. Mas revealing pa nga ito kesa sa suot kong black dress.

Maraming tao na may kanya kanyang gawain. Iba't iba at napakaraming sasakyan na nagdudulot ng traffic.

Nakatayo ako ngayon sa isang sikat na korean restaurant. Dito ko napagdesisyonang huminto. Nasa likuran ko si Clevor. Hindi ko parin siya kinakausap. Pero alam ko sa sarili kong panatag ang loob ko't may kasama ako ngayon kahit papaano. Ni hindi ko nga alam kung anong lugar ito.

"Anong lugar 'to?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na siya nilingon pa't patuloy lang sa pagmamasid sa paligid.

Tumabi siya sa akin. "We're in Manila."

My lips formed in O. So... ito ang Manila? Malaki nga. Nakakahilo kapag wala kang alam.

Inayos ko ang sunglass na suot at cap. Maraming napapatingin sa akin sa hindi malamang dahilan. From head to toe, toe to head. Hindi ko alam pero mas nagiging confident ako sa mga tingin nila. Hindi ako naiilang. Siguro sanay na ako noon pa? Noong hindi pa ako nakakalimot.

"Saan mo gustong pumunta?" he asked me. Kita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatingin siya sa akin. Hinihintay ang magiging sagot ko.


Napaisip ako. Parang ginugutom kasi ako. Total, nasa tapat naman na kami ng isang korean restaurant, dito nalang kami kakain. Bigla nalang kasi akong nagcrave sa korean food.

"Follow me." tanging sagot ko sa kanya't naunang maglakad.

Pagpasok ko sa loob, nagulat ako kasi malaki pala ang restaurant na ito. Sa labas kasi kanina akala ko simple lang at hindi gaanong malaki. Pero pag nakapasok ka na pala sa loob ay sobrang ganda. Parang feel mo na nasa korea ka kumakain. Ang dami ring tao. Pero malaki siya kaya hindi siksikan tignan. Marami pa ang mga upuang bakante.

Naglakad ako papuntang likuran. Doon malapit sa glass wall. May desinyo ito ng mga vines sa labas. Maraming nakasulat na korean words sa dingding at sobrang namamangha ako kasi hindi mo ito makikita once na hindi mo talaga lalapitan. Sayang nga lang at hindi ko maintindihan ang words na nakasulat.

"Here Audrey." iniabot niya sa akin ang menu. At first hindi ko siya na gets kaya nagtitigan kami. Pero sa huli kinuha ko ang menu mula sa kanya.

But hell! Naaawa ako sa mukha ko ngayon. I look like a kidnapper na naghahide ng identity! I am still wearing the cap and sunglass that Mommy gaves to me.

Unang hawak ko palang sa sunglass ko para kuhanin ito ay nagsalita kaagad si Clevor. Sobrang nag-aalala sa kung ano mang balak ko. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka. Ang OA na eh.

"Stop it Audrey." hinawakan niya ang kamay ko bilang pagpigil.

Tumaas ang kilay ko. "Why? OA mo." kukuhanin ko sana ulit nang pinigilan nanaman niya ako.

Umiling-iling siya. "Please.."

Kumunot ang noo ko. He is begging me. Really.


"Bakit ba?" malapit na akong mainis.

"T-That's, what Tita told you. Right?" nag-iwas siya ng tingin sa akin at ngayon ay nasa menu na ang atensyon.

Tss. Bahala ka diyan.

Kinuha ko ang sunglass ko ng walang kahirap hirap. Even my cap. Kinuha ko ang dalawang bagay na nagtatakip sa mukha ko.

Napaangat ng tingin si Clevor. Unang ginawa niya ay ang pagtingin tingin sa paligid na parang may hinahanap. Naging balisa tuloy siya.

"Clevor.." tawag ko sa kanya. Hindi kasi siya matigil sa kakalingon sa paligid. Balisang balisa siya. "Natatae ka ba?" walang preno ang bibig ko.

"W-What?" nanlalaki ang mga mata niya sa akin. Hindi inaasahan ang tanong kong iyon.

"You look constipated." ngumisi ako. Hindi ko maiwasang matawa sa mukha niya. Namumutla siya habang nakatingin sa akin na hindi ko alam.

"P-Palit tayo ng upuan." agad siyang tumayo kahit na hindi pa ako pumayag. Sapilitan niya akong pinaupo sa upuan niya.

Naguguluhan ako. "Clevor, kung natatae ka dumiretso ka sa comfort room." naiiling akong tumitig sa kanya. Ngayon ang kaharap ko nalang ay ang wall ng restuarant.

"I'm not Audrey." seryoso niyang sabi sa akin.

"Palit nga tayo ng upuan! Ako nauna diyan eh. Tsaka, hindi ako komportable. Gusto ko 'yung makita ang mga taong pumapasok---"

"No." matigas niyang sabi. "I'll call the waiter." may kung anong pagtatapos sa usapan ang tono sa pagkakasabi niya sa akin.

Ngumuso ako. Hanggang sa dumating ang waiter. Naisabi na namin ang aming order nang biglang mapansin at pagmasdan ako ng waiter.

"Parang nakita na kita Ma'am." ngumiti ito sa akin at naningkit ang mga mata niya na parang may inaalala.

Kumunot naman ang noo ko. Hindi ko siya kilala. Nakalimot ako kaya sobrang imposibleng makilala ko siya. Mommy ko nga nakalimutan ko siya pa kaya.

"Kasama ba sa trabaho mo ang makipagchismis sa customer niyo?" malamig na tinitigan ni Clevor ang waiter na nagpalunok dito sa nerbyos.

"S-Sorry po S-Sir. Ma'am! Paumanhin p-po. Nagkamali lang ako." dali dali itong umalis sa harap namin.


Nang makaalis ang kawawang waiter ay tinawag ko si Clevor. Kanina habang nasa harap pa namin ang waiter ay parang may kakaiba talaga kay Clevor. 'Yung tipong sobrang protective niya sa akin.


"Ang harsh mo." tinitigan ko siya. Naningkit ang mga mata ko.


"Tama lang 'yun sa kanya. Nagtatrabaho dapat siya hindi nakikipagchismisan." matigas niyang sabi sa akin.

Nagkibit balikat ako.  "Sabi mo eh."

Palalampasin ko nalang. I don't want to ruin the mood.

Matapos naming kumain ay napagpasyahan kong pumunta ng mall. Inaayos ko ngayon ang bag na dala ko nang magsalita si Clevor. Hindi pa kami nakakalabas ng resto.


"Wear those." itinuro niya ang sunglass at cap na ipinatong ko sa upuan ko para hindi niya makita at kunwari ay nakalimutan ko.

Napapikit ako sa inis. Argh! Wala akong takas.

"Fine!" hinablot ko ang mga ito at isinuot saka padabog na lumabas ng resto. Sumunod naman siya sa akin.


Ang bilis ng bawat hakbang ko. Nagpapasalamat ako't hindi ako nag heels. Nakawhite shoes lang ako. Bagay naman sa damit ko.

"Saan ang mall dito?" tanong ko sa kanya nang medyo nakapaglakad na ako ng malayo.

"Malayo pa. Kailangan natin sumakay ng taxi."

"Humanap ka ng taxi." nagtataray parin ako. Napapairap nadin. 'Yun nga lang hindi niya makita dahil sa suot kong sunglass. Argh! Para akong kidnapper talaga!

"Yes Miss." kumindat siya sa akin kaya mas lalo akong napairap. Napakapilyo!

Nakarating kami sa mall ng walang kahirap hirap. It is more crowded. Ang daming taong palakad lakad lang. Masasayang nag-uusap at may kaniya kaniyang gawain na parang walang iniindang problema. May mga group of friends din akong nakikita. Sobrang saya nila habang nagsasama. Nagselfie pa sila at nagtatawanan.

Ganiyan rin kaya ako noon? Marami rin kaya akong kaibigan? Masayahin ba akong tao?

Napatingin ako kay Clevor sa tabi ko. Tahimik lang siya habang tinitignan din ang tinitignan ko.

"Clevor." tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at hinihintay ang sasabihin ko. Huminga ako ng malalim. "Ganiyan din ba ako noon?" ibinalik ko ang tingin sa magtotropang patuloy na kumukuha ng litrato ng isa't isa.

"Ha?" hindi ko siya nilingon pero alam kong naguguluhan siya sa akin.

"Ganiyan din ba ako noon? Maraming kaibigan?" itinuro ko ang magtotropa na ngayon ay naglalakad na papalayo sa amin. Anim silang lahat.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Kumurap kurap. "Y-Yes."

Tumango tango ako. "Hmm.. I wonder kung nasaan na sila. Can I call them? Alam mo kung sino sino sila?" ngumiti ako.

Tama! Bakit ngayon ko lang 'to naisip? Malamang may alam sila tungkol sa mga kaibigan ko. At gusto ko ulit makita ang mga kaibigan ko kung maaari.

"A-Ano? Bakit naman?" hindi parin siya makatingin sa akin.

"Well.." nagsimula akong maglakad. "Parang may namimiss kasi akong tao. Hindi ko maalala pero alam ko sa puso kong meron. Siguro... mga kaibigan ko."

Parang may kung anong lungkot akong naramdaman sa aking puso. Parang may kulang. Pero ang isip ko, walang imaheng ipinapakita. Kahit imahe nalang ng isang tao. Kahit isang tao nalang na nagmula sa mga kaibigan ko.

"May contact ka ba sa kanila?" I wonder kung kilala nga ni Clevor ang mga kaibigan ko.

"W-Wala." hindi na siya makatingin sa akin. Nasa gitna kami ngayon ng mall pero wala masyadong tao kasi busy sila sa kakapasok sa bawat shop.

Hindi ako makapaniwala! Awang ang labing napatitig ako sa kanya. Seriously?! Wala siyang contact sa mga friends ko? Wait... ano ko ba siya?

Lumapit ako sa kanya. Umatras siya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Nagulat siya sa ginawa ko pero wala siyang magawa kundi ang magulat nalang at titigan ako. Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"Ano ba kita Clevor? Ano tayong dalawa?" please answer me honestly. Ayoko ng kasinungalingan.

Nagpeke siya ng tawa. Sinusubukan niyang pagaanin ang sitwasyon. Naging mabigat kasi dahil sa uri ng titig ko sa kanya at sa tanong na binitawan ko para sa kanya.

Marami akong katanungan sa sarili ko. At ayokong kasinungalingan lamang ang magiging sagot doon.

"Audrey.." he is stopping me. Ayaw niya akong sagutin.

Tumawa ako. "Tss. Hindi naman pala tayo. Pero kung umasta ka parang mayroong tayo."

Nauna ulit akong maglakad. I've made up my mind. Hindi na ako magtatanong pa. Nahahalata ko naman kasi. Tanong ako ng tanong pero ang mga nakikita ko lang sa mga mata nila ay pag aalinlangan sa mga kasagutang nais ko. Ganun din si Mommy. At hanggang ngayon ay tinatanong ko parin ang sarili ko kung anak niya ba talaga ako. Wala kaming pagkakapareho. She's so very beautiful to become my Mom.

Ako nalang mismo ang hahanap ng mga kasagutan. Siguro, hihintayin ko nalang ang oras na makakaalala na ako. Hindi ako magmamadali. Maghihintay ako. Hindi ko pipilitin si Mommy at Clevor na ikwento sa akin kung sino ako noon. Ako mismo ang kilala sa aking sarili. At kapag nakauwi na kami ng beach house, aalis ako at pupunta ulit dito ng mag-isa. Hahanapin ko ang iba pang mga taong nakakakilala sa akin.


Pumasok kaming sinehan. Pinili ko ang horror na palabas. Gusto ko 'yung may thrill. Ayoko ng mga masyadong cheesy na palabas. Mabuti pa 'tong horror nakakapagbibigay ng sari-sari't emosyon sa bawat manonood.

Naupo kami sa pinakalikod. Gusto ko dito kasi hindi masyadong malaki 'yung screen. Tsaka masakit sa mata kapag sobrang lapit. Ang laki kaya ng screen!

Hindi parin kami nagkikibuan ni Clevor. Hindi ko alam pero parang nagkaroon ako ng gap sa kanya. Parang nawalan ako ng tiwala. Kasi nga hindi ko sila kilala. Sila kilala ako tapos ako hindi ko sila kilala. Kaya sobrang hirap sa akin na ibigay lahat ang tiwalang meron ako para sa kanila.

I took off my sunglass and cap. Natural! Manonood ako ng sine. Hindi magnanakaw at magkikidnap. Kapag hindi ko kinuha, parang mas ako pa ang magmumukhang horror dito kesa sa palabas.

Hindi pa patay ang ilaw kaya nang tignan ko si Clevor ay kitang kita sa mukha niya na tutol siya sa ginawa. Pero nanatiling tahimik nalang siya at hindi na nagprotesta pa.

Nagsimula namang pumasok ang mga tao. Kinuha ko ang suklay na nasa bag ko at nagsimulang magsuklay. Pero parang bigla akong nakaramdam ng pagkaihi kaya tumayo ako't pupuntang cr.

"Saan ka pupunta?" hinawakan ni Clevor ang kamay ko. Napatingin ako doon kaya agad niyang binitawan. Para siyang napaso sa malamig kong tingin sa kanya.

"Cr. Huwag mo kong sundan. Babalik ako." sabi ko't umalis na kahit na hindi naririnig ang gusto niya pang sabihin. Alam kong gusto niya akong samahan pero nakita niya sa mga mata ko ang malamig na pagtrato ko sa kaniya.


Pagkarating sa cr ay inayos ko ang sarili. I put lipstick on my lips. Red lipstick pero light lang. Bumagay naman ito sa maputi kong kutis.


I stare at my safe in the mirror. I am beautiful I know that. I looked like a korean kapag naglagay ako ng bangs. Pero siyempre nananaig pagiging pinay ko.

Lumabas ako ng cr. Nang may mabunggo akong lalaki. Sobrang sakit ng ulo ko na tumama sa braso niya. Ang tigas! Nakakainis!

"What the hell?! Are you blind?!" galit kong sigaw sa lalaki. Ni hindi ko siya tinignan at hinawakan ko ang ulo kong masakit parin.

Iniangat ko ang tingin ko sa kanya't nalaglag ang panga ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko na parang hindi ako makahinga. Siguro dahil sa galit ko. Oo tama. Galit ako kaya ganito ang nararamdaman ko.

Pero shet!

ANG GWAPO!

He is so freaking handsome! Pero mukhang suplado.

Kumunot nga lang ang noo ko nang makita ang ekspresyon sa mukha niya. Parang nakakita siya ng multo. Nakatitig lang siya sa akin. 'Yung kilay niya ay nagsasalpukan parin pero 'yung chinito niyang mga mata ay nanlalaki dahil sa gulat.

"What's wrong with you Mister?" ako na ang nagbasag ng katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.

Natauhan siya at kumurap kurap. Malamig na tingin ang ipinukol niya sa akin.

"How are you?"

Sa sobrang manly ng boses niya ay halos mangisay ako sa kilig. Ang gwapo! Pero cute din siya. Parang badboy. Playboy!

'Yun lang! Tanungin ba naman akong how are you. Siyempre hindi ako okay! Banggain ba naman ang isang maliit na tulad ko ng isang malaking tulad niya. Siyempre hindi ako magiging okay!

Turn off!

"You looked..." hindi niya madugtungan ang sasabihin. Imbes ay pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Uminit ang pisngi ko. Kanina sa daan, maraming napapatingin sa akin pero hindi manlang ako naaapektuhan pero sa lalaking ito... namumula ang pisngi ko. Sobrang grabe kung tumingin!

Manyak!

"MANYAK!" naisigaw ko sa pagmumukha niya.

Hindi ko alam pero bago ko paman siya talikuran ay may nakita akong multo ng ngiti sa mga labi niya. Mas lalo akong ngalit. Dagdag pa 'tong puso kong hindi ko maintindihan! Parang abnormal sa pagtibok!

Iiling-iling akong umalis sa harap niya't papasok na sana sa loob ng sinehan nang magsalita siya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang lalabas na ito sa sobrang bilis ng tibok.

"Wait---" naputol ito nang may babaeng biglang tumabi sa kaniya.

Nasa madilim na ako ng bahagi ng sinehan kaya hindi na niya ako makita. Nagtago ako sa pintuan na bahagyang nakabukas.

I saw a girl. She's pretty pero mukhang bitch. Mataray siya at maarte unang tingin mo palang. She's wearing a dark lipstick na nagpadefine sa bibig niyang makapal. Bumagay naman ito sa kaniya.


Ipinulupot niya ang kamay sa mga leeg ng lalaki at hinalikan ito ng mabilis sa mga labi. Ang lalaki naman ay nanatiling nakatingin sa babae. Nakita kong hinawakan niya ang kamay ng babae at magkaholding hands na sila. May narinig akong tilian sa kung saan at mukhang kinikilig. Siguro sikat silang dalawa. Artista ba sila? Ang sweet tingnan. Simpleng gesture lang ng lalaki at hindi siya masyadong clingy. Ang babae naman ay halos magmukhang ahas na sa kakadikit sa lalaki. Habang tinitingnan ko silang dalawang magkasama ay parang may kung anong sakit, bigat at sama ng loob akong naramdaman. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ni hindi ko sila kilala.

I don't even know that guy. Ni wala akong naramdaman kanina kundi galit. Galit dahil nabangga niya ako. Bumilis ang tibok ng puso ko kanina dahil galit ako. Tama dahil galit lang ako. Walang ibig sabihin 'yun. Wala.

---

-NnahJanexz

Continue Reading

You'll Also Like

618K 15.7K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya AΓ±asco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
25K 531 38
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...