SCANDAL MAKERS

By maricardizonwrites

484K 16.6K 678

Dalawang dekada na sa show business si Alice De Dios. Hindi man halata sa kaniyang pisikal na hitsura ay mala... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52

Part 10

9.4K 348 21
By maricardizonwrites


Hindi maialis ni Alice ang mga mata sa lalaking nasa stage. Nakaharap sa lamesa nila ang posisyon ng nagpa-piano at nakatutok ang spotlight sa lalaki kaya sigurado siya na hindi siya nagkakamali ng tingin. Si Aki talaga ang tumutugtog ng piano.

Kung ganoon, tama siya ng hinala noong narinig niya ang tunog ng piano sa unit ng binata na tumutugtog ito sa music bar na iyon. Ito ba ang trabaho niya? Nawala na ang antok ni Alice at napunta na kay Aki at sa musika ang buong atensiyon niya. Pamilyar ang melodiya ng tinutugtog ng binata. Ilang sandali ang lumipas bago niya napagtanto na piano version pala iyon ng isa sa mga paborito niyang pop song. Hindi niya naisip na ganoon pala kaganda ang tugtog na iyon kapag hindi upbeat at piano lang ang tugtog.

Bukod doon ay may kakaibang aura si Aki habang nakaupo sa harap ng piano. Jeans, t-shirt at black blazer lang ang suot ng binata. Ang buhok nito ay mas mahaba na kaysa noong huli niya itong nakita. Ngayon lang nalaman ni Alice na medyo alon-alon pala ang buhok ni Aki kapag ganoong hanggang batok ang haba. Bahagyang nakayuko ang lalaki at para bang damang dama nito ang bawat melodiya ng musikang iyon. He was mesmerizing.

Nang matapos ang musika ay narealize ni Alice na hindi lang siya ang ganoon ang opinyon. Malakas kasing nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Napakurap siya at iginala ang tingin sa mga lamesang pinakamalapit sa stage. Umangat ang kilay niya nang mapansin na puro babae ang umookupa sa mga lamesang iyon at lahat ay may kakaibang ngiti sa mga labi habang nakatingin sa stage. Aba, may groupies pa siya ha?

"Ang guwapo ng tumutugtog, Miss Alice," kinikilig ding bulong ni Nikki sa kaniya. Nang sulyapan niya ang babae ay nakangisi na ito at inilalabas ang cellphone. "Kukunan ko siya ng picture."

"No!" mariing nasabi niya. Nagulat si Nikki. Pero mas lalong nagulat si Alice sa reaksiyon niya. Tumikhim siya at hinamig ang sarili. "I mean, no. Hindi naman siya masyadong guwapo," palusot niya.

Ngumiti si Nikki. "Sa tingin mo lang iyan, Miss Alice. Siyempre marami kang nakakasalamuha na mga artista at modelo kaya ang standard mo ng ka-guwapuhan mataas. Pero cute siya para sa akin kaya kukunan ko ng picture."

Hindi na nakapagprotesta si Alice nang muling humarap sa stage ang personal assistant niya. At bakit ba kasi ayaw niyang pakunan ng picture si Aki? What was that for?

Nagsimula na uli tumugtog ng bagong piyesa ang lalaki kaya napatingin na siyang muli sa stage. It was another pop song in a piano rendition na may jazz vibe. Titig na titig si Alice sa binata nang sa kalagitnaan ng piyesa ay bigla itong nag-angat ng tingin sa direksiyon ng lamesa nila ng assistant niya. Napaigtad siya nang sa kabila ng dim na ilaw sa bahagi ng lamesa nila ay nagtama ang mga mata nila ni Aki. May kumalat na nakakakiliting kuryente sa buong katawan niya, ginawang hypersensitive ang balat niya at nagpabilis sa pintig ng kanyang mga pulso. May init din na humagod mula sa dibdib niya pababa sa kanyang puson at kinailangan niya pagdikitin ang mga hita para pawiin ang init na iyon.

Nakaka-overwhelm ang naramdaman niya kasi sandali lang naman nagtama ang kanilang mga paningin. Ibinalik din kasi nito agad ang atensiyon sa piano. Naisip tuloy ni Alice na baka imahinasyon lang niya na nagtama ang mga mata nila. O baka hindi siya nito nakilala.

Pagkatapos ng pangatlong piyesa saka lamang tumayo si Aki at bahagyang nag-bow. Naalis ang tingin ni Alice sa binata nang kalabitin siya ng personal assistant niya. "Miss Alice, sumesenyas si Tita Bebs sa bar counter. Lalapitan ko lang siya sandali baka may ibibilin."

"Okay," nasagot niya at napalingon sa bar counter. Mukhang masaya pa rin nakikipag-usap ang manager niya sa may-ari ng bar. "Ikuha mo na rin ako ng maiinom, Nikki. Kumuha ka rin ng para sa iyo," bilin niya sa assistant niya bago ito tuluyang makalayo sa lamesa nila.

Wala pang ilang segundo na nakakaalis ang assistant niya ay may naramdaman na siyang lumapit sa lamesa kung saan mag-isa na lang siya nakaupo. Napatingala si Alice at sumikdo ang puso niya nang makitang nakatayo na sa mismong harapan niya si Aki. Nang magtama ang kanilang mga mata ay bahagyang umangat ang gilid ng mga labi nito at may dumaang init sa mga mata. Iyong tingin na ipinupukol mo sa isang kakilala na noon mo lang uli nakita.

"Hey. Hindi ko inaasahan na makikita kita dito," bati ni Aki sa kaniya. Hinatak pa nito ang silya na katabi ng sa kaniya at komportableng umupo roon na para bang natural lamang para dito ang tumabi sa kaniya ng ganoon. Uminit ang pakiramdam niya nang magdikit ang mga hita nila sa ilalim ng lamesa. Hindi pa ito nakuntento, ipinihit pa nito ang katawan paharap sa kaniya, itinukod ang siko sa lamesa, nangalumbaba at itinuon ang buong atensiyon sa kaniya.

Kumurap si Alice para kalmahin ang sarili bago bahagyang ngumiti. "Nagpunta lang kami rito para kumain ng dinner. Good performance by the way. Paiwas pa ang sagot mo sa akin noong tinanong kita kung ano ang ginagawa mo rito noong una tayong nagkita, tama naman pala ang hinala ko. Bakit mo iniwasan ang tanong ko noon?" takang tanong niya.

"Hindi lang ako kumportableng sabihin sa isang tao ang halos lahat ng tungkol sa sarili ko," sagot ni Aki. Paiwas ang tono nito pero nanatiling titig na titig sa mukha niya. Para bang kinakabisado nito bawat linya roon kaya tuloy pakiramdam niya pisikal na haplos sa balat niya titig nito.

Huminga ng malalim si Alice, pilit pinapakalma ang nagwawalang mga paru-paro sa sikmura niya. God, ngayon lang siya naapektuhan ng isang lalaki ng ganoon. How can Aki do this to her?

"Fine. Medyo naiintindihan naman kita kahit papaano kaya hindi kita kukulitin," sabi ni Alice sa pilit pinakaswal na tono. Kahit naman kasi siya ay hindi komportableng sabihin ang lahat ng tungkol sa kaniya sa ibang tao. Hindi lang para pangalagaan ang imahe niya dahil sa propesyon niya. Takot lang talaga siyang ipaalam sa isang tao ang lahat ng tungkol sa pagkatao niya.

Lalong tumiim ang titig sa kaniya ni Aki. Napaderetso tuloy siya ng upo. "Bakit ganiyan ka makatingin?" tanong niya.

Nagkibit balikat si Aki. "Wala lang."

Pipilitin pa sana ni Alice na magsalita ang binata nang pareho silang mapalingon sa personal assistant niya na hindi niya napansing nakalapit na pala sa kaniya. Namimilog ang mga mata ni Nikki habang nakatitig kay Aki dahilan kaya bahagya siyang napangiwi. Oo nga pala. Crush ng assistant niya ang binata.

"Anong sabi ni Tita Bebs?" tanong ni Alice sa babae.

Kumurap si Nikki at inalis ang tingin kay Aki. "Ah, pinapauwi na niya tayo. Miss Alice, hindi mo sinabi sa akin na magkakilala kayo. Sabi mo pa sa akin kanina, hindi naman siya masyadong guwapo," bulalas ng babae. Nanlaki ang mga mata niya sa dulas ng dila ng assistant niya.

"Ah, talaga?" mabagal na sabi ni Aki.

Napatingin siya sa binata at nakita niya sa mga mata nito ang amusement at isa pang emosyon na nagpatayo sa mga balahibo niya sa batok at nagpakislot sa bahaging nasa pagitan ng kanyang mga hita. Na-tense si Alice pero hindi niya pinahalata. "Sa tingin mo ubod ka talaga ng guwapo?" nanghahamong tanong niya.

Umangat ang gilid ng mga labi ni Aki na para bang malapit na tumawa. "Hindi importante kung ano ang opinyon ko. But I want to change your opinion of me." Sinalubong pa nito ng tingin ang mga mata niya na para bang hinahamon siya.

May kumalat na kilabot sa buong katawan ni Alice. Bigla niyang naalala noong sandali silang nakulong sa elevator nang magkaroon ng blackout. Ang magaan na haplos ng mga daliri nito sa kaniyang balat, ang pakiramdam ng katawan nito sa likuran niya at ang masuyo nitong tinig. And then she realized that she had actually seen a glimpse of his more handsome face before. Noong nakita niya ang repleksiyon nilang dalawa sa pinto ng elevator nang magkaroon ng kuryente. At napagtanto niya na gusto nga niyang makita uli ang ekspresyong iyon sa mukha ni Aki.

Tumikhim ang personal assistant niya kaya napakurap si Alice. "Miss, kailangan na ho natin, umuwi. Pinagtitinginan na kayo ng mga customer," bulong pa ni Nikki sa kaniya.

Sa sinabi nito ay pasimpleng iginala niya ang tingin sa paligid. Nakatingin na nga sa kanila ang halos lahat ng tao roon. Ang mga babaeng nakapuwesto sa mga lamesa na malapit sa stage ay magkahalong kuryosidad at inggit ang makikita sa mga mukha. Siguro dahil gusto rin ng mga itong malapitan si Aki. Pero mas maraming tao ang nanlalaki ang mga mata at mukhang nasasabik. May naririnig na rin siyang bulungan na, "Hindi ba si Alice De Dios iyon?"

Masama ito. Bumaling si Alice kay Aki at ngumiti. "Kailangan na namin umalis." Pagkatapos ay tumayo siya.

Tumayo rin ang binata. "Bakit hindi mo na lang ako hintayin? May isang set pa ako." Gusto niyang makinig pa sa pagtugtog nito ng piano. Pero alam niyang hindi puwede. "Hindi na ako puwedeng mag stay rito," aniya na apologetic na ngumiti.

Kumunot ang noo ni Aki. "Bakit?"

Hindi talaga niya alam kung sino ako. Bahagya tuloy natawa si Alice at napailing. "Malalaman mo rin kung bakit bago matapos ang gabing ito. Bye." Pagkatapos ay bumaling na siya sa personal assistant niya na titig na titig pa rin kay Aki. "Nikki, halika na," aniya rito. Tumango naman ang babae at nang magsimula siya maglakad palayo ay mabilis na umagapay sa kaniya. Hanggang makalabas sila ng lugar na iyon, damang dama niya ang mainit na titig ni Aki na nakasunod sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 38.1K 52
R-18 BILLIONAIRE SERIES 4 Monterro 2 "I'm a territorial man, Iana. Now tell me what you want, my Love" This man is a devil. "Make the marriage null a...
2.9M 119K 54
Gabbana; the spoiled, self-centered, self-indulgent little brat. She who knows little about living, have bought so much in life. And when she thought...
3M 77.2K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
358K 17.5K 53
[ Iskwala Series #1 ]