SCANDAL MAKERS

By maricardizonwrites

479K 16.5K 677

Dalawang dekada na sa show business si Alice De Dios. Hindi man halata sa kaniyang pisikal na hitsura ay mala... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52

Part 9

9.5K 310 12
By maricardizonwrites


"PARANG may kakaiba sa iyo today, Miss Alice. Blooming ka. Kanina sa commercial shoot mo para sa Belo Medical Group ay ang ganda ganda mo at hindi iyon dahil sa ilaw at make-up," puri ng personal assistant niyang si Nikki habang nasa loob sila ng tent na nagsisilbing dressing room ni Alice.

Gulat na napatingin tuloy siya kay Nikki. "Sa tingin mo?" tanong niya na napahawak pa sa magkabila niyang pisngi.

Tumango ang assistant niya. "Hintayin mo na makita ka ng ibang cast, siguradong iyon din ang mapapansin nila sa iyo ngayon, Miss Alice. Mukhang sulit ang dalawang araw na pahinga mo."

Napangiti si Alice sa sinabi ni Nikki. Sa totoo lang ay maganda nga ang mood niya mula noong nagkaroon siya ng dalawang araw na bakasyon dahil sa bagyo. Siguro nga dahil nakapagpahinga siya. Wala namang ibang puwedeng maging dahilan para sa maganda niyang mood maliban doon hindi ba?

May sumungaw na mukha sa isip niya na agad niyang pinalis. Hindi dahil sa kaniya. Ibinalik niya ang atensiyon kay Nikki. "Handa na uli ako sa sunod-sunod na trabaho," sabi ni Alice.

Nasa isang location shoot sila para sa teleserye kung saan siya ang bida. Dumeretso sila doon pagkatapos ng commercial shoot niya. Iyon ang unang shooting day nila. Tungkol iyon sa isang babaeng lampas trenta na ang edad na ang leading man ay isang hindi hamak na mas batang lalaki. Romantic Comedy iyon at nagustuhan ni Alice ang plot kaya tinanggap na niya. Kahit pa abot-abot ang pang-a-alaska na natanggap niya mula kay Coleen nang malaman ang tungkol doon. "Baka nakalaan ka talaga para sa lalaking mas bata sa iyo, Alice. Bakit hindi mo subukan?" Iyon ang palaging buska sa kaniya ng babae. At siguradong hindi pa matatapos ang panunudyo sa kaniya ni Coleen.

Napalingon si Alice sa entrada ng tent nang pumasok mula roon si Coleen at si Tita Bebs. Kasama rin kasi sa serye na iyon ang nakababatang babae. "Nasaan ang lasagna ko?" masiglang bati ni Coleen na bineso siya.

"Nasa kotse. Ipapakuha ko kay Nikki mamaya kapag breaktime para makakain din ang iba pang cast."

"Sinabi ko na sa iyo na magpahinga ka noong break mo. Mukhang gumana na naman ang housewife tendency mo, Alice. Huwag mong sabihin sa akin na pagpunta ko na naman sa unit mo iba na naman ang hitsura?" sermon ni Tita Bebs dahilan kaya natawa sina Coleen at Nikki. Palibhasa sa showbiz ay ang tatlong babae lang ang nakakaalam ng habit niyang iyon.

Napangiwi si Alice. "Tita Bebs, alam mong iyon lang ang hobby ko. Hayaan niyo na ako. May lasagna rin para sa iyo. Ang dami ko kasi nagawa," lambing niya sa manager.

"Kukunin ko na at aalis ako. May meeting para sa isang offer sa iyo. Babalikan ko na lang kayo ni Coleen mamaya pagkatapos ng shoot ninyo," sabi ng matandang babae. Kasama nitong lumabas ng tent si Nikki para kunin ang niluto niya sa kotse. Naiwan sila ni Coleen doon. Umupo sa tabi niya ang babae.

"Dapat kasi mag-asawa ka na para mabawasan kahit papaano ang obsession mo sa paglilinis at pagbabago ng ayos ng bahay mo. Kulang ka lang sa lambing ng isang lalaki kaya hindi ka mapakali kapag day off mo eh," tudyo nito.

Napailing si Alice. "Sinabi ko na sa iyo Coleen. Tanggap ko nang nalampasan na ako ng biyahe. Handa na akong mamuhay mag-isa habambuhay. At nang tanggapin ko iyon sa sarili ko, na-realize ko na hindi naman talaga iyon masamang ideya. Kaya huwag mo na ako tudyuhin okay?"

Lumabi si Coleen. "Bata ka pa rin tingnan. Marami pang nagkakagusto sa iyo no."

Hindi naiwasan ni Alice ang pagsilay ng mapait na ngiti. "Oo, naaakit sila sa akin. Pero wala nang may gustong pakasalan ako."

"E di, patulan mo sila for fun. Bakit ibuburo mo ang sarili mo. Get a little loose and live your life to the fullest."

Naningkit ang mga mata ni Alice at pinakatitigan si Coleen. Sa loob ng ilang taong pagkakakilala nila, sa tuwing ganoon ang tono ng babae ay isa lang ang ibig sabihin niyon. "Ikaw... may karelasyon ka na namang lalaki ngayon ano? Kaya gusto mo rin akong magkaroon ng boyfriend. Para hindi lang ikaw ang pagagalitan ni Tita Bebs kapag lumabas sa tabloids ang tungkol sa relasyon mo," dudang bulalas niya.

Ngumisi si Coleen patunay na tama siya ng hinala. Napabuntong hininga si Alice. "Baka naman lokohin ka na naman ng lalaking iyan."

"Hindi no. Sa pagkakataong ito sa tingin ko magiging okay na ang relasyon ko. Maalaga siya, mapagmahal at iyong heroic type. Medyo mas matanda siya sa akin pero okay lang naman iyon sa akin," kuwento ni Coleen.

"Bakit ilang taon ba siya?" duda pa ring tanong ni Alice.

"Thirty six."

Namilog ang mga mata niya. "Medyo matanda? Coleen bente singko ka lang. Sobrang laki ng age gap ninyo!"

"So what? Uso naman ngayon ang May-December love affair. Hindi ba ganoon ang role mo sa tv series na gagawin natin?" ngisi pa ni Coleen.

Napailing si Alice. "Magkaiba ang teleserye at tunay na buhay."

"Gusto namin ang isa't isa. Iyon ang mahalaga. Ipapakilala ko siya sa iyo balang araw at makikita mo na mabait ang bago kong boyfriend. Pangako. Pero huwag mo muna sasabihin kay Tita Bebs ha? Lagot ako 'don."

Napabuntong hininga siya. "Fine. Bakit ba kasi hindi mo kayang tumagal na single Coleen?"

Bahagyang nawala ang ngiti ng babae at may kumislap na pait sa mga mata nito pero agad ding nawala kaya akala ni Alice ay namalikmata lang siya. Tumayo si Coleen at patalikod sa kaniyang nag-inat. "Ayoko lang na mag-isa. Gusto ko ng taong mag-aalaga sa akin at magpapakita na mahal niya ako. Hindi lahat ng babae matapang na mabuhay mag-isa." Pagkatapos ay lumingon ito sa kaniya at bahagyang ngumiti. "Ikaw rin, Alice. Sinasabi mo na kuntento ka sa pagiging single mo at tanggap mo nang mabubuhay ka mag-isa. Pero sa loob mo, alam ko na may isang bahagi ng pagkatao mo ang nakakaramdam ng kalungkutan kapag mag-isa ka lang sa gabi, hindi ba?

Hindi nakaapuhap ng sasabihin si Alice. Ngumiti lang si Coleen at sandaling nagmukha itong mas matanda kaysa sa edad nito bago nagpaalam sa kaniya na lalabas na. Naiwan siyang mag-isa sa tent. Pakiramdam niya binuhusan siya ng malamig na tubig sa sinabing iyon ng nakababatang babae. Ang pangarap niya noong bata pa siya na kaniyang itinago sa pinakadulong bahagi ng kaniyang puso ay muntik nang lumitaw. Mabuti na lang may production assistant ang biglang sumulpot para sabihin sa kaniya na magsisimula na ang shoot. Bumalik sa kasalukuyan ang buong atensiyon ni Alice.

Tumayo siya at muling itinulak sa likod ng utak niya ang isiping muntik na sumulpot dahil sa sinabi ni Coleen. Lumabas siya ng tent at lumapit na sa director nila. Sandaling kinausap siya nito kasama ang artistang ka-eksena niya para sa instructions. Pagkatapos ay pumuwesto na sila sa harap ng kamera.

"Camera rolling!"

Huminga ng malalim si Alice at inalala ang script na kinabisado na niya kagabi pa. Nag-internalize siya habang nagbibilang ang Assistant Director. Pagkasabi nito ng "Action!" ay hindi na siya si Alice De Dios, kung hindi ang bidang babae sa teleserye na iyon.

LAMPAS isang linggo ang matuling lumipas na puro trabaho ang inaatupag ni Alice. Ganoon katagal na rin siya hindi nakakauwi sa unit niya dahil sa mga location shoots. Idlip lang ang nagiging tulog niya. Kaya nang sa wakas dumating ang araw na alas onse pa lang ng gabi ay natapos na ang shoot para sa eksena niya at hindi niya kailangan bumiyahe papunta sa isa pang appointment kinabukasan ay nakahinga ng maluwag si Alice.

Nakapagpalit na siya ng damit at nabitbit na ni Nikki ang mga gamit niya papunta sa sasakyan nang dumating si Tita Bebs. "Good work today. Kumain muna tayo sa labas bago ka umuwi. My treat."

Napatingin si Alice sa wristwatch niya. "May bukas pa bang restaurant ng ganitong oras?"

"Hindi restaurant. May kaibigan akong may-ari ng isang music bar na madadaanan natin pauwi sa condo mo. Masarap ang pagkain 'don. Tara. Hindi puwede sumama si Coleen dahil may eksena pa siya na kukunan hanggang mamayang madaling araw kaya dadalhan ko na lang siya ng pagkain," aya ni Tita Bebs.

Music bar. Natigilan siya dahil may naalala siyang isang partikular na music bar, isang maulang gabi, lampas isang linggo na ang nakalilipas. Pagkatapos ay naalala niya si Aki. Na kahit pilit itinatanggi ni Alice ay ilang beses na niyang naisip sa nakaraang mga araw. It's not the kind of remembering that makes someone bothered and restless. Basta bigla na lang niya naaalala si Aki pero sandali lang naman kaya sa tingin niya hindi naman iyon big deal.

"Handa ka na umalis?" untag ni Tita Bebs kay Alice.

"Sige. Tara."


HINDI naiwasan ni Alice ang mamangha nang marealize na ang music bar na pagmamay-ari daw ng kaibigan ng manager niya ay ang mismong music bar kung saan niya nakitang lumabas si Aki noong una silang nagkita. Bigla tuloy niya naisip kung naroon ba uli ang binata. Pagkatapos ay marahas ding hinamig ni Alice ang sarili. Ano naman sa kaniya kung naroon o wala roon si Aki? Hindi naman sila close. Katunayan ang huling pag-uusap nila ay noong binigyan niya ito ng lasagna. Pagkatapos niyon ay masyado na siyang naging abala at hindi na niya nakita uli ang lalaki.

Pagpasok nila nina Tita Bebs at Nikki sa loob ay narealize ni Alice na mas maganda ang ambiance ng bar kaysa unang akala niya. Maluwag sa loob at ang una niyang nakita ay ang flatform stage sa dulong gitnang bahagi ng bar. May piano sa gilid ng stage. Ang mga lamesa ay magkakalayo na para bang sinadyang ganoon para sa privacy ng mga customer. Malayo sa stage at malapit sa entrada ay ang bar counter. May matandang lalaki doon na napalingon nang dumating sila nina Tita Bebs at nakangiting kumaway.

"Hayun si Victor. Lumapit tayo sandali sa kaniya, Alice, bago tayo kumain," aya ng manager niya.

Tumalima si Alice at nagkunwang hindi napapansin ang atensiyon ng mga customers doon na napunta na sa kaniya. After all, sanay naman siya sa ganoong reaksiyon mula sa mga tao kapag nasa malapit siya.

"Alice, ito si Victor, siya ang may-ari ng lugar na ito at matagal ko nang kaibigan. Victor, ito ang isa sa mga alaga ko, si Alice De Dios," pakilala ni Tita Bebs.

Ngumiti ang matandang lalaki at inilahad ang kamay. Nahawa siya sa init ng ngiti nito kaya nakangiti na ring tinanggap ni Alice ang pakikipagkamay ng matanda. "Welcome. Tamang tama ang dating ninyo, ilang minuto na lang may tutugtog na. Ipapahatid ko kayo sa isang waiter ko sa lamesa na pina-reserve mo Baby."

"Sige. Mauna na kayo sa lamesa Alice at makikipag-kuwentuhan muna ako sandali sa lalaking ito," nakangiting sabi ni Tita Bebs.

Tumango na lang si Alice dahil sa totoo lang ay pagod na siya at ang gusto na lang niya ay kumain kaagad para makauwi at makatulog. Mukhang kahit ang assistant niya ay pagod na rin kaya hindi na masyadong nagsasalita. Umorder lang sila at nang dumating ang pagkain ay itinutok nila pareho ang atensiyon sa pagsubo. "Mabuti na lang wala tayong schedule bukas. Ihahatid muna kita sa bahay ninyo bago ako umuwi," sabi ni Alice.

"Huwag na po, Miss Alice. Alam kong pagod ka na rin. Mag-ta-taxi na lang ako."

Ngumiti siya. "Okay."

Nakatuon ang atensiyon ni Alice sa kinakain niya nang magkaroon ng sabik na pagkakaingay sa paligid. Lumingon ang personal assistant niya sa direksiyon ng stage pero siya ay hindi inabalang mag-angat ng tingin. Nangangalumata na kasi siya sa antok. Hanggang pumailanlang ang tiklada ng piano. Napakurap si Alice dahil pamilyar ang piyesa na iyon sa kaniya. Iyon ang piyesa na narinig niya sa unit ni Aki noon. Nag-angat siya ng tingin deretso sa bahagi ng stage kung nasaan ang piano. Namilog ang mga mata niya at nahigit ang paghinga nang makita kung sino ang kasalukuyang tumutugtog ng piano.

Si Aki ba ang nasa piano?

Continue Reading

You'll Also Like

381K 20K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1M 33K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...