DOLLHOUSE

By -SHEENA-

7.4M 376K 958K

Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all so... More

DOLLHOUSE
The Trailer
Warning
Warning Part 2
The News
The Dolls
The Invitation
The Application
The Start
Dollhouse 001
Dollhouse 002
Dollhouse 003
Dollhouse 004
Dollhouse 005
Dollhouse 006
Dollhouse 007
Dollhouse 008
Dollhouse 009
Dollhouse 010
Dollhouse 011
Dollhouse 012
Dollhouse 013
Dollhouse 014
Dollhouse 015
Dollhouse 016
Dollhouse 017
Dollhouse 018
Dollhouse 019
Dollhouse 020
Dollhouse 022
Dollhouse 023
Dollhouse 024
Dollhouse 025
Dollhouse 026
Dollhouse 027
Dollhouse 028
Dollhouse 029
Dollhouse 030
Dollhouse 031
Dollhouse 032
Dollhouse 033
Dollhouse 034
Dollhouse 035
Dollhouse 036
Dollhouse 037
Dollhouse 038
Dollhouse 039
Dollhouse 040
Dollhouse 041
Dollhouse 042
Dollhouse 043
Dollhouse 044
Dollhouse 045
Dollhouse 046
Dollhouse 047
Dollhouse 048
Dollhouse 049
Dollhouse 050
Dollhouse 051
Dollhouse 052
Dollhouse 053
Dollhouse 054
Dollhouse 055
Dollhouse 056
Dollhouse 057
Dollhouse 058
Dollhouse 059
Dollhouse 060
Dollhouse 061
Dollhouse 062
Dollhouse 063
Dollhouse 064
Dollhouse 065
Dollhouse 066
Dollhouse 067
Dollhouse 068
Dollhouse 069
Dollhouse 070
Dollhouse 071
Dollhouse 072
Dollhouse 073
Dollhouse 074
Dollhouse 075
Dollhouse 076
Dollhouse 077
Dollhouse 078
Author's Note | Story Feedback Section
The Published Book

Dollhouse 021

78.3K 4.1K 11.3K
By -SHEENA-

   
  
 
"He's dead."

"We did it."

"Damn. We just murdered someone."

".... That's alright."

▬▬▬▬▬▬▬

✦ ◉ •

𝙔𝙊𝙐 𝘼𝙍𝙀 𝙉𝙊𝙒 𝙎𝙏𝙍𝙀𝘼𝙈𝙄𝙉𝙂
𝘿𝙊𝙇𝙇𝙃𝙊𝙐𝙎𝙀!

Cameras Activated: 90/100
Site: ONLINE
Current Task: None
Dolls Awake: 6/9

── ♡├o HERA
  
 
"Hera, gising."

"Please, don't tell anyone..." I whispered.

"Huh? Oy nananaginip ka. Gising na, Hera."

 
 
Napadilat ako at sumalubong sa'kin ang mukha ni Ichiro at Dorothy. Geez. What a dream. Bakit napanaginipan ko na naman 'yon? Napapunas ako ng pawis. It's been a while since I dreamed of her. Bakit ba laging nabalik siya sa panaginip ko?

"Hera, hoy, gising ka na ba? O dilat ka lang?"

Ano ba to si Ichiro? Natural gising na! Sinamaan ko siya ng tingin at nagpeace sign lang siya. Maski si Dorothy ay naparolleyes dahil sa kanya.

Hold on. Where are we now?

Napansin kong nakahiga ako sa carpet. Nasa tabi ko sila Dorothy at Ichiro at tila kanina pa nila ko hinihintay magising. Great. We're still here in this shitty dollhouse. Tsk. Bumangon ako at inobserbahan ang paligid. What's this place? Hmm. I think nasa living room ng Dollhouse kaming tatlo? Probably. This looks like an elegant living room. Gigantic salas. Chandeliers again. Huge pictures of our faces hanging in giant frames circled on the walls.

Napatigil ako sa ikatlong litrato. Claude's picture was ruined. Punit-punit tapos puro dugo. Then puro dead and deceased ang nakasulat gamit ang pulang paint sa litrato niya. May number 2 rin na nakasulat sa kanyang noo. Fuck, Claude. Why did they do this to you?

"Dorothy, kilala mo ba talaga?" tanong ko sa gitna ng katahimikan.

Si Ichiro bigla akong tiningnan at ngumisi nang pasimple.

Bakit ganyan reaksyon niya?

"What do you know, Ichiro?" tanong ko tuloy.

Ichiro shrugged his shoulder. "Dorothy matched the polaroid to our pictures. Alam ko na ang mga litrato para sa'ting lahat. I'm still confused about your polaroid, Hera. Why did you do that? Paano mo naatim gawin 'yon? Grabeeeee. Akala ko mabait ka."

I froze. He knows my polaroid?

Napatingin ako kay Dorothy. Iniwas niya ang mata sa'kin. Sinumbong niya ko?

"Huminga ka, Hera. Chill ka lang!" biglang natatawang sabi ni Ichiro. "Feeling ko alam mo na rin ang akin kaya shut up lang ako sa polaroid mo. Kabado ka masyado eh. Hahahahaha!"

Tahimik ko lang siyang tiningnan.

Why is Ichiro acting strange?

"Alam mo ang akin, di ba?" aniya.

Tumango ako.

Damn. What's with him?

"I'm still not sure about the whole story of that polaroid. Pero sigurado akong iyo 'yon." sagot ko.

"Sabi ko na nga ba at mahuhulaan mo agad. Ang daldal ko kasi eh. Wait lang. Si Dorothy, nao-OP sa'tin." natatawang sabi ni Ichiro. Inirapan siya ni Dorothy.

"Where's the second game?" tanong ko sa kanila.

We were divided into three groups for the second game. Sina Dorothy at Ichiro ang kagrupo ko. Sina Alpha, Java, at Echo ang isang group. Panghuli sina Gunner, Flame at Babe. Bakit pinagsama ang tatlong 'yon?

The room looks normal. Ano gagawin namin dito?

Nasaan kaya ang iba?
  

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o JAVA
  
   
"Paano ba tayo napunta dito?"

Alpha is still sleeping. Hindi namin siya magising. Si Echo naman ay kanina pa napapaisip. Pilit niya inaalala kung paano kami napunta dito.

"We were celebrating Gunner's birthday, remember?" sagot ko.

It was an awesome night. Kaarawan ni Gunner kaya niyaya niya lahat ng Lancaster student sa Andromeda after ng klase namin. Madaming sumama. Pati kaming Decagon ay kumpleto. Hanggang sa nagising kaming nandito na bigla sa Dollhouse. Are we drugged? Huling naaalala ko kasi ay nainom kaming mga girls sa iisang table.

"Paano nila tayo nalabas sa Andromeda? Sampu tayo. Wala man lang nakakita sa'tin?"

"Madaming nalasing noong gabing 'yon. Baka akala nila nalasing lang din tayo." sagot ko. Posible 'yon. Naaalala kong madaming tulog sa Andromeda. Teka. Posible kayang pinatulog lahat at kaming sampu lang ang kinuha?

Biglang gumalaw si Alpha.

"Hey, Alpha. Gising ka na ba?"

Tumango siya at bumangon.

"Nasaan tayo?" aniya.

"Living room, bro." sagot ni Echo. "Tayong tatlo nalang magkakasama. Wala na ang anim."

"Tsk. They seperated us all again." inis na sabi ni Alpha.

Naagaw ng atensyon ko ang necklace ni Alpha. Pati si Echo ay nakatingin doon. He wants to check what's inside the locket too. Mukhang marami kaming nakapansin na nagbago mood ni Alpha pagkatapos niyang makita ang nasa loob ng locket. Muntik ko na silipin kanina habang tulog si Alpha kaso malakas ang kutob ko na magigising siya kung gagawin ko 'yon.

Paano namin makikita ang nasa loob ng locket?

"What's in the room?" tanong niya kaya naputol ang plano ko.

"E-Everything's normal. Typical living room. Medyo mas sosyal lang at pang mansion ang dating. Blue walls. Carpeted floor. Madaming sofa. May malaking screen sa gitna. Tapos may picture ulit tayong... sampu."

Claude....

Umiinit ang dugo ko. Binaboy nila litrato niya. Nakakainis. Hindi ko matanggap. We almost voted but we stopped ourselves hoping we could still save this messed up group. Hindi ako papayag na mawawalan ng saysay pagkawala mo.

"Guys, what's your polaroid?" biglang tanong ni Echo sa'min. "I'm really confused. Wala akong mamukhaan sa mga polaroid. Akin ata ang pang sampu."

Napabaling ang mukha ni Alpha kay Echo.

"Wala kang namumukhaan na polaroid?" tanong ni Alpha. "Kahit isa?"

Umiling si Echo na tila inaalala ang sampung litrato. "Wala. Wala talaga akong maintindihan sa polaroid maliban sa polaroid ni Babe. Hindi ko maintindihan kung paano niyo naimamatch ang inyo. Pati si Hera may namumukhaan ang kanya. Ako lang talaga wala."

"Ano ang kay Hera?" tanong tuloy bigla ni Alpha.

Echo knows Hera.

Good. I need details. Hindi ko rin maimatch lahat ng sampu.

Sandaling napaisip si Echo. "Hmm. 'Yong pang siyam ata 'yon? 'Yong litrato ng babaeng burado ang mukha tapos napapaligiran ng lalaki. 'Yon ata ang kanya. Halos hindi niya mabitawan ang polaroid na 'yon."

"So that's hers...." nagtatakang bulong ni Alpha.

Mas lalo akong nalito.

"Ano ang inyo sa siyam na natitira?" tanong ni Echo.

Walang nakasagot sa'min ni Alpha.

I think Alpha and I have the same question in mind.

Can we trust Echo?

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o BABE
  
 
Bakit sila pa kasama ko?

Tulog padin si Flame hanggang ngayon. Nakita kong inihiga siya ni Gunner sa sofa kanina para makahiga ng ayos. Sa carpet kasi kami nagising ni Gunner. Kinumutan ni Gunner si Flame at tahimik lang siyang nakaupo ngayon sa paanan ng sofa.

Sobrang tahimik!

Nakakainis.

Nakakailang.

Ayoko na dito sa kwartong 'to.

"Ikaw ba dahilan ng pagkamatay ni Prof. Azazel?" biglang tanong ni Gunner.

What the hell?

"Of course not!" sigaw ko tuloy.

"Bakit ba lagi nalang ako ang pinabibintangan mo? I get it. You hate me. And I hate you too. Pero sana naman huwag mo ko pagbintangan ng krimen porket matindi ang galit mo sa'kin." dugtong ko.

Natawa si Gunner saka sandaling napatingala. Pagkatingin niya sa'kin ay may galit na sa kanyang mata.

"Babe, you cheated on me. Pinagmukha mo kong tanga. Pinagpalit mo ko sa matanda!" sigaw niya.

"I said I didn't cheat, Gunner!"

"I saw the video, Babe. It was you! Kilala ko ang boses mo. Kilala ko ang galaw mo. Sana naman maintindihan mo din ang galit ko. I fucking loved you so much and then I will see videos of you moaning with other guy. Kumalat pa sa Lancaster. Tangina. Hindi ko alam isasagot ko sa mga tanong nila kung bakit may ibang kasamang lalaki ang babaeng minahal ko. Mas nauna pang nalaman ng iba bago ako. Nararamdaman ko padin ang sakit at galit. Alam mo ba 'yon?!" sigaw ni Gunner, napatayo na siya.

"W-Wala kang alam sa mga nangyari kaya huwag mo kong huhusgahan!"

Inis na natawa si Gunner sa'kin.

"Then please explain everything to me! Ilang beses na kong nagmumukhang tanga para sa'yo. Ilang beses mo kong pinagtutulakan tuwing nalapit ako, 'yon pala may inaabangan ka ng iba. Hindi ko talaga maintindihan, Babe. Nagpakatino ako para sa'yo pero nasaktan lang din ako. What happened? Tell me, saan ako nagkulang sa'ting dalawa?!"

Argh!

Bahala na.

"Gunner, you were failing all the subjects, remember?"

Natigilan siya.

"Remember what you told me few months ago? Na ipapadala ka na sa America kung babagsak ka pa din sa last year natin sa Lancaster?---"

"Babe, don't fucking use me as an excuse!"

"Listen---" he cut me off again.

"Sasabihin mo ba sa'kin na nagpagalaw ka sa gagong 'yon para sa'kin?! Para ano? Para manatili ako sa Lancaster? Is that your excuse? Seriously?! They can kick me out of the university and I don't fucking care!"

"Ipapadala ka sa Amer---"

"Eh ano naman?!"

"Gunner, I loved you so much and I don't want you away from me!" sigaw ko na din sa kanya. Nagbabagsakan luha ko.

Napasabunot si Gunner sa buhok niya sa inis. "Babe, tangina talaga, mahal kita pero hindi ko alam na ganito ka katanga!"

"Naging tanga ako sa pagmamahal ko." naiinis at naiiyak kong sabi. "At nagsisisi ako na sa'yo ako naging tanga. You never listened to my explanation----"

"Because they're all nonsense!"

"Nonsense ba na ginawa ko 'yon para manatili ka?!"

"Babe, ang problema kasi muntik mamatay ate mo dahil sa ginawa mo!"

"Bakit kasalanan ko na naman ang nangyari kay Ate----"

"Because you are so immature. Ayaw niya madungisan pangalan mo kaya inako niya ang video mo!"

"Sinabihan ko siyang huwag niya gawin 'yon!"

"She did that because she loves you!"

"Everything happened because I loved you too!"

"Mahal na mahal kita, Babe. Pero hindi mo na 'ko maloloko. I know the truth---"

"He threatened me, Gunner. Malakas koneksyon ni Prof. Azazel. Lahat madadamay kapag hindi ako sumunod sa kanya. He threatened me that he will expel us all. Kayang kaya niya gawin 'yon kasi nasa Decagon tayo. We were known for making pranks and you know how manipulative he is, right? Oo na. Ako na naging tanga noong panahong 'yon! Believe me, I tried to escape that afternoon. Sana sumama nalang ako sa'yo at nanood ng battle mo. Sana nakinig ako sa'yo. Sana hindi nalang ako pumunta. I tried to run but he was stronger..." hindi ko na matapos ang sasabihin ko.

Naiyak nalang ako.

Si Gunner ay mas mukhang nalito, nagalit... at nasasaktan.

"I loved you. I'm sorry if I messed everything up." malakas kong iyak sa kanya. "I just want you to stay, Gunner. Ayokong madamay kayong lahat. Ayokong mawala kayo sa'kin. Kapatid ko na sila at mahal na mahal kita. Sorry If I ended up doing immature decisions again."

"HOY, NAG-AAWAY NA NAMAN BA KAYO?" sigaw ni Flame. She's awake. She's now standing between us. Palipat-lipat ang tingin niya sa'min ni Gunner.

"Sana siya nalang minahal mo." nakayukong bulong ko kay Gunner.

"Punyeta. Kapag tayo natalo sa katangahan niyong dalawa ha...." banta ni Flame sa gitna ng katahimikan.

Tahimik akong bumalik sa sofa at sumiksik sa kadulu-duluhan. Ganoon ang eksena nang biglang tumunog na naman ang alarm na nakakarindi!

Matapos ang tunog na 'yon ay may lumabas sa screen.

Lumabas ang picture ng anim na wala dito. Sina:

Alpha, Java, Echo
Dorothy, Ichiro, Hera

Nakadisplay sa screen ang mukha nila.

Biglang napalitan iyon ng ibang eksena. May lumabas na picture ng bato--- sunod non ay picture ng isang... What the hell?

"Is this how they are planning to kill us?" sabi ni Flame.

Pagkatapos ng litrato ng bato ay may pinakitang video record ng napakaliit na kwarto at may dambulang semento na kasing laki siguro ng kotse ang biglang bumagsak mula sa taas. Sobrang lakas ng bagsak. Shit. Kung madadaganan ang tao non ay paniguradong patay.

Napalitan ang litrato ng papel. Sunod na lumabas na video record ay ang isang shredding machine. Sa video ay makikitang may binagsak na manika sa machine. Matapos ang ilang segundo ay hindi na ito makilala. Naputol ito sa maliit at maninipis na piraso.

Sunod ay napalitan ang video ng isang litrato ng gunting. Pagkatapos ng litrato ng gunting ay nagbago ulit ito at napalitan ng isang metal na higaan. May malaking teddy beat na pinahiga doon. Akala ko ganon lang pero nagulat ako nang biglang may lumabas na malaking blade mula sa gitna at mabilis na hiniwa ang stuff toy nang walang kahirap hirap. Nahati sa dalawa ang teddy bear at nagsilabasan ang laman nitong cotton. Shit.

Flame was right.

I think those are the options of death for the next member that will be eliminated.

TO BE CONTINUED.

sheena's note:
happy weekend ₍(・ᵌ・)₎
namiss ko magupdate hehe

Continue Reading

You'll Also Like

502 140 14
A series of poems that tells a single story. A person whom you treated as a friend, but then suddenly, a sudden breeze hits your face, and you reali...
3.8M 228K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." πŸ–‡ COMPLETED Date Starte...
10.3M 460K 114
"One mobile dating app... gone wrong. Countless of daredevil couples in Lancaster High are now battling dangerously because of this deadly app. Every...
bliss. By closed.

Fanfiction

198K 6K 109
jisoo, the girl who nonstop spammed taehyung's curious cat with her witty pick up lines for fun, promised to never stop hitting on him.. but not unti...