DOLLHOUSE

Por -SHEENA-

7.4M 376K 958K

Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all so... Más

DOLLHOUSE
The Trailer
Warning
Warning Part 2
The News
The Dolls
The Invitation
The Application
The Start
Dollhouse 001
Dollhouse 002
Dollhouse 003
Dollhouse 004
Dollhouse 005
Dollhouse 006
Dollhouse 007
Dollhouse 008
Dollhouse 009
Dollhouse 010
Dollhouse 011
Dollhouse 012
Dollhouse 013
Dollhouse 014
Dollhouse 015
Dollhouse 016
Dollhouse 017
Dollhouse 018
Dollhouse 019
Dollhouse 021
Dollhouse 022
Dollhouse 023
Dollhouse 024
Dollhouse 025
Dollhouse 026
Dollhouse 027
Dollhouse 028
Dollhouse 029
Dollhouse 030
Dollhouse 031
Dollhouse 032
Dollhouse 033
Dollhouse 034
Dollhouse 035
Dollhouse 036
Dollhouse 037
Dollhouse 038
Dollhouse 039
Dollhouse 040
Dollhouse 041
Dollhouse 042
Dollhouse 043
Dollhouse 044
Dollhouse 045
Dollhouse 046
Dollhouse 047
Dollhouse 048
Dollhouse 049
Dollhouse 050
Dollhouse 051
Dollhouse 052
Dollhouse 053
Dollhouse 054
Dollhouse 055
Dollhouse 056
Dollhouse 057
Dollhouse 058
Dollhouse 059
Dollhouse 060
Dollhouse 061
Dollhouse 062
Dollhouse 063
Dollhouse 064
Dollhouse 065
Dollhouse 066
Dollhouse 067
Dollhouse 068
Dollhouse 069
Dollhouse 070
Dollhouse 071
Dollhouse 072
Dollhouse 073
Dollhouse 074
Dollhouse 075
Dollhouse 076
Dollhouse 077
Dollhouse 078
Author's Note | Story Feedback Section
The Published Book

Dollhouse 020

77.7K 4.1K 11.5K
Por -SHEENA-

✦ ◉ •

𝙒𝙚𝙡𝙘𝙤𝙢𝙚 𝘽𝙖𝙘𝙠 𝙩𝙤
𝘿𝙤𝙡𝙡𝙝𝙤𝙪𝙨𝙚

▬▬▬▬▬▬▬

LIVE COMMENTS

- yari si babe. si gunner and flame ang kasama niya omG O.O

- sa papel ako kakampi. Dorothy, Hera, Ichiro. Puro madadaming alam ang tatlo. Pinagsama sama sila sa isang team. Pwede sila mag brain storm. Intense 🔥

- Alpha, Java, Echo akooooo. Soft people in one team uwu ♡

- ^ pero mga demonyo sila magalit hahahahaah

- oo nga noh. grabe galit ni echo dahil kay claude

- di ko pa nakikita magalit si java at alpha :3

- sobrang soft ni alpha para magalit (っ˘з ( ^u^)

- guys, nagkatotoo ung comment dito last time. ung may mahahati sa iba't-ibang team ung tatlo 🙈🙉🙊

- eh ano ibig sabihin nito - 🔥💀

- hmmm. arson tsaka pagkamatay nung prof.

- oooooh may point

- feeling ko may killer sa tig iisang group

- what if umeepal si peter sa comment section?! ( ರ з ರ)

- oo nga. Baka mamaya, iniispoil na pala tayo di pa natin alam!

- PETER, CRUSH PO KITA HEHEHEHEHE (´•ω•`)♡

- penge list ng group sa 2nd gameeee :D

- eto po:
alpha, echo, java
dorothy, ichiro, hera
flame, babe, gunner

- thanks!

- kuya peter, nandito ka po baaaaaa?

- 🙊🙉🙈

- 💀🔥

- 💀🔥

- 💀🔥

- 💀🔥

- 💀🔥

- 💀🔥

- omg omg omg

- baka poser yan lol

- peter pa spoil ng killer plis

- KUYA PETER, BAKIT MO PINATAY SI CLAUDEEEEE?!

- ✈

- 🙈🙉🙊

- 🙈🙉🙊

- 🙈🙉🙊

- 💀🔥

- 💀🔥

- 💀🔥

- 💀🔥

- creepy af

- wag flood, ang ingay letse

- 🙊

- 🙉

- 🙈

▬▬▬▬▬▬▬

✦ ◉ •

Good morning, Dolls!
We'll play a game
this 3:33PM (°ᴗ°) ♡
Here's the list for
the teams:

Team Rock
Alpha, Echo, Java
Team Paper
Dorothy, Hera, Ichiro
Team Scissors
Flame, Babe, Gunner

Get ready.
Losing team will
be nominated.
Good luck!

── ♡├o BABE

Napalunok ako.

Bakit naman sila Gunner at Flame pa ang kakampi ko?!

"What's happening?" clueless na tanong ni Alpha na katabi ko. Hindi niya nga pala nabasa ang nakasulat sa screen. I feel sorry for Alpha. Bakit siya ginanito?

"Mayroong 2nd game. May tatlong team, Alpha. Rock, paper, scissors ang label ng group name. Team Rock ay kayo nina Java at Echo, Paper sina Dorothy, Hera at Ichiro, kami nina Gunner at Flame ang nasa scissors team." sabi ko.

Alpha went silent.

"Hey..." tawag ko tuloy.

"Hindi mo sinabi sa'kin na may nomination sa polaroid.." bigla niyang sinabi.

Napalingon tuloy si Dorothy at Echo na katabi namin.

"H-Huh?"

"Hindi mo sa'kin sinabi na may nomination na nagaganap sa mga polaroid, Babe." medyo seryoso ang boses ni Alpha. Napansin kong napatahimik ang lahat at nakikinig na sa'min. Maliban kay Flame na nadaldal parin hanggang sa pinatahimik na siya ni Gunner.

Nanlamig ako bigla.

"Did you nominate someone?" Alpha asked again.

Narinig kong napatayo si Java at tila palapit sa'min. Shit.

Java lost Claude because of the elimination.

"I didn't nominate anyone, Alpha." sagot ko.

"Who nominated Gunner and Claude?" tanong ni Alpha sa aming lahat. Walang nagsalita. Sobrang tahimik namin.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. I nominated someone but that's Gunner! At hindi ko pwede ibunyag yon dahil kakampi ko siya sa next game!

"Who nominated Claude and Gunner?!" sigaw ni Alpha. May luhang tumulo sa mata ni Java dahil sa sigaw na 'yon.

"Hindi kami bumoto ni Claude para mailigtas kayong lahat tapos may traydor palang bumoto sa inyo." naiiyak na sabi ni Java. "May alam si Claude pero nanahimik lang siya kasi importante kayo sa kanya tapos ganito lang pala mangyayari. Sana bumoto na lang kami."

"Hindi kami nakaboto ni Hera." biglang sabi ni Echo.

"We're clueless, too. Ayaw namin irisk ang nomination. Tsaka kinuha kami ng mga nakamaskara ng bunny kahapon." dugtong ni Hera.

"Dalawang grupo natitira. Grupo nina Flame at Gunner pati ni Dorothy at Ichiro." seryosong sabi ni Alpha.

I'm safe.

"Bumoto ba kayo?" tanong ni Alpha sa kanila.

Tahimik na napatingin si Dorothy kay Ichiro. Ichiro voted someone?

"I nominated Gunner." pag-amin niya bigla na kinawindang namin lahat!

"Tangina?!" inis na sabi ni Gunner.

"We all know that you're a dirty fighter. Isa ka sa may tendency makapatay." kibit balikat na sabi na ni Ichiro.

"Tangina, Ichiro. Tropa tayo. Anong pinagsasabi mo?!" tumayo na si Gunner mula sa upuan at akmang susugurin si Ichiro. Agad na inawat siya ni Flame.

"Alam namin ni Claude ang ginagawa mo sa underground, Gunner. Alam namin na wala kang balak buhayin lahat ng kinakalaban mong player sa UG. Lahat ng kinalaban mo ay nac-comatose or paralyze. Lahat sila pinapadugo mo ang utak. Basag ang bungo ni Professor Azazel. Ikaw lang naman mahilig mangbasag ng bungo sa grupong 'to. Ikaw lang din ang posibleng gumawa nun kay Prof. dahil sa nangyari kay Babe." inis na sabi ni Ichiro.

What the hell....?

Gunner did what?a

"Kaya ba binoto mo si Claude? Kasi alam niya sikreto mo?" naiinis pero pang-asar na natatawa si Ichiro.

"You nominated Claude?" naiiyak at galit na tanong ni Java kay Gunner.

"Hindi ko kayo marinig pero pwede ba huwag muna tayo mag-away?!" sigaw ni Flame na hindi naririnig ang usapan.

"Gunner, answer me, did you nominate Claude?!" sigaw ni Java.

Binalot kami ng katahimikan.

Ayaw sumagot ni Gunner. Inis siyang umiwas ng tingin.

"Ano ba nangyayari?!" frustrated na tanong ni Flame.

"Oh god. You did." napaatras na sabi ni Java saka umiyak lalo. Agad siyang nilapitan ni Ichiro at Dorothy. Si Ichiro naman ay masama ang tingin kay Gunner habang inaamo si Java.

"Gunner, did you kill someone...?" tanong na tuloy ni Alpha.

"T-That's enough." awat ko.

Masyado nilang dinidikdik si Gunner.

"Gunner..." ulit ni Alpha.

"I am innocent. Maniwala man kayo o hindi, wala akong pinatay na tao." seryosong sabi ni Gunner. "Galit ako kay Prof. Azazel pero hindi pa ko ganun ka demonyo para pumatay."

"Pero bakit mo binoto si C-Claude?!" pumiyok na tanong ni Java, nilingon siya ni Alpha kahit hindi nakikita.

"Because I thought he killed Cara. He was there in the incident of arson. Siya lang ang nandun sa ating sampu." seryosong sagot ni Gunner.

"Tangina. Dahil sa maling akala nawala si Claude. Tangina talaga." mura na ni Ichiro.

"What is Claude's polaroid?" tanong ni Alpha.

Nagtaas ng kamay si Dorothy.

Ikalawa.

Fuck.

Nagbagsakan ang luha ko.

..... I voted for Claude, too?

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o FLAME
 
 
Punyeta.

Wala akong maintindihan!

Para akong nanonood ng kdrama na walang subtitle!

Gunner looks so uneasy. Ano ba pinag-uusapan nila? Bakit nila dinidikdik si Gunner? At si Gunner, bakit siya mukha nakokonsensya? Mukha siyang pinagbagsakan langit. Shet. Ano ba kasing sinasabi nila?!

"Pwede ikwento niyo sa'kin?! OP ako oh." sigaw ko na naman.

Usap lang sila nang usap. Biglang tumayo si Echo---- at sinuntok si Gunner. Beach, what the heck?!

Wait. Echo is mad again! Halimaw to magalit!

"Echo, huwag. Hayop." awat ko.

Gusto ko silang panuorin ni Gunner maglaban pero huwag sa ganiyong sitwasyon at baka magpatayan sila nang wala sa oras!

Sobrang galit si Echo. Ano ba pinag-uusapan kasi nila?! May natulong luha sa mata ni Echo habang sinusuntok si Gunner. Si Gunner ay hindi nalaban at nagpapabugbog lang. What the hell is happening?!

Tumayo si Dorothy at inawat si Echo. But Echo is really mad, aksidente niyang natabig si Dorothy. Nadapa si Dorothy sa sahig. Agad siyang nilapitan nila Hera at Ichiro.

Echo didn't stop punching Gunner.

Duguan na si Gunner. Hala!

"Tama na!" sigaw ko saka umawat.

Tinulak lang din ako ni Echo palayo. Argh!

"Echo, you little beast, kumalma ka!" sigaw ko saka sinapak siya sa mukha. Wooh. It's been a long time. Dumugo labi ni Echo. May sinabi siya sa'kin... pero wala akong naintindihan.

Umiling din sa'kin si Gunner na parang sinasabi niya na hayaan ko lang si Echo. Ano ba kasi meron?! Hindi ko alam kung eepal ako o hindi sa gulo nila!

Mag-aaway na dapat ulit sila nang biglang lumindol na naman.

Nagpatay sindi ang ilaw. Matagal na namatay ang ilaw. Wala akong marinig! Anong nangyayari?!

Sobrang dilim!

Sandaling bumukas ang ilaw at nakita kong may sampung taong nadagdag sa loob. Sampung payaso.

---- Clowns are here!

Nakakatakot!

Their mouths are dripping with blood. Sobrang dumi ng mga soot nila. Hindi ako doon nabahala. Kinabahan ako sa hawak nila. May hawak silang.... kutsilyo.

Namatay muli ang ilaw.

I don't know what's happening. Sobrang tahimik ng mundo ko.

Napaatras ako sa takot at sa pag-atras ko at tumama ang likod ko sa isang matigas na bagay. Namutla ako at nanlamig. Malakas akong napasigaw nang may tumusok sa likod ko. Sobrang sakit!

Nagulat ako nang isang kamay ang humila sa'kin mula sa harap. I can smell his scent. Alam ko kung sino 'to. Mabilis niya kong hinila palayo sa kung sino man ang nasa likod ko kanina. Tinago niya ko sa mga braso niya. Nararamdaman kong hinihila siya palayo sa'kin.

"G-Gunner..." takot kong sabi.

It was the last scene I can recall before someone hit our heads real hard.
  
  
 
TO BE CONTINUED.

sheena's note:
goodluck sa may mga pasok
na bukas hahahahahaha XD
sana naenjoy niyo sembreak.
sana ol may one week pahinga
hahaha! happy 2m, Dawn 🥀

Seguir leyendo

También te gustarán

3.8M 228K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." 🖇 COMPLETED Date Starte...
56M 988K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.