Hinahanap-hanap Kita ☑️

Autorstwa Yaoistorywriter

30.2K 2.2K 157

Jeff's dream is no ordinary dream. It has three doors -- the Door of Losts, the Outside Door, and the Door of... Więcej

Pre
1 - Punching Bag
2 - Chismoso
4 - Resbak
5 - Draft
6 - Butones
7 - Boso
8 - Standards
9 - Pamilyar
10 - Ashes
11 - Lost
12 - Crossover
13 - Sorry
14 - Something
15 - Condition
16 - Gago
17 - Pintuan
18 - Pain
19 - Gift
20 - Espirito
21 - Hindi
22 - Sugat
23 - Pagkatao
24 - Liwanag
25 - Estranghero
26 - Regain
27 - Heart
28 - Same
Post
Side story

3 - Special

1.2K 97 14
Autorstwa Yaoistorywriter

-VAN KEVIN-

"Mukhang alam ko na kung bakit nandito ka na naman ngayon. Kelan ka ba titigil dyan sa kagaguhan mo?"

Napatigil ako sa pakukudkod. Ito na naman sya. Papangaralan na naman nya ako.

"Look at yourself. Sa tingin mo ba ginagawa mo 'yang pagkukudkod ng vandal at pagf-floorwax nitong hallway ngayon kung hindi ka gago, ha?" Sabi pa uli nya.

I greeted my teeth. I looked at him, bored. "Wala kang pake. Para namang hindi ka pa sanay sa gago mong kapatid." Sabi ko sa kanya.

Ark sigh. "Bahala ka na, Van. Basta labas na ako sa lahat ng kalokohang gagawin mo sa loob at labas ng paaralang ito." Sabi nya at pumasok na sya sa loob ng kanilang headquarters.

Katabi ng headquarters nila ang disciplinary office. Yes, may tarantadong nagsumbong kanina. At mukhang alam ko na kung sino ang tarantadong 'yon.

Muling bumukas ang pintuan ng hq nina Ark at bumungad sa akin ang pagmumukha niya, "Anyways, kapag nakita mo si Jeff na papunta rito papasukin mo na. May pupuntahan lang kami saglit." Sabi nya at lumabas na siya kasama ang iba pang myembro ng banda nya.

Takte na 'yan. Napagbilinan pa.

Jeff. Ang bagong vocalist ng Everblue.

'Yung tarantadong ang hilig mambwisit. Ang dahilan kung bakit nagkukudkod ako ngayon dito ng vandal ng mga walang modong estudyante at nagf-floorwax ng lintik na hallway na 'to.

Kinudkod ko nang kinudkod 'yung mga nakasulat na puro kalandian. "I love you Ark", "Luigi marry me", " Jasmineee is so gorgeous", "TANGINA MO VAN MAMATAY KA NA".

Aba lintik. Sinong gago ang nagsulat nito dito?

Diniinan ko 'yung pagkakakudkod ko dun sa mga nakasulat hanggang sa napansin kong pati 'yung pintura ay nabubura na. Wala akong pake.

"Soulmate?"

Napatigil ako sa pagkukudkod. Isa pa 'to. Hindi na ba ako matatahimik? Palagi na lang bang may mambu-bwisit sa akin?

Tiningnan ko 'yung lalaki. Pasuot-suot pa ng sumbrero mukha namang jeje. Akala nya siguro ikina-cool nya 'yon.

Hindi ko ito pinansin at ipinagpatuloy ko ang pagkukudkod ko.

"Dito daw 'yung hq ng Everblue. Alam mo ba? Saan dito?" Tanong nito.

I sigh at yamot kong tiningnan ko 'yung bwisit na lalaki.

"Hindi mo ba nakikita 'yan?" tinuro ko 'yung pinto na may sign na EVERBLUE HQ, "Bulag ka ba talaga? College ka na, hindi ka pa rin marunong magbasa?!" Inis na sabi ko sa kanya.

Nagkibit-balikat sya.

"Malay ko ba? Malay mo ibang Everblue 'yan. Baka may Everblue na dance troupe, na choral group, o baka pangalan yan ng isang fraternity at bigla akong ma-haze sa loob." Sabi nya.

Napapikit ako. Nasisiraan na ng ulo 'tong batang 'to.

"Sana nga fraternity ang nasa loob nyan at ma-haze ka." Sabi ko.

He chuckled, "Haha, joke lang 'yun soulmate. Masyado ka namang seryoso." Sabi nya at pumasok na siya sa loob.

Tumigil ako sa pagkukudkod and I closed my fist. Sumusobra na talaga ang batang 'yon. Nakakakulo siya ng dugo. Parang gusto ko siyang bugbugin.

Tumayo na ako at itinapon ko sa labas hallway ang hawak kong pangkudkod.

Sige lang, bata. Ipagpatuloy mo 'yan. May oras ka rin sa akin.

•~×~•

-JEFF-

More than one hour na rin akong naghihintay dito sa loob ng headquarters ng Everblue.

'Yung totoo, may meeting ba na magaganap? Nasaan na ba sila? Kating-kati na akong umuwi.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Naggagabi na. Ang dilim na sa labas eh. Mukhang hindi na talaga sila dadating. O baka mali lang ako ng hq na napasukan?

Pero hindi eh. Nandito 'yung mga instruments. And infairness, ang laki ng hq nila. Parang tatlong classroom ata ang capacity nito. O mas malaki pa. Feeling ko dito na sila natutulog kasi may mga kwarto tapos may cr pa. Then may place talaga para sa mga instruments, para sa pagre-rehearse. Mapapa-wow ka na lang talaga.

I sigh. Mukhang hindi na talaga sila dadating. Baka nakalimutan nilang pinatawag nila ako.

Iniligpit ko na ang gamit ko at ready na para umalis nang bigla namang bumukas ang pinto at pumasok na ang mga myembro ng bandang Everblue.

"Wazzup, Jeff!" Sabi nung judge noon slash drummer na si Ark Tolentino.

Hindi ako nakapagsalita agad. Nakaka-starstruck sila! Ang ga-gwapo. Hay nako. Lumalabas na naman ang pagkalandi side ko.

"So ikaw pala si Jeff? Nice meeting you. By the way, nice cap!" Sabi nung isang gitarista nilang si Jasmine. Yes, may babae silang guitarist! Diba, ang cool?

Umupo sila sa couch na nasa harapan ko. Lima sila. Si Ark, ang drummer. Si Jasmine, guitarist. Si Luigi, lead guitarist, at ang dalawang nakatabi sa akin na si Huxley, bassist and pianist na si Justin. O diba, kabisadong kabisado ko mga pangalan nila.

I like their songs kasi. Ang gaganda. Ang galing kasi nung vocalist nila dati. Siya lang din ang nagsusulat ng mga kinakanta nila.

Well, may mga nasulat na rin naman akong mga kanta. Kaso 'yung iba puro tungkol sa pagpapantasya kaya wala akong balak ipakita sa kanila.

"So, ayun. Welcome to Everblue. Sorry natagalan kami ah, may inasikaso lang ang manager namin sa labas. Gusto ka rin sana nya ma-meet kaso may appointment sya ngayon. Baka bukas," sabi ni Ark.

Ngumiti lang ako. Pinagmasdan ko sila.

Si Jasmine, maganda. Nakatirintas ang buhok nya na curly. Si Luigi, may hikaw na itim sa kaliwang tenga. Feeling ko silent type rin 'tong isang 'to. Si Huxley naman, ayun tamang kindat nung napatingin sakin. Feeling ko makulit 'tong isang 'to. Si Justin, ewan. Di ko sya mabasa.

Parang dati napapanood ko lang silang magperform. Ngayon eto, mga katabi ko na. I feel so honored.

"Pinatawag ka namin, because we wanted to give you this," sabi ni Ark at may ibinigay siya sa aking isang papel. Isang kontrata.

"Hindi po ba dapat 'yung manager nyo ang kumakausap sa akin regarding this?" Tanong ko sa kanya.

Medyo napatawa sila. "Actually, yes. Kaso dahil busy sya, kami na lang nagbigay. Don't worry, this isn't the formal meeting yet, binigay ko lang yan para may pre-knowledge ka na as a member of our band, kung pipirmahan mo 'yang contract. Haha" sabi nya.

Biglang sumingit sa usapan si Huxley, "Yeah right. We're really excited to hear more from you. Napanood ko audition mo last time and ang galing mo. Isa pa, ang cute mo dyan sa sumbrero mo." Sabi nya.

Hindi ko alam kung kikiligin ako or what, ngumiti na lang ako.

"Oo nga, pero pwede mo bang tanggalin 'yan? Gusto lang namin makita itsura mo pag walang sumbrero. Parang palagi ka kasing nakaganyan tuwing makikita kita dito sa loob ng campus," sabi ni Justin na ikinagulat ko.

I nodded, "Oo naman po." Sabi ko at tinanggal ko ang sumbrero ko.

Napa-wow naman sila sa nakita nila. Bahagya kasing natakpan ng bangs ko ang mga mata ko. Mahaba kasi ang buhok ko. Pero 'yung bangs lang! Naka 2x3 clean cut pa rin ako, ayoko lang pabawasan bangs ko. Haha.

"Ang ganda ng buhok mo ah, straight na straight. Parang naka rebond. Sana all," sabi ni Jasmine. I smiled.

"Thank you po." Sabi ko na lang.

Napatingin ako kay Ark. He's smiling and I can see amazement and interest through his eyes. Ngumiti lang ako.

At ipinaliwanag na nga nila sa akin ang contract. Which is naintindihan ko naman lahat ng conditions. Binigyan rin nila ako ng rules and konting background check tungkol sa banda nila.

Sabi nila, kailangan na nilang mag-recruit ng iba pang myembro. Kaso mukhang mahihirapan daw sila. Graduating na kasi sila at kailangang manatiling buhay ang banda ng school na 'to. 'Yung vocalist nila dati na si Venice ay lumipat ng school. Actually kakalipat nga lang daw kaya nagpa-audition sila kaagad.

They asked me if I can write songs. Sabi ko, yes. May mga naisulat na ako dati na bop and country, which is kagaya ng genre na tinutugtog nila. Kaya ang dami nilang fans eh. Ang decent and modern kasi ng mga tinutugtog nila.

They also told me kung marunong akong tumugtog ng kahit anong instrument. Sabi ko drums, marunong ako.

Totoo kaya! Marunong akong magdrums, slight piano. You know, musically inclined kasi sina mama at papa kaya nahawa ako.

After that eh naisipan na nilang i-adjourn ang meeting. Nagpaalam na ako sa kanila.

"Oo nga po pala, dyan po ba kayo natutulog?" I asked them.

Ngumiti si Ark, "No. Umuuwi kami sa mga bahay namin. Nagi-stay lang kami dyan kapag may events, gigs, at iba pa." Sabi nya.

Ngumiti rin ako. "Sige po, una na ako. Gabi na rin po kasi." Sabi ko.

"Ingat ka," sabi ni Huxley then he waved at me. I waved at them as well, at tuluyan na akong lumabas ng hq nila.

Napatingin ako sa langit. Gabi na. Tiningnan ko rin ang orasan ko and it's already 8:51 pm. Owshet.

Ang tagal ko ba naman silang hinintay. Tapos ang tagal pa nung usapan. Ang dami kasi nilang sinabi.

Naglakad na ako papuntang gate. Nadaanan ko pa 'yung blue house at may naaninag akong isang lalaki. Nilapitan ko ito.

"Kyle?" Tawag ko sa kanya at lumingon naman sya. Hindi ako nagkamali, it's Kyle.

Nang makita nya ako ay inayos na nya ang sarili nya at tumayo na.

"Let's go," sabi nya.

"Wait, anong ginawa mo dito?" I asked him.

"Hinintay kita." Sabi nya.

Natigilan ako. Eh? Edi ang tagal nyang naghintay?

"Bakit mo pa ako hinintay? Ok lang naman ako." Sabi ko sa kanya.

Hindi na sya nagsalita. Hanggang sa makalabas na kami ng gate ng school ay hindi siya nagsasalita.

Naghintay kami ng jeep na dadaan pauwi. Maya-maya ay may pinara siyang tricycle.

"Golden meadow, sir." Sabi ni Kyle dun sa tricycle driver at nagbayad sya ng 100 pesos na ikinagulat ko.

Doon ako nababa. Doon kasi ang bahay namin.

"Jeff," tawag sa akin ni Kyle at sinenyasan ako na pumasok sa tricycle. Wala sa sarili akong pumasok sa loob.

"Wait, ikaw?" Tanong ko sa kanya.

"Faye'll fetch me. I'm good." Sabi nya.

Si Faye ay ate nya. Sana all may sundo.

Nagsimula nang umandar ang tricycle. I gave Kyle one last look at nag-wave ako sa kanya. He smiled and wave at me as well.

I sigh.

Oo nga pala. Magn-9 pm na. Wala ng jeep na nadaan dito.

Usually, kapag inaabot ng 9pm ang uwi ko ay nilalakad ko na lang ang terminal ng tricycle papunta sa amin.

Pero dahil kay Kyle, may pa-special ang lolo mo ngayon. Nagpapasalamat ako at may mayaman akong kaibigan.

Nakalimutan ko nga lang magpasalamat sa personal.

Tumunog ang phone ko. I received one message from Kyle.

"Sabihin mo pag nandyan ka sa bahay nyo." Sabi nya.

Napangiti ako.

"Ok. Salamat Kyle." Reply ko.

Hay nako self. Ipagpatuloy mo lang 'yang kaharutan mo. Haha.

---

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

181K 905 5
Halos dalawang taon na ang nakakalipas ng huling makita ni Hans ang unang taong nagpamulat sa kanya ng salitang "Pag-ibig". Sa kanyang pagbabalik sa...
69.6K 644 14
He is always on top. Wala ng ibang nakakapantay sa kanya. Gwapo, matalino, athletic, at mayaman pa. Ganyan si Justin Christoffer Tolentino. Lahat ng...
687K 17K 60
Hesiod Cruz is just a typical home grown Baguio boy. Nagmula sa simpleng pamilya. Nag-aral sa mga pampublikong paaralan mula elementarya at high scho...
6.1K 230 16
Belial Simons is known for being a rebel. Mahilig syang mag-cutting classes, mag-prank ng teachers and students, sometimes, naninira din sya ng schoo...