Cherish You

By AyhenPey

45.9K 856 370

Serah Cristobal is not your typical girl. She devoted all her life in serving God. Until a turn of events, ha... More

Cherish You
Chapter 1: Transfer
Chapter 2: Third Building
Chapter 3: Zachary
Chapter 4: TMI
Chapter 5: Journalism Club
Chapter 6: Bethina
Chapter 7: Please
Chapter 8: Dare
Chapter 9: I do (Cherish You)
Chapter 10: Acquiantance
Chapter 11: Flirt
Chapter 12: Demon's child
Chapter 13: Travis
Chapter 14: Iba ka na ngayon
Chapter 15: Serah
Chapter 16: Panget ba ako?
Chapter 17: A, M, & Z
Chapter 18: Bato
Chapter 19: Baby
Chapter 21: Stay with me
Chapter 22: Ferris Wheel
Chapter 23: Do something
Chapter 24: Inaabangan kita
Chapter 25: Selos
Chapter 26: Why you can't hug me?
Chapter 27: Kenn
Chapter 28: Hindi ko naman siya gusto
Chapter 29: Papel
Chapter 30: End-of-the-world
Chapter 31: Harana
Chapter 32: Small world
Chapter 33: Pustahan
Chapter 34: I'm sorry
Chapter 35: Snob, Jealous
Chapter 36: Hinahanap ko siya
Chapter 37: Partner
Chapter 38: Problem
Chapter 39: Holding hands
Chapter 40: Pulis at Kriminal
Chapter 41: Zarah
Chapter 42: His face, hug & kiss
Chapter 43: Friend-zoned
Epilogue
S P E C I A L Chapter
Special Chapter

Chapter 20: Kiniss sa lips

995 18 13
By AyhenPey

Chapter 20

"Ano ba ang misplaced modifier dito?"  mahina kong bulong sa sarili ko. Kasi naman eh! Hindi ako nakinig kay Ma'am Santos nung dinidiscuss niya itong lesson sa English eh.  Nakakaasar kasi si Travis, napapaisip tuloy ako kung jinojoke time lang ako noon. 

Hayss ano ba naman ikaw Serah? Nagpapaniwala ka doon. 

Tumingin ako sa katabi ko, wala na si Mishka, kinuha na ulit ni Dria. Nakakatuwa nga eh, talagang pumasok pa sa room namin si Dria para kunin si Mishka habang si Zac naman ay pulang-pula na sa kahihiyan. Pinabalik din naman kasi si Zac kahit may dala-dalang baby. Nagtawanan pa ang mga kaklase ko. Mabuti na lang hindi hinigh blood itong katabi ko.

"My wife found a photograph in the attic that Smith had given to Jones." eh mukha namang tama ang grammar nito ah? Hmmm. Bakit ba kasi hindi ako magaling sa English eh

"Ang ingay mo." napatingin naman ako sa katabi ko na nakatingin sa akin. Bakit ganoon lumakas ata tibok ng dibdib ko ng.. Aish! Ito munang Misplaced Modifiers iintindihin ko eh. Teka, ano sabi niya? Maingay ako? Hala..

"Naririnig mo ako?" 

"Oo, sobra." napabalik ang tingin ko sa notebook ko. Nakakahiya, ang lakas pala ng bulong ko. Akala ko kasi hindi naman ako mapapansin nito.

Nang bigla siyang lumapit sa akin at tinuro yung sentence na nahihirapan ako. 

"Intindihin mo lang yung sentence. May mali kasi sa grammar dyan eh. Yung 'in the attic' dapat ilagay mo siya sa unahan para magandang pakinggan. Tamo, In the attic, my wife found a photograph that Smith had given to Jones."

"Thanks.." bigla siyang napatingin sa akin. Feeling ko na naman kinakabahan ako. Kasi naman nakalean siya sa armchair ko sabay tingin sa akin. Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko. 

"Class I have a good news to all of you!" napatingin kaming lahat sa harapan. Si Ma'am Fuentes kasi yung adviser namin pumasok na may malapad na ngiti sa labi niya. Tinaas niya ang kamay niya na may hawak hawak na mga papel.  "-Bigay niyo ito sa mga Parents nyo. Kasi next week magkakaroon kayo ng Field Trip sa Baguio!" 

Pagkasabing pagkasabi ni Ma'am about sa Field Trip nag sigawan ang mga classmates ko at nagtakbuhan kay Ma'am para makakuha ng papel. Yun siguro yung panawagan para sa Parents. Hayss, sasama ba ako? Bigla naman akong Inabutan ni Zac ng papel, nakakahiya kinuha niya pa ako. 

October 12- 14, 2012 yung Field Trip sa Baguio. 3 days and 2 nights. Ang masaklap pa doon, tatapat siya sa Sabado na may Youth Worship kami tapos Sunday na may Mass kami. Hayss, God naman eh.. Hindi ko alam kung sasama ba ako. Gusto kong sumama sa Tour kasi hindi pa ako nakakapunta dyan pero may simba naman kami. 

Naku, kakausapin ko na nga muna si Mama about dito. Kay Mama na lang ang desisyon, para hindi na ako mahirapan sa pag-iisip. Pero sana po Lord kung ano man ang maging desisyon ni Mama sana matanggap ko. Kasi kapag nag simba ako malulungkot ako kasi hindi ako nakarating sa Baguio. Kapag naman sumama ako sa Field Trip malulungkot ako kasi pinili ko ang kasiyahan ko kaysa kay Lord. 

Lord, help me! 600 per head ang babayadan namin. Kasama na yung Transportation, Hotel at Food. Pocket money na lang ang dadalhin.  

"Sasama ka?" tanong sa akin ni Zac.

"Hindi ko pa nga alam eh." 

"Kapag hindi ka sumama, hindi na rin ako sasama." sabi niya, ano ba.. Heto na naman itong dibdib ko parang orasan na nag-aalarm.

"Aww, ang sweet naman..." napalingon ako sa harap ko at nakita ko si Bethina na nakangiti sa akin. 

"Sasama ka?" tanong niya kay Zac. Tumingin siya sa akin pero inarapan niya lang ako. Minsan gusto ko na siyang tanungin bakit ganito ang pakitungo siya sa akin? Ano ba ang ginawa kong masama sa kanya at nagagalit siya sa akin. Wala naman akong ginawang masama sa kanya eh. Pero bakit ganoon? Pag ako ang nakikita niya wala na siyang ibang ginawa kung hindi tarayan ako, pag salitaan ng kung ano anong bagay na hindi naman magaganda. 

"Paki mo ba?!" pagalit na sagot ni Zac. Bumalik siya sa ginagawa niya na sagutan yung Activity namin sa English.

"Ikaw Serah sasama ka? Taray kasi nitong si EX eh." bakit ganoon? Nung tinanong niya ako pakiramdam ko gumaan ang dibdib ko at nagustuhan ko yung tono ng pananalita niya. Para kasing matagal ko na siyang kaibigan nung tinanong niya ako eh.

"Hindi ko pa alam eh."

"Pero gusto mong sumama?"

"Oo, hindi pa naman kasi ako nakakarating sa Baguio eh."

"Eeew, LOSER! Siguro pati sa Maynila di ka pa din nakakarating noh? Pati sa Malls like SM o kaya naman sa mga lugar na pinagmamalaki ng Pilipinas. Yuck! Probin---" hindi na napagpatuloy ni Bethina ang sasabihin niya dahil sumigaw na itong katabi ko.

"Will you please shut up Bethina?! Napaka ingay mo! Kita mong nag-aaral ako dito eh! Pati sino ka ba para sabihan mo si Serah ng mga ganyang bagay ha?! Eh ano kung hindi pa siya nakakarating doon? Wala naman pagbabago na mas LOW grade ka at ill-mannered kaysa sa kanya!" 

Bigla na lang tumulo ang luha sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan habang nagsasalita si Bethina. Ang sakit pala, sobra! Hindi ko alam kung ano ba itong mararamdaman ko pero isang salita lang ang pumapasok sa isipan ko. Nakakaawa ako, siguro iyan ang tingin niya sa akin. NO, nila sa akin. Oo totoo, hindi pa nga ako nakakarating sa mga lugar na tinutukoy niya. Lumaki kasi ako na Bahay, School at Simbahan lang. Doon lang umikot ang mundo ko dahil iyon naman ang kagustuhan ko.

Pero ang sakit lang kasi eh. Loser daw ako, at hindi lang iyon Yuck daw. Kadiri na ba talaga ang taong hindi pa nakakarating sa mga lugar na iyon? Wala naman kasi kaming madaming pera para ipangluho, sapat lang iyon para sa pang-araw araw naming pangangailangan. Hindi tulad niya. 

Dumagdag pa si Zac, ewan ko ba. Pero doon sa mga sinabi niya, mas lalo akong nakaramdam ng self pity. 

Tumakbo ako palabas ng room. Alam ko nakatingin sa akin mga classmates namin, kanina pa kasi sila nakatingin simula ng mag sigawan yung dalawa. Pumunta ako sa paborito kong lugar sa may garden. Mabuti na lang at oras ng klase ngayon, kaya ngayon walang estudyanteng nagkalat dito.

Umupo ako sa upuan nilabas ang sama ng loob ko. 

Bethina, kahit wala akong maisip na bagay na ginawa ko na masama sa iyo. Humihingi ako ng tawad sa iyo, kung ito lang ang magpapabago ng pakikitungo mo sa akin. Mag s-sorry ako sa'yo. Please lang, wag mo na akong t-tratuhin ng ganito. Sa totoo lang, gustong-gusto kitang maging kaibigan simula pa lang. 

Kahit masama sa aming mga Christian ang makaramdam ng inggit. Aaminin ko nakakaramdam ako ng inggit sa mga classmates natin na kaibigan mo. Kasi sa kanila, mabait ka, nakikipag usap ka, nakikipag kwentuhan, nakikipag tawanan pero sa akin hindi. Sana maging ganoon ka din sa akin balang araw. Sana tratuhin mo din ako na isang classmate na kaibigan. 

Umiyak ako ng umiyak sa upuan. Mabuti na itong malabas ko ang sakit na nararamdaman ko. Para sa ganoon mawala kahit papaano. Feeling ko, isa lang akong BATO na bigla na lang sumulpot sa isang lugar na hindi naman napapansin at kapag nakaharang sa daan ay sisipain na lang. Ganoon ba ako? 

Pinunasan ko na yung mga luha sa mata ko gamit yung Hanky ko. Mabuti na lang meron akong dala nito. Pero habang pinupunasan ko yung mata ko bigla na lang may yumakap sa akin.

"Are you alright?" binaba ko yung panyo at tinignan ang taong nasa harapan ko. Hinihingal pa siya habang nakatingin sa akin.

"Ok na ako. Salamat pala." iniwas ko ang tingin ko sa kanya, ang awkward kasi eh. Humiwalay na din naman siya at umupo sa tabi ko. 

"Tell me, ano nararamdaman mo ngayon?" bigla naman akong napatingin sa kanya. Seryoso? Gusto niyang malaman? Ang unusual lang kasi eh. Si Zac, gustong malaman ang nararamdaman ko ngayon? Ngumiti lang siya sa akin. Kaya kinuwento ko lahat ng naiisip ko kung bakit ganoon si Bethina sa akin. 

Heto na naman ang luha ko, namumuo na naman. 

"Hayaan mo na lang iyon, may karma din yun." sa haba haba ng kinuwento ko sa kanya iyan lang ang sinagot niya sa akin. Hayss, pero ayos na din ito kahit papaano naman gumaan gaan ang dibdib ko. Tapos akala ko wala ng kasunod ang sasabihin niya pero...  

"-Wag mo nalang isipin si Bethina, nandito naman ako at kahit kailan hindi ko naisip na ganoon ka na isang Loser, Yuck, at kung ano ano pang negative words. Basta para sa akin ikaw si Serah na dapat pinapahalagahan at kailanman ay hindi naging Loser. Di ba nga I will cherish you?" 

Pagkauwi ko sa bahay,

"Ma, basahin niyo ito oh." inabot ko sa kanya yung papel para sa Field Trip namin.  Mga ilang sandali..

"Gusto mo sumama anak?" nakangiting sagot ni Mama sa akin. 

"Opo, kaso.."

"Saturday and Sunday?"  nag nod naman ako. Alam ko na alam ni Mama ang ibig sabihin ko. Ma, ikaw na bahala sa desisyon ko. Magpapaka depende muna ako sayo. Sana matanggap ko iyon.

"Sige anak sumama ka. Tutal hindi ka pa naman nakakapunta dito pati may parating naman na Bonus ang Papa kaya sige sumama ka na."

"Talaga? Ma? Sasama ako?!" huwaaah! Ang saya ko! Makakasama ako sa Field Trip! Makakarating na din ako sa Baguio! Pero naalala ko, hindi pala ako makakapag simba ng araw na iyan.

"Oo naman anak. Minsan ka lang humingi sa amin ng Papa mo kaya pagbibigyan talaga kita. At kahit wala tayong pera pipilitin ko pa din makasama ka dito, kasi ngayon ka pa lang makakapunta sa Baguio. Basta anak wag mo akong kalimutan na uwian ng Strawberry ha?" 

"Opo Ma! Thank you!!!" niyakap ko si Mama at kiniss sa cheeks.

***

Nandito na ako sa loob ng Bus nakaupo. Paalis na din kasi kami eh. Ang dami kong dalang damit malamig daw kasi doon lalo na ngayon magpapasko na. Dito pa nga lang sa Bus malamig na eh kahit na jacket na ako, ang lamig pa din. Nung nakapasok na ako sa Bus umalis na din si Mama, syempre good bye kiss sa kanya at nakatanggap pa ako ng pangaral na wag makalimot magdasal at wag lalayo sa mga kaklase.

Dito ako nakapwesto sa pinakadulong upuan ng Bus. Nakakatuwa nga kasi buong 4th Yr Turquoise at half ng Dandelion ang tao dito. Solo daw sabi nga mga classmates ko. 

Bigla kong nakita si Travis na nakatayo at naghahanap ng upuan. Wala pa akong katabi.. Nakakahiya naman na yayain ko siya na umupo dito sa tabi ko lalo na limang oras ang biyahe papuntang Baguio. 

"Serah!" napalingon ako kay Travis kasi tinawag niya ako. "--may katabi ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Wala p---" hindi ko na napagpatuloy ang sasabihin ko kasi.. 

"Oo meron na, ako." biglang umupo sa tabi ko si Zac. Hala? Saang galing ito? Tumingin ako sa kanya at nginitian lang niya ako. Tumingin ako kay Travis at umupo siya sa may harapan namin kung saan nakaupo din si Bethina mag-isa.

"Naks! Magkatabi!" pang gagalit ni Zac kay Travis.

"He! Tigilan mo ako! Peste ka!" 

"Bethina, ihanda mo ang plastik mo dyan, susukahan ka niyan mamaya! HAHAHA." pang gagalit ni Zac sa dalawa. Parang nung isang araw lang galit si Zac kay Bethina biglang ganito? At naninibago pa din ako sa taong ito, hindi ko maisip na mang-aasar din pala ito.

Mga ilang minuto lang umandar na yung Bus pero syempre bago umalis nag pray muna kami. Si Ma'am Fuentes yung nag lead ng prayer. I wonder kung nagdasal itong katabi ko, hindi ko kasi nakita kasi nakapikit ako eh. Hehehe. 

"Ang daya mo hindi mo sa akin sinabi na sasama ka." biglang nagsalita ang katabi ko.

"Hindi ka naman nagtatanong eh."

"Paano na lang kung sumama ako sabay wala ka pala?" 

"Eh kasama na naman ako eh." sagot ko. Teka, feeling ko nag pi-pick up line na din ako. 

"Ikaw talaga.." tapos hinawakan niya yung ulo ko at sinandal sa balikat niya. Nakatingin lang ako sa bintana mga ilang sandali lang nakaramdam na din ako ng antok. Dapat lang! Baka masuka ako o mahilo kapag gising pa din ako eh... Thank you Lord dahil nakasama ako sa Field Trip. Gabayan nyo po ang biyahe namin at wala pong mangyari sa aming masama.

"Wag ka ngang malikot!"

"Ikaw kaya yung malikot dyan! Para kang kiti-kiti!"

"At ako pa?! Ikaw kaya iyon, tignan mo muntikan ng matapon itong juice ko sa damit ko gawa mo! Kung hindi mo lang tinaas yang braso mo eh di sana hindi natabig itong Tumbler ko!"

"Lintik! Ang ingay mo! Halikan kita dyan eh!" 

Nagising ako doon sa ingay ng dalawa na nasa harapan ko. Nagulat na lang ako sa katabi ko. Paano kasi nakasandal ako dito sa bintana habang siya naman ay nakasandal sa balikat ko at nakayakap ang kamay sa bewang ko! 

"Zac.. Uyyy.." kinalbit ko yung ulo niya.

"Ano ba.. Natutulog ako."

"Umayos ka ng upo." sagot ko sa kanya

"Dito ako komportable wag kang magulo." tapos lalo niya pang hinigpitan ang yakap niya. Hala? Anong kala niya sa akin unan?! Waaah!! 

Kinuha ko na lang yung iPod Nano ni Kuya na pinahiram sa akin. Mabuti na lang may isa akong Memory Card na puro Hillsong ang kanta kaya iyon ang nakasaksak dito.

NP: Amazing Love - Lyndsey Wallace

Amazing Love how can it be. That you, my king would die for me.

Amazing Love I know its true and it's my joy to honor you

In all I do, I honor you.

Lord, may gusto na sana ako kay Zac kaso hindi siya Christian eh. :(

* * *

Nandito na kami sa Baguio City! Yey! Nag stop over pa nga iyong Bus sa Lions Head eh. Ako naman hindi na ako nakababa kasi tulog pa din itong kasama ko. Okay na din iyon wala naman akong camera na dala. Kaya nag stay na lang ako sa loob ng bus at aliw na pinanuod yung mga schoolmates ko na nag pipicturan.

After 30 minutes bumalik na ulit sila at ito na kami on the way sa Hotel. Sa Camp John Hay Manor Hotel. Nung inannounce ni Ma'am na doon kami mag s-stay. 

"Waaahh? Talaga?! Sosyal!!" sigaw nung isang bakla na nasa harapan.

"Di ba mahal ang check in doon? Paano?!---" 

"Wag nga kayong mag joke! Ang ganda ng biro nyo!" at nag ingayan na nga ang buong tao na nasa Bus.

"PLEASE BE QUIET!!!!" sumakit ata ang ear drums ko doon. Sumigaw kasi si Ma'am Fuentes sa Microphone kaya iyon tahimik ang lahat.

"Oo walang biro doon tayo mag h-Hotel. Basta sumunod na lang kayo wag ng mag reklamo baka malipat pa tayo sa ibang hotel akala nyo.." sabi ni Ma'am.

Nagising naman itong katabi ko, nag inat inat pa. 

"Nasaan na tayo?" 

"Papunta na sa Hotel." sagot ko, nakatingin lang ako sa bintana. Ohhh, God is Good talaga! Super ganda ng creation nya!! Kung may Camera lang ako pipicturan ko talaga lahat ng makikita ko.

"Sa Camp John ba?" 

 "Oo." walang gana kong sagot.

"Ibang klase talaga si Mommy." hindi ko na lang inintindi yung sinabi niya. Kasi nag away na naman yung dalawa na nasa harapan namin.

"Ang baho ng hininga mo! Ito Maxx kainin mo!" 

"Mas mabaho ang iyo! Tignan mo may panis laway ka pa!" sagot ni Travis. Nakakatawa naman itong dalawang ito parang aso't pusa lang. 

"Wala naman eh!!" 

"Ahahaha, tinignan nga! Uto-uto!" 

"Che!! Loser! Di naman magaling mag drums!" 

"Ano sabi mo?"

"Walang ulitan sa taong bingi!" nakita ko si Bethina na sumandal doon sa bintana. Tumingin pa nga siya sa akin na kinagulat ko. 

"Baka magkatuluyan kayo pare!" sabi ni Zac. 

Tapos tumahimik na si Travis. Hanggang ngayon nakasilip pa din sa may butas si Bethina at may inabot siya sa aking papel.

Pwede ba kitang makausap mamaya? Pagkababa natin sa Bus?

Nag nod na lang ako sa kanya tapos bumalik na din yung tingin niya sa harapan. Bakit ganoon?Parang kinakabahan ata ako. Siya? Si Bethina gustong makipag usap sa akin? Para saan pa? Hayss..

Biglang may nadaanan kaming isang stall ng tindahan ng Strawberry. Waah, nagutom na tuloy ako. Di pa pala ako nakakakain. 

Kaya iyong kinuha ko yung Bag ko at nag labas ng Lunch Box. Gutom na pala ako. Mabuti na lang pinaghanda ako ni Mommy ng Lunch. Tapos narinig ko yung mga classmate ko, malapit na daw kami sa Hotel. Eh nagugutom na ako basta kakain na ako.

Tocilog pala yung ulam ko tapos kanin. HAHAH. Favorite ko pa pala yung ulam. Isusubo ko na sana yung kutsara naalala ko na magdadasal pa pala ako! Ayun bow head, close my eyes and pray! Nung natapos na ako.

"Talagang religious hano?" sabi ng katabi ko. Instead na sagutin siya

"Kain ka." alok ko sa kanya

"No thanks, kulang pa sa akin yang baon mo." 

Nakaramdam naman ako ng pagkainis doon. Ewan ko ba kung bakit basta ganoon. Di ko na din alam ang sunod na ginawa ko.

"Travis! Gusto mo ba?" bigla akong tumayo sa pagkakaupo kahit umaandar yung Bus. Tumingin naman sa akin si Travis at Bethina. Hala? Mukhang bad trip yung dalawa, kasi nung tumingin sila sa akin nakaangot yung mukha. Tapos si Travis parang bipolar bigla ba namang kinuha yung Lunch Box ko at yung kutsara ko at sumubo siya sa Food ko!

"Ang saraaaaap!!" sabi niya, tapos susubo ulit siya.

"Patay gutom!" nag crossed arm si Bethina at dinilaan si Travis. Bigla namang binalik sa akin ni Travis yung lunch box ko at kutsara.

Nagulat na lang ako ng bigla niyang hawakan yung batok ni Bethina at kiniss ito sa lips! 

Napaupo agad ako sa upuan ko at napatingin sa bintana. Napaisip. Bakit ganito ang feeling ko? Parang.. Ewan!! Hayss.. Bakit naman kasi bumalik sa alaala ko yung sinabi ni Travis nung isang araw na crush niya daw ako.

Yun un eh! 

Continue Reading

You'll Also Like

54.8K 1.1K 123
ALL YOUR FIRST ARE WORTH REMEMBER
7.9K 326 46
She is a bitch. Maldita. Matalino. Maganda. Mayaman. She has everything in other words. She's a bitch with a class. Then she met him AGAIN. Her old b...
640K 3.3K 6
Ang gusto sana ni Alleah ay makapag-asawa ng mayaman tulad ng naging kapalaran ng kanyang isang pinsan. Pero dahil sa kanyang mga kagagahan at kaloko...
42.1K 1.6K 43
Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Na...