Just Like Before

By moisel

185K 2.9K 668

Everyone deserves second chance. More

Just Like Before
Chapter 1: Number 7
Chapter 2: Dela Cruz
Chapter 3: Gym
Chapter 4: Kuya
Chapter 5: Wo ai ni
Chapter 6: Suitor
Chapter 7: Turn back time
Chapter 8: Number
Chapter 9: Damn love
Chapter 10: Closure
Chapter 11: Not enough
Chapter 12: Start Again
Chapter 13: Cafeteria
Chapter 14: Your voice
Chapter 15: Time
Chapter 16: A sign
Chapter 17: Broken
Chapter 18: My Hailey
Chapter 19: Your touch
Chapter 20: Upset
Chapter 21: Sweet
Chapter 22: My way.
Chapter 23: Chances
Chapter 24: Dead
Chapter 25: Parents
Chapter 26: Uneasy
Chapter 27: After lunch.
Chapter 28: Accident
Chapter 29: Selfish.
Chapter 30: First.
Chapter 31: Calm.
Chapter 32: Bestfriend
Chapter 33: I love you, Royce.
Chapter 34: Give me time.
Chapter 35: Distracted.
Chapter 36: Why, Dana?
Chapter 37: Everything.
Chapter 38: Yes.
Chapter 39: Territorial
Chapter 40: Plan
Chapter 41: You're mine.
Chapter 42: My girl.
Chapter 43: Bye. I love you.
Chapter 44: My son's girlfriend
Chapter 45: Always hers
Chapter 46: Date my son
Chapter 47: Back.
Chapter 48: My fault.
Chapter 49: Babe.
Chapter 50: Why?
Chapter 51: Contact
Chapter 52: Letter
Chapter 53: Now.
Chapter 54: Nami and Levi
Chapter 55: My Royce.
Chapter 56: Who's this?
Chapter 57: Distraction.
Chapter 58: Sorry, girlfriend.
Chapter 60: Caller
Chapter 61: Saturday.
Chapter 62: My message.
Chapter 63: Just say yes.
Chapter 64: Missing.
Chapter 65.1: Royce's Point of View
Chapter 65.2: Royce's Point of View
Epilogue.
JLB: JTHY
JLB: JFY

Chapter 59: Scared.

2.1K 43 10
By moisel

Happy Halloween!

Chapter 59

 

Gumalaw ako ng konti nang maramdaman ko na may mainit na nakadagan sa tyan ko. Nagmulat ako ng mata nang maramdamang lalong humigpit yon. Lumipad ang tingin ko doon. Huminga ako ng malalim nang makitang kamay iyon ni Royce. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Naabutan ko siyang mahimbing na natutulog at naka-topless! Halos mapanganga ako sa katawan niya. Araw-araw kaya itong naggi-gym? Oh geez, dahil sa comforter na nakalagay sa lower part, hindi ko sure kung yung top lang... oh my gosh!

Lumayo ako ng konti para makawala sa kanya pero para siyang batang attach na attach sa unan niya. Nakabukas ng konti ang bibig niya at natetempt akong halikan yon. Get a grip, Hailey!

 

“Dapat hindi na kayo nagpupuyat, Manong. Masama yon sa health.” Narinig kong sabi ng kung sino. Narinig ko rin ang pagsara ng main door sa condo ni Royce. Napatingin ako sa nakabukas na pinto ng kwarto niya. Hindi sinara ni Royce! At sino iyon? “Naku! Bakit naman hinayaan ni Royce na ganto kakalat dito? Ang batang yon! Royce!”

Nataranta ako. Mukhang kilala ko na kung sino yon! Hinampas ko agad ang kamay ni Royce na nakapulupot sa katawan ko. “Royce!”

“Hmm…” Lalo siyang dumikit sa’kin. Pinatong niya pa ang legs niya sa legs ko. Uminit agad ang pisngi ko. Buti naman may suot siyang pangbaba. “’tom ka na?”

Sa sobrang hina ng boses niya ay halos hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Tinatanong niya ba kung gutom na ko?

 

“May tao yata sa labas!” Bulong ko rin. Hindi pa rin siya nagmulat ng mata. Tinago niya ang mukha niya sa leeg ko.

“Hmm…”

Sinubukan kong bumangon pero mas lalo siyang dumagan sa’kin.

 

“Pakipatong nalang yang grocery sa table, Manong Jose. Hintayin niyo nalang ako sa parking lot. Mukhang tulog pa ang batang yon.”

“Sige po, Madame…” Maya-maya ay nakarinig ulit ako ng pagbukas at pagsara ng pinto.

“Hay naku! Dela Cruz!”

Halos buong katawan na ni Royce ang naka-lean sa’kin. Akala niya ba magaan siya? Sinusubukan kong itulak siya palayo sa’kin pero masyado siyang mabigat. Halos maiyak ako. Pa’no kapag naabutan kami sa ganitong posisyon? Ano nalang iisipin nila?! Dear!

 

“Royce Blaiden dela Cruz, honey! Bumangon ka na!”

“C’mon, Royce. May naghahanap sa’yo.”

“Hmm…” Lalo siyang sumiksik. “5 minutes, girlfriend.”

“Hayaan mo lang akong bumangon. Matulog ka nalang dito.”

“No…”

Maya-maya ay bumalik na naman ang mahinahon niyang paghinga. Mukhang nakatulog na naman!

 

“Hey, Royce…” Nakita ko ang Mommy niya sa may pinto. May hawak siyang pancake mix at frying pan. Hindi pa siya nakatingin sa’min kaya hindi pa niya nakikita ang itsura namin. “Magluluto na ko ng breakfast—oh, dear! May bold!”

Tinakip ng Mommy niya yung frying pan sa mukha niya.

 

“Royce! Your Mom’s here!” Tinulak ko siya ng buong lakas. Dali dali kong inayos ang sarili ko. Tumayo ako sa gilid ng kama.

“Uhh… safe na ba ang mata ko?” Tanong ng Mommy niya. Biglang namula ang pisngi ko. Nakakahiya!

Mom!” Bago pa ko makapagsalita ay naunahan na ‘ko ni Royce. Nakaupo na siya sa kama niya habang isang mata palang ang nakamulat. Nag-iwas ako ng tingin nang makita ko ulit ang katawan niya.

“Yes, son? Pwede na kong tumingin?”

“Iniistorbo niyo kami eh.”

“Aww, sorry, dearest. Hindi naman ako sanay na may kasama ka dito at palagi rin naman akong nandito sa condo mo. Sino ba yang kasama mo? Sasapakin kita kapag ibang babae yan.”

“Pwede na kayong tumingin.”

Dahan-dahang binaba ng Mommy niya yung frying pan. Una siyang nakatingin kay Royce bago bumaling sa’kin. Binaba ko ng konti pa yung hoodie ni Royce.

 

“Skyla?” Bahagyang nanlaki ang mga mata ng Mommy ni Royce.

“G-good morning po…”

“Welcome back, hija! Kamusta ang vacation mo?” Lumapit siya sa’kin bago niyakap ako ng mahigpit. Napatingin ako kay Royce. Anong vacation? He smiled and whispered.

“Good morning, girlfriend.”

“H-hindi po ako nagbakasyon…”

“Hmm? Yun ang sabi sa’kin ni Royce.” Humiwalay siya sa’kin bago ngumiti. Naiisip kong hindi ko deserve ang mabait na pagtrato niya sa’kin.

“U-umalis po ako nang hindi nagsasabi kay Royce…” Nag-iwas ako ng tingin ng biglang kumunot ang noo ni Tita Vanie. “Kinailangan ko pong umalis dahil kailangan ako ng lola ko. Maiintindihan ko po kung magagalit kayo sa’kin. Basta ko nalang po iniwan mag-isa si Royce.” Pakiramdam ko anumang oras ay maiiyak na naman ako. Pinagtakpan pa ‘ko ni Royce sa Mommy niya.

“Hmm, hija…” Tumingin ako kay Tita Vanie nang haplusin niya ang braso ko. “Ang mahalaga ay bumalik ka. Pinabayaan mo ba ang sarili mo? Bakit parang namayat ka? Kailan ka pa bumalik? Oops. Mamaya na kita iinterview-hin, alright? Hihintayin ko nalang kayo ni Royce sa dining area.”

Ngumiti ulit siya sa’kin. Hinalikan niya ang pisngi ko. “Welcome back, Skyla.”

“S-salamat po…”

“Oh, don’t cry.” Pinahid niya ang tumulong luha galing sa mga mata ko. “Kung anuman ang nangyari dati, wala na kong pakialam. Kailangan magcelebrate tayo dahil magkakasama na ulit tayo ngayon. Royce, honey… ipapaschedule ko sa secretary mo mamaya na may dinner tayo with Skyla Hailey mamayang 7 pm.”

“Alright, Mom. Though it’s not necessary, hindi ko makakalimutan ‘yon.” Napatingin ako kay Royce na ngayon ay nakahiga na ulit sa kama habang ang mga kamay ay nakasupport sa may batok niya. Binalik ko ang tingin sa Mommy niya. Mukhang hindi niya pinansin ang sinabi ni Royce.

“Magkaka-apo na ba ako, Skyla Hailey?”

“Po?” Nanlaki ang mata ko.

“Mommy, pa’no kayo magkakaapo kung nandito pa kayo sa loob ng kwarto namin ni Hailey?”

“Oh.” Tinignan ko ng masama si Royce. “Sorry… sa labas lang ako. Sabay sabay na tayo magbreakfast, okay?”

Hindi na ko nakapagsalita nang lumabas agad si Tita Vanie at sinara ang pinto. Sumimangot agad ako kay Royce. Tumaas ang isang kilay niya.

 

“C’mon, Hailey. Sinabi ko lang ‘yon para hindi na mangulit si Mommy. Wala akong tulog dahil…” Hindi niya tinuloy ang sinasabi niya. Sandali siyang natulala. “Basta, kailangan kong magbawi ng tulog at gusto ko katabi kita.”

“May work pa ko, Royce.”

“6 palang. Maagang pumupunta si Mommy dito dahil gusto niya na siya ang nagluluto ng breakfast ko. Gigisingin kita by 7 para hindi ka ma-late sa work mo.”

Huminga ako ng malalim bago sumampa sa ibabaw niya. Narinig ko ang mabilis niyang paghinga na para bang bigla siyang nahirapan. Maya-maya rin ay niyakap niya na ko.

 

“Bakit naman pinagtakpan mo pa ko kay Tita Vanie?” Halos pabulong kong tanong sa kanya.

“Dahil alam kong babalik ka at hindi naman ako nagkamali.” Hinalikan niya ang ulo ko. “Sleep now. We’ll deal with Mom later.”

Mabilis naman akong nakatulog sa bisig niya. Paggising ko ay nakita kong natutulog pa rin si Royce. Halos 30 minutes lang pala ako nakatulog. Nasa ibabaw pa rin ako ni Royce. Hinalikan ko siya sa pisngi bago tumayo. Inayos ko ang sarili ko sa cr bago lumabas ng kwarto niya. Naabutan ko si Tita na gumagawa ng fruit shake. Nang makita niya ko ay bigla siyang ngumiti.

 

“Good morning again, Skyla.”

“Good morning po…”

“Oh, ano? Magkakaapo na ba ako?” Napatawa siya nang makitang nanlaki ang mga mata ko. “Just kidding… tulog pa ba si Royce?”

“Uh, opo. Gusto niyo po gisingin ko muna?”

“Hayaan mo na siya. Mukhang kulang sa tulog ang isang yon. Ngayon nalang ba ulit kayo nagkasama?”

“Opo…” Nilapag niya sa dining table ang ginawa niyang fruit shake at pancakes. May toasted bread din at club house.

“Bakit, hija? Saan ka ba nanggaling?” Pinaupo niya ko sa harap ng table bago tumabi sa’kin. “Napansin ko rin sa tatlong taon na hindi ko kayo nakitang magkasama ni Royce ay naging malungkot siya. Nag-away ba kayo kaya ka umalis?”

“H-hindi po… nagpunta po ako sa probinsya. Iniwan na po kami ni Lolo Eddison. Sa sobrang depress po ni Lola ay kinailangan pa namin siyang ipagamot doon. Hinintay ko pa pong gumaling siya bago kami bumalik.”

“Oh, Skyla… I’m sorry to hear that.” Hinaplos niya ang buhok ko. Maya-maya ay tumayo siya at niyakap ako. Ang ulo ko ay nakalapat sa may tyan ni Tita. Niyakap ko siya pabalik.

“Sorry, Tita. Kasalanan ko po kung bakit naging malungkot si Royce sa loob ng tatlong taon.”

“Pero ikaw din ang dahilan kung bakit masaya ulit siya ngayon. I can see that. At hindi ko ipagkakait sa kanya ang kasayahang ito. Hinding hindi ako magagalit sa’yo dahil ikaw ang dahilan ng mga ngiti niya. Gusto kitang pasalamatan dahil doon. And… please do me a favor, Skyla?”

“Opo. Kahit ano po.” Humiwalay sa’kin si Tita. Tumingala ako sa kanya. Ngumiti siya sa’kin.

“Call me Mommy. Kahit iniwan na kayo ng Lolo Eddison mo, nandyan pa rin ang Lola mo. At nandito ako. Kami ng Lola mo ang tatayong Mommy mo.”

“Thank you po… Mommy.”

Ngumiti siya bago tumingala sandali. Hinawakan niya ang gilid ng mata niya.

 

“Oh my gosh. Naiiyak ang Mommy mo. I’m so happy for you and my son. Tapos magkakaapo pa ‘ko.”

“H-hindi pa po—”

“Of course, of course. Ngayon nalang ulit kayo nagkita… siguro after two months?”

“Ahm, hindi rin po…”

“Bakit naman?” Napangiti ako ng mag-pout si Tita este Mommy Vanie.

“Gusto ko po sanang tapusin ang pag-aaral ko. Tumigil po kasi ako.”

Nagulat ako ng biglang pumalakpak si Mommy Vanie. “Mabuti. Mabuti. Very well said. Kaya mahal na mahal kita, Skyla Hailey. Anyway, may plan ka ba for this day? Mag-mall tayo?”

Kinagat ko ang labi ko. Kahit gusto kong samahan si Mommy ay hindi pa rin ako makaka-absent sa work. Isa pa, kakastart ko lang.

 

“M-may trabaho po kasi ako…”

“Aw.” Bumagsak ang balikat niya. “Alright, naiintindihan ko. Bukas nalang tayo mag-mall. Wag mong sasabihin kay Royce dahil siguradong sasama ‘yon sa bonding natin.”

“S-sige po. Pasensya na po ulit…” Ngumiti siya sa’kin bago nilagyan ng pancake yung plate ko. “Ano po palang pinagkakaabalahan ni Royce ngayon?”

“Ahm, bukod sa’yo, yung business niya. Minamanage niya rin yung business ng Daddy niya. Buti nga at nakakaya niya ‘yon. Alam ko para sa future niyong dalawa.”

Uminit ang pisngi ko. Tumayo siya bago pinagsalin ako ng fruit shake. “Kain na rin po kayo, Mommy.”

“Sige, hayaan na nating kumain mag-isa si Royce. Tulog pa kasi ng tulog. Palaging late sa work. Naku, ang batang yan!”

Natapos na kaming kumain ay hindi pa rin nagigising si Royce. Niligpitan ko yung mga ginamit ni Mommy pangluto nang marinig ko ang boses niya.

 

“Good morning, Mom.”

“Good morning, honey.” Binalik ko ang tingin ko sa ginagawa ko nang makitang niyakap ni Royce si Mommy Vanie. Maya-maya ay sa akin naman siya lumapit. Niyakap niya ko galing sa likod bago hinalikan ang batok ko.

“Good morning, girlfriend.” That husky voice! Argh!

“G-good morning…”

“You done eating?” Tumango ako. “That’s good.”

“Mom, may dala bang damit si Manong Jose?”

“Ah, siguro iyon yung dalang paper bag ni Manong kanina. Sa bahay ba nina Skyla nagpalipas ng gabi si Manong Jose?”

“Yes, Mom. Sinama ko rin si Nanay Nelia. Natatakot kasi si Hailey dahil walang magbabantay kay Harley at Lola.”

“Okay…” Hinampas ko ang kamay ni Royce para mabitiwan niya ko. Kumunot ang noo niya. Nakita ko ang kinikilig na pagngiti ni Mommy Vanie. “So, uuna na ko ah? Skyla darling, make sure na kakain si Royce bago pumasok sa work, okay? Iiwan ko na kayong dalawa para magka-moment kayo.”

“Kaya mahal na mahal kita Mommy.” Lumapit si Royce kay Mommy Vanie bago yumakap. Dahan-dahan niya ring hinihigit palabas si Mommy Vanie. “Ano ba, Royce? Di pa ko nakakapagpaalam kay Skyla.”

“Magkikita pa kayo mamaya, Mom. May dinner tayo, diba?”

“Oo na, oo na!” Pagsuko ni Mommy Vanie. “Skyla, ingat pagpasok sa work. Yung dinner, don’t forget. Love you both!”

Napangiti ako nang mawala sila ni Royce sa paningin ko. Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto. Narinig ko pang sumigaw ng ‘I love you, Mom!’ si Royce. Pinaglalagay ko siya ng pancake sa plate ng bumalik siya. Malaki ang ngisi niya habang papalapit sa’kin.

Walang sabi sabing hinapit niya ang waist ko at hinalikan ako ng matagal sa labi. Naramdaman ko nalang na nakasandal na ko sa sink. Bumitiw siya sandali para makakuha ako ng hangin tapos maya-maya ay hinalikan ulit ako.

 

“Royce!” Humawak ako sa balikat niya para kumuha ng suporta. Nakangiti siya ng humiwalay sa’kin. Hinalikan niya ang pisngi ko.

Sarap ng breakfast ko…”

“Ewan ko sa’yo. Kumain ka na nga.” Hinampas ko ang kamay niya para makadaan ako. Hindi naman siya nagmatigas. Umupo siya sa dining table bago nag-umpisang kumain. Malaki ang ngisi niya. Pa’no niya yung nagagawa habang kumakain?

“Maliligo muna ako, Royce.”

“Hmm?” Tumaas ang parehas niyang kilay. May laman pa rin ang bibig nya habang nagsasalita. “Sabay na tayo.”

“Ewan ko sa’yo!” Naglakad na ko papunta sa kwarto niya nang biglang hinapit niya ulit ako. Hindi ko na namalayan ang paglapit niya.

“Isasama ko sina Levi sa dinner natin. Gusto kong linawin sa kanila ang nangyari.”

“Royce…” Umiling ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Galit sila sa’kin. “I’m scared.”

“Don’t be.” Nilagay niya ang kamay niya sa pisngi ko. “Kung tunay na kaibigan mo sila, maiintindihan ka nila. And I’m always here. Hinding hindi kita iiwan.”

Continue Reading

You'll Also Like

312K 6.7K 24
Ever since the day she can remember, Aila has this huge crush over Yoseff, ang kanyang napaka-gwapo ngunit napaka-sungit na kapitbahay. The problems...
2M 76.4K 164
Sml? An epistolary.
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
24K 1K 74
a n e p i s t o l a r y Tyler attended a children's party and caught the attention of Luis. A guy with an attitude, and a guy who loves playing aro...