Intricate

By NnahJanexz

57.6K 1.3K 160

HIGHEST RANK: #12 in Teen Fiction CURRENTLY EDITING EVERY CHAPTERS Isang simpleng babae lamang si Chriscely D... More

NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chaper 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 33

624 24 4
By NnahJanexz

Blood

Gusto kong pumatay ngayon din. Gusto kong pumatay dahil sa frustration na nararamdaman ko ngayon. Nasaan si Stanley? Lecheng buhay 'to! Bakit ba ang malas malas ko sa pag-ibig? At ang nakakaleche lang ay hindi ang tadhana ang kalaban ko kundi sarili kong ama!

Wala na akong choice kundi ang humingi ng tulong kay Pepay. Kakailanganin ko ang kotse niya.

"Hello? Napatawag ka gurl? Uutang ka 'no?" wala pa nga akong sinasabi nagsalita na kaagad siya.

"Pahiram ng kotse mo." diretsahang sabi ko sa kanya. Sobrang atat ko na't pakiramdam ko sasabog na ako ngayon sa galit.

"ANOO?!" malakas na sigaw niya. Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko. Leche! "Anong gagawin mo?! Magpapakamatay ka?! At gamit pa talaga ang kotse ko?! Hoy girl! Ang mahal nito para lang ibangga mo!"

Nagpupuyos na ako sa galit. Pakiramdam ko mas dumoble pa ang galit na nararamdaman ko nang makausap ko 'tong lecheng baklang 'to. Kung wala lang akong kailangan sa kanya, sasakalin ko siya hanggang sa malagutan ng hininga.

"Pahiramin mo na ako Pepay. Seryoso ako." konting pasensya pa sa kaibigan mo Chris.

"Hmp! Sige na nga. But wait. Saan ka pupunta?"

"Ihatid mo dito sa apartment ko. Wala akong oras mag kwento." at pinatay ko ang tawag. Masyado na akong atat para mahanap ko na si Stanley.

Nagngingingit ako sa galit. Sobrang galit ang nararamdaman ko. Bakit ba napakamalas ko? Bakit sa lahat ng tao ako pa ang nabigyan ng ganitong klaseng buhay?

Basta't aalis ako. Hinding hindi ako babalik ng apartment hangga't hindi ko nakikita si Stanley.

Jessica's Pov:

Lintek! Nasaan na ba si Chriscely? Bakit wala pa siya?! Hindi niya ba natanggap ang pinadalang  sobre ng Daddy niya? Kailangangan niyang pumunta dito sa mansion ngayon din! Sinubukan ko siyang tawagan pero wala pa din. Hindi siya sumasagot. Ano bang nasa isip ng babaeng 'yun?

"Jessica." isang puno ng awtoridad ang nagpalingon sa akin at nakita ko si Sir Dizon.

"Sir." matuwid akong tumayo't hinarap siya. Hindi ko alam pero natatakot ako sa awra na pinapakita niya ngayon sa akin.

"Nasaan ang magaling mong kaibigan?" umikot ikot siya. Na para bang naiinip siya sa paghihintay sa anak niya.

"Hindi ko po alam." huminto siya sa harapan ko. Napatingin ako sa kanya't bigla niya akong sinakal. Namumula siya sa galit. Lintek!

"HUWAG MO AKONG LOKOHIN! NASAAN SI CHRISCELY?!" halos mabingi ako sa sigaw niya. Pero umusbong din ang galit sa akin 'yun nga lang ay kailangan kong kontrolin ang sarili ko.

"H-Hindi k-ko po alam." ang sakit ng leeg ko sa puwersa ng pagsakal niya sa akin.

"Ah.." ngumisi siya. "Kung ganun, hindi niya alam na kailangan ko ang dugo niya."

Nanlaki ang mga mata ko. NO! Hindi pwede!

"Sir! Hindi mo pwedeng gawin ulit kay Chriscely ang ginawa mo noon! May trauma na siya---!" sinampal niya ako. Sa sobrang lakas ay napabaling sa kaliwang bahagi ang mukha ko. Kinuyom ko ang mga kamao ko.

"Wala kang karapatang diktahan ako! Tauhan lang kita!" at tumalikod siya. "Pag nakita mo ang kaibigan mo. Papuntahin mo siya dito. Kung hindi, buhay ng nobyo niya ang kikitilin ko."

Mas lalo akong nagulat. Nasa kanya si Stanley? Kaya ba hindi ko sumasagot sa mga tawag ko si Chris dahil busy siya sa kakahanap kay Stanley?

Hindi pwede. Hindi pwedeng makuhanan ng dugo si Chriscely. Sobra sobra ang trauma niya. Sa sobrang takot na maramdaman niya ay halos hindi na siya ulit makausap. Naalala ko noong huling kinuhanan siya ng dugo para sa eksperimentong  ginagawa ng Daddy niya. Alam kong nababaliw na si Tito pero malaki ang utang na loob ko sa kanya. Pero mahal ko rin bilang kaibigan si Chris. At ayoko rin siyang iwanan. Kaya ang magagawa ko lang ay ang sumunod sa ama niya't samahan siya sa lahat ng kahirapang dinadanas niya ngayon sa buhay.

Alam kong malakas ka Chris. Sasamahan kita sa laban.

Chriscely's Pov:

"Nasaan kana ba Stanley?" sobrang higpit ng hawak ko sa manibela. Para ko itong dudurogin. Gusto kong itanong kina Ate Cleren kung nakita ba nila si Stanley pero natatakot ako. Natatakot ako baka galit siya sa akin sa ginawa ko sa kapatid niya. Sobrang gusto niya ako para kay Stanley pero ako mismo ang bumitaw sa relasyon na meron kami.

Ang hina ko pagdating sa pag-ibig.

Mukhang wala akong choice kundi ang puntahan ang hayop kong ama sa mansion.

Nakarating ako sa mansion. Habang papalapit sa pintuan ay mas lalong tumitindi ang galit at frustration na nararamdaman ko. Gusto kong sunugin ang buong bahay. Pero naisip kong naririto rin si Jessica. Ayokong madamay siya.

At isa pa... Hindi ako ganoong klaseng tao kahit na marami na akong pinatay dahil sa kagustuhan ng ama ko.

"My dear Ly.." isang mapanuyang tinig ang aking narinig mula sa aking likuran. Ikinuyom ko ang kamao dahil sa galit.

Sabi nang ayokong tinatawag sa pangalang matagal ko ng kinalimutan.

Hindi ko siya nilingon. Naramdaman kong humakbang siya papalapit sa akin.

"Bakit ka pa pumunta? Gusto mo bang maranasan ulit ang iyong ikinatatakutan?"

Kumunot ang noo ko. Naguluhan ako sa sinabi niya.

"Ly.. Ly.. Ly.. Ly.." dinig ko ang mapang-asar sa boses niya. "Blood is what you're afraid---"

"SHUT UP!" hindi ko na napigilan at nahablot ko ang leeg niyang inipit ko sa braso ko. Napasinghap siya sa gulat. "Konti nalang Centhia. Mapapatay na kita." punong puno ng galit kong bigkas sa bawat salita. Hanggang sa may narinig akong kasa ng baril.

Ang demonyo kong ama.

"Chriscely!" malakas na sigaw niya sa pangalan ko.

Nanggigigil kung binitawan si Centhia kaya muntik na siyang matumba. Hinarap ko si Daddy.

Puno ng galit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam pero sa mga oras na ito parang gusto kong sakalin si Daddy hanggang sa malagutan siya ng hininga. Pero nanatili akong kalmado hangga't maaari.

"Nandito na pala ang magaling kong anak." puno ng sarkasmo ang bawat salitang binitawan niya.

"Nasaan si Stanley?" sa pagbanggit ko ng pangalan ng taong mahal ko ay kumirot ang aking puso. Ni hindi ko manlang alam kung nasaan siya.

Tumawa ng malakas ang demonyo kong ama. Gilitan ko kaya sa leeg nang matapos na. Pero hindi. Kailangan ko munang malaman kung nasaan na si Stanley.

"Masyado ka naman atang atat anak." ngumisi siya't lumapit sa akin. Nasa harapan ko na siya't kitang kita ko na ngayon ngisi niya habang nakatingin sa akin. "Miss mo na ba ang iyong minamahal?"

Napatiim bagang ako sa sinabi niya. Ang kaninang kamay ko ay narito na sa bulsa kong may kutsilyo. Gusto kong hugutin ito at saksakin siya ng marami ngayon.

"Nasaan siya!" tumaas ang boses ko. Nanginginig sa galit.

"Hmm.." nanliit ang mga mata niya. "May kondisyon ako."

Kumunot ang noo ko.

"Anong kondisyon?" hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan nang makitang mas ginanahan siya nang makitang wala akong kaalam alam sa mga pinaplano niya.

LECHE!

"Maraming...." ngumisi nanaman siya. At si Centhia na nasa tabi niya ay nakangisi rin na nakatingin sa akin. "DUGO!"

Umalingawngaw sa isipan ko ang huling salitang sinabi niya. Natulala ako. Paulit ulit na naririnig sa isipan ang hulitang salitang kanyang sinabi.

H-Hindi..

Umiling-iling ako. Tinakpan ang tenga.

DUGO!

DUGO!

DUGO!

Hindi! Umiling-iling ako. Sa paraang para bang maiibsan nito ang trauma na nararamdaman ko.

Ang tawa ng demonyo kong ama at ni Centhia ay nakikihalo narin sa pandinig ko.

Lumuhod ako sa sahig. Unti-unting kumakalma. Kailangan kong maging matatag. Para kay Stanley. Para sa taong mahal ko na walang ibang ginawa kundi ang pasayahin at mahalin ako.

"Mukhang ayaw ata. Siguro dugo nalang ni Stanley kuhanin natin. 'Yung tipong, lahat ng dugo sa katawan." humalakhak si Centhia.

Umangat ang ulo ko't tinignan sila ng sobrang masama. Umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo. Nanginginig na ako sa halong takot sa sarili at galit na nararamdaman ko sa dalawang taong nasa harapan ko ngayon.

"Oh? Ano 'yang tingin na 'yan? Makakatulong ba kapag kinuha namin lahat ng dugo ni Stanley at unti-unti siyang malalagutan ng hini---"

Walang alinlangang sinugod ko si Centhia at pinagsusuntok sa mukha. Wala na akong kontrol sa sarili. Nasa ibabaw niya ako't nasa ilalim ko siya't sinasakyan habang pinagsusuntok sa mukha nang may humablot ng buhok ko para patayuin ako't agad na sinuntok rin ako sa mukha.

It was Dad. Wow! Leche! Napapaenglish na ako. Sa sobrang drama na nangyayari sa buhay ko.

"Wala kayong gagawin kay Stanley! Ako nalang! Ako nalang..." 'wag ang taong mahal ko. Bulong ko sa sarili.

Mas lalong hinigpitan ni Daddy ang pagkakahawak sa buhok ko. Ang mukha kong sinuntok niya ay alam kong nagkasugat ang labi ko. Habang si Centhia ay may sugat din sa mukha at labi. Pasalamat siya at nandito ang demonyo niyang asawa para iligtas siya sa kamatayan!

"'Yan! Papayag din naman pala. Bakit mo pa kami pinahihirapan kasi." tinapik tapik ni Daddy ang mukha ko gamit ang mga kamay niya.

May dumaang kirot sa puso ko. Hindi ko mapigilang mapatingin sa mga mata ni Daddy na iminana ko sa kanya. Ang mga matang noong puno ng pagmamahal habang nakatingin sa akin. Sa nag-iisang anak niya. Pero ngayon, ang mga matang iyan ay sobrang nag-iba na. Ni hindi ko na makilala. Punong puno ng galit at hinanakit. At ang lahat ng iyan ay para sa akin. Na sobrang sakit dahil mismo sa ama ko pa nanggagaling.

"Lakad!" at tinulak niya ako. Muntik pa akong mapasubsob sa sahig.

Sinunod ko ang utos niya. Papasok sa mansyon ay alam kong pupunta kaming ilalim. Sa underground kung saan ginagawa ang mga bagay na hindi dapat ginagawa ng isang normal na tao. Bagay na hindi ko inaasahang mararanasan ko ulit. Ang bagay na ayaw ko nang maranasan pa pero heto ako ngayon matitikman ulit ang sakit at mararamdaman ang takot na matagal ko nang kinalimutan.

"Huwag mo akong itulak. Marunong akong maglakad." mariin kong sabi at ikinuyom ang mga kamay.

Sa kagustuhan kong makita si Stanley, nauna akong pumunta sa kwarto na kung saan ay ang isinusumpa ko. Natigil ako sa harap ng pintuan. Biglang nanginig ang mga binti ko. Ang pintuan ay gawa sa bakal. Makikita mo sa anyo nitong luma na ito. Muntik ko nang makalimutan na hindi pala madaling pumasok dito. May marka ng kamay sa ginta ng pinto na kung saan mo ilalagay ang iyong kamay para bumukas ito. At ang nag-iisang kamay na iyon ay kamay ng demonyo kong ama. Maya-maya pa ay naririnig ko na ang yapak nila habang tinatahak ang hagdan papunta sa kinaroroonan ko.

Andiyan na ang mga demonyo na nabubuhay sa mundo.

"Akala mo makakapasok ka ng basta basta 'no? 'Yan ang akala mo L---" pinutol siya ni Daddy.

"Centhia!" galit na sigaw sa kanya ni Daddy.

"Oh bakit Lazarus? Ipagtatanggol mo ang batang ito?! Na walang ibang ginawa kundi ang patayin ang sariling ina!"

Parang napantig ang tenga ko't agad ko siyang nilingon, sinakal sa leeg at itinulak sa pader. Sa sobrang gulat niya ay dumaing nalang siya sa sakit nang tumama ang likuran niya sa pader. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakasakal sa kanya. Nanlalaki ang mga matang nakatingin siya sa akin habang hinahabol ang hininga niya habang si Daddy naman ay pilit na hinihila ako palayo kay Centhia.

"Huwag na huwag kang magsalita ng mga bagay na hindi mo alam!" sigaw ko mismo sa mukha niya. "Baka gusto mong ikaw ang patayin ko na hindi ko nagawa sa mommy ko!" at dinuraan ko siya sa mukha saka binitawan.

Hinabol niya ang kanyang hininga't napayakap kay Daddy na ngayon ay yakap yakap siya. Mas lalo akong mas nagalit sa nakita. Bakit sa dinarami raming babae, bakit sa babaeng mababaw ang utak pa Dad? Bakit?

"Chriscely!" sigaw ni Daddy at hinila ang buhok ko. Napapikit ako ng mariin. Leche! Kailan ba matatapos 'to?!

"Gusto mo ba talagang makuha ang dugo ko o hindi?" ayoko nang magpaligoy ligoy pa.

"Magbigay galang ka kay Cen---"

"Bakit? Kagalang galang ba siya?"

"Aba't---!"

"Dugo ko, o dugo ko?" tinanggal ko ang kamay niya sa buhok ko.

"Buhok kaya ng babae mo ang hilahin ko ng makalbo. KUNIN MO NA ANG DUGO KO PARA MATAPOS NA ANG KABALIWAN MO!" malakas na sigaw ko mismo sa mukha niya. Punong puno ako ng determinasyon.

Nakita ko kung paano dumaan gulat sa mga mata niya na agad niyang pinalitan ng nasisiyahan habang ngumingisi sa harap ko. Fvck you Lazarus!

"Good. Ang dali mo naman palang kausap." kaagad niyang inilapat ang kanang kamay sa pintuang may marka ng kamay na ikinabukas nito.

At sa ikalawang pagkakataon, naririto ulit ako sa lugar kung saan nalaman ko kung anong klaseng tao ang Daddy ko. Sa lugar kung saan nagsimula ang pagkamuhi ko sa kanya.

FLASHBACK

"Daddy? Bakit tayo nandito? Bakit ang daming kutsilyo?"

I was 10 years old back then. Simula nang malaman kong may kung anong hindi magandang ginagawa si Daddy. May illegal siyang gawain. At iyan ang hindi ko maintindihan dahil bata palang ako. Walang kaalam alam sa mga nangyayari at sa mga mangyayari.

Lumuhod si Daddy, para magkalebel ang aming mga mata.

"Ly.. You'll still love Daddy after this right?" ngumiti si Daddy sa akin. We always smile at each other dahil sobrang close naming dalawa. Siya ang nagturo sa akin kung paano ngumiti ang isang babaeng masiyahin. And Mommy teach me on how to be kind everytime.

"Ofcourse Daddy! I will always love you and Mommy!" ngumiti ako't niyakap si Daddy. Nang may narinig akong boses sa labas. At kung hindi ako nagkakamali ay kay Mommy iyon. Sa labas mismo ng kwartong kinaroroonan namin ni Daddy. Sa kwartong puno ng kutsilyo.

"Lazarus! Please! Ibalik mo si Chriscely! Ly anak! Please! Lazarus! Don't do this to our daughter! Lazarus!" puno ng pagmamakaawa ang boses ni Mommy.

"Mommy?" bulong ko.

"Isarado ang pintuan!" sigaw ni Daddy sa guard ng kwarto. Kaya pala naririnig ko ang boses ni Mommy.

"Daddy? Bakit ako hinahahap ni Mommy?"

"Don't worry Baby. Nagtatago tayo kay Mommy. We're playing hide and seek." ngumisi si Daddy.

Hindi ko alam pero natakot ako sa mga sandaling iyon. Pero siyempre. Dahil bata pa ako, binalewala ko iyon.

Tinawag ni Daddy ang isang tauhan niyang babae. May isinabi siya dito na hindi ko narinig dahil parang may sikreto sila. Maya maya pa ay iginaya ako ng babae sa isang parang hospital bed. Una ayoko pang humiga. Pero kalaunan ay pinilit nila ako sa pamamagitan ng pagkarga sa akin. At sobrang ikinagulat ko ng husto nang lagyan nila ako ng kadena sa kamay at binti.

"Daddy! Daddy! Bakit ganito? Daddy!" sigaw ako ng sigaw habang umiiyak. Pero hindi ko makita si Daddy. At sa mga oras na iyon ay tanging dugo lang ang nakikita ko.

Kutsilyo na ginamit upang hiwaan ako sa braso ko. Sobrang sakit ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Pero tiniis ko. Kahit na nanginginig ako sa takot. Sobrang takot na akala ko mamamatay na ako sa oras na iyon. Maraming dugo ang kinuha nila sa akin. Hanggang sa natapos at narinig ko ang boses ni Daddy.

"Good job." sobrang klaro sa akin. Kahit na nanlalabo ang paningin ko ay dinig na dinig ko ang boses ni Daddy na sobrang saya.

Masaya siya kahit na muntik nang mamatay ang anak niya.

"Sir. Bibilhin ito ni Mr. Lucheka. Sa halagang tatlong milyon. Ang rare blood. No one is owning this kind of blood. Kaya, tama lang na presyohan niyo pa siya ng malaki. Dahil kailangang kailangan ito ng anak niya. Mapapagaling kaagad nito ang anak niyang may sakit sa pamamagitan lang ng paglagay ng dugo nito sa anak niya."

"Ofcourse! I'll make it to the high price. 10 million. It is enough. At isa pa, isang bag lang naman 'yan ng dugo. Ok na ang presyong 'yan."

Maya maya pa ay may humawak ng kamay ko. It was Dad.

"Thank you for this anak. Your blood, my money." ang huling narinig ko kay Daddy bago ako nahimatay.

END OF FLASHBACK

At ngayon, nakahiga ulit ako sa kama na kung saan ay ang hinagaan ko rin noon. Pero iba na ngayon, kahit anong hiwa pa sa braso ko ang gawin nila sa akin, hinding hindi ako hihingi ng tulong kay Daddy. Hinding hindi ako iiyak tulad noon. Magiging matatag ako. Dahil sa mga oras na ito, paniguradong hindi lang ako ang nasasaktan, kundi pati si Stanley.

I'll do everything just to see you again Stanley. I'll look for you no matter what.

Ipinikit ko ang mga mata dahil sa sobrang panghihina. I can now rest. Just this time. Alam kong mahihimatay ako. But this, this has to be the last time.

My blood your safety.

I love you Stanley.

---

Hi my beloved readers! I'm back! Enjoy reading! Sana magustuhan niyo update ko.

Continue Reading

You'll Also Like

35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
707K 25.6K 53
If I will describe her, she is the perfect personification of sinful and forbidden beauty that I am willing to break the prohibition and worship her.
348K 23.7K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.1M 84.6K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...