DOLLHOUSE

By -SHEENA-

7.4M 376K 958K

Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all so... More

DOLLHOUSE
The Trailer
Warning
Warning Part 2
The News
The Dolls
The Invitation
The Application
The Start
Dollhouse 001
Dollhouse 002
Dollhouse 003
Dollhouse 004
Dollhouse 006
Dollhouse 007
Dollhouse 008
Dollhouse 009
Dollhouse 010
Dollhouse 011
Dollhouse 012
Dollhouse 013
Dollhouse 014
Dollhouse 015
Dollhouse 016
Dollhouse 017
Dollhouse 018
Dollhouse 019
Dollhouse 020
Dollhouse 021
Dollhouse 022
Dollhouse 023
Dollhouse 024
Dollhouse 025
Dollhouse 026
Dollhouse 027
Dollhouse 028
Dollhouse 029
Dollhouse 030
Dollhouse 031
Dollhouse 032
Dollhouse 033
Dollhouse 034
Dollhouse 035
Dollhouse 036
Dollhouse 037
Dollhouse 038
Dollhouse 039
Dollhouse 040
Dollhouse 041
Dollhouse 042
Dollhouse 043
Dollhouse 044
Dollhouse 045
Dollhouse 046
Dollhouse 047
Dollhouse 048
Dollhouse 049
Dollhouse 050
Dollhouse 051
Dollhouse 052
Dollhouse 053
Dollhouse 054
Dollhouse 055
Dollhouse 056
Dollhouse 057
Dollhouse 058
Dollhouse 059
Dollhouse 060
Dollhouse 061
Dollhouse 062
Dollhouse 063
Dollhouse 064
Dollhouse 065
Dollhouse 066
Dollhouse 067
Dollhouse 068
Dollhouse 069
Dollhouse 070
Dollhouse 071
Dollhouse 072
Dollhouse 073
Dollhouse 074
Dollhouse 075
Dollhouse 076
Dollhouse 077
Dollhouse 078
Author's Note | Story Feedback Section
The Published Book

Dollhouse 005

100K 5.3K 14.4K
By -SHEENA-


⋈├・oXᓄ

𝙔𝙊𝙐 𝘼𝙍𝙀 𝙉𝙊𝙒 𝙎𝙏𝙍𝙀𝘼𝙈𝙄𝙉𝙂
𝘿𝙊𝙇𝙇𝙃𝙊𝙐𝙎𝙀

Cameras Activated: 100/100
Site: ONLINE
Current Task:
search the 4 missing keys
Dolls Awake: 9/10

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o Flame

'Yong eksenang kakagising ko pa lang tapos puro na kashitan na ang nakikita ko.

So eto nga ang nangyayari....

Nagdudugo ang balikat ni Gunner. Nasa lugar kami na hindi ko alam. May kung anu-anong nakasulat sa screen na maghanap daw ng susi. May mga litrato sa kwarto na pagkalaki laki at hindi ko alam kung kelan kami kinuhanan. Walang pinto ang kwarto. Nakaposas kaming mga babae. At higit sa lahat, mukhang tanga ang soot kong pulang dress na pang manika.

Hindi ako natutuwa.

Mas lalo akong nairita nang sabihin ni Alpha na bubutasin nila ang tahi sa balikat ni Gunner kasi nandoon daw ang susing hinahanap nila.

"Tatanggalin niyo ang tahi? Seryoso ba talaga kayo?" pagbunganga ko.

Tsk. Iniwas ko ang tingin ko kay Gunner na tahimik na lang at inaabangan ang mangyayari sa kanya. Halatang seryoso sina Alpha at Hera na tatanggalin ang tahi sa balikat niya para makuha ang susi. Pagkatapos tanggalin, ano sunod? Ganun na lang? May pantahi ba sila ulit? Nakakainis talaga.

"Patingin nga 'ko, Gunner. Baka mamaya butasin nila balat mo, wala naman pala diyan 'yong susi." komento ko, bakas sa tono ko ang pagkairita.

Napansin kong tumayo si Alpha bigla. "Flame, dahan-dahan lang kasi-----"

"Alpha, shut up. I know what I'm doing." asik ko sa kanya. Napaatras siya at umupo na lamang sa kama na malapit sa kanya.

Lumapit si Gunner sa'kin. Hinubad na niya lahat ng pangitaas niya kanina at ginamit ang polo pangpunas ng dugo. Kitang kita ng lahat ang balat at mga peklat niya dahil sa mga laban niya sa underground. Sinipat ko ang kanyang balikat at nakita ko ang tahi. Nagdudugo ito. Mukhang malalim.

"Lapit pa." Sabi ko.

Pahamak na posas naman kasi 'to, hindi ako makalapit at makagalaw nang maayos!

"Huwag mo hahawakan, ah. Masakit." Sabi ni Gunner, saka iniharap sa'kin ang likod at balikat niya. Umayos ako ng pwesto at tinignan iyon nang maiigi. Totoo nga na mayroong tahi at mukhang malalim. May naaninag din akong kumintab na tila susi sa loob ng nagdudugong tahi.

Sinong baliw naglagay nito sa kanya?

Napabuga ako ng hangin kaya nilingon ako ni Gunner.

"Mayroon talagang susi?" Tanong niya, tumango ako. Napansin kong kumuyom ang kamay niya sa galit. Tahimik kaming lahat tuloy ngayon. Si Ichiro na kanina'y nagbubungkal ng carpet ay napatigil din.

"Paano kung niloloko lang nila tayo?" komento ni Claude na tumabi sa pwesto namin dito.

"Binutas nila ang balat ni Gunner. Mukhang hindi sila nagbibiro." ani Hera. Nagkatinginan sila ni Gunner.

"Can you feel it? The cold metal under your skin?" dagdag ni Hera. Dahan-dahang napatango si Gunner.

Naiinis na talaga ko. This is bullshit! Bakit nangyayari sa'min 'to?

"Alpha..." tawag ni Gunner, seryoso ang boses.

"Try it. Buksan mo ang tahi. Kunin mo ang susi."

Binalot kami ng katahimikan dahil sa sinabi ni Gunner. I was waiting for him to take his statement back. But he didn't.

He's fucking serious.

Napakagat ako ng labi.

Damn.

This is going to be bloody.

▬▬▬▬▬▬▬

LIVE COMMENTS

- i think this is no longer a prank o.o

- that stitch looks so real sksskkssksk

- sino nanakit kay gunner? Kelangan natin magusap +_+

- alpha, mahal kita uwu

- bakit madami scar si gunner?

- underground player siya eh.
kinalaban niya dati si Zero sa UG.
superrrrr intense nila eye----

- oooooooh hot 🔥

- si echo mukhang badtrip

- tulog parin kasi si dorothy :<

- di ko alam kung kanino kung ishiship si Java

- ichiro + java padin ako HAHA

- someone get some help i think this is not a prank

- it is a prank. calm your teeth

- teeth? wut?

- nagbebenta po ako manok na pula

- ako po nagbebenta ng garapatang pink

- i swear walang matino sa comment section

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o BABE

Hindi ko kayang tingnan!

Naririnig ko daing ni Gunner mula sa pwesto ko. Tinatanggal nila Alpha at Claude ang tahi sa balikat niya. Nakapwesto silang tatlo sila sa ikapitong kama. Nakaupo si Gunner sa bed habang ang dalawa naman ay nakatayo. Nakaalalay si Claude habang tinatanggal ni Alpha ang tahi para hindi masyado malikot si Gunner.

"Alpha, dahan-dahan naman!" sigaw ni Flame.

"Malapit na..." sagot ni Alpha.

Mabilis akong tumingin at nakita kong patuloy na naagos ang dugo ni Gunner mula sa sugat. Pulang pula ang likod niya dahil sa dugo. Dahan dahan tinanggal ni Alpha ang tahi at halos manlambot ako nang binuksan niya ang sugat nI Gunner sa balikat nang maubos niya 'yon. May sinubukan siyang dukutin. Mas lalong sumirit ang dugo.

Mas lalong lumakas ang daing ni Gunner.

"Shit. Hindi ko na kaya panoorin." namumutla na sabi ni Hera. Si Flame naman ay nanood pa din, salubong ang kanyang kilay sa galit, sobrang tapang na naman ng kanyang mata dahil sa nangyayari.

"Takte. Kaya mo yan, Gunner." sabi ni Ichiro.

"Echo, paano tinanggal ang tahi?" tanong ni Java na hindi din nanonood.

"Kinakamay ni Alpha."

"What the hell..." bulong ni Java.

Ibinalik ko ang mata sa tatlong lalaki.

May nakita akong nakuha si Alpha na bakal. Pagkatapos niya makuha iyon ay inabot niya ito kay Claude at tinakpan na muli ang sugat. Pinaikutan niya iyon ng tela ng ilang beses. Halos manlanta na si Gunner sa daming dugo na naubos.

"Hey, you're okay. You survived it. Come here." pagpapakalma ni Flame kay Gunner. Si Gunner naman ay tumabi agad sa kanya. He's sweating and his face is already pale. Pinunasan siya ni Flame.

Umiwas ako ng tingin.

"Sisiw." rinig kong pagmamayabang ni Gunner na kala mo ay hindi dumadaing kanina sa sakit.

"Kalaki naman kasi ng kamay ni Alpha. Ipasok ba naman halos buong kamay sa sugat ni Gunner. Siraulo." komento ni Echo. Natawa si Ichiro at Gunner.

Napailing na lang si Alpha habang pinupunasan ang madugong kamay.

Lahat kami ay nakahinga nang maluwag. Hindi ko maimagine ang sakit non. Base palang sa dugo na nakikita ko, paniguradong hindi yon madaling nakuha. Baka hinimatay ako kung ako si Gunner. But he's a different story which is a good thing. Medyo sanay siya sa sakit.

"Now what?" tinaas ni Claude ang nakuha nila sa balikat ni Gunner. It's a freaking key!

"Let's try it." agad na sabi ni Alpha.

"Kanino natin susubukan?"

"Isa-isahin niyo." komento ni Ichiro.

"Paikot. Kanino mo gusto magsimula, Gunner?" tanong ni Claude, mabilis niya kong tiningnan nang palihim.

"Kahit kanino." sagot ni Gunner.

"Okay. Paikot nalang. Let's try it on Hera."

Lumapit si Alpha kay Hera. Sinubukan niya ang susi sa mga kandadong posas. Ilang minuto niya 'yon sinubukan. Hindi gumana.

"Sabi ko na nga ba at hindi gagana sa'kin..." bulong ni Hera.

"Kanino gagana 'to?" tanong ni Alpha.

"We'll see."

Sunod na sinubukan ay si Java. Tahimik niya lang inabangan kung gagana ang susi. Sinubukan ni Alpha ang susi sa kamay at paang posas. Hindi gumana.

"Sorry." Alpha whispered.

"That's fine." sagot naman ni Java.

I hate this feeling. Ako na ang sunod. May laman ang tingin nila Claude at Alpha habang palapit sila sa'kin. Geez. Why are they giving me those looks?

"If this worked, you will be paired with him again. Okay na ba kayo?" pasimpleng tanong ni Alpha bago ipasok ang susi. Umiling ako.

We're not.

We will never be.

Alpha inserted and twisted the key. Mabilis kaming nagkatinginan ni Gunner. Seryoso niya lang akong pinanood habang sinusubukan ni Alpha tanggalin ang kandado.

"Ano, gumana?" tanong ni Claude.

Walang narinig na sagot mula kay Alpha.

"Hoy, gumana?" ulit ni Claude.

Alpha gave me a quick look.... and he shook his head. Napapikit nang mariin si Gunner sa resulta. His reaction confuses me. Was he relieved or not? Ugh!

"Kay Dorothy naman." sabi Ni Alpha.

"Let me do it." sabi ni Echo at pumayag naman si Alpha.

Sinubukan ni Echo ang susi sa lahat ng kandado. Lahat kamj ay nanonood sa kanya. He tried it to all the locks but unfortunately, it still didn't work.

"This is strange. Bakit tulog pa din si Dorothy?" komento bigla ni Hera na tila nagiisip na naman. Oo nga noh? Gising na lahat maliban sa kanya.

"I tried my best but...." naiwan sa hangin ang sinasabi ni Echo.

"Try mo ipagising sa maingay na si Ichiro. Baka gumana." sabi ni Claude at pumunta na kay Flame na huling pwedeng subukan ng susi.

Napasimangot si Ichiro at napaupo na lamang sa sahig sa pagod kakahanap ng susi. "Aba kanina ko pa din ginigising si Dorothy. Sadyang nasa dreamland pa siya ngayon."

Inalis ko sa kanila ang atensyon ko at ibinagay kay Flame na huling susubok sa susi. Tulayang nakalapit na si Claude at Alpha sa pwesto nila.

"I'll do it." rekomenda ni Gunner.

Inabot naman ni Alpha sa kanya ang susi. Ipinasok ni Gunner ang susi sa kandado habang taimtim na nakaabang si Flame. And then, after a few seconds, something clicked.

Sabay-sabay na nakalas ang posas ni Flame papunta sa sahig at tuluyang gumawa ng ingay. Her eyes widened as she raised her hand freely.

So it was for her after all.

Nagbago ang nakasulat sa screen na ikinagulat namin...

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o
DOLL06 and DOLL07
are now paired.

▬▬▬▬▬▬▬

"Damn. Same creator ba 'to ng Dorrem?" komento ni Hera.

"Probably. But Dorrem creators are already dead, right?" sabi ni Alpha.

Biglang natawa si Ichiro. "Sumali ako dati sa Dorrem tapos puro send nudes at sapnu puas lang nilalagay ko sa chat! HAHAAHAHAHAHAAHA!"

"Daming galit na galit." komento ni Echo.

"Tsk. Ikaw pala 'yon? Ikaw ata nakachat ko dati." sabi ni Java na nakangiwi.

"Yiiiiieeee sapnu love team." pangaasar ni Echo.

Okay. Nagawa pa nila mag-asaran sa lagay na 'to. I swear I have the weirdest friends ever.

Inggit kong tiningnan si Flame na nakatakas na sa posas. Agad siyang bumangot at umunat. She is only girl standing in this room.

"First of all, I hate this shit." aniya tsaka sinubukan hubarin ang dress niya na pula na tila pang manika. Agad napabangon ang lalaking nagpapahinga pa sa kama.

"Fuck, Flame. Stop stripping." inis na sabi ni Gunner.

"Ang kati, Gunner!"

"Wala tayong extrang damit. Pagtiiisan mo muna." sagot nito sa kanya.

"Namamantal ang leeg mo." Komento ni Alpha kay Flame. Pansin ko din na namumula siya.

"I told you guys, it's itchy."

"Check mo kung may panloob ka." sabi ni Claude. "Kung meron, sige tanggalin mo. Namumula ka na talaga."

Biglang itinaas na naman ni Flame ang kanyang dress at agad siyang pinigilan na naman ni Gunner. "Flame, shit, babae ka. Huwag ka nga pasaway. Hoy kayo naman mga tukmol. Talikod."

Pinatalikod ni Gunner lahat ng lalaki, pati siya ay sumama din. I suddenly missed his protective personality. Sa'kin lang siya ganyan dati....

Tsk.

Napailing ako. I must be crazy. I shouldn't miss those fake moments. Ginago niya ko. Hindi ko siya pwede patawarin.

"Ano, meron?" tanong ni Hera.

Inis na umiling si Flame at napapadyak. "Ang kati talaga----"

"Guys...." bigla naming narinig si Echo na seryoso ang boses.

Napalingon kaming lahat sa kanya. Nasa ikaapat siyang kama at nakapwesto sa tabi ni Dorothy. Noong una ay nagtataka kami kung bakit niya kami tinawag. Pero agad din iyon nasagot nang makita namin ang tinutukoy niya.

Dorothy is now awake.

She's trying to say something... but she couldn't.

I almost cried when I realized why.

It seems like her lips are stitched from the inside.

TO BE CONTINUED.

note: kahapon pa dapat 'to
kaso nakatulog ako. huhu.
anyway here's the ud for friday.
i'll post the next one later :D

Continue Reading

You'll Also Like

10.2M 460K 114
"One mobile dating app... gone wrong. Countless of daredevil couples in Lancaster High are now battling dangerously because of this deadly app. Every...
29.8M 988K 68
Erityian Tribes Series, Book οΌƒ2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
14.1K 860 25
Ichinose Harumi is having a hard time on her new environment- Japan. She admits that she's not accustomed to live there because if she had a choice...
10K 1.2K 48
"Ad astra per aspera." Lyra Adeline Celestia is a girl who suffers from melophobia-she's afraid to hear a certain music because of a traumatic experi...