⋈├・oXᓄ
𝘿𝙊𝙇𝙇𝙃𝙊𝙐𝙎𝙀
Cameras Activated: 100/100
Site: ONLINE
Current Task:
search the 5 missing keys
Dolls Awake: 8/10
▬▬▬▬▬▬▬
── ♡├o HERA
Cameras.
There should be cameras everywhere.
Peter. That psycho asshole. I'm sure he's watching us right now. But how? Bakit wala akong makitang kahit isang camera? Gaano kaliit ang mga 'yon at paano niya naitago?
"Hera..." tinawag ako ni Alpha.
"Are you sure that this is the dollhouse we've read before?" tanong niya. Umupo siya sa kama ko. Tahimik niyang hinahaplos ang kamay niyang may tattoo na number one. See? Tattoos. Isa din 'yan sa nabasa ko sa article dati. Peter is fond of marking things he own. He probably thinks he owns us now.
"Not that sure. Pero hindi mo din maitatanggi na ganitong ganito ang nabasa natin dati." sagot ko saka napasandal nalang at napabugtong hininga. The tattoos, the dresses, the chains, the red strings hanging from the ceiling, the numbers, the missing teenagers, it screams dollhouse. Ganitong ganito ang nabasa ko dati.
"But... why are we here?" bulong ni Alpha.
Natahimik ako. Ramdam ko ang mata niya sa'kin na tila nanghihingi ng sagot. Pakiramdam ko ay naalala na niya ang article pati ang rason kung bakit dinadala sa dollhouse ang mga nawalang biktima dati. Nanatili akong tahimik at hindi siya sinagot.
Tahimik naming pinanood ang aming mga kaibigan.
In this room, one of us is a killer.
One of us murdered someone secretly.
Hindi ko alam kung isa o higit pa ang mamamatay tao sa loob ng kwartong 'to, pero sigurado akong meron. The Dollhouse game will only end if we would be able to identify the real killer. Uubusin kami hanggat walang naamin. Dalawa lang ang pwedeng matira kung walang aamin sa grupo. If the killer lived, then he's free forever. He wins the game.
Kaso ang problema, isa lang ba sa'min ang pumatay?
Paano kung hindi lang isa?
Pasimple kong pinanood ang mga kasama ko. They're my friends. They're my sisters and brothers by heart. Everyone knows how close we all are. We're inseparable. But the question is...
Who turned into a killer?
Alpha is the leader of the group in my perspective. He made decisions that saved us since then. Para siyang kuya sa'min. Kaming mga babaeng kaibigan niya ay madalas niyang ihatid pauwi para lang makasiguradong ligtas kami.
Babe is the youngest and everyone's baby. She's bubbly and a bit sensitive sometimes. Protective kami sa kanya lalo na't suki siya ng mga lalaking malalandi.
Claude is the casanova type. Seryoso kami kapag sinabi naming madami siyang babae. Iba ibang putahe ang nakahanda sa kama niya gabi-gabi. Buti wala pa siyang sakit. But the good thing is, Claude can sense his kind. Bantay sarado niya kami sa tulad niya.
Dorothy, who is still sleeping, is probably the nicest. She acts like our mom most of the time but we still love her. She's good when it comes to giving advices. Lagi niya kami nililibre. One time, niyaya namin siya sa Andromeda. Siya lang ang uminom ng orange juice.
Echo is high. For some unknown reason, he's really high and one of a kind. He's the joker together with Ichiro. Lagi silang sabog at parang may tinirang drugs. But Echo has this cool personality for me tho. Sobrang bait niya kapag kaclose ka niya, pero kapag pinuno mo siya, siya ang pinakanakakatakot sa'min. I witnessed him getting mad once and he was really scary. Si Dorothy lang nakakakalma sa kanya.
Flame is definitely the bad girl in this group. Bestfriend siya ni Gunner. She likes motorcycles and the color black. She smokes and drinks a lot. Nananapak siya ng lalaki. Kahit mahinang catcall lang na marinig niya ay hindi niya palalampasin. Sino nagturo sa kanya manuntok? Si Gunner.
Gunner is the rebel. Suki ng underground battles. Sumikat siya dahil may kinalaban siyang sikat na Baltazar at draw ang laban. He is strong and fearless. Walang nakakapigil sa kanya. Tagasapak siya ng magpapaiyak sa'ming babae na sinusumbong ni Alpha.
Ichiro is the duo and partner of Echo pagdating sa katarantaduhan. Isa pang sabog to. Siya nagpauso ng hiraman ng brief na issue sa kanilang mga lalaki. Ichiro likes games, too. Madalas niya kaming hinahamon ni Alpha sa patalinuhan. Tinatawanan siya ng iba, hindi nila alam, matalino talaga si Ichiro. Sabog lang. Loyal din siya kay Java. He can risk everything to get her heart.
Java is the princess. Madalas siyang nalaban sa pageant sa iba't-ibang university. She's always the winner. Java wants to be a beauty queen and everyone thinks she deserves it. Close sila ni Alpha kasi si Alpha ang nagttrain sa kanya sumagot sa Q&As.
We all know each other.
Kaya hindi ko maintindihan kung sino sa'min ang nakayang pumatay.
▬▬▬▬▬▬▬
LIVE COMMENTS
- nakatingin si echo kay dorothy uwu ♡
- ginigising niya :>
- kyut kyut ni echo
- ano ginagawa ni ichiro?
- nagkakalkal ng carpet wtf HAHHAAHHAHAA
▬▬▬▬▬▬▬
── ♡├o BABE
"What is he doing?" nginuso ko si Ichiro kay Java. Si Java naman ay nakangiwing pinapanood si Ichiro. Hindi ko matiis. Tinawag ko na. "Puro alikabok ang carpet. Hey, Ichiro. Ano ba ginagawa mo?"
"Searching... for.... keys." putol putol niyang sabi. Pagod na siya tsaka pinagpapawisan na din. Tumayo siya at nagkalkal naman ngayon ng cabinets.
"Call me if something happens. Tutulungan ko lang si Ichiro." sabi ni Claude saka umalis sa tabi ko. Tumango ako sa kanya. Tinapik niya si Ichiro, si Ichiro naman ay may sinabi kay Claude kaya tumango ito at naghanap na din.
Aksidenteng nagtama ang mata namin ni Gunner. Nandon siya sa ikaanim na kama at abala kanina pa. Salubong na naman ang kilay niya ngayon sa'kin. Hindi ko siya pinakitaan ng reaksyon. Sa wakas ay iniwas niya ang mata sa'kin saka itinuloy ang paggising kay Flame. Tss. Whatever.
"Odds must start searching, the even pairs are waiting." binasa ni Hera ang nasa screen. Sumimangot siya pagkatapos basahin 'yon. Inis siyang napapadyak.
"Peter will pair us." komento niya. "Odds are the guys. 1, 3, 5, 7, 9. Us, girls, have the even numbers. 2, 4, 6, 8, 10. Now what? Maghihintay lang kami para mahanap niyo ang susi?"
I can feel her getting impatient. Sa totoo lang ay masakit na ang mga braso namin sa ayos namin ngayon.
Napansin kong gumalaw na si Flame sa kanyang kama at tila nagigising na din. Nagising siya ni Gunner. Dumilat si Flame at napatingin sa paligid. Agad siyang nilapitan din ni Alpha para kamustahin ang pakiramdam.
"Tsk. Nasaan na ba?" rinig kong inis na sabi ni Ichiro na naghahanap ng susi. Kawawa naman si Ichiro. Siya lang ang naghahanap tsaka si Claude. Ilang oras na siyang nagkakalkal.
"Gunner, shit, nagdudugo balikat mo."
Naalarma kaming lahat at tinignan si Gunner matapos naming marinig ang sinabi ni Flame.
At totoo nga.
Dumudugo ang balikat ni Gunner. Kumakalat ang dugo niya sa kanyang panloob na puting polo. What the hell? Kanina pa ba 'yan?!
"Remove your coat. Now." sabi ni Alpha. Agad namang sumunod si Gunner. Hinubad niya ang kanyang itim na coat at puro dugo nga ang balikat niya.
Muli ko na naman narinig ang kanyang mura.
Tsk. Sabi ko huwag siya magmumura eh.
"Bakit hindi mo man lang naramdaman? Alam naming malakas ka pero hindi ka naman siguro manhid." inis na saway ni Claude.
"Wala naman akong maramdaman na sakit eh." nagtatakang sagot ni Gunner. He's bleeding. Is he wounded?
"Hubarin mo din 'yong polo mo." sabi ni Ichiro.
Ginawa nga ni Gunner.
Iniwas ko ang aking mata nang maghubad na siya.
"Gunner, ang sarap mo kutusan. Kung hindi ko pa nakita, hindi mo pa alam na nagdudugo ka na." inis na inis na sabi ni Flame sa kanya.
"Hold on. Something's stitched in your shoulder--- fuck. Don't tell me----" hindi matuloy ni Hera ang sinasabi niya.
Ano gusto niya sabihin?
Bakit niya binitin?
"Good news. I think we just found one of the key." sabi ni Alpha habang iniinspeksyon ang balat ni Gunner. Nakita kong napangiwi si Gunner dahil sa tahi sa kanyang balikat.
"Alpha, huwag mo naman diinan!" saway ni Flame.
"Bad news, it was stitched and hiding under Gunner's skin." dugtong ni Alpha.
Fuck.
TO BE CONTINUED.
Note: Tuloy padin ang survey
sa itatawag ko sa inyong mga
mahal kong readers ⊙ᴗ⊙ ♡
Hindi ko alam kung saan ako
nagkamali sa pagpapalaki sa
inyo---- pero bakit niyo naman
gustong maging lamok o kaya
ay insect repellant?!!!!! HINDI
KO MAINTINDIHAN BAKIT NIYO
GUSTO MAGING LAMOK WTF '͡•_'͡•
Anyways, Monday na bukas huhu
Enjoy your week! ✦ ◉ •