THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔

By GarnetSiren

325K 16.3K 1.4K

7BB シ " SEVEN BAD BOYS " More

SYNOPSIS
DISCLAIMER
CHAPTER 1 - The Bad Boys
CHAPTER 2 - First Encounter
CHAPTER 3 - Seatmates
CHAPTER 4 - Bully vs. Nerd
CHAPTER 5 - First Kiss
CHAPTER 6 - SuperSaiyan
CHAPTER 7 - Worried Bully
CHAPTER 8 - SaiRid Moment
CHAPTER 9 - Sweet Revenge
CHAPTER 10 - His Smile
CHAPTER 11 - Sigrid's New Hero
CHAPTER 12 - His Nanny
CHAPTER 13 - You're Safe
CHAPTER 14 - Pretending
CHAPTER 15 - Sigrid vs. Sugar
CHAPTER 16 - Danger zone
CHAPTER 17 - Rivalry
CHAPTER 18 - The Vizcondes
CHAPTER 19 - Trouble
CHAPTER 20 - Jealousy
CHAPTER 21 - Saiyan's Confession
CHAPTER 22 - Mad Shokoy
CHAPTER 23 - Nanny No More
CHAPTER 24 - Dancing Señorita
CHAPTER 25 - The Twins
CHAPTER 26 - New Job
CHAPTER 27 - Reminiscing the Past
CHAPTER 28 - Beginning
CHAPTER 29 - Accusation
CHAPTER 30 - Prank Gone Wrong
CHAPTER 31 - Shokoy's Love
CHAPTER 32 - The Truth
CHAPTER 33 - Preparations
CHAPTER 34 - Acquaintance Party
CHAPTER 35 - Moves like Saiyan
CHAPTER 36 - Unexpected Kiss
CHAPTER 38 - Hidden keys
CHAPTER 39 - Never Give Up
CHAPTER 40 - Mission
CHAPTER 41 - Explosion of Hidden Secret
CHAPTER 42 - Mother 'n Son
CHAPTER 43 - DNA Result
CHAPTER 44 - Happy Family
CHAPTER 45 - The Bet
CHAPTER 46 - Pain of Yesterday
CHAPTER 47 - Starting Over Again
CHAPTER 48 - Emptiness
CHAPTER 49 - His Anger
CHAPTER 50 - Chocolate Cake
CHAPTER 51 - New Look
CHAPTER 52 - Enchanting Beauty
CHAPTER 53 - Magic Spell
CHAPTER 54 - Stolen Kiss
CHAPTER 55 - Magical Moment
CHAPTER 56 - The Almontes
CHAPTER 57 - Friends
CHAPTER 58 - First LQ
CHAPTER 59 - In Public
CHAPTER 60 - Kenshi's Heartbreak
CHAPTER 61 - Worried
CHAPTER 62 - Gummy Bear
CHAPTER 63 - Happiness to Disappointment
CHAPTER 64 - Tatay
CHAPTER 65 - Softhearted Shokoy
CHAPTER 66 - New Year ; New Battle
CHAPTER 67 - Camping
CHAPTER 68 - Fight Together
CHAPTER 69 - Trial
CHAPTER 70 - Wicked Plan
CHAPTER 71 - Wrong Move
CHAPTER 72 - Crying Shoulder
CHAPTER 73 - Family Bonding
CHAPTER 74 - Back To Reality
CHAPTER 75 - Time Flies So Fast
CHAPTER 76 - Daddy's Princess
CHAPTER 77 - Triumph
CHAPTER 78 - Bitter Prince
CHAPTER 79 - Letting Go
CHAPTER 80 - Betrayal
CHAPTER 81 - Goodbye
CHAPTER 82 - Alone Together
CHAPTER 83 - Just A Mistake
CHAPTER 84 - Good Bye
ANNOUNCEMENT!!

CHAPTER 37 - Necklace

3.1K 184 19
By GarnetSiren

HOPPER'S POV :

Boredom strikes again. Tinatamad din akong umalis ng bahay at saka wala naman akong maisip na puwedeng tambayan sa labas. Wala ring kasama.

"Ate Minerva, nasaan si Mommy? Lumabas na ba?" Tanong ko sa naglilinis naming katulong.

"Oo, Sir. Maaga siyang umalis dahil may kikitain daw siyang Client. Sumabay pa nga po siya sa Daddy ninyo, e."

I nodded. "Si Grover gising na?"

"Hindi ko alam, Sir. Hindi pa naman po siya lumalabas ng kaniyang kuwarto."

"I see. Nakapaglinis na ba kayo sa Office ni Mommy? I mean, pinayagan na ba kayong pumasok ng Office niya?" Kunot-noong tanong ko.

Simula kasi nang mangyari ang pagkawala ng Relos niya na si Maya ang may gawa, Naging mahigpit na siya dahil hindi na nagpapasok ng mga katulong namin para linisin iyon.

"Hindi pa, Sir. Siya nalang daw po ang bahalang maglinis roon kapag nagkaroon na siya ng libreng oras." Tugon ni Ate Minerva.

"Ako nalang ang maglilinis do'n." sabi ko.

"Pero, Sir - "

"Hindi sanay sa madumi si Mommy, Ate Minerva. Kung hindi niya kayo pinapayagang pumasok ng Office niya para maglinis, Paano nalang 'yon?" Kinuha ko sa kaniya ang basahan at walis kaya hindi na siya nakatanggi pa. "Alam din naman nating palaging busy si Mommy lalo na ngayong malapit na ang Birthday ni Daddy kaya huwag na natin siyang asahang magkaroon ng libreng oras para linisin ang opisina niya." Dagdag ko.

"Sir, pasensiya na ha. Kung hindi sana ginawa ni Maya 'yun, Hindi sana kayo maglilinis. Pasensiya na talaga."

"Ayos lang, Ate Minerva." Sabi ko. "Naiinip din naman ako kaya kailangang may gawin akong pampalipas oras." I added. "Sige." Tinalikuran ko na siya't tinahak na ang daan papunta sa direksyon ng opisina ni Mommy dito sa bahay.

ALAS Otso na ng umaga pero mukhang tulog pa rin ang magaling kong kakambal. E, kung buhusan ko nalang kaya ng nagyeyelong tubig? Tch.

"Hey." napatingin ako sa pintuan. "Himala. Ikaw ang naglilinis ngayon. Nasaan ba sina Ate Lora?"

"Akala ko tulog ka pa. Pupuntahan na sana kita sa kuwarto mo para buhusan ng tubig, e." Nakangising sabi ko. "At wala ding himala, Grov. Alam mo namang naging istrikto na si Mommy sa pagpapapasok dito, e."

"I see." Pinulot niya ang walis at nagsimula na ring magwalis. "Punta tayo kila Harvy. Ayain nating mag-basketball." Suhestiyon pa nito. "Tawagan mo silang lahat."

"Tinatamad ako, Grov."

"Tsk. Dali na."

"Pumunta kang mag-isa mo." iritadong saad ko. "Teka. Bakit hindi mo nalang kaya tulungan si Mommy sa pagpaplano para sa upcoming birthday party ni Dad?"

Natigil sa pagwawalis ang kambal ko at umaktong nag-iisip. "Oo nga 'no? Pero 'di ba ang usapan natin dati'y simpleng celebration lang tapos pupuntahan nalang natin si AM sa puntod niya?"

"Oo pero hindi naman 'yun ang final decision ni Mommy kaya maaring may mabago O may madagdag. Depende na 'yun sa gusto ni Mommy." i said. "Alisin mo nga 'yang mga books at kung anu-ano pang mga nakapatong diyan sa table ni Mommy. Ang gulo. Ang sakit sa mata."

"Kumag na 'to. Ang arte arte samantalang ngayon lang naman naglinis." Nakangising sabi ni Grover pero agad din namang ginawa kung anong inutos kong gawin niya. "Alam ko na kung saan tayo tatambay after this."

"Where?"

"Doon kila Sigrid tapos invite natin siya sa birthday ni Dad." aniya.

"And you think papayag siya? Alam mo namang masama ang naging karanasan niya sa huling party na dinaluhan niya baka pati dito, e, isipin din niyang may mangyayari na naman sa kaniya." Sabi ko.

"Hindi naman siguro iisipin ni Sigrid 'yon." aniya. "Help me here. Ilipat natin ng puwesto 'tong table ni Mom."

"Hindi mo puwedeng ilipat 'yan nang hindi nagpapaalam kay Mommy. Baka gusto mong bumalik na naman siya sa pagiging Nagger mother?"

"Bilis na, Hop."

Napabuga ako ng hangin saka siya nilapitan. Magkatulong naming binuhat ang hindi naman kalakihang table ni Mommy pero sulit na sulit naman sa labis na bigat.

"Ilipat din natin 'yung Sofa bed ni Mommy." Wika na naman ni Grover kaya sunod namin itong binuhat. "Wait, wait, wait. Hop, Ibaba muna natin. Sandali lang, may nakita ako." aniya saka nagmamadaling ibinaba ang bahagi ng Sofa bed na hawak niya na kamuntikan pang ikinaipit ng paa ko.

"Putsa naman, Grov. Gusto mo bang madisgrasya 'tong paa - "

"Look at this." Putol niya sa 'kin saka siya muling humarap sa akin at unti-unting binuksan ang nakakuyom niyang palad.

"I-iyan .." nanuyo ang lalamunan ko sa nakita kong hawak ng kakambal ko. It is a gold necklace with a heart shaped locket pendant. "K-kay Sigrid 'yan 'di ba? 'yan 'yung suot niyang kuwintas nu'ng sinundo natin siya sa kanila 'di ba?" Hindi ako sinagot ni Grover at sa halip ay mas sinuri pa ang kuwintas na hawak niya. "Grov, alam kong pareho lang tayo ng iniisip ngayon." Untag kong muli sa kaniya.

"I remember this necklace, Hopper." Wika ni Grover sa mahinang boses. "Ganitung-ganito 'yung kuwintas na pina-customized ni Grandpa para kay AM noon at nasa atin ang susi nito." seryosong aniya. "Wala naman sigurong nagpagawa at ginaya ang sariling style ni Grandpa, right? And this is also made of pure gold."

"Nasa akin ang isang susi nito." Sabi ko. "E, 'yung susi mo dito, nasa 'yo pa ba?"

He nods his head. "Sandali. Hawakan mo muna 'to." inabot niya sa akin ang kuwintas na hawak niya kaya agad ko namang tinanggap. "Kukunin ko lang 'yung susi ko. Iyon lang ang paraan para malaman natin kung ang kuwintas na ito ni Sigrid at 'yung kay AM ay iisa."

"Daanan mo na rin 'yung sa akin sa room ko." Habol ko kay Grover. "Alam mo naman kung saan nakatago 'yon."

Pag-alis ng kambal ko'y napasalampak nalang ako sa Sofa bed ni Mommy kasabay ng pagtagaktak ng pawis ko dahil sa hindi maipaliwanag na pinaghalu-halong kaba at kagalakan na maaaring may kinalaman si Sigrid kay AM at kung ano man iyon, sana... Sana magresulta ng maganda.

∽∽■∽■∽■∽∽

GROVER'S POV :

NANGINGINIG ang kamay ko habang hinahanap ang kahong pinagtaguan ko nu'ng bata ako sa susi ng locket ng kuwintas na 'yon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Ayaw kong umasa dahil mahirap asahan ang bagay na alam mong imposibleng mangyari pero heto ako ngayon, umaasa ng isang milagro.

Finally..

Kaagad kong kinuha ang susi mula sa kahon at patakbong lumabas ng aking kuwarto at sa kuwarto naman ni Hopper ako pumasok para kunin ang susi niya doon sa locket. Hindi kasi kami pareho dahil iyon ang ginawang istilo ni Lolo na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit dahil hindi ko pa nakikita kung ano ang nasa loob ng locket na iyon.

Tok! Tok! Tok!

"Sir, nandiyan na po si Ma'am Eleina. May dalang pagkain kaya pinapatawag kayo." Boses ni Ate Lora.

Nang matagpuan ko ang susi ni Hopper ay agad akong lumabas ng kuwarto niya't nadatnan ko dito si Ate Lora na nakatayo pa rin.

"Sabihin mo sa kaniya tatapusin lang namin ni Hopper ang paglilinis sa Office niya." Sabi ko saka walang sabi sabing tinalikuran siya. "Heto na - "

"Bakit ba ang tagal mo?" Putol ni Hopper sa 'kin.

"Natataranta ako, e." i said. "O, heto 'yung sa 'yo." inabot ko sa kaniya 'yung susi. "Subukan mo ng buk - "

"Mauna ka na - "

"Putsa, Hopper. Mauna ka na, okay? kita mong nanginginig ang kamay ko, e." singhal ko sa kaniya.

"Fine."

Pumikit ako nang akmang susubukan ng buksan ni Hopper ang hawak niyang heart shaped locket pendant. Hindi ko kayang tingnan. Lumalakas din ang kabog ng dibdib kong parang may nagwawala na dito.

"Hopper?" Tawag ko sa kaniya na nakapikit pa rin. "Sinubukan mo na ba?"

*No response*

"Hopper - "

"Just open your goddamn eyes and see for yourself." Putol niya sa 'kin.

I gulped. "I'm freaking nervous and i'm shaking as hell, Hop. I'm not yet ready - "

"Just fucking open your eyes."

I gulped again then slowly, I opened my eyes. Pero ang sumunod kong nakita ay labis kong ikinabigla.

"B-bukas .." hindi makapaniwalang sambit ko. "But how?"

"Gawin mo na rin ang dapat mong gawin, Grov." Wika ni Hopper. "Kapag nabuksan mo, doon natin malalaman ang totoo."

Tumango ako at kinuha ang hawak niyang kuwintas at kahit nanginginig ang kamay ay nagpasiya na rin akong sumubok buksan ito.

"What the hell!" Bulalas ni Hopper nang katulad niya kanina'y, nabuksan ko rin ito. "Grov, What the fuck is happening? Kay AM 'to pero bakit nakasuot noon kay Sigrid?"

Nakakabakla mang aminin pero nagsimula ng pumatak ang luha ko. Hindi pa sigurado pero could it be possible na si Sigrid at April Miracle ay iisa? But how? Nakita ko kung paano tinupok ng apoy ang bahay namin at nasaksihan ko kung paano iniyakan ni Mommy at Daddy ang bangkay ng kapatid namin.

"Hopper, we need to investigate." Sabi ko. "We need to know the truth."

"What Truth?" nagtinginan kami ni Hopper nang marinig namin ang boses ng aming ina. "Ano 'yang hawak mo, Grover?"

Umiling ako saka pasimpleng tinago ang kuwintas na hawak ko. "Nothing, Mom."

"Give me that." maawtoridad na utos ni Mommy sa 'kin. "You," Turo niya sa 'kin. "And you," Turo niya kay Hopper. "Alam kong may itinatago kayong dalawa sa akin. What is it?"

"Mom, wala." Pagsisinungaling ni Hopper.

"Akin na 'yan, Grover."

Sinulyapan ko si Hopper at tinanguan lang din ako bilang senyales na ipakita ko na ang hawak ko sa aming ina.

Huminga ako ng malalim saka inilahad kay Mommy ang kamay kong nakakuyom saka ito unti-unting binuksan na ikinabigla niya.

"S-sa kapatid ninyo ang k-kuwintas na 'to." nanginginig na kinuha ni Mommy ang kuwintas mula sa kamay ko. "S-saan niyo 'to n-nakita?" nauutal ng tanong ni Mommy. "Sagutin niyo ako!"

"N-nakita namin 'yan dati na suot ni Sigrid." Sabi ko.

"Suot-suot niya 'yan nu'ng unang punta niya dito. Nu'ng niyakap mo siya." Wika ni Hopper. "Hindi na nga po kami nagsalita ni Grover noon kasi akala po namin napansin mo 'yung suot niyang kuwintas noon pero pinili mo lang na manahimik kaya hindi na rin kami muling nagsalita pa tungkol sa kuwintas." He added.

"P-paanong napunta kay Sigrid ito? Hindi naman ito nawala sa kapatid ninyo at alam kong kahit nu'ng tinutupok siya ng apoy, nasa leeg pa rin niya ito." may bahid pagdududang wika ni Mommy. "Samahan niyo ako. Gusto kong makausap si Sigrid."

"Mom, hindi ninakaw ni Sigrid 'yan - "

"At hindi ko rin naman sinasabing ninakaw niya ito, Hopper." Putol ni Mommy kay Hopper. "Gusto ko lang makausap si Sigrid at itanong kung bakit napunta sa kaniya ang kuwintas na pag-aari ng namatay niyong kapatid."

"Bakit hindi nalang tayo magpa-investigate, Mom?" Suhestiyon ko.

"No. Gusto ko ng malaman ngayon ang totoo, Grover. Sasamahan niyo ba ako kay Sigrid o hindi?"

Nagtinginan kaming magkapatid saka muling ibinalik ang tingin namin kay Mommy at sabay na nagsabing sasama.

"Grov, paano kung .." Huminga siya ng malalim. "paano kung kapatid natin si Sigrid?"

"Bunganga mo baka marinig ka ni Mommy."

"Pero - "

"Imposible 'yang sinasabi mo, Hop, pero naniniwala pa rin ako sa milagro. Sana nga hindi pa patay si AM." Sabi ko.

"Bilisan niyo!" sigaw ni Mommy sa amin na nauna na rin sa kotse niya.

"Mom, ako na ang magmamaneho." Presinta ni Hopper.

"Sige." Initsa ni Mommy sa kaniya ang susi ng kotse na agad namang nasalo ni Hopper. "Sakay na, Grov."

"Yes, Mom."

Heto na naman ako. Sinalakay na naman ng iba't-ibang emosyong hindi ko kayang pangalanan. Sabi ko nga, Mahirap umasa sa imposibleng mangyari pero wala namang masama kung umasa at mangarap ako 'di ba? Na sana may mangyaring milagro at buhay pa rin si April Miracle.

--
TO BE CONTINUED ..

PS : Inihabol ko lang 'to bago ako matulog. hehe 😂 Mornight, ELiens. 😇

Continue Reading

You'll Also Like

156K 9.4K 21
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
70.4K 433 125
Try to read the list of my favorite stories.
2.2M 56.7K 58
| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-proclaimed Queen Bee ng campus nila. "May...
The Cold Guy By

Teen Fiction

60.3K 1.3K 66
What if you meet the man of your dreams? What if he wants someone else? What will heal you? Are you going to try again or just back off?