DOLLHOUSE

By -SHEENA-

7.4M 375K 957K

Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all so... More

DOLLHOUSE
The Trailer
Warning
Warning Part 2
The News
The Dolls
The Invitation
The Application
The Start
Dollhouse 001
Dollhouse 002
Dollhouse 004
Dollhouse 005
Dollhouse 006
Dollhouse 007
Dollhouse 008
Dollhouse 009
Dollhouse 010
Dollhouse 011
Dollhouse 012
Dollhouse 013
Dollhouse 014
Dollhouse 015
Dollhouse 016
Dollhouse 017
Dollhouse 018
Dollhouse 019
Dollhouse 020
Dollhouse 021
Dollhouse 022
Dollhouse 023
Dollhouse 024
Dollhouse 025
Dollhouse 026
Dollhouse 027
Dollhouse 028
Dollhouse 029
Dollhouse 030
Dollhouse 031
Dollhouse 032
Dollhouse 033
Dollhouse 034
Dollhouse 035
Dollhouse 036
Dollhouse 037
Dollhouse 038
Dollhouse 039
Dollhouse 040
Dollhouse 041
Dollhouse 042
Dollhouse 043
Dollhouse 044
Dollhouse 045
Dollhouse 046
Dollhouse 047
Dollhouse 048
Dollhouse 049
Dollhouse 050
Dollhouse 051
Dollhouse 052
Dollhouse 053
Dollhouse 054
Dollhouse 055
Dollhouse 056
Dollhouse 057
Dollhouse 058
Dollhouse 059
Dollhouse 060
Dollhouse 061
Dollhouse 062
Dollhouse 063
Dollhouse 064
Dollhouse 065
Dollhouse 066
Dollhouse 067
Dollhouse 068
Dollhouse 069
Dollhouse 070
Dollhouse 071
Dollhouse 072
Dollhouse 073
Dollhouse 074
Dollhouse 075
Dollhouse 076
Dollhouse 077
Dollhouse 078
Author's Note | Story Feedback Section
The Published Book

Dollhouse 003

126K 6.1K 21.9K
By -SHEENA-

⋈├・oXᓄ

𝙒𝙀𝙇𝘾𝙊𝙈𝙀 𝘽𝘼𝘾𝙆 𝙏𝙊
𝘿𝙊𝙇𝙇𝙃𝙊𝙐𝙎𝙀

Cameras Activated: 100/100
Site: ONLINE
Current Task: None
Dolls Awake: 4/10

── ♡├o UPDATE:
Dolls are rising!

▬▬▬▬▬▬▬
 
 


── ♡├o JAVA
 

Welcome to Dollhouse.

Anong kalokohan 'to?!

"Gunner, walang pinto ang kwarto." puna ko habang iniikot ang mata sa paligid.

"Hindi ko maalala kung paano tayo napunta dito pero sigurado akong kailangan nating makaalis dito agad. Hindi maganda ang kutob ko." aniya saka pinakyuhan ang screen na paulit ulit ang nakasulat:

Welcome to Dollhouse.

Where and what the hell is Dollhouse anyway?!

May tumunog na kama, tila gumalaw.

Napalingon ako kay Babe. Gumalaw siya, pero wala parin malay. Nagkatinginan kami ni Gunner. Nagbago aura niya bigla. Sandali siyang napapikit at napakagat ng labi. I know he's fighting it. Ayaw niya lumingon kay Babe. Okay. Naalala ko na. Nag-away nga pala sila. Hindi ko sure kung wala na silang dalawa.

"Nagigising na si Babe..." Bulong ko habang nakatingin sa babaeng nasa ikalawang kama. Mukha talaga siyang manika ngayon dahil sa soot namin.

"Wala akong paki." Tugon ni Gunner saka lumapit sa'kin at sinubukang kalasin ang posas sa kamay ko. Gumalaw ang kama sa pagtuntong niya.

Nailang ako.

Unahin mo si Babe, Gunner.

"Tangina talaga." mura na naman niya habang tinatangal ang posas ko, medyo natigilan din siya.

"B-Bakit?"

Nagulat ako nang biglang siyang may kinukuskos sa likod ng kamay ko. Nakaramdam ako ng hapdi. What the hell is he doing?

"Gunner, masakit. Ano ba!" saway ko.

"Fuck, Java. They inked us." he stopped whatever he was doing and cussed again.

Ano daw?

"Look." sabi niya. Pinakita niya ang likod ng kamay ko sa'kin. Namutla ako sa nakita. Holy---- Is that real?! Kaya ba mahapdi? "Here. That number 10 at the back of your hand is real. This is not a henna. This is a fucking tattoo, Java."

What?!

Napansin ko ang kamay niya. Meron din siya. Number 7. Ang mga numero ay kagaya ng numero sa aming mga kama.

What the hell is happening?!

Who's playing with us?!

"Ang sarap pumatay." he groaned.

"Shhh." and I hushed him.

"We need to go. Tatanggalin ko din ang posas mo." tumango ako sa kanya. "Tell me if it hurts, okay? I'll stop."

I nodded my head.

▬▬▬▬▬▬▬

▶️ Live Comments

- omg ship  (づ ̄ ³ ̄)づ

- ano tawag sa ship nila?

- SEVENTEEN!!!!

- bakit seventeen?

- seven si gunner + ten si java = seventeen

- ang witty i kennat

- seventeen din sina hera at ichiro lol

- pero totoo ba tong nangyayari????

- feeling ko prank lang to ng decagon pramis

- true. feeling ko din ʅ(–ᵌ–)ʃ

- they used missing posters and made it viral. perks nila ay magaganda at pogi silang lahat so nagkagulo mga fans kuno nila at kinalat lahat ng post. after it went viral, they made this broadcast. its definitely one of their public stunts

- effort nmn ng prank. broadcasted ganern

- paging august. august delmitor, kung nanonood ka din ng live broadcast ngayon----- bakit ka nanonood?!!! joke pre. gusto lang namin sabihin na meron ng real life dollhouse. pwede ka na makipagteacup party kay barbie. sisikat ka. tnx. lab, pirs

- grabe dami na viewers

- im watching camera 41. ako lang ba?

- ako din hihihi

- and guys look. kanina pa gising si alpha O.O

- hala oo nga. wtf

- nakatalikod lang siyaaaaaa omg

- gwapo nmn bby

- akala niya siguro nasa bahay lang siya kaya chill lang kahit nakidnap na HAHAHAHAHAHAHAHA

- bakit ayaw magsalita ni alpha?!

▬▬▬▬▬▬▬
 


 
MAHINANG napamura si Gunner. Hindi niya matanggal ang posas sa kamay ko. Nagtataka siyang napatanong sa sarili.  "Bakit 'yong sakin marupok pagkakagawa? Bakit sa inyo iba?"

"Baka malakas ka lang talaga." Sagot ko, umiling siya

"Hindi. Sigurado ako, mahinang bakal lang ang nakatali sa'kin kanina." Aniya saka bumangon. Pumunta siya sa kama na sa tabi ko. Kay Ichiro. Sinubukan niyang tanggalin. Tumunog ang bakal na nakatali kay Ichiro dahil kay Gunner. Napakagat ng labi si Gunner saka nilaksan ng pwersa ang paghila.

Natanggal!

Ibinaba niya ang kamay ni Ichiro. Naaninag ko ang Number 9 sa likod ng kamay niya. Malalaki ang tattoo. Sinakop nun ang likod ng kamay namin.

"That's... weird." bulong ni Gunner pagktapos niyang kalasin ang kay Ichiro. Hingal niyang sabi saka ako nilingon ulit. 'Yong akin ay hindi niya maalis. Napapaisip na siya. Inalog alog niya si Ichiro ngayon.

"Ichiro, gago, bangon. Kakatayin na tayo tulog ka pa din." Saway niya kay Ichiro saka tinampal ang pisngi.

Humilik lang 'yong isa. Ay nako talaga. Hopeless talaga ang lokong 'to. "Psst. Ichiro, gising. Mahiya ka kay Java. Nanonood oh. Tsk!" Halos iuntog na ni Gunner si Ichiro sa unan. Wala pa din. Napipikon na si Gunner sa nangyayari.

Bumalik ulit siya sa'kin. Halos mamula na ang pulso ko sa ginagawa niya.  Sinubukan ulit niya tanggalin ang bakal. Hindi pa rin niya matanggal. Sinubukan niya ang nasa paanan ko pero ganun din.

Ayaw talaga.

"Subukan mo 'yong kay Alpha." Sabi ko.

Napalingon siya kay Alpha na nasa kabilang gilid ko naman. Tumango si Gunner. Tumuntong siya sa kama ni Alpha. Tahimik ko silang pinanood.

▬▬▬▬▬▬▬

▶️  Live Comments

- ahhhhh

- pumikit ulit si Alpha wtf

- bakit siya nagpapanggap na tulog?!!!

- kapag hindi niyo daw shinare ang broadcast na to mamalasin daw kayo kaya shinare ko agad :<

- This is safety turtle. He will protect you from chainmail and scary post 🐢

- aww :>

- gusto ko lang sabihin na gising na din talaga si echo at nakaupo na sa bed HAHAHAHAHAHAHA

- echo mah babe. Wakey wakey

- si echo nagkamot lang ng ulo tapos humiga ulit!!!! potekkkkkk katol pa!!!!

- bakit ang sasabog nila?!!

- si alpha nagpapanggap na tulog, si echo naman tulog is layp!!

▬▬▬▬▬▬▬

NATANGGAL ni Gunner ang kay Alpha. Weird nga. Bakit kapag sa'kin hindi niya matanggal?

Second bed belongs to Babe. Nasa tabi ni Alpha. Sa wakas ay kinaya ni Gunner na tingnan si Babe. Mahina siyang napamura ulit. I think they really broke up. Totoo siguro ang kumalat na issue sa Lancaster.

"Babe..." Tawag ni Gunner saka sumampa sa kama.

Hindi gumalaw o umimik si Babe. Umiling na lang si Gunner saka sinubukan kalasin ang posas. Ilang minuto niya 'yon sinubukan. Maski ang nasa paa ni Babe ay sinubukan niya. Pinagpapawisan na ang kanyang noo. Nahihirapan na siya. Pero wala. Hindi rin gumana.

"Come on..." Bulong niya saka nilagyan ng pwersa ang hila.

Ayaw pa din talaga.

Bakit-----

"Gunner, that's enough."

Natigagal si Gunner sa pwesto nang marinig ang boses. Hindi siya bigla makagalaw, ang pwesto niya ngayon ay nasa paaanan pa din ng babaeng nagsalita. Maski ako ay nanlaki ang mata at sinilip kung totoo ba ang narinig ko. That was Babe's voice.

She's... awake?!

"Kanina ka pa gising?" Tanong ni Gunner, galit ang boses. Hindi umimik si Babe at umiwas ng tingin. Napabuntong hininga lang siya.

"Tsk." Inis na umalis si Gunner sa ikalawang kama saka pumunta sa ikatlo. He left her just like that. Ano ba talaga nangyari sa kanila?

"Babe..." I called and she looked at me. "Are you oka---"

"I'm scared." Her voice broke.

Nalaglag ang luha sa mata niya. Napansin kong nilingon siya ni Gunner na ngayon ay nasa ikatlong kama. Kay Claude. Umiwas agad si Gunner ng tingin nang mapansing nakita ko ang reaksyon niya.

Tahimik na umiyak si Babe. "I'm scared. Kanina pa ko gising. I don't know what's happening. I just wanna go home."

Walang nagsalita sa'min kaya tanging ang iyak niya ang maririnig.

Napapikit ako. Kanina ko pa din gusto umiyak.... pero ayoko. Crying is my weakness. Once I cry, its over. My emotions will eat me. It will make me weak. I will crave for attention and comfort. And I don't fucking want that.

Natanggal ni Gunner ang posas ni Claude. Papunta na siya ngayon kay Dorothy. Abala ko siyang pinapanood nang bigla siyang natabunan sa paningin ko ng isang lalaking bumangon sa pagkakahiga.

Damn. He's awake too?!

"Alpha." I called.

Bumangon siya sa kama. Tuluyang napalingon si Gunner sa kanya at napatigil sa pagkalas ng posas ni Dorothy.

"Sabi ko na nga ba at gising ka..." bulong ni Gunner.

"Hindi mo matatanggal 'yan." sagot ni Alpha sa kanya.

"Alin?"

"'Yang posas ni Dorothy, hindi mo 'yan maaalis."

"Paano mo nasabe?"

"Hindi mo ba napapansin? Wala ka pang nakakalas na posas ng babae." sagot ni Alpha at natahimik kaming lahat, maski si Babe ay natigil sa pag-iyak.

Oo nga. Naalis na niya ang kay Ichiro, Alpha, at Claude. Pero sa'min ni Babe ay hindi niya nagawa.

"Want a proof? Watch me. I'll remove Echo's chain without effort." ani Alpha saka bumangon nang tuluyan sa kama at pinuntahan ang kamang may numerong lima. Pinanood namin siya nila Gunner at Babe.

Sumampa siya sa kama at hinila ang posas ni Echo.

Nakalas din 'yon.

So its real.

If Gunner is the cursing machine, Alpha is the big brain guy. Siya madalas nag-iisip sa'min. He acts like a leader sometimes especially when our group needed it. Sa aming lahat, siya ata ang may pinakasense magsalita.

"Aray." nakapikit na komento ni Echo saka umayos ng pagkakahiga. Parang si Ichiro matulog. Sarap buhusan ng tubig. Tinulak siya ni Alpha pababa sa kama. Kumalabog ang sahig na tila gawa sa kahoy sa pagkakabagsak ni Echo.

"Ichiro, hayop ka." ungot ni Echo sa sahig.

"Si Alpha 'to. Bangon na, tukmol."

Napadilat si Echo.

"Bakit ka nasa kwarto ko, Alpha?" sumimangot siya. "Manghihiram ka na naman ba ng brief?! Kay Ichiro ka manghiram. Sampu brief non. Labas!"

"Tangina. Ano daw?" sabi ni Gunner.

Minsan hindi ko din alam kung paano ko sila naging kaibigan.

Si Echo ang alien type sa grupo namin. He's out of this world. Sabog siya. Hindi naman siya nagdadrugs. Pero sabog talaga siya. 'Yong tipong hindi mo alam kung may natanggal na turnilyo sa utak niya. He's funny... and weird.

Natanggal na lahat ng posas ng mga lalaki.

----- Now what?

Tahimik kong pinanood si Alpha na pumunta sa kama ni Flame. He tried removing her chains but it didn't budge. Dinaanan niya din si Hera pero ayaw din. He tried mine pero gaya nga ng kay Gunner, hindi rin gumana.

Sino ba nagdala sa'min dito?

Ano gusto nila mangyari sa'min?!

Si Echo ay tuluyan na atang nagising at natulala na sa gulat sa nangyayari ngayon. Kinapa-kapa niya ang katawan niya. Kinurot niya ang sarili niyang braso.

"Totoo nga." he whispered. Tiningnan niya kami na pinapanood siya. "Nasaan tayo?"

Walang makasagot.

Bumangon siya. Naghanap din siguro ng pinto. Kaso wala. We're trapped. Buti nga silang lalaki ay hindi na nakaposas, kami nakatali pa din. "Is this your prank for me? Come on, it's not funny." ani Echo, galit ang boses.

Well, he rarely acts like that. He's really mad right now.

"Mukha bang may natutuwa sa'ting lahat? Totoo 'to." pagsusungit ni Gunner.

"Wake everyone up." Sabi ni Alpha saka ginising si Hera.

Sumunod kami.

"Ichiro, pupusta ako ikaw huling magigising." asar kong sabi sa katabi ko sa bed. "Ichiro, gising na! Aba!"

"Java..." tawag niya sa'kin. Kahit tulog.

"Ang sarap." ungol niya.

Binato siya bigla ni Alpha ng unan!

"... ng luto mo." dugtong ni Ichiro na tulog pa din.

"Siraulo talaga." sabi ni Gunner saka lumapit na kay Ichiro at inalog alog ulit. "Gising, tol. Sirang sira na image mo kay Java. Nakakaturn off bunganga mo. Gumising ka na!"

"Hmm. Wala na 'ko brief. Please. Kay Echo ka manghiram, Gunner." ungot ni Ichiro na tulog pa ata talaga.

"Punyetang brief 'yan. Naghihiraman ba talaga kayo?!" komento ni Alpha na ginigising si Hera.

"HINDI!" sigaw ni Gunner kay Alpha.

"Ichiro, isa pa. Masasapak kita kahit tulog." napipikon na sabi na ni Gunner. Kumunot ang noo ni Ichiro. Unti unti na siyang napapadilat.

Finally!

"Subukan mo pumikit, sasabihin ko sikreto mo kay Java. Isa!" banta ni Gunner sa tropa. Si Ichiro naman ay nagtaka saglit saka kami tinignan. Mukha siyang nagulat sa nangyayari. Namula siya nang magtama mata namin.

"Java, hehe." awkward niyang bati.

Sa wakas at gising na siya.

"Nasaan tayo?" nagusap usap sila ni Gunner at Alpha. Si Echo naman ay nakita kong ginigising si Claude at Dorothy. Tagumpay niyang nagising ang taong nasa ikatlong kama.

Bumangon si Claude.

Claude is one of the campus favorite. He's definitely one of my hottest friend. Sikat na sikat siya lalo na sa kababaihan. He's the playboy type. Every week, he has a new girlfriend. Kaming lima lang ata na tropa niyang babae ang hindi niya nilandi kahit kailan.

"Lagi akong nagigising sa hotel kasama ang babae ko. Pero ngayon lang ako nagising na kasama kayo." komento niya na nagtataka.

Gising na lahat ng lalaki at malaya na silang lahat. Pilit nilang ginigising ang natitirang tulog na sina Hera, Dorothy, at Flame nang umalingawngaw na naman ang isang bell na sobrang tinis ang tunog.

Napatakip kaming lahat ng tainga.

There it goes again.

That annoying sound.

Muli ay may lumabas sa screen na nasa likod ko. Napatingin kaming lahat doon. Bahagya kong tinakpan ang aking mata dahil sa lakas liwanag.

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o

𝘿𝙊𝙇𝙇𝙃𝙊𝙐𝙎𝙀

FIVE KEYS ARE MISSING.
The odds must start searching,
their even pairs are waiting.

▬▬▬▬▬▬▬

What?

Keys? Searching? Waiting? Ano?!!

"Oh shit. We're in the dollhouse?!!" biglang sigaw ni Hera. Oh. Gising na din siya. Napalingon kaming lahat sa kanya. Namumutla siya ngayon habang nanlalaki ang matang nakatingin sa screen.

"No. No. No. Why are we here?!" natataranta niyang sabi saka kami tinignan.

May alam ba siya?

"What the hell doll is Dollhouse?" tanong ni Alpha.

Nilingon siya ni Hera. "Dollhouse. Alpha, can't you recall that strange weird house we've read years ago? 'Yong nabasa natin sa dark website? 'Yong lost teens? The strings and blood article? Come on. You knew it!"

Saglit napaisip si Alpha.

Aish. There they go again. The two big brains are chatting again. Ang hirap kapag sila ang nagusap dalawa. Walang kang maiintindihan. Hera is fond of searching and discovering. Hindi siya nerd but damn she can ace anything. Pinanood namin silang hindi makarelate dito at nagaabang kung magkakaintindihan sila.

"Tara usap tayong mga bobo." sabi ni Ichiro.

Tumango naman si Echo. Teka. Bakit siya tumango?!!

Biglang namutla si Alpha. Matindi siyang napalunok. Si Hera naman ay napasandal pagkatapos madiskubre na alam na rin ni Alpha ang nangyayari. Tahimik niyang tiningnan ang screen. She whispered something but I didn't catch it.

".... No way." bulong ni Alpha.

"We're in danger." he whispered again.

"Thanks, captain obvious." asar na sabi ni Gunner.

"Are they going to kill us?" naiiyak na sabi ni Babe. Tinabihan siya ni Claude para patahanin. Sumama ang timpla ng mukha ni Gunner bigla.

"He will kill us. Yes." sagot ni Hera.

"Sino papatay sa'tin?" nagtatakang tanong ni Echo.

"Peter." sagot ni Hera, masama ang tingin sa screen.

"Peter?" tanong ko.

Naupo si Alpha sa kama ko. "Peter owns this giant mansion. He can see us right now and he's always watching. He was a famous puppeteer and he craved for more fun so he decided to control people. He owns this mansion that he call dollhouse and sooner.... he will control us like his dolls, too."
  
 
 
── ♡├o TO BE CONTINUED.

Note: I just want to say
i love you and thank you
for everything (  ᵕ̳ з ᵕ̳ ) ♡
sana lagi kayong happy
kasi deserve niyo 'yon.
happy saturday! ✦ ◉ •

Continue Reading

You'll Also Like

10K 1.2K 48
"Ad astra per aspera." Lyra Adeline Celestia is a girl who suffers from melophobia-she's afraid to hear a certain music because of a traumatic experi...
500 140 14
A series of poems that tells a single story. A person whom you treated as a friend, but then suddenly, a sudden breeze hits your face, and you reali...
118K 9K 14
Bembiehyehohyehohyehohyeh~ WALANG SAYSAY ITO, KUNG AKO SA'YO HUWAG MO NALANG BASAHIN.
14.1K 860 25
Ichinose Harumi is having a hard time on her new environment- Japan. She admits that she's not accustomed to live there because if she had a choice...