⋈├・oXᓄ
𝘿𝙊𝙇𝙇𝙃𝙊𝙐𝙎𝙀
Cameras Activated: 100/100
Site: ONLINE
Current Task: None
Dolls Awake: 1/10
── ♡├o UPDATE:
Java is now awake!
Dolls Current Location
Alpha - Bedroom CAM41
Babe - Bedroom CAM42
Claude - Bedroom CAM43
Dorothy - Bedroom CAM44
Echo - Bedroom CAM45
Flame - Bedroom CAM46
Gunner - Bedroom CAM47
Hera - Bedroom CAM48
Ichiro - Bedroom CAM49
Java - Bedroom CAM50
YOU ARE NOW STREAMING DOLLHOUSE
DOLL10 JAVA - CAM50
▬▬▬▬▬▬▬
── ♡├o JAVA
Anong... nangyayari?
Napalunok ako habang iniikot ang akinh paningin sa paligid matapos malaglag ang piring na nakatakip kanina sa mata ko. Wala akong mabuong salita. Tila natuyo ang lalamunan ko. Sinubukan kong lumunok pero nahirapan lang din ako.
Nasaan ako?
Bakit ganito?
My eyes scanned the large room. Flicking chandelier. My blindfolded friends. The girls in doll dresses. The guys in black tuxedos. Thick chains circling our wrists and ankles. And a fucking large room with ten king size beds for each of us perfectly placed in a circle formation.
Damn. I must be dreaming.
Napalunok ako ulit. Doon ko naramdaman na nauuhaw na pala ako. Bakit ako nauuhaw? Ibig sabihin, hindi ito panaginip?
No way.
This is a dream.
Right?
Pilit kong kinalma ang sarili at inobserbahan ang paligid. Decagon. My friends are here. But why are we here?! 'Yong mga kaibigan ko ay puro walang malay. Nasaan ba kami? Kaninong lugar at bahay 'to?
Napansin kong may mga indibidwal na litrato kami sa dingding at nakapaikot sa silid. Malalaking litrato ito tapos lahat nakaframe. Weird. Where did they get those pictures anyway?
Lahat kami ay nakahiga sa naglalakihang kama na may makakapal na kutson. Sobrang laki ng kwarto. Imagine ten king size beds in circle formation. Yup. That's how huge the room is. Malalayo agwat ng kama namin sa isa't-isa. Lahat kami nakaposas. Napansin kony may mga numero sa bawat kama namin. Nakaukit ito sa headboard ng bawat kama. What's the number for?
Tinignan ko ang akin at nagsalubong ang kilay ko.
Number 10.
Bakit 10?
Napahawak ako sa aking damit. Tsaka ano tong soot ko? Hindi akin ang dress na 'to. Wait. Hold on. Alam ko tawag dito eh. What do you call this again? Vic... Victorian dress! Right. Damn. Parang luma. Sobrang sikip pa ng corset, nasasakal ang dibdib ko. Ang hirap huminga. Ang kapal kapal pa ng tela. Bakit ganito? Para kaming mga manika sa mga soot namin!
The girls are all wearing dresses. My dress is peach, red naman kay Flame, kay Babe ay baby blue, yellow kay Dorothy tapos violet naman kay Hera. The guys on the other hand are wearing tux in black color. Who changed our clothes?
Napalunok ako sa kaba.
Tumama ang mata ko sa lalaking tulog pa din at nakapwesto sa tabi ng kama ko. Nasa bandang kaliwa ko siya. Kahit nakapiring ang kanyang mata at iba ang kanyang suot ay agad ko siyang nakilala. May number din sa headboard ng kama niya.
Number 1 ang kanya.
"Alpha..." tawag ko.
Dalawa silang nasa magkabilang gilid ko. Mas pinili kong tawagin si Alpha kesa kay Ichiro na nasa kanan ko naman. Rinig na rinig ko kasi ang hilik ni Ichiro mula sa pwesto ko. Hopeless kung siya ang gigisingin ko. Tulog mantika 'yan. Mapapaos lang ako.
"Alpha, wake up!"
"Later..." ungot niya.
Ugh!
"Alpha, wake up. Come on. Hey!" Lumalakas na ang boses ko. Hindi ako makaalis ng bed. Nakatali ang mga paa at kamay namin sa magkabilaang dulo ng kama. Paano kami makakatayo neto?
"Wake up----" natigilan ako.
Si Alpha ang tinatawag ko pero ang lalaking nasa kabilang kama ang narinig kong gumalaw. Nilingon ko agad siya. May number 7 sa headboard ng kama niya. He's also wearing a black tuxedo like the rest of the guys here. Gulo gulo ang kanyang buhok at nakasalubong ang noo kahit tulog.
"Ang ingay naman." reklamo niya, tulog pa ang diwa. Sa sobrang tahimik ay narinig ko ang boses niya kahit sobrang hina non at dalawang malalaking kama pa ang nasa pagitan namin.
"Gunner!" tawag ko.
Bakit ba hindi sila nagigising?!
"Gunner, hey! Wake up!"
Gumalaw na siya.
"Java, get out of my room. Doon ka kay Ichiro." ungot niya saka tumalikod ng pagkakahiga.
Gagu. Ano raw?
Tulog pa ata 'to. Pero atleast malapit na magising!
"Gunner!"
"Java, let me sleep. Please."
"It's not the right time to sleep! Wake up!"
Hindi na siya umimik. Hindi na rin gumalaw. Tulog na ata siya ulit. Tsk. Bahala na. Mabwisit na siya kung mabbwisit siya.
"Gunner. Hey. Yoohoo. Psst. GUNNER, WAKE UP!" I screamed.
"Fuck." and he cussed.
There you go. Gising na siya. Sigurado ako. Gunner. That rebel. He's the cursing machine in our group.
Inis niyang tinanggal ang piring sa mata at bumangon sa pagkakahiga. Inis niya kong hinanap. Nagtama ang mata namin. Magsasalita na sana siya para siguro bulyawan ako pero agad ding natigilan. Napakurap siya sa napansin. Inikot din ng mata niya ang paligid---- at isang malutong na mura ang lumabas sa bibig niya pagkatapos non.
"Putangina?"
Ganon. Ganon kalutong. If you hear that word, expect that its from Gunner's lips.
"Nasaan tayo?" tanong niya. Nagkibit balikat ako. Medyo nakahinga ako nang maluwag kahit papaano. At least dalawa na kaming gising.
Umalingawngaw ang hilik ni Ichiro sa tabi ko. Si Alpha na nasa kaliwa ko ay tulog pa din. Lahat sila ay puro malalalim ang tulog.
"HOY MAGSIGISING KAYO!" sigaw ni Gunner sa tropa namin. "Hera, Flame, Ichiro--- GISING ANO BA! Dorothy,Claude, Echo, Babe--- Shit."
Tumunog ang posas na nakatali kay Gunner. Pilit niya iyon tinatanggal. Sa kapal non ay alam kong imposible ang gusto niyang mangyari. Inis siyang napamura ulit.
"Ichiro..." tawag ko sa isa kong katabi. Kaso tulog pa din. Mas lalo lang lumakas ang hilik. Ito 'yong taong hindi pwedeng iwan mag-isa. Kumbaga kung nasusunog na ang bahay, tulog pa din siya. Ganon si Ichiro. Tsk.
"What a sleepyhead. Mamaya na si Ichiro. Unahin mo si Alpha. Gigisingin ko sila Hera at Flame." plano ni Gunner saka ginising ang mga babaeng nasa katabing kama.
Tumango ako. Tama. Tama.
Sunod-sunod ang numero sa mga kama namin. Tapos paikot. Ako ang may number 10. Si Alpha na katabi ko ay may number 1, 2 si Babe, 3 si Claude, 4 si Dorothy, 5 si Echo na nasa tapat ko na banda ang kama, 6 si Flame, 7 si Gunner, 8 si Hera, tapos 9 naman kay Ichiro. Pansin kong alphabetical kami gamit ang first name.
Nilingon ko ulit si Alpha.
"Alpha, gising." tawag ko ulit.
Gumalaw siya nang onti.
"Later, Ma."
Ano daw? Ma?!
"Alpha, gising!" I urged.
"Hmmm." he just groaned.
Ugh. My friends are hopeless.
Bakit hindi sila nagigising?!
"I think we were drugged to sleep." biglang sabi ni Gunner saka napahawak sa ulo. Napapikit siya ng mata at minasahe ang sentido. "Ano ba huling nagyari at paano tayo napunta dito?"
"We were in the..." I paused.
Hindi ko din maalala.
Napakagat ako ng labi. Mas lalo na kong kinabahan. Are we kidnapped? Are we hostages right now? Is this a prank? Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari. Bakit ganito?!
"Are we going to die?" tanong ko bigla kay Gunner. Napamura ulit tuloy siya.
"No. We're not gonna die here."
Malakas niyang hinila ang kadenang nakatali sa kamay niya. Nanlaki ang mata ko nang mabaklas niya 'yon!
Maski siya ay nagulat. What the hell?! So its real. They were not kidding when they said Gunner is really strong when he's mad. "How did you---" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko. Hinila niya ulit ang isa pang kadena at nabaklas nga ulit. Ginawa niya rin yon sa magkabilang posas sa paa niya. And now he's free!
"Easy peasy." he whispered, grinning.
Agad siyang bumangon at tumayo sa kama.
Papalapit na dapat siya sa'kin nang biglang may tumunog na bell sa hindi malamang lugar. Matinis ang tunog ng bell. Ang ingay. Nakakarindi! Napatakip siya ng tenga. Maski ako napatakip na din!
Ang mga kaibigan namin ay nanatiling tulog. Ganoon kalalim ang tulog nila. Maybe Gunner is right. We were probably drugged to sleep.
Natapos ang napakatinis na tulog ng bell pagkatapos siguro ng sampung segundo at mas lalo akong kinabahan. Para saan ang tunog na 'yon?
"Java, look. Behind you."
May itinuro si Gunner sa likod ko.
Isang... screen ng TV. Wait. Akala ko salamin lang 'yon. Bigla iyon umilaw at nasilaw ako bigla. Pilit kong tinignan ang screen. May mga salitang unti unting nabuo doon.
Napakurap ako sa nabasa at muli na namang napalunok.
▬▬▬▬▬▬▬
── ♡├o
Good morning,
DOLL 10 and DOLL 07.
WELCOME TO DOLLHOUSE.
▬▬▬▬▬▬▬
Tuluyan kaming binalot ng katahimikan.
Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko sa kaba.
Nagkatinginan kami ni Gunner. Parehas nagtatanong ang aming mga mata sa isa't-isa.
Dollhouse?
▬▬▬▬▬▬▬
⋈├・oXᓄ
𝘿𝙊𝙇𝙇𝙃𝙊𝙐𝙎𝙀
Cameras Activated: 100/100
Site: ONLINE
Current Task: None
Dolls Awake: 2/10
── ♡├o UPDATE:
* A movement was detected
from DOLL 02.
▬▬▬▬▬▬▬