Owned You

By IamMsEl

412K 8K 251

Frisson Series I -Tross Love is war. ( Minors not allowed ) 04-06-2020 More

Owned You
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Espesyal na Kabanata

Kabanata 18

8.3K 165 10
By IamMsEl

Sa buong linggo ko sa coffee shop. Ganoon lagi ang set up namin. Ihahatid niya kami ni Samuel at susunduin niya naman ako paguwi.

Kumunot ang noo ko ng umupo siya sa isang vacant sofa na pang isahan. Until now I am amazed with his look. He was wearing a plain gray shirt and a jeans. Hindi tulad ng ilang araw na paghatid niya sa akin ngayon ko lang siya ulit nakita na nakacasual clothes. May dala pa itong laptop.

Nilapag nito ang laptop niya at saka binuksan.

" Hindi ka ba papasok ngayon?"

" Nope, I can do my work here." Aniya at tumingin sa akin. Sinuri niya ang bagong uniporme ko na binigay palamang kahapon. White polo shirt and skirt, medyo nagkamali yata ng size dahil hapit ito sa bewang ko at medyo maikli.

" Sigurado ka?" Mukha nga yatang wala siyang balak umalis dahil hindi siya nakasuit ngayon.

" I am a bit distracted.." sumulyap ito sa skirt ko kaya medyo naconcious ako. ".. mukhang dito muna magiging office ko starting today." Aniya at ibinalik ang tingin sa screen ng laptop niya.

Kinuha niya ang menu at saka inscan ito. " Ano order mo?"

" Americano." Sagot nito.

" Americano lang ba?" Tumango ito at saka ko na ibinigay kay Fernan ang order niya.

Hindi siya sa tapat ng pintuan nakaupo at halos nasa sulok na siya ng coffeeshop pero napupukaw parin niya ang atensiyon ng ibang customer. Hindi ko maiwala ang tingin ko sakanya. Panaka naka yata kung icheck ko kung nandyan pa siya o ano ginagawa niya. Ako yata ang nadidistract hindi siya. Baka kung araw arawin niya ang pagtambay dito ay maalis ako sa trabaho.

" You're distracted Sapphira.." puna ni Ms. Alleyah sa akin pagpasok ko sa kitchen. Ang akala ko ay papagalitan niya ako pero ngumiti lamang siya.

" Uhm.." I cant even looked at her dahil pakiramdam ko ay sinusuri niya ako sa mga mata niya, at naninimbang kung ano ang sasabihin ko.

She chuckled. " Sobrang supportive naman ng boyfriend mo." dagdag pa nito at saka ngumiti.

Wala pa naman akong pinagsabihan na kung ano kami ni Tross, pero sa nakikita ng iba ay kami na. Until now hindi ko pa din masabi kung ano kami. Obvious na yata sa iba na kami na dahil kahit hindi ko naman naikwekwento ay ganoon ang akala nila. Nakakahiya tuloy kay Ms. Alleyah, mukhang napapansin niya yata ang madalas na pagsulyap ko kay Tross.

" Pasensya na po Ms. Alleyah."

" No it's okay with me, mas pabor sa akin iyon dahil mukhang dumarami ang mga customer ko." Aniya at tumingin sa maliit na window kung saan makikita ang loob ng coffeeshop.

Tumingin din ako doon at nakita na halos mapuno ang coffeeshop sa mga teenagers or mga college students na panaka nakang sumusulyap kay Tross. Hindi ko ito napansin kanina dahil pati ako nadidistract niya. Hindi naman sila napapansin ni Tross dahil busy ito sa pagtytype sa laptop niya.

" ..and they have the reason to stay."dagdag pa ni Ms. Alleyah.

His brows furrowed while he was seriously looking at his laptop. Tumaas ang tingin nito kaya halos maghiyawan ang mga grupo ng babae na tinignan niya. Looks like he was looking for something, mas lalong kumunot ang noo nito.

" He might looking for you Sapphira." Ani Ms. Alleyah na sabay kaming lumabas ng kitchen.

Nagkasalubong ang tingin namin ni Tross, and he looked at ease when he saw me. Kumabog ang dibdib ko at naramdaman ang mga paru paro sa tyan ko. Hindi pa rin ako nasasanay na ganito kami.

Hinawakan nito ang menu kaya lumapit na ako sa kanya habang si Ms. Alleyah ay pumunta sa counter.

Sinulyapan ko ang relo ko at magtatanghalian na. " We are not offering lunch here Tross, cakes and breads palang."

" Then should we go out?"

" Huh?!"

" Saan ka kakain?"

" Dyan lang, may carenderia sa labas, papabili ako kay Anna mamaya." Kumunot ang noo nito sa akin. " Yung isang kasama ko na staff." Dagdag ko.

Napansin ko ang kabilang table na malapit sa amin na tinitignan kami tapos ay magbubulung bulungan.

" Is that even clean Sapphira? You might get sick!" He leaned his back on the sofa and gave his full attention to me.

" Oo naman! Maraming kumakain doon." He heaved a sigh. " Saka mas mura don."

" Mag-oorder ako ng pagkain natin." Anito na akmang kukunin ang cellphone niya na nakapatong sa table niya na malapit sa laptop.

" W-Wag na... bawal din naman akong kumain dito." Sabi ko at itinuro ang pinto ng kitchen. " Doon lang kami pwedeng kumain." Sabi ko at tumingin sa kanya.

Nagkibit balikat ito at marahang tumango. " Okay then..." anito at kinuha ang cellphone niya at may dinial.

" Bring our lunch here!" Anito at binaba na niya ito. Tumaas ang kilay ko sa kanyang ginawa.

I know his the boss and he can do and get what he wants. Ganito ba talaga ang mga mayayaman? They can decide on the spot without even thinking. I rolled my eyes on that thought.

" What?" Taka niyang tanong.

" Wala." Sagot ko. " Babalik muna ako doon, masyado kasing maraming customer ngayon. May oorderin ka ba?"

He shook his head and took a deep breath. " You should rest, you look tired." He said in a concern tone.

Hindi ko naman nararamdaman ang pagod, mas madali pa nga ito kumpara sa ibang naging trabaho ko.

" I'm okay Tross, you should not worry." Sabi ko. Umiwas ito ng tingin at tumikhim. " Maiwan na muna kita."

Bumalik ako sa kitchen upang maghugas ng mga plato.
Tanghalian ng humupa ang tao sa coffeeshop dahil hindi naman kami nagooffer ng lunch.

May bumukas sa pintuan at pumasok ang dalawang matipunong lalaki na mukhang mga body guards na may dalang tig dadalawang malalaking plastick bag. Nagkatinginan kami ni Anna magkasing tangkad lamang kami pero payat lamang siya kumpara sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng huminto ang mga ito sa tapat ni Tross. I looked at Tross who is now smirking at my reaction.

May sinabi ito sa mga guards at tumango ang mga ito. Kumunot ang noo ko ng bumaling sila sa akin sabay tango. Naglakad ang dalawa palapit sa akin.

" Ms. Sapphira, lunch niyo daw po sabi ni Mr. Jackson." Halos maluwa ang mata ko sa sinabi ng mga ito at tumingin muli kay Tross na abala sa kanyang phone.

" Sa akin?" Obvious naman na pangalan ko ang sinabi nila, at hindi talaga siya nagbibiro may lunch nga ako!

Nagkatinginan kami ni Anna. " Wow! Ang dami nyan." Aniya na iginiya ang mga guards sa loob ng kitchen.

" Talaga bang kay Sapphira lahat ng yan?" Taka pang tanong nito.

" Opo!"  Sagot pa nitong isang guards.

Tumunog ang phone ko na nasa bulsa ng polo ko.

From Tross,

Aalis lang ako sandali, at babalik din. Eatwell.

Anito kaya napasulyap ako sa gawi niya. Nakatayo na ito at hinihintay nalang ang pagtingin ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin. Lumapit ako sa kanya.

Kumunot ang noo nito habang papalapit ako, bumaba ang tingin nito sa skirt ko. Tumikhim siya paglapit ko sa kanya, at umiwas ng tingin.

" Mag-iingat ka." Sabi ko.

" Kumain kana, babalik ako agad." He said in his cold tone. Tumango ako at hinintay muna siyang makaalis bago ako pumasok sa kitchen.

Hindi ko na hinayaan pa na bumili sina Anna sa cafeteria at iyong pagkain na bigay ni Tross ang pinagsaluhan namin. Masyado nga itong marami sa aming lima, may beef steak, gulay, chicken wings at marami pa. Kaya busog na busog kami.

" I swear Sapphira, I don't mind if your boyfriend will stick on you anytime." Tawa ni Ms. Alleyah na kumakain din. Sabay sabay kaming tatlo nina Anna habang ang dalawang lalaki ay nasa counter muna.

" Ano bang pangalan noong boyfriend mo Sapphira, mukhang mayaman." Tanong ni Anna.

Tumingin si Ms. Alleyah sa akin habang nakataas ang dalawang kilay nito at hinihintay ang sagot ko.

" Uhm, Tross Jackson..." Nahihiya kong sagot, dahil hindi ko pa alam kung boyfriend ko na nga ba siya.

Tumango si Anna." Ang gwapo ha! Pano kayo nagkakilala? Paki sabi nalang sa kanya salamat, at nakatipid ako ngayon. Sobrang sweet niya naman sayo." Saad nito habang kinikilig.

Tumango ng marahan si Ms. Alleyah habang nakangiti. Pakiramdam ko, may alam si Ms. Alleyah na hindi sinasabi sa akin.

" Sweet si Jackson? That's new!" Ani Ms. Alleyah na makahulugan ang tingin sa akin and she chuckled. Kunot noo ko siyang tinignan. " Ang sarap ng pagkain Sapphira, you should eat more baka magalit boyfriend mo."

Tumango ako at kumain na rin. Pero hindi mawala sa isipan ko na parang magkakilala sila. Gusto kong tanungin kung kakilala ba ni Ms. Alleyah si Tross. Pero hindi naman sila nagusap noong nagkita sila o nagbatian man lang, mukhang wala naman din interest si Ms. Alleyah na kausapin siya. O baka guni guni ko lang iyon. Pero nakita ko noon ang pagngiti ni Ms. Alleyah kay Tross noong unang pasok ko dito.

Napaisip tuloy ako kung dumaan si Ms. Alleyah sa buhay ni Tross, pwede iyon dahil sa kinis at ganda ng pangangatawan ni Ms. Alleyah ay hindi na ilalayo ito sa mga modelo na nakikita ko sa bar. Parang may bumara sa lalamunan ko sa isipan na baka magkakilala nga sila at hindi lang siya maalala ni Tross sa dami ng babaeng dumaan sa buhay niya. I shook my head on that thought, I might be so tired kung ano ano nalang ang iniisip ko.

Tahimik ako buong biyahe namin pauwi sa bahay. Sa hindi malaman na dahilan parang sumama pakiramdam ko, gusto ko siyang tanungin kaso lang nahihiya ako. Sino ako para magquestion?

Madalas ang pagsulyap niya sa akin, ngunit mas itinuon ko ang tingin ko sa labas.

" Are you alright?" He asked while his eyes was on the road.

Tanging tango lamang ang sagot ko sa kanya at hindi na siya nagatubili pang magtanong. Ngunit ramdam ko ang bawat pagsulyap nito sa akin.

Lumabas ako ng kotse niya na wala man lang paalam. Ewan ko basta pakiramdam ko nalang na ayoko siyang kausapin. Magpapasalamat ba ako na hinatid niya ako? Nasarado ko na ang pintuan ng kotse, nagkibit balikat ako at naglakad patungo sa bahay. Araw araw naman ako nagpapasalamat sa tuwing hinahatid niya ako siguro naman pwede na iyon.

Naiinis ako siguro dahil hindi ako pwedeng umalma. Hindi ko siya pwedeng tanungin. Magmumukha pa akong tanga dahil wala naman kami.

" Oh bat parang galit na galit ka sa mundo?" Salubong sa akin ni Gabby. Nagkibit balikat lamang ako at nagpatuloy sa pagpasok sa bahay.

Should I ask for assurance? What is the right term for our relationship? At least, I know.

Hinalikan ko sa pisngi si Samuel na ngayon ay busy sa paglalaro sa kanyang gameboy na bigay ni Hendrix.

Tumuloy ako sa kwarto ko at akmang isasara ko ang pinto ay may pumigil nito. Kumunot ang noo ko at nasilayan ang seryoso ngunit madilim na mukha ni Tross.

My mouth parted and my heart was beating so fast. Akala ko nakauwi na siya, napansin kaya niya? Am I too obvious and preoccupied?

" What's wrong?" He asked in his husky tone. He completely opened the door and went inside my room. He looked around and closed the door behind him. I shut my eyes to control my emotion and heave a sighed.

I lost of words, this is the right time to ask him. Pero parang nakain ko yata ang salita at hindi ko man lang mabuksan ang aking bibig.

Binuksan ko ang mata ko at umiwas ng tingin at nilagay sa kama ang bag ko.

" W-Wala Tross, pagod lang siguro ako."

" You are being cold." Bulong nito.

Huminga ako ng malalim at naglakad patungo sa kabinet upang kumuha ng damit. I glance at him and smiled but it turns out to be a fake one.

His brows furrowed and walk towards me. " I am not used to this, please tell me is there something bothering you?" Nagaalala nitong tanong.

Akmang hahawakan nito ang balikat ko ngunit mabilis akong umiwas na pinagtakahan niya, nagulat din ako sa aking reaksiyon ngunit huli na para bawiin iyon. Dumilim ang mukha nito.

" H-Hindi ka dapat nandito Tross. Why are you so concern?"

" Tell me what's wrong?" Hinigit niya ang kaliwang kamay ko palapit sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya.

" Look at me Sapphira." Sabi niya sa maawtoridad na tono. Alam kong konti nalang at mawawalan na siya ng pasensya. Kaya dahan dahan akong humarap sa kanya.

Tumingin ako sa mga mata nito, like what always happened I lost in his eyes. So what kung hindi ko alam kung anong label namin? Mas lalo akong nasasampal ng katotohanan na hindi kami bagay pero ngayon nandito siya, kaya kong lunukin lahat ng sasabihin ng iba basta alam kong akin siya.

Maybe for just once, I want to be selfish. Gusto ko ako lang, I want an assurance.

" Anong gumugulo sa isipan mo?" Nalilito nitong tanong. Hinaplos nito ang pisngi ko.

" H-Hindi ba magagalit si Trinity? Nandito ka!" He clenched his jaw.

" Is she bothering you?" Galit ang mga mata nitong tumingin sa akin. Umiling ako ng mabilis.

" No, hindi uhm.." kinakabahan ako at hindi ko alam papano ko sisimulan.

Nakadagdag pa iyong tingin niya sa akin kaya hindi ako makapagfocus.

" Tross.." bulong ko. Pumikit ito at inilapit ang mukha nito sa mukha ko.  " Halos limang taon na rin simula ng dumating si Samuel sa buhay ko." Binuka nito ang mata niya at seryosong tumingin sa akin hinihintay ang sasabihin ko.

" I spent my whole life working for his future." Tumingin ako ng seryoso sa kanya, kahit na mas malakas ang tambol sa aking dibdib mas nilakasan ko ang aking loob, ngayon lang ako magkakaroon ng lakas ng loob na sabihin ito sa kanya. Gusto kong marinig ang sagot niya. I want to know! If he accept me wholeheartedly.

Seryoso siyang nakikinig sa akin, at tingin ko mas lalong siyang naguluhan. May poot at pangamba sa kanyang mga mata.

" He is my life Tross, I cant even imagine my life without my son." Lumunok ako at umiwas siya ng tingin. I saw how he clenched his jaw. " And I don't want to asked you to love him. Hindi ako nababagay sayo. You deserve someone better."

He looked at me with his brows furrowed. " You mean you are not the better one?" Tanong niya sa mapait na tono. Lumunok ako at bumalot ang kalungkutan sa aking puso.

" I have a son." Hindi ko mapigilang haplusin ang kanyang pisngi. " Hindi ako nababagay sayo, hindi ako mayaman. I am nothing compare to any girl who deserve you. I am nothing to offer Tross."

Rumehistro ang galit sa mata nito. " Then, who is deserve for me?" Naiinis nitong tanong.

" Tross.."

" Tell me Sapphira!"

" Maraming mayaman dyan, maraming babaeng may ipagmamalaki sa buhay. Ako wala! Kaya hindi ako nababagay sayo." Lumayo ako ng kaunti sa kanya at malalim ang bawat paghinga ko.

Pumungay ang mata nito, lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko

" Ikaw ang gusto ko." Kumabog ang dibdib ko. " Fuck your excuses Sapphira!"

" P-Pero..."

" It's hard but I am willing to be his father." My mouth parted and I am shocked. I looked at his eyes and there was full of sincerity. Bumaba ang tingin nito. " Wag mong sabihin kung sino ang mas nababagay sa akin, just tell me that you want me in your life Sapphira."

Naginit ang sulok ng aking mga mata. My heart was pounding so loud. I should be the one to ask him, do he really want me in his life?

He was patiently waiting to my word. I looked at him, pumungay ang mga mata ko ng makita ang pangamba sa kanyang mukha.

Nagtaas baba ang adams apple nito. " Can you be my girlfriend?" Nanlaki ang mata ko sa tanong.

Parang lumukso ang puso ko sa sinabi niya. " H-Huh?"

He snaked his arms around my waist. " Let me rephrase that, you are now my girlfriend." He chuckled.

" Tross..."

Unti unting lumapit ang mukha nito sa akin, ang kabog sa dibdib ko ay sobrang lakas. Hindi pa rin nawawala ang pakiramdam na ito sa twing malapit siya sa akin. Pumikit ako at naramdaman ang malambot na labi nito na dumampi sa aking labi. I let my self to kiss him. Mababaw lamang ang halik niya pero para na akong hinihele.

" Tell me you want me too Sapphira." mapupungay ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

" I want you." I said in between my breathing. May namuong bulto ng ngiti sa kanyang mga labi.

Muli niyang siniil ng halik ang aking labi.

" Nay!"  Mabilis kong inilayo ang mukha ko kay Tross ng marinig ang boses ni Samuel sa labas ng pintuan.

Natawa si Tross sa reaksiyon ko. " Nay!" Ulit ng anak ko. Naglakad ako patungong pintuan at nakita si Samuel na takang takang nakatingin kay Tross.

" B-Bakit anak?" Hindi ko alam bat pati sa anak ko ay kinakabahan ako. Pakiramdam ko sa tigtig niya sa akin ay nakita niya ang halikan namin kanina.

" Magmiryenda na daw po kayo sabi ni Tito Gabby." Hinila ako ng anak ko palabas at tumingin muli kay Tross. Nakasimangot ito at halatang wala sa mood.

Nagkatinginan kami ni Gab na may hawak ng tray na may nakapatong na pan at juice. Nagtaas ang kaliwang kilay nito sa akin bago tumingin sa likod ko.

" Mr. Jackson miryenda po." Nahihiyang yaya ni Gab.

" Oh bat parang tahimik ka?" Puna ko sa anak ko na tahimik na kinuha ang gameboy niya.

" Ewan ko dyan sa anak mo Sapphira! Kanina pa ako hindi pinapansin."

Kinabahan ako bigla at chineck ko kung mainit ba siya. Nakahinga ako ng maluwag ng wala naman siyang sinat.

" What's wrong big boy?" Tross asked behind me. Lumuhod ako upang makuha ko ang buong atensiyon niya.

Tumingin si Samuel kay Tross at bumaba ang tingin nito sa akin. Mas lalo itong nalungkot.

" Yong kaklase ko po kasi Nay, pumunta daw po sila sa maraming animals!" Suminghot ito at pinaglaruan ang gameboy niya. " Kasama ang daddy at mommy niya." Halos garalgal na ang boses ng anak ko at pinahid ang kamu nito sa mata niya.

Nagkatinginan kami ni Gabby.

" Then we will go and see those many animals. Want that?" Tanong ni Tross na umupo sa tabi niya.

Lumaki ang ngiti ni Samuel at pinahid ang nagbabadyang luha sa mga mata nito. Tinulungan ko siya at marahang hinaplos ang pisngi nito.

" Talaga Tito Jackson? I want to see the horse, sabi ng kaklase ko big daw po iyon." Manghang manghang sabi nito.

The happiness on my son's eyes was an evident that he so excited. Sumulyap ako kay Tross na seryosong nakatingin sa mga mata nito.

" Day off ko naman bukas anak, tayo nalang ang aalis busy kasi si Tito-"

" I can fix my schedule Sapphira, so nothing to worry."

Naramdaman ko ang pagtikhim ni Gabby kaya napatingin ako sa kanya.

At umubo na nga ito ng tuluyan. " Ano ba yan! May ubo pa yata ako." Aniya na iiling iling at kunwari ay iinom ng juice.

" Talaga po Tito?" Napanganga ako ng makita si Samuel na yakapin si Tross. He was froze and I was so shocked. May humaplos sa puso ko ng makita ko sila. Napaiwas ako ng tingin.

May mga bagay na pinagdamutan sa aming dalawa ng anak ko. At makita siyang ganito hindi ko mapigilang maluha. Huminga ako ng malalim at tumayo upang hindi pamansin ni Tross.

Sa buong hapon ay hindi iniwan ni Samuel si Tross. Maging sa paglalaro nito. He was amazed and very attentive everytime he speak, I saw how he idolise him.

" Ingat po kayo Tito Jackson!"

" Be a good boy." Tumango ng mabilis si Samuel at ngumiti ng malapad. Kumaway ako kay Tross bago nito paandarin ang sasakyan niya.

Tumakbo pabalik ng bahay si Samuel ng wala na ang sasakyan ni Tross. Sinara ko ang gate at naglakad na rin patungo sa pinto.

" Hindi ko maipinta ang saya kay Samuel, Sapphira." Salubong sa akin ni Gabby. Seryoso ito habang nakatingin kay Samuel na naglalaro ng bola ngunit nakangiti.

Maging ako ngayon ko lang siya nakitang ganito. Nagkasalubong ang tingin namin ni Gab. Ngumiti ito ng mapait.

" Sana hindi siya paasahin ni Mr. Jackson, parang ang hirap paniwalain na he was giving a favor to Samuel."

Ngumiti ako sa kanya. " Nagusap na kami Gab-"

" Boys are boys Sapphira. They can promise you everything, but in the end iiwan ka din nila. Mr. Jackson is a ruthless and rich man. Hindi ka ba nagtataka? Bakit niya hahayaan na ligawan ka? Kahit na nandyan si Samuel? Ang daming babae dyan."

Kumabog ang dibdib ko. Apektado sa sinabi ni Gabby, ngunit hindi ko nalang iyon pinansin. I already have his assurance, I trust him. Hindi ko na kailangan isipin iyon.

" Salamat sa concern Gab, pero napagusapan na natin ito diba?" Tumingin ako sa kanya na nagaalala ang mga mata.

Tumango siya ng marahan. " Pasensya na bakla, siguro hindi lang ako sanay kay Samuel at masasaktan ako kapag hindi siya kayang tanggapin ng taong mahal mo. "

We love Samuel so much and I understand Gabby, for almost five years we spent together we are a family. Dalawa nga lang ang Nanay. I hugged him.

" But I know Alex would be happy if he saw him." Napahinto ako sa sinabi ni Gabby at may kumirot na hapdi sa aking dibdib. I shut my eyes and nodded.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 21.4K 37
Mojico Series 2: Stone Mojico- Gwapo, mayaman, playboy and a happy go lucky man. Kaliwa't kanan ang mga babae nito at lahat ng gusto niya ay nakukuha...
41.8K 696 44
UNEDITED Stephanie Fernandez is a Radio DJ, Event host, And certified Party goer. Isang araw, may pinuntahan siyang event na kung saan siya ang host...
3.1K 162 48
[COMPLETED] "Whatever I do, It's always been you. I don't really understand but all I know is that I always ended up coming back to you." ...
153K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...