THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔

By GarnetSiren

307K 16K 1.4K

7BB シ " SEVEN BAD BOYS " More

SYNOPSIS
DISCLAIMER
CHAPTER 1 - The Bad Boys
CHAPTER 2 - First Encounter
CHAPTER 3 - Seatmates
CHAPTER 4 - Bully vs. Nerd
CHAPTER 5 - First Kiss
CHAPTER 6 - SuperSaiyan
CHAPTER 7 - Worried Bully
CHAPTER 8 - SaiRid Moment
CHAPTER 9 - Sweet Revenge
CHAPTER 10 - His Smile
CHAPTER 11 - Sigrid's New Hero
CHAPTER 12 - His Nanny
CHAPTER 13 - You're Safe
CHAPTER 14 - Pretending
CHAPTER 15 - Sigrid vs. Sugar
CHAPTER 16 - Danger zone
CHAPTER 17 - Rivalry
CHAPTER 18 - The Vizcondes
CHAPTER 19 - Trouble
CHAPTER 20 - Jealousy
CHAPTER 21 - Saiyan's Confession
CHAPTER 22 - Mad Shokoy
CHAPTER 23 - Nanny No More
CHAPTER 24 - Dancing Señorita
CHAPTER 25 - The Twins
CHAPTER 26 - New Job
CHAPTER 27 - Reminiscing the Past
CHAPTER 28 - Beginning
CHAPTER 29 - Accusation
CHAPTER 30 - Prank Gone Wrong
CHAPTER 31 - Shokoy's Love
CHAPTER 32 - The Truth
CHAPTER 33 - Preparations
CHAPTER 35 - Moves like Saiyan
CHAPTER 36 - Unexpected Kiss
CHAPTER 37 - Necklace
CHAPTER 38 - Hidden keys
CHAPTER 39 - Never Give Up
CHAPTER 40 - Mission
CHAPTER 41 - Explosion of Hidden Secret
CHAPTER 42 - Mother 'n Son
CHAPTER 43 - DNA Result
CHAPTER 44 - Happy Family
CHAPTER 45 - The Bet
CHAPTER 46 - Pain of Yesterday
CHAPTER 47 - Starting Over Again
CHAPTER 48 - Emptiness
CHAPTER 49 - His Anger
CHAPTER 50 - Chocolate Cake
CHAPTER 51 - New Look
CHAPTER 52 - Enchanting Beauty
CHAPTER 53 - Magic Spell
CHAPTER 54 - Stolen Kiss
CHAPTER 55 - Magical Moment
CHAPTER 56 - The Almontes
CHAPTER 57 - Friends
CHAPTER 58 - First LQ
CHAPTER 59 - In Public
CHAPTER 60 - Kenshi's Heartbreak
CHAPTER 61 - Worried
CHAPTER 62 - Gummy Bear
CHAPTER 63 - Happiness to Disappointment
CHAPTER 64 - Tatay
CHAPTER 65 - Softhearted Shokoy
CHAPTER 66 - New Year ; New Battle
CHAPTER 67 - Camping
CHAPTER 68 - Fight Together
CHAPTER 69 - Trial
CHAPTER 70 - Wicked Plan
CHAPTER 71 - Wrong Move
CHAPTER 72 - Crying Shoulder
CHAPTER 73 - Family Bonding
CHAPTER 74 - Back To Reality
CHAPTER 75 - Time Flies So Fast
CHAPTER 76 - Daddy's Princess
CHAPTER 77 - Triumph
CHAPTER 78 - Bitter Prince
CHAPTER 79 - Letting Go
CHAPTER 80 - Betrayal
CHAPTER 81 - Goodbye
CHAPTER 82 - Alone Together
CHAPTER 83 - Just A Mistake
CHAPTER 84 - Good Bye
ANNOUNCEMENT!!

CHAPTER 34 - Acquaintance Party

2.9K 185 11
By GarnetSiren

SAIYAN’S POV :

Wew!

Muli kong sinipat ang sarili ko sa salamin habang sumisipol. Acquaintance Party na namin. Actually every school year naman itong nangyayari but hell, Mas excited ako ngayon ng dahil kay Sigrid.

“Are you that excited, Baby?”

Hayst!

“Mom, please. I'm not a toddler anymore so please, I'm begging you, Stop calling me Baby. Nakakasira ng image.” Reklamo ko.

“Fine. Pero kahit anong mangyari, Baby pa rin kita. Kayo ni Vegetta.”

I laughed. “Mommy, ang pangit pakinggan. You know why? Kasi ‘yung mga pangalan namin related sa mga powerful anime tapos tatawagin niyo kaming Baby? No freakin’ way, mom!”

“Ayos lang naman sa ‘kin.”  Sabad ni Vegetta na kakapasok lang ng silid ko. “As long as payagan ako ni Mommy na gumimik kasama ang mga barkada ko.”

“No freakin’ way, Vege!” Bulalas ni Mommy.

“Mommy Rochelle Maganda Almonte, Ipapaalala ko lang po sa inyo na hindi na rin ako bata.” Natatawang wika ni Vegetta.

Napailing nalang ako saka muling sinipat ang sarili ko sa salamin habang nagtatalo ang dalawa sa likuran ko.

“I gotta get going now, Mom.” Sabi ko saka pinulot ang cellphone at susi ng kotse ko sa kama ko. “I love you. Bye.”

“Take care!” sigaw ni Mommy sa likuran ko.

“Mag-uwi ka ng Hot chick!” Pahabol ng pilyo kong kapatid.

For sure, tatandang babaero ang mokong na ‘yun. Taliwas sa ‘kin na matino. Haha!

PAGDATING ko ng HIS ay saktong pumatak sa 6:30 ang oras at magdidilim na rin. May 30 minutes pang natitira bago magsimula ang party.

“Saiyan!”

Nilingon ko ang tumawag sa ‘kin. Si Nathalie.

“Hey.” Sinalubong ko siya. “Naks! Ganda natin ngayon, a.” Tukso ko sa kaniya.

“Ngayon lang ba?”

“Palagi pero mas umangat ang ganda mo ngayon kaya sigurado akong maglalaway na naman ang kaibigan ko nito.”

“Hehh!”

I chuckled. “Nasaan pala si Sigrid?”

“Naghahanda na siguro yun kasi pagkatapos yata ng opening number ng ating HIS band ay sina Sigrid na ang susunod na magpeperform.” Nathalie said.

“Yeah, you're right. Halika na. Sa loob na natin hintayin sina Hopper.” Aya ko sa kaniya.

“Sa aling table pala kayo?” Tanong niya.

“Third.”

“O, i see. Tara na. Gusto ko ng umupo.”

Natawa nalang ako saka siya inalalayang maglakad. Gusto ko sanang makita si Sigrid pero dahil sa sinabi ni Nathalie, magtitiis nalang muna ako tutal makikita ko din naman siya mamaya. Nakakahiya namang guluhin ko siya sa paghahanda.

∽∽■∽■∽■∽∽

SIGRID’S POV :

3pm palang ay nandito na ako sa school para hintayin sina Niña dahil nakakahiya naman kung ako na nga ang aayusan, ako pa ang hihintayin kaso 6pm na siya dumating kaya hindi na rin ako nagawa pang ayusan.

“Oh heto,” inabot niya sa ‘kin ang isang paper bag at isang kahon. “Nandito sa paper bag na ‘to ang susuotin mong damit tapos sa box naman na ‘to ang sneakers mo.” Wika ni Niña. “Pumasok ka na sa dressing room para makapagbihis ka na.”

“Pero wala pa sina Sugar.” Sabi ko. “Ilang minuto nalang magsisimula na ang Acquaintance Party.”

“Huwag mo silang intindihin, Sig. Magbihis ka nalang, susunod din ako saka maya-maya lang naman nandito na siguro ang mga ‘yon.”

I nodded. “Okay.”

Pumasok ako ng dressing room saka inisa-isang inilabas sa lalagyan ang mga gamit na bigay sa ‘kin ni Niña.

Ano 'to?

“Niña, ano ‘tong mga ‘to?” Sinilip ko sa labas si Niña. “Bakit denim short at floral crop top? Akala ko ba Baggy clothes ang susuotin natin?” Nagtatakang tanong ko.

“Pasensiya ka na. Hindi ka pala namin na-inform sa mga pagbabago ng suot natin kasi wala ka namang phone tapos hindi rin naman namin alam ang bahay ninyo.” aniya. “Iyan ang napag-usapan namin nila Honey na suotin natin kaya sige na, magpalit ka na.”

Huminga ako ng malalim saka muling isinara ang pintuan ng dressing room. Hindi ko alam kung anong magiging itsura ko dito pero bahala na. Magbibihis naman kaagad ako after naming sumayaw mamaya.

“Good evening, Ladies and Gentlemen.”

Taman’-tamang paglabas ko ng Dressing room nang magsalita ang School President namin na siyang magbibigay ng Opening remark ng gaganaping party.

“Niña, nagsisimula na. Nasaan na ba sina Sugar?” natatarantang tanong ko.

Mauuna namang magperform ang Banda ng HIS kaya ‘wag kang mag-alala.” aniya saka pumasok sa dressing room.

Breathe in. Breathe out. Breathe in. Breathe out.

Hindi ko alam kung ilang beses kong ginawa ang “Breathe in - Breathe out” na 'yan para lang pakalmahin ang sarili ko. Hindi ako kinakabahan sa pagsayaw pero kinakabahan ako para sa mga kasama kong hindi pa rin dumarating.

∽∽■∽■∽■∽∽

KENSHI’S POV :

Anong ginagawa ng mga yan dito sa table natin?” Tanong ko kay Oswald habang nakanguso sa mga kaibigan ni Sigrid.

“Partner ko si Alanis. Si Madison naman ang partner ni Grover at si Nathalie naman ang partner ni Hopper. Si Yumee ang partner ni Hiro at si Sabrina naman ang kay Harvy.” Tugon ni Waldo.

“In short, kayong dalawa lang ni Saiyan ang walang kapareha ngayong gabi.” Nanunukso namang bulong ni Hiro sa ‘kin.

“Good evening, Ladies and Gentlemen.”

Hindi na ako nakapagsalita pa nang biglang umalingawngaw sa buong School gymnasium ang boses ni Lucky. Ang aming school president.

Tonight will be one of the memorable events in our school life because once again, HIS held its annual Acquaintance Party.” Masayang anunsiyo ng aming School President. “We are gathered here not just for the food and drinks we have prepared but to also know each other better.” Naghiyawan ang buong crowd. “This would also serve as an avenue to socialize and become a part of the larger Heuron International School family. And of course, As expected,” He paused for a moment as he looked at the whole crowd with a warm smile in his face. “Heuron students, Faculty, Alumni, and even the staff, came in this event dressed with very fashionable and Elegant clothes. Am i right?” naghiyawan na naman ang buong crowd. “And i guess, your killer looks are now ready for a night of fun and excitement, Yeah?” Nabibingi’t naiirita na ako sa pag-iingay ng mga Tao. “Okay. So, to start the night, Please welcome our very own HIS Band! Ladies and Gentlemen, Let's give them a round of applause!!”

Binigyan ng buong crowd ng isang masigabong palakpakan ang pitong miyembro ng HIS BAND na nanggaling mula sa backstage.

Nagsimula na silang mag-perform pero wala sa kanila ang buong atensyon ko dahil excited na akong makita ang Dance Troupe na kinabibilangan ni Sigrid.

“Woaahh!! Mooorreeeee!!!” Sigaw ng mga students na kinikilig sa mga kalalakihang kumakanta.

“Madi, ang pogi ng lead vocalist nila 'no?” Dinig kong sabi ni Nathalie kay Madison na pumapalakpak din.

“No. I think mas pogi ‘yung drummer nila.” Tugon ni Madi.

“Mas pogi sa ‘kin?!” Sabay na tanong ng kambal sa mga partners nilang mga babae.

Tsk! Mga siraulo..

“Thank you, Boys!” Boses na naman ni Lucky matapos ang performance ng HIS BAND. “Ang gagaling nilang kumanta ‘no?” Naghiyawan na naman sila. “Nakaka-LSS.” He chuckled. “At para painitin naman ang ating dance floor, Hindi ko na patatagalin, Please welcome our very own HIS Dance Trouupppeee!!” Sigaw ni Lucky at maya-maya lang ay nasa dim light na ang buong lugar at naka-focus na ang Spotlight sa taong nasa Stage.

“Teka,” Biglang tumayo si Nathalie. “Bakit mag-isa lang si Sigrid sa stage? Nasaan sina Niña? Ang mga kasama niya?” Nagtatakang tanong niya.

Nagsimula na ring magbulungan ang lahat ng mga tao dahil katulad namin ay nagtataka na rin sila.

What the fuck is happening?

“Waaaaahhh!!!” Sigaw ng buong crowd pati na rin ang mga kasama naming mga babae sa table namin nang ang kaninang malamlam na mga ilaw ay bigla pang nawala.

In short, madilim na sa buong lugar.

I was about to say something when my gaze suddenly shifted to the huge projector screen behind the girl quietly standing on the stage. Sigrid. A video appeared on the screen and then seconds later, The video started to play.

Ang video ni Sigrid kung saan sumasayaw siya. Ang video niya na ako ang nagpakalat.

“Dancing Señorita!!”

Woahhh! Ang galing mong sumayaw!!”

Mooorreeee!!”

Ilan sa mga sigawan ng mga estudyante na punung-puno ng sarkasmo at panlalait habang ang iba naman ay nagtatawanan na.

“This is all your fault, Kenshi!” Sigaw ni Saiyan na hindi ko man maaninag ang mukha, natitiyak kong galit ito.

“Make that freakin’ video stop!!!” Hopper shouted.

Maya-maya lang ay lumiwanag ng kaunti sa parte namin dahil sa mga Torch ng mga Cellphones ng mga kaibigan ko.

“Ano?! hindi ka ba kikilos?! Hindi mo patitigilin yung pesteng video na ikaw ang lintik na may pakana?!” Bulyaw ni Oswald sa ‘kin.

Magsasalita na rin sana ako nang biglang bumukas ang ilaw at kaagad namang umibis si Saiyan paakyat sa Stage kasunod ang kambal na sinadya pang banggain ako.

“I’m so sorry for that and — ”

Natigil sa pagsasalita si Lucky nang hablutin ni Saiyan ang hawak nitong Microphone.

“Para sa mga hinayupak na gumawa nito, Better hide. At kapag nalaman kong may kinalaman ka dito,” Sinundan ko ng tingin ang direksyon ng tinuturo niya. Si Sugar. “Mabuti pang umalis ka na sa eskwelahan na ‘to dahil .....”

Hindi ko na tinapos pakinggan ang iba pang sasabihin ni Saiyan dahil hinabol ko si Sigrid nang makita ko siyang tumakbo pababa ng stage at parang wala sa sariling sumingit sa mga taong medyo nagkakagulo na hanggang sa makita ko nalang uli siyang paalis na ng Gymnasium.

I’m sorry, Siggy ..

Narinig kong tinatawag ako ni Hiro at Harvy pero hindi ko na sila pinansin dahil mas mahalaga sa ‘kin ngayon ang babaeng tumatakbo palayo.

PAGLABAS ko ay hindi ko na nakita ni anino ni Sigrid pero hindi ako naniniwalang gano'n siya kabilis makalayo dito. Alam kong nagtatago lang siya dahil malamang ay natunugan ang pagsunod ko sa kaniya.

“Sigridddd!!” Tawag ko sa pangalan niya habang palinga-linga sa paligid. “Sigrid, please!”

“Help!!!” Boses ni Sigrid.

Fuck! “Where the hell are you?!”

Tulong!!!”

Tumakbo ako papunta sa pinanggagalingan ng boses ni Sigrid. Medyo madilim sa bandang ‘yon pero wala akong pakialam dahil mas mahalaga ang mailigtas ko siya.

∽∽■∽■∽■∽∽

SIGRID’S POV :

PINILI kong umalis sa Stage at tumakbo paalis ng party dahil pakiramdam ko, Isa ako ngayong kandilang natutulos dahil sa kahihiyan.

Kaya pala. Kaya pala hindi nagpakita sa akin sina Sugar na kagrupo ko dahil sa nangyari at nasisiguro kong sila ang may pakana nito at si Niña? Sigurado akong isa siya sa kanila dahil siya ang nagpasuot sa akin ng pesteng denim short at floral crop top na hindi naman talaga ito ang uniform namin.

Gustung gusto kong sumigaw at umiyak dahil nasasaktan ako pero hindi ko magawa. Bakit ba nila ako kailangang ipahiya? Ano bang ginawa kong mali sa kanila? Bakit kailangan nila akong paglaruan?

“And where do you think you're going?” napaigtad pa ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Alamid na nakangisi.

“A-anong K-kailangan mo?” Nauutal kong tanong dahil kahit anong tapang ko kung ganitong tao ang kaharap ko, kakabahan talaga ako.

“Tara. Sumama ka nalang sa ‘kin.” aniya saka ako hinagod ng malisiyosong tingin mula ulo hanggang paa. “Ang ganda pala ng katawan mo, Manang.”

“Hayop ka!” Bulyaw ko sa kaniya. “Demonyo ka talaga!”

Humagalpak siya ng tawa at ang sumunod niyang ginawa ay hindi ko na namalayan at nawalan na rin ako ng kontrol sa nangyayari. Hinila niya ako papunta sa madilim na banda at ...

“Get off meeee!!” sigaw ko nang simulan niya akong halikan kaya patuloy ako sa pag-iwas at pagpupumiglas. “Alamid, ano ba?!”

“Just let me pleasure you, 'kay?”

Sinubukan ko siyang itulak pero hindi kinaya ng lakas ko. “Help!!!”

Lord, please.. Sana may makarinig sa ‘kin.

“Walang makakarinig sa ‘yo kasi itutuloy nila ang party na naudlot ng dahil sa 'yo kaya akin ka na ngayon.” aniya saka niya pinipilit punitin ang suot kong pang-itaas.

Hindi. Hindi ako makukuha ng unggoy na 'to. Hinding hindi!

“Tulong!!!” Muling sigaw ko. “I said get. off. me!!” May diing ulit ko kay Alamid saka ko tinuhod ang kayamanan niyang pinagyayabang niya.

“You bitch— Oh fuck!!”

Nagulat ako nang biglang may humila kay Alamid papunta sa maliwanag na parte kaya agad ko silang sinundan at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang maaninagan kong si Kenshi iyon at akmang susuntukin na naman si Alamid kaya ..

“Kenshi, huwag!” sigaw ko para pigilan siya. “Dalhin mo nalang siya sa security.” Sabi ko. “Please.” I begged.

“Anong nangyayari dito?” Tanong ni Hiro na bagong dating kasama si Harvy.

“This asshole tried to rape her.” Tinuro pa ako ni Kenshi. “Dalhin niyo siya sa securities natin and make sure na dadamputin siya ng mga pulis.” Utos ni Kenshi sa dalawa niyang kaibigan saka niya sinuntok sa panga si Alamid. “After this, sisiguraduhin kong hindi ka na makakagala dito sa Heuron gago ka.”

“Tama na, tama na.” Awat ni Harvy kay Kenshi saka niya hinawakan sa kanang braso si Alamid. “Kami na ang bahala  sa kumag na ‘to.”

NANG Makaalis ang tatlo ay tumalikod na rin ako. Gusto ko ng umuwi at matulog nang sa gano'n ay makalimutan ko kahit sandali ang mga kamalasang nangyari sa akin ngayong gabi.

“Saan ka pupunta?” Boses ni Kenshi sa likuran ko.

“Home.” Walang ganang tugon ko.

“Ihahatid na kita.”

Tumigil ako sa paghakbang saka huminga ng malalim bago hinarap si Kenshi na nakabuntot sa ‘kin.

“Thank you kasi dumating ka at hindi ako tuluyang nagawan ng masama ni Alamid.” Nakangiting sabi ko. “Hindi mo na rin ako kailangang ihatid kasi kaya ko na ang sarili ko saka okay lang naman ako at —”

Natigil ako sa pagsasalita nang walang anu-ano’y niyakap ako ni Kenshi. Yakap na nagpaparamdam sa ‘kin na hindi talaga ako okay.

“Hindi mo kailangang magsinungaling sa harapan ko dahil alam kong hindi ka okay, Sigrid.” aniya na mas lalong hinigpitan pa ang pagkakayakap niya sa ‘kin. “Alam kong hindi ka okay kaya nandito ako.”

“Bakit kailangang mangyari sa ‘kin ‘to?” i asked. “Wala naman akong ginagawang masama. Sinisikap ko namang lumayo sa gulo pero — ”

“Sigrid, I'm sorry.” usal ni Kenshi. “Kasalanan ko ang nangyari. Kung hindi ko pinakalat ang mga video na ‘yun, wala silang gagamitin ngayon laban sa ‘yo. Wala sana silang ginamit para ipahiya ka. I am really really sorry, Sigrid. Naiintindihan ko kung bakit ayaw mo akong lumalapit sa ‘yo at maiintindihan ko rin ngayon kung ipagtutulakan mo ulit ako pero sana,” inilayo niya ng kaunti ang sarili niya sa ‘kin para matitigan ako ng diretso sa aking mga mata. “Sana hayaan mo muna akong ihatid ka sa inyo kahit ngayon lang para mapanatag din akong makakauwi ka sa inyo ng ligtas.” pakiusap niya.

“But — ”

“Please? Kahit sa backseat ka na umupo para hindi ka —”

“Sige na, sige na. Papayag na akong ihatid mo ako.” Pagsuko ko. “Gusto ko na rin kasing makauwi kaagad para makapagpahinga na. Nakakapagod ang gabing ‘to kahit hindi ako sumayaw.” Walang buhay akong natawa.

“Don't worry, aalamin ko kung sino ang gumawa — ”

“Hindi na kailangan.” Putol ko sa kaniya. May ideya na ako sa kung sinong may pakana ng kahihiyan ko ngayong gabi pero ayaw ko ng palakihin ang gulo, Kenshi. Nakakapagod. Pagod na akong lumaban kasi kahit anong gawin ko, Basura pa rin ang tingin sa ‘kin ng ibang tao kasi nga,” nagsimula na akong maglakad papunta sa school parking lot. “Unfair ang mundo.” I added.

“And i believe, isa ako sa mga taong nagpapahirap sa ‘yo para masabi mong unfair ang mundo.”

I Laughed. “Huwag na nating pag-usapan, Kenshi.” Sabi ko.

Hindi na rin naman siya umimik at nagpatuloy nalang sa paglalakad. May kung ano namang hanging bumulong sa ‘kin na lumingon ako sa kung saan kami nanggaling pero nang makita ko ang taong nakatayo roon at nakatanaw sa amin ni Kenshi, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Saiyan ..

--
TO BE CONTINUED ..

Continue Reading

You'll Also Like

41.7K 3K 66
BOOK 2 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Teen Fic, RomCom, School "Ako si Leighra Hivary Aragon ang presidente ng Valdez International School...
54.1K 885 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
89 43 21
(UNDER REVISING AND EDITING) Ashquin has a hidden feelings for her best friend, Derill. She kept it for so many years. But remembering of being a Lle...
9K 1K 37
Tyra Jane Montefalco a spoiled brat, known as queen bee in their school and lastly a bully what if this spoiled brat meet her match. Kairo Miguel San...