THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔

By GarnetSiren

325K 16.3K 1.4K

7BB シ " SEVEN BAD BOYS " More

SYNOPSIS
DISCLAIMER
CHAPTER 1 - The Bad Boys
CHAPTER 2 - First Encounter
CHAPTER 3 - Seatmates
CHAPTER 4 - Bully vs. Nerd
CHAPTER 5 - First Kiss
CHAPTER 6 - SuperSaiyan
CHAPTER 7 - Worried Bully
CHAPTER 8 - SaiRid Moment
CHAPTER 9 - Sweet Revenge
CHAPTER 10 - His Smile
CHAPTER 11 - Sigrid's New Hero
CHAPTER 12 - His Nanny
CHAPTER 13 - You're Safe
CHAPTER 14 - Pretending
CHAPTER 15 - Sigrid vs. Sugar
CHAPTER 16 - Danger zone
CHAPTER 17 - Rivalry
CHAPTER 18 - The Vizcondes
CHAPTER 19 - Trouble
CHAPTER 20 - Jealousy
CHAPTER 21 - Saiyan's Confession
CHAPTER 22 - Mad Shokoy
CHAPTER 23 - Nanny No More
CHAPTER 24 - Dancing Señorita
CHAPTER 25 - The Twins
CHAPTER 26 - New Job
CHAPTER 27 - Reminiscing the Past
CHAPTER 28 - Beginning
CHAPTER 29 - Accusation
CHAPTER 30 - Prank Gone Wrong
CHAPTER 31 - Shokoy's Love
CHAPTER 33 - Preparations
CHAPTER 34 - Acquaintance Party
CHAPTER 35 - Moves like Saiyan
CHAPTER 36 - Unexpected Kiss
CHAPTER 37 - Necklace
CHAPTER 38 - Hidden keys
CHAPTER 39 - Never Give Up
CHAPTER 40 - Mission
CHAPTER 41 - Explosion of Hidden Secret
CHAPTER 42 - Mother 'n Son
CHAPTER 43 - DNA Result
CHAPTER 44 - Happy Family
CHAPTER 45 - The Bet
CHAPTER 46 - Pain of Yesterday
CHAPTER 47 - Starting Over Again
CHAPTER 48 - Emptiness
CHAPTER 49 - His Anger
CHAPTER 50 - Chocolate Cake
CHAPTER 51 - New Look
CHAPTER 52 - Enchanting Beauty
CHAPTER 53 - Magic Spell
CHAPTER 54 - Stolen Kiss
CHAPTER 55 - Magical Moment
CHAPTER 56 - The Almontes
CHAPTER 57 - Friends
CHAPTER 58 - First LQ
CHAPTER 59 - In Public
CHAPTER 60 - Kenshi's Heartbreak
CHAPTER 61 - Worried
CHAPTER 62 - Gummy Bear
CHAPTER 63 - Happiness to Disappointment
CHAPTER 64 - Tatay
CHAPTER 65 - Softhearted Shokoy
CHAPTER 66 - New Year ; New Battle
CHAPTER 67 - Camping
CHAPTER 68 - Fight Together
CHAPTER 69 - Trial
CHAPTER 70 - Wicked Plan
CHAPTER 71 - Wrong Move
CHAPTER 72 - Crying Shoulder
CHAPTER 73 - Family Bonding
CHAPTER 74 - Back To Reality
CHAPTER 75 - Time Flies So Fast
CHAPTER 76 - Daddy's Princess
CHAPTER 77 - Triumph
CHAPTER 78 - Bitter Prince
CHAPTER 79 - Letting Go
CHAPTER 80 - Betrayal
CHAPTER 81 - Goodbye
CHAPTER 82 - Alone Together
CHAPTER 83 - Just A Mistake
CHAPTER 84 - Good Bye
ANNOUNCEMENT!!

CHAPTER 32 - The Truth

3.2K 203 23
By GarnetSiren

GROVER’S POV :

Fuck! Kailangang makita ni Mommy at Hopper ito lalo na si Mommy. This is the evidence we are all looking for to clear things out.

Huminga ako ng malalim saka kinapa ang cellphone sa bulsa ko. Tinatamad na akong puntahan sa kuwarto niya ni Hopper kaya ititext ko nalang.

Private Room. NOW.

AFTER sending the message to Hopper, Itinuon kong muli ang atensyon ko sa CCTV monitor kung saan pinapanood ko ang footage noong sabado kung kailan sinabi ni Maya na nakita niya si Sigrid na nagnakaw.

“Anong mayro’n dito?” Kaagad na tanong ni Hopper pagpasok pa lamang dito. “What’s that?” Tanong niya saka naupo sa swivel chair sa tabi ko.

“Gusto nating malinis ang pangalan ni Sigrid, right?” Tinanguan niya ako. “Then watch this.” I played the CCTV footage again.

This is the advantage of placing lots of CCTV cameras in every corner of a house.

Sa Cam 2, nasa sala si Sigrid at abala sa pagpupunas ng mga muwebles then minutes later, lumapit sa kaniya si Maya. 

Sa Cam 3, pumasok si Sigrid sa Office ni Mommy na hawak pa rin ang kaniyang pamunas ngunit may dala na ring walis at Dustpan.

Sa Cam 5, nasa loob na si Sigrid na parang batang nagpaikut-ikot bago nagsimulang maglinis sa Office ni Mommy.

“Wait. ‘yung hawak niya is ‘yung photo album natin nu’ng 5th birthday natin, right?” Tanong ni Hopper sa ‘kin.

“Uh-huh.”

Wala pa 'atang dalawang minutong binubuklat ni Sigrid ang Photo album nang may mang istorbo sa kaniya kaya napatingin ako sa Cam 4. Si Ate Minerva ang nasa pintuan at halatang tinawag si Sigrid dahil maya-maya lang ay nakita na namin sila sa Cam 6 at magkasama silang naglalakad sa passageway.

The Camera that is placed at the kitchen room which is called Cam 8, naroon naman si Maya na halatang may sinisilip and for sure, Sina Sigrid ang kaniyang sinisilip. Maya-maya lang ay sa Cam 3 na namin siya ulit nakita which is, ang loob na ng Office ni Mommy.

“Gotcha!” Bulalas ni Hopper nang hawak na ni Maya ang Relos ni Mommy.

“I knew it.” sambit ko. Siya talaga ang may gawa pero paanong napunta sa Bag ni Sigrid?”

Malalaman natin ‘yan paglabas niya ng Office ni Mommy.” Tugon ni Hopper. Panoorin nalang natin.”

Hindi na ako kumibo at ibinalik nalang ang tingin ko sa monitor at sa pagkakataong 'to ay nasa Kitchen na ulit si Maya at hawak na niya ang bag ni Sigrid.

“Okay. The game is over.” I said as i stood up. “Let's go.” naglakad na ako palabas ng silid pero tumigil din at muling sumilip kay Hopper. Tawagin mo si Mommy para malaman niya kung anong totoong nangyari.”

“Bakit ako ang inuutusan — ”

“Just fucking do it, Hopper.” Singhal ko sa kaniya.

“Fine!”

Sinamaan ko siya ng tingin bago siya tuluyang tinalikuran. Tinahak ko ang daan papuntang Kitchen room para tawagin ang tatlo naming maid.

∽∽■∽■∽■∽∽

HOPPER’S POV :

FINALLY. Mananagot na rin ang totoong nagkasala hindi ang Prinsesa ko. Hindi si Sigrid.

Ano bang problema, Anak? Saan mo ba ako dadalhin?” Tanong ni Mommy. “Saka bakit mo ba ako hinihila?”

“Mommy, ‘wag ka nalang munang magtanong, okay?” Sabi ko.

Fine.”

NASA Hagdanan palang kami ni Mommy ay naririnig na namin ang pambubulyaw ni Grover kay Maya. Tahimik ang kakambal ko kaya kapag siya ang nagalit, matakot ka dahil paniguradong sasabog talaga siya.

Anong nangyayari? Bilisan mo nga.” Wika ni Mommy saka binilisan ang hakbang sa pagbaba ng hagdan kaya ako? Man, naiwan ako. Napailing nalang ako saka tumakbo.

“Ngayon na kaharap na natin si Mommy, ngayon mo sabihin kung ano ang nangyari, Maya, at kung sino ang tunay na kumuha sa Relos niya.” Kalmado ngunit may himig pagbabantang wika ni Grover.

“Ano ba kasi yon?” may pagtatakang tanong ni Mommy.

“Hindi ka pipi kaya magsalita ka na.” Untag ko kay Maya. “Magsalita ka na bago ako mainis — ”

“Hindi ko naman po alam kung anong sinasabi ninyo, Sir.” pagkakaila ni Maya. “Saka, Sir, Nasabi ko na po sa inyo kung sino ang nagnakaw. ”

“Ate Minerva, Tumawag ka ng pulis.” Utos ni Grover sa isa pa naming maid. “Now.”

“Sandali!” Sigaw ni Mommy. “Sumasakit na ang ulo ko pero hanggang ngayon hindi niyo pa rin sinasabi sa ‘kin kung anong nangyayari.” Iritadong aniya. “Maya, ano bang dapat kong malaman?” Baling niya kay Maya.

“Tell her.” Utos ni Grover kay Maya. “Hindi mo ba ako narinig? I said tell her!”

“M-ma’am, S-sorry ..” nauutal na sambit ni Maya habang nakayuko. “Sorry po, sorry.. P-patawarin niyo po ako.”

“I Still have no idea what is happening — ”

A-ako po.” Putol ni Maya kay Mommy. “A-ako po ang,” natigil siya sa pagsasalita nang unahan siya ng kaniyang pag-iyak. “A-ako po ang K-kumuha sa Relos niyo..”

“What?!” Hindi makapaniwalang bulalas ni Mommy.

“N-nilagay ko lang po sa,” huminga siya ng malalim habang pinupunasan ang kaniyang luha. Nilagay ko lang po sa bag ni Sigrid para pagmukhain siyang magnanakaw.”

“What the fuck!” Grover shouted. Anong kasalanan ni Sigrid sa 'yo at kailangan mong gawin 'yon sa kaniya?!”

“D-dahil bago palang siya dito pero naging malapit na siya kaagad sa pamilya ninyo.” Nakayukong tugon niya. “Ma’am Eleina, patawad po.”

“Maya, alam mo kung gaano ako kabait sa inyo. Kami ng pamilya ko walang pinapakitang hindi maganda sa inyo pero hindi ko pa rin sukat akalain na magagawa mo ang bagay na 'yun.”  Dismayadong wika ni Mommy. Kaklase at kaibigan siya ng mga anak ko kaya hindi na kataka-takang magiging malapit siya sa amin pero ng dahil sa ginawa mo, Kung anu-anong masakit na salita ang nasabi ko sa bata.”

“S-sorry po. S-sorry ..”

Ano ka ba naman, Maya, Napakabait na tao ni Sigrid pero nagawa mo 'yun sa kaniya? Pare-pareho lang naman ang pagpapahalaga ng pamilyang 'to sa atin kaya bakit ka nagselos? Wala namang ginawang masama si Sigrid sa yo.” Dismayado ring saad ni Ate Minerva.

“Sorry — ”

Bukod sa amin, Kailangan mo ring humingi ng tawad kay Sigrid.” Putol ni Mommy kay Maya. Alam niyo naman kung saan nakatira si Sigrid 'di ba?” Baling niya sa amin ni Grover.

“Yes, Mom.” i replied.

“Tara. Puntahan natin siya.” aniya saka nauna ng naglakad palabas ng bahay.

“Let's go, Maya.” Untag ko sa nakayukong babae. “And after this, You have to face the consequence of your wrongdoing.”

“Opo, Sir.”

Tinitigan ko siya saka napailing. Disappointed ako sa ginawa ni Maya dahil sa totoo lang, Bad boy man kaming tingnan, marunong din kaming magpahalaga ng taong may pagpapahalaga din sa amin.

∽∽■∽■∽■∽∽

SIGRID’S POV :

Kasama ko ngayong nakaupo si Totoy sa duyan upang magpahinga dahil kakatapos ko lang magsibak ng kahoy upang gawing panggatong.

“Ate Ganda, siguro madaming guwapo sa school niyo.” Biglang wika ni Totoy.

“Madami nga, kalahi naman ni Hudas ‘yung iba.” Sabi ko. “Saka bakit ba puro guwapo ang laman niyang bibig mo? Guwapo ka din naman, a.”

“Yaakk! Babae ako kaya maganda ako.”

Ngumiwi ako. “Sayang ang magandang lahi ninyo.”

“Hmp!” pananaray ni bekla. “Ate, kotse nila kambal oh,” Turo niya sa paparating na kotse. “Kotse nila ‘yan 'di ba?”

“Oo nga. Tama ka. Kotse nila ‘yan pero ano namang ginagawa ng mga ‘yan dito?”

“Bakit sa 'kin mo tinatanong, Ate Ganda?” pamimilosopo niya. “Hintayin  mo po sila tapos itanong mo sa kanila.”

“Hehh!”

Tumayo ako para abangan kung sino man ang sakay ng kotse. Baka kasi si Grover O kaya naman ay si Hopper ang lulan nito kaso nagulat ako nang si Ma’am Eleina ang lumabas mula sa backseat.

Sisigawan na naman siguro ako nito.

Totoy, Sige na. Umuwi ka na muna sa inyo.” Sabi ko sa batang kasama ko na hindi pa rin inaalis ang tingin ko kay Ma’am Eleina na nakatitig na rin sa akin.

Pero gusto kong makita sina — ”

“I said go home!” Hindi ko na napigilang mapagtaasan ng boses si Totoy dala na rin ng pag-aalala ko. Ayaw ko kasing pati siya idamay ni Ma’am Eleina sa galit niya sa ‘kin. Sige na, ‘toy. Mag-usap nalang tayo mamaya.”

“O-opo.” Tugon ng bata saka kumaripas na ng takbo pauwi sa bahay nila.

Mas lalo namang nadagdagan ang pangamba ko nang lumabas din sa kabilang pintuan ng backseat si Ate Maya kasunod pa nito ang isang pulis.

Wala naman kasi akong ginawa. Hindi naman ako ang nagnakaw kaya bakit may pulis? Ipapahuli na ba ako?

Nangunot pa lalo ang noo ko nang magkasabay din na lumabas ng kotse ang kambal na agad tumingin sa direksyon ko.

Nagsimula na ring naglakad si Ma’am Eleina papunta sa ‘kin kasunod ang kaniyang mga kasama. Hinanda ko na rin ang sarili ko para sa anumang mangyari.

“Sigrid — ”

“Ano pong ginagawa ninyo dito?” Putol ko kay Ma’am Eleina. “Hindi niyo na ho kailangang manggulo dito dahil handa naman po akong sumama kay Mamang Pulis kung ipapa — ”

“Princess,” Mabilis na lumapit si Hopper sa ‘kin saka ako inakbayan. Kumalma ka lang — ”

Huwag mo akong akbayan. Hindi nga kayo puwedeng lumapit ni Grover sa 'kin, e.” Sabi ko na pilit inaalis ang kamay niyang nakasampay sa balikat ko. Pasensiya na ho, Ma'am Eleina. Hindi ko po — ” Nanlaki ng husto ang mata ko nang bigla niya akong sunggaban ng mahigpit na yakap katulad nu'ng una naming pagkikita. “M-ma’am, A-ano — ”

Patawarin mo ako, Hija.” sambit ni Ma'am Eleina habang nakayakap pa rin sa akin. “Patawarin mo ako sa mga hindi kanais-nais na mga salitang ibinato ko sa 'yo at patawarin mo ako kung naniwala ako kaagad sa naging paratang ni Maya sa ‘yo na isa kang magnanakaw.”

Pinilit kong kumalas mula sa pagkakayakap ni Ma'am Eleina sa ‘kin kahit gustung-gusto kong maramdaman ang mahigpit niyang yakap dahil sa kakaibang pakiramdam na nadarama ko sa tuwing gagawin niya iyon kahit dalawang beses palang niyang ginawa.

“Sigrid, patawad.” napatingin ako kay Ate Maya. Ako ang may kasalanan. Gusto kasi kitang umalis sa bahay nila Ma'am kaya naisip kong kunin ang Relos ni Ma'am at ilagay iyon sa bag mo para pagmukhaing ikaw ang magnanakaw.. na masama kang tao.. na hindi ka nila dapat pagkatiwalaan.” Nagulat ako sa mga inilahad ni Ate Maya dahil una ko palang siyang nakita, nabaitan na ako sa kaniya pero ayaw pala niya sa ‘kin. Patawarin mo ako, Sigrid.”

P-pero bakit may kasama po kayong Pulis?”

Tumikhim si Grover kaya napunta sa kaniya ang atensyon ko. Kailangan niyang harapin ang ginawa niyang mali kaya — ”

Ipapakulong ninyo si Ate Maya?” Putol ko kay Grover saka nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mag-iina.

Oo, Sigrid.” Tugon ni Ma'am Eleina.

“Ma'am, puwede po bang bigyan niyo ng isa pang chance si Ate Maya? Naniniwala po kasi akong hindi niya talaga ginusto iyon — ”

“Hindi sana nangyari 'yun kung hindi niya ginusto, Sigrid.” Putol ni Grover sa ‘kin.

Oo nga, nandoon na ako. Alam ko kung anong pinupunto mo pero ginawa niya 'yun dahil ayaw niya ako sa inyo — ”

Bagay na hindi niya dapat naramdaman.” Putol na naman ni Grover sa ‘kin na ikinairita ko.

“Ma'am Eleina, please. Ako na po ang makikiusap sa inyo na ‘wag niyo na pong ipakulong si Ate Maya kasi kawawa naman po siya.” Pakiusap ko kay Ma'am Eleina. Bigyan niyo po siya ng isa pang chance at kapag ginawa po niya ulit yun, saka niyo siya bigyan ng kaukulang parusa.” Dagdag ko.

Salamat.” Wika ni Ate Maya sa akin. Salamat kasi sa kabila ng ginawa ko sa ‘yo, heto ka pa rin. Iniisip ang kapakanan ko pero, Sigrid, Huwag mo na akong intindihin. Ayos lang naman ako at handa akong harapin kung anong bunga ng maling ginawa ko.” aniya.

Sige, sige. Hindi na ako magpa-file ng case laban sa 'yo.” napangiti ako sa sinabi ni Ma'am Eleina. Palalampasin ko nalang ang ginawa mo dahil ngayon ka lang naman nakagawa ng kasalanan habang nasa puder ka namin.”

Salamat po.”

“Kay Sigrid ka magpasalamat, Maya, hindi sa akin.”

“Sigrid, Maraming — ”

Sshh ..” awat ko kay Ate Maya. ayos lang yun, Ate. Basta ‘wag mo ng uulitin 'yun ha? Kasi hindi na kita ipagtatanggol sa susunod.”

Ngumiti si Ate Maya saka tumango. “Hindi na mauulit. Pangako.”

Ngumiti ako ng malapad. Finally, makakahinga na ako ng maluwag dahil nalinis na rin sa wakas ang pangalan ko sa mga Vizconde.

Mabuti nalang din at nagkataong wala ang Lolo't Lola ko ngayon dito dahil hindi nila alam ang nangyari sa huling punta ko sa bahay ng mga Vizconde. Ayaw kong magalit sila sa mga Vizconde lalo na sa mga kaibigan ko.

--
TO BE CONTINUED ..

Continue Reading

You'll Also Like

43.4K 919 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...
1.2M 37.2K 72
Book 2 of My Five Stepbrothers and I Sa loob ng pitong taon marami nang pwedeng pagdaanan ang isang tao na makapagbabago sakanya at mga pagsubok na k...
70.5K 433 125
Try to read the list of my favorite stories.
270K 7.2K 13
(Pre-Book 2 of MFSBI) He's the eldest of the five brothers. Known as a prodigy in surgical operations, a talented doctor in his present age. Gifted...