THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔

By GarnetSiren

325K 16.3K 1.4K

7BB シ " SEVEN BAD BOYS " More

SYNOPSIS
DISCLAIMER
CHAPTER 1 - The Bad Boys
CHAPTER 2 - First Encounter
CHAPTER 3 - Seatmates
CHAPTER 4 - Bully vs. Nerd
CHAPTER 5 - First Kiss
CHAPTER 6 - SuperSaiyan
CHAPTER 7 - Worried Bully
CHAPTER 8 - SaiRid Moment
CHAPTER 9 - Sweet Revenge
CHAPTER 10 - His Smile
CHAPTER 11 - Sigrid's New Hero
CHAPTER 12 - His Nanny
CHAPTER 13 - You're Safe
CHAPTER 14 - Pretending
CHAPTER 15 - Sigrid vs. Sugar
CHAPTER 16 - Danger zone
CHAPTER 17 - Rivalry
CHAPTER 18 - The Vizcondes
CHAPTER 19 - Trouble
CHAPTER 20 - Jealousy
CHAPTER 21 - Saiyan's Confession
CHAPTER 22 - Mad Shokoy
CHAPTER 23 - Nanny No More
CHAPTER 24 - Dancing Señorita
CHAPTER 25 - The Twins
CHAPTER 26 - New Job
CHAPTER 27 - Reminiscing the Past
CHAPTER 28 - Beginning
CHAPTER 29 - Accusation
CHAPTER 30 - Prank Gone Wrong
CHAPTER 32 - The Truth
CHAPTER 33 - Preparations
CHAPTER 34 - Acquaintance Party
CHAPTER 35 - Moves like Saiyan
CHAPTER 36 - Unexpected Kiss
CHAPTER 37 - Necklace
CHAPTER 38 - Hidden keys
CHAPTER 39 - Never Give Up
CHAPTER 40 - Mission
CHAPTER 41 - Explosion of Hidden Secret
CHAPTER 42 - Mother 'n Son
CHAPTER 43 - DNA Result
CHAPTER 44 - Happy Family
CHAPTER 45 - The Bet
CHAPTER 46 - Pain of Yesterday
CHAPTER 47 - Starting Over Again
CHAPTER 48 - Emptiness
CHAPTER 49 - His Anger
CHAPTER 50 - Chocolate Cake
CHAPTER 51 - New Look
CHAPTER 52 - Enchanting Beauty
CHAPTER 53 - Magic Spell
CHAPTER 54 - Stolen Kiss
CHAPTER 55 - Magical Moment
CHAPTER 56 - The Almontes
CHAPTER 57 - Friends
CHAPTER 58 - First LQ
CHAPTER 59 - In Public
CHAPTER 60 - Kenshi's Heartbreak
CHAPTER 61 - Worried
CHAPTER 62 - Gummy Bear
CHAPTER 63 - Happiness to Disappointment
CHAPTER 64 - Tatay
CHAPTER 65 - Softhearted Shokoy
CHAPTER 66 - New Year ; New Battle
CHAPTER 67 - Camping
CHAPTER 68 - Fight Together
CHAPTER 69 - Trial
CHAPTER 70 - Wicked Plan
CHAPTER 71 - Wrong Move
CHAPTER 72 - Crying Shoulder
CHAPTER 73 - Family Bonding
CHAPTER 74 - Back To Reality
CHAPTER 75 - Time Flies So Fast
CHAPTER 76 - Daddy's Princess
CHAPTER 77 - Triumph
CHAPTER 78 - Bitter Prince
CHAPTER 79 - Letting Go
CHAPTER 80 - Betrayal
CHAPTER 81 - Goodbye
CHAPTER 82 - Alone Together
CHAPTER 83 - Just A Mistake
CHAPTER 84 - Good Bye
ANNOUNCEMENT!!

CHAPTER 31 - Shokoy's Love

3.3K 193 9
By GarnetSiren

SIGRID'S POV :

"Okay, Guys. Enough! Magpahinga muna tayo." Niña announced. "Mamaya na ulit tayo mag-practice! 15 minutes break. C'mon!" Pumapalakpak na aniya.

Napansin kong nagbubulungan ang magpinsang bitter na sina Sugar at Honey sa isang tabi at alam kong ako na naman ang topic nila dahil pasulyap-sulyap sila sa gawi ko.

"Hi," tumingin ako kay Niña na lumapit pa sa 'kin. "Practice palang 'yun but i must say," hinawakan niya ang kamay ko. "You did a great job."

I smiled. "Thank you."

"Guys, Guys, Guys! Listen." Agaw ni Niña sa atensyon ng mga kasamahan pa namin. "Since we will be performing a Hip-Hop dance, wearing a baggy clothes and sneakers are required." wika ni Niña. "Magsuot din tayo ng mga Flashy accessories para naman makuha natin ang atensyon ng audiences natin." She added.

"Well," Biglang nagsalita ang pinuno ng mga bitter. "Kung baggy clothes lang naman pala ang kailangan, I'm sure, Afford na ni Sigrid 'yon." Nakangising aniya. "Right, cuz?"

"Yeah, pero, Sigrid, ayusin mo naman ang looks mo kasi walang kuwenta ang husay ng magiging sayaw natin kung Trashy naman ang looks mo." Sabi ni Honey.

"Itigil niyo na ang pamimintas niyo kay Sigrid." awat ni Niña sa magpinsan. "Sigrid," Baling niya sa 'kin. "Ako na ang bahala sa 'yo. Aayusan kita sa acquaintance party natin pero 'yun ay kung papayag ka?"

Nagtawanan ang magpinsan pati na rin ang kanilang mga alipores. "Niña, mapapagod ka lang. Walang magbabago sa itsura ng babaeng 'yan. Maniwala ka sa 'kin." natatawang sabi ni Sugar.

"Shut up!" Singhal ni Niña sa kaniya. "Halika na, Sigrid." Pinulot ko ang bag ko saka sumunod kay Niña. "Papayag ka bang ako ang mag-ayos sa 'yo sa acquaintance?"

I nodded. "Sure but i'm warning you, Hindi madaling ayusan ako since hindi naman ako sanay sa mga gano'n kaya baka mapagod ka lang." Sabi ko.

She laughed. "Maniwala ka sa mahika ng kamay ko, Sigrid." aniya. "Saka puwede ba, 'wag kang masiyadong nagpapaniwala sa magpinsan na 'yun. Sila kasi napurga na ng iba't-ibang kolorete sa mukha kaya nainggit diyan sa Virgin — "

"Ah, ah, ah!" Sabi ko habang winawagayway sa harap niya ang kamay ko. "Sige na, sige na. Baka kung saan pa mapunta ang usapan natin." Sabi kong ikinatawa niya. "Halika, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." Sabi ko.

"Ahm, next time nalang ha? Hahanapin ko muna 'yung boyfriend ko."

I smiled. "Sure. Sige, Mauna na ako." Sabi ko. "Kailangan ko pang magbihis — "

"Huwag na." Putol ni Niña sa 'kin. "Huwag ka ng magbihis kasi itutuloy pa naman natin ang practice natin mamaya kaya sige na, Kaunting minuto nalang ang natitira bago tayo bumalik sa practice." aniya.

I nodded. "Sige. Mauna na ako." Paalam ko saka naglakad paalis.

DUMIRETSO na ako sa cafeteria kung saan alam kong nakatambay ang mga kaibigan ko.

"Hey!" napatingin ako sa sumabay sa 'king maglakad. Si Kenshi. "Puwede akong sumabay "

"Sumasabay ka na." Walang ganang putol ko sa kaniya.

"Sumabay sa Snack ang ibig kong sabihin."

"Kasama ko ang mga kaibigan ko kaya 'wag ka ng sumingit." Sabi ko saka mas binilisan ang lakad ko. Hindi na rin naman siya nagtangka pang habulin ako kaya nakahinga na ako ng maluwag. "Hi!" Bati ko sa mga kaibigan ko nang makalapit ako sa Table nila.

"Oh, Sigrid," napatingin silang lahat sa 'kin. "Halika na. Umupo ka na." Aya ni Alanis sa 'kin.

"Sige, Bibili muna ako ng miryenda ko." Sabi ko saka dumiretso sa line. Dalawa lang naman ang nakapila kaya hindi ako masiyadong nainip.

SANDWICH at Tubig nalang ang binili ko dahil nagmamadali ako. Nakita ko kasi ang grupo ni Kenshi na papunta na rin dito at buo ang pitong miyembro. Ayaw kong madatnan nila ako sa pila dahil ayaw ko silang makasalamuha except kay Saiyan siyempre. haha! Sina Hopper at Grover naman hindi ko puwedeng kausapin dahil pinagbawal na ng Mommy nila ang makasalamuha ako dahil isa daw akong magnanakaw. Hays!

"Sigrid, on diet ka ba?" Tanong ni Nathalie.

"Oo nga, Bakit 'yan lang ang binili mo?" usisa ni Sabrina. "Huwag mong sabihing nagtitipid ka na naman."

"Hindi, a." Tanggi ko saka hinila ang bakanteng upuang nakareserba na para sa akin.

"Ah, alam ko na kung bakit." Tatangu-tangong sambit ni Freya.

"Bakit?!" magkasabay na tanong ni Yumee at Madi.

"Ayun oh," nginuso ni Freya ang direksyon ng nag-iingay na grupo ni Kenshi. "Tiyak 'yan ang dahilan kung bakit 'yan lang ang binili ni Sigrid. Nagmamadali, e." aniya.

"Bakit? Inaapi ka na naman ba ng mga 'yan?" Tanong ni Alanis.

"Hindi — "

"Kasi may tagapagtanggol ka sa mga 'yan." Putol ni Sabrina sa 'kin. "Hindi lang simpleng tagapagtanggol kasi manliligaw mo na pala."

"What?!" Gulat na bulalas ni Yumee. "Anong manliligaw? Sino?"

"Si Saiyan." Tugon ni Madison. "Hindi niyo ba napapansin 'yung mga titig ni Saiyan sa kaniya kahit oras ng klase? Damn, Girls!" Humagikhik si Madi. "Ang lagkit!" Bulalas pa ni Madi saka sila nagtawanang anim.

Hays! Napahilamos nalang ako ng mukha ko dahil ako na naman ang naging miryenda ng mga kaibigan ko.

"Ah, Guys," Tumayo ako mula sa pagkakaupo. "May practice pa ako kaya maiwan ko na kayo dito." Sabi ko.

"Hindi ka ba inaapi ng magpinsang bruha?" Tanong ni Alanis.

"Hindi naman masiyado saka sinasaway naman sila kaagad ni Niña." Sabi ko. "Saka 'wag niyo akong masiyadong intindihin kasi kayang kaya ko naman ang dalawang 'yun." Nakangiting dagdag ko. "Sige. Alis na ako."

"Good luck!" Pahabol ni Madison na kinawayan ko nalang.

Subukan lang naman akong saktan ng dalawang 'yun. Hindi ako mangingiming patulan sila pero kasi naman, kailangan ko ring magtimpi kasi baka 'pag nagalit ako ng tuluyan, ako naman ang mapasama. Ayaw ko namang mapatalsik sa school na 'to. Mahirap na.

KENSHI'S POV :

Hapon na. Dismissal na pero teka, bakit ang bilis namang makaalis ni Sigrid? Buwisit naman, e. Natatanaw ko pa nga lang sa Hallway kanina bakit biglang nawala?

"Kenshi!!" Boses ni Sugar kaya mas binilisan kong maglakad. Sa lahat ng ayaw kong makita't makausap, siya ang nangunguna sa listahan, pumapangalawa ang pinsan niyang si Honey. "Kenshi, sandali!!"

"Bahala ka sa buhay mo!!" sigaw ko pabalik.

"Sandali! Sasabay na ako sa 'yo!!"

fooo!!

Napabuga ako saka tumigil sa paglalakad. Nakakahiya ang babaeng 'to. Mamaya isipin ng iba na Close kami dahil sa kakasigaw niya. Lintik talaga.

"Pauwi ka na 'di ba?" Nakangiting tanong ni Sugar sa 'kin. Akala mo maamong tupa. "Sasabay na ako sa 'yo kasi hindi ko dala ang kotse — "

"The last time i check," Putol ko sa kaniya. "We're not friends. Heck! we're not even close, Sugar. Tapos ngayon gusto mong sumabay sa 'kin sa pag-uwi? Hell, ang kapal naman talaga niyang pagmumukha mo." walang kapreno-prenong sabi ko.

"Kenshi — "

"Marami kang tuta kaya sa kanila ka sumabay." Putol ko sa kaniya saka muling naglakad pero hindi nakatakas sa mata ko ang pag-iiba ng itsura niya lalo na ang pangingilid ng kaniyang luha.

Ikaw ba naman ang pahiyain ng crush mo, e.

Napailing nalang ako saka dumiretso sa parking lot. Natanaw ko naman kaagad roon si Sigrid kausap ang kaniyang mga kaibigan kaya nagtago ako sa mga nakahilerang kotse habang maingat na naglalakad palapit sa puwesto nila para pakinggan ang usapan nila.

Eavesdropping? Hell! Ngayon ko lang 'yan gagawin.

NANG medyo malapit na ako't naririnig ko na ang kanilang mga boses ay umayos na ako ng tayo.

"— Freya ka nalang sumakay, Sigrid." boses ni Nathalie.

"E, hindi ko naman madadaanan 'yung papunta sa kanila." tugon ni Freya. "Kay Alanis nalang siya sumabay."

"Hindi rin puwede sa 'kin kasi may pupuntahan pa ako kasama 'yung Kuya ko." Tugon ni Alanis. "Madison, sa 'yo nalang siya sumabay."

"Hindi rin puwede sa 'kin kasi kailangan kong makauwi kaagad kasi kung idadaan ko si Sigrid sa kanila, matatagalan ako. Pasensiya ka na, Sigrid. Medyo pinaghigpitan kasi ako ngayon ng parents ko." wika ni Madison.

Bumuntong hininga ako dahil sa pagkadismaya sa mga kaibigan ni Sigrid. Mga walang kuwentang kaibigan. Ano naman 'yung ihatid nalang saglit si Sigrid sa kanila 'di ba? Napailing nalang ako saka bumalik sa pinanggalingan ko para kunwari ay kakarating ko lang ng parking lot.

"Hey, Girls!" Bati ko sa kanila nang makalapit uli ako sa kanila. "May problema ba?"

"E, ano namang pakialam mo?" pambabara ni Madison sa 'kin. Amazona talaga 'tong babaeng 'to.

"Baka lang naman makatulong ako — "

"Ikaw nga!" Putol ni Sabrina sa 'kin. "Ikaw ang solusyon sa problema namin tutal ikaw naman daw ang sumira sa bisikleta ni Sigrid na service niya sa pagpasok at pag-uwi."

"Sabrina." awat ni Sigrid sa kaibigan niyang ubod ng daldal. "Iwan mo na kami, Kenshi." Baling niya sa 'kin.

"Hindi ka pa puwedeng umalis." pigil ni Nathalie sa 'kin. "Ikaw na ang maghatid kay Sigrid sa kanila tutal malaki naman ang kasalanan mo sa kaniya."

"Sure — "

"Ako na." Napatingin kaming lahat sa pinanggalingan ng boses. Si Saiyan. "Ako na ang maghahatid kay Sigrid sa kanila." Wika nito.

"Ako ang naunang lumapit at tama sila, ako ang may kasalanan kung bakit nawalan ng service si Sigrid kaya dapat lang na ako ang maghatid sa kaniya ngayon." Sabi ko kay Saiyan.

"Wala akong tiwala sa 'yo." May kaanghangang tugon nito. "Ilang beses ng nasaktan si Sigrid sa mga kamay mo kaya umalis ka na, Kenshi. Ako na ang maghaha— "

"Siraulo ka ba?!" Bulyaw ko sa kaibigan ko. "Mahal ko si Sigrid at pinagsisisihan ko na ang lahat ng kagaguhang ginawa ko sa kaniya so Back off!"

"Puwede ba?! Kung gusto niyong mag-away na dalawa, 'wag niyo akong gawing dahilan!" salubong ang kilay na bulyaw ni Sigrid sa aming dalawa ni Saiyan. "Hindi ako sasama sa kahit na sino sa inyo kaya tumigil na kayo sa debate ninyong wala naman kakuwenta-kuwenta."

"I'm sorry .." Hinging paumanhin ni Saiyan kay Sigrid. "Alam mo namang mahal kita at hanggat maari, ayaw kong nilalapitan ka ng mga taong may sapak sa utak."

"Siraulo ka talaga!" Susugurin ko na sana ng suntok si Saiyan kaso may humila sa laylayan ng suot kong polo sa Likod.

"Tama na, okay?" masamang masama na ang tingin sa akin ni Madison. "Tigilan mo na ang pagpapakitang-gilas mo, Kenshi, kasi kung may dapat man kaming paniwalaan between you and Saiyan? Hindi ikaw 'yun." prangkang aniya. "Si Saiyan ang mas pagkakatiwalaan namin hindi ikaw kasi ikaw? Puro pasakit lang naman ang dinulot mo sa kaibigan namin, e. Mahal mo siya? Sigurado ka ba diyan?"

"Y-yes .."

"See? Nauutal ka kaya hindi ka sigurado." umiiling na saad ni Madison. Kung hindi lang kaibigan 'to ni Sigrid, Malamang kanina ko pa inupakan. "Huwag ka ng magpakitang-gilas sa kaibigan namin kasi hindi — Sigrid, Wait!" Sigaw niya kay Sigrid nang magtatakbo siya palayo sa amin.

"Sigrid!!!" Malakas na sigaw ko pero parang wala siyang narinig dahil nagpatuloy pa rin siya sa pagtakbo. "Fuck — "

"Huwag niyo na siyang sundan." Wika ni Alanis sa amin ni Saiyan. "Hayaan niyo na ang kaibigan namin dahil mas lalo lang siyang napapahamak at nasasaktan sa tuwing umaaligid kayo sa kaniya lalo ka na." Turo niya sa 'kin. "Huwag mong paglaruan ang kaibigan namin dahil wala siyang ginagawang masama sa 'yo."

Napailing nalang ako saka sila tinalikuran. Hindi ko na rin pinansin si Saiyan na nawalan na rin ng imik. Sumakay ako sa kotse ko at agad pinaandar saka nagmaneho paalis. Buwisit!


SIGRID'S POV :

Kainis naman! Bakit ba kasi na-flat pa 'yung gulong ng sinakyan kong Trike kanina? Tuloy inabot na ako ng gabi sa daan dahil naglalakad nalang ako ngayon tapos nagbabadya na rin ang ulan. Hays! Mababasa na naman ako nito.

*Peep! Peep!!*

Napalingon ako sa pinanggalingan ng magkasunod na busina ngunit nangunot lang ang noo ko nang makita kong kotse ni Kenshi iyon.

Anong ginagawa ng lalaking 'yan? Sinusundan ba ako?

Pinarada niya ang kotse niya sa gilid ng kalsada saka siya bumaba mula roon. No no no NO! Hindi siya puwedeng makalapit sa 'kin.

"Sigrid, Wait!!" napatigil ako sa pagtakbo dahil sa sigaw niya.

"Ano bang ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?"

"Y-yeah." He replied while rubbing his temple. "I'm sorry, okay? alam kong ayaw mo akong makita pero sorry ulit kasi hindi kita kayang tiisin."

"Bumalik ka na sa kotse mo at umuwi ka na."

"Sumakay ka na, ihahatid nalang kita." seryosong aniya.

"Huwag na. Malapit na rin lang naman ako sa bahay kaya 'wag ka ng mag-abala pa." Tugon ko.

"Sigrid, Please— Fuckk!!" Pagmumura niya nang biglang umambon. "Sumakay ka na kasi uulan na. Kapag naglakad ka, mababasa ka lang."

"Tama na ang pakitang-gilas, Kenshi. Wala na tayo sa School kaya tumigil ka na." Sabi ko.

Umiling siya. "Dito ka lang." aniya saka mabilis na bumalik sa kaniyang kotse saka niya binuksan ang pinto ng backseat at maya-maya lang ay may hawak na siyang payong.

Ano ba talagang gustong mangyari ng Shokoy na 'to?

"Here." Binuksan niya ang payong saka pilit pinahawak sa 'kin tapos ay seryosong tumitig sa 'kin. "Marami akong naging kasalanan sa 'yo na labis kong pinagsisisihan ngayon pero, Sigrid," bumuntong hininga pa siya kasabay ng unti-unting paglakas ng ulan. "Ang ginagawa kong 'to ay hindi para magpakitang-gilas sa 'yo O sa kahit kanino. Ginagawa ko 'to dahil mahal kita— "

"I don't believe you."

"—mahal kita at gusto kong bumawi at ipakitang seryoso ako sa 'yo. Gusto kong ipakita sa 'yo na hindi ako kasing sama ng iniisip mo. Na hindi ako kasing sama tulad ng pagkakakilala mo sa 'kin." puno ng sinseridad niyang wika. "Sigrid, I'm not expecting you to believe but at least, give me a chance to prove myself and my feelings to you." He added.

Huminga ako ng malalim. "Kunin mo na 'tong payong at bumalik ka na sa kotse mo." sabi ko na hindi man lang pinansin ang mga sinabi niya.

"No," Umiiling niyang tugon. "Kung ayaw mong sumakay sa kotse ko, Fine with me. Pero kunin mo na 'yang payong na 'yan para hindi ka mabasa dahil kapag nagkasakit ka, wala ako para alagaan ka kasi ayaw mo akong palapitin sa 'yo." Matamlay siyang ngumiti. "May Saiyan at Anthon ka nga pala." Pabulong niyang sabi pero narinig ko pa rin. "Sige na, umuwi ka na." aniya saka ako tinalikuran.

O 'di ba ang bastos? Pero teka, Bakit nadamay na naman ang pangalan ni Anthon?

Ah, alam ko na. Kasi nga, mag-HON kami ni bakla. haha! Kawawang Kenshi. Hanggang ngayon inaakala pa ring may relasyon kami ni Anthon.

*Peeeepp!*

Napatingin ulit ako sa kotse ni Kenshi ng bumusina ito pero bigla nalang siyang nag- U-Turn saka humarurot paalis. Ano 'yun? Bumusina para sabihing, Goodbye? Hays! Ang lalaking 'yun talaga. Ang hirap intindihin pero salamat sa payong niya dahil hindi ako basang makakarating ng bahay mamaya.

--

TO BE CONTINUED ..

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 56.7K 58
| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-proclaimed Queen Bee ng campus nila. "May...
270K 7.2K 13
(Pre-Book 2 of MFSBI) He's the eldest of the five brothers. Known as a prodigy in surgical operations, a talented doctor in his present age. Gifted...
3.8K 109 13
Walong taon makalipas ang laban sa paggitan ni Arcanus at ng Arcana Princess na si Anise, ay nagsimula ang kanyag panibagong buhay. Ngunit kung inaa...
90.1K 2.8K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...