THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔

By GarnetSiren

307K 16K 1.4K

7BB シ " SEVEN BAD BOYS " More

SYNOPSIS
DISCLAIMER
CHAPTER 1 - The Bad Boys
CHAPTER 2 - First Encounter
CHAPTER 3 - Seatmates
CHAPTER 4 - Bully vs. Nerd
CHAPTER 5 - First Kiss
CHAPTER 6 - SuperSaiyan
CHAPTER 7 - Worried Bully
CHAPTER 8 - SaiRid Moment
CHAPTER 9 - Sweet Revenge
CHAPTER 10 - His Smile
CHAPTER 11 - Sigrid's New Hero
CHAPTER 12 - His Nanny
CHAPTER 13 - You're Safe
CHAPTER 14 - Pretending
CHAPTER 15 - Sigrid vs. Sugar
CHAPTER 16 - Danger zone
CHAPTER 17 - Rivalry
CHAPTER 18 - The Vizcondes
CHAPTER 19 - Trouble
CHAPTER 20 - Jealousy
CHAPTER 21 - Saiyan's Confession
CHAPTER 22 - Mad Shokoy
CHAPTER 23 - Nanny No More
CHAPTER 24 - Dancing Señorita
CHAPTER 25 - The Twins
CHAPTER 26 - New Job
CHAPTER 27 - Reminiscing the Past
CHAPTER 28 - Beginning
CHAPTER 30 - Prank Gone Wrong
CHAPTER 31 - Shokoy's Love
CHAPTER 32 - The Truth
CHAPTER 33 - Preparations
CHAPTER 34 - Acquaintance Party
CHAPTER 35 - Moves like Saiyan
CHAPTER 36 - Unexpected Kiss
CHAPTER 37 - Necklace
CHAPTER 38 - Hidden keys
CHAPTER 39 - Never Give Up
CHAPTER 40 - Mission
CHAPTER 41 - Explosion of Hidden Secret
CHAPTER 42 - Mother 'n Son
CHAPTER 43 - DNA Result
CHAPTER 44 - Happy Family
CHAPTER 45 - The Bet
CHAPTER 46 - Pain of Yesterday
CHAPTER 47 - Starting Over Again
CHAPTER 48 - Emptiness
CHAPTER 49 - His Anger
CHAPTER 50 - Chocolate Cake
CHAPTER 51 - New Look
CHAPTER 52 - Enchanting Beauty
CHAPTER 53 - Magic Spell
CHAPTER 54 - Stolen Kiss
CHAPTER 55 - Magical Moment
CHAPTER 56 - The Almontes
CHAPTER 57 - Friends
CHAPTER 58 - First LQ
CHAPTER 59 - In Public
CHAPTER 60 - Kenshi's Heartbreak
CHAPTER 61 - Worried
CHAPTER 62 - Gummy Bear
CHAPTER 63 - Happiness to Disappointment
CHAPTER 64 - Tatay
CHAPTER 65 - Softhearted Shokoy
CHAPTER 66 - New Year ; New Battle
CHAPTER 67 - Camping
CHAPTER 68 - Fight Together
CHAPTER 69 - Trial
CHAPTER 70 - Wicked Plan
CHAPTER 71 - Wrong Move
CHAPTER 72 - Crying Shoulder
CHAPTER 73 - Family Bonding
CHAPTER 74 - Back To Reality
CHAPTER 75 - Time Flies So Fast
CHAPTER 76 - Daddy's Princess
CHAPTER 77 - Triumph
CHAPTER 78 - Bitter Prince
CHAPTER 79 - Letting Go
CHAPTER 80 - Betrayal
CHAPTER 81 - Goodbye
CHAPTER 82 - Alone Together
CHAPTER 83 - Just A Mistake
CHAPTER 84 - Good Bye
ANNOUNCEMENT!!

CHAPTER 29 - Accusation

2.8K 187 11
By GarnetSiren

GROVER’S POV :

Kakarating lang ni Mommy from her one week Convention meeting in Palawan kaso nagkulong din kaagad sa kaniyang Opisina kaya hindi ko na naman siya mahagilap.

“Minerva!!” Biglang umalingawngaw ang galit na boses ni Mommy sa buong bahay. “Minerva!”

“M-ma'am, B-bakit po?” Tanong ni Ate Minerva na nautal na rin dahil sa pagkataranta.

“Where’s my freaking Rolex watch, Minerva? Iniwan ko lang ‘yun sa Office ko tapos ngayon nawawala na!”

“Ma’am, Hindi ko po alam — ”

“Daughter of a bitch! Where the hell is— ”

“Mom, Relax.” awat ko kay Mommy at baka tumaas na naman ang Blood pressure niya. “Just calm down, okay? baka na-misplace niyo lang ‘yun. We’ll try to find it, okay? Just calm down.”

“Ma’am,” Napatingin kami kay Maya. “Alam ko po kung sinong kumuha ng Relos ninyo.” She said.

“Kumuha? What are you talking about? Hindi ako nagpapatira ng ahas sa pamamahay na ‘to.”

“E, hindi naman po nakatira dito sa bahay ninyo ang kumuha sa Relos ninyo, Ma’am, e.” Tugon ni Maya.

“What’s going on here?” Tanong ni Hopper while rubbing his eyes. Halatang kakagising lang ng Mokong. “So? Wala man lang sasagot sa ‘kin?”

Nawawala daw ang Rolex watch ni Mommy, nakita mo ba?” Tanong ko.

No.” He answered, Frowning. Saka bakit naman mawawalan ng Relos si Mommy? Tayo-tayo lang naman ang nandito.”

“That’s what i'm exactly saying.” i said. “Kaya malamang na-misplace lang ‘yun ni Mommy—

“Hindi pa ako ulyanin.” Putol ni Mommy sa ‘kin. Alam ko kung saan ko eksaktong iniwan ang Relos kong yon.” iritadong wika ni Mommy. “What were you saying again, Maya?” Baling niya sa kasambahay namin.

“Ma’am, Kilala ko po kung sinong kumuha ng nawawala niyong Relos.” Nakayukong aniya.

“Sino?” Kunot-noong tanong ni Hopper.

Yung kaklase po ninyo. Si Sigrid po.”

Sinungaling!” Bulyaw ni Hopper kay Maya. “Hindi mo kailangang pagbintangan ang taong hindi kayang gawin ang mga gano’ng bagay.”

Pero, Sir, nakita ko pong hawak niya ‘yun at nilagay niya yon sa bag niya nu’ng naglinis siya sa Office ni Ma’am Eleina last Saturday.”

“Damn! Kapag dumating si Sigrid dito — ”

“O, ayan na pala si Sigrid.” Wika ni Ate Minerva kaya napatingin kami sa pintuan at tama nga ang sinabi ni Ate Minerva dahil papalapit na siya sa amin nang may ngiti sa kaniyang labi. Ngayon mo sabihin kung anong nakita mo, Maya. Patunayan mong totoo ang binibintang mo.” Paghahamon nito kay Maya pero hindi na umimik ang huli.

“Good morning po.” Bati ni Sigrid sa aming lahat. Nakauwi na po pala kayo.” Nakangiting baling niya kay Mommy na bakas pa rin ang galit sa kaniyang mukha. Kumusta po?”

Saan mo dinala ang Relos ko, Sigrid?” Tanong ni Mommy kay Sigrid. Halata din ang gulat sa kaniyang mukha.

There’s something wrong. There’s someone else who did that. It’s not her.

SIGRID’S POV :

Saan ka na naman pupunta, Sigrid?” Tanong ni Lola sa ‘kin na halatang nagdududa na sa ginagawa kong pag-alis tuwing weekend. Huwag mong sabihing pupunta ka na naman sa bahay ng kaklase mo para gumawa ng kung ano na namang proyekto?” napayuko ako. Apo, may hindi ka ba sinasabi sa amin ng Lolo Gaudencio mo?” pang-uusisa ni Lola.

“E, Lola,” Napakamot ako sa ulo ko. “Lola, kasi, ano po ..” I took a deep breath. “Hays! Wala na talaga akong takas — ”

Anong wala ka ng takas?”

“Ah, hehe ..” Napakamot na naman ako sa ‘king ulo. “Wala na po kasi akong takas dahil na-corner na po ninyo ako kaya kailangan ko na pong sabihin sa inyo kung saan po talaga ako pumupunta tuwing weekends.”

“May ginagawa ka bang kalokohan?”

Hala! Ang Lola talaga.” inakbayan ko siya kahit gustung-gusto ko ng tumakbo bago pa niya ako makurot sa singit. Ang bait ko kaya. Umaalis po ako tuwing Sabado’t Linggo kasi po nagtatrabaho ako.”

Aba'y bata ka sinabi

Araayy! Lola—awwaraaayy!!” Tili ko habang pinipigilan ang kamay ng Lola kong kinukurot na naman ang tagiliran ko. Pero buti nalang hindi sa singit. Lola, tama na poaraayy!”

“Hindi ka namin inuutusan ng Lolo mo para magtrabaho dahil ang gusto namin ay ituon mo lang ang iyong atensyon sa pag-aaral mo tapos ngayon inilihim mo sa amin ang tungkol diyan?”

“E, ‘yun na nga po. Ayaw niyo kasi akong payagang magtrabaho kaya pasensiya na po kung naglihim ako sa inyo ni Lolo — ”

“At kailan mo naman sana balak ipaalam sa amin ang tungkol sa bagay na yan?”

“E, kumukuha lang naman po ako ng tamang tiyempo, Lola.” Sabi ko. “Sorry na po.”

Sinubukan kong lambingin si Lola pero hindi siya natinag dahil seryoso pa rin siyang nakatingin sa ‘kin.

Bumalik ka sa mga boss mo at magpaalam ka na sa kanila.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lola. Pero, Lola, mabait naman po sila, e. Kilala niyo naman yung kambal kong kaibigan di ba? Sa kanila po ako namamasukan — ”

“Kung anong sinabi ko, yun ang gawin mo.” Matigas ang tonong wika ni Lola. Magtrabaho ka kapag hindi ka na namin kayang igapang ng Lolo mo pero dahil nakakayanan pa naman namin, Wala kang dapat gawin kung hindi ang mag-aral. Nagkakaintindihan ba tayo, Sigrid?”

“Lola, kasi

Nagkakaintindihan ba tayo?”

Huminga ako ng malalim at saka unti-unting tumango. O-opo, Lola.”

Mabuti naman kung gano’n.”

“Sorry po, Lola.”

Her eyes softened. Wala kaming ibang gusto ng Lolo mo kundi ang mapabuti ka, Apo.” Malumanay niyang wika. Wala kaming ibang pinapangarap kundi ang makapagtapos ka at makakuha ng maayos na trabaho para kahit wala na kami dito sa mundo ng Lolo mo, Mapapanatag na ang aming mga kalooban dahil alam naming iiwan ka naming may maayos na pamumuhay.”

“Lola, naman. Huwag ka nga pong magsalita ng ganiyan.”

“Sigrid, sinasabi ko lang ito para sa susunod, hindi ka na maglilihim pa sa amin at isa pa, hindi natin hawak ang mga buhay natin, Apo.” aniya.

Tumango ako. Naglihim lang naman po ako dahil sa kagustuhan kong matulungan kayo ni Lolo.” Sabi ko.

“Salamat, Apo. Pero sa ngayon, ‘wag mo muna kaming intindihin dahil katulad ng sinabi ko, kaya ka pa naming igapang. Huwag mong isiping mahirapan kami ha? Ituon mo lang ang atensyon mo sa pag-aaral mo.”

Opo, Lola.”

Hala, sige na. Lumarga ka na. Puntahan mo ang mga Amo mo’t magpaalam ka ng maayos sa kanila, Apo.”

Wala na akong magagawa kundi ang sundin nalang si Lola. Mas mahirap kapag nagtampo siya. Mahirap suyuin.

Sige  po. Aalis na po ako.”

Uhm, Sige. Mag-ingat ka, Apo.”

Opo, la.”

Pinulot ko ang bag ko saka tinalikuran si Lola at lumabas na ng bahay. Nadatnan ko na dito ang sundo kong inutusan siguro ni Hopper o kaya ay ni Grover.

“Good morning po.” Bati ko sa matandang Driver ng mga Vizconde na si Tatay Orlando.

“Good morning, Beautiful.”

I giggled. Tatay Orlando, talaga. Masiyado ho kayong bolero. Tara na nga ho.”

Tinawanan lang ako nito bago binuhay ang makina ng kotse at nagsimula ng magmaneho patungo sa mga Vizconde.

Hays! Sayang naman ang trabaho ko sa mga Vizconde pero ayaw ko namang sumama pa lalo ang loob ng Lola ko at nasisiguro kong kapag nalaman din ni Lolo Gaudencio ang tungkol dito, sasama din ang loob niya. Hindi ko naman ‘ata kakayanin kapag nangyari 'yon.

PAGDATING namin ni Tatay Orlando sa Mansion ng mga Vizconde, Kaagad na akong lumabas ng kotse at pumasok rito.

Nabungaran ko si Ma’am Eleina at ang Kambal kasama sina Ate Minerva at Ate Maya pero halatang may tension na namamagitan sa kanilang lima na ikinabahala ko lalo na nang marinig ko ang pangalan kong binanggit ni Ate Minerva habang papalapit ako sa kanila.

“Good morning po.” Bati ko sa kanilang lahat pero walang sumagot kaya nakaramdam ako lalo ng pagkabahala. Nakauwi na po pala kayo.” Baling ko kay Ma’am Eleina. “Kumusta po?” Tanong ko pero tiningnan lang niya ako ng diretso’t seryoso.

Saan mo dinala ang Relos ko, Sigrid?” Biglang tanong ni Ma’am Eleina na ikinagulat ko.

P-po?” Dahil sa gulat ay nautal na rin ako. Anong Relos po, Ma’am?” Naguguluhang tanong ko.

“Ang tinutukoy ni Ma’am Eleina ay yung Rolex watch niyang kinuha mo sa kaniyang Drawer sa kaniyang opisina.” Sabad ni Ate Maya na mas lalong ikinagulat ko.

“Hindi ko po alam yan. W-wala po akong k-kinukuhang ganoon sa opisina ni — ”

“Kung hindi ikaw ang kumuha, bakit ka nauutal?” Naghahamong tanong ni Ma’am Eleina sa ‘kin.

“Hindi po kasi ako makapaniwalang pinagbibintangan po ninyo ako ngayon

“Hindi lang kami namimintang, Sigrid.” Putol ni Ate Maya sa ‘kin. Dahil may pruweba ako sa sinasabi ko.” aniya. Nakita kitang hawak mo ang Relos na ‘yun at inilagay mo diyan sa bag mo kaya Bakit hindi mo ipakita sa amin ngayon ang laman niyang bag mo?” Paghahamon pa niya sa ‘kin.

Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sa kaniya. Kahit kailan hindi ako nagnakaw at kahit kailan, hindi ko gagawin ang bagay na yan dahil pinalaki ako ng Lolo’t Lola ko ng may takot sa diyos.” Sabi ko na nagsisimula na ring mainis. “Isang beses lang akong pumasok sa Office ni Ma’am Eleina at hindi rin ako nagtagal doon dahil sinundo ako ni Ate Minerva.” Turo ko kay Ate Minerva na agad namang tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. “At mula noon, hindi na ako nagtangkang pumasok doon para maglinis. Kayo ni Ate Lora ang salitang pumapasok roon para maglinis — ”

Pinagbibintangan mo kami ni Lora, ganoon ba?” Putol ni Ate Maya sa ‘kin.

“Hindi, Ate Maya. Sinusubukan ko lang linisin ang pangalan ko dito.” Sabi ko. “At Itong bag ko?” Turo ko sa dala kong bag habang hindi inaalis ang tingin ko kay Ate Maya. Ilang beses ko ng binuksan ‘to dahil ito ang bag na gamit ko sa School pero wala akong nakitang Relos dito.” Sabi ko. Saka nu’ng nakaraang Sabado pa yung paglilinis ko sa Office ni Ma’am kaya kung totoong ninakaw ko, Sa tingin mo ba hahayaan kong mabulok lang ang Relos dito? Hindi, dahil sisiguraduhin kong may mapapala ako.” I added. Pero dahil gusto niyong makita,” initsa ko ang bag ko kay Ate Maya. Hayan, Buksan mo. Halughugin mo.”

“Sigrid, Calm down.” wika ni Grover.

Pasensiya na, Grover.” Sabi ko. “Ma’am Eleina,” Baling ko sa kaniyang ina. Salamat sa pagtanggap sa akin dito at pasensiya na dahil magpapaalam na din ako.” Magalang pa ring sabi ko dito bago ko binalingan si Hopper na nakatayo lang sa baitang ng hagdan. “Hopper, Salamat sa tulong mo.. ninyo ni Grover. Tatanawin kong malaking utang na loob yun sa inyo.” Sabi ko saka muling binalingan si Ate Maya na nagsimula ng buksan ang bag ko at inilabas lahat ng mga notes kong naroon. Dala-dala ko kasi ang mga ‘yon dahil sumasabay akong mag-aral sa Study room ng magkapatid.

Kampante akong walang makikita si Ate Maya dahil hindi naman totoo ang binibintang niya sa ‘kin pero ...

Heto.” Nanlaki ang mata ko nang itaas ni Ate Maya ang sinasabi nilang nawawalang Relos ni Ma’am Eleina. Tama ako di ba?” Baling nito sa ‘kin. Nakita kitang nilagay mo ‘to sa bag mo kaya sana umamin ka nalang.” aniya.

“P-pero wala akong alam — ”

Makakaalis ka na, Sigrid.” Putol ni Ma’am Eleina sa ‘kin. “At magmula ngayon, ayaw ko ng lumalapit ka pa sa mga anak ko dahil ayaw kong matutunan nila mula sa ‘yo kung paano magnakaw.”

“Mom — ”

“Shut up, Hopper!” Bulyaw ni Ma’am Eleina kay Hopper. “Minerva, palabasin mo na ang taong yan.” Baling niya kay Ate Minerva. “Maya, siguraduhin mong malinisan niyo ng maayos ang buong bahay dahil ayaw kong magkaroon dito ng bakas ng isang magnanakaw.” aniya na pinasadahan pa ako ng nandidiring tingin.

“Sigrid, Halika na — ”

“Ah, huwag na, Ate Minerva.” awat ko kay Ate Minerva nang akmang hahawakan niya ako sa braso. Kaya ko pong lumabas mag-isa.” Nakangiting sabi ko saka pinulot ang mga gamit kong nagkalat sa sahig dahil sa paghalungkat ni Ate Maya kanina at isa-isa iyong ibinalik sa loob ng bag ko.

Nang matapos ay tumayo ulit ako at saka huminga ng malalim bago sinulyapan sina Hopper at Grover saka ako tuluyang naglakad palabas ng kanilang bahay or should i say, Mansion. Hindi ko alam kung papaanong napunta sa Bag ko ang Relos na ‘yun ni Ma’am Eleina pero alam ko sa sarili kong malinis ang konsensiya ko at kahit na kailan, hindi ko magagawang magnakaw.


SAIYAN’S POV :

Phew!

Buwisit talaga ang Traffic na ‘yun. Kanina pa sana ako nakarating kila Hopper kung hindi lang dahil sa pisteng Traffic.

Wait!

Binagalan ko ang takbo ng kotse ko nang mapansin ko ang tila pamilyar na tao na nadaanan kong naglalakad at parang wala sa sarili.

Damn!

Inatras ko ang kotse ko hanggang sa mapantayan ko na siya. Ibinaba ko ang bintana sa passenger side. Tama nga ako. Si Sigrid. Galing ba siya sa bahay ng kambal? Pero ano namang gagawin niya kila Hopper at bakit siya naglalakad ngayon?

Hays!

“Sigrid!” Tawag ko sa kaniya pero parang wala siyang narinig dahil nakatuon pa rin ang atensyon niya sa daan. “Sigrid! Huy!” Hindi pa rin ako narinig. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad kaya patuloy lang din ako sa pagmamaneho paatras. “Hey!” Hindi pa rin ako narinig kaya ..

“Ay kalabaw!!” Nagulat siya dahil sa malakas na pitada ko. “Piste kang Driver ka! Bumaba ka nga dit— Saiyan?!”

Natawa ako nang makita ko ang panlalaki ng mga mata niya nang makita niyang ako ang nagmamaneho.

Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kaniya saka ko binuksan ang pintuan sa passenger side. Sumakay ka na.”

“Ah, Hindi na. Pauwi na ako, e.” Tugon niya.

Galing ka sa mga Vizconde?”

She nodded. Yeah.”

Bakit?” usisa ko.

Inikutan niya ako ng mata pero lihim din akong napangiti nang kusa na siyang sumakay at pumuwesto sa passenger seat.

Akala ko ba ayaw mong sumakay?” Nakangising tanong ko.

Ang sakit na kaya ng paa ko. Ang layu-layo na nga ng nilakad ko.” reklamo niya. “Kung bakit naman kasi walang sasakyan palabas dito sa Village nila.” Nakangusong dagdag niya. Tapos ang sama-sama pa ng ugali nila.”

Ugali nila? nino?” Kunot-noong tanong ko.

Wala.” Mahinang tugon ni Sigrid. “Tara na, Ihatid mo na ako sa amin.”

I chuckled. “Sure, Ma’am.”

Baliw.” She muttered.

Baliw sa ‘yo.” Nakangiting tugon ko bago muling binuhay ang makina ng kotse ko at nag U-Turn. “Gusto mong mamasyal sa amin?” Tanong ko na hindi ko rin alam kung bakit ko naitanong.

“Sa susunod nalang.” She replied, shaking her head. “Gusto ko na kasing makauwi.” dagdag niya sa malungkot na boses.

“May problema ba?” Tanong ko pero muli lang siyang umiling. “Sigrid, naman. Huwag ka namang mailang sa ‘kin dahil nanliligaw ako sa ‘yo — ”

“Nanliligaw ka ba? Hindi kaya.”

I smiled. “E, di sige. Magsisimula na akong manligaw sa ‘yo.” Nakangiti pa ring sabi ko saka siya sinulyapan. “Ang tanong, papayag ka ba?”

“Aba ewan ko.”

I laughed. “Magpapaalam ako kay Lolo Gaudencio at Lola Maurita mamaya at kapag pumayag sila, wala ka ng magagawa pa kundi hayaan nalang akong ligawan ka.” I said still smiling like a goddamn idiot.

“Huwag kang masiyadong umasa, Saiyan.”

I chuckled. “Wala ka kasing bilib sa ‘kin, e.” Sabi ko pero hindi na siya sumagot.

LUMIPAS ang ilang minuto, nanatili pa rin ang pagiging tahimik ni Sigrid. Hanggang sa nakita ko nalang siyang nagpapahid ng kaniyang luha.

“Sabi na, e.” Bumuntong hininga ako saka kinuha ang panyo ko sa bulsa at inabot ‘yun sa kaniya. “Here, ito ang gamitin mo hindi ‘yang likod ng palad mo.” Sabi ko.

“Hmp!” pagtataray niya pero tinanggap din naman niya kahit papa’no ang panyong inaabot ko sa kaniya. “Thanks.”

“Hanep ka rin, e. Nagagawa mo pa akong tarayan kahit sisinghot singhot ka na diyan.” Hindi siya umimik kaya saglit akong sumulyap sa kaniya. Nagpupunas na naman ng kaniyang Luha. Hays! Napailing ako at muling itinuon ang paningin ko sa daan. “Anong problema, Sigrid?” I asked. “Alam mo namang lagi akong handang makinig — ”

“Naninilbihan ako kila Hopper.” aniya na ikinagulat ko. “Yaya ako ni Kenshi dati pero dahil inalis niya ako sa trabaho ko as his Nanny, nag-offer naman si Hopper sa ‘kin ng tulong at dahil kailangan ko nga ng Part-time Job, tinanggap ko ang Offer niya.” Salaysay niya. “Dinala niya ako sa kanila at ipinakilala sa Mommy niya. Naging mabait naman sa ‘kin si Ma’am Eleina dahil kaagad niya akong binigyan ng trabaho — ”

“As their maid?” I cut her off and she nodded.

“Oo. Bilang katulong nila. Pero ayos lang naman sa ‘kin ‘yun kasi tuwing weekend lang naman ako pumupunta sa kanila.”

“Kaya ka nando’n kanina?” She nodded. “E, anong nangyari?”

“Nalaman ni Lola ang tungkol sa lihim kong paninilbihan sa mga Vizconde kaya inutusan niya akong magpaalam na sa kanila dahil ayaw niya akong magtrabaho habang nag-aaral.” Tugon niya. “Kaso pagdating ko roon kanina, pinaratangan naman akong nagnakaw sa Rolex watch ni Ma’am Eleina.” pinunasan niya ang kaniyang luhang biglang tumulo. “Pero, Saiyan, Sa maniwala ka’t hindi,” Tumitig pa siya sa ‘kin. “Hindi ko ginawa ‘yun. Hindi ko kayang magnakaw kaya hindi ko alam kung paano napunta sa Bag ko ‘yung Relos na ‘yun ni Ma’am Eleina.” She’s now crying. “Saiyan, hindi ko magagawa ‘yun lalo na sa pamilya nila Hopper. H-hindi ako ganoong Tao. H-hindi ako M-magnanakaw at — ”

“Sshhh.. ” inabot ko ang kamay niya at buong tapang na hinawakan iyon. “Naniniwala ako sa ‘yo, Okay? At huwag kang mag-alala, papatunayan nating hindi ikaw ang nagnakaw ng Relos ni Tita Eleina. Akong bahala kaya kumalma ka na.” Sabi ko. “Kakausapin ko mamaya sina Hopper at Grover, okay?”

She nodded.  “Thank you, Saiyan.”

“I’m always here for you, Sigrid.” Nakangiting sabi ko dahilan para mag-iwas siya ng tingin sa ‘kin na mas ikinalapad ng ngiti ko. “May 20 minutes pa tayo bago makarating sa inyo. Bakit hindi ka nalang muna umidlip?”

“Huwag na. Baka kung saan mo pa ako dalhin.”

I let out a heartily laugh. Damn! “God, Sigrid. Hindi ako kidnapper, okay? Pero puwede na rin,” I glanced at her. “Kung ikaw ang biktima ko.”

“Heh! Manahimik ka nga diyan. Idlip muna ako.”

“Gusto mo rin naman pala, e.” i said, smirking.

Hindi na niya ako kinibo hanggang sa makita ko nalang na nakapikit na ang kaniyang mga mata. Napangiti nalang ako. At least ngayon nalaman ko at naramdaman kong hindi na naiilang sa ‘kin si Sigrid.

But hell! Anong karapatan nilang paratangan ang babaeng mahal ko na isang magnanakaw? Kapag nalaman ko kung sino ang tunay na magnanakaw, ako pa mismo ang magpapakulong sa animal. Humanda siya sa ‘kin.

--
TO BE CONTINUED ..

Continue Reading

You'll Also Like

43.2K 2K 64
Gaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magu...
101K 3K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
4.8K 129 5
(ON-GOING) BAD BOY SERIES #2 Dulot ng pagkamatay ng mga magulang ni Shiyoon, namulat siya sa marahas at madilim na katotohanang nagtatago sa mundo. N...
8.9K 1K 37
Tyra Jane Montefalco a spoiled brat, known as queen bee in their school and lastly a bully what if this spoiled brat meet her match. Kairo Miguel San...