My Twisted Happily Ever After...

By BlueAmazon

68.2K 1.5K 118

[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #3: Leann Rain Just when she thought everything was everlasting fate made t... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Love C.
Special Chapter

Chapter 26

1.4K 39 0
By BlueAmazon

Chapter 26

Lumapit sa akin si Leena. Mas nakita ko yung tyan na at talaga ngang buntis siya. No sht included. Damn it. Umiling siya, "I'm sorry, Leann. I meant no harm. I'll go home." saka niya nilingon ang lola ni EJ at nagusap sila sa French. Wala na akong panahon para intindihin pa ang sinasabi nila. 

Lumapit sa akin si EJ, "Love..." tawag niya pero di ako sumagot. Nanuyo na ata ang lalamunan ko. Nakalimutan ko na ata paano huminga. Hindi ko na yata alam paano magsalita. Isa lang ang rumirehistro ngayon sa utak ko. 

Masakit. 

Yun. Nasasaktan ako pero hindi ko alam paano papatigilin ito. Bakit ba lagi nalang akong hinahabol ng mga nakaraan ko? Kelan ba kasi ako sasaya? The hell wala ba akong karapatang sumaya? 

Ano kasi ang kasalanan ko? Na nagmahal ako? Kasalanan ba yun? Ayoko ng ganito. Yung malalaman mo na hirap kang mabuntis tapos madadagdagan pa na malalaman mo yung babaeng pinatos ng asawa mo e buntis! Ano mararamdaman mo? Masakit. Walang katulad na sakit. Wala lang yung physical pain. 

"Stop it!" sigaw ni Leena sa lola ni EJ na nagpabalik sa akin sa katinuan. 

Naglakad ako papunta sa kanya. I'm fuming mad and to say that I'm hurt would be an understatement. I'm more than hurt! It's like I'm dying emotionally. Bakit ba hindi nalang nila ako pinatay? 

Wala nang mas sasakit pa sa katotohanan na may posibilidad na baog ako tapos si EJ may anak sa ibang babae. Walang kasalanan ang bata pero ang sakit kasi. Para kasing sinasampal sa akin na, wala! Hindi ako magkakaanak kahit gustuhin ko dahil sa aksidenteng hindi ko malaman laman ang may gawa! 

Isang malakas na sampal ang binigay ko kay Leena. To the point na napaupo siya sa sahig. I couldn't care kung makunan siya. Ang nakafocus sa akin ngayon ay ang pain ko. Wala akong pakialam sa nararamdaman nila. 

Naramdaman ko na napahigpit ang hawak ni EJ sa akin, "Damn it! Leena!" aniya at nabitiwan ako saka lumapit kay Leena na mamasa masa na ang mata. "Do you really have to steal what's mine?!" naiiyak na sigaw ko. I don't fcking care if I look damn pathetic right now. I just don't care anymore. 

"Love! Leann! Stop!" aniya nang mas lumapit pa ako sa walang magawang buntis at sinabunutan siya, "Lintek ka! He's mine! You get it? He's mine!" sigaw ko at sinampal siya. Nabalik nalang ako sa katinuan nang itulak na ako ni EJ at napaupo ako sa sahig. Natamaan din sa pader ang ulo ko. Medyo nagblack out ang tingin ko. 

"I'm not sure if this baby or mine but you don't have to hurt Leena!" sigaw ni EJ habang nagtatagis ang bagang at masama ang tingin sa akin. Nalaglag ang panga ko. 

Did he just...say that? 

"What did you say?" tanong ko. Ano bang point niya? The hell! Pinaglalaban ko lang siya ako na ang masama!? What the hell is wrong with him!? 

"I said, stop being a bitch about it! We'll figure everything out! Stop overreacting!" pagkasabi na pagkasabi niya ng mga salitang yun ay sunod sunod na nalaglag ang luha ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na nag-iwas ng tingin ang lola ni EJ. Now she's guilty? Too late for that. 

Pagkakita sa akin ni EJ ay akmang lalapit siya sa akin. Yung mga mata niyang kanina ay puno ng galit dahil baka may masamang mangyari sa bata ay napalitan rin ng guilt. Again, it's too late for that. 

Nasabi na nila ang nasa loob nila diba? Na ang paglalaban ko kay EJ ay pago-over react ko lang? 

"John! Oh my gosh! My baby!" sigaw ni Leena na nakapagpabalik sa aming lahat sa ulirat. Parang pinupunit ang puso ko ng bumalik ang galit sa mata ni EJ at sa pagkarga niya kay Leena, "We'll talk about this later." aniya at naglakad na papunta sa pinto. 

"EJ, wait!" sigaw ko habang nanginginig ang kamay at paa ko. Bago siya umalis may gusto akong malaman. Hinarap niya ako at halatang nagmamadali, "Sasama ka? Bilisan mo. Baka mapano si Leena." halos mapamura ako. Tangina! Anong tingin niya sa akin? Ganun katanga? May posibilidad na anak niya ang bata. Talagang papatayin ko emotionally ang sarili ko? 

"No, pero may gusto akong malaman." tumaas ang kilay niya. Isang gesture na sinasabing 'ano yun?' "Di ba makakapaghintay yan mamaya? May mas importante pa akong gagawin." saka siya naglakad ulit. Di ko na napigilang magbanta. 

"Kapag umalis ka ng bahay na to at hindi ako sinasagot hindi mo na ako maabutan." humarap siya sa akin at kita ko na ang pagkairita sa mukha niya, "Wala akong panahon sa mga kaarteha--" 

"Pumili ka, ako o sila?" pagputol ko sa dapat niyang sabihin. Natigilan siya at kumunot ang noo, "Leann? What the--" naputol siyang muli nang sumigaw na si Leena. Aalis na ulit sana siya pero tinawag ko ulit. 

Sagot lang. Sumagot lang siya. Ayoko kasing magmukhang tanga. 

"EJ, sumagot ka." ani ko. Bumuntong hininga siya at lumapit sa akin. Yumuko siya, "You know I love you right?" tanong niya. 

Yun palang alam ko na kung anong sagot niya at panay na ang tulo ng mga luha ko sa mata. Kahit pa hindi niya pa tinatapos alam ko na. Alam na alam ko na. 

"I'm sorry pero kailangan nila ako." saka siya umalis at hindi na ako nilingon. Napaupo ako at humagulhol.  Now that I think of it, am I that selfish? Dapat siguro no, hindi ko nalang siya pinapili edi sana hindi niya ako sasagutin nun. 

Pero kailangan ko rin ng sagot. Hindi kasi pwedeng ganito. Kung anak niya yun talagang mas dapat niyang paglaanan ng pansin ang bata. At hindi ko kaya yun. PAra kasing paulit ulit na sinasampal sa akin na wala kaming anak. 

Hindi nakaligtas sa akin yung kakaibang sigla nung mata niya nung sinabi nung lola niya na buntis si Leena. Kahit pa hindi ko yun anak alam kong matagal niya nang gustong maging tatay at masakit sa akin bilang babae, bilang asawa na hindi ko maibigay yun sa kanya. Nakakaloko lang kasi talaga e. 

"I'll give you a deal," narinig kong saad ng lola ni EJ. I knew she was there watching all the freaking time but she didn't do anything. Besides, why would she? She was the one who wanted this anyway. 

"That wouldn't work now right? He chose Leena. I don't need to be slapped by the truth twice. Once is enough." ani ko at tumayo na. I have to fix my things and call Ej's ninong. Yung nagkasal sa amin sa France. This marriage wouldn't work anymore. Besides, mga bata pa kami at isang maling desisyon na nagpakasal kami. Tha hell, what were we thinking? Sinaktan lang namin ang sarili namin.

"If you would be able to give him a child. I won't bother you anymore." ani ng lola niya. Napatigil ako at gigil na hinarap ang lola niya. "What for? Hindi pa ba sapat na nasaktan na ako kanina? Gusto mo saktan pa ako uli? Ganyan ka ba kasama!?" mukhang naguluhan siya kaya dinagdagan ko. "I had an accident that caused an imbalance in my system. Pwede akong hindi magkaanak! Kaya isang malaking sampal sa akin na buntis si Leena at ako na asawa ng isang taon e hindi! Ano to? gaguhan? At lahat ng sakit na ito dahil sa'yo! Salamat ha?" saad ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko. 

Lumambot ang mga mata niya, "I don't--I didn't know--I..." di niya matapos tapos ang sasabihin niya kaya't nagsimula na ako, "Wala ka naman talagang alam!" saka ko siya iniwan doon at umakyat sa kwarto ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa nakatulog na ako. 

Nang magising ako ay alas sais na ng gabi. Nilingon ko ang tabi ko at nakitang wala pa si EJ. Malamang nasa ospital pa 'yon. Naligo at naglinis ng katawan bago nagbihis. Nang matapos na ako ay minaneho ko ang sasakyan ko papunta sa ospital na pinakamalapit. Alam kong doon dadalhin ni EJ si Leena. 

I kind of feel guilty kasi wala naman kasalanan yun bata. Nakain ako ng inggit at galit ko kaya ko nagawa yun. I just hope ligtas na sila. I also have to talk to EJ. 

This marriage is useless. Parang ginagawa lang namin siyang laro. We were so inlove that we forgot about ourselves. We forgot about what life is. 

Nung natulog ako parang napaniginipan ko lahat. And napagisip isip ko na dapat tapusin nalang namin ito. Not having a baby is also a blessing in disguise. Yung anak nila ni Leena, he/she deserves a family. 

And I'm going to make that happen. 

"Miss excuse me, you know where Leena is?" kumunot ang noo ng nurse na pinagtanungan ko, "Leena Fortalejo?" tanong nito pabalik. Tumango nalang ako. Di ko naman alam anong apelyido niya e. "Yung buntis po ba ma'am? Nasa room 505 na po." tumango naman ako at nagpasalamat.

Habang nasa elevator ako ay maayos na ang isip ko at kahit pa sino ay hindi na ito mababago. We need this. I need this. 

Nang makarating ako sa 5th floor ay agad kong hinanap ang room 505. Nakita ko si EJ sa nurse station kaya't pasimple akong pumunta sa room ni Leena ng makita ko na. Medyo malayo ang nurse station kaya't ayos lang to. 

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita kong nakadextrose at nakapikit si Leena, "Ej I told you to go back to Leann. I don't need you here." sagot niya habang nakapikit parin. 

"Of course you do." ani ko. 

Agad niyang idinilat ang mga mata niya, "W-what are you doing here?" nanginginig siya at automatically napadapo ang kamay sa kanyang umbok na tiyan. Ngumiti ako ng malungkot, "I'm sorry." saka ako yumuko at naglakad papalapit sa kanya. 

"I was wrong. You need EJ. I shouldn't have ask him that." ani ko habang tinutukoy yung pagpapapili ko sa pagitan ng sarili ko at ni Leena. Diniinan ko ang 'you'. Umiling siya. "I should be the one to ask for your forgiveness. I didn't know what grandma was thinking when she brought me here." nag-angat siya ng tingin, "What you said to me, on your last day knocked some sense to me. I'm worth it and I shouldn't be chasing a guy who doesn't even want me. Hell, I don't know what was I thinking when I gave him aphrodaisiac." ngumiti siya. 

"I'll file a divorce." ani ko habang nakangiti. Nabura naman agad ang ngiti niya at namutla, "No! No! Don't do that! Oh gosh. What have I done?" aniya at halatang nagpapanic. Hinawakan ko ang kamay niya, "No, we need this. I need this. We were only together for a few months and believe me, I think our marriage was only a spur of the moment." ani ko pero kada letrang binibigkas ko ay halos hiwain ang puso ko. 

Isa lang ang motivation ko ngayon: I need this. 

Umiling siya, "No! Don't do this. You love each other." pakiusap niya pero umiling ako. Gaya ng sinabi ko walang makakapagpabago ng isip ko. It's final at kahit emotions ko ay di na ito mababago. Kailangan namin ito. 

"We do but again, we need this." tumayo na ako at nginitian siya, "If someone would tell me a year ago that I'll give my husband to someone else I would've laugh. I mean, it's ridiculous. But I guess, I really have to give him to you. You need him." hinawakan ko ang kamay niya at pakiramdam ko may bara sa lalamunan ko, "Please take care of him and of course the baby. I'm sorry." saka ako umalis ng kwarto. 

Napatingin si EJ sa akin at nanigas pero nginitian ko lang siya at umalis. 

Pagkasakay ko sa kotse ko ay agad kong kinalikot ang cellphone ko at tinawagan ang taong kailangan ko ngayon, "Hello ninong?" 

["Leann? Bakit?"] huminga ako ng malalim. I can do it. 

"Ninong I wan't  to file a divorce." 

Continue Reading

You'll Also Like

81.1K 422 9
They say that those who find the love of their life are fortunate, as not everyone can experience such a profound connection. A love that is strong...
1M 34.8K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
54.3K 1.8K 69
There is no other guy like Samuel Dalton. Siya ang tipo ng lalaking babalik sa sistema mo kapag nasa bingit ka na ng tuluyang pagkalimot sa kaniya. A...
286K 5.6K 16
Masakit? Masakit. Lalo na kapag na friendzoned. Tulad ko, frienzoned ako pero akala ko lang pala. Cover by @-euluxuria