THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔

By GarnetSiren

307K 16K 1.4K

7BB シ " SEVEN BAD BOYS " More

SYNOPSIS
DISCLAIMER
CHAPTER 1 - The Bad Boys
CHAPTER 2 - First Encounter
CHAPTER 3 - Seatmates
CHAPTER 4 - Bully vs. Nerd
CHAPTER 5 - First Kiss
CHAPTER 6 - SuperSaiyan
CHAPTER 7 - Worried Bully
CHAPTER 8 - SaiRid Moment
CHAPTER 9 - Sweet Revenge
CHAPTER 10 - His Smile
CHAPTER 11 - Sigrid's New Hero
CHAPTER 12 - His Nanny
CHAPTER 13 - You're Safe
CHAPTER 14 - Pretending
CHAPTER 15 - Sigrid vs. Sugar
CHAPTER 16 - Danger zone
CHAPTER 17 - Rivalry
CHAPTER 18 - The Vizcondes
CHAPTER 19 - Trouble
CHAPTER 20 - Jealousy
CHAPTER 21 - Saiyan's Confession
CHAPTER 22 - Mad Shokoy
CHAPTER 23 - Nanny No More
CHAPTER 24 - Dancing Señorita
CHAPTER 26 - New Job
CHAPTER 27 - Reminiscing the Past
CHAPTER 28 - Beginning
CHAPTER 29 - Accusation
CHAPTER 30 - Prank Gone Wrong
CHAPTER 31 - Shokoy's Love
CHAPTER 32 - The Truth
CHAPTER 33 - Preparations
CHAPTER 34 - Acquaintance Party
CHAPTER 35 - Moves like Saiyan
CHAPTER 36 - Unexpected Kiss
CHAPTER 37 - Necklace
CHAPTER 38 - Hidden keys
CHAPTER 39 - Never Give Up
CHAPTER 40 - Mission
CHAPTER 41 - Explosion of Hidden Secret
CHAPTER 42 - Mother 'n Son
CHAPTER 43 - DNA Result
CHAPTER 44 - Happy Family
CHAPTER 45 - The Bet
CHAPTER 46 - Pain of Yesterday
CHAPTER 47 - Starting Over Again
CHAPTER 48 - Emptiness
CHAPTER 49 - His Anger
CHAPTER 50 - Chocolate Cake
CHAPTER 51 - New Look
CHAPTER 52 - Enchanting Beauty
CHAPTER 53 - Magic Spell
CHAPTER 54 - Stolen Kiss
CHAPTER 55 - Magical Moment
CHAPTER 56 - The Almontes
CHAPTER 57 - Friends
CHAPTER 58 - First LQ
CHAPTER 59 - In Public
CHAPTER 60 - Kenshi's Heartbreak
CHAPTER 61 - Worried
CHAPTER 62 - Gummy Bear
CHAPTER 63 - Happiness to Disappointment
CHAPTER 64 - Tatay
CHAPTER 65 - Softhearted Shokoy
CHAPTER 66 - New Year ; New Battle
CHAPTER 67 - Camping
CHAPTER 68 - Fight Together
CHAPTER 69 - Trial
CHAPTER 70 - Wicked Plan
CHAPTER 71 - Wrong Move
CHAPTER 72 - Crying Shoulder
CHAPTER 73 - Family Bonding
CHAPTER 74 - Back To Reality
CHAPTER 75 - Time Flies So Fast
CHAPTER 76 - Daddy's Princess
CHAPTER 77 - Triumph
CHAPTER 78 - Bitter Prince
CHAPTER 79 - Letting Go
CHAPTER 80 - Betrayal
CHAPTER 81 - Goodbye
CHAPTER 82 - Alone Together
CHAPTER 83 - Just A Mistake
CHAPTER 84 - Good Bye
ANNOUNCEMENT!!

CHAPTER 25 - The Twins

3.1K 192 9
By GarnetSiren

SIGRID'S POV :

SABADO. Ngayon ako susunduin ni Hopper pero hindi ko alam kung tutuloy pa siya kasi hindi na namin napag-uusapan pa nitong nagdaang araw ang tungkol sa pagtulong niya sa aking humanap ng ibang part-time Job.

"Good morning, Nanay Bining!" Masiglang bati ko sa Aleng may-ari ng poso kung saan kami nag-iigib ng tubig.

"Good morning, Sigrid. Ngayon lang ulit kita nakita dito, a?"

"E, wala ka naman po kasi nitong mga nakaraang araw, Nanay, kaya ngayon mo lang ulit ako nakita pero palagi naman po akong nandito sa inyo para mag-igib." Nakangiting sabi ko.

"Hehe.." Natawa si Nanay Bining. "Galing kasi ako sa probinsiya namin, 'ne, at kakauwi ko lang kahapon. Teka, hintayin mo ako dito't kukunin ko lang sa loob ng bahay ang pasalubong ko sa iyo." aniya saka dali-daling pumasok sa loob ng kanilang bahay.

Napangiti nalang ako.

“O, heto..” inabot ni Nanay Bining sa akin ang isang sako. “May kaunting bigas diyan at mga gulay, ‘ne, kaya makakalibre kayo ng pagkain ng ilang araw.” Nakangiting aniya.

“Naku! Salamat, 'nay!” Napayakap ako ng wala sa oras sa Ale dahil sa sobrang tuwa. “Maraming salamat po.”

“Ay teka, ipapahatid nalang kita sa — ”

“Ay, ‘wag na ho, 'nay. Kaya ko na ho ito saka malapit lang naman ang bahay namin, e.” Nakangiting sabi ko. “Sige, ‘nay. Iuuwi ko ho muna itong mga bigay ninyo. Babalikan ko nalang mamaya itong inigib kong tubig.”

“O, sige. Pero sigurado ka bang kaya mo?”

“Kayang kaya, ‘nay.”

Tinawanan ako ni Nanay kaya natawa na rin ako. Binuhat ko ang bigay niya saka tinahak ang daan pauwi ng bahay namin. Nakakatuwa naman talaga ang mga kapitbahay namin dito. Parang magkakadugo na rin kami dahil sa turingan naming hindi na naiiba sa isang tunay na pamilya.

Kaninong kotse ‘yon?

“Ate Ganda!” Tawag sa ‘kin ng batang si Totoy. Anak ng mag-asawang nakatira sa bahay sa likod ng bahay namin. “Ate Ganda!”

“Totoy naman, e. Huwag mo akong tawagin ng ganiyan kasi hindi naman ako maganda.” maktol kong parang bata. “Ano bang problema mo bata ka?”

Humagikhik siya saka hinawakan ang laylayan ng suot kong lumang T-shirt.

“E, kasi po may nakita akong guwapong lalake du'n sa bahay ninyo.” kinikilig na aniya. Bakla talaga ang batang ‘to. “Ate Ganda, Halika na. Ipakilala mo ako sa kaniya. Dali na.”

“Uy teka! Huwag mo akong hilain baka mabitawan ko ‘to.”

“Ay, sorry po.. hehe.”

“Nako, Totoy—

“Trina, Ate Ganda. Trina ang pangalan ko.”

Humagalpak ako ng tawa habang naglalakad. “Totoy nga daw sabi ng Tatay mo.”

“Yak! ang baho kaya ng Totoy.”

“Ay nako, ewan ko sa ‘yo. Halika na nga.”

Magkasama na kaming naglakad pauwi ng bahay dahil gusto daw niyang makilala ang guwapo naming bisita na hindi ko rin naman alam kung sino ang guwapong ‘yon.

“Lolo, Lola?!” Tawag ko sa Lolo't Lola ko kahit nasa labas pa ako ng bahay. “Halika, To— este Trina. Pumasok ka muna.” aya ko sa batang kasama ko na agad namang ngumiti ng pagkalapad-lapad. “Nandito na po— Hopper? Grover?”

“Ay! Dalawa pala sila at ang popogi!!” Nakakabinging tili ng batang kasama ko.

“Toy, behave.” Sabi ko sa bata na kaagad namang tumango at nagtakip ng bibig.

Binalingan ko ang magkapatid. “Akala ko hindi ka na dadating.” Sabi ko kay Hopper saka ibinaba ang sako ng bigas at gulay sa silya. “At nagsama ka pa ha? Ano? Natatakot kang pumunta dito mag-isa?” Mapanuksong tanong ko.

“Hindi, a.” Tugon ni Hopper na napakamot pa sa kaniyang ulo.

Natawa nalang ako. “Nakilala na ba ninyo ang Lolo't Lola ko?”

“Uhm,”  Tumango si Grover. “Akala nga namin diyan sa bahay sa likod ka nakatira.” natatawang aniya. “Mabuti nalang at nagtanong kami kay Lolo tapos nagkataon namang siya pala ang Lolo mo.”

I giggled. “Bahay nila Totoy— ”

“Ehem..” Tumikhim ang batang katabi ko. “Bahay po namin ‘yung nasa likod nitong bahay nila Ate Ganda at ako po pala si Trina.”

“Ay serena!” Bulalas ni Grover kaya nagtawanan kaming lahat.

“Pretty naman.” Tugon ni Totoy na mas ikinatawa pa namin.

“Tama na nga ‘yan.” awat ko sa kanila. “Lolo, Lola,” Binitbit ko ulit ang bigay ni Nanay Bining sa ‘kin saka lumapit sa Lolo at Lola kong nakikisabay rin sa pagbibiruan namin. “Heto po, bigay po ni Nanay Bining na kakagaling lang sa probinsiya nila.” Sabi ko saka inabot kay Lolo ang sako.

“Aba'y salamat naman at halatang makakalibre tayo ngayon ng ilang araw.” Wika ni Lola Maurita. “Halika, Gaudencio. Dalhin mo ‘yan sa kusina nang maiayos ko na para hindi kaagad mabulok.”

“Siya. Maiwan na muna namin kayo dito mga apo.” wika ni Lolo sa amin. “Ikaw na muna ang bahala sa mga guwapong binatang ito, Sigrid.”

“Yess!!” Sigaw ni Grover na napasuntok pa sa hangin. “I told you, Sigrid. Guwapo talaga ako.”

“Mas guwapo po kaya ‘yang kasama mo, Kuya.” Kontra ni Totoy kay Grover na ikinabusangot ng huli.

“Serenang ‘to.” Parang bata si Grover na pinandilatan ng mata si Totoy.

“Ay nako. Mga bata talaga.” Nakangiting sambit ni Lolo. “Sige, maiwan na namin kayo ng Lola ninyo at aayusin muna namin ‘tong mga ‘to.” Tukoy ng Lolo ko sa laman ng sakong inuwi ko.

Uupo na sana ako sa tabi ng kambal nang bigla kong maalala ang naiwan kong tubig kila Nanay Bining.

“Teka, babalikan ko muna ‘yung inigib kong tubig. Dito nalang muna kayo.” Paalam ko sa magkapatid.

“Wait. Ako nalang ang kukuha.” Presinta ni Grover.

“Ay, hindi. Ako nalang. Dito— ”

“Kuya Pogi, halika na.” Nagulat ako nang biglang lapitan ng batang si Totoy si Grover. Hinawakan niya sa kamay saka hinila. “Sasamahan kita at ituturo ko kung saan nag-iigib ang Ate Ganda ko.”

“Totoy— ”

“Quiet, Ate Ganda. Ako na ang bahala kay Kuya Pogi.” Putol ng bata sa ‘kin saka hinila ulit palabas ng bahay si Grover na wala na ring nagawa kundi magpatangay nalang sa hila ng batang kasama niya.

Ang batang ‘to. Katorse anyos palang pero kumekerengkeng na rin. Nako. Yari na naman ‘to sa Tatay niya tiyak.

“So,” Dahan-dahan akong lumapit kay Hopper saka naupo sa tabi niya. “Ahm, nandito ka ba para dun sa pangako mo sa ‘kin?” Medyo nahihiyang tanong ko.

“Yeah. Oo naman.” Nakangiting tugon ni Hopper. “A promise is a promise. Makulit lang kasi si Grover kaya sinama ko na.” aniya.

“Oh, hehe.. pasensiya ka na pala dito sa bahay namin, a? Alam mo namang mahirap lang kami, e.”

“Princess, hindi mo dapat ihingi ng paumanhin kung ganito ang bahay ninyong nadatnan namin. Bilib nga ako sa ‘yo kasi kahit ganito lang ang Lifestyle na mayro'n kayo, Nakapasok ka pa rin ng HIS. 'di ba nakakabilib ‘yon?” Kitang kita ko ang paghanga sa mga mata ni Hopper kaya natitiyak kong nagsasabi nga siya ng totoo.

“Tss. Ako pa ba?” pagyayabang ko. “Pero thank you kasi nandito ka at mukha namang tutuparin mo talaga ‘yung pinangako mo sa ‘kin pero sana hindi ‘yung pagbebenta ng laman-loob ha kasi mahal na mahal ko ang mga organs ko.” Natawa si Hopper sa sinabi ko. “Saka nga pala, hindi pala alam ng Grandparents ko ang tungkol dito sa pagpasok-pasok ko ng mga trabaho kasi sa totoo lang, ayaw nila akong magtrabaho habang nag-aaral ako.”

“Hala? e, pa'no na ‘yan? Pa'no 'pag nalaman nila?”

“Basta hindi ninyo sasabihin ni Grover sa kanila, walang magiging problema.” Seryosong sabi ko. “Ayaw kong magsinungaling sa kanila kasi ang bigat sa dibdib pero no choice ako, e. Mas pipiliin ko na ang magsinungaling sa kanila kung kapalit nun ay ang matulungan ko sila.”

Ngumiti si Hopper saka ako inakbayan. “Don't worry. Your secret is safe with me and even with my twin brother. Hindi kami tsismoso kaya wala kang dapat ipag-alala, Princess.”

“Promise?”

“Woah!” Sigaw ni Grover na hingal na hingal. “Ang bigat, Lord!”

Natawa ako sa kaniya pero muli akong napatingin kay Hopper nang tapikin niya ang balikat ko. “I promise, Princess.” aniya na kinindatan pa ako.

I smiled at him and mouthed Thank you to him before i stood up and walks towards his twin brother. Grover.

“Nasaan ‘yung tubig?” Tanong ko.

“N-nasa labas. hehe..” Kinamot pa niya ang batok niya habang nakaturo ang isang daliri sa left hand niya sa labas ng bahay.

Bigla tuloy akong nagduda.

“E, nasaan si Totoy?”

“Nakasunod lang naman siya sa ‘kin kanina.” aniya.

Lumabas ako ng bahay at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa bumungad sa ‘kin sa labas. Hindi ko alam kung matatawa ako O maiinis kay Grover.

‘yung maliit na timba ang nandito at kalahating tubig nalang ang laman. Wait, nasaan ‘yung malaking timba?

“Ate Ganda?!!”

Nayari na..

Bitbit ng bata ang malaking timba habang kumakaway sa ‘kin. ‘tong Grover na ‘to, piprisi-prisintang magbuhat ng tubig tapos ‘yung batang kasama pala niya ang mahihirapan. Nako! Nanggigigil ako sa lalaking ‘to.

“Diyan ka lang!” Sigaw ko kay Totoy saka ako tumakbo papunta sa kaniya. “Bakit ba ikaw ang nagbuhat niyan?”

“E, kasi po hindi raw kayang buhatin nu'ng pogi.” aniya na bahagya pang humaba ang nguso. “Nakaka-turn off po siya, Ate Ganda. Ang lampa po pala niya.”

I laughed. I laughed really really hard. “Pagpasensiyahan mo na si Grover kasi ano,” binitbit ako ang balde ng tubig saka naglakad. “Mga rich kid kasi sila ng kakambal niya kaya hindi sila sanay na mag-igib ng tubig katulad natin. Alam mo namang ‘yung ibang mga magulang minsan na mayayaman ay hindi na hinahayaang magtrabaho ng mabibigat ang mga anak nila kasi ayaw nila silang mahirapan kaya intindihin nalang natin si Grover.” Sabi ko.

“Kaya pala ang kinis kinis ng balat nila kasi Rich kid sila.” aniya. “Ate Ganda, kapag yumaman ka, ibili mo ako ng mamahaling sabon para kuminis din ‘tong balat ko ha?”

Marahan akong natawa saka siya kinurot sa braso. “Ambisyosa ka talagang bakla ka.”

Humagikhik siya saka humawak sa braso ko. “Alam mo, Ate Ganda? Parang familiar sa ‘kin ‘yung dalawang bisita mong pogi. Para pong nakita ko na sila dati pa.”

“E, kasi guwapo sila kaya para silang mga artista na sikat. Kaya siguro mukha silang pamilyar sa ‘yo kasi sikat sila.” Paliwanag ko.

“Hays! Siguro nga po.”

“Halika na. Maliligo pa ako kasi may lakad pa ako kasama ‘yung dalawang ‘yun.” Sabi ko. “Doon ka muna sa bahay para may kasama sina Lolo at Lola ha?”

“Opo.”

“Pero magpaalam ka muna sa mga magulang mo para hindi ka nila hanapin.”

“Opo, Ate Ganda.”

Gusto ko rin kasi ‘yung may nakakasama sina Lolo Gaudencio at Lola Maurita sa bahay para hindi sila nababagot.

* * * *

“Aalis na ba kayo, Apo?” Tanong ni Lola sa ‘kin habang nakaharap ako sa salamin at sinisipat ang aking sarili.

“Opo, Lola.”

“Sandali at hihingi ako ng pera sa Lolo mo para— ”

“Lola, huwag na po. May pera pa po ako.”

“Aba'y tinitipid mo naman yata ‘yang sarili mo sa eskwelahan, Apo?”

Umiling ako saka naglalambing na yumakap sa Lola ko. “Hindi naman po, Lola. Hindi lang talaga ako burara sa pera kaya may mga naiiwan sa mga binibigay ninyo ni Lolo na baon ko araw-araw at ‘yun po ang tinatabi ko para gamitin sa mga simpleng pangangailangan ko katulad po ngayon.” Sabi ko.

“Ang bait mo talaga, Apo. Sige na, puntahan mo na ‘yung dalawa sa sala na alam kong kanina pa naiinip sa kakahintay sa ‘yo.” Wika ni Lola na ikinatawa ko saka ako kumalas sa pagkakayakap sa kaniya at muling sinipat ang aking sarili sa salamin. “Sigrid, nasaan ‘yung kuwintas na binigay ko sa ‘yo, Apo? Bakit hindi ko na nakikita diyan sa leeg mo?”

“Nasa bag ko po, Lola.”

“Kunin mo at isuot mo. Sinabi ko naman sa iyong maganda ‘yun sa ‘yo kaya dapat parati iyong nasa leeg mo, Apo.”

Tumango nalang ako at saka ko hinalughog mula sa bag ko ang tinutukoy ni Lola na kuwintas na bigay niya sa ‘kin. Ayaw ko naman siyang magtampo kaya isusuot ko nalang kahit hindi naman nababagay sa akin.

“Akin na at ako na ang magsusuot sa iyo niyan.” wika ni Lola kaya ibinigay ko sa kaniya ang kuwintas. “Alam mo ba kung bakit gusto kong parating nakasuot sa iyo ang kuwintas na ito, Apo?”

“Bakit po?”

“Kulay ginto kasi ito at ang ginto ang sumisimbolo sa pagkatao mo, Apo. Hindi ka man mayaman, wangis ginto naman ang iyong kalooban at iyon ang natatangi mong kayamanan na hindi kayang nakawin ninuman kaya gusto kong ingatan mo ang kuwintas na ito dahil ito ang palaging magpapaalala sa ‘yo na kahit hindi ka pinanganak na mayaman, daig mo naman ang isang tunay na mayaman dahil sa mabuti mong kalooban.”

“Ang lalim naman ng sinabi mo, Lola.” Nakangusong sabi ko na marahang ikinatawa ni Lola. “Pero ‘wag kang mag-aalala, Lola, dahil iingatan ko palagi ang kuwintas na ‘to.” Nakangiting sabi ko. “Salamat, Lola. Mahal na mahal po kita.. kayo po ni Lolo. Mahal na mahal na mahal ko kayong dalawa.”

“Mahal ka din namin, Apo.” Tugon ni Lola na hinaplos pa ang pisngi ko. “Pero bago pa tayo magkaiyakan dito, labasin mo na ang mga kaibigan mo.”

Natawa nalang ako. Hindi ko talaga alam ang buhay ko ngayon kung wala ang mabait, maalaga at mapagmahal kong Lolo at Lola. Sila ang kasiyahan at tanging yaman ko sa mundong ito. Silang dalawa lang.

--
TO BE CONTINUED ..

Continue Reading

You'll Also Like

17K 434 71
LYRICS from 𝗕𝗟𝗔𝗖𝗞𝗣𝗜𝗡𝗞's SONGS. 「 NEW UPDATE: PINK VENOM 」 Blackpink is a South Korean girl group formed by YG Entertainment, consisting of m...
4.8K 130 5
(ON-GOING) BAD BOY SERIES #2 Dulot ng pagkamatay ng mga magulang ni Shiyoon, namulat siya sa marahas at madilim na katotohanang nagtatago sa mundo. N...
66.1K 1.4K 8
Sasha Grucio is Gangster not just an ordinary Gangster because she's the Queen of all Gangsters. Isa siyang rebelde sa Angkan ng Grucio Family, ang a...
9K 1K 37
Tyra Jane Montefalco a spoiled brat, known as queen bee in their school and lastly a bully what if this spoiled brat meet her match. Kairo Miguel San...