THE SWINDLER AND THE BEAST

بواسطة maricardizonwrites

434K 15.8K 597

Napadpad si Belle at ang mga kapatid sa San Bartolome nang tumakas sila mula sa mga taong naloko nila sa Mayn... المزيد

Prologue
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Epilogue

Part 32

11K 411 3
بواسطة maricardizonwrites


SA isang condo unit siya nito dinala. Ayon dito ay matagal na nitong gamit iyon bago pa man nito makuha ang bahay nito sa San Bartolome. Dahil doon daw sa maynila nakabase ang trabaho nito ay doon daw sila titira. Hindi na niya tinanong kung paano na ang bahay nito sa probinsya pero may palagay siyang maaalala lang nito ang mga masasakit na pangyayari sa buhay nito kapag nagtanong siya kaya nanahimik na lamang siya.

Nang makita niyang isa lang ang silid doon ay ninerbiyos siya. Napahinto lang siya sa bukana niyon at napatitig sa nag-iisang malaking kama sa silid.

"Ano pang ginagawa mo diyan?" takang puna nito sa kaniya.

Napakurap siya at napatingin dito nang kunot noong lumapit ito sa kaniya. Nang hindi siya sumagot ay sumulyap din ito sa loob ng silid nito at may bumakas na pag-unawa sa mukha nito. Pagkatapos ay ibinalik nito ang tingin sa kaniya. Napigil niya ang paghinga nang makita niyang bahagyang dumilim ang kulay ng mga mata nito at mas nagkaroon ng intensidad ang titig nito. Pagkatapos ay umangat ang kamay nito ay hinaplos ang pisngi niya sa paraang nagdulot ng elektrisidad sa buong katawan niya.

"Bakit ka ninenerbiyos? It's not as if we haven't done it before," usal nito. Pagkatapos ay ang lumapat naman ang isang kamay nito sa bandang puson niya na muntik na siyang mapatalon. "Kaya nga tayo nandito ngayon hindi ba?" Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ito. Kumislap ang mga mata nito at dumausdos ang kamay nitong nasa puson niya paikot sa baywang niya at hinigit siya palapit sa katawan nito. Nang maglapat ang mga katawan nila ay nanlambot ang mga tuhod niya kaya awtomatikong napakapit siya sa mga braso nito. Narinig niya ang paghigit nito ng hangin, patunay na gaya niya ay apektado ito sa pagkakalapit nila.

"Tell me, have you been this close to any men from that Club?" tanong nito, mahina ngunit matigas ang tinig. Na para bang gusto nitong saktan ang kung sino mang lalaking napalapit sa kaniya ng ganoon.

Umiling siya at tumingala rito. Nagtama ang mga mata nila. "Hindi nila ako pwedeng lapitan. Rule iyon sa Club," bulong niya. Nang hindi ito nagsalita at nanatiling nakatitig lang sa kaniya ay nagsalita siyang muli. "I-ikaw lang ang lalaking nakalapit sa akin ng ganito," usal niya, umaasang paniwalaan siya nito.

Hindi pa rin ito nagsalita ngunit naramdaman niya ang bahagyang pagpisil ng kamay nito sa baywang niya. Pagkatapos ay dumausdos sa batok niya ang kamay nitong humahaplos sa mukha niya.

"Kieran," tawag niya rito.

Bahagyang humigpit ang hawak nito sa batok niya bago bumaba ang mukha nito sa kaniya. Napapikit siya nang lumapat ang mga labi nito sa gilid ng mga labi niya. Magaan lamang iyon sa simula ngunit tila hindi iyon naging sapat dito dahil dumulas ang mga labi nito patungo sa mga labi niya at mariin iyang hinalikan. Humigpit ang kapit niya sa mga braso nito at pinagbigyan ang puso niyang tugunin ang halik nito sa kaparehong intensidad, kahit man lang sa paraang iyon ay maiparamdam niya rito kung ano ang importansya nito sa kaniya. Dahil alam niyang kung idadaan niya iyon sa salita ay hindi ito maniniwala sa kaniya.

May lumabas na marahas na tunog sa mga labi nito na hindi niya mawawaaan kung ano. At hindi na niya nagawa pang analisahin dahil sa isang iglap ay buhat na siya nito. Inakay siya nito papasok sa silid nang hindi pinakakawalan ang mga labi niya. Nang lumapat ang likod niya sa kama nito ay saka lang nito pinakawalan ang mga labi niya. Saglit na nagtama ang mga mata nila. "Then you should get used to being this close to me. Because I'm not a saint as to not let our marriage consummated," usal nito. Bago pa siya makasagot ay muli na nitong sinakop ang mga labi niya sa mas mainit na halik na halos makapagpugto ng hininga niya. Ang mga kamay nito ay nagsimulang humaplos sa katawan niya at sa isang iglap ay unti-unti ng nahubad ang mga saplot niya sa katawan at pinaulanan nito ng halik ang bawat bahagi ng katawan niyang naparaanan ng mga kamay nito.

Napaungol lang siya dahil wala siyang balak pigilan ito. Mahal na mahal niya ito at miss na miss na niya ito na wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang manatiling ganito kalapit dito. Sinabayan niya ang bawat kilos nito. Gumanti at ginaya ang bawat halik. Sinabayan ang tila nagmamadali at magaspang na haplos nito sa katawan niya. Akala niya ay magiging ganoon din ito kagaspang kapag pinag-isa nito ang mga katawan nila. Subalit mali siya. Dahil nang gawin nito iyon ay bumagal ang kilos nito, naging maingat, naging masuyo ang haplos at galaw. Na para bang takot itong masaktan siya nito – o ang laman ng sinapupunan niya.

Nag-init ang mga mata niya at niyakap ito ng mahigpit nang maging ang halik nito sa mukha niya ay naging masuyo. Naisip niya na kung iba lang sana ang sitwasyon nila. Kung hindi sila nagkita na ang intensyon nilang magkakapatid ay lokohin ito at ito naman ay hindi puno ng pait ang puso dahil sa nakaraan nito, kung nagkagustuhan sila sa mas normal na sirkumstansya, nasisiguro niya na magiging masaya siya sa piling nito. Dahil alam niyang magiging isang mabuting asawa at ama ito.

Napapikit siya at napahigit ng hangin nang sabay nilang narating ang rurok. Muli ay maingat ito, himbis na daganan siya ay tumagilid ito at hinatak siya pasandig sa katawan nito. Namigat ang mga mata niya at napabuntong hininga nang maramdaman niya ang masuyong halik nito sa ulo niya. "Sleep," bulong nito na sa unang pagkakataon ay hindi malamig ang tono.

Bahagya siyang napangiti at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. I love you... naisip niya. Humigpit ang yakap nito sa kaniya kaya lalo siyang naging komportable at tuluyan ng nakatulog.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

962K 26.4K 38
Dahil sa isang hindi magandang unang pagkikita ay na-involve ng husto si Ailyn sa magulong mundo ni Riki Montemayor, ang basagulerong prinsipe daw ng...
7.1K 182 22
"Don't compare me to the other woman, Oo langit ako at lupa ka pero ibig sabihin ba 'non hindi tayo pwede. This, this my heart was belong to you. My...
1.3M 30.8K 39
"Kailangan lang palang makilala ko ang tamang babae para gustuhin kong lumagay sa tahimik. Mabuti na lang, nakilala kita." Brokenhearted si Almira na...
1M 34.9K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.