Asungot and Engot: A small Fo...

By AliAmai

6.9K 160 14

More

Asungot and Engot: A small Forever
CHAPTER 1: Baby
CHAPTER 2: Kiss sa Cheeks
CHAPTER 3: Nose Bleed
CHAPTER 4: Nababaliw sayo..
CHAPTER 5: Lutang
CHAPTER 6: Pompyang
CHAPTER 7: Paano Kita Makakalimutan-
CHAPTER 8: Nanghihina ako..
CHAPTER 9: Kinilig Ka eh
CHAPTER 10: Wag Ipagmalaki ang Maliit
CHAPTER 11: Pakilala
CHAPTER 12: Stop In The Name Of Love
CHAPTER 13: Kumakabog-kabog
CHAPTER 14: Manligaw
CHAPTER 15: Don't Need to Pretend Anymore
CHAPTER 16: I'm your Superman
CHAPTER 17: I'll Make Every Second Count
CHAPTER 18: Betrayed
CHAPTER 19: My First Kiss
CHAPTER 20: Mabangis
CHAPTER 21: A Small Forever
CHAPTER 22: Free Taste
CHAPTER 23: Ethina & Vincent
CHAPTER 24: Past and Present
CHAPTER 25: The Transformation
CHAPTER 26: The Past in Future Days
CHAPTER 27: Eavesdrop
CHAPTER 28: Heartache
CHAPTER 29: The Decision
CHAPTER 30: Break-up
CHAPTER 31: Break Down
FINALE: May Forever

CHAPTER 32: Proposal

189 5 0
By AliAmai

CHAPTER 32: Proposal

Rain’s POV

“Iho. Hindi mo ba siya hahabulin? Iiyak ka lang ba dyan buong magdamag?

Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko.. Si Lolo, yung kanina sa Farm. Lumapit siya sakin at inalalayan ako paupo ulit dun sa Bench. Hindi ako makapagsalita. Natulala na lang ako sa kawalan. May mga naririnig akong tunog, alam kong kinakausap ako ni Lolo pero hindi ko maintindihan yung sinasabi niya..

~“Asungot, break na tayo. Tapos na. Tama na. Ayoko na. Maghiwalay na tayo..BREAK.NA.TAYO.”~

“Hanggang kelan mo balak umiyak? Uunahin mo pa ba ang pag-iyak kesa ang paghabol sa kanya?”

Tinignan ko si Lolo..

“Hindi po Lo-- *sniff* Alam ko naman kasi kung bakit niya yun ginawa. Kailangan niya yung gawin para sa kaibigan niyang gusto siyang makasama.”

“Pero sino ba ang mahal niya?”

“Hindi ko po ala—ack!”

Pinitik niya ako sa Noo.

“Anong hindi mo alam? Alam mo higit na kanino, alam niyong dalawa na mahal niyo ang isa’t isa. Para sa kaibigan? Hahayaan mong masaktan siya para lang matulungan niya yung kaibigan na yun? Mahal ka niya diba? Mas pipiliin niya pa ba yung kaibigan na yun? Love is selfish iho.”

“Pero Lo—mas kailangan siya nung taong yun.”

“Sabagay, kaya mo namang huminga ng wala siya..”

Napabuntong hininga ako at napayuko.

“Pero hindi ko kayang mabuhay ng wala siya.”

Hinarap niya ako ulit at pinitik sa Noo.

“Yun naman pala eh. Eh ano pang ginagawa mo dito? Alam mo kung kanino siya mas sasaya.”

Ayoko nalang isipin ang ibang bagay. Basta ang alam ko, mahal na mahal ko si Engot.

“Salamat po Lo..”

Tumayo ako at tumakbo papunta sa dinaanan ni Engot kanina. Akin ang Engot ko. Hindi ko siya ibibigay basta, hindi ko siya bibitawan para sa iba. Ang akin at akin lang. Engot, akin ka lang.

Pagdating ko sa Resthouse.

“Nasan si Engot?” tanong ko kela Mei at Jade na nag-aayos na ng mga gamit nila.

Pero hindi nila ako sinagot, biglang lumabas si Ethina at tinignan ako.

“Umalis na sila ni Vincent. Huli ka na.”

“A-anong umalis?!”

Sinugod ko si Ethina at hinawakan sa magkabilang balikat.

“NASAN SI ENGOT?!”

Hinawakan na ako nila Mei pero hindi sila umiimik.

“BINGI KA BA?! SINABI KO NA AH! UMALIS NA SILA NI VINCENT! HINDI MO NA SILA MAKIKITA! UMALIS NA SILA!”

“SAN SILA PUMUNTA?! SABIHIN MO SAKIN!”

“Rain tama na yan!” –Mei

“Nasasaktan na si Ethina, Rain.”-Jade

Bumitaw ako kay Ethina at lumuhod sa harapan niya..

“Ethina, nagmamakaawa ako, sabihin mo sakin kung nasan sila. Kailangan kong makita si Engot.”

“Iniwan ka na niya Rain. Tama na. Alam mong mas kailangan siya ni Vincent.”

“SABIHIN MO NA PLEASE.”

Pero umiling lang siya sakin at umalis na silang tatlo. Naiwan akong nakaluhod at nag-iisa sa bahay na yun. Walang Engot. Walang Engot na sasama sakin pabalik. Walang Engot na magpapatigil sakin sa pagluha. Walang Engot na magpapatawa sakin. Walang Engot na magsasabi sakin kung gaano niya ako kamahal. Walang Engot, wala na..

~~

Makalipas ang 5 taon..

“Kelan ang balik mo anak?”

“Bukas na po Mom.”

“Hay! Buti naman! Sobrang sabik na kami ng Daddy mo sayo anak!”

Kausap ko ngayon sila Mommy at Daddy through Skype.

“Alam mo naman kasi anak na pwede ka naman naming samahan dyan, ayaw mo lang kami payagan.”

“Nah. Alam niyo namang I want to try being independent. Tsaka Mom, wala naman akong ibang ginawa dito bukod sa Mag-aral.”

“Sure anak?”

“Yes Dad.”

“Ah, akala ko kasi kaya ka lumayo para mag move on.”

Napatigil ako saglit at napangiti. Tinignan ko si Daddy.

“That’s part of it too Dad.”

Nagpaalam na ako sa kanila at pinatay na ang monitor.

Hindi ko na ulit nakita si Engot after nung gabing yun. Hindi na rin ako ulit kinausap nila Mei, Jade at Ethina. Ang alam ko lang sila Engot at Vincent ay nagtransfer sa ibang School, at wala akong ideya kung saan sila nagpunta.

Kaya naman napagdesisyunan ko ng sumuko at mangibang bansa para mag-aral. I pursued Photography sa United States.

Habang nag-aaral, I tried to divert my mind specially my heart sa mga ala-ala namin ni Eng—Charie.

And after finishing my studies, here I am, babalik na ako sa Pilipinas bukas. Sana--- I am really praying hard na sana, if I will be given another chance to see Engot, kung kasama niya pa si Vincent, sana marealize ko na I am already over her. Pero kung—kung may chance pa, sana mabigyan kami ulit ng pagkakataon. I admit it, I never loved anyone else bukod kay Eng---Charie.

**

“RANIER BABY!!!”

Pagkalakad na paglakad ko palang palabas ng Airport narinig ko na ang sigaw ni Mommy. Namiss nga niya ako.

“Anak! Haha! Ang gwapo mo lalo ah! May pinagmanahan ka talaga! Hoho!”

“Missed you guys.”

Niyakap nila ako at pinasakay na sa kotse, pinadala na nila yung mga gamit ko sa bahay. Kakain muna daw kami.

Pagdating sa Resto.

“So how’s your stay in US?”

“Hmm. It’s great Dad. I met a lot of friends, and got some amazing experiences.”

“Ang showbiz naman ng sagot mo anak. Syempre gusto naming malaman kung ano? May bago kabang Girlfriend? Nakabuntis ka ba anak?”

“DAD?! Seriously? Kakagaling ko lang sa mahabang byahe pinagtitripan niyo na kagad ako.”

“Joke lang naman anak. Ikaw naman.”

“I never had any Girlfriends. And because of that I’m freakin’ famous in our Campus. The Boy who let go of all the damsels.” I said sarcastically.

“Kyaahh! Nakakakilig ka naman anak! Kahit saan ka talaga pumunta nagstastand out ka!”

“Gwapo eh.” Sabi ko nalang at kumain na kami ulit.

“Eh kayo? Kamusta naman kayo dito sa Pilipinas?”

“We’re good. We established 4 branches ng Business natin sa Metro Manila and yung iba ay nagbranch out din sa Northern Luzon and Central Visayas.”

“Ah Good. Congrats Mom and Dad.”

“Nga pala anak. May reunion daw kayo ng High School Friends mo. Yung buong batch niyo pala I mean.”

“Oh? Kelan daw? Bat kayo alam niyo? Bakit ako hindi nasabihan?”

“Nasabihan ka. Maybe hindi ka lang nagchecheck ng emails. Pinuntahan pa kami ng ilang mong Colleagues, dahil hindi ka daw nagrereply sa mga messages nila.”

“Ah Baka nga.”

“So pupunta ka ba anak?”

“Titignan ko. May appointment kasi ako sa isang Company eh, matagal na nila akong kinuha, mejo malaki yung company na yun, and kinontact na nila ako kagad kahit na 1 year palang akong nag-aaral ng Photography sa US.”

“Oh.. We’re proud of you anak.” All smiles pa sila. Wow naman.

~~

Pagkatapos kumain, umuwi na rin kami at sa wakas! Nakapagpahinga na rin ako!

Natulog lang ako, at nung kinagabihan, I checked my mails. Mejo madami ngang mails na ang subject ay yung sa Reunion, sa daming yun, isa lang ang binasa ko. Hehe.

*From: Jouveli (President namin dati sa E-3)

Hey! Rainier! Hindi ka naman nagrereply sa mga invites namin sayo! Punta ka ah! Class Reunion lang, sa May 12, **** dun tayo sa Grand Paradise Resort. Asahan ka namin ah? God bless!*

Grand Paradise Resort? Saan naman yun? Pupunta ba ko? Tinatamad ako eh. Wala naman akong mapapala sa pagpunta ko dun. Psh.

Maglilibot ako bukas kaya natulog nalang ako ulit.. Zzzz..

Kinabukasan..

“WOY!”

“GISING!”

“BANGON!”

Anak ng--!

“ANONG GINAGAWA NIYO DITO!?”

Sila Yohann, Gelo, Renz at Calvin nasa Kwarto ko at inuuga uga pa ang kama.

“Nakabalik ka nap ala Captain hindi mo man lang kami sinabihan!”

“Hindi ko naman responsibilidad yun. Wala akong pananagutan.”

“Wow! Big word! Ahaha! Nag-US ka lang lumalim na ang paniniwala mo sa buhay haha!” –Calvin

“Tara gimik tayo!”

“Tara Captain!”

“Ayoko inaantok pa ko.”

“Edi maganda! Tara sumama ka samin gigisingin namin ang katawang lupa mo!”

Hinatak na nila ako at itinulak papasok sa banyo.

*toktok*

“Captain dalian mo dyan! Pag hindi ka pa kumilos kami na magpapaligo sayo sige ka!”

“Yuck!”

Naligo na ako kahit na labag sa kalooban ko, ganun pa rin sila tulad ng dati. And knowing them? Hindi nila ako tatantanan hangga’t hindi nila nakukuha ang gusto nila.

Pagkatapos kong maligo hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataon para kumain, instead hinatak na nila ako palabas ng bahay at isinakay sa kotse. Kidnapping na ata to ah!

Habang nasa kotse..

*PARTY SONG*

Hindi ko talaga alam kung saan nahuhugot ng mga tao ang pagkaparty people nila. Pumunta kami ng Bar at nag Party lang sila maghapon. Grabe.

“VANGAG NA?” Si Calvin sabay Akbay kay Gelo.

“Vangag na.”

“Cheers!” –Yohann

“Psh.” –Renz

“Parteh pipol on da plor! Wuhooo!!” –Calvin

Sabay hubad ng T-shirt niya at takbo sa buong Bar.

Naka ilang shots pa sila bago tuluyang matumba sila Yohann, Gelo at Calvin. Since may Jetlag pa rin ako si Renz na muna ang magdadrive.

“Captain alam mo na ba yung Tungkol sa Reunion?”

“Hmm.” Hindi ko inalis yung tingin ko sa bintana. Tinitignan ko kung may nagbago.

“Saan ba yung Grand Paradise na yun?”

“Madadaanan natin yun. Tututuro ko nalang. Malapit siya dun sa dati niyong subdivision nung bata ka pa. Yung dating Department Store dun, giniba at ginawang Resort. Pool party kasi ang Gusto ng Batch kaya dun nalang daw.”

Dating subdivision namin? Nung bata pa ko? Department store? Sa pagtingin ko sa bintana may napansin akong isang babaeng nakaupo sa bench sa hindi kalayuan,mahaba ang buhok at nakapalda.. Gabi na kasi kaya hindi ko makita ang mukha niya pero nakayuko siya.. May hawak na parang---cotton candy at ice---

“Dyan yung dating Department Store Captain.”

~~

*PYUNG!*

May mga Party Popper na pinasabog nung nagstart ang Reunion.

“Welcome A-1, to E-3!!” –Host

Nagstart na ang party, walang kamatayang kamustahan ang nangyari. Limang taon palang naman kaming hindi nagkita kita. I’m sure marami sa kanila nag-enroll sa AU(Asuncion University) Yes may sarili kaming School pero hindi ako dun nag-aral. Nagkainan at nagkapayabangan na ng mga natapos at naging Career. Yung iba naman nag picture taking na, at halos kalahati ay nag swimming. May mga nag-iinuman din at naglalaro ng Volleyball. Malaki kasi yung Resort at nirentahan to ng Buong Council nung High School.

“Hey Ranier! I’m glad nakarating ka!” –Jouveli

“Yeah. Thanks for inviting me.”

“So anong pinursue mong course?”

“Photography.”

“Wow! Really? Saang University? Hindi kasi kita napapansin sa AU eh.”

“Sa US ako nag-aral.”

“Nice. Oh well, have fun ah! Enjoy yourself. Kamustahin ko lang yung iba.”

Tumango ako at iniwan niya na ako. Nasa tabi lang ako ng isang Cottage, umiinom ng Wine. Tumingin ako sa Relo ko. 7pm na pala.

“Don’t tell me may balak ka na kagad umalis?” Napatingala ako at tinignan kung sino yung nagsalita.

“Mei?”

“Wow! You found him!” then si Jade.

“Hey.” –ako

“Gumwapo ka lalo ah! Musta?” kumuha sila ng cocktail at tumabi sakin. Pinanuod namin yung mga kabatch naming Wild masyado.

“Doing Good.”

“Moved on?”

“Do I need to answer that?”

“Uhm.. Yes?”

Pumunta ako sa Reunion. Hoping na magawa ko siyang harapin ulit. Na magawa ko siyang tignan ulit sa mata after all these years. Nung gabing yun, alam kong siya yung nakita kong nakaupo sa Bench.. Pero hindi ko pinatigil yung kotse. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya haharapin at kakausapin. Naramdaman ko lang na siya yun, and with that chance na mahawakan siya ulit, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ako makapag-isip ng tama. Kaya I decided not to show up.

*Flashback*

“Dyan yung dating Department Store Captain.”

Bigla akong kinabahan nang marealize kong possibleng si Engot yun.

“Ititigil ko na ba? Gusto mo bang puntahan siya? Lagi siyang nandyan.”

“What do you mean lagi?”

“Araw-araw. Dito ang Route ko for work so lagi akong napapadaan dito. And she’s always there.”

“W-wala na ba sila ni Vinc—“

“Its either of the Two. Bababa ka at tatanungin siya, or wait until the Reunion.”

“Drive.”

*End of Flashback*

“Sorry for what we did Last 5 years. Hindi lang din namin alam kung saan kami lulugar. Chacha told us na wag sabihin kung nasan sila. But believe us, gustong gusto ka naming tulungan. But Ethina, Vince and Chacha Begged to keep our mouth shut.”

“I understand.”

I f*cking don’t understand. Why are these people so Unfair?!

Maya-maya pa..

“ETHINAAAAA!!!” sigaw ng ilang mga babae sabay salubong kay Ethina na mag-isang dumating. She gave them a smile, pero nung nakita niya ako, yung ngiti niya ay biglang nawala.

Hindi siya lumapit samin at iniwasan niya lang ako ng tingin. Few minutes after that, lalong lumakas ang sigawan..

“HERE THEY ARE!”

“OH MY GOD!”

“TOTOO NGA!”

“They got those rings!”

May isang lalaki at isang babae ang sabay na dumating, holding each others hands.

Ako dapat yun. Ako dapat yung nakahawak sa kamay niya. That should be me.. Why Engot..

“Akala ko may taning na ang buhay niya, nagpa heart transplant ba siya?”

“Na-uh. Hindi ah. Baka naextend lang.” rinig naming bulungan ng ilang mga babae.

“Masakit pa rin ba?” Tanong sakin ni Mei na halata ang pag-aalala. Ngumiti nalang ako sa kanya at dahan dahang tumango. Aaminin ko naman yun. Sobrang sakit pa rin. Lalo pa ngayon. Nasa harapan ko silang dalawa. Halatang masaya. At limang taon ng magkasama. Baka nakalimutan niya na ako. Ang tanga ko naman kasi para umasa na meron pa akong babalikan.

*Ting ting ting*

Nagpatawag ng Atensyon ang President ng A-1 at pinalapit kaming lahat.. At dun na nagtama ang paningin namin.. Ni Charie..

*Dugdug..dugdug..*

*Dugdug..dugdug..*

*Dugdug..dugdug..*

~“Ano bang nangyari sayo?! Anong pinag-uusapan niyo nung Doktor? Anong Kume ‘K’? Ano yun ha?!—hoy namumula ka!”

Hinawakan niya yung mga pisngi niya at yumuko siya.

Teka—nagpapacute ba siya?! Yuck.

“Kumakabog.”

Kumakabog?

“Ha? Anong kumakabog?”

“Tanga! Diba tinatanong mo kung anong K yung pina-uusapan namin ni Doc?! Yun na yun! Kumakabog!”

“Tanga ka rin! Tinatanong ko nga kung ano yung kumakabog?! Bubu mo!”

“Yung paa ko kumakabog! Letsugas! Ano bang parte ng katawan ang kumakabog madalas?! Diba puso?! Pwede bang kumabog ang ngipin?! Mata?! Daliri?! Baga?! Ano?! Shunga nito. Tsk.”

“EH BAKIT NGA KUMAKABOG YANG PUSO MO?!!”

“EWAN KO SAYO! SAYO LANG NAMAN AKO NAGKAKAGANITO!”~

Sayo lang din naman ako nagkakaganito Engot. Ikaw tingin mo palang ganito na ang nararamdaman ko. Paano pa kaya kung makasama kita ulit. Hindi ko pa rin pala kaya. Hindi ko pa kayang kalimutan ka. Hindi na ata maaalis sa sistema ko ang pagmamahal ko sayo.

“Calling the Attention of Everyone! May announcement daw si Mr. Vincent Sarmiento!” Pumunta sila Vincent at Charie sa stage.. Anong sasabihin nila?

 

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
802K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
777K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...