CHAPTER 1: Baby

499 7 0
                                    

CHAPTER 1: Baby

Charie’s POV

 Hello sa lahat! Ang cute talaga ni Tweety! Hehe pinagmamasdan ko ngayon ang aking katangi-tanging alaga na si Tweety! Tweety the dog. Weird ba? Ganon talaga kasi I’m not one of those ordinary girls out there na ipapangalan sa tao ang aso nila. Ang ganda ko naman pala no haha! Nandito ako ngayon sa Vinchy Rehabillitaion Center, matagal na ko dito, simula nung nangyari madaming years ago na. 23 yrs old na nga pala ako ngayon.Syempre nandito ako para ibahagi sa inyo ang aking kwentong pag-ibig.

 **Madaming years ago nakakilala ako ng batang lalaki na kakaibang tunay! Napakayabang, napakamapanghusga, napakakulit, at napakasungit. BATA PALANG SIYA NON AH!

12 years old ako ‘non. Hindi ko talaga inaasahan yung eksena na yun,kung paano kami nagkakilala. Sabihin na nating nagkalovelife nga ako sa kanya, kaso naman, kailangan ko pa bang malagay sa bingit ng kamatayan para lang makilala ko siya? Pero wala eh, nangyari na.

Sabi nga sa isang palabas sa TV na pinapanuod ko.

“Ganun naman talaga diba? Magmamahal tayo, magiging masaya, at pagkatapos ay masasaktan, at mabibigo rin sa huli.”

Ang pangalan ko ay Charie Louise Engki. At ako’y isang simpleng mamamayan lang ng Pilipinas. School-bahay, ganyan lang ang buhay ko. Hindi ako palakaibigan. Hindi ako matalino. Madrama lang haha! First year High School sa isa sa mga Public Schools dito sa lugar namin.

 Oh well nalukot na papel, kahit nabaon ang utak ko sa pinakamalalim na balon. Lumulutang naman sa sobrang halata ang aking ka---baitan. Kasi mabuti akong nilalang.

  Mukha ko? Wag niyo ng itanong. Pero dahil trip ko at para akong timang sasabihin ko pa rin kung gano ako kapalad. Mukha akong sikong maitim na tinubuan ng mukha bute nalang talaga marunong akong maligo.

Ngayong araw, titingin ako ng mga gamit ko para sa school. Naubos na kasi yung recycled notebooks na inayos ko pa mula last school year para magamit ko ngayong taon. Gusto man akong samahan nila Mama, hindi na nila ko masasamahan kasi busy sila ni Papa, pero ok lang. May malapit namang department store samin eh. Isang sakay lang, tapos konting kembot lang. Tenen! Nasa Depaartment store ka na! At eto na nga.

Nagtingin tingin muna ako sa mga nakadisplay sa labas.

 Papasok na sana ako. Kaya lang may lumapit sakin. Isa gwapong batang lalaki, posible kayang eto na ang kapartner ng kaluluwa ko?

"HOY!"  tinuro niya ko.

"A-ko ba?"  tinuro ko rin yung sarili ko.

"Pwede ko bang kausapin yung pader?! Tss.. Ikaw! MALAMANG!"

 Hala ka! Anung problema nito?! Inaano ko siya?!

"B-bakit?"

 Tinuro niya yung bintana ng DS Tapos tumingin uli siya sakin?

"HINDI KA BA MARUNONG MAGBASA?! Di mo yan nakikita?! NO.PETS.ALLOWED! Bawal ka dito! Wahahahahahahahahaha!"

Anu bang problema niya?

"*sniff* *sniff* ADIK!" Sabay takbo ko palayo dun.

Bastusing bata! Binabawe ko na. HINDI KAMI PWEDENG MAGING MAGKAPARTNER NG KALULUWA! NE MAGING MAGKAIBIGAN! HINDING HINDE!!

Grrrr..!

 Tatawid na sana ako nang sumigaw nanaman yung epal na bata..

"HOY!! Hoy batang mukhang BUKAYO! Hintay naman! Sorry na kalyo! Este--ganda! Uuummp!"

 Ganon? Sabay nabilaukan?! Hangsama! 

*EEEEEEEEENNNNNNNGGGGGGGG!!!!*

 Napapikit ako sa narinig ko.. Naramdaman ko nalang na nakahiga na ko sa sahig at may kung anung napakabango akong naaamoy.. Hmm!

Asungot and Engot: A small ForeverKde žijí příběhy. Začni objevovat